You are on page 1of 2

Komentaryong Panradyo

Nakaririnig ka pa ba ng balita sa radyo? Ngayon, maraming iba’t ibang opinyon o saloobin ang isinisigaw
ng madla. Nariyan pa naman ang radyo upang tayo’y mag-komento, buksan mo na ng iyong malaman.
Halina’t alamin ang komentaryong panradyo at ang mga ekspresyong nagpapahayag ng pananaw. Isigaw
ang nasa isip! Gamitin ang puso, ungkatin ang iyong saloobin.

Broadcast Media

· Ito ay paghahatid ng impormasyon audio o biswal man, sa pamamagitan ng midyang pangmasa


tulad ng radio, telebisyon, internet o iba pang bagay sa tulong ng network.

· May tatlong (3) uri ito:

1. Komentaryong Panradyo

2. Dokumentaryong Pantelebisyon

3. Dokumentaryong Pampelikula

Radyo

· Naghahatid ng musika

· Nagpapahatid ng panawagan

· Nagpapakinig ng mga awit

· Naghahatid ng napapanahong balita

· Nagbibigay ng opinion kaugnay ng isang paksa

· Ayon kay Elena Botkin- Levy, Koordineytor, Zumix Radyo, ito ay pagbibigay ng oportunidad sa
kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinion at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o
sa isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin.

· Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit
na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kanya, ang unang hakbang upang makagawa ng
isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa
pagsulat ng sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.
Ilan sa mga paksang madalas na talakayin ay ang sumusunod:

a. Politika

b. Mga pangyayari sa isang espisipikong lugar

c. Mga pagdiriwang sa Pilipinas

d. Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas

e. Mga interes at makabuluhang bagay para sa mga inaasahang tagapakinig

Ilan sa maaaring gamitin sa pagsasaliksik tungkol sa mga gustong mapakinggan ng mga tagasubaybay ay
ang survey at panayam.

A. Survey:

Gumagamit ng survey upang malaman ang mga ito tungkol sa kanilang mga programa.

Ang sumusunod ang ilan sa mga posibleng lamanin ng isang survey:

1. Multiple Choice – ito ang mas mabilis na paraan ng pagpapasagot sa isang survey. Mas madali itong
sagutin kumpara sa iba dahil sa pipili lamang ang tinatanong ng sagot sa iilang titik.

2. Pagkilala sa mga sinasang-ayunan – Bukod sa simpleng multiple choice maaari ring maglagay ng
listahan na nagpapahayag ng kanilang mga sinasang-ayunan at di sinasang-ayunan.

3. Likert Scale – Ito ay isa sa mga paraan kung papaanong sinusukat ng isang tao ang sarili niya.

B. Panayam:

Ang mga gawaing ito ang mga pangunahing batis o impormasyon. Maaaring kumunsulta sa mga libro o
sa internet subalit mas makatotohanan ang impormasyon na manggagaling mismo sa isang
mapagkakatiwalaang batis.

Bago makasulat ng isang Dokumentaryong Panradyo, narito ang mga dapat tandaan:

1. Magsaliksik ng mga impormasyon.

2. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa mga detalye upang ipakita ang
kredibilidad ng iyong sinulat.

3. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa.

Tandaan:

Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa kulturang popular kung saan ang mga bagay na
pawang gumagamit ng mga bagong kasangkapan, imahe, diwa at iba pang kaugnay na paksa, upang
maitanghal ang isang uri ng kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng mga Pilipino.

You might also like