You are on page 1of 3

Department of Education

Region VI-Western Visayas


Division of Bacolod City
SUM-AG ELEMENTARY SCHOOL
Sum-ag, Bacolod City

Banghay Aralin sa Filipino 4

Sabjek : FILIPINO Baitang: Ika—apat

Sesyon: 3
Petsa : June 19, 2019
Pamantayang Pangnilalaman : Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng
teksto at napalalawak ang talasalitaan.

Naipapamalas ang iba’t ibang kasanayan sa pag—unawa ng


iba’t ibang teksto.

Pamantayan sa Pagganap : Naisasalaysay muli ang nabasang teksto nang may tamang
pagkakasunod-sunod at nakagagawa ng poster tungkol sa
binasang teksto.

Nagagamit ang diksiyunaryo at nakagagawa ng balangkas sa


pagkalap at pag-unawa ng mga impormasyon.

Itompetensi : Nabibigyang kahulugan ang salita sa pamamagitan ng pormal


na depinisyon. F4PT—Ia—1. 10

Natutukoy ang mga elemento ng kuwento


—tagpuan
—tauhan
—banghay
F4PG—Ia—9 7

Nagagamit ang mga pamatnubay na mga salita ng


diksiyunaryo.F4EP—Ia—6.1.1

I. LAYUNIN :
Ikaalaman : Natutukoy ang tatlong elemento ng kuwento.

Saykomotor : Nakagagamit ng diksiyunaryo para malaman ang kahulugan


ng mga salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon.

Apektiv : Nakabubuo ng kuwento gamit ang mga elemento nang may

tiyaga at tiwala sa sarili.

II. PAI€SANG—ARALIN
A. PAI€SA Mga Elemento ng Ituwento

B. SANGGUNIAN Curriculum Guide sa Filipino 4, Yaman ng Lahi, Wika at


Pagbasa p.8—10

C.IIAGAMITANG IBM, diksiyunaryo, metacards,


PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA
1. Pangmotibeysyunal na tanong : 1. Gusto nyo bang makinig ng mga kuwento?
2. Ano ba ang paborito ninyong kuwento at bakit?
3. Sino ang paborito ninyong tauhan sa kuwentong gusto
ninyo?
4. Nai —eksayt ba kayo sa mga kuwentong naririnig ninyo?
Bakit?

2. Aktiviti/Gawain : Pangkatin ang mga bata sa apat na grupo.


Ipakuha ang kanilang mga diksiyunaryo at isulat ang
kahulugan o pormal na depinisyon ng mga sumusunod na
mga salita. Turuan ang mga mag-aaral sa paggamit ng
pamatnubay na mga salita upang mas madaling makita ang
hinahanap na mga salita.
Pangkat l— tagpuan
Pangkat 2— tauhan
Pangkat 3- banghay
Pangkat 4- elemento

3. Pagsusuri Ano ang ibig sabihin ng tagpuan? tauhan?


Ano ang kahulugan ng elemento? at banghay?

B. PAGLALAHAD
Abstraksyon Ipaalala ang kuwentong napakinggan kahapon.At itanong
ang mga sumusunod na mga katanungan.
Ano ang pamagat ng kuwentong napakinggan noong isang
araw? (Ang Pambihirang Sombrero)
Saan ito nangyari? Sino-sino ang mga tauhan dito?
Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Gitnang pangyayari?
Huling pangyayari?
Ano—ano ang mga elemento ng isang kuwento?

C. PAGSASANAY Pangkatin ang mga mag—aaral sa apat. Bigyan ng metacard


ang bawat grupo at gawin ang nakasulat dito.

Pangkat 1- Pumili ng karanasan ng isang kapangkat tungkol


sa kanyang ikawalong kaarawan. Pasulatin sila ng kuwento
tungkol dito.Siguraduhin na kumpleto ang elemento ng
kanilang kuwento.

Pangkat 2— Hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na


salita na makikita sa diksiyunaryo na galing sa kuwentong, Si
Jose, Ang Batang Magalang.
1. Pasukan
2. Sabik
3. Wakas

Pangkat 3— Isalaysay muli ang kuwentong, ”Ang


Pambihirang Sombrero” ayon sa wastong pagkasunod—
sunod.
Pangkat 4- Gumawa ng poster tungkol sa kuwentong
nabasa.)(Ang Pambihirang Sombrero)
Pagkatapos ng inilaang oras tawagin ang tagapag-ulat ng
bawat grupo upang ibahagi ang kanilang nagawa.

D. PAGLALAPAT Gamitin ang parehong pangkatan pero sa pagkakataong ito


ipasadula at pahulaan sa ibang pangkat hung saang
elemento ito napabilang.

Pangkat l- Isadula ang unang bahagi ng kuwento.(banghay)

Pangkat 2— Ipakita sa pamamagitan ng dula ang


pinangyarihan ng kuwento.(tagpuan)

Pangkat 3- Ipakilala ang lahat ng kasali o kasama sa kuwento


sa pamamagitan ng pag —awit o pag-rap.( tauhan)

Pangkat 4— Isadula ang katapusan o huling bahagi ng


kuwento.(banghay)

E. PAGLALAHAT Ano ang mga elementong dapat tandaan sa pagsulat ng


kuwento?

IV. PAGTATAYA Isulat hung anong elemento ng kuwento ang mga


sumusunod( tauhan, tagpuan, banghay)
1. Mia, Aling Sol, Manong Lito, Dra. Dulce, atbp.
2. Sa pamayanan nila Mia.
3. Nahalungkat ni Mia sa lumang baul ng kanyang Lola ang
isang sombrero.
4. Lumipad at nasinagan ng araw ang sombrerong naging
parasiyut ni Mia at nakita ng lahat ang angking ganda ng
kanyang sombrero.

V. TAIIDANG ARALIN Sumulat ng isang kuwento mula sa sariling karanasan na may


lima hanggang walong pangungusap tungkol sa pagpapakita
mo ng pagiging magalang sa pamamagitan ng pangangalaga
sa sarili at sa ibang tao.(ItM,p.10)

TUGON

PAGNINILAY—NILAY

Inihanda ni:

_______________________________
Teacher
Iniwasto ni:

_________________________________
Master Teacher

You might also like