You are on page 1of 8

9

ARALING PANLIPUNAN
KUWARTER 4: LINGGO 2

CapSLET
Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Schools Division Office of Zamboanga City


Region IX, Zamboanga Peninsula Zamboanga
City

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”

Inihanda ni:

MA. SOCORRO A. NUNAG, MT- I


Zamboanga City High School
1
AP9-K4-L2

CapSLET
Araling Panlipunan
ASIGNATURA AT AP
BAITANG G9 KUWARTER 4 LINGGO 2 ARAW PETSA
Iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang
NILALAMAN makatulong sa pambansang kaunlaran
Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang
KASANAYANG makatulong sa pambansang kaunlaran.
PAMPAGKATUTO (AP9MSP-IVb-3)

PANGKALAHATANG PANUTO: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang sagot sa
inyong sagutang papel para sa mga gawain.

ALAMIN AT UNAWAIN
PAMANTAYAN PANGNILALAMAN:
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang
pang-ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at puwersa tungo sa pambansang pagsulong at
pag unlad.

TUKLASIN:
Ano-ano ang mga gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa pambansang
kaunlaran?

Bawat mamamayan ay may mahalagang gampanin sa pag-unlad ng bansa. Hindi ito


uunlad kung hindi gagampanan ng bawat isa ang mga gampanin o tungkulin nito. Ang mga
mamamayan ay mahalagang sangkap sa pagkamit ng kaunlaran at katatagan ng bansa.

Iba’t ibang Gampanin ng Mamamayang Pilipino upang Makatulong sa


Pambansang Kaunlaran

MAPANAGUTAN

1.Tamang pagbabayad ng buwis. Ang pagbabayad ng tamang buwis ay makatutulong


upang magkakaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong
panlipunan tulad ng libreng edukasyon, murang programang pangkalusugan at iba pa.

Inihanda ni:

MA. SOCORRO A. NUNAG, MT- I


Zamboanga City High School
2
AP9-K4-L2

2. Makialam. “Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban”. Anumang uri ng anomalya

at korapsyon maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala ay

dapat itama. Mahalagang itaguyod ng mga mamamayan ang pagiging tapat sa pribado at

publikong buhay.

MAABILIDAD

1. Bumuo o sumali sa kooperatiba. Ang mga kasapi ng isang kooperatiba o koop

ay naniniwala sa sama-samang pag-unlad. Sila’y nagkakaisa upang makamit ang kanilang

socio-economic goals sa pamamagitan ng sama-samang pagmamay-ari at

demokratikong pamamahala ng isang negosyo. Sa aklat ng ekonomiks ng

ika-siyam na baitang, binigyang kahulugan ang kooperatiba bilang isang pagsasama-

sama ng puhunan ng mga kasapi para magtayo ng negosyo na ang makikinabang at

tatangkilik ay mga kasapi rin.

2. Pagnenegosyo. Bilang isang Pilipino, dapat nating sikapin na maging nego-

syante

at hindi dapat makontento na maging isang manggagawa lamang habambuhay.

Makokontrol ng Pilipino ang kabuhayan at ekonomiya ng bansa kung tayo mismo


MAKABANSA
ang nagpapatakbo ng negosyo at hindi ang mga dayuhan.

1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa. Ang aktibong pakikisama at pakiki-

lahok

sa pamamahala ng gobyernong lokal at nasyonal para maisulong ang mga adhikain at

pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng bawat mamamayan upang

umunlad ang bansa.

2. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. Tangkilikin ang sariling atin. Ang


Inihanda ni:
pagtangkilik ng produktong dayuhan ay hindi nakatutulong sa ekonomiya ng
MA. SOCORRO A. NUNAG, MT- I
Zamboanga City High School
bansa. Ang yaman ng bansa ay nawawala sa tuwing tinatangkilik natin ang

produktong dayuhan.
3
AP9-K4-L2

MAALAM

1.Tamang pagboto. Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga

kandidato sa halalan. Suriin din natin ang mga isyung pangkaunlaran ng ating bansa

upang malaman kung sinong kandidato ang may malalim na kabatiran sa mga ito. Iboto

lamang ang mga kandidatong may malinaw at konkretong programa para mapaunlad ang

ekonomiya ng bansa.

2. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa

komunidad. Ang pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang

kikilos. Kailangan ng sama-samang pagkilos ng lahat ng mamamayan at

pamahalaan. Maaaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga

programang pangkaunlaran. Dapat ay magkaroon tayo ng malasakit sa ating komunidad

upang makabuo at makapagpapatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating

komunidad.

Inihanda ni:

MA. SOCORRO A. NUNAG, MT- I


Zamboanga City High School
MAGAGAWA MO. . .
Matutukoy ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa
pambansang kaunlaran.

Simulan Natin!
Gawain 1
Graphic Organizer
Panuto: Batay sa nabasa mong teksto, punan ang graphic organizer ng mga datos na
hinihingi sa ibaba.

1.
A.
2.
1.
Ibat’ ibang
B.
gampanin ng
2.
mamamayang
Pilipino upang
1.
makatulong
sa C.
pambansang 2.
kaunlaran
1.
D.
2.

Pamprosesong tanong:

1. May mga gampanin o tungkulin na dapat gampanan ang bawat mamamayan. Ano-
ano ang mga ito?

2.Maliban sa mga nabanggit, may naisip ka pa bang karagdagang gampanin o


tungkulin ng isang mamamayan para makatulong sa pagpapaunlad ng bansa? Ano
ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.

_
5
AP9-K4-L2

Kaya Mo ‘To!

Gawain 2
Checklist
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang kolum ng OPO kung nagpapahayag ng tamang gampanin ng
mamamayang Pilipino ang bawat aytem at kung hindi naman ay ang kahon ng
HINDI PO.

HINDI
OPO PO PAHAYAG
1. Maging mahusay na manggagawa lamang habambuhay.
2. Pagboto sa mga sikat na kandidato sa halalan.
3. Pagbabayad ng tamang buwis
4. Pag- iwas o ‘di pagbili sa mga produktong galing sa ibang
bansa.
5. Pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran.

Pamprosesong tanong:

1. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin para makatulong ka sa pag-
unlad ng bansa?

Inihanda ni:

MA. SOCORRO A. NUNAG, MT- I


Zamboanga City High School
1
AP9-K4-L2
Si
SUSI SA m Gaw
PAGWAWASTO ul ng
1.Tamang pagbabayad
a
ain
1
MAGAGAWA MO . . . n
N
at
in
!

A.MAPANAG

2.Makialam
1.Bumuo ng kooperatiba
Ibat’ ibang B.MAABILID
gampanin ng AD 2. P
mamamayang
Pilipino upang agneneg
makatulong sa
pambansang osyo
C.MAKABANS
kaunlaran A
1.Pakikila

hok sa

pamama

ha-

2.Pagtan
gkilik sa
mga

Tamang
D.MAALAM Pagboto

2.Pagpapatupad at Pakiki-
Pamprosesong tanong:

-Naaayon sa mga
mag-aaral ang
sagot

Kaya Mo
Gawain 2 ‘To!
Checklist
Panuto: Lagyan ng
tsek (/) ang
kolum ng
Opo kung
nagpapahaya
Inihanda ni:
g ng tamang
MA. SOCORRO A. NUNAG, MT- I
Zamboanga City High School
1
gampanin ng mamamayang Pilipino ang bawat aytem at kung
hindi naman ay ang kahon ng Hindi
po.
Opo Hind PAHAY
i AG
po
/ 1.Maging mahusay na manggagawa lamang habambuhay.
/ 2.Pagboto sa mga sikat na kandidato sa halalan.
/ 3.Pagbabayad ng tamang buwis
/ 4.Pag- iwas o di pagbili sa mga produktong galing sa ibang bansa.
/ 5.Pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran.

Pamprosesong tanong:

-Naaayon sa mga mag-aaral ang sagot

NATUTUHAN KO . . .
MARAMIHANG PAGPIPILIAN
1. C 4. D 7. A 10. B

2. A 5. B 8. A

3. B 6. D 9. D

Inihanda ni:

MA. SOCORRO A. NUNAG, MT- I


Zamboanga City High School

You might also like