You are on page 1of 24

PRESENTASYON NG KASUNDUAN

KAHULUGAN NG KONSENSYA
 Sa pamamagitan ng konsensiya, natutukoy
ang kasamaan at kabutihan ng kilos ng
tao. Sa pagkakakilala ng marami,
sinasabing ang konsensiya ang munting
tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo
at nag-uutos sa kaniya sa gitna ng isang
moral na pagpapasiya kung paano kumilos
sa isang kongkretong sitwasyon.
 ( Clark,1997)
Ang munting tinig na ito ay hindi
lamang nagsasabi ng mabuting dapat
gawin o ng masamang dapat iwasan
kundi nagpapahayag ng isang
obligasyon na gawin ang mabuti,
naghahayag nang may awtoridad at
nagmumula sa isang mataas na
kapangyarihan.
Suriin ang isang sitwasyon mula sa
aklat ni Felicidad Lipio( 2004 ph. 3-4)
 Gagarahe na sana ang drayber ng taxi
na si Mang Tino nang matuklasan niya
na may nakaiwan ng pitaka sa likod ng
upuan ng sasakayan niya. Nang buksan
niya ito ay natuklasan niya na marami
itong laman; malaking halaga na maari
na niyang gawing puhunan sa negosyo.
May nakabukod ding mga papel
na dolyar sa kabilang bulsa ng
pitaka. Walang nakakita sa
kaniya kaya minabuti niya na
itabi ang pera. “Malaki ang
maitutulong nito sa pamilya
ko”sabi niya sa sarili.
 Noong dumating ang gabi ay hindi siya
mapakali. Sa kalooban niya
nararamdaman niyang para siyang
nalilito. Bago dumating ang umaga,
nagbago na ang isip niya. “Hahanapin
ko ang may-ari ng pitaka at isasauli ko
ito,” nasabi niya sa sarili
Ang konsensiya ang munting
tinig sa loob ng tao na
nagbibigay ng payo sa tao at
naguutos sa kaniya sa gitna
ng isang moral na
pagpapasiya kung paano
kumilos sa isang kongkretong
sitwasyon.
 Ating
sagutan ang mga sumusunod na
tanong:
1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Mang
Tino , ano ang gagagwin mo?
2. Bakit nagkaraon ng pagbabago sa naunang
pasiya ni Mang Tino na hindi isauli ang
pitakang naiwan sa kanyang taxi?
3. Paano nalalaman ng konsensiya ang tama
at mali? Ang mabuti at masama?
Una, ang pagninilay upang maunawaan
kung ano ang tama o mali, mabuti o
masama; at paghahatol na ang isang
gawain ay tama o mali, mabuti o
masama.
Pangalawa, ang pakiramdam ng
obligasyong gawin ang mabuti.
 Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang konsensiya
ay isang natatanging kilos pangkaisipan, isang
panghuhusga ng ating sariling katuwiran . Sa
papamagitan nito, nailalapat ng tao ang batas na
naitanim sa ating puso mula pa noong ating
kapanganakan. Sa mga particular na sitwasyon na
ating kinakaharap sa bawat araw, tumatawag ito
sa atin upang gumawa ng pagpili o pasiya.

 Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya:


“Gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama”.
 Mahihinuha mula sa paliwanag sa itaas na
maaring magkamali ang paghuhusga ng
konsensiya kung tama o mali ang isang kilos.
Ngunit hindi lahat ng maling gamit ng
konsensiya ay maituturing na masama. May
mga pagkakataon na hindi ito kinikilalang
masama dahil sa kamangmangan ng tao. Ang
kamangmangan ay kawalan ng kaalaman sa
isang bagay. Lumilitaw ito sa mga
pagkakataong kinakailangang gamitin ang
kaalaman sa isang pagkakataon.
May dalawang uri ng
kamangmangan na mahalagang
maunawaan upang mataya kung
kailan maituturing na masama ang
maling paghuhusga ng konsensiya.
1. Kamangmangang madaraig
(vincible ignorance)
2. Kamangmangan na di madaraig
(invincible ignorance)
Kamangmangang madaraig
(vincible ignorance)
 -kung mayroong papamaraan na magagawa
ang isang tao upang malampasan ito at ang
pagkakaroon ng kaalaman dito ay
magagawa sa pamamagitan ng pagsisikap o
pag-aaral. Ang kamangmangan ay dahil na
sa sariling kapabayaan ng tao. May
pagkakataon ang tao na makaalam ngunit
hindi nagbibigay ng panahon at pagsisikap
upang malaman ang tama o mali.
Kamangmangan na di madaraig
(invincible ignorance)
 Ang kamangmangan ay di madaraig kung
walang pamamaraan na magagawa ang isang
tao upang ito ay malampasan. Ito ang uri ng
kamangmangan na bumabawas o tumatanggal
sa pananagutan ng tao sa kaniyang kilos o
pasiya.
Ang paghuhusga nang tama ng
tao sa isang bagay na buong
katapatan na pinaniniwalaan na
tama ay hindi maituturing na
pagkakamali. Hindi masisisi ang
tao sa kaniyang
kamangmangan.
 Sa pagkakataong ito, hindi nawawalan ng
karangalan ang konsensiya dahil tungkulin
mong sundin ang iyong konsensiya kahit ito
ay mali. Ito ay dahil sa pagkakataong
ginawa ang pagpili, pinaniniwalaan mong
tama at mabuti ang iyong ginagawa. Ang
mahalaga ay magkaroon ka ng pananagutan
upang ituwid ang iyong pagkakamali
matapos mong malaman ang katotohanan(
lipio, 2004)
 Bumuo ng dalawang pangkat at magsadula
ng sitwasyong magpapakita kung ano ang
nagagawa ng konsensya sa buhay ng tao.

 (Meron lamang kayo limang minuto upang


maghanda ng pagsasadula at limang minuto
upang isadula ito sa buong klase. Kung ang
pangkat ay handa na magsadula ay
mangyari lamang pumalakpak ang grupo ng
limang beses.)
Pamantayan para sa pagsasabuhay:

Kraytirya 3 2 1
Makatotohanan ang Nakabatay sa sariling Nakabatay sa karanasan Wlang sitwasyonjg
sitwasyong inilahad. karanasan ang sitwasyong ng iba ang sitwasyong inilahad
inilahad. inilahad.
Malinaw at maayos ang Hindi masyadong malinaw Nkalilito ang pagkasunud- Hindi akma ang mga
pagkakasunud-sunod ng at maayos ang sunod ng presentasyon ng katuwiran sa ideya.
presentasyon ng ideya. pagkasunud-sunod ng ideya.
presentasyon ng ideya.
Tugma ang mga ginamit Nasabuhay ng naayon sa Masiyadong mahaba at May kakulangan sa
na halimbawa sa hinihingi halimbawa at paligoy ligoy ang ginawang pagsasabuhay at
pagsasabuhay. tugma sa kinakailangn ginawang pagsasabuhay. hindi tugma sa hinihingi
ipamalas. halimbawa.
Naipakita ang Nakita ang Nakita ang Hindi nakita ang
pagkamalikhain sa pagkamalikhain sa pagkamalikhain ngunit pagmalikhain sa
pagsasadula kabuuan ng pagsasadula hindi gaanong pagsasadula.
at tunay na nakakapukaw nakakapupukaw ng
ng pansin ang kabuuan pansin.
nito.
Ipagkumpara ang mga uri ng kamangmangan
ayon sa ating konsensiya gamit ang venn
diagram.

KAMANGMANGAN KAMANGMANGAN DI MADARAIG

MADARAIG

K
O
N
S
E
N
S
I
Y
A
Pamantayan para sa pagpapaliwanag ng uri
ng kamangmangan gamit ang venn diagram.
Kraytirya 3 2 1
Paraan ng pagsusulat  May matatag na  May maayos na istilo  Nahirapang ipahayag
istilo sa pagsusulat. sa pagsusulat ang kaisipan.
 Malinaw ang  May kakayahang
pagpapahayag ng magpahayag ng
kaisipan. kaisipan

Pagkaunawa May pagkaunawa sa May pagkaunawa sa May kaunting


mataas na gamit at gamit at tunguhin ng pagkaunawa tungkol sa
tunguhin ng isip isip isip
Pagpapaliwanag ng uri Malinaw na May isang uri ng Hindi naipaliwanag ang
ng kamangmangan naipaliwanag ang uri ng kamangmangan na hindi uri ng kamangmangan.
kamangmangan malinaw na
naipaliwanag.
Kasunduan:
Isulatsa kwarderno ang apat na
yugto ng konsensiya.
Sanggunian: Edukasyon sa
Pagpapakatao 10 p.p 54- 55
Thank
you.

You might also like