You are on page 1of 10

1

Mother Tongue
Unang Markahan
Ikalawang Linggo, Unang Araw, pah.
Jenny-Lyn U. Trapane
Lucena West I Elementary School
Division of Lucena City

TEMA: PAMILYA KO AT AKO MAHAL KO


Kaugalian ng mga Pilipino

MGA LINGGUHANG LAYUNIN:


Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan (Oral Language):
Makikilala ang naaangkop na paraan ng pagsasalita ayon sa layunin, madla at paksa
Kaalaman sa Aklat at Limbag (Book & Print Knowledge): Masasabi ang iba’t ibang
katangian ng isang talata
Palabigkasan at Pagkilala sa Salita (Word Recognition): Mababasa ang mga
salitang may klaster nang may katatasang angkop sa mother tongue
Fluency/Tatas: Mababasa nang may automaticity 300-500 mga salita sa unang kita
para sa ikatlong baitang o antas
Pagbabaybay/Spelling: Magagamit ang kaalaman at kasanayan sa pagbabaybay ng
mga high frequency words na naaayon sa ikatlong baitang o antas; mababaybay
nang wasto ang mga salitang may klaster
Pagsusulat/Writing: Maisusulat ang mga pangungusap na idinidikta na may tamang
indention at format
Gramatika/Grammar Awareness: Maipakikilala ang mga mahalagang lugar at
pangyayari gamit ang angkop na pahayag ayon sa sariling kultura
Pag-unlad ng Bokabularyo/Vocabulary Study Strategies: Nasasabi ang mga
kahulugan ng mga salita sa tekstong napakinggan
Pang –unawa sa Binasa/Reading Comprehension: Mapatutunayan ang hinuha pagkatapos
ng pakikinig sa kuwento
Makilala nang pasalita ang mga katangian ng iba’t ibang katangian ng fiction sa
pamamagitan ng paggamit ng payak at hugnayang pangungusap
Matutukoy nang pasalita ang katotohanan at opinion sa mahirap unawaing teksto

II. PAKSANG ARALIN


1. Pagkikilala ang naaangkop na paraan ng pagsasalita ayon sa layunin, madla at paksa
2. Pagsasabi ng iba’t ibang katangian ng isang talata
3. Pagbasa ang mga salitang may klaster nang may katatasang angkop sa
mother tongue
4. Pagbasa nang may automaticity 300-500 mga salita sa unang kita
para sa ikatlong baitang o antas
5. Paggamit ng kaalaman at kasanayan sa pagbabaybay ng mga high
frequency words na naaayon sa ikatlong baitang o antas; Pagbabaybay nang
wasto ng mga salitang may klaster
6. Pagsulat ng mga pangungusap na idinidikta na may tamang indention at
format
7. Pagkilala ng mga mahahalagang lugar at pangyayari gamit ang angkop na
pahayag ayon sa sariling kultura
8. Pagpapatunay sa hinuha pagkatapos ng pakikinig sa kuwento
9. Pagkilala nang pasalita ang mga katangian ng iba’t ibang katangian ng fiction sa
pamamagitan ng paggamit ng payak at hugnayang pangungusap
10. Pagtukoy nang pasalita sa katotohanan at opinyon sa mahirap unawaing teksto

A. Mga Sanggunian: K to 12 MTB Curriculum Guide Grade III


2

B. Mga Kagamitan: (tingnan ang bawat aralin)


C. Pagpapahalaga:

UNANG-ARAW - (Unang Linggo)

Layunin:
1. Pagkikilala ang naaangkop na paraan ng pagsasalita ayon sa layunin,
madla at paksa
2. Pagsasabi ng iba’t ibang katangian ng isang talata
ORAS: 50 minuto
MGA KAGAMITAN:

PAMAMARAAN:

1. Paunang Pagtataya (Pre-test)


Sino sa inyo ang nakaranas ng sumali sa camping?
2. Tukoy-Alam (Background Knowledge)
Ano ano ang inyong naranasan?
Ano ang karaniwang isinusuot mo sa mga gawain sa camping?
Ano-ano ang iyong mga natutunan sa camping?
3. Tunguhin
Sabihin: Ngayong araw, matututunan ninyo ang mga bahagi ng talata mula sa kuwentong
inyong narinig.
4. Paghahawan ng balakid
1. tumawid
2. iskawt
3. scarf

5. Paglalahad: Babasahin ng guro ang kuwentong “ Mga Iskawt sa Camping”

5. Pagtuturo at Paglalarawan:
Itanong ang mga sumusunod:
- Paano nag-usap sina Mario at Diego? Paano sumagot si Mario? Magalang ba
sila sa isa’t isa?
- Ngayon, tingnan ang seleksyon. Tungkol saan ito?
-Ano ang sinasabi sa atin ng unang bahagi?
Ito ang tinatawag na Panimula.
- Tungkol saan naman ang kasunod na bahagi?
Ito naman ang tinatawag na Katawan.
- Paano nagtapos ang seleksyon? Nagustuhan ninyo ba ito?
Ito naman ang tinatawag na Konklusyon o Katapusan.

Pangkatang Gawain
- Hatiin sa 5 grupo ang mga bata.
- Bigyan ng gawain ang bawat grupo.
Pangkat I Gumawa ng usapan gamit ang angkop na pahayag sa susunod na
sitwasyon.

Nagdaraos ang iyong paaralan ng Araw ng Pamilya. Ang mga magulang ng


iyong mga kaibigan at kaklase ay naghihintay sa gate para sa pagsisimula ng parade. Nang
makita mo ang iyong guro, sinabi niyang tawagin mo ang mga magulang upang masimulan
na ang gawain. Paano mo ito gagawin?
3

Pangkat II Punan ang tsart ng mga pahayag mula sa seleksyong binasa na


pinakamahusay na naglalarawan sa mga sumusunod:

Talata

Panimula Katawan Konklusyon

Pangkat III Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa iyong paaralan. Ipakita
ang talong bahagi.

Pangkat IV Ilarawan ang mga sumusunod:


- Panimula
-Katawan
-Konklusyon

Pangkat V Iguhit ang pinakagusto mong bahagi ng talata. Ilarawan ito.

Mother Tongue
Unang Markahan
Unang Linggo, Unang Araw, pah. 27-29
Jenny-Lyn U. Trapane
Lucena West I Elementary School
Division of Lucena City

TEMA: PAMILYA KO AT AKO MAHAL KO


Kaugalian ng mga Pilipino

IKALAWANG ARAW – (Unang Linggo)


4

LAYUNIN: 1. Nagagamit ang wastong intonasyon, ekspresyon, at bantas sa


pagbasa kasabay ang guro
2. Nasasabi ang mga pangyayari sa tekstong binasa
3. Nakapagbabahagi ng sariling kwento kaugnay ng
tekstong binasa

ORAS: 50 minuto
MGA KAGAMITAN:Tsart ng Kwento, “ AngKaugalian ng mga Pilipino”

PAMAMARAAN:

1. Tunguhin
Sabihin: Ngayong araw, Balikan natin ang sanaysay sa pamamagitan ng
pagbasa natin nang sabay-sabay. Siguraduhing isaalang-alang ang wastong
ekspresyon, intonasyon at bantas sa pagbabasa.

2. Paglalahad
Pagbasa ng mga bata ng sanaysay “Ang Kaugalian ng mga Pilipino” kasabay
ang guro.
2. Pagtuturo at Paglalarawan
Ang may akda ay isinama ng kanyang nanay sa isang kasalan. Nang sila ay
dumating, marami na ang bisita ng ikinasal.
Itanong: Ano ang ginawa ng ina ng ikinasal ng dumating
ang mga panauhin?
Ano ang napansin ng may akda sa mga panauhin habang nakikipag-usap sa
mga nakakatanda?
Ano ang kinahihiligang gawin ng mga bisita?

Matapos ipakilala sa ibang mga panauhin, ano ang ipinagawa sa kanila?


Ano ang naging saloobin ng may akda sa kabila ngpakakaiba ng wika ng mga
Pilipino?

4. Kasanayang Pagpapayaman
Bukod sa kasalan, ano pang pagtitipon ang inyong nadaluhan?
Maaari mo bang ibahagi sa klase ang iyong karanasan sa pagtitipong iyong
dinaluhan?
Hal. Kaarawan
Pista
Family Reunion
Pasko
Binyagan
Hatiin ang mga bata sa pangkat ayon sa pagtitipong kanilang nadaluhan. Ipabahagi sa kanila ang
karanasan sa pagdalo sa pamamagitan ng mga promoninteng awit o larawan tungkol sa pagtitipon o okasyong
kanilang nadaluhan.

IKATLONG ARAW – (Unang Linggo)

LAYUNIN: 1. Nahahati nang pabigkas ang isang salita ayon sa pantig


2. Nakababasa ng mga salitang mayroong tatlo o humigit pang pantig
3. Nababaybay ang mga salitang natutuhan sa tekstong binasa
5

ORAS: 50 minuto
MGA KAGAMITAN: papel/flashcards na may nakasulat na iba’t-ibang salita

PAMAMARAAN:

1. Tunguhin
Sabihin: Ngayong araw, pag-aaralan natin ang pagbigkas at pagbabaybay ng
mga salita buhat sa tekstong ating binasa.

2. Paglalahad
Buuin ang mga pantig upang makabuo ng salita. Basahin ang mga nabuong salita.

Hal.:

pa
pa na u hin

re ga lo

Bi ko la no

bi si ta

Pi li pi no

3. Pagtuturo at Paglalarawan
Ipapalakpak ang pantig ng bawat salitang nabuo (TPR). Ituro ang wastong
pagpalakpak habang binabanggit ang pantig ng salita. Baybayin ang bawat
salita matapos ipalakpak ang pantig.

Salita Pantig Baybay


panauhin pa-na-u-hin panauhin
regalo re-ga-lo regalo
Bikolano Bi-ko-la-no Bikolano
bisita bi-si-ta bisita
Pilipino Pi-li-pi-no Pilipino

4. Kasanayang Pagpapayaman
Basahin at pantigin ang mga sumusunod na salita
1. kasama 6. unibersidad
2. kalusugan 7. siyudad
6

3. pamayanan 8. kaligtasan
4. karagatan 9. programa
5. kalinisan 10. pamilya

5. Kasanayang Pagkabisa
Pagmamasid:Magpakita ng larawan ng parke o pook pasyalan. Ipapantig at ipabaybay ang
ngalan ng mga bagay na makikita sa paligid na may tatlo o higit pang pantig.
Hal. bulaklak bu-lak-lak
upuan u-pu-an
rebulto re-bul-to
halamanan ha-la-ma-nan
padulasan pa-du-la-san

IKAAPAT NA ARAW – (Unang Linggo)

LAYUNIN: 1. Nakikilala ang mga pangngalan


ORAS: 50 minuto
MGA KAGAMITAN: graphic organizer, strips ng salita, magic box

PAMAMARAAN:

1. Tunguhin
Ngayong araw mga bata, kikilalanin natin ang mga pangngalan buhat sa
seleksyong ating napag-aralan.

2. Pagtuturo at Paglalarawan
Ipabasa ang mga parirala/pangungusap na hango sa tekstong binasa.

Isinama ako ni Nanay


( Saan sila pumunta)

Isang kasalan

( Ano nga ba ang kasalan?)pangyayari

Dala naming regalo

( Ang regalo ay isang bagay.)


7

Nagpalipad ng kalapati

( Ang kalapati ay isang hayop.)

Sa simbahan

( Ang kalapati ay isang lugar.)

Tao Bagay Hayop Lugar/Pook Pangyayari

nanay regalo kalapati simbahan kasalan

Ano ang tawag sa mga ito?

Ang pangngalan ay salitang pantawag sa ngalan ng tao, bagay, hayop,


lugar, at pangyayari.

Ano-ano pa ang mga pangngalang inyong nabasa/napakinggan sa tekstong


ating napag-aralan

4. Kasanayang Pagpapayaman
Laro: Pangngalan Hanapin Natin

Hatiin ang klase sa apat na grupo. Bigyan ang bawat pangkat ng graphic organizer. Sa tulong
ng guro, palabasin ang mga bata upang humanap ng mga pangngalan sa bawat kategorya na isusulat sa
graphic organizer. Ang unang pangkat na may pinakamarami at unang matatapos ang siyang panalo.

Pangngalan

Tao Bagay Pook Hayop Pangyayari


8

5. Kasanayang Pagkabisa
Laro:Sa Pula sa Puti
Pakuhanin ang bawat bata ng strips ng salita sa magic box.Ipabasa ang salitang nakasulat sa strips.
Itanong:
Ano ang masasabi mo tungkol sa salitang napili mo buhat sa magic box?
Tatakbo sa bahagi ng silid na may bilog na pula sa sahig ang mga may hawak ng salitang pangngalan at sa puti
naman ang hindi.
Hal.
kabayo maleta

abogado mahinhin

maganda doon

tumatakbo siya

bisekleta Pasko

6. Pagtataya
Panuto: Bilugan ang pangngalan sa bawat pangungusap. Isulat ang titik T kung ang nakita ay
ngalan ng tao, H kung hayop, B kung bagay, P kung pook at PY kung pangyayari.

_____1.Namasyal kami sa hardin kahapon.


_____2. Masayahin ang aming guro.
_____3. Ang gulay ay pampalusog.
_____4.Nagtutulungan sila tuwing pista.
_____5. Ang buwaya ay mabangis.
9

IKALIMANG ARAW – (Unang Linggo)

LAYUNIN: 1.Nagagamit ang kaalaman sa pagbabaybay upang maisulat nang tama ang
mga salita
2. Nakasusulat ng talata batay sa kanilang karanasan.

ORAS: 50 minuto
MGA KAGAMITAN: mga bagay na matatagpuan sa loob ng klase

PAMAMARAAN:

1. Tunguhin
Ngayong araw mga bata, gagamitin natin ang ating kaalaman sa
pagbabaybay upang maisulat nang tama ang mga salita at pangungusap at makabuo
tayo ng isang katha o talata.

2. Kasanayang Pagpapayaman
Isulat ang mga salitang ididikta ng guro.

1. Maraming tao sa pamilihan.


2. Yoyo ang paborito kong laruan.
3. Malapit na ang aking kaarawan.
4. Masarap magluto ng pansit ang nanay ko.
5. Mabangis ang isang buwaya.

3. Kasanayang Pagkabisa
Ano ang pinakamasayang pagtitipon ang inyong nadaluhan? Maari ba kayong
magbahagi ng inyong karanasan?

A. Magpakita ng larawang makikita sa kaarawan o “birthday party”.

B. Pangkatang Gawain:
Bigyan ng kagamitan ang mga bata sa paggawa ng party hats, birthday card, at banderitas, lobo, loot
bags.
Pangkat I – Party Hats
Pangkat II- Lobo
Pangkat III -banderitas
Pangkat IV-loot bags
Pangkat V-birthday card
10

C. Isulat ang inyong karanasan sa pagdalo ninyo sa isang masayang kaarawanna ginagamitan ng mga
pangngalan.

You might also like