You are on page 1of 22

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 8
IKALAWANG MARKAHAN
ARALIN 2.4
Panitikan : Sanaysay
Amerikanisasyon ng mga Pilipino
Wika : Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag
(pag-iisa, paghahambing at iba pa)
Bilang ng Araw : 6 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-IIf-g-25)


 Nahihinuha ang nais ipahiwatig ng sanaysay na napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IIf-g-26)


 Napaililiwanag ang tema at mahalagang kaisipang nakapaloob sa
akda.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-IIf-g-26)


 Naikiklino (clining) ang mga piling salitang ginamit sa akda.

PANONOOD (PD) (F8PD-IIf-g-22)


 Naiuugnay ang tema ng napanood na programang pantelebisyon sa
akdang tinalakay.

PAGSASALITA (PS) (F8PS-IIf-g-27)


 Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at
saloobin kaugnay ng akdang tinalakay.

PAGSULAT (PU) (F8PU-IIf-g-27)


 Napipili ang isang napapanahong paksa sa pagsulat ng isang
sanaysay.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IIf-g-27)


 Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag (pag-iisa,
paghahambing at iba pa) sa pagsulat ng sanaysay.

Ikalawang Markahan | 69
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-IIf-g-25)


 Nahihinuha ang nais ipahiwatig ng sanaysay na napakinggan.

II. PAKSA

Panitikan : Sanaysay
Wika : Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag ng mga
Pilipino
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8, Florante at Laura
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: FLASH CARD
Pakinggang mabuti ang babasahing pahayag at ibigay ang nais
ipahiwatig nito.
Ang Amerikanisasyon ay isang sakit na tumatalamak na sa katawan
ng ating lipunan bunga nito ang maraming kapansanan ng bayan.

Ang isang produktibong mamamayan ay nagdadala ng karangalan


hindi lamang sa kanyang sarili kundi maging sa kapwa Pilipino.

3. Presentasyon ng Aralin

Panitikan : Sistemang Pananaliksik


Wika : Paggamit ng mga Pahayag sa Pag-aayos ng
Datos (una, isa pa at iba pa)

Ikalawang Markahan | 70
4. Pagbuo ng Pokus na Tanong
Mungkahing Estratehiya : WATAWAT NG KATANUNGAN

tanong tanong tanong

POKUS NA TANONG NG ARALIN 2.4


 Paano nakatutulong sa iyong buhay ang mahahalagang kaisipang
hatid ng sanaysay?
 Bakit mahalagang malaman ang iba’t ibang uri ng paraan ng
pagpapahayag?

ANALISIS

1. Sa ano-anong aspekto ng iyong pagkatao nakatulong nang malaki


ang akdang binasa?

2. Paano makatutulong sa iyo ang akda upang higit na lumalim ang


iyong pagmamahal sa ating bansa?

3. Bakit mahalagang maging tapat tayo sa ating sarili o bayani?


Ipaliwanag.

 Pagbibigay input ng guro

ALAM MO BA…
Isang malaking kapakinabangan sa buhay ng tao na tayo ay tapat
sa ating sarili at sa bayan upang kaagapay tayo sa pag-unlad at pagtamo
ng maayos na buhay.

Ikalawang Markahan | 71
ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya : PICTURE PUZZLE
Piliin ang angkop na larawan sa ibaba pagkatapos ay bumuo ng
konsepto ng araling tinalakay tungkol dito.

Sa buhay ng isang tao dapat tayo ay tapat sa sarili at bayan upang


kaagapay sa maayos na pag-unlad.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : SANAYIN NATIN.


Sumulat ng maikling sanaysay kung paano mo maipakikita ang iyong
pagiging tapat sa sarili at sa bayan.

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG SANAYSAY


Kaangkupan sa paksa - - - - - - 5
Wasto ang gamit ng mga salita at bantas - - - 3
Orihinalidad - - - - - - 2

IV. KASUNDUAN
1. Magtala ng mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan.
Ipaliwanag.

2. Basahin ang Amerikanisasyon ng Isang Pilipino ni Ponciano Pineda.

Ikalawang Markahan | 72
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IIf-g-26)


 Napaililiwanag ang tema at mahalagang kaisipang nakapaloob sa akda.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-IIf-g-26)


 Naikiklino (clining) ang mga piling salitang ginamit sa akda.

PAGSASALITA (PS) (F8PS-IIf-g-27)


 Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin
kaugnay ng akdang tinalakay.

II. PAKSA

Panitikan : Sanaysay
Amerikanisasyon ng Isang Pilipino
Wika : Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8, Florante at Laura
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: PICTURE PUZZLE

Gabay na Tanong:

Ano ang iyong pansariling


pananaw, opinyon at
saloobin hinggil sa nagging
papel ng nabuong larawan
sa buhay ng mga Pilipino?

Ikalawang Markahan | 73
 Pag-uugnay sa bagong aralin
 Pagkilala sa may akda (Ponciano B. Pineda)
Ponciano B. Pineda

Si Ponciano B. Peralta Pineda ay isang manunulat, guro, linggwista


at abogado. Itinuring si Ponciano Pineda bilang “Ama ng Komisyon sa
Wikang Filipino” dahil sa pagsulong niya na maitatag ang komisyon batay
sa Seksiyon 9 ng ating Saligang Batas.
Siya ay naging direktor ng Komisyon sa Wikang Filipino na dati ay
Surian ng Wikang Pambansa sa taong 1971 hanggang 1999. Sa ilalim ng
kanyang pamumuno, sinimulan ni Pineda ang mga sosyo-linggwistikong
pananaliksik, na layong palaguin ang wikang pambansa. Isa na rito ang
patungkol sa repormang ortograpiya ng wikang Filipino. Sa ilalim ni Pineda
ay may malaking pagbabago sa mga patakaran ng wika: ang bilingual na
edukasyon sa taong 1974; Filipino bilang pangunahin at pambansang wika
sa 1983 ng mga Pilipino; at alpabetong Pilipino na binubuo ng 28 titik sa
1987. Itinatag ang 12 Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino sa buong
kapuluan.
Ang “Diksiyunaryong Pilipino (1973) ni Jose Villa Panganiban,
diksiyunaryong pansentenyal ng Komisyon ng Wikang Filipino (1998) na
inedit ni Ponciano B. Pineda. Inilathala ni Pineda ang Diksiyunaryo ng
Wikang Filipino, na nagsilbing pundasyon ng pambansang leksikograpiya.
Bukod sa pagiging isang magaling na awtor ng librong pang-
akademiko, isa rin siyang Filipinologist o eksperto sa kulturang Pilipino.
Kabilang sa kanyang mga akdang pambalarila ang “Pagpupulong: Mga
Tuntunin At Pamamaraan,” “Pandalubhasaan Sining Ng Komunikasyon,” at
“Sining Ng Komunikasyon Para Sa Mataas Na Paaralan.” Pinarangalan
ng Gawad Palanca si Pineda ng una at ikalawang gantimpala para sa
kanyang mga maikling kuwentong “Ang Mangingisda” (1958) at “Malalim
ang Gabi” (1953).
Sanggunian: https://tl.wikipedia.org/wiki/Ponciano_Pineda

3. Paglinang ng Talasalitaan:
Bigyang kahulugan ang salitang Amerikanisasyon

AMERIKA-
NISASYON

Ikalawang Markahan | 74
4. Pagbasa ng Teksto
AMERIKANISASYON NG ISANG PILIPINO
Ponciano B.P. Pineda

Ang de-amerikanisasyon ng isang Pilipino ay isa sa pinakamalaking


tungkuling dapat nating gampanan sa ating kasalukuyan. Ang
Amerikanisasyon ay isang sakit na tumalamak na sa katawan ng ating
lipunan. Bunga nito ang maraming kapansanan ng bayan.
Isang simulaing cardinal, katotohanan palibhasa, na ang isang
Pilipino’y mahalagang sangkap ng buong pamayanang Pilipino. At ang
pinagsama-samang indibidwal, ang katipunan ng lahat ng mga
mamamayan ng bansang ito, ang bumubuo ng Sangkapilipinuhan. Habang
mahina, habang ‘di ganap ang pagka-Pilipino ng kabuuang ito ay ‘di tayo
makapagtatayo ng isang lipunang tunay na Pilipino, ni ng pamahalaan at
pangasiwaang tunay na Pilipino. Ang ugat ng dahilan ay nasa uri ng
edukasyon ng isang Pilipino.
Tingnan natin ang isang pangyayari bilang halimbawa. Ipalagay
nating heto ang isang batang Pilipino. Ang kanyang pamilya’y kabilang sa
mga may kaunting pribilehiyo sa buhay. Bagay na isinisiwalat ng kanilang
katayuang ekonomiko. Ang batang paksa ng kwento’y nakarinig sa unang
pagkakataon at nanggaya sa unang pagkakataon, sa pabulol na
pamamaraan, ng mga salita ng kanyang ina’t ama. “That’s the light,”
sasabihin ng ina, sabay turo sa bumbilyang nagliliyab sa kisame ng bahay.
“Now,” sasabihin ng bata, “where’s the light.” Ituturo ng bata. “There!”
sasabihin ng ina. Paulit-ulit. “That’s your Mommy”, sasabihin ng ama. “Say,
Mommy.” Gagayahin ng bata. “He’s your Daddy,” sasabihin ng ina. “Say,
Daddy.” Gagayahin ng bata. Ganyan ang simula.
Ang batang ito, pagsapit ng isang panahon, ay ipapasok sa
kindergarten. Doon ay maririnig din niya ang wikang naririnig sa kanyang
Daddy at Mommy. Bibigyan siya ng manipis na aklat na may malalaking
drowing at nandidilat na mga letra. Ituturo sa kanya ng titser. “Apple”. “Epol,”
wika ng bata. “Snow” sasabihin ng guro. “Isno,” wika ng bata. “Eagle,” ang
wika ng titser. “Igel,” gagad ng bata. Ang paaralang ito, nais kong idugtong
ay eksklusibo. Para lamang sa may kayang magbayad ng malaki. Ari ng
dayuhan at pinamumunuan ng mga relihiyoso.
Papasok ang bata sa regular na grado, sa paaralang ito rin: ari ng
mga dayuhan; pinamumunuan ng mga relihiyoso. Mababasa na niya ang
mga liubrong bumabanggit ng mga daan sa New York at sa Washington,
D.C. Mamamasid niya ang Central Park at Times Square. Ang batang ito na
nagsisimula pa lamang ay may guniguni nang lumipad sa lupalop na malayo
sa kanyang tinubuan.
Ang batang paksa natin ay lumalaki, mangyari pa at nagkakaisip.

Ikalawang Markahan | 75
Tuwing kakausapin siya ng kanyang Daddy at Mommy ay sa wikang
Amerikano. Ngunit may mga ibang tao sa kanilang tahanan: ang mga taong
iyon ay alila o utusan kung tawagin ng kanyang Mommy at Daddy. Nakikita
niyang ang mga ito’y tagapaglinis ng bahay, tagapagluto sa kusina,
tagapamili sa palengke, tagapagpaligo niya, at malimit na inaalimura ng
kanyang mga magulang. Ang mga taong ito, kung kausapin ng kanyang
Daddy at Mommy ay sa Tagalog. Hindi siya kinakausap sa wikang iyon ng
kanyang Daddy at Mommy. Kaya, sa kanyang batang puso at utak ay tila
mandin napagbubukod niya ang kagamitan ng dalawang wika: Ingles ang
ginagamit ng kanyang mga magulang sa pakikipag-usap sa kanya; Tagalog
sa pakikipag-usap sa mga alila o utusan. Ito’y kanyang mapagkakalakhan
at kahit na tumanda’y iisipin niya, ipamamansag niya sa katunayan, na ang
wikang Tagalog ay ginagamit lamang sa mga alila.
Ang batang ito’y patuloy sa paglaki. Palaging librong Ingles ang
kanyang binabasa, palaging Ingles-Amerikano, pagkat mga Amerikano ang
awtor. Dahil dito’y ayaw na rin niyang bumasa ng ano mangsinulat ng
kanyang mga kababayan sa wikang kanyang kinagisnan. Ang librong
nasusulat sa Tagalog ay nagiging kasuklam-suklam sa kanya. Sa tahanan
ay exposed siya sa telebisyon – sa mga programang ginaganap sa wikang
kanyang pinagkamalayan. Gayon din ang kanyang pinanood sa mga sine.
Kahit Class B, o Class C sa kanya’y pinakamagaling pagkat mga artistang
Amerikano ang nagsisiganap. Samantala, ang pelikulang Tagalog ay bulok
sa kanya, walang pasubali.
Siya’y isang ganap nang mamamayan, marahil ay mayroon nang
pananagutan sa buhay. Ngunit mayroon siyang sariling daigdig na
kinikislapan ng pumikit-dumilat na samut-saring kulay ng ilaw-dagitab sa
piling ng mga nagsasalita ng Ingles. Malayo sa kanya ang ibang daigdig,
ang lalong malaking dagidig. Ito’y ang lipunan ng mga nakabakya, ng
nagsisipagsalita ng katutubong wika. At sa ganyan ay sumilang ang
malaking pagitan ng mga Pilipinong pribilihiyado sa buhay at ang masa ng
ating bayan.
Totoong humaba ang simpleng kwentong aking isinalaysay. Ngunit
gaya ng inyong napansin, ito’y naglalarawan ng yugtu-yugtong pagkahubog
ng isang batang Pilipino sa pagiging Amerikano sa isip, sa salita at sa gawa.
Ang trahedyang ito’y nakaturo sa ating sistema ng edukasyon. Nang
pumasok ang mga Amerikano sa Look ng Maynila’y dala na nila ang sistema
ng paturuang Amerikano.Ayon sa kasaysayang sinulat ng mga dayuhan at
ng mga Pilipinong gumagamit ng salaming dayuhan – pumarito ang mga
dayuhan upang hanguin tayo sa barbarismo. Bibigyan daw nila tayo ng
edukasyon. Binigyan nga, edukasyong popular pagkat sa simulain ay bukas
sa lahat ng mga mamamayan. Ang wikang panturo ay Kano. Ang mga
asignatura’y hulwad sa Kano. Malayo na ang panahong iyon ng pagdaong
ni Dewey sa ating pasingan, ngunit narito pa rin ang mga bakas. Isa tayong
kolonya hanggang ngayon. Ang sistema natin ay tunay na kolonyal. Marahil
ay ‘di totoong mga Amerikano lamang ang dapat nating sisihin. Tayo man
naman ay may kasalanan.

Ikalawang Markahan | 76
Sa kabila ng katotohanang binigyan tayo ng kalayaang pampulitika,
tayo nama’y pinanatiling nakagapos sa kaalipinang ekonomiko at
edukasyonal. Sa panahon ay humihingi tayo ng pag-aaral sa ating mga
suliranin sa pagtuturo. Ang hinihiling nating gumawa nito’y ang ating dating
panginoon, ang mga Amerikano. Sila rin ang nagmumunyi sa atin ng mga
kalutasan. At kung ‘di magbunga nang maigi, tayo ang nagdurusa.
Kasalanan natin, ngunit ‘di nating gustong magkaganito. Biktima tayo ng
kasaysayan. Ganito ang ating palad. Gayunman, ang tanong ko’y ‘di na ba
tayo bubulas,’di na ba tayo magiging ganap na lalaki at ganap na bansa
– sui juris sa lenggwahe ng batas. Ang wika at edukasyon ay magkaugnay.
Ngayon ay marami pang tulong sa edukasyon na kaloob ng Estados
Unidos. Hindi natin matiyak ang mga tali ng tulong na ito. Sa kawalan ng
mapanghahawakang kongkretong ebidensya’y makapagbibigay lamang
tayo ng mga hinuha. Maaaring sabihing ang kaloob sa atin ay udyok ng
damdaming altruistiko ng ating dating panginoon. Ito kaya’y kapani-
paniwala? Hindi ba’t sa maraming pagkakataon ay lumilitaw ang
katotohanang sa kapakanang Amerikano lamang ang paglilingkod na
ginawa rito ng mga Amerikanong kinatawan ng Pamahalaang Amerikano at
pati ng kanilang mga ahenting na-“brain wash” pagkatapos magtamasa ng
kwalta ng iskolarsyip at grant? Isang kababawan, kung ‘di man katunggakan
ang mag-akalang tunay na nagbubuhos dito ng salapi at panahon ang
Estados Unidos dahil lamang sa kapakanang Pilipino. Sa katunaya’y
naglilingkod sila sa kapakanan ng Estados Unidos at sa kalwalhatian ng
Union. Ito ang hinahangaan ko sa mga Amerikano, kahit sila saan
magtungo, kalian mang panahon, ay nananatili silang Amerikano. Kapos
tayo sa bagay na ito. Tayo pa nga ang tumatayong tagapagtanggol nila, na
para bagang kailangan pa nating ipagtanggol sila.
Ang isang Pilipino, lalo na ang kabilang sa pamilyang ginawa kong
halimbawa sa simula ng komentaryong ito, ay medaling maging Amerikano.
Kaawa-awa ang bayang ito! Ang lahat ng ating pagsisikap na maging tunay
na Republikang Pilipino ay mabibigo habang dayuhan ang sistema ng ating
paturuang pambansa. Tunay na kailangan ang pagbabago, ang rebolusyon
sa laranang ito.
Ngayon ay may isang Komisyong nilikha ang Pangulo upag pag-aralan ang
sitwasyon ng edukasyon sa ating bayan. Sana’y maging tunay na Pilipino
ang ibubunga ng Komisyon. Huwag sanang kaligtaan nito ang kahalagahan
ng wikang panturo. Nababatid kong nasa kamay na ng komisyon ang
maraming pag-aaral ng Kawanihan ng Paaralang Bayan tungkol sa bagay
na ito. Nababatid na rin nito marahil ang tagubilin ng Lupon sa kurikulum,
pati na ang paninindigan ng Lupon sa Implementasyon. Hindi ako isang
manghuhula, ngunit masasabi ko nang walang alinlangan; na habang
nabibidbid ang ating paturuang pambansa sa sistemang Amerikano, at
habang tinatagikawan tayo ng wikang Amerikano, mananatili tayong second
rater lamang sa edukasyon, mangagagaya at bayang walang bait sa sarili.
Ang Wikang Filipino’y handa upang gamitin sa deamerikanisasyon
ng isang amerikanisadong mamamayang Pilipino!

Ikalawang Markahan | 77
 Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya
1 Mungkahing Estratehiya 2 RAP
NEWS REPORTING Iklino ang ilang salitang hinango
Ipaliwanag ang tema at sa akda.
kaisipang nakapaloob sa akda. Bulalas bobo salat
sigaw katunggakan hirap
imik mangmang hilahil

3 Mungkahing Estratehiya 4 Mungkahing Estratehiya


AMBUSH INTERVIEW
GOING BULILIT
Ilahad ang iyong sariling
Ibigay ang opinyon o saloobin ng
pananaw sa akda.
may akda.
.

RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailanga
Mahusay n ng
Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid Di-gaanong Di naiparating
at Organisasyon ng naipahatid ang nilalaman naiparating ang nilalaman o
mga Kaisipan o ang nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
Mensahe o kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
(4) nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/Pagkamalikhain Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
(3) kinakitasan ng kasiningan kinakitaan ng kasiningan ang
kasiningan ang kasiningan pamamaraang
ang pamamaraang ang ginamit ng
pamamaraang ginamit ng pamamaraan pangkat sa
ginamit ng pangkat sa g ginamit ng presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon pangkat sa
presentasyon (2) presentasyon
(3) (1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Di nagpamalas
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa nagpamalas ng pagkakaisa
Kooperasyon ng pagkakaisa ang bawat ng ang bawat
(3) ang bawat miyembro sa pagkakaisa miyembro sa
miyembro sa kanilang ang bawat kanilang gawain
kanilang gawain (2) miyembro sa (0)
gawain (3) kanilang
gawain (1)
 Presentasyon ng bawat pangkat.

Ikalawang Markahan | 78
 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.

 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Ano ang layunin ng may akda sa pagsulat ng sanaysay na


“Amerikanisasyon ng Isang Pilipino?

2. Naniwala ka ba sa sinabi ni Ponciano Pineda na ang wikang


Pilipino ay handa na upang gamitin sa de-amerikanisasyon ng
isang mamamayang Pilipino?

3. Taglay ba ng binasang akda ang mahahalagang katangian ng


isang mahusay na sanaysay.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA…

Ang sanaysay ay isang paglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro


ng sumusulat tungkol sa isang bagay o paksa. Ang salitang essay
(sanaysay) hango sa salitang Pranses na essayer ibig sabihin “sumubok o
tangkain”. Nagsimulang yumabong sa mga sulatin si Miachael de Montaigne
(1533-92)

Ayon kay Alejandro Abadilla ang salitang sanaysay ay


nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay. Ito’y isang akdang pampanitikang nasa anyong paglalahad
o tekstong pasalaysay. Ang pangunahing katangian ay ang pagkasarili nito
ng may akda. Ipinahahayag niya ang sarili niyang pagmalas, kuro-kuro, at
damdamin. Ang pagiging malinaw, mabisa, at kawili-wili ng paglalahad ay
makakamtan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin ng kaisahan,
kaugnayan, at diin. Kailangan din dito ang pagpili ng angkop na pananalita
at sariling estilo o pamamaraan ng may akda.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. al

Ikalawang Markahan | 79
ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya : I LOVE ‘PINAS!
Piliin ang mga larawang nagtataglay ng kaisipang tinalakay sa aralin
pagkatapos ay bumuo ng konsepto mula rito.

Sanaysay
Kuro-kuro nakasulat
Tula palagay
Sumulat Awit
paglalahad karanasan
‘Kano

Pagsagot sa Pokus na Tanong. Ang sanaysay ay isang paglalahad ng


kuro-kuro, palagay o karanasa ng sumulat nito.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : RAP


Bigyan ng mahalagang kaisipan ang sumusunod na pahayag.
Dahil sa mulat na rin ang maraming Pilipino sa negatibong epekto
na kolonyalismo ay pilit na itinuturo sa bawat isa sa ating na higit na
pahalagahan ang sariling atin bago ang bagay na inaalok ng mga
dayuhan.

EBALWASYON

Panuto : Piliin ang letra ng wastong sagot.

1. Ang mga Pilipino ay galit sa mga Amerikano, subalit patuloy pa din


naman ang pagsunod at paggamit ng kanilang producto. Alin ang
tamang pagkiklino ng salitang may salungguhit?
a. Galit, inis, suklam
b. Suklam, inis, galit
c. Inis, galit, suklam
d. Inis, suklam, galit
2. Higit na pagpapahalaga sa wikang Ingles kaysa wikang Filipino
Ang aking pananaw ay_____________.
a. Ikinahihiyang gamitin ang wikang Filipino.
b. Ang Ingles ang sandata sa pangkalahatang internasyunal.
c. Malaki ang kapakinabangan sa isang tao ang marunong
magsalita ng Ingles.

Ikalawang Markahan | 80
d. Wala sa nabanggit.
3. Marahil ay di-totoong mga Amerikano lamang ang dapat sisihin.
Tayo man ay may kasalanan.
Ang kaisipang mahahango sa pahayag
a. Natuturuan tayong bigkasin ang wikang Ingles.
b. Naipagmamalaki natin na tayo ay marunong sa wikang Ingles.
c. Dahil nag-aambag ang Amerikano ng edukasyon sa bansa kung
saan binigyang pansin ang pagtuturo ng Ingles.
d. Nagkakaroo ng kolonyal na mentalidad ang mga Pilipino.
4. Laganap ang Amerikanisasyon sa bansa sapagkat ang pangunahing
ugat o dahilan nito ay ang sistema ng ating_____
a. Edukasyon
b. Pamahalaan
c. Lipunan
d. Pagkamamamayan
5. Sa pagsulat ng sanaysay kailangang ito’y nakatatawag pansin sa
mga mambabasa at naglalaman ng____
a. Nakapupukaw ng damdamin.
b. Mayaman sa kaisipan.
c. Nagtataglay ng kaisahan ang mga detalye.
d. Pangkalahatang impresyon.

SUSI SA PAGWAWASTO
1. C 2.C 3.D 4.C 5.A

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks
Diligence
Discipline
Courage
Courtesy
Devotion

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng sanaysay at ibigay ang pangunahing kaisipan.

2. Alamin ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag.

Ikalawang Markahan | 81
PAUNLARIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F8PD-IIf-g-22)


 Naiuugnay ang tema ng napanood na programang pantelebisyon sa
akdang tinalakay.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IIf-g-27)


 Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag (pag-iisa,
paghahambing at iba pa) sa pagsulat ng sanaysay.

II. PAKSA

Wika : Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag


(pag-iisa, paghahambing at iba pa)
Kagamitan : Pantulong na biswal, mga larawan mula sa google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Alma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: DUTERTE SPEECH
Pagpapanuod ng isang programang pantelebisyon.

Ikalawang Markahan | 82
3. Presentasyon ng Aralin
Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag (pag-iisa, paghahambing
at iba pa)

 Pangkatang Gawain

1 
Mungkahing Estratehiya 2 Mungkahing Estratehiya
FACE TO FACE IBALITA MO!
Paghambingin ang tema sa Tukuyin ang iba’t ibang paraan ng
napanood at sa akdang pagpapahayag sa nabanggit na
tinalakay. napanood.

3 /Mungkahing Estratehiya 4 Mungkahing Estratehiya


PUNTO POR PUNTO TELESERYE/TELE-EKSENA
Ibigay ang sanhi at bunga ng Ibigay ang pagkasunod-sunod ng
pangyayari. mga pangyayari.

RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailanga
Mahusay n ng
Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid Di-gaanong Di naiparating
at Organisasyon ng naipahatid ang nilalaman naiparating ang nilalaman o
mga Kaisipan o ang nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
Mensahe o kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
(4) nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/Pagkamalikhain Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
(3) kinakitasan ng kasiningan kinakitaan ng kasiningan ang
kasiningan ang kasiningan pamamaraang
ang pamamaraang ang ginamit ng
pamamaraang ginamit ng pamamaraan pangkat sa
ginamit ng pangkat sa g ginamit ng presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon pangkat sa
presentasyon (2) presentasyon
(3) (1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Di nagpamalas
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa nagpamalas ng pagkakaisa
Kooperasyon ng pagkakaisa ang bawat ng ang bawat
(3) ang bawat miyembro sa pagkakaisa miyembro sa
miyembro sa kanilang ang bawat kanilang gawain
kanilang gawain (2) miyembro sa (0)
gawain (3) kanilang
gawain (1)
 Presentasyon ng bawat pangkat.

Ikalawang Markahan | 83
 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.

 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Ano-ano ang magagandang kaisipang nais ipabatid ng may akda


sa kanyang mambabasa o nakikinig? Paghambingin ito.

2. Pansinin ang kanilang naging usapan?

3. Banggitin ang ginamit na paraan ng kanilang pagpapahayag.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…

IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG (PAGLALAHAD)


Ang paglalahad ay nagpapaliwanag, nagbibigay-kaalaman o
pakahulugan, at nagsusuri upang lubos na maipaunawa ang diwang inilahad
o nais ipaabot ng nagsasalita o sumusulat. Maaring ito ay tumutugon sa mga
katanungan kung ano ang katuturan ng isang salita o bagay, kung paano
ang pagsasagawa ng isang baagy, kung ano ang kakanyahan ng isang
layunin o simulain.
Upang mabigyang-linaw ang pagpapahayag ay ginagamit ang iba’t
ibang pagpapaliwanag.
1. Pag-iisa-isa- Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan
o sitwasyon sa pamamagitan ng maayos na paghahanay ng mga
pangyayari ayon sa talagang pagkasunod-sunod ng mga ito. Dito ay
malinaw na naipapakita ang mga dahilan at bunga ng mga
pangyayari.
2. Paghahambing at Pagsasalungatan- Ginagamit ang paraan na ito
sa paghahambing ng magkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay-
bagay. Ang paraang ito ang pinakamalimit na gamitin.
3. Pagsusuri- Sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik o bagay-bagay
na nakaapekto sa isang sitwasyon at ang pagkakaugnay-ugnay ng
mga ito.
4. Sanhi at Bunga- Tinatalakay rito kung ano ang sanhi at dahilan at
kung ano-ano ang kinalabasan. Sa paraang ito madaling maikintal sa
isipan ng mambabasa o nakikinig ang mga pangyayari.

Ikalawang Markahan | 84
5. Pagbibigay ng Halimbawa- Ito’y nagpapatibay ng isang paglalahad.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ay madaling
makumbinsi o mahikayat ang nagbabasa o nakikinig. Siguraduhin
lamang na tiyak o makatotohanan ang ibibigay na halimbawa.

Sa pagsulat o paglalahad ay kailangan ang malawak na kaalaman sa


paksang tatalakayin, pagpapaliwanag sa kahulugan, malinaw, at maayos
na pagpapahayag at walang kinikilingan.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. al

ABSTRAKSYON
Bumuo ng konsepto ng araling tinalakay gamit ang mga salita sa
“magnifying glass”.

Paglalahad
Pag-iisa -isa

Sanhi at Bunga Paghahambing Pagbibigay


halimbawa

APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya : SANAYSAY
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa napapanahong isyu at gamitin
ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag.

RUBRIKS SA PAGTATAYA NG SANAYSAY


Orihinalidad 4 puntos
Nailahad nang maayos ang sariling 3 puntos
palagay at saloobin
Magkakaugnay ang mga pangyayari 3 puntos
KABUUAN 10 puntos

Ikalawang Markahan | 85
EBALWASYON
Panuto : Piliin ang letra ng tamang sagot

Panlima, ang paggamit ng unang wika di lamang makapagpapataas ng


antas ng edukasyon; maging kasangkapan din ito sa pagkatuto at
pagpapabuti ng Ingles.
1. Ang pahayag ay nagpapakita ng:
a. Paghahambing
b. Sanhi at bunga
c. Pag-iisa-isa
d. Pagsusuri

Ang wikang pambansa na Filipino ang sagisag ng ating pagka-


Pilipino na pambansang pagkakakilanlan dahil isa ito sa mga
sagisag ng ating bayan, dapat natin itong igalang at pangalagaan.
2. Ang pagpapahayag ay ginamitan ng_______
a. Paghahambing
b. Sanhi at bunga
c. Pag-iisa-isa
d. Pagbibigay ng halimbawa

Ang pagtulong sa kapwa ay hindi naghihintay ng kapalit.


Kailangang bukal sa kalooban o taos-puso. Bilang isang babaeng
tumulong sa nasusunong na pabrika na ipinalabas muna nya ang
kanyang kasamahan subalit siya ay nagtamo ng 80% sunog na
katawan siya ay si Natalia Alcantara, isang bayani.
3. Ang wastong gamit ng pagpapahayag ay_______
a. Sanhi at bunga
b. Pag-iisa-isa
c. Halimbawa
d. Paghahambing

Kapag ang bata ay lumaki sa pagtuturo ng Ingles o palaging librong


Ingles ang kanyang binabasa na ang awtor ay Amerikano, dahil
dito ayaw na rin niyang bumasa ng wikang kinagisnan.
4. Ang uri ng pagpapahayag na ginamit ay________
a. Kapag
b. Dito
c. Dahil
d. Ayaw
5. Ang sanaysay na Amerikanisasyon ng isang Pilipino ay
a. Paglalarawan
b. Paglalahad
c. Pagsasalaysay
d. Pangangatwiran

Ikalawang Markahan | 86
SUSI SA PAGWAWASTO

1. C 2. B 3.C 4.C 5.B

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks

IV. KASUNDUAN
1. Bumasa ng isang sanaysay at salungguhitan ang ginamitan ng
iba’t ibang paraan ng pagpapahayag.

2. Humanda sa pagsulat ng sanaysay.

Ikalawang Markahan | 87
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F8PU-IIf-g-27)


 Napipili ang isang napapanahong paksa sa pagsulat ng isang
sanaysay.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 2.4


Kagamitan : Pantulong na biswal, mga larawan mula sa
google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Elma M. Dayag et. al.,
Florante at Laura
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya :
Gumawa ng simpleng paglalahad o pagpapahayag tungkol sa
larawan.

Ikalawang Markahan | 88
 Pag-uugnay sa susunod na gawain.

 Pagbibigay ng input tungkol sa pagsulat ng isang


mabisang talata.

 Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

G R A S P S

GOAL Napipili ang isang napapanahong paksa sa


pagsulat ng isang sanaysay.

Ikaw ay naatasan ng iyong editor in chief na


ROLE
sumulat para sa inyong school organization.

Mga mag-aaral sa BNHS


AUDIENCE

Kailangang sumulat ng isang sanaysay tungkol


SITUATION sa napapanahong isyu o paksa.

P R O DU C T sanaysay

Mga Pamantayan PUNTOS


S T A N D AR D
Ang nabung sanaysay ay batay sa
3
tiyak na katangian nito.
Nagamit ang iba’t ibang paraan ng
3
pagpapahayag
Napalawak ang mga kaisipang
2
kaugnay ng paksa
Malinis, maayos ang pagkakaulat at
2
wasto ang gamit ng wika at bantas
Kabuuan 10

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

Ikalawang Markahan | 89
 Pagbasa ng ilang mag-aaral na kinakitaan ng kaakit-akit na
sanaysay.

IV. K A S U N D U A N

1. Gumupit mula sa isang pahayagan ng sanaysay na naglalahad at


ikapit sa puting papel.

2. Magsaliksik sa mgapamagat ng Maikling Kwentong sumubol noong


panahon ng Komonwelt. Itala ito sa inyong kwaderno.

Ikalawang Markahan | 90

You might also like