You are on page 1of 3

Maikling Kuwento

 Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni at bungang isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
 Ito ay nababasa sa isang tagpusan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng
diwa o damdamin ng may kaisahan.
 Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
 May kapayakan at kakauntian ng mga tauhan.
 Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.

Uri ng Maikling Kwento


 Kuwento ng Tauhan – inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag unawa sa kanila ng misang mambabasa.
 Kwentong Katutubong Kulay - binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan,
ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
 Kuwentong Sikolohiko - ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap
ng isang pangyayari at kalagayan.
 Kuwento ng Katatakutan - ito ay mga pangyayaring kasindak- sindak.
 Kuwentong bayan - nilalahad ang mga kuwentong pinag- uusapan sa kasalukuyan ng buong
bayan.
 Kuwento ng Kababalaghan - pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
 Kuwentong Pakikipagsapalarang - nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.
 Kuwento ng katatawanan - nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
 Kuwento ng pag-ibig - tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao

Elemento ng Maikling Kuwento


1. Panimula – dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa at dito rin kadalasang pinapakilala
ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
2. Saglit ng Kasiglahan – naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
3. Suliranin – problemang haharapin ng tauhan.
4. Tunggalian – may apat na uri ito, tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao
laban sa kapaligiran o kalikasan.
5. Kasukdulan – makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasaiwan ng kanyang
ipinaglalaban.
6. Kalakasan – tulay sa wakas.
7. Wakas – ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
8. Tagpuan – nakasaaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin
ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
9. Paksang Diwa – pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
10. Kaisipan – mensahe ng kuwento.
11. Banghay – pagkakasunod ng pangyayari sa kwento.

Bahagi ng Maikling Kuwento


1. Simula – ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng
pangunahing tauhan.
2. Gitna – nakapaloob sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan.
3. Wakas – ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-
unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigiting na pangyayari sa kasukdulan at katapusan
ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento.
Mga iba pang Panitikang Pilipino

Panitikang Ilokano
 o tinatawag rin itong panitikang iloko. Ang panlaping “i” ay nangangahulugang “mula sa” o “ilog”.
At ang “loko” naman ang ibig sbhin ay “bayan sa kapatagan”.
Ilokano – tawag sa lipi ng mga taong naninirahan sa mga lalawigan ng region I (
Samtoy – tawag sa wika ng mga ilokano. “Saomi daytoy” o “Wika namin ito”.
Kurditan – tawag sa panitikan ng mga ilokano na ang ibig sbhin ng “Kurdit” ay “Sumulat”.
Pedro Bukaneg – kilala siya sa taguring “Ama ng Panitikang Ilokano”.
Leona – siya ang unang makatang babae ng Ilocus Sur.

Uri ng Panitikang Ilokano


1. Mga Kantahing Bayan
 Pinagbiag – ang mga awiting nagpapahayag ng kaisipan at saloobin. Ito rin ay awiting
nagpapahayag ng kuwento.
 Dallot – ito ay awit sa mga kasalanan, binyagan at iba pang pagititpon habang sinasaliwan
ng sayaw at pagbibigay payo sa bagong kasal.
 Badeng – isang awit ng pagibig na kadalasang ginagamit ng mga kalalakihan sa
paghaharana.
 Dung-aw – isang panaghoy sa namatay kasabay ang pagsasalayasay ng buhay nito mula
sa pagkasilang hanggang sa kamatayan.
 Arinkenken – paligsahan ito ng mga lalaki’t babae sa kasalanan, ang tema nito ay tungkol
sa karapatan at responsibilidad na haharapin ng baong mag-asawa.
 Hele – ito ay awiting pambaya na naglalaman ng pag asa tungo sa maganda kinabukasan
ng bata.
2. Salaysaying Bayan
 Alamat – tumutukoy sa pinagmulang ng isang bagay o pook.
Halimbawa:
 Ang Alamat ng Bigas
 Alamat ng Pinaupong Bangkay
 Bakit Umakyat sa Damo ang mga Suso? Ni Jose Tomeldan ng Binalonan,
Pangasinan.
 Kwentong Bayan – ito ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na
lalaki o kaya sa isang hangal na babae.
Halimbawa:
 Si Juan Tamad
 Ang gintong tuntunin
 Ang tatlong magkakapatid na Lalaki
 Epiko – ito ay tulang pasalaysay nagsasaaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan at
nagtataglay rin ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao.
Halimbawa:
 Biag ni Lam-ang ni Pedro Bukaneg
3. Karunungang Bayan
 Burburtia o Burtia – ito ang katumbas ng bugtong sa Tagalog. Kadalasan tinatalakay nito
ang kapaligiran at tinatawg na tulang-kopla at sinasabyan ng ritmo o indayog. Pabitla
tawag ng mga pangasinan.
Halimbawa:
 Sangapulo iti mangiyawat, Taltallo iti mangawat. Kung sa tagalog ay, Sampu ang
nagaabot, tatatlo ang sumasalo. (Pagsasaing)
 Macaluto ng aoan init, Agasok uray nalamiis. Kung sa tagaloy ay, Nakaluluto’y
walang init, umaaso kahit malamig. (Yelo)
 Pagsasao – sawikain sa tagalog, may aral at binibigkas ng patula.
Halimbawa:
 Ti lubong ket suwitik, sa tagalog ay “Ang mundo’y mandaraya”.
 Ti adda siniglot na isu ti adda bukraenna, sa tagalog ay “Kung sino ang
nagbuhol, siya ang magkakalos.”
 Arasaas – ginagamit ito ng mga ilokano sa paghingi ng paumanhin sa mga lamanlupa,
maligno at mga espiritung hindi nakikita. Katumbas ito ng bulong sa tagalog.
Halimbawa:
 Kaasiam Apo! , sa tagalog ay “Kawaan mo”
 Allwem Apo! , sa taglog ay “iahon”

4. Akdang Ukol sa Wikang Iloko


 Arte de la Lengua Iloca – ito ang kauna-unahang akdang pangwika tungkol sa wikang
iloko na sinulat ni P. Francisco Lopez noong 1627.
 Vocabulario de la Lengua Iloco – ito ay isang diksyunaryo at gramatika sa wikang iloko
na isinulat din ni P. Francisco Lopez noong ika-18 dantaon ng ilang pari.
 Gramatica Hispano – ito ay ilocana at diccionario hispano, isinulat ni Gabriel Vivo y
Juderias nong ika-19 dantaon.
 Estudio de las Antigua Alfabitos Filipinos – ito ay sinulat ni P. Marcilla at nilamabag
noong ika-19 dantaon.

You might also like