You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A (CALABARZON)
Sangay ng Lungsod ng Lipa
PAMBANSANG PAARALANG SEKUNDARYA NG FERNANDO AIRBASE
Lungsod ng Lipa

Masusing Banghay Aralin sa Pakitang Turo sa Filipino 9

I. Layunin:

1. Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa


lipunang Asyano batay sa napakinggan akda
2. Nasasagot ang mga katanungan tungkol sa aralin.
3. Naisasagawa ang tamang pagkakasunod- sunod ng kwento.

II. Paksa:

Tuklasin:
Panitikan : Ang Apat na Papet
Ni : Aaron Sheperd
Sanggunian : Internet
Kagamitan: Pantulong Biswal, Laptop,

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng linya ng upuan
4. Pagtatala ng liban
A. Aktibiti

Motibasyon
Bago tayo dumako sa pakasang ating tatalakayin may
inihanda akong mga larawan na may kaugnayan sa ating paksa.

( pagsusunod-sunurin ng mga mag-aaral ang mga larawan


batay sa kanilang pag-uunawa )

1.Ano ang kahalagahan ng mga pangyayaring nasa


pagkakasunod-sunod ng serye ng mga pangyayari?

Mahusay! Sa pamamagitan nito ay lubos na mauunawaan at


maiintindihan ng mambabasa ang kwento

B. Analisis

( pagbasa ng kwento)

Mga Tanong:

1. Ano-ano ang mga katangiang ipinakita ng mga tauhan?

Magaling ! Ang mga katangian nila ay mapagkumbaba


matiisin at mapagmahal. Mayroon din silang negatibong
katangian . Ang hindi pagiging kuntento.

2.Ano ang mararamdaman mo kapag iniwan ka ng isang


tao ?

Tumpak! Malulungkot tayo lalo’t kung ang taong ito ay may


malaking bahagi sa buhay mo.

3.Bakit maituturing na ang kwento ay may pagka-


makabanghay?

Mahusay! Maituturing ito na kwentong makabanghay sapagkat


malinaw na ipinakikita ang mga pagkakasunod ng mga
pangyayari sa kwento.

4. May kaugnayan ba ang mga kilos, gawi at sinasabi ng


mga tauhan sa lipunang Asyano? Patunayan mo ang iyong
sagot.

Tama! May kaugnayan ito sa pagpapahalaga ng pamilya at


pakikipagkapwa .Bagamat hindi pare-pareho ang ugali ng
bawat isa nanaig pa rin ang kabutihan .

C. Abstraksyon

1. Ano ang mga pangyayaring binanggit sa kwento na may


malaking kaugnayan sa lipunang Asyano?

Mahusay! Ang pagpapahalaga sa kapwa at paggawa ng


mabuti sa kapawa.

Pangkatang Gawain:
Ngayon ay dadako na tayo sa pangkatang gawain .
Sa puntong ito, Ihahayag ng bawat pangkat ang mga
pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kwento. Gawin ito sa
masining na pamamaraan. Bibigyan ko lamang kayo ng 5
minuto upang tapusin ang itinakdang gawain.

Pangkat 1 (mga babae)

Pangkat 2( mga lalake)

.( Pagsusuri ang ginawang pangkatang Gawain)

D. Aplikasyon

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ito sa buong


papel.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?

2. Anong uri ng akdang pampanitikan ang inyong binasa?

3. Sino si Mala?

4. Ibigay ang pangalang ng apat na papet.

5. Naging masaya ba ang wakas ng kwento? Patunayan.

Takdang -Aralin:
Basahin at unawain ang akdang “ Ang Ama” sa Panitikang Asyano ( Modyul ng Mag-
aaral sa FILIPINO 9 pahina 17-20

Inihanda ni
Mavelle A. Famorcan

You might also like