You are on page 1of 2

Pangalan: Niah Dorothy P.

Gozo Lebel/Seksyon: 9-Galilei

FILIPINO 9
IKAAPAT NA MARKAHAN: Lagumang Pagsusulit para sa Linggo 3-4

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra ng iyong napiling sagot sa patlang.

__C__1. Siya ang kaisa-isang anak ni Don Rafael Ibarra.


a. Sinang b. Linares c. Crisostomo d. Maria Clara
__C__2. Siya ang nagligtas kay Crisostomo nang sila ay pagbabarilin ng mga guwardya sibil.
a. Kapitan Tiago b. Alperes c. Elias d. Basilio
__D__3. Siya ang butihing ina nina Basilio at Crispin.
a. Pia Alba b. Donya Victorina c. Tiya Isabel d. Sisa
__A__4. Siya ay pamangkin ni Don Tiburcio na ipinagkasundong ipakasal kay Maria Clara.
a. Linares b. Elias c. Crisostomo d. Crispin
__A__5. “Mahal ko ang aking bayan ‘pagkat utang ko rito at magiging utang pa ng aking kaligayahan.” Sino ang
nagwika ng mga linyang ito?
a. Crisostomo Ibarra b. Elias c. Basilio d. Maria Clara
__A__6. Ito ay mga salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip.
a. pang-uri b. pandiwa c. pangngalan d. pang-abay
__A__7. Ito ay kayarian ng pang-uri na binubuo ng salitang ugat lamang.
a. payak b. maylapi c. inuulit d. tambalan
__C__8. Pinagpapala ng Panginoon ang mga taong mabubuti. Alin ang pang-uri?
a. tao b. ng c. mabubuti d. pinappapala
__C__9. Ang mga Pilipino ay malikhain sa anumang larangan. Alin ang pang-uri ?
a. Pilipino b. ay c. malikhain d. larangan
__D__10. Ilang taon namalagi si Crisostomo sa Europa?
a. apat na taonb. limang taon c. anim na taon d. pitong taon
__B__11. Nalaman ni Maria Clara na si _________________ ang kanyang tunay na ama.
a. Padre Salvi b. Padre Damaso c. Don Filipino d. Don Tiburcio
__B__12. Ano ang damdaming namayani nang tumangging makipagkamay si Padre Damaso kay Crisostomo Ibarra at
ikinaila nitong kaibigan niya ang yumaong ama ng binata.
a. pagkabigla b. pagkainis c. pagkalungkot d. pagkapahiya
__C__13. Ito ang antas ng wika na itinuturing na pamantayan sapagkat ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit sa
karamihang nakapag-aral sa wika.
a. katotohananb. opinyon c. pormal d. di-pormal
__D__14. Ito ang uri ng salita na karaniwang palasak sa pang-araw-araw na pakikisalamuha at pakikipagtalastasan sa
mga kakilala at kaibigan.
a. katotohananb. opinyon c. pormal d. di-pormal
__C__15. Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng pormal na antas ng wika?
a. Pambagets ang pormahan ng kaniyang ina.
b. Nakasisira sa kalusugan ang pagyoyosi.
c. Labis na galak ang kanyang nadama nang masulyapan ang sanggol.
d. Takot siyang mahuli ng lespu.
__A__16. Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng di-pormal na antas ng wika?
a. “San mo nabili ang bag na ‘to?”
b. Panata na niyang tumulong sa mga kapus-palad.
c. Nakasalalay sa pakikiisa ng bawat Pilipino ang pagbaba ng mga kaso ng may COVID19.
d. Malaki ang nagagawa ng mataimtim na pagdarasal.

__A__17. Ang ___________ ay isang uri ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan ay sinasabi ang kanyang
isinasaisip sa isa pang tauhan o kaya sa kapulungan ng nakikinig.
a. monologob. diyalogo c. mock trial d. tunggalian
__C__18. Ito ay panggagaya sa totoong pangyayari sa paglilitis sa korte.
a. monologob.debate c. mock trial d. dula
__D__19. “Ang ____________ ay para sa lahat, ngunit huwag mong lilimuting iya’y natatamo ng mga may puso
lamang.” Kumpletuhin ang pahayag ng guro mula sa nobela.
a. kayamanan b. kadakilaan c. karangalan d. karunungan
__D__20. Sinabi ng sepulturero kay Ibarra na itinapon ang bangkay ni Don Rafael sa __________.
a. dagat b. basurahan c. gubat d. lawa

PERFORMANCE TASK

Panuto: Sumulat ng isang maikli at masining na monologo. Ipagpalagay mong ikaw ay si Ibarra (kung ikaw ay lalaki)
at Maria Clara (kung ikaw ay babae). Isulat ang monologo sa kahon sa ibaba.

Pamantayan:
Wastong mga detalye mula sa nobela - 40 puntos
Pagkamasining - 40 puntos
Impak sa mambabasa - 20 puntos
100 puntos

Monologo ni Maria Clara


Ako’y kilala sa lipunan, hinahangaan ng marami dahil sa taglay ng aking kagandahan at isang simbolo ng
tunay na Pilipino. Lubos ang aking kasiyahan ng malaman kong babalik dito ang aking kasintahan na si
Juan Crisostomo Ibarra.  Ngunit minabuti ko na sa sarili ko nalang ang aking kasiyahan na ito.
Paniguradong hahanapin agad ako ni Ibarra sa kanyang pagbalik.
Sinang, aking kaibigan kung sakaling hanapin ako sa iyo ni Ibarra sabihin mo nalang na, gusto ko nang
putulin ang relasyon namin dahil sa matinding dahilan.
Lapit na, malapit na ang araw ng aking pagpapakasal. Ngunit bakit ganito ang aking nararamadaman sa
halip na kasiyahan ay kalungkutan ang aking nadarama.
Parang may natatanaw akong anino ng dalawang lalaki sa dako roon. ‘Di kaya isa sa kanila ay si… si…
Crisostomo! Ikaw nga! Aking mahal! Napakasaya kong makita kang muli! Patawarin mo ko sa aking
pagpapakasal kay Linares. Pumayag lamang ako dahil gusto kong ilayo ka sa kapahamakan. Tandaan mo
na sa buhay kong ito ikaw lamang ang aking mamahalin at wala nang iba pa. Matapos niya kong yakapin
ng mahigpit sa kanyang unti-unting paglayo ay para bang unti-unti ring nadudurog ang aking puso. Hindi
ko alam kung kailan ko siya makikita o makakausap o maaring hindi na…

You might also like