You are on page 1of 12

Mother Tongue

Unang Markahan
Ikaapat na Linggo, Unang Araw, pah. 53-57
Jenny-Lyn U. Trapane
Lucena West I Elementary School
Division of Lucena City

Layunin:
1. Masasagot ang mga tanong na nagsisimula sa sino,ano,saan, kalian at bakit tungkol sa
kwentong narinig.
2. Makikinig ng mabuti sa kwento.
3. Makikihalubilo sa ibang miyembro ng grupo upang luminaw ang pagkakaintindi sa binasa
4. Maikokonekta ang mga pangyayari sa kwento sa sariling karanasan
5. Maipakikita ang pakikisama sa mga Gawain ng grupo
6. Mababasa agad ang 300 hanggang 500 pang ikatlong baytang na Sight words
7. Mapayayaman ang talasalitaan gamit ang mga …..
8. Mababasa nang mahusay ang mga salitang may diptongo na angkop sa Tagalog
9. Mababaybay ng maayos ang salitang may diptongo.
10. Makilala ang mga salitang may diptongo.
11. Masabi ang mga diptonggong iy, ey,ay, oy,ow
12. Makasusulat ng pangungusap at talata sa pamamagitan ng pagdidikta gamit ang tamang bantas,
kapitalisasyon , indensiyon at tamang ayos.
13. Maisusulat ng malinaw ang mga salita, pangungusap at talata.
14. Makapagbibigay ng mga panuto gamit ang mga panananda ng pagkakasunod-sunod tulad ng :
una , kasunod, panghuli at iba pa
15. Mabasa ang mga salitang inilahad sa panitikan at banghay aralin
16. Makapag sunod-sunod ng 3 hanggang 5 pangyayari sa kwento at masasabi kung alin ang una,
pangalawa, pangatlo o huling pangyayari.
I. Paksang Aralin
 Pagsagot sa mga tanong na sino,ano, saan, kalian at bakit tungkol sa kwentong napakinggan.
 Mahusay na pagbasa ng mga salitang may diptongo na ayon sa mother tongue
 Tamang pagbabaybay ng mga salitang may diptongo
 Pagsulat ng mga pangungusap at talata ayon sa angkop na format sa pamamagitan ng
diktasyon, gamit ang tamang bantas, kapitalisasyon , indensyon
 Malakas na pagbasa ng ibinigay na panitikan

UNANG ARAW – (Ikaapat na Linggo)


Layunin:
1. Makasasagot sa tanong na sino, ano, kalian , saan at bakit tungkol sa kwentong
napakinggan
2. Mapakinggang mabuti ang kwento
3. Makisama sa ibang miyembro ng grupo upang malinawan
4. Maiugnay ang pangyayari sa kwento sa kanilang karanasan
5. Maipakita ang pakikisama sa kagrupo

ORAS: 50 minuto
MGA KAGAMITAN:

PAMAMARAAN:

1. Paunang Pagtataya (Pre-test)


Kayo ba ay nakapagbakasayon na? Saan?

2. Tukoy-Alam (Background Knowledge)


Ano ang iyong nararamdaman tuwing ikaw ay nakakikita ng magagandang tanawin? Bakit?

3. Tunguhin
Sabihin: Ngayong araw, matututunan nating sagutin ang mga tanong ukol sa kuwentong
narinig.

4. Paghahawan ng balakid
1. bagahe
2. bulol
3. napadighay

5. Paglalahad:
Mga bata, narito ang kuwentong “Ang Pagluwas ni Mulan at Muyong”.

Unang Pagbasa sa kwento

Ang Pagluwas ni Mulan at Muyong


Si Mulan at Muyong ay maagang gumising dahil eksayted sa pagpunta nila sa siyudad ng
Lucena. Sina Mulan ay nakatira sa isang malayong bayan ng Mulanay sa Bondoc Peninsula .Siya
ang pinakabunso sa anim na magkakapatid at si Muyong naman ang kanyang sinundan.
Naalala niya ang sinabi ng kanyang ate ng huli itong dumalaw sa kanila. “Sige nay , tay
isama ninyo si Mulan at si Milo at ipapasyal ko kayo sa bakasyon,” sambit ng kaniyang ate
habang bumababa ito ng hagdanan.
Habang nasa bus ay iniimagine niya kung ano ang hitsura ng Lungsod ng
Lucena.Pagkatapos ng mahaba-habang biyahe ay nagulat siya sa sigaw ng konduktor . “Lucena na
po, Grand Terminal na.”
Kinuha niya ang kanyang bag at tinulungan niya ang kanyang kuya na ibaba ang isa pang
bag dahil maraming bagahe ang kanilang mga magulang.
Tuwang -tuwa ang kanyang ate sa kanilang pagdating habang binubuksan ng kanyang
asawa ang pinto ng kanilang sasakyan.
Habang daan ay masayang nagkwekwentuhan ang kanilang mga magulang , ang kanilang
ate at ang asawa nito. “ Ang inyo pong apo ay madaldal na, iniwan namin sa kanyang yaya at may
kalikutan din, “ banggit ng kanyang ate.” Kumusta naman kayo Mulan at Muyong,” sabay hawak
sa kanilang ulo ng kanilang ate. “Ah okey lang ate,” ang tangi nilang nasabi sapagkat abala sila sa
pagtingin sa mga tanawin na bago sa kanilang paningin.
Dumaan ang kanilang kotse sa isang parke. “Yan ang Perez Park at yan ang Kapitolyo ng
siyudad, mamamasyal tayo diyan bukas,”wika ng kanyang ate. “Yiheeey,” sigaw ng dalawa.
Di nagtagal at nakarating na sila sa bahay ng kanilang ate. Nasa pintuan ang kasambahay nito
buhat ang kanilang anak na limang taong gulang. Masaya silang nagkwentuhan matapos ang
hapunan.
Kinabukasan ay araw ng Linggo. “Oh! Mulan at Muyong ihanda na ninyo ang sarili ninyo at
mamasyal tayong maghapon ngayon,” masayang wika ng asawa ng kanyang ate.

Matapos silang magsimba ay masayang sumakay sila sa kotse . Ang una nilang pinuntahan
sa Perez Park.Bumaba sila at nakita nila ang…….Matapos silang mamasyal at magpicture taking.
Ang kasunod nilang pinuntahan ay ……. “ Sa Tayabas naman tayo pupunta. Doon tayo kakain sa
palaisdaan,” ang sabi ng kanyang ate.
Hindi nagtagal at narating na nila ang Tayabas..Nakita nila ang mga palaisdaang may mga
isda at mga magagandang balsa na may kubong kainan. Matapos nilang mananghalian ay
nakipaglaro sina Mulan at Muyong sa kanilang pamangkin habang ang kanilang nanay, tatay, ate
at kuya ay namamahinga.
“Tara naman sa Lucban , “ nagiinat na sinabi ng kanilang Tatay. “ Gusto kong marating ang “
Kamay ni Hesus”. Susubukan naming akyatin ang bundok na nakita naming ng nanay ninyo sa
telebisyon’” dagdag pa ng kanilang tatay.
Malapit lang ang Lucban sa Tayabas kayat agad nilang narrating ang kamay ni Hesus.
Tuwang tuwa ang magkapatid nang Makita nila ang Noah’s Ark at ang malaking rebulto ni Hesus
sa ibabaw ng bundok. Matiyaga nilang inakyat ang hagdanan upang makarating dito. Mula dito
ay nakita nila ang iba pang magandang tanawin sa bayan ng Lucban. Bago sila tuluyang umalis ay
dumaan muna sila sa simbahan.
“ Nagugutom na ako Daddy, “ ang bulol na wika ng maliit na pamangkin. “Ha ha ha”sabay-
sabay silang nagtawanan sa sinabi ng bata. “Tayo na nga sa Lucban at ng makakain na si Baby,
wika ng kanyang ate.
Sandali lamang at narrating nila ang kabayanan . Tumigil sila sa sa isang restwaran
at ,"masaya nilang pinagsaluhan ang mainit na pansit Lucban , banana cue at buko shake.
“ Burppp !!! ay sori po ” napadighay ako sa busog, napahiyang sabi ni Muyong.

“Maraming salamat po ate, kuya sa pagpasyal ninyo sa amin dito nila nanay at tatay . Hindi po
naming malilimutan ang karanasan naming ito,” masayang wika ni Mulan.

“ Walang anuman, masaya kami at nakasama naming kayo sa pamamasyal,” sabay na tugon
ng kanyang ate at kuya. “Tayo na at tulog na ang ating tsikiting ,” sabi ng kanilang tatay sabay
buhat sa kanilang apo . Muling nagkatawanan ang mag-anak at tuluyang lumisan pabalik sa lungsod
ng Lucena.

1. Tungkol saan ang kwento?


2. Sino –sino ang mga tauhan ng kwento?
3. Saan nangyari ang kwento?
4. Kailan nangyari ang kwento?
5. Saan pumunta ang mag-anak?
6. Bakit sila masaya

2. Pangalawang Pagbasa sa Kwento. Ang pagbasa ay bawat talata. Sagutin ang mga tanong at lagyan ng tsek
ang kanilang mga sagot sa Output

5. Pagtuturo at Paglalarawan

* Tungkol saan ang kwento?

* Sino ang mga tauhan ng kwento?


* Saan naganap ang kwento?

* Kailan nangyari ang kwento?

* Saan pumunta ang mag-anak?

* Ano ang reaksiyon ng mga bata tungkol sa lugar nilang napuntahan?

* Bakit sila masaya?

*Nag enjoy kaya sila sa kanilang pamamasyal? Bakit?

* Kung ikaw ay makapupunta sa mga lugar na iyon, pareho kaya sa kanila ang iyong mararamdaman?

* Gusto mo bang makarating sa mga lugar na iyon?

* Magbigay ng iba pang magagandang lugar sa Quezon.

Mother Tongue
Unang Markahan
Ikaapat na Linggo, Ikalawang Araw, pah. 58-61
Jenny-Lyn U. Trapane
Lucena West I Elementary School
Division of Lucena City

IKALAWANG ARAW – (Ikaapat na Linggo)

LAYUNIN: 1. Mababasa ang mga salitang may diptonggo nang maayos


2. Mababasa agad ang 300 hanggang 500 pang ikatlong baytang na Sight words
3. Mabaybay nang wasto ang mga salitang may diptonggo
4. Makalikha ng mga diptonggong iy, ey, ay, oy, ow nang wasto

ORAS: 50 minuto
MGA KAGAMITAN:
PAMAMARAAN:

1. Tunguhin
Sabihin: Ngayong araw, matututunan ninyong magbasa ng mga salitang may
diptonggo nang maayos.

2. Paglalahad
Awit (sa tono ng Leron, Leron Sinta)

Tayo na sa Lucena
Lungsod na maganda
Malinis ang daan
Pati mga bahay
Mababait na tao
sasalubong sa iyo
Ika’y matutuwa
pagpuntang Lucena.

a. Balik-aral
 Ano ang pamagat ng kuwentong binasa kahapon?
 Sino-sino ang mga tauhan?
 Saan nagbakasyon ang pamilya?
 Kailan nangyari ang kuwento?
 Bakit sila naging masaya?

a. Magpakita ng mga flashcards na may nakasulat na frequency sight words. Maaaring gawin ang
pagbasa nang isahan o pangkatan

b. Ipakita ang tsart ng mga salitang may diptonggo. Babasahin ng guro, susunod ang mga bata.
c. Babasahing muli ng guro ang mga salita. Itanong kung ano ang tunog na nalilikha ng bawat salita
sa bawat kolum.

iw aw ay oy ow

3. Pagtuturo at Paglalarawan

Pagtalakay:
1. Anong tunog ang narinig ninyo sa kolum 1? Anong letra ang nakabuo ng tunog na /iw/?
Ganun din ang gawin sa –aw, -ay, -oy at –ow.

2. Ano ang tawag natin sa mga salitang ito?

- Muling babasahin ng mga bata ang mga salita sa tsart nang isahan o
pangkatan.

4. Kasanayang Pagpapayaman
A. Mga Gawain: Hatiin sa 5 o 6 na pangkat ang mga bata.
Bigyan ng maliwanag at maayos na panuto ang mga bata.

Unang Gawain (Paggamit ng worksheet)

Panuto: Bilugan ang mga salitang may diptonggo sa loob ng isang


minute.

(Gagawa ang guro ng worksheet para dito)


Pagkatapos ng Gawain, isang miyembro ng pangkat ang mag-uulat.

Ikalawang Gawain

Panuto: Magbigay ng mga salitang may diptonngo. Ang pangkat na may pinakamaraming
salitang naibigay sa loob ng 2 minuto ang panalo.

Ikatlong Gawain
Pagbabaybay
Ayusin ang mga letra upang makabuo ng mga salitang may diptonggo.
(Gagawa ng worksheet ang guro para dito.)
Mother Tongue
Unang Markahan
Ikaapat na Linggo, Ikatlong Araw, pah. 62-64
Jenny-Lyn U. Trapane
Lucena West I Elementary School
Division of Lucena City

IKATLONG ARAW – (Ikaapat na Linggo)

LAYUNIN:
1. Makasusulat ng pangungusap at talata sa pamamagitan ng pagdidikta gamit
ang tamang bantas, gamit ng malaking titik , indensiyon at tamang ayos.
2. Maisusulat nang malinaw ang mga salita, pangungusap at talata.

ORAS: 50 minuto
MGA KAGAMITAN: tsart, manila paper, marker

PAMAMARAAN:

1. Tunguhin
Sabihin: Mga bata, lahat ba kayo ay mahusay ng magsulat?
Ngayong araw na ito, mas lalo ninyong matutunan ang pagsusulat nang mga
pangungusap at talata.

2. Paglalahad
Heto ang isang talata. Basahin nga ninyo nang wasto at salungguhitan ang mga
pangungusap.
Isang bakasyon, ang Pamilya Javier na mula sa Alabat, Quezon ay
nagdesisyon na magbakasyon sa Lungsod ng Lucena. Bago sila nanirahan sa Alabat,
Quezon ay dati silang residente ng Lunsod ng Lucena. Ang kanilang mga kamag-anak ay
nanatili sa lugar na ito. Nang sila ay makarating, ang pamilya ay tumuloy sa bahay ng
kanilang mga pinsan. Tuwang-tuwa ang mga pinsan nila nang sila ay muling makita.

3. Pagtuturo at Paglalarawan
Mga Tanong:
1. Ano ang tawag sa grupo ng mga salitang may salungguhit?
2. Paano isinulat ang unang letra ng pangungusap?
3. Saan naman ito nagtatapos?
4. Ano naman ang tawag natin sa grupo ng mga pangungusap?
5. Ano-ano ang bumubuo sa talata?
6. Paano sinisimulan ang talata?
7. Ano ang inilalagay sa kaliwa at kanang bahagi ng talata?
8. Ano ang mga bantas na ginamit sa talata?
4. Kasanayang Pagpapayaman
Pangkatang Gawain
Ipamahagi ang mga kagamitan. (manila paper at marker)

Isulat ang talata na ididikta ng guro.

Ang pamilya ay sabik na sabik na makita ang magagandang tanawin sa


Lungsod ng Lucena. “Sa loob ng labinlimang taon ay wala tayo sa bansa. At
ang Lucena ay ibang-iba na!”
“Ang unang gagawin natin bukas ay pagsimba sa St. Ferdinand
Cathedral upang magpasalamat sa ating ligtas na paglalakbay.
Maya-maya pa ay tinawag na sila ni Lola Gloria upang kumain na ng
hapunan. Nagkuwentuhan sila habang kumakain. Sila ay masayang natulog
noong gabing iyon.

5. Kasanayang Pagkabisa
1. Individual Work
Kagamitan: papel at lapis

Magdidikta ang guro ng parehong talata.

Ang pamilya ay sabik na sabik na makita ang magagandang tanawin sa


Lungsod ng Lucena. “Sa loob ng labinlimang taon ay wala tayo sa bansa. At
ang Lucena ay ibang-iba na!”
“Ang unang gagawin natin bukas ay pagsimba sa St. Ferdinand
Cathedral upang magpasalamat sa ating ligtas na paglalakbay.
Maya-maya pa ay tinawag na sila ni Lola Gloria upang kumain na ng
hapunan. Nagkuwentuhan sila habang kumakain. Sila ay masayang natulog
noong gabing iyon.

2. Individual Work
Kagamitan: papel at lapis
Magdidikta ang guro ng bagong talata.

Kinabukasan, ang mga bata sabik na sabik na pumunta sa Perez Park.


Doon ay nakita nila ang monumento ni Manuel L. Quezon. Mayroon ding mga
fountain at fish pond doon. Naglaro din ang mga bata sa palaruan doon. Libang
na libang sila sa paglalaro sa duyan at padaus-usan. Doon na rin sila kumain ng
pananghalian ng kanilang baong pagkain.
Mother Tongue
Unang Markahan
Ikaapat na Linggo, Ikaapat na Araw, pah. 64-66
Jenny-Lyn U. Trapane
Lucena West I Elementary School
Division of Lucena City

IKAAPAT NA ARAW – (Ikaapat na Linggo)

LAYUNIN: 1. Makapagbibigay ng mga panuto gamit ang mga panananda ng pagkakasunod-


sunod tulad ng : una , kasunod, panghuli at iba pa

ORAS: 50 minuto
MGA KAGAMITAN: graphic organizer, strips ng salita, magic box

PAMAMARAAN:

1. Tunguhin
Mga bata, ano ang ginagawa ninyo bago magsagot ng pagsusulit?
(Tama, dapat na basahin muna ang panuto. Dapat ding sundin ng mabuti ang
mga panutong ito.)
Marunong ba kayong sumunod sa mga panuto?

2. Pagtuturo at Paglalarawan
Ilahad sa mga bata ang isang nakasulat na panuto. Hayaang basahin ito ng mga bata.

Una, kumuha ng isang pirasong papel at inyong lapis. Kasunod ay isulat ang inyong
pangalan sa itaas ng kaliwang bahagi ng inyong papel. Kasunod ay isulat ang inyong
baiting at pangkat. Pagkatapos, sa ibaba ng iyong pangalan ay isulat ang pangalan ng
inyong paaralan. At panghuli, ay isulat ang petsa ngayon sa kanag bahagi sa ibaba ng
inyong pangkat.

Mga Tanong:
1. Ano ang sinasabi ng panuto?
2. Ilang panuto mayroon?
3. Ano ang salitang ginamit upang mapagdugtong ang gma panuto?
4. Ano ang tawag sa mga salitang ito?
5. Bakit mahalaga ang panuto?
6. Saan pa natin ginagamit ang mga panuto?
7. Maaari ba natin ang mga panuto kahit wala tayo sa paaralan?

4. Kasanayang Pagpapayaman
Pangkatang Gawain
Ang bawat grupo ay gagawa ng sunod-sunod na mga panuto gamit
ang mga pananda at ito ay ipakikita sa pamamagitan ng skit, drama o
dayalogo.
Pangkat I Panuto kung paano magprito ng itlog
Pangkat II Panuto kung paano maghugas ng pinggan
Pangkat III Panuto kung paano maghanda ng mesa sa pagkain
Pangkat IV Panuto kung paano maglinis ng kuwarto

5. Kasanayang Pagkabisa
Paggamit ng iba’t ibang pananda ng pagkakasunod-sunod.
(Maaaring magbigay ang guro ng iba’t ibang Gawain sa bawat
pangkat)

6. Pagtataya
Punan ng angkop na pananda ng pagkakasunod-sunod.

Paggawa ng Eroplanong Papel

Mga Panuto:

______, itupi sa kalahati ang papel. __________, itupi ang bawat bahagi
upang makabuo ng tatsulok. ____________, itupi muli ang parehong bahagi.
_______________, meron ka ng eroplanong papel.

Mother Tongue
Unang Markahan
Ikaapat na Linggo, Ikalimang Araw, pah. 66-70
Jenny-Lyn U. Trapane
Lucena West I Elementary School
Division of Lucena City
IKALIMANG ARAW – (Ikaapat na Linggo)

LAYUNIN: 1. Mababasa ang mga salitang inilahad sa panitikan at paksang-aralin


2. Makapagsusunod-sunod ng 3 hanggang 5 pangyayari sa kwento at
masasabi kung alin ang una, pangalawa, pangatlo o huling pangyayari
3. Mapaunlad ang kawilihan sa paggawa

ORAS: 50 minuto
MGA KAGAMITAN: mga tsart ng mga panuto

PAMAMARAAN:

1. Tunguhin
Ngayong araw mga bata, gagamitin natin ang inyong kaalaman kahapon upang mapagsunod-
sunod ninyo nang wasto ang mga panuto.

Mayroon akong isang kuwento na kailangan ang inyong matamang pakikinig.

Ang Lakbay-Aral

Isang hapon ng Biyernes, ang mga mag-aaral sa Ikatlong Baitang ng Paaralang Elementarya ng
Kanlurang Lucena Blg. I ay nagkaroon ng lakbay-aral para sa kanilang Gawain sa Araling Panlipunan.

Una, pumunta sila sa Silid-Aklatan ng Lungsod. Ipinakita ng librarian ang iba’t ibang bahagi ng
aklatan sa mga bata.

Ang kanilang pangalawang pinuntahan ay ang City Hall. Ipinakita ng guro ang iba’t ibang opisina
na matatagpuan doon. Pumunta rin sila sa opisina ng punong-lungsod.

Paglabas nila ng City Hall ay nakita ng mga bata ang monumento ni Dr. Jose Rizal. Nagpakuha
sila ng larawan.

Ang ikatlo nilang pinuntahan ay ang Kapitolyo ng Probinsya na matatagpuan din sa Lungsod ng
Lucena. Dito rin ay matatagpuan ang iba’t ibang opisinang pangprobinsya.

Panghuli nilang pinuntahan ang Perez Park. Hinayaan sila ng guro na maglaro sa duyan at
padaus-usan. Natuwa din sila sa nakita nilang fishpond at fountain. Nagpakuha din sila ng larawan sa
harap ng monumento ni Manuel L. Quezon.

(Ihahanda ng guro ang mga materyales. Maaaring gumawa ng sariling talata ang guro)

2. Kasanayang Pagpapayaman
Pangkatang Gawain:
(Ibigay ang mga kagamitan sa bawat pangkat- ang mga pangyayari ay
nakasulat sa strip ng cartolina)
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa
kuwento. (2 minuto)
3. Kasanayang Pagkabisa
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari ayon sa kaganapan sa kuwento. Lagyan ng
bilang 1, 2, 3, 4 at 5.

You might also like