You are on page 1of 5

Philippine Professional Standard for Teachers (PPST)

Results-Based Performance Management System (RPMS)

Baitang at Pangkat: IX - DALTON Petsa: Agosto 28,2018


Asignatura / Markahan: FILIPINO / IKALAWA Oras: 2:15 hanggang 3:15

Banghay – aralin sa Pagtuturo ng Filipino sa Ikasiyam na Baitang

I. Kasanayang Pampagkatuto:

 Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat (F9PU-IIa-b-47)


Mga Layunin:
Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 nakapagsusuri ng tamang anyo at sukat sa pagsulat ng tanka at haiku (PN)

 nakapagsusulat ng sariling tanka at haiku na may tamang anyo at sukat (PU)

 nabibigyang-halaga ang wastong pagsulat ng tanka at haiku sa pagpapahayag ng


damdamin (PB)

II. Nilalaman:

A. Paksa: Tanka at Haiku ng Japan


(Isinalin sa Filipino ni Vilma C.Ambat)

B. Gabay na Tanong:
 Ano ang tamang anyo at sukat sa pagsulat ng tanka at haiku?

C. Mga Sanggunian:
 Panitikang Asyano 9: pp. 90-98, internet

D. Mga Kagamitan:
 mga larawan,manila paper,marker,scotch tape,TV,laptop

E. Mga Estratehiya sa Pagtuturo:


 4a’s,Pangkatang Gawain, Multiple Intelligences, Computer Assisted Instruction

F. Halagang Pangkatauhan:
 Pagpapahayag ng sariling damdamin sa pamamagitan ng pagsulat ng tanka at
haiku.

III. Yugto ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin at pagbati
2. Pagpapaayos ng mga upuan at pagpapapulot ng mga dumi (kung kinakailangan) bago
umupo
3. Pagtsek nga attendans
Philippine Professional Standard for Teachers (PPST)
Results-Based Performance Management System (RPMS)

4. Pagbabalik-aral
Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod na mga pahayag upang matukoy ang kaligirang
pangkasaysayan ng Tanka at Haiku.Magtataas ng flaglet ang mga gustong sumagot.

 Ang tanka at haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang ____.


 Tinatawag na ______ang pinakaunang tanka sa kalipunan ng mga tula.
 _____ ang tawag sa salitang pinaghihintuan o cutting word.
 Ang anyo ng tulang hapon na binubuo ng 31 pantig na may 5 taludtod ay tinatawag
na ______.
 ______ naman ang tawag sa tulang hapon na binubuo ng 17 pantig at 3 taludtod.

5. Paglalahad ng mga layunin


- Ipapakita ang mga layunin sa klase.
- Pipili lamang ng mga mag-aaral na magbabasa sa bawat layunin.

6. Mga paalala
- Ano ang dapat gawin habang isinasagawa ang talakayan?
-
B. Pagganyak (Suriin Mo)
Panuto:Pangkatang pagpapabasa ng tanka at haiku at susuriin nila ang mga ito ayon sa
paksa at mensaheng nais ipabatid nito. (p.91 ng modyul ng mga mag-aaral)
Mga gabay na tanong:
 Ano ang paksa ng binasang tanka at haiku?
 Paano ipinahayag ang damdamin ng may-akda sa pagsulat ng mga ito?
 Anong kaugaliang Hapones ang makikita sa pagsusulat ng tanka at haiku?

C. Paghawan ng balakid (Paglinang ng Talasalitaan)


Panuto: Batay sa kultura ng mga taga-Japan,isulat sa ibabang bahagi ang mga
salitang kaugnay ng kahulugan o ipinahihiwatig ng mga salitang nasa loob ng
kahon.Pipili lamang ng mga sasagot dito.

palaka cherry blossom

Kahulugan: kahulugan:
Konotasyong kahulugan: konotasyong kahulugan:

taglagas

Kahulugan:
Konotasyong kahulugan:
D. Paglalahad
- Pagpapabasa ng tanka at haiku nang pangkatan sa harap ng klase.Bibigyan ang mga
mag-aaral ng dalawang minuto upang makapaghanda.
E. Pangkatang Gawain:

 Unang Pangkat: Pagguhit ng kaisipan ng akda


Philippine Professional Standard for Teachers (PPST)
Results-Based Performance Management System (RPMS)

Panuto: Iguhit at ilarawan ang kaisipang taglay ng binasang tanka at haiku.

 Ikalawang Pangkat: Suriin Mo Ako!


Panuto: Susuriin ang pagkabuo ng tanka at haiku.Bibilangin ang sukat gayundin
ang tugma nito.

 Ikatlong Pangkat: Iugnay Mo!


Panuto: Ibigay ang mga kaugnay na salita sa mga piling salitang ibibigay ng guro.

 Ikaapat na Pangkat: Pabuo ng Venn Diagram


Panuto: Ibibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tanka at haiku.
F. Pagsusuri
Mga Gabay na Tanong:

 Ano-ano ang mga katangiang taglay ng tanka at haiku?Ilang pantig mayroon ang
tanka at ilan nman ang haiku?

 Ano-ano ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng tanka at haiku?

 Bakit kakaiba ang tanka at haiku sa iba pang anyo ng tula?

 Paano ipinakita ng may-akda ang kaugalian at tradisyon ng bansang Japan sa


tanka at haiku?

 Maipapahayag ba ng may-akda ang kanyang damdamin sa pagsusulat ng tanka at


haiku?Paano?

 Anong anyo ng tulang Pilipino ang maihahalintulad mo sa tanka at haiku?


Pangatwiranan.
G. Paghahalaw
- sukat ng tanka at haiku

- katangiang taglay ng tanka at haiku

- paksang tinataglay ng tanka at haiku

- maitutulong ng pagsusulat ng tanka at haiku sa pagpapahayag ng damdamin

H. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Panuto: Bumuo at sumulat ng inyong sariling tanka at haiku batay sa mga larawang
mabubunot ukol sa mga bagay-bagay ng makikita sa paligid.Itatanghal ito sa harap klase.

*toga * pluma
*bahay-kubo * kalabaw
*haranahan * watawat
*puno ng narra * araw
Philippine Professional Standard for Teachers (PPST)
Results-Based Performance Management System (RPMS)

Rubrik sa Pagmamarka:

Mga Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong Hindi


(4) (3) Mahusay (2) Mahusay (1)
Nilalaman
Pagkamalikhain
Kaugnayan sa paksa
Kabuuang Impak ng
Pagtatanghal

Kooperasyon
Kabuuang Marka (20 puntos)

IV. Pagtataya

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong at isulat ang titik lamang sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay karaniwang paksa ng tanka sa Japan maliban sa;


a. galit b. pag-ibig c. pagbabago d.pag-iisa

2. Paano naipapahayag nang malinaw ng may-akda ang paksa ng isinulat niyang tanka at haiku?
a. sa pamamagitan ng paggamit ng mga simbolo
b. sa pagbibigay-kahulugan sa mga salitang ginamit
c. ibabatay ito sa nararamdaman ng may-akda habang isinusulat ang tanka at haiku
d. wala sa nabanggit

3. Paano nakatutulong ang tanka at haiku sa pagpapakilala ng kultura ng bansang pinagmulan nito?
a. sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagay na may kinalaman sa kanilang kultura
b. paggamit ng mga kaugaliang taglay ng mga taong nakatira sa nasabing lugar
c. paggamit ng mga lugar na itinuring na magagandang pasyalan ng kanilang bansa
d. lahat ng nabanggit

V. Takdang-aralin

Panuto: Bibigkasin ulit ng bawat pangkat ang kanilang ginawang tula nang masining at ire-rekord
ito.Pagkatapos ay ia-aplod ito sa facebook at doon ito mamarkahan ng guro.

Inihanda ni:

JUDITH P. CAMPOS
Guro

Iniwasto ni:

ROMULO Q.MORATA
Punong-guro
Philippine Professional Standard for Teachers (PPST)
Results-Based Performance Management System (RPMS)

You might also like