You are on page 1of 10

PAGSULAT NG ISKRIP NG

PROGRAMANG PANRADYO
PAHINA 377
ISKRIP
- Ang taguri sa manuskrito ng isang audio-
visual material na ginagamit sa
broadcasting.
- Ito ay nakatitik na bersiyon ng mga
salitang dapat bigkasin o sabihin.
- Ginagamit sa produksyon ng programa.
- Naglalaman ng mensahe ng programang
dapat ipabatid sa mga nakikinig.
- Ito ay nagsisilbing gabay sa mga
tagaganap, direktor, tagaayos ng musika
(musical scorer), editor at mga technician.
Sa broadcasting, ang nilalaman ng
komunikasyon na gagamitin sa midya
tulad ng radyo at ilalagay muna sa
iskrip.
Bilang iskrip, gagamit muna ng print
medium.
Mula dito, ang iskrip ay gagawing
pasalita at gagamitan ng mga tunog.
Maririnig lamang ng mga tagapakinig
sa pamamagitan ng radyo kung ano
ang nakasulat sa iskrip.
Ang iskrip panradyo ay batay sa
tunog.
Sa iskrip ng drama, halimbawa, dapat
palaging ipakilala ng manunulat ang
mga tauhan sa pamamagitan ng
kanilang pangalan o katawagan.
Sa programang panradyo, kailangan
sabihin ng mga tauhan ang lahat ng
nangyayari sa eksena dahil hindi
naman ito nakikita ng nakikinig.
PORMAT NG ISKRIP
1. Gumamit ng maliliit na titik sa pagsulat ng
diyalogo.
2. Isulat sa malalaking titik ang musika,
epektong pantunog, at ang emosyonal na
reaksiyon ng mga tauhan.
3. Guhitan ang SFX (sound effects) at MSC
(music).
4. Hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng
musika at epektong pantunog kundi
kailangan ding ipakita kung paano gagamitin
ang mga ito.
Halimbawa: kailangan bang naka-FADE
UNDER anf musika habang nagsasalita ang
isang tauhan?
5. Kailangang may dalawang espasyo
(double space) pagkatapos ng bawat linya
sa iskrip kapag minakinilya o kinompyuter.
6. Lagyan ng numero ang bawat linya.
Ilagay ang numero sa kaliwang bahagi
bago ang unang salita upang maging
madali ang pagwawasto kapag
nagrerekording.
7. Ang mga emosyonal na reaksiyon o tagubilin ay
kailangang isulat sa malaking titik. Gamitin
lamang ang mga ito upang ipabatid kung paano
sasabihin ang mga linya o diyalogo ng mga
tauhan. Ilagay ang mga ito sa loob ng parentesis o
panaklong at isulat sa malaking titik.
8. Gumamit ng mge terminong madaling
maintindihan sa pagbibigay ng indikasyon kung
sino ang nagsasalita at anong uri ng tinig ang
maririnig.
Hal. 1, 2; lalaki, Babae 1, 2; Talent 1, 2
Madaling maintindihan ng tagapakinig at ng mga
taong gagamit ng iskrip kung isusulat ang
pangalan ng taong magsasalita.
Halimbawa: Leona, Zosimo. Maging tiyak ang
pangalan o katawagang gagamitin tulad ng
Announcer.
9. Isulat sa malaking titik ang posisyon ng
mikropono na gagamitin at ilagay ito sa
parentesis.
10. Maglagay ng tutuldok o kolon pagkatapos
isulat ang pangalan ng tauhang magsasalita o
pagkatapos isulat ang SFX o MSC.
11. Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ang
paglalagay ng numero sa bawat bilang.
PAHINA 380
ISULAT NATIN A (PARTNER)
PAHINA 380-381
ISULAT NATIN B (PANGKATANG
GAWAIN)

You might also like