You are on page 1of 5

Saint Michael College

Cantilan, Surigao del Sur


College Department

LEARNING MODULE
in
LIT 2 – PANITIKAN NG MGA UMUUNLAD NA BANSA

I. MODULE NO. 2 : MATANDANG PANITIKAN

II. INTRODUKSYON
Bago pa man dumating ang mga mananakop na Kastila, ang mga katutubong Pilipino ay
mayroon nang maituturing na sariling panitikang nagpapakita ng kanilang kalinangan at
kasaysayan.
Sa modyul na ito, tunghayan natin ang natatanging pamumuhay, kaugalian, karanasan,
paniniwala, at damdaming ipinahayag ng kanilang mga sinaunang tula at mga salaysayin
gaya ng mga awiting – bayan, salawikain, bugtong, bulong, alamat, kuwentong – bayan,
epiko at iba pa. Makikita pa ba natin ito sa mga Pilipino sa kasalukuyang panahon? Alin –
alin kaya sa mga ito ang nanatiling buhay pa sa isipan, damdamin, at pamumuhay ng mga
Pilipino?

III. PAKSA :
1. Ang Alibata
2. Mga Unang Anyo ng Tula
3. Mga Unang Anyo ng Salaysay
4. Mga Unang Anyo ng Dula

IV. ORAS : 6 na oras

V. LAYUNIN Inaasahang pagkatapos ng modyul 2,


magagawa mo nang:
 Matukoy ang iba’t – ibang anyo ng tula,
sanaysay, at dula;
 Makapagsaliksik ng iba’t – ibang uri ng akdang pampanitikan sa panahon bago
dumating ang mga Kastila;
 Makapaglahad ng magandang mensaheng nakapaloob sa isang salaysay.

VI. BUOD NG PAKSA


PAKSA 1: ANG ALIBATA

Ang simbolong bumubuo ng alibata ay katumbas ng 14 na katinig at 3 patinig sa matandang


abakada. Lahat ng simbolong katinig ay binibigkas nang may patinig na “a” sa dulo. Kapag ang
katinig ay binibigkas nang may patinig na “e” at “i” sa dulo, nilalagyan ng tuldok sa itaas ang
simbolong katinig sa alibata, at kapag “o” o “u”, ang tuldok ay inilalagay naman sa ibaba.
Samantala, nilalagyan naman ng tandang krus o ekis sa kanang paibaba ng simbolong katinig
para mawala ang tunog na patinig nito gaya halimbawa ng tunog “y” sa salitang bahay. Ang

Page 1 of 5
isang guhit na patayo ay inilalagay sa pagitan ng mga salitang pinaghiwalay, at dalawang guhit
na patayo naman sa pagitan ng mga pangungusap.

GAWAING PAMPAGKATUTO

GAWAIN 1
Iguhit sa isang malinis na papel ang alibata. Isulat dito ang iyong
pangalan, kurso at taon, asignatura at pangalan ng guro gamit ang alibata.

PAKSA 2: MGA UNANG ANYO NG TULA

Ipinalalagay na ang mga awiting-bayan, salawikain, sawikain, kasabihan, bugtong, at


bulong ay mga unang anyo ng tulang Pilipino dahil nagtataglay ito ng sukat, tugma, at
talinghaga.

 Awiting Bayan
Ang awiting-bayan o kantahing-bayan ay tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin,
kaugalian, paniniwala, karanasan, gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook
o lugar. Ilan sa uri ay ang mga sumusunod:

1. Oyayi 8. Umbay
2. Sambotani 9. Dalit
3. Diona 10. Dung-aw
4. Soliranin 11. Hiliraw at pamatbat
5. Talindaw 12. Indolanin at kutang-kutang
6. Kumintang 13. Maluway
7. Balitaw at kundiman

 Mga Karunungang-Bayan
Ang mga bugtong, palaisipan, salawikain, at kasabihan ay itinuturing na karunungang-
bayan dahil nagpapatalas ito ng isipan upang mag-isip at bigyang-kahulugan ang
mahahalagang kaisipang nakapaloob dito o ang mga salitang inilalarawan nito.

1. Bugtong 3. Salawikain
2. Palaisipan 4. Sawikain

 Iba pang Anyo ng Unang Tula


1. Mga Tugmaang-Pambata
2. Bulong
3. Epiko

GAWAING PAMPAGKATUTO

GAWAIN 2
Magsaliksik ng tig-iisang halimbawa ng mga
awiting-bayan, karunungang-bayan at iba pang anyo ng
unang tula.

Page 2 of 5
PAKSA 3: MGA UNANG ANYO NG SALAYSAY

Bago pa isinulat ang mga kuwentong-bayan, ang mga ito ay isinalaysay na at nagpasalin
– salin sa bibig. Mauuri sa apat ang mga kuwento sa salaysaying bayan:

1. Alamat
2. Mito
3. Pabula
4. Kuwentong Kababalaghan

PAKSA 4: MGA UNANG ANYO NG DULA

May sarili nangdula ang mga katutubong Pilipino bago pa man dumating ang mga
Kastila. Ito’y karaniwang itinatanghal sa liwasang-bahayan, maluwang na bakuran, sa tahanan ng
maharlika, sa kanilang temple o kaya’y sa tabing-ilog. Ang pagtatanghal ng kanilang dula ay
karaniwang isinasabay sa tuwing may mahalagang pagtitipon gaya ng pista o handaan, o iba
pang mahalagang okasyon. Ang paksa ay karaniwang tungkol sa pag-ibig, pakikidigma, alamat o
kaya’y tungkol sa kabutihan ng Bathala. Ang pagtatanghal ay kadalasang may kasamang sayaw
at awit, at ang diyalogo ay karaniwang anyong patula.
Ilan sa mga nakilalang anyo ng dula noon ay ang:

1. “Wayang Orang at Wayang Purwa” ng mga Bisaya


2. “Embayoka” at “Sayatan” ng mga Muslim sa Jolo at Lanao

GAWAING PAMPAGKATUTO
GAWAIN 3

1. Magsaliksik ng mga katuturan ng mga unang anyo ng


salaysay at dula.
2. Magsaliksik ng mga uri ng maligno na karaniwang paksa ng
mga kuwentong kababalaghan.

VII. SINTESIS
Ibigay ang pangunahing kaisipan o magandang mensaheng
nakapaloob sa mga sumusunod na salaysay.
1. Making sa Sabi-sabi
2. Bundok Pinatubo
3. Anak na Isinumpa
4. Bidasari
VIII. PAGSUSULIT

Kilalanin ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
1. Awiting bayan na nagpapahayag ng damdamin, karanasan, paniniwala, gawain o
hanapbuhay ng mga mamamayan sa isang pook.

Page 3 of 5
2. Tulang pasalaysay na naglalarawan ng katapangan, kabayanihan, at
pakikipagsapalaran ng mga tao.
3. Tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar o pangyayari.
4. Patalinghagang pahayag na ginagamit ng matatanda sa pangangarao sa mga
kabataan at nagsisilbing gabay ng wastong pag-uugali at pagkilos.
5. Ang uri ng panitikang namalasak sa Matandang Panitikan.
6. Ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino.
7. Isinaalang – alang niya ang kanyang kaluluwa sa isang gintong isda.
8. Labis siyang nanibugho sa taglay na kakisigan, katapangan at kahusayan sa
pakikidigma ng kanyang kapatid.
9. Dahil sa salot na ito, naiwan ng Reyna ang kanyang kasisilang na sanggol.
10. Ang itinuturing na bayani na kahariang Bumbaran.
11. Ang nakapatay kay Pah at sa dambuhalang ibong may pitong ulo.
12. Ito ay katipunan ng mga alituntunin ng mabuting pagtupad sa pamahalaan.
13. Pahayag na ginagamit sa panggagamot o pangkukulam.
14. Tinatawag din itong diwata.
15. Dulang pagtatalo na kahawig ng balagtasan ng mga Tagalog. Karaniwang
isinasagawa sa Jolo at Lanao.

IX. MGA SANGGUNIAN

Pagkalinawan, Leticia C. et.al. 2006. Panitikan ng Iba’t – Ibang Rehiyon. Mutya Publishing
House, Inc. 6 Baltazar St. Pacheco Village, Balubaran, Valenzuela City

San Juan, Gloria P. et.al. 2005. Panunuring Pampanitikan. Booklore Publishing Corp. 1231 –
Quiricada St., Sta. Cruz, Manila

Inihanda ni:

(SGD) CYNTHIA P. PADUAL, LPT


Instructor

Iwinasto ni:

(SGD) FRANCES DEE I. GRUMO, LPT, MAMT


Program Head, BSEd

Inaprubahan ni:

(SGD) GERMANA A. ORZALES, LPT, Ph.D

Page 4 of 5
Dean, Teacher Educ., Arts & Sciences

Page 5 of 5

You might also like