You are on page 1of 3

     Bago pa man dumating ang mga Kastila’y may sarili nang kalinangan ang Pilipinas.

Mayroon nan
pamahalaan (sa kaniyang barangay), may sariling batas, pananampalataya, sining, panitikan at wika. Ang
ito’y pinatutunayan ng mga mananalasysay na kastilang nakarating sa kapuluan. Isa na sa nagpatunay sa k
ng Pilipinas si Padre Perdro Chirino  sa kaniyang Relacion de las Islas Filipinas (1604). Sinabi niyang ma
wika sa Pilipinas at ang mga naninirahan dito’y may sistema ng pagsulat na tinatawag na alibata.

Sang-ayon din kay Padre Chirino, ang paraanng pagsulat ng mga katutubo’y patindig, buhat sa itaas paba
pagkakasunod- sunod ng mga talata ay buhat sa kaliwa,

Ang ginagamit na pinakapapel noon ay ang mga biyas ng kawayan, mga dahon ng palaspas o balat ng puno
at ang pinakapanulat nila’y ang mga dulo ng matutulis na bakal o iyong tinatawag sa ngayong lanseta. Sa ka
palad, ang mga katibayan ng kanilang pagsulat noo’y hindi na matatagpuan sapagkat sinunog ng mga mana
Kastila dahil ang mga iyon daw ay gawa ng mga diyablo.

Mayaman sa mga kuwentong-bayan ang Pilipinas. Ito ang kabang- yaman ng ating panitikan. Dito nasasalam
naging buhay ng ating mga ninuno.

Ang panahon ng kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga (a) kuwentong- bayan,(b) kantahing- bayan
(c)karunungang bayan, at isinasama rin dito ang (d) bulong.

a. Kuwentong bayan- batay sa artikulong isinulat ni D. Damiana Eugenio na kilala sa larangan ng Folklore


Pilipinas, ang “Legends and Folklores” na binasa niya sa Ateneo University noong tag-init ’79, tatlo ang
mahahalagang pangkat ng mga kuwentong bayan ( folk narratives): ang (1)mito, (2)alamat at(3) salaysayin (f

(1) Mito- tuluyang pagsasalaysay ma itinuturing na totoong nagaganap sa lipinang iyon noong mga panahon
nagdaan. Pinaniniwalaan ito sapagkat tinutuan silang ito’y paniwalaan. Nasa mito ang dogma at karaniwang
itinuturing na sagrado. Karaniwang kaugnay ito ng teolohiya at rituwal. Ito ang naglalahad ng ibang daigdig
langit at ilalim ng lupa. Kinapapalooban din ito ng simula ng daigdig, ng tao, ng kamatayan, ng mga katangia
mga ibon, hayop o pisikal na kaanyuan ng lupa. Maaari rin itong kuwentong tungkol sa mga diyos at diyosa.

Halimbawa: Mito ng mga Maranao “Ang Pinagmulan Nitong Daigdig”


(2) Alamat- Ang mga tuluyang pagsasalaysay na kaiba sa mito sapagkat itinuturing ang alamat na titii ng mg
nagkukuwento at ng mga nakikinig. Higit na una ang mito kaysa alamat. Masasabing katulad ng daigdig nga
daigdig ng alamat hindi ito  itinuturing na sagrado. Tao ang pangunahing tauhan. Isinasalaysay naman dito an
migrasyon, digmaan at tagumpay na nagawa ng mga bayani, hari o datu at ng mga sumunod na nagungulo sa
Nabibilang dito ang ang tungkol sa mga natatagong kayamanan, mga santo, mga engkanto at mga multo.

Nahahati sa dalawa ang pangkati ng mga alamat:  ang mga tinatawag na (a) etiological o mga nagpapaliwana
mga alamat na sumasagot sa tanong na kung paano pinangalanan ang mga bagay o pook at kung bakit nagka
sa (b) non-etiological na nauukol sa mga dakilang tao at sa mga pagpaparusa ng malaking kasalanan. Kasam
ang tungkol sa mga alamat ng santo, mga supernatural na nilikha tulad ng aswang, tikbalang, engkantado, mu
mga ibinaong kayamanan. 

Halimbawa: Ang Alamat ng Ilog- Cambinlew

                     Ang Alamat ng Adjong

                     Ang Alamat at mga Milagro ng Nuestra senora del Pilar o Fort Pilar sa Lungsod ng                    
Zamboanga.

(3) Salaysayin- maaaring pabula, mga kuwentong engkantado, mga kuwentong panlinlang, katusuhan, kapily
katangahan at iba pa. 

Kabilang dito ang iba’t ibang kuwento tungkol kay Juan. Hindi lahat ng kuwento kay Juan ay ang katamaran
iba’t ibang Juan sa mga salaysayin sa iba’t ibang pook. Kung palabasa ng mga kuwentong bayan ang mga tag
bansa, mapapansing ang mga kuwentong Juan ay nakakatulad ng mga kuwentong Indones o Malayo. 

B. Kantahing Bayan

                Ang kantahing bayan ang oral na pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo. May iba’t ibang u
batay sa iba’t ibang okasyong pinaggagamitan ng mga ito. May  mga para sa pagpapatulog ng mga sanggol n
tinatawag na oyayi, may sa pamamangka na kilala sa tawag na soliranin o talindaw, may diona o awiting pan
may kumintang o awit pangdigma, may kundiman o awit ng pag-ibig at iba pa.

C. Karunungang- bayan:

Bugtong o palaisipan

Binubuo ng mga parirala o pangungusap na patula at patalinghaga ang mga bugtong at palaisipan. Iba’t ibang
ang ginagawa ng bugtong ng mga ninuno. Mga bagay na nakikita araw- araw sa kanilang kapaligiran, mga ba
may malaking kaugnayan sa kanilang buhay

Halimbawa:

                 Munting palay,

                 Pinuno ang buong bahay (ilaw)


 

                 Dala mo, dala ka

                 Dala ka ng iyong dala (sinelas)

D. Bulong

Ginagamit na pangkukulam o Pange-engkato ang tinatawag na bulong. Ang halimbawa nito’y ang sinasabi k
may nadaanang punso sa lalawigan na pinaniniwalaaang tinitirhan ng mga duwende o nuno.

Sanggunian:
Rubin, Ligaya Tiamson et.al. (2006).“Panitikan sa Pilipinas”. Rex Bookstore.Lungsod ng
Quezon.

*Paunawa: Ang mga impormasyon sa page na ito ay pawang hiram sa sangguniang nabanggit sa itaas, Walang
anomang intensyon ang may-akda ng website na ito na lumabag sa mga batas na nauugnay sa  karaptang-ari ng
librong pinaghanguan ng mga impormasyong inilalahad. Gayundin sa mga larawan.

You might also like