You are on page 1of 7

Panitikan: Anyong Patula

Posted on 11/16/2011 | 4 Comments


Ang mga anyong patula ay may apat na uri. Ito ay mga sumusunod: tulang
pasalaysay, tulang paawit o liriko, tulang dula o pantanghalan, at tulang
patnigan.
I . Ang tulang pasalaysay ay naglalarawan ng mga tagpo o pangyayaring mahahalaga sa buhay. Ito ay may
tatlong uri – ang epiko, awit at kurido, at balad.
Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Nauukol ito sa kababalaghan at pagtatagumpay ng
pangunahing tauhan laban sa mga panganib at hamong kanyang natatanggap. Ang mga nagsulat nito ay
naglayong gamitin ito sa ritwal. Ang Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang) ay isang halimbawa ng epiko.
Isinulat ito ni Pedro Bukaneg ng taga-Abra. Ito ay kilala bilang pinakamatandang epikong naitala. Nakasulat
ito sa salitang Iloko at tungkol sa mga pambihirang pakikipagsapalaran ni Lam-ang, ang pangunahing tauhan
ng epiko. Si Lam-ang daw ay binigyan ng di-pangkaraniwang lakas at pananalita nang ipinanganak. Isa pang
halimbawa ng epiko ay ang tungkol sa Ifugao na si Hudhud. Ang epikong ito ay kinakanta tuwing may
importanteng mga kasayahan, katulad ng anihan at pagtatanim.
Ang mga paksa sa awit at korido ay tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga pangunahing
tauhang mga reyna’t hari, prinsesa’t prinsipe. Ang awit ay may 12 ang sukat ng pantig, habang ang korido
naman ay may 10 ang sukat. Ang Florante at Laura ay isang halimbawa ng awit, at ang mga sumusunod ay
halimbawa ng korido: Ang Ibong Adarna, at Buhay na Pinagdaanan ni Donya Mariang Asawa ng Ahas.
Ang balad ay tulang inaawit habang may nagsasayaw. Ginawa ito noong matagal nang panahon. Mayroon
itong anim hanggang walong pantig. Isang halimbawa nito ay balitaw. Ang balitaw ay debateng awit at sayaw
tungkol sa pagmamahalan ng isang babae at isang lalaki.
II. Ang tulang paawit o liriko ay mayroon ding iba’t ibang uri. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Awiting Bayan – ang mga ito ay mula pa sa mga ninuno natin at magpahanggang ngayon ay kinakanta o
inaawit pa rin natin. Pangunahing halimbawa ng awiting bayan ay ang Lupang Hinirang, ang Pambansang
Awit ng Pilipinas. Iba pang halimbawa ay ang Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo at ang
Paruparong Bukid.
2. Soneto – ang tulang ito ay tungkol sa damdamin at kaisipan. Ito ay may 14 na taludtod. Dito ay may
mapupulot na aral ang mambabasa. Ang halimbawa ng soneto ay ang Sonnet on Worker’s Rights ni Amado M.
Yuson na isinalin sa wikang Filipino ni Joey A. Arrogante. Ito ay pinamagatang Soneto sa mga Karapatan ng
Mga Manggagawa.
3. Elehiya – ang tulang ito ay patungkol sa kamatayan o sa pagdadalamhati lalo na sa paggunita sa isang
sumakabilang-buhay na. Isang halimbawa ng elehiya ay ang isinulat ni Bienvenido A. Ramos na may pamagat
na Awit sa Isang Bangkay.
4. Dalit – kilala ito bilang awit sa pagsamba sa mga anito. Ngayon, ito ay awit ng papuri sa Diyos o kaya ay sa
Birheng Maria na ina ng Diyos o sa relihiyon.
5. Pastoral – mga tulang tungkol sa buhay sa bukid.
6. Oda – ito ay isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin. Walang tiyak na bilang ang pantig at
taludtod.
III. Ang tulang dula o pantanghalan ay may limang uri. Ito ay ang sumusunod:
1. Komedya – ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang panonood sa pamamagitan ng mga ginagawa ng
pangunahing tauhan. Ang wakas nito ay masaya. Ang kaguluhan sa bandang simula ay naaayos. Ang
pagkakasundosundo ng mga tauhan ang nakapagpapasaya sa mga nanonood. Isang halimbawa ng komedya na
isinulat ni Juan Crisostomo Soto (o Crissot), na tinaguriang “Ama ng Panitikang Kapampangan” ay ang
komedyang Kiki-Riki, isang komedyang nakasulat sa Kapampangan at may isang yugto.
2. Melodrama – ginagamit ang tulang ito sa mga dulang musikal. Isang halimbawa nito ang Sarimanok na
isinulat ni Steven Prince “Patrick” C. Fernandez.
3. Trahedya – nauuwi ang dulang ito sa malagim o malungkot na wakas. Isang halimbawa ng trahedya ay Ang
Trahedya sa Balay ni Kadil na isinulat ni Don Pagusara.
4. Parsa – ang parsa ay nakapagpapasiya sa mga nanonood dahil sa mga dugtong-dugtong na mga
pangyayaring nakatatawa.
5. Saynete – ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mga tao.
IV. Ang tulang patnigan naman ay may tatlong uri. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Karagatan – ginagamit ang tulang ito sa laro, kadalasan tuwing mayroong namatay. Kunwari ay may
matandang tutula tungkol sa dahilan ng laro. Tapos ay paiikutin ang isang tabong may tanda. Kapag huminto
ang tabo sa pag-ikot, ang matatapatan nito ay tatanungin ng dalaga ng mga salitang matatalinhaga o
makahulugan. Ang larong ito ay nagmula sa isang alamat ng isang prinsesang naghulog ng singsing sa
karagatan. Ang sinumang binatang makakuha ng singsing ay siya niyang pakakasalan.
2. Duplo – ito ang pumalit sa karagatan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katwiran nang
patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay madalas laruin tuwing
may lamay sa patay.
3. Balagtasan – ang balagtasan naman ang pumalit sa duplo. Ito ay debate na binibigkas nang patula.
Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Pinatanyag ito ng “Hari ng
Balagtasan” na si Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute).
Mula sa: http://eskwela-apc-nstp.wikispaces.com/file/view/Panitikang+Pilipino.pdf
https://pilipinasatbp.wordpress.com/2011/11/16/panitikan-anyong-patula/
Iba’t Ibang Panahon ng Panitikang Pilipino

Sinaunang Panahon

– May sarili nang panitikan ang ating mga ninuno sa panahong ito
– Alibata ang kadalasang ginagamit
– Gumagamit din sila ng mga biyas ng kawayan, talukap ng bunga o niyog at dahon at
balat ng punungkahoy bilang sulatan at matutulis na bagay naman bilang panulat

Mga uri ng Panitikang sumibol at sumikat sa sinaunang panahon:


– ALAMAT
– KWENTONG BAYAN
– EPIKO
– a. Bidasari – Moro
– b. Biag ni Lam-ang – Iloko
– c. Maragtas – Bisaya
– d. Haraya – Bisaya
– e. Lagda – Bisaya
– f. Kumintang – Tagalog
– g. Hari sa Bukid – Bisaya
– 4. Mga Awiting Bayan
– 5. Karunungan Bayan
– a. Salawikain – nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga
ninuno.
– hal. Aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo.
– b. Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan
– hal. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
– c. Bugtong – maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang
pahuhulaan.
– hal. Isang tabo , laman ay pako. (langka)

Pananakop ng Kastila

Mga Impluwensya ng Kastila sa ating Panitikan:


1. Nahalinan ng Alpabetong Romano ang Alibata
2. Naituro ang Doctrina Cristiana
3. Naging Bahagi ng Wikang Filipino ang maraming salita sa Kastila
4. Nadala ang ilang akdang pampanitikan ng Europa at tradisyong Europeo na naging
bahagi ng ating panitikan gaya ng awit, corido, moro-moro at iba pa.
5. Nasinop at nasalin ang makalumang panitikan sa Tagalog sa ibang wikain
6. Nailathala ang iba’t ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino tulad ng Tagalog,
Ilokano at Bisaya
7. Nagkaroon ng makarelihiyong himig ang mga akda
Mga Unang Aklat:
a. Ang Doctrina Cristiana (1593) – Padre Juan de Placencia at Padre Dominga Nieva
b. Nuestra Senora del Rosario (1602) – Padre Blancas de San Jose
c. Ang Barlaan at Josaphat (nobelang Tagalog) – Padre Antonio de Borja
d. Ang Pasyon – iba’t ibang bersyon sa Tagalog (Mariano Pilapil, Gaspar Aquino de
Belen, Anecito de la Merced at Luis de Guia)
e. Ang Urbana at Felisa – Modesto de Castro (Ama ng klasikang tuluyan sa Tagalog)

Mga Akdang Pangwika:


a. Arte Y Reglas de la Lengua Tagala
b. Compendio de la lengua Tagala
c. Vocabulario de la Lengua Tagala
d. Vocabulario de la Lengua Pampango
e. Vocabulario de la Lengua Bisaya
f. Arte de la Lengua Bicolana
g. Arte de la Lengua Iloka

Mga Dulang Panlibangan


1. Tibag 7. duplo
2. Lagaylay 8. kurido
3. Sinakulo 9. saynete
4. Panubong 10. karagatan
5. Karilyo 11. sarswela
6. Moro-moro

Panahon ng Pagbabagong-isip (Propaganda)

– Ang diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at humihingi ng pagbabago sa


sistema ng pamamalakad sa pamahalaan at simbahan
– Pagpasok ng diwang liberalismo

Mga Propagandista:
a. Dr. Jose Rizal/ Laong Laan at Dimasalang (“Noli at El Fili)
b. Marcelo H. Del Pilar (Palridel, Piping Dilat at Dolores Manapat) – Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa, Kaiigat Kayo at Tocsohan
c. Graciano Lopez Jaena (Fray Botod, Sa Mga Pilipino atbp)
d. Antonio Luna (Noche Buena, Por Madrid atbp)

Panahon ng Amerikano

1. Maalab ang diwang makabayan na hindi na magawang igupo ng mga Amerikano


2. Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang iba’t ibang larangan ng panitikan tulad ng
tula, kwento, dula, sanaysay, nobela atbp.
3. Pag-ibig sa bayan at pagnanais ng kalayaan ang tema ng mga isinusulat
4. Namayani sa panahong ito ang mga akda sa wikang Kastila, Tagalog at wikang
Ingles
5. Pinatigil ang mga dulang may temang makabayan
6. Sa panahong ito nailathala ang babasahing Liwayway
7. Pinauso rin ang balagtasan katumbas ng debate
8. Nagkaroon/Nagsimula ang pelikula sa Pilipinas

Mga Pahayagan:
1. El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) ni Sergio Osmena (1900)
2. El Grito del Pueblo (Ang Sigaw ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete (1900)
3. El Renacimiento (Muling Pagsilang) – itinatag ni Rafael Palma (1900)

Mga Dulang Pinatigil:


1. Kahapon Ngayon at Bukas – Aurelio Tolentino
2. Tanikalang Ginto – Juan Abad
3. Walang Sugat – Severino Reyes

Ilang kilalang manunulat sa Kastila na sumikat:


1. Cecelio Apostol
2. Fernando Ma. Guerrero
3. Jesus Balmori
4. Manuel Bernabe Manalang
5. Claro M. Recto

Ilang kilalang manunulat sa Wikang Tagalog:


1. Lope K. Santos
2. Jose Corazon de Jesus
3. Florentino Collantes
4. Amado V. Hernadez
5. Valeriano Hernandez Pena
6. Inigo Ed Regalado

Panahon ng Hapon

1. Natigil ang panitikan sa Ingles kasabay ng pagpatigil ng lahat ng pahayagan


2. Gintong Panahon para sa mga manunulat sa wikang tagalog
3. Ipinagbawal din ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Ingles
4. Ang paksa ay natutungkol sa buhay lalawigan
5. Napasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalan
6. Nagkaroon ng krisis ng papel kaya hindi masyadong marami ang akdang naisulat
Tatlong Uri ng Tula na sumikat sa panahon ng Hapon
1. Haiku
2. Tanaga
3. Karaniwang Anyo

Ilang Dula na sumikat sa panahon ng Hapon


a. Panday Pira – ni Jose Ma. Hernandez
b. Sa Pula sa Puti — Francisco Soc. Rodrigo
c. Bulaga – ni Clodualdo del Mundo
d. “Sino ba Kayo?” “Dahil sa Anak” at “Higanti ng Patay” ni NVM Gonzales

Ilang Mahusay na Maikling Kwento


a. Lupang Tinubuan (Narciso Reyes)
b. Uhaw ang Tigang na Lupa (Liwayway Arceo)
c. Lunsod Nayon at Dagat-dagatan (NVM Gonzales)

Bagong Kalayaan 1945 – 1972

– Sumigla muli ang panitik sa Pilipinas


– Naging paksain ang kabayanihan ng mga gerilya, kalupitan ng mga Hapon, Kahirapan
ng pamumuhay noon atbp
– Nabuksang muli ang mga palimbagang naipasara dahil sa giyera
– Naitatag ang Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature noong 1950
– Nagkaroon din ng Republic Cultural Award, Gawad ni Balagtas at Taunang Gawad ng
Surian ng Wikang Pambansa
– Sumigla rin ang pagkakaroon ng pahayagan sa mga paaralang pangkolehiyo
– Nagbukas rin ang palimbagan ng lingguhang babasahin: Liwayway, Bulaklak,
Tagumpay, Ilang-ilang atbp

Ilang Samahang Naitatag para sa Panitikang Filipino:


Taliba ng Inang Wika (TANIW)
Kapisanan ng Diwa at Panitik (KADIPAN)
Kapisanan ng mga Mandudulang Pilipino (KAMPI)
Ilang Samahang Naitatag para sa Panitikang Ingles:
Philippine Writers Association
Dramatic Philippines
Philippine Educational Theater Association (PETA)
Arena Theater
Barangay Writer’s Guild
Batas Militar 1972 – 1986

– 1972 idiniklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand


Marcos
– Paksa ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at lipunan
– Pagsisimula ng programang Bagong Lipunan noong Setyembre 21, 1972
– Pinahinto ang mga pampahayagan at maging samahang pampaaralan
– Pagpapatatag ng “Ministri ng Kabatirang Pangmadla” (sumubaybay sa mga
pahayagan, aklat at mga iba pang babasahing panlipunan)

Kasalukuyang Panahon

– Isa pang makulay na kabanata ng panitikang Pilipino


– Namumulat ang mamayang Pilipino sa kahalagahan ng pambansang wika
– Marami na ang sumusubok na sumulat gamit ang kanilang sariling vernakyular
– Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang isusulat
– Malaki ang impluwensiya ng teknolohiya at agham
– Malayo na rin ang naaabot ng media
– Kahit sa mga telebisyon nagbabago na rin ang wikang ginagamit
– Hindi lamang pamapanitikan ang uri ng salitang ginagamit ngunit mapapansin na may
mga akda na gumagamit na rin ng pabalbal, kolokyal at lalawiganin

You might also like