You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A (CALABARZON)
Sangay ng Lungsod ng Lipa
PAMBANSANG PAARALANG SEKUNDARYA NG FERNANDO AIRBASE
Lungsod ng Lipa

Masusing Banghay Aralin sa Pakitang Turo sa Filipino 9

Tema: Mga Akdang Pampanitikan ng Kanlurang Asya


Pamantayang Pangnilalaman:Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang
Asya
Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal sa mga akdang
pampanitikang Asyano

I. Layunin:
1. Natutukoy at nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng
alinmang bansa sa Kanlurang Asya. (F9PS-IIIg-h-56)

II. Paksa:
Tuklasin
Aralin 3.4
Panitikan : Rama at Sita
Isang Kabanata sa Epikong Hindu-Mula sa India
Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva
Gramatika/Retorika : Uri ng Paghahambing (Magkatulad at di-magkatulad)
Uri ng Teksto : Naglalarawan
Sanggunian : Panitikang Asyano 9 Romulo N. Peralta et al.
Kagamitan : Pantulong biswal,laptop at libro

II. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng linya ng upuan
4. Pagtatala ng liban
5. Pagbabalik Aral
A. Aktibiti

1.Motibasyon
Mungkahing Estatrehiya: Manghulaan Tayo!

Pangkatang Gawain
Kailangang mahulaan ng grupo ang mga bayani na
ilalarawan ng iba pang grupo. Isasagawa ito sa
pamamagitan ng “Drew it Up”

2.Presentasyon ng aralin
Mungkahing Estratehiya: NAME THE PICTURE
(Mahuhulaan Mo Ba?)
Batay sa mga klu na nabanggit sa bawat bilang, sagutin
ng mga mag-aaral kung ano ang ipinahahayag sa tulong
ng larawan.

(Mga Sagot: Mother Teresa, Pratibha Patil, ,Taj Mahal, India)

4. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na …
Maipakikita ang kabayanihan hindi lang sa angking
tapang sa pakikipaglaban o sa paggamit ng dahas kung hindi
gayundin sa pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa nang
walang anumang hinihinging kapalit.
B. Analisis

1. Sino sa mga kilalang tao ang higit na hinahangaan


mo? Bakit?

2. Alin sa mga ito (kilalang tao) ang mas nagtataglay ng


pambihirang katangian? Ipaliwanag.

3. Isa-isahin ang mga pangyayaring nagpapatunay sa


kanilang kabayanihang ginawa.

C. Abstraksyon
Mungkahing Estratehiya: Ilahad Mo!

D. Aplikasyon
Mungkahing Estratehiya: THINK AND SHARE!

Ang Taong Hinahangaan Ko


Sumulat ng maikling paglalarawan tungkol sa
taong hinahangaan at itinuturing na bayani ng buhay
mo. Sino ang taong ito? Ano ang nagawa niya sa buhay
mo para ituring mo siyang bayani? Isulat ang kanyang
pangalan sa loob ng puso.

Kabayanihang
Katangian
Nagawa
IV. Ebalwasyon:
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na itinuturing na
bayani ng Kanlurang Asya. Piliin ang inyong sagot na nasa loob
ng kahon.

Lee Chong-wei, Haring David,

Tshering Tobgay, Mahatma Ghandi

Manal Al Sharif

___________1. Inilarawan siya sa Bibliyang Hebreo bilang


ikalawang hari ng United Kingdom ng Israel at Juda.

Susi Sa Pagwawasto
_________2.Dahil sa pagkapanalo sa Rio Olympic Games
sa Brazil, ng medalyang pilak sa Badminton Men's 1. Haring David,
Single.Ipinahayag noong Agosto 21, 2016 ni Punong
Ministrong Najib Tun Razak ng Malaysia na ituring siya bilang 2. Lee Chong-wei
pambansang bayani ng bansa
3. Manal Al Sharif
____________3. Isa sa mga babaeng aktibista sa Saudi Arabia
4. Tshering Tobgay
nanalo sa buong mundo ng pagkilala para sa kanyang trabaho
upang mapalakas ang mga karapatan ng mga babae sa kanilang
5. Mahatma Ghandi
sariling bansa
____________4. Siya lamang ang ikalawang Punong Ministro
upang mamamahala sa bansang Bhutan siya ay nakabukas rin
ng mas matibay na mga layunin, tulad ng paggamit ng mga
potensyal na pang-ekonomiya ng hydropower ng Himalayan
bansa.
_________5. Isang siyang pangunahing politikal at
espirituwal na pinuno sa Indiya, at ng kilusang pagpapalaya sa
Indiya.

V. Takdang –Aralin

 Sumulat ng isang talataan na kung paano mo maipakikita ang kabayanihan sa iyong


sariling paraan.

Inihanda ni:

MAVELLE A. FAMORCAN
Teacher I

You might also like