You are on page 1of 21

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRAD0 8
UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.6 PANGWAKAS NA GAWAIN
Panitikan : Sanaysay
Teksto : “Jose P. Laurel: Pangulo sa Panahon ng
Panganib” ni Teodoro A. Agoncillo
Bilang ng Araw : 8 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-Ii-j-23)


 Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa
napakinggang pag-uulat

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-Ii-j-25)


 Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa
binasang datos

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-Ii-j-22)


 Nabibigyang- kahulugan ang mga salitang di maunawaan kaugnay
ng mga hakbang sa pananaliksik

PANONOOD (PD) (F8PD-Ii-j-22)


 Naiisa-isa ang mga hakbang ng pananaliksik mula sa video clip na
napanood sa youtube o iba pang pahatid pangmadla

PAGSASALITA (PS) (F8PS-Ii-j-23


 Nakagagawa ng sariling hakbang ng pananaliksik nang naayon sa
lugar at panahon ng pananaliksik

PAGSULAT (PU) (F8PU-Ii-j-23)


 Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong
datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang
Pilipino

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-Ii-j-23)


 Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pagaayos ng datos (una,
isa pa, iba
pa)

ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL (EP) (F8EP-Ii-j-7)


 Nailalathala ang resulta ng isang sestimatikong pananaliksik na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino

Unang Markahan | 129


TUKLASIN
I.LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-Ii-j-23)


 Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggang
pag-uulat

II. PAKSA

Panitikan : Sanaysay ( Sistemang Pananaliksik)


Wika : Paggamit ng mhga pahayag sa pag-aayos ng
datos
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8,
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Panitikan : Sanaysay ( Sistemang Pananaliksik)
Wika : Paggamit ng mhga pahayag sa pag-aayos ng
datos

3. Pokus na Tanong
Mungkahing Estratehiya : QUESTIONS IN THE PC
Isulat sa loob mga computer ang mga katanungan tungkol sa mga
inilahad na aralin upang mabigyan ang tamang sagot sa mga susunod
na talakayan.

tanong tanong tanong

Unang Markahan | 130


POKUS NA TANONG NG ARALIN 1.6
 Bakit mahalagang matutunan ang mga hakbang sa pananaliksik?
 Paano makatutulong sa pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip ang
pagkaunawa sa bagay na ito?

AKTIBITI
4. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : JUMBLED LETTERS
Isaayos ang mga ginulong letra upang makabuo ng isang kilalang
pulitikong Batangueño.

LERUALPESOJ SAGOT: Jose P. Laurel

 Pag-uugnay ng gawain sa bagong aralin.

 Pagpapabasa ng “Jose P. Laurel: Pangulo sa Panahon ng


Panganib” ni Teodoro A. Agoncillo

JOSE P. LAUREL:
PANGULO SA PANAHON NG PANGANIB
Halaw sa isinulat ni Teodoro A. Agoncillo

Ang buhay ni Jose P. Laurel mula pagkabinata hanggang maging


kagawad ng gabinete at pangulo ng bansang Pilipinas noong panahon ng
pananakop ng bansang Hapon sa Pilipinas, ay masasabing nakaumang
samga panganib.
Sa gulang na tatlumpong taon nang siya’y hirangin ni Gobernador-
Heneral Leonard Wood na kalihim Panloob, si Laurel ay subok nang hindi
marunong matakot kapag ang karapatan niya bilang tao o ang mga
karapatan ng mga Pilipino ang nakataya. Nag ipawalang-sala ni
Gobernador Wood si Ray Canley, isang miyembro ng kagawaran ng
pulisya ng Maynila na napatunayang nagkasala, si Laurel ay nagbitiw sa
tungkulin at sa sulat ng pagbibitiw ay sinabing “Hindi ako makapagpatuloy
ng paglilingkod sa isang tanggapang batid kong ang katulad ni Ray Canley
ay napagkilalang may pagkakasalang nagawa”.
Dahil sa subok nang kagitingan at pagkamakabayan ni Laurel sa
tungkulin, nang matapos pasinayaan ang Malasariling Pamahalaan
(Komonwelt) noong 1935 ay hinirang ni Quezon si Laurel na maging
mahistrado sa Katas-taasang Hukuman.

Unang Markahan | 131


Nang sumiklab ang Digmaan sa Pasipiko noong ika-08 ng
Disyembre, 1941, si Laurel ay naging Kalihim-Panloob. Palibhasa’y
maselan ang kalagayan ng bayan., si Quezon ay tumawag ng pulong ng
kanyang gabinete na dinaluhan nina Laurel, Sergio Osmeña, Jose Yulo,
Jose Abad Santos, Quintin Paredes, Serafin Marabut, Rafael Alunan,
Sotero Baluyot, Jorge Vargas, Teofilo Sison, Basilio Valdes, Heneral
Guillermo Francisco at Manuel Roxas. Ipinaliwanag ni Quezon na nais ni
Heneral MacArthur na makaiwas sila s amga Hapones. Ipinasiya ni
Quezon na isama sa Corregidor sina Osmeña, Abad Santos, Roxas at
valdes. Iniwanan si Vargas at si Laurel, na hinirang maging Kalihim-
Panloob at pansamantalang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman.
Pinayuhan din ni Quezon si Laurel na tulungan si vargas sa gawaing ito.
Matamang nagmuni-muni si Laurel at matapos ang ilang sandal ay
bumaling kay Quezon at nagwika: “G. Pangulo, madaling sabihing iiwan
ninyo kami upang mamahala at ipagtanggol ang baying sibil. Sa pagdating
ninyo kami upang mamahala at ipagtanggol ang baying sibil. Sa pagdating
ng mga Hapones ay maaring pilitin nila kami na gumawa ng mga bagay na
makapinsala sa ating Pamahalaan o sa Estados Unidos. Sa ganang akin,
mangyaring pahintulutan ninyo akong mamundok. Nagtanong ako
sapagkat sa inyong pagbabalik ay maaari ninyong itatwa an gaming mga
ginawa at akusahan kaming hindi naging matapat sa bayan. Ayaw naming
malagay sa ganitong kalagayan.”
Nang dumating nga ang mga Hapones, ginawa nila ang lahat ng
kahigpitan bilang bansang nagwagi sa labanan at ang kamaynilaan at iba
pang pook na nasupil ng kalaban ay nagmistulang malawak na
sementeryo dahil sa lungkot ng tanawin.
Pagkaraan ng isang taon ng paghihirap at gutom, ipinasiya ni
Heneral Hideko Tojo na bigyan ng kasarinlan ang Pilipinas sa lalong
madaling panahon. Nais ipakilala sa mga Pilipino at sa ibang bansa na
ang mga Hapones ay ang paniniwala ng mga Pilipino na ang kasarinlan na
ito ay hindi tunay kundi laruan lamang. Si Laurel ang napiling mamuno sa
isang komisyon na maghanda ng saligang-batas.
Noong ika-5 ng Hunyo,1943, habang naglalaro ng golf si Laurel, ay
sunod-sunod na putok ang gumimbal sa katahimikan ng umaga, at si
Laurel ay humandusay na may dalawang tama ng bala na naglagusan sa
kanyang dibdib. Ang lahat ng batikang manggamot at siruhano, kasama
ang seruhanong Hapones, ang nagligtas ng buhay ni Laurel.
Bagama’t kitang-kita ni Laurel ang isang Amerikanong ito. Marahil
ay nagtataka kayo bakit hindi itinuro ni Laurel ang Amerikano na bumaril
sa kanya? “Ang totoo ay ayaw kong managot sa pagpatay o sa paghihirap
ng aking mga kababayan,” ito ang paliwanag ni Laurel. Ang kadakilaan at
kadalisayan ng puso ni Laurel ay minsan pang naipakilala.

Unang Markahan | 132


Noong ika-10 ng umaga ng ika-25 ng Setyembre, 1943 ay inihalal
ng mga delegado ng Asamblea si Laurel bilang Pangulo ng Republican g
Pilipinas. Walang sinumang Pilipino ang naharap sa gayong kaselang
gawain. Naninimbang si Laurel sa mga Pilipino ay gayon din sa mga
Hapones, subalit hindi nawala sa kanya ang tunay na diwa ng mga
Pilipino. Tumanggi siyang magdeklara ng pakikidigma laban sa Estados
Unidos at Gran Britanya. Gayundin tumanggi siyang isuko ang kanyang
kumpareng si Manuel Roxas sa dahilang may kaugnayan ito sa mga
gerilya. Kailanman, ang larawan ni Laurel sa harap ng bayan ay walang
bahid-dungis at pinagtibay ito ng kasaysayan.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. al

ANALISIS

1. Ilarawan si Jose P. Laurel. Banggitin ang kanyang mga nagiing


katungkulan bilang pinuno ng bayan.

2. Ano ang inyong pananaw o opinion batay sa paglilingkod sa


bayan?

3. Sa anong aspekto ng inyong pagkatao nagdulot ng malaking


pagbabago ang mga gintong asal na inyong natutunan sa araling
ito?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…

Ang panunungkulan sa bayan o bansa ay dapat magtaglay ng


pagmamahal, pagsasakripisyo, pagtulong sa kapwa, pagiging matapang at
handang magbuwis ng buhay.

ABSTRAKSYON
Buoin ang mga susing salita upang makilala ang konsepto ng
araling tinalakay
Panunung- bayan Pagmama- Pagsasak-
kulan hal ripisyo

matapang magbuwis buhay ng

Unang Markahan | 133


APLIKASYON
Ibahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa sumusunod:
1. Bibigyang pagkakataong maging líder, paano ka mamumuno upang
maging maayos ang iyong nasasakupan.

IV. KASUNDUAN

1. Sa paglipas ng tatlumpung taon, sa palagay mo ano ang iyong


magiging katayuan sa buhay?

2. Alamin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng ipananaliksik.

Unang Markahan | 134


LINANGIN
I.LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-Ii-j-25)


 Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa
binasang datos

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-Ii-j-22)


 Nabibigyang- kahulugan ang mga salitang di maunawaan kaugnay ng
mga hakbang sa pananaliksik

PANONOOD (PD) (F8PD-Ii-j-22)


 Naiisa-isa ang mga hakbang ng pananaliksik mula sa video clip na
napanood sa youtube o iba pang pahatid pangmadla

II. PAKSA

Panitikan : Sanaysay ( Sistemang Pananaliksik)


Wika : Paggamit ng mga pahayag sa pag-aayos ng
datos
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8,
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

Panitikan : Sanaysay ( Sistemang Pananaliksik)

Wika : Paggamit ng mga pahayag sa pag-aayos ng


datos

Unang Markahan | 135


AKTIBITI

 Pagbasa ng teksto “Sistematikong Pananaliksik”


Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. al
 Paglinang ng Talasalitaan at Pangkatang Gawain
Bigyang kahulugan ang salitang di maunawaan sa akda.
(Malayang gumawa ng sariling estratehiya ang bawat pangkat)

1 2 3 4
Bibliograpi paksa Pagbaba-
Panana-
langkas
liksik

RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating
at Organisasyon naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
ng mga Kaisipan nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
o Mensahe kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
(4) nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/Pagkamalik Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
hain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng
ginamit ng pangkat sa ginamit ng pangkat sa
pangkat sa presentasyon pangkat sa presentasyon
presentasyon (2) presentasyon (0)
(3) (1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa ang bawat
(3) bawat miyembro sa ang bawat miyembro sa
miyembro sa kanilang miyembro sa kanilang gawain
kanilang gawain (2) kanilang (0)
gawain (3) gawain (1)

 Presentasyon ng bawat pangkat.

 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.

 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

Unang Markahan | 136


ANALISIS

1. Paano isinasagawa ang bibliograpi?

2. Mahalaga ba ang pagbabalangkas sa ginawang pananaliksik?


Ipaliwanag.

3. Sa palagay ninyo, ano kaya ang maaring maging paksa sa


paggawa ng pananaliksik?

4. Madali ba o mahirap ang pagsasagawa ng sistematikong


pananaliksik?

5. Bilang isang mag-aaral ng asignaturang Filipino, paano nakatulong


sa iyo ang pagkakaroon ng sapat na pagkaunawa sa bagay ng
pananaliksik?

 Pagbibigay ng input ng guro.

ALAM MO BA NA…

MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG ISANG PANANALIKSIK


1. Pagpili ng Paksa: Sa pagpili ng paksang susulatin unang bagay na
dapat mong isaalang-alang ay kung ito ba ay kawili-wili o naaayon
sa iyong interes. Ikalawa, kailangang masiguro kung kakayanin
mong gagawin ang pananaliksik; at ang huli, ang pagpili sa paksa
na may sapat na malilikom na datos.

2. Paglilimita ng Paksa: Mahalagang bigyang-limitasyon ang


paksang pipiliin upang hindi ito masyadong maging masaklaw at
matapos sa tamang panahon. Sa paglilimita ng paksa, gawing
batayan ang sakop ng panahon, sakop ng edad, sakop ng kasarian,
sakop ng grupong kinabibilangan, sakop ng anyo/uri, at sakop ng
perspektiba.

Halimbawa:
o Paksa: Ang Pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino
o Nalimitang Paksa: Ang mga Pagpapahalaga sa Kulturang
Pilipino sa Rehiyon 1.

3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi: Sumunod na


gawin ang paghahanda ng pansamantalang bibliograpi. Tandaan
ang paghahanda nito ay isang patuloy na proseso.

Unang Markahan | 137


Ang bibliyograpi o talasanggunian ay talaan ng iba’t ibang
sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin at
iba pang nalathalang materyal maging sa Internet. Siguraduhing ang mga
aklat o impormasyong isasama sa talaan ay may kaugnayan sa paksang
tinalakay. Hindi kailangan basahin ito nang pahapyaw upang matiyak ang
kaugnayan nito s apaksa. Ito ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa
paggawa ng pansamantalang bibliograpi.
 Pangalan ng awtor – Jose Protacio Rizal
 Pamagat ng kanyang sinulat – Noli Me Tangere
 Impormasyong ukol sa pagkakalahatla- Panunuligsa sa mga
Prayle
 Mga nalimbag – El Filibisterismo, Noli Me Tangere
 Lugar at taon ng pagkakalimbag – Pebrero 21,1887
 Pamagat ng aklat – Noli Me Tangere
 Ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman.
- Kasaysayan ng mga pagdaralita ng sangkatauhan
- Pagsasakripisyo ng pagmamahal sa sarili at bayan

4. Ang Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas: Ang


pagbabalangkas ay isinagawa upang maisaayos ang mga ideyang
nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng mga datos.
Makatutulong ito upang mabigyan ng gabay at direksyon ang
pananaliksik sa simula pa lamang. Sa pagbuo ng balangkas
kailangang isulat ang pangunahing ideya o pinakabuod ng
pananaliksik na isinagawa. Isunod na ilista ang mga pantulong na
ideya. Sumunod na tiyakin kung paano ilalahad nang maayos ang
mga ideya: kung ito ba’y kronolohikal o ayon sa lugar at saka
isaayos ang pormat.

5. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline: Dito


ay susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang
matiyak kung may mga bagay bang kailangang baguhin o ayusin.
Balansehin ang lagay ng bawat punto. Tantiyahin ang bawat bahagi
kung nasusobrahang o nakukulangan ng detalye.

6. Pagsulat ng Burador o Rough Drart: Mula sa iyong iwinastong


balangkas at mga kard ng tala ay maari ka nang magsimula
sumulat ng iyong burador. Kailangan ang sulating pananaliksik ay
dapat magkaroon ng panimula na kababasahan ng mga ideyang

Unang Markahan | 138


matatagpuan sa kabuoan ng sulatin, ng katawan na kababasahan ng mga
pinalawig na balangkas, at ng iyong konklusyon na siyang nagsasaad ng
buod ng iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik.

Sa pagsusulat, dapat ding tandaan at isaalang-alang ang paggamit


ng pahayag sa pagsasaayos ng datos. May mga pananda na
naghuhudyat ng pag-uugnayan sa iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag.

Ang ilan sa mga pandang magagamit sa pag-aayos ng mga datos


ay ang una, sunid/sumunod, saka, bilang pagtatapos, wakas o dakong
huli.

7. Pagrerebisa: Makatutulong ang muling pagbasa sa sinulat para


mamataan ang mga kamaliang nagawa na kailangang maiwasto. Huwag
gawing madalian ang pagrerebisa upang maingat na maiwasto ang bawat
pangungusap at walang makaalpas na mali. Dito pag-ukulan ng
pansinmang pagbaybay, kaangkupan ng pagkakagamit ng mga salita,
gamit ng mga bantas, at ang estruktura ng mga pangungusap.

8. Pagsulat ng Pinal na Manuskrito: Manuskrito ang tawag sa pinal na


sipi ng isang sistematikong pananaliksik. Ito ay dapat na nakaayon sa
pamanatayan o istandard na ibinigay ng guro. Tandaang bago ipasa ang
pinal na gawa, repleksiyon ng sarili ang anumang ginawa kaya kailangang
pagbutihin ang pagsulat bilang pagpapabuti rin sa sarili.

Sa pananaliksik, mahalagang matutuhan mo rin sa tamang


paggawa ng talasanggunian o bibliograpi. Ngunit tandaang sa
pangangalap ng mga impormasyon ay hindi lamang isang aklat ang iyong
magagamit upang mapangsanggunian. Maari ka ring gumamit ng internet,
panayam o panuorin sa pangangalap ng mga impormasyon.
Importante ang panggawa ng talasanggunian dahil bukod na
pagbibigay-galang sa mga may akda o may ideya ng iyong nakalap na
impormasyon, ito rin ay isang matibay na ebidensya o pagpapatunay ng
katumpakan ng mga impormasyong iyong nakalap.

 Maaari itong isaayos nang paalbeto batay sa pangalan ng may


akda ng aklat o mula sa pinakabagong limbag na aklat hanggang
sa pinakaluma.

 Pagpangkat-pangkatin ang mga uri ng sanggunian kung ito ba ay


aklat, mula sa isang pahayagan, magasin, ulat o internet.

 Ilagay ang pangalan ng may akda, pamagat ng aklat, tagalimbag at


taon ng pagkakalimbag.

Sanggunian: Pinagyamanag Pluma 8, Alma


UnangM.Markahan
Dayag, et.| 139
al
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: CONCEPT PUZZLE


Buuin ang puzzle upang malaman ang konsepto ng araling tinalakay.

Mahalagang
O patunay ng
impormasyon na
katumpakan ng
Magiging matibay na
mga
ebidensya
impormasyon

Sa
Mahalagang pananaliksik
matutunan Upang
ang mga maging
hakbang batayan sa

Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 1. • Mahalagang matutunan


ang mga hakbangSa pananaliksik upang maging batayan sa mahalagang
impormasyon na magiging matibay na ebidensyao patunay ng
katumpakan ng mga impormasyon.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : RESEARCH KO!


Gumawa ng sariling hakbang ng pananaliksik ayon sa lugar at
panahon ng pananaliksik.
Halimbawa:
1. Ang aking Baranggay
2. Ang kulturang nanatili sa aming baranggay

EBALWASYON

Panuto : Piliin ang letra ng wastong sagot.

1. Ito’y isang mapanuri at maka-agham na imbestigasyon o


pagsisiyasat ng isang paksa sa pamamagitan ng pangangalap ng
impormasyon.
a. Talasanggunian
b. Pananaliksik
c. Balangkas
d. Burador

Unang Markahan | 140


2. Ang unang hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik
a. Paghahanda ng bibliograpi
b. Pagpili ng paksa
c. Pagbuo ng balangkas
d. Pagrerebisa

3. Sa pagsasagawa ng bibliograpi ang dapat mauna ay ___________.


a. Pamagat ng kanyang sinulat
b. Mga nalimbag
c. Pangalan ng awtor
d. Lugar at taon ng pagkakalimbag

4. Sa pagsasagawa ng talasanggunian ang isa sa paggawa ng


bibliograpi ay :
a. Pagpili ng paksa
b. Pagbuo ng balangkas
c. Pangalan ng awtor
d. Pagsulat ng burador

5. Sa pagsasaayos ng bibliograpi ang wastong ayos ng pangalan ng


awtor ay :
a. Abad, Santos, Jose
b. Agoncillo, Teodoro
c. Rizal, Jose Protacio
d. Laurel, Jose Panganiban

SUSI SA PAGWAWASTO
1. B 2.B 3.C 4.C 5.D

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks
Diligence
Discipline
Courage
Courtesy
Devotion

Unang Markahan | 141


IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng isang paksa at bumuo ng balangkas


Halimbawa:
a. Global Warming
b. Climate Change

2. Humanda sa pagbuo ng isang news letter.

Unang Markahan | 142


PAUNLARIN
I.LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F8PD-Ii-j-22)


 Naiisa-isa ang mga hakbang ng pananaliksik mula sa video clip na
napanood sa youtube o iba pang pahatid pangmadla

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-Ii-j-23)


 Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pagsasayos ng datos
(una, isa pa, iba pa)

II. PAKSA

Wika : Paggamit at pagsasaayos ng datos


Kagamitan : Pantulong na biswal, mga larawan mula sa google
Sanggunian : Florante at Laura
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin
Salitang naghahayag ng Pagsang-ayon at pagsalungat

AKTIBITI
3. Motibasyon
Pagpapanood ng video clip ng iba’t ibang pangyayari /
kaganapan sa bansa at pagbuo ng mga balita tungkol dito.

 Pag-uugnay ng naunang gawain sa aralin.

ANALISIS

1. Tungkol saan ang napanood na video?

2. Mula sa napanood na video clip, ano-ano kaya ang mga hakbang sa


pagbuo ng isang balita?

Unang Markahan | 143


3. Isa-isahin ang mga pangyayari mula sa napanood, alin ang sa palagay
mo ay dapat na naunang sabihin o ipakita? Bakit

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : WORD HUNT


Hanapin ang mga mahahalagang salitang natutunan sa aralin
pagkatapos ay bumuo ng konsepto gamit ang mga salitang ito..

P A G S A S A A Y O S A B C
D E F M A H A L A G A G A T
H I J K L I M N O H I N D I
M A S I N I N G U V W X Y Z
M L P A G P A P A H A Y A G
N O P Q R D A T O S V W X Y
R A D I O B R O A D C A S T

Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 2. Magiging mabisa ang isang


pananaliksik kung magiging maayos ang paggamit ng pahayag sa pag-
aayos ng datos upang mapagsunod-sunod ang gawain.

APLIKASYON

Pumili ng isa at gumawa ng hakbang tungkol sa pagsasagawa nito.

a. Pagbili sa kantina
b. Pagpapagawa ng bahay
c. Pag-eenrol sa paaralan

EBALWASYON
Panuto : Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Sa pagpili ng paksang susulatin, unang bagay na dapat mong
isaalang-alang kung ito ay kawili-wili. Ang panandang ginamit sa
pagsusunod-sunod ay ______________.
a. Paksa
b. Una

Unang Markahan | 144


c. Ito
d. bagay
2. Isa sa nakatulong upang mapasigla ang ekonomiya ng bansa ay
ang pagpasok ng dolyar ay ___________ ang turismo. Ang
wastong gamit ng pagpapahayag ay
a. Iba pa
b. una
c. isa
d. pati
3. Marami ang nabibigyan ng trabaho ang turismo kaya naman
patuloy ang pagbuo ng programang pangkabuhayan at _______.
a. una
b. iba pa
c. Ito
d. Isa pa
4. ____________ kailangang makipagtulungan tayo sa pagpapaunlad
n gating ekonomiya upang magkaroon ng maraming trabaho ang
mga Pinoy.
a. Isa pa
b. Iba pa
c. una
d. kaya naman
5. Ang panghuling gawain sa pananaliksik ay:
a. Pagbuo ng balangkas
b. Pagpili ng paksa
c. Paghahanda ng bibliograpi
d. Pagsulat ng pinal na manuskristo

SUSI SA PAGWAWASTO
1. B 2. B 3. B 4. D 5. D

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks

Unang Markahan | 145


IV. KASUNDUAN

1. Gumawa ng maikling usapan tungkol sa isinagawang ”Lakan at


Lakambini ng Wika” noong Agosto. Gamitin sa mga diyalogo ang
mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat.

2. Humanda sa pagsulat ng awtput, magdala ng puting papel.

Unang Markahan | 146


ILIPAT
I.LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F8PU-Ii-j-23)


 Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong
datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang
Pilipino

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.6


Kagamitan : Pantulong nabiswals, mga larawan mula sa
google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Elma M. Dayag et. al.,
Florante at Laura
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO


1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : KULTURANAMIN ARE!
Hulaan kung anong kultura/pagdiriwang ang mga sumusunod
na larawan.

SAGOT:
Sublian Festival Pag-aani Festival Kambingan Festival
Batangas City Lobo, Batangas Tuy, Batangas
 Pag-uugnay sa susunod na gawain.

Unang Markahan | 147


 Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

GR A S P S
Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng
GOAL
pananaliksik ang awtentikong datos na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong
kulturang Pilipino.

Isa kang staffer ng inyong pahayagang


ROLE
pampaaralan

Mga hurado, guro at kapwa kamag-aaral.


A U D I E N CE

Magkakaroon ng unang lathala ang inyong


SITUATION
pahayagan tungkol sa kulturang Batangueño

P R O DU C T Mini newsletter tungkol sa kulturang Batangueño

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
S T A N D AR D
Nagagamit nang maayos
ang mga pahayag sa pag-
aayos ng datos
Nakagagawa ng sariling
hakbang ng pananaliksik
nang naaayon sa lugar at
panahon ng panaliksik
Nagagamit sa pagsulat ng
resulta ng pananliksik ang
awtentikong datos na
nagpapakita ng
pagpapahalaga sa
katutubong kulturang
Pilipino/Batangueño
LEYENDA
5 – Napakahusay 2 – Di-mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang di-
3 – Katamtamang Husay mahusay

Unang Markahan | 148


 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

IV. KASUNDUAN

1. Nakatutulong ba pananaliksik upang makabuo ka ng maayos at


kaakit –akit na newsletter para sa iyong paaralan?

2. Pag-aralan ang mga aralin sa Unang Markahan at humanda sa


Rebyung Pagsusulit.

Unang Markahan | 149

You might also like