You are on page 1of 23

LAYUNIN

1. Naiisa-isa ang iba’t ibang uri ng


Panitikan.
2. Naihahambing sa isa’t isa ang
dalawang uri/anyo ng
Panitikan.
3. Napayayaman ang kaalaman
tungkol sa Panitikang Filipino.
RIVERSE
POETRY
PANITIKAN
-pagsulat ng tuwiran at tuluyan
-Sumasalamin sa buhay,
pamumuhay, lipunan,
pamahalaan, pananampalataya at
mga karanasan ng mga Pilipino.
Anyo ng Panitikan
1. TULUYAN
2. PATULA
1. TULUYAN
 Pagsasalaysay nang tuloy-tuloy at nasusulat sa
karaniwang takbo ng mga pangungusap.

MGA AKDANG TULUYAN


URI:
1. Mito/Mitolohiya
 Kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng
mga sansinukuban, kalipunan ng iba’t ibang
paniniwala sa mga Diyos at Diyosa. (Kuwento ng
tao at ng mga mahiwagang nilikha).
2. Alamat
 Kuwento o salaysay na nagpasalin-salin sa
bibig ng mga tao at karaniwang tungkol sa
pinagmulan ng isang bagay.
3. Anekdota
 Kuwento o salaysay na ang pangyayari ay
hango sa tunay na karanasan, nakawiwili
at kapupulutan ng aral.
Hal.
 Ang Tsinelas-ni Jose P. Rizal
4. Sanaysay
 Salaysay na tumatalakay sa isang tanging
paksa na maaaring pormal o di-pormal ang
paglalahad.

5. Talambuhay
 Kuwento o salaysay ng buhay ng isang tao
6. Pabula
Kuwento o salaysay na ang karaniwang
nagsisipagganap ay mga hayop. Nag-iiwan ito
ng magandang aral sa mambabasa.
Hal. Ang Pilandok at Ang Tigre

7. Parabula
 Isang maikling kuwentong may aral na
hango sa Bibliya.

Hal. Ang Alibughang Anak


8. Dula
 Kuwento na sinulat para itanghal sa
entablado, may mga tauhang gumaganap
na naglalarawan ng buhay o ugali ng tao.

9. Maikling-kuwento
 Kuwento o salaysay na nag-iiwan ng isang
impresyon o kakintalan sa mambabasa.
10. Nobela
 Kuwento na mahaba,maraming tauhan,
tagpuan at nahahati sa mga kabanata.

11. Talumpati
 Salaysay na isinulat upang bigkasin sa harap
ng maraming tao na may layuning umakit,
humikayat magpaliwanag at iba pa.
12. Balita

 Paglalahad ng mga pang-araw-araw


na pangyayari sa kapaligiran sa loob
at labas man ng bansa.
2. `PATULA
 Yaong mga nasusulat nang may sukat,
tugma, taludtod at saknong.

A. TULANG PASALAYSAY
URI:
 Ang tulang pasalaysay ay
naglalarawan ng mga tagpo o
pangyayaring mahahalaga sa buhay.
1. Epiko
-Nagpapakita ng kabayanihan,
katapangan at pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan na ang mga
pangyayari ay di kapani-paniwala at
punumpuno ng kababalaghan.
Hal. Biag ni Lam-Ang ( Ilokano) , Ibalon
( Bikol ), Indarapatra at Sulayman
( Maguindanao ).
2. Awit at Korido
- Ito ay tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran ng mga pangunahing tauhang
mga reyna’t hari, prinsesa’t prinsipe.

Pagkakaiba ng Awit at Korido


 Awit- Nahahati sa 12 pantig at binibigkas nang
marahan.
 Hal. Florante at Laura
 Korido-Nahahati sa 8 pantig at mabilis kung
ito’y bigkasin.
 Hal. Don Juan Tenoso at Ibong Adarna
3. Balad

-Tulang inaawit habang may nagsasayaw.


Hal. Balitaw – awit at sayaw ng ng
pagmamahalan ng isang babae at lalaki
 
B. TULANG PAAWIT O LIRIKO

1. Awiting Bayan
-Tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin,
kaugalian, paniniwala, karanasan, gawain o hanap-
buhay ng mga taong naninirahan sa isang pook.
Hal. Lupang Hinirang, Leron Leron Sinta, Bahay
Kubo
2. Soneto
-Tulang liriko na may 14 na taludtod at naglalaman
ng damdamin at kaisipan.

Hal. Sonnet on Worker’s Rights ni Amado M.


Yuson na isinalin sa wikang Filipino ni Joey A.
Arrogante. Ito ay pinamagatang Soneto sa mga
Karapatan ng Mga Manggagawa.
3. Elihiya
-Awit sa patay o patungkol sa kamatayan o sa
pagdadalamhati lalo na sa paggunita sa isang
sumakabilang-buhay na.

Hal. Awit sa Isang Bangkay ni


Bienvenido A. Ramos

4. Dalit
Awit ng papuri sa Diyos
5. Pastoral
-Awit tungkol sa pamumuhay sa bukid o buhay sa
bukid.
Hal. Magtanim ay Di BIro

6. Oda
-Tulang lirikong nagpapahayag na papuri at
masiglang damdamin na patungkol sa isang
kaisipan.
C. TULANG PANDULAAN
1. Komedya
- Ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang
panonood sa pamamagitan ng mga ginagawa ng
pangunahing tauhan. Ang wakas nito ay masaya.
Hal. Kiki-Riki, isang komedyang nakasulat sa
Kapampangan at may isang yugto. Isinulat ni
Juan Crisostomo Soto (o Crissot), “Ama ng
Panitikang Kapampangan” 
2. Melodrama
Ginagamit ang tulang ito sa mga dulang musikal.
Hal. Sarimanok na isinulat ni Steven Prince
“Patrick” C. Fernandez.

4. Trahedya
Nauuwi ang dulang ito sa malagim o malungkot
na wakas.

Hal. Ang Trahedya sa Balay ni Kadil na isinulat ni


Don Pagusara.
5. Parsa
Ang parsa ay nakapagpapasaya sa mga
nanonood dahil sa mga dugtong-dugtong na
mga pangyayaring nakatatawa.

6. Saynete 
Ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o
pag-uugali ng mga tao.
D. TULANG PATNIGAN
URI:

1. Karagatan >Batay sa isang singsing na


nahulog sa karagatan.
2. Duplo > Isa ring pagtatalo at pahusayan sa
pagbigkas ng tula 
3. Balagtasan >Debate na binibigkas nang
patula. Ipinangalan ito sa tanyag na
manunulat na si Francisco “Balagtas”
Baltazar. 

You might also like