You are on page 1of 4

Mala - Masusing

Banghay Aralin

sa

Filipino IV

Ika – 4 na Baitang

I. Layunin

a. natutukoy kung ano ang talumpati;

b. nagagamit ang talumpati sa pagpapahayag ng damdamin; at

c. nakabubuo ng talumpati na may wastong uri nito.

II. Paksang Aralin

Paksa: Talumpati

Sanggunian: Marasigan, Emily A. et. al. 2002.

Mabisang Pluma Wika at Panitikan.

Emily V. Marasigan, Alma M. Dayag

Kagamitan: Biswal Eyd at larawan

III. Pamamaraan

A. Mga Panimulang Gawain

1. Paglilinis at pagsasaayos ng Silid – Aralan


Ipaaayos sa mga mag – aaral ang kanilang mga silya at ipapupulot ang
mga kalat sa ilalim at paligid nito.

2. Panalangin at Pagbati

Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na mangunguna sa panalangin bago


magsimula ang klase. Pagkatapos nito ay babati ang guro ng magandang araw sa mga
mag-aaral.
3. Pagtatala ng Pumasok at Lumiban
Pangungunahan ito ng kalihim ng klase. Ipababanggit ng guro ang mga
pangalan ng mga lumiban.

4. Balik-Aral
Magtatanong ang guro sa bawat mag – aaral kung ano ang kanilang
natatandaan sa huling aralin na tinalakay.

5. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng mga larawan, na nagpapakita ng koneksiyon sa
paksang aaralin, ang bawat larawan ay mayroong kahulugan at ito ay sasagutin ng
mga mag – aaral.

6. Paglalahad
Babasahin ang depenisyon ng talumpati at ang mga uri nito.

B. Pagtalakay sa Aralin

Pagtalakay sa paksa.

Ano ang talumpati?

Ano ang sangkap ng talumpati?

Ano ang talumpating pampalibang

Ano ang talumpating nagpapakilala

Ano ang talumpating nagbibigay kabatiran

Ano ang talumpating pagbibigay galang

Ano ang talumpating nagpaparangal

Ano ang talumpating pampasigla


C. Paglalapat

Ipapangkat ang klase sa apat. Sila ay magkakaroon ng isang aktibidad na


kung saan ang una hanggang apat na pangkat ay sasagutan ang kanilang nabunot na
katanungan at pagkayari masagutan ay mayroong isang representanteng tatayo sa
harapan upang ipaliwanag ang kanilang naging kasagutan

D. Paglalahat

Magtatanong ang guro sa bawat mag – aaral kung ano ang kanilang
natutunan sa pakasang aralin na kanilang tinalakay.

IV. Ebalwasyon

Magkakaroon ng maikling pagsusulit ang mga mag-aaral kaugnay sa paksang tinalakay


na binubuo ng sapung (10) katanungan

Panuto : Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang katanungan ay nagpapahayag ng
katotohanang impormasyon at isulat naman ang MALI kung ang katanungan ay hindi
nagpapahayag ng totoong impormasyon.

__________1. Ang kaalaman ay dapat maghatid ng sapat na impormasyon tungkol sa tekstong


inihahatid ng talumpati.
__________2. Ang kahandaan ay dapat maensayo ang paghahatid ng talumpati para hindi
mawala sa kalagitnaan at mangapa ng mga salita.

__________3. Ang talumpating panlibang ay pumupukaw sa damdamin at impresyon.

__________4. Ang layunin ng talumpating nagpapakilala ay ihanda ang mga tagapagkinig at


kunin ang kanilang mga atensyon sa kahusayan ng tagapagsalita.

__________5. Ang talumpating nagbibigay galang ay ginagamit sa mga kumbensyon, panayam,


at pagtitpong pansayantipiko, diplomatiko, at iba pang samahan ng mga dalubhasa.

___________6. Ang talumpating panlibang ay kadalasang binibigkas pagkatapos ng isang salu-


salo. Madalas na nagsasabi ng maikling kwento o nagpapatawa ang nagsasalita

___________7. Ang kasanayan magsalita ng malakas at maliwanag ay dapat ipakita sa


pananalumpati. Sanayin din ang pagpapakita ng ekspresyon sa mukha.

___________8. Ang talumpating nagpaparangal ay hinahanda upang bigyan parangal ang isang
tao o magbigay-puri sa mga kabutihang nagawa. Sa mga okasyong sumusond naririnig ito

___________9. Ang sinaulong talumpati ay inihanda para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.

___________10. Ang talumpati ay isang buod na kaisipan o opinyon ng isang tao na


pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao.
SAGOT:

1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. MALI
6. TAMA
7. TAMA
8. TAMA
9. TAMA
10. TAMA

V. Takdang Aralin

Pipili ng limang mimyembro sa bawat grupo at gagawa ng isang kwento na hindi niniyo
makakalimutan na pangyayari sa inyong buhay.

VI. Pagninilay

Baitang BM BMN BMNR


IV - Agoncillo 50 50 0

Ang paksang – aralin ay matagumpay na naituro sa oras na itinalaga. Dahil ditto ang
bawat mag – aaral ay natuto sa paksang tinalakay.

BM – Bilang ng Mag – aaral

BMN – Bilang ng Mag - aaral na Natuto

BMNR - Bilang ng Mag - aaral na Nangangailangan ng Remedyasyon

Inihanda ni: Manmar M. Abreguda

You might also like