You are on page 1of 8

23

KABANATA 2
PANAHON NG KATUTUBO: Katangian
ng Panitikan at Mga Akda
Bago natin talakayin ang nilalaman ng kabanatang ito, binabati kita dahil
sa matagumpay mong natapos ang mga gawain at pagsubok sa Kabanata 1.
Ngayon, ay dagdagan natin ang iyong natutuhan patungkol sa sinaunang
panitikan upang masilip muli‘t maunawaan natin ang ating pinanggalingan.
Sa kabanatang ito matatalakay natin nang ganap ang mga akdang
pampanitikan na nagtataglay ng kasaysayan ng lahing Pilipino.

PANIMULANG HIMPILAN:
Inaasahan sa kabanatang ito ang sumusunod:

 Napapahalagahan ang mga paniniwala, pamahiin, at pamamaraan ng


pamumuhay ng mga Pilipino na mababakas at masasalamin sa mga
akdang pampanitikan.

ARALIN 1:KATANGIAN NG PANITIKAN


Binubuo ng magkakahiwalay na mga pulo ang Pilipinas kaya
hindi kataka-takang magkaroon ng iba’t ibang wika, kaugalian,
tradisyon at kultura. Ang pagkakaiba ay mauugat din sa mga ninunong
nanirahan at napadpad sa Pilipinas na siyang nagdala ng panitikan, pamahalaan
at kulturang naipamana sa lahi.

TALAKAYIN NATIN
Nabanggit sa aklat nina Lalic at Matic (2004) na bago pa dumating
ang mga Kastila sa Pilipinas ay mayroon na tayong panitikan. Ang mga
panitikang ito ay pasaling –bibig na may impluwensiya ng kaisipang
Malayo-Polinesyo. Ang mga nag-iingat at nagpapahayag ng mga
panitikang ito ay ang mga apo o matanda na karaniwang puno ng
barangay o pinakapari ng relihiyon. Sinasamba nila ang kalikasan, araw o

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


24

punongkahoy at mga kababalaghang gawa ng mga mabubuti at masasamang


espiritu na tinatawag nilang “anito”. Sa panahong ito, ang ating panitikan ay
nasa anyo ng alamat, kuwentong-bayan, awiting-bayan, epiko at mga
karunungang-bayan.
Ayon kay Villafuerte, et al. (2000), ang mga anyo ng panitikang ito ay
nagpapakita ng ating panlipunan at panlahing pagkakakilanlan. Bagaman at
karaniwan sa mga akdang ito ay pasalin-salin lamang sa mga bibig ng mga
matatanda at mayroon din silang sistema ng pagsulat. Nakababasa at
nakasusulat na ang ating mga ninuno gamit ang unang alpabeto na kahawig ng
alpabetong Malayo-Polinesyo o ng mga Indonesyo. Binubuo ito ng labimpitong
titik; tatlong patinig at 14 na katinig, na tinatawag na alibata o baybayin.
PERO TEKA, Alam mo ba ang mga unang ninuno natin na nandayuhan
sa Pilipinas bago ang mga Kastila?
Ayon sa aklat nina Marquez at Garcia (2013), naunang nanirahan sa
kapuluan ang mga negritong nakilala sa tawag na ita, ayta, agta o baluga. Sila
ay may kalinangan bagamat walang impluwensiyang pangkultura maliban sa
ilang awitin at paghahanap ng kanilang pagkain sa pamamagitan ng
pamamana. Nandayuhan ang mga Indonesio, mga Malay, Intsik, Bumbay,
Arabe at Persyano na kung saan dinala sa ating kapuluan ang maraming
impluwensyang kultura at panitikan gaya ng mga kuwentong bayan, alamat,
pabula, mito, pamahiin at bulong gayundin ang mga katutubong tula na
kinabibilangan ng mga bugtong (may sukat na dadalawahing taludtod),
salawikain (may sukat na dadalawahing taludtod), palaisipan, kasabihan,
awiting bayan na pumapaksa sa matandang pananampalaya at epiko.
Dinala naman ng mga Malay ang unang alpabeto na tinatawag na
baybayin at ang sistema ng kanilang pamahalaan na balangay na sa kasalukuyan
ay tinatawag na Barangay.
Ang mga ninuno natin ay gumamit ng biyas ng kawayan, talukap ng
bunga o niyog, dahon at balat ng punongkahoy bilang sulatan at mga bagay na
matutulis tulad ng kutsilyo, matulis na patpat, punyal o kaya ay bakal na kung
tawagin ay sipol bilang mga panulat gamit ang dagta o katas ng halaman o
punongkahoy bilang tinta. Ang mga naging paksain ng mga panitikan sa
panahong ito ay ang natutungkol sa kalikasan, mga bagay sa kapaligiran, mga
karaniwang gawaing bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay, maging ang
mga paniniwala’t kaugalian, mga pangarap at mithiin ng ating mga ninuno.

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


25

ARALIN 2: MGA AKDA


Sinasabi na masasalamin sa panitikan ang kalinangan ng isang lahi.
Makikita sa mga nakasulat maging sa pasalitang panitikan ang kultura,
tradisyon at mithiin ng isang bansa. Sa araling ito makikilala natin nang ganap
ang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa panahon ng katutubo tulad ng
mga alamat, kuwentong-bayan, awiting-bayan, epiko at mga karunungang-
bayan tulad ng salawikain, bugtong, palaisipan, sawikain at kasabihan.

Alam mo ba ang awiting ito?


LUNSARANG
Ili, ili turog anay
GAWAIN Wara rugya imo nanay
Agto tyenda, bakal papay
Ili, Ili turog anay....

Tanong: Saan kaya ginagamit ang awiting ito?

TALAKAYIN NATIN
Ayon kay Villafuerte, et al. (2000), may dalawang bahagi ang
panitikang sinauna. Una, ang kapanahunan ng mga Alamat, na nagsimula sa
lalong kauna-unahang panahon ng ating lahi. Ikalawa, ang kapanahunan ng
Epiko o Tulang Bayan na nagsisimula sa palibot-libot ng taong 1300A.D na
nagtapos sa panahon ng pananakop ni Legaspi noong 1565.

A. Kapanahunan ng Alamat
Tinalakay sa aklat nina Panganiban et. al (1982) na ang
kapanahunang ito ay binubuo ng mga bulong na pangmakahiya (incantations),
kuwentong-bayan (folktale) at alamat (legend). Karamihan sa mga ito ay salig
sa pananampalataya at pamahiin.
1. Bulong – Ito ay ginagamit na pangkulam o pang-ingkanto.
Halimbawa:
“ Nagnakaw kaw ka bugas ko,
Mabuslo raad ang mata mo,
Mamanog ang kalawasan mo,
Patyon kaw kang mga engkanto.”

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


26

“ Mga amigo, mga amiga,


Pabinit binit anay kamo kay maagi ako,
Basi kun masalapay ko kamo”

2. Kuwentong –Bayan – Ito ay mga kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng


marami at hindi na alam kung saan nagmula. Maari ding sabihin na ang
kuwentong-bayan ay mga kuwento na nasa loob ng bayan.
Halimbawa:
Si Felicidad (Dao)
Olayra (Patnongon)
Si Anglo (Bugasong)

3. Alamat – Mga simpleng istorya ito na nagsasalaysay kung saan nanggaling


ang maraming bagay-bagay sa ating kapaligiran. Ilan sa klasipikasyon ng
alamat ay tumutukoy kay Bathala, sa kalikasan, sa kultura, at sa
pinanggalingan ng mga hayop at halaman.

Halimbawa:
Alamat ng Bayabas
Alamat ng Sibalom
Alamat ng Langit at Lupa

B. Kapanahunan ng Epiko
Ang kapanahunang ito ay binubuo:
1. Karunungang-Bayan
a. Bugtong – Ito ay mga anyong patula na binubuo ng dalawang taludtod na
may sukat at tugma. Taglay nito ang paglalarong patula na nagpapatalas ng
isip.
Halimbawa: Eto na si lelong
SAGOT: Bubuyog
Bubulong-bulong.

Nang maglihi’y namatay


Nang manganak ay nabuhay SAGOT: Sinigwelas

b. Palaisipan – Ito sa gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang


kalutasan sa isang suliranin.
Halimbawa: May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sumbrero.
Paano nakuha ang bola na di man lang nagalaw ang
sumbrero.

SAGOT: Butas ang tuktok ng sumbrero

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


27

c. Kasabihan – Ang kasabihan noong unang panahon ay ipinalalagay na


yaong sabihin ng mga bata at matatanda na katumbas na “ Mother Goose
Rhymes” sa Ingles.
Halimbawa: Ulan, ulan bantay kawayan
Bagyo, bagyo bantay kabayo.

Tiririt ng maya,
Tiririt ng ibon,
Ibig mag-asawa’y
Walang ipalamon.

d. Salawikain – Ang salawikain noong unang panahon ay nagsisilbing batas o


tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno. Nakatago ang
kahulugan nito ngunit nagbibigay ng aral.
Halimbawa:
Aanhin mo ang damo
Kung patay na ang kabayo.

May tainga ang lupa


May pakpak ang balita.

Habang maiksi ang kumot


Matuto kang mamaluktot
e. Sawikain – ito ay katulad din ng salawikain ngunit lantad ang kahulugan.
Halimbawa:
Nasa Tao ang gawa
Nasa Diyos ang awa

Ubos- ubos biyaya


Bukas nakatunganga

2. Awiting-Bayan – Ito ay anyo ng tula na may mga tugtugin at indayog na


naaayon sa damdamin, kaugalian at himig ng pag-awit noong unang panahon.
Ayon kay Epifanio de los Santos Cristobal, ang mga uri ng awiting –bayan
(folksongs) noong araw ay ang mga sumusunod:

a. Oyayi – awit sa pagpapatulog ng bata


Hal. Matulog na bunso
Ang ina mo ay malayo
At hindi ko masundo
Pagkat walang magturo

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


28

b. Talindaw – Awit sa Pamamangka


Hal. Sagwan, sagwan, sagwan
Ang buong lakas ay ibigay
Nang di tayo abutan
Ulan sa karagatan

c. Soliranin – awit sa paggaod


Hal. Hala na, gaod, pagod ay tiisin
Ang anumang hirap ay dapat bathin
Kahit na malayo kung ating ibigin
Tiyak na lalapit kung ating gugustuhin

d. Kumintang – Awit sa pakikidigma


Hal. Halika ka nga at usigin
Ang aliktiya, mga haling
Ipagtanggol ang ang bukirin
At ang mga anak natin
Tayo naman ay may patalim
Dugo’t buhay puhunanin.

e. Diona – Awit sa Kasal . Inaawit ito nang mahina habang isinasagawa


ang seremonya ng kasal.
Hal.
Ikaw ang bigay ng Maykapal
Tugon sa aking dasal
Upang sa lahat ng panahon
Bawat pagkakataon
Ang ibigin ko'y ikaw
Ikaw ang tanglaw sa 'king mundo
Kabiyak nitong puso ko
Wala ni kahati mang saglit
Na sa iyo'y may papalit
Ngayo't kailanma'y ikaw
Ang lahat ng aking galaw
Ang sanhi ay ikaw
Kung may bukas mang tinatanaw
Dahil may isang ikaw
Kulang ang magpakailan man
Upang bawat sandali ay...
Upang muli't muli ay... Ang mahalin ay ikaw

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


29

f. Sambotani – Awit sa Pananagumpay


Hal.
SAMBUTANI: TAGAYAN SA TAGUMPAY
(sambutani ng Timog-Katagalugan)

Sambutani! Sambutani! Sambutani! Sambutani!


Sambutani! Sambutani!
Isigaw ang sambuhat atin nang itayo
Tagayan, tagayan ng tao't halaman Ang bukas ni anak, ang bukas ni anak
Ng ulang sintamis ng alak Isigaw, isigaw Isigaw ang ang sambuhat
Ng ulang sintamis ng alak atin nang itayo
Tagayan, (tagayan!) Ang bukas ni anak, ang bukas ni anak
Tagayan. (tagayan!)
Isigaw, langhapin, sumayaw, awitin.
Awitin, awitin ang harana't kundiman Tagayan! Tagayan!
Kumintang ng ilog at gubat Tagayan! Tagayan!
Kumintang ng ilog at gubat
Awitin, (awitin!) Sambutani! Sambutani!
Awitin. (awitin!) Sambutani! Sambutani!
Sambutani! Sambutani!
Sambutani! Sambutani! Sambutani! Sambutani!
Sambutani! Sambutani!

Sumasayaw, sumasayaw sa kaluntiang pala


Ng hamog, ng ulap at dagat
Ng hamog, ng ulap at dagat
Sumayaw, sumayaw

Langhapin ng sambayan ang hanging


May samyo ng lupa at bulaklak
Ng lupa at bulaklak Langhapin, langhapin

g. Dalit (Himno) – Awit para sa mga anito, pagsamba at paggalang ang


himig nito.
Hal.
Bathalang pinagmulan ng mga unang nilikha,
Nakatira ka sa mga bundok
Sa kamay mo nakalagay
Si Maniliw, na mangkukulam,

Matayog kang parang puno ng niyog,


Matigas na parang bato,
Masiklab na parang apoy,
Mabangis na higit sa Asong nahihibang.

Sa dibdib mo lumalabas
Ang manlilikhang Lulid Amo;
Siya ang nakagagawa
At nagbigay ng dilim na higit sa gabi.....

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


30

h. Kundiman – Awit ng pag-ibig


Hal.
O, ilaw sa gabing malamig
Wangis mo’y bituin sa langit
O, tanglaw sa gabing tahimik
Larawan mo Neneng nagbigay pasakit
Ay, gising at magbangon sa pagkagupiling
Sa pagkakatulog na malubhang mahimbing
Buksan ang bintana at ako’y dungawin
Nang mapagtanto mo ang tunay kong pagdaing

3. Epiko - Ito ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan


at pakikitunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil ang tagpuan ay pawang kababalaghan at di
mapaniwalaan. Napapaloob dito ang kultura ng isang lalawigan kung saan ito
nagmula.
Hal. Biag ni Lam-Ang (Epiko ng mga Iloko)
Hudhud at Alim (epiko ng mga Ifugao)
Hinilawod (Epiko ng mga Bisaya)

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)

You might also like