You are on page 1of 10

Pangkatang

Gawain
Panuto: Magbigay ng katumbas
na pahayag ng mga
sinalungguhitang salita mula sa
ilang taludtod ng tulang binasa
1. Sa panahon ng pagkamulat
at maraming
pagbabago,binhing nakatanim
ang maraming kultura.
3. Ang kulturang itinudla ng
nakaraan at inireregalo ng
kasalukuyan ay bubuhayin ng
kinabukasan.

4. Binhing nakatanim ang maraming


kulturang nag-uumapaw sa ating
diwa.

5. Kulturang may lambing ng


panunuyo at tangis ng pamamaalam.
Ibigay ang sariling pananaw
at ihambing sa pananaw ng
iba ang pagkakaiba o
pagkakatulad ng paksa sa
iba’t ibang bansa sa Asya.
 
Magbigay ng mga
pangyayaring nagpapakita ng
kulturang Filipino na
namamayani sa bawat panahon
 
_____1. “Nangakatigil ang gawain sa bukirin,

Napahinga ang makina sa pabrika,

Natiwangwang ang daunga’t pamilihan,

At sa madla ay nagbanta ang dalita.”

“Ang Aklasan” ni Amado V. Hernandez


_____2. “Kung tatanawin mo sa malayong pook,

Ako’y tila isang nakadipang kurus,

Sa napakatagal na pagkakaluhod,

Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.”

“Isang Punongkahoy” ni Jose Corazon de Jesus

_____3. “Ang simoy ng hangin sa sariling bayan,

Halik ng pag-asa’t kundiman ng bayan,

Waring nagsasabing ang kaligayahan,

Sa nagisnang pugad tanging makakamtan.

“Tulang Pambayan” ni Inigo Ed. Regalado


 
_____4. “Sa aking paanan ay may isang batis,

Maghapo’t magdamag na nagtutumangis,

Sa mga sanga ko ay nangakasabit,

Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.”

“Isang Punongkahoy” ni Jose Corazon de Jesus

____5. “Nanlupaypay ang puhuna’t kalakal,

Nangasara ang lahat na… Welga! Welga!

Bawat sipag, bawat lakas ay umaklas,

Diwang dungo’t ulong yuko’y itinayo.”

“Ang Aklasan” ni Amado V. Hernandez


Takdang –Aralin;
Pag-aralan ang mga
damdamin/emosyon sa
iba’t ibang paraan at
pahayag.

You might also like