You are on page 1of 2

MODULE SA FILIPINO 8

STE 8 -DAYRIT & DEL-MUNDO


I. LAYUNIN
1. F8PN-IIIg-h-31 Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng
nagsasalita
2. F8PS-IIIg-h-33 Naipaliliwanag ng pasulat ang mga kontradiksyon sa napanood na pelikula
sa pamamagitan ng mga komunikati-bong pahayag
3. F8PD-IIIg-h-32 Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahala-gang isyung
mahihinuha sa napanood na pelikula
II. PAMAMARAAN
4. LUNES- UNANG ARAW: (KAYO AY MANONOOD NG PELIKULANG “ANAK” ITO AY MAY ISA’T
KALAHATING ORAS MATAPOS NINYONG MANOOD AY MAY SASAGUTAN KAYO. SA ISANG BUONG
PAPEL AY SAGUTANG ANG MGA SUMUSUNOD) (F8PS-IIIg-h-33 Naipaliliwanag ng pasulat ang mga
kontradiksyon sa napanood na pelikula sa pamamagitan ng mga komunikati-bong pahayag)
1. Ano ang pinakatema ng pelikulang “Anak”. Paano ito napalutang o binigyang-diin sa palabas?
2. Bakit nagdamdam nang husto si Carla sa kanyang Ina? Sa inyong palagay, makatarungan ba ang kanyang
ginawang pagrerebelde laban sa kanyang ina? Bakit?
3. Kung ikaw ang Ina, ano kayo ang nararamdaman at gagawin mo sa pangyayaring naranasan niya kung
saan ang kanyang imahen bilang ina ay naging masama pa para sa kanyang mga anak sa kabila ng
kanyang ginawang pagsasakrapisyo para sa kanila?
4. Bilang anak, masasabi mo bang may pagkukulang din sa iyo ang iyong mga magulang? Kung mayroon
man, paano mo ito tinatanggap sa iyong buhay? Kagaya ka rin ba ni Carla na nagawang magrebelde sa
kanyang mga magulang?
5. Bilang anak, ano-ano naman ang masasabi mong mga pagkukulang mo sa iyong magulang? Ano-ano
naman ang iyong ginagawa para iyong maipakita na nais mong makabawi sa iyong pagkukulang o
pagkakamali?

MARTES- Ikalawang araw: ISULAT SA PISARA ANG MGA TANONG. AT SAGUTAN.(COPY


ANG ANSWER) (F8PN-IIIg-h-31 Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng
nagsasalita)

Panuto: Bigyang-pansin ang mga isyung . Bilang pagpapatibay o pagsang ayon sa mga ito ilahad ang iyong sariling
pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng nagsasalita. Isulat ang iyong sagot sa papel.

1. Binigyan-pansin sa pelikula ang makabagong responsibilad ng babae at lalaki sa kasalukyan kung saan
tanggap na ang babae ang nagtrabaho at tatay ang naiiwan sa bahay.
2. Mahalagang matutong magrebyu ng pelikula ang mga manood dahil malaki ang impluwensiya nito sa
buhay ng tao.
3. Ang magandang pelikula y nakapupukaw ng interes ng mga manood.
4. Batay sa pagsusuri ng pelikulang Anak, nagbigay ng suhestiyon na higit na mas maganda raw marahil
kung ang pamagat na ibinigay sa pelikula ay iyong nagpapahalaga sa buhay ng ina sa halip na pagbibigay
diin sa anak. Sumasang-ayon k aba rito? Bakit oo bakit hindi? Itala ang iyon paliwanag.
5. Kung ikaw ay bibigyn ng pagkakataong magbigay ng sarili o bagong pamagat para sa pelikulang anak,
ano kaya ito at bakit?
6. Ano- ano pa ang mga kontradiksyon o mga hindi akmang pangyayari sa pagkakagawa ng pelikulang
ANAK ang iyong nakita sa sinusuring pelikula? Ilahad ito at ipaliwanag ang iyong pananaw kung bakit
mo nasabing hindi akma ang bagay na ito sa pelikula.
MIYERKULES- IKATLONG ARAW (F8PD-IIIg-h-32 Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa
mahahala-gang isyung mahihinuha sa napanood na pelikula) (ISULAT SA PISARA ANG MGA PAHAYAG
PARA MASAGUTAN)
PANUTO: IPAHAYAG ANG IYONG MGA PANANAW AT SUHESTIYON HINGGIL SA MGA NAPAPANAHONG ISYUNG MAY
KINALAMAN SA AKDANG NABASA (READ AND REACT)
1. READ: LAGANAP SA BANSA NGAYON ANG PROBLEMANG TUNGKOL SA TEENAGE PREGNANCY SANHI
NA RIN NG IBA/T-IBANG SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA BUHAY NG KABATAANG PILIPINO.
REACT:
2. READ:MARAMING PELIKULA SA KASALUKUYAN ANG MAY TEMANG TUNGKOL SA KARAHASAN AT
SEX AT HALOS WALANG HATID NA MABUTING ARAL SA MANONOOD.
REACT:
3. READ: PAGKAKAROON NG POSITIBONG PANANAW SA PAGHARAP SA MGA PROBLEMA NA
DUMARATING SA ATING BUHAY O MAGING SA ATING PAMILYA
REACT:

HUWEBES/ BIYERNES (PAGSASAGAWA NG IKATLONG MARKAHANG PROYEKTO)


(F8PU-IIIi-j-34 Nabubuo ang isang malinaw na (social awareness campaign tungkol sa
isang paksa na maisasagawa sa tulong ng multimedia
F8WG-IIIi-j-34 Nagagamit ang angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo ng
isang social awareness campaign

(PAALALA: GAWIN LAHAT NG MGA ITINAKDANG GAWAIN AYON SA NAKATAKDANG ARAW)

INIHANDA: EDNA M. CONEJOS

You might also like