You are on page 1of 6

GINGOOG CITY COLLEGES

GINGOOG CITY
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

I. LAYUNIN: Pagkatapos ng isang sesyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nasusuri ang kuwentong binasa batay sa istilo ng pagsisimula,


pagpapadaloy at pagwawakas;
B. Naibabahagi ang sariling opinyon at ideya ukol sa daloy ng mga
pangyayari sa kuwento; at
C. Nakabubuo ng mga malikhain na grapikong pagsasaayos na naglalaman
ng mga mahahalagang pangyayari tungkol sa tinalakay na paksa.

II. PAKSANG ARALIN:

Kompetensi:

 Nasusuri ang maikling kuwento batay sa istilo ng pagsisimula,


pagpapadaloy at pagwawakas ng napakinggang salaysay.
(F9PN-IIe-f-48)
 Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy, at
pagtatapos ng isang kuwento. (F9EP-IIe-f-18)

Kasanayan: Mapanuring pag-iisip


Paksa : Maikling kuwento ng Taiwan: Bayaning katutubo
Sanggunian: Rivera, R. (2019). Sinag ng Wikang Pilipino, Wika at Panitikan.
Sta. Ana. Manla: Innovative Materials, Inc. Pp. 127-128.
Kagamitan : Pantulong Biswal at E. kagamitan
Pagpapahalagang Nakapaloob: Ang malinis na kalooban ay walang kinatakutan.

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pag-ayos ng upuan
 Pagtsek ng atendans
 Pagkuha ng mga takdang aralin
 Pagbabalik Aral
B. Motibasyon:

Ano ang kaya mong isakripisyo


bilang isang indibidwal para
makamit ang kalayaan?

May katanungan na ipapakita sa mga mag-aaral sa telebisyon gamit ang


powerpoint presentation at bubunot sa isang kahon na naglalaman ng
mga pangalan ng mga mag-aaral. Ang pangalan na mabubunot ang
siyang sasagot sa tanong. Pagkatapos magbigay ng kanilang mga sagot
ay ilalahad ng guro ang paksang tatalakayin na may kaugnayan sa
katanungan at sa kanilang mga sagot.

C. Talakayan:
 Hahatiin sa tatlong pangkat ang klase at bibigyan ng kopya sa kuwento.
Susuriin ng bawat pangkat ang maikling kuwento ayon sa mga
sumusunod:

a. Estilo ng pagsisimula ng may-akda.

b. Daloy ng mga pangyayari.

c. Wakas ng maikling kuwento.


Pamprosesong tanong:

1. Batay sa inyong sinuring kuwento, Anong istilo ang ginamit ng may-


akda? Maayos ba ang daloy ng mga pangyayari?
2.Paano inilarawan ang tribu ng Taiya?
3. Paano ipinakita ng mga katutubo ang kanilang pag-aalsa?
4. Sa iyong palagay, Tama ba ang ginawa nina Mo Na Dao at kasamahan
nito na lumaban hanggang kamatayan? Pangatwiranan ang sagot.

D. Malikhaing Gawain:

Sa parehong pangkat ay may nakatalagang gawain. Bibigyan lamang ng


limang minuto ang bawat pangkat at pipili ng isang kasapi para maglahad
sa harap ng klase.

Pangkat 1: Magtala ng mga sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang


akda gamit ang fishbone diagram.

Sanhi

Bunga

Pangkat 2: Itala ang mga kulturang nakapaloob sa binasang maikling


kuwento sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga pangyayari.

Kultura ng Taiya
Pangkat 3: Buuin ang kayarian ng kuwento sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga gabay na tanong.

Banghay

Maikling
Kuwento ng
a. Panimula
Taiwan:
Bayaning b. Suliranin
katutubo
c. Reaksyon

d. Ginawa

Wakas e. Kinalabasan

1. Banghay
a. Paano sinimula ng may-akda ang kuwento?
b. Ano ang suliraning taglay ng pangunahing tauhan?
c. Paano hinarap ng pangunahing tauhan ang problema?
d. Ano ang mga hakbang na kaniyang ginawa?
e. Ano ang kinalabasan ng mga hakbang na ito?
2. Paano winakasan ng may-akda ang kuwento?

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY DI-GAANONG


5 3 MAHUSAY
1
NILALAMAN Malinaw na malinaw Malinaw at tugma Hindi malinaw at
at tugma sa paksa paksa ang kaisipang tugma ang
ang lahat na ideya o nakapaloob kaisipang
kaisipan na ipinahayag
ipinahayag.
Nagtutulungan ang Halos lahat ang Marami sa
lahat ng miyembro nagtutulungan sa miyembro ang
KOOPERASYON
sa pagbabahagi ng pagbabahagi ng walang
mga ideya. mga ideya sa partisipasyon sa
kanilang gawain. gawain.
PAGGAMIT NG Nagamit ng wasto Natapos ang Hindi natugunan
ORAS ang oras hindi gawain ngunit ang oras na itinakda
sumobra at lumagpas ng isang sa gawain.
kumulang. minuto.
IV. EBALWASYON:
Panuto: Isulat sa patlang ang titik T kung ito ay Tama at m naman kung ito ay
nagpapahayag ng Mali. 2 puntos bawat isa.

_____1. Isang guro si Hua Gong at isa rin siyang katutubong nakapag-aral sa
pampublikong paaralan.
_____2. Karamihan sa katutubong taiya ay nakatira sa gitnang bahagi ng
Taiwan.
_____3. Ang mga katutubong Taiya ay nakaranas ng kalupitan sa ilalim ng
pananakop ng mga Hapones.
_____4. Limampung taon nila pinagdusahan ang pananakop ng mga Hapones.
_____5. Pinamumunuan ni Mo Na Dao ang paglusob sa mga Hapones.
_____6. Sinubukan ng mga hapones na linlangin ang mga katutubo sa pangako
na sa kanilang pagsuko ay hindi sila papatayin.
_____7. Gumamit ng nakakalasong usok ang mga Hapones upang lumabas sa
kanilang pinagtataguan ang mga katutubo?
_____8. Binaril ni Mo Na Dao ang sarili at nagpatiwakal din ang mga katutuong
kasamahan niya/
_____9. Ang pangyayaring naganap sa Wu She ay nagtagal ng tatlumpung
araw.
_____10. Ang pangyayaring ito ay nagsisilbing inspirasyon ng mga Taiwanese
na labanan ang pananakop ng mga Hapones.

V. TAKDANG ARALIN:
Panuto: Mag-isip ng isang proyekto na maaaring gawin para makatulong sa
pangangailangan ng mga katutubo sa larangan ng edukasyon. Sagutan ang mga
sumusunod:

I. Pangalan ng Proyekto PAMANTAYAN


NILALAMAN -------------10 PUNTOS
_____________________
KALINISAN --------------- 5 PUNTOS
II. Layunin: (Magbigay ng KABUUAN ------------------15 PUNTOS
tatlo)

______________________

_______________________
Inihanda nina:
_______________________ Pagaran, Shirley L.
Dampog, Irish
Rizala, Lotching
Pardo, Anabelle
Olvido, Guia
Micu, Joharah
Manlangit, Liann Joy
Zaballero, Jerson

You might also like