You are on page 1of 14

9

FILIPINO
Unang Kuwarter – Modyul 1:
Mga Akdang Pampanitikan ng
Timog-Silangang Asya

Modyul 1.1: Panitikan: Ang Ama


Gramatika at Retorika: Mga kataga o pahayag na Gamit
sa Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari o
Transitional Devices.

1
Alamin
Ang araling ito ay tumatalakay sa isang maikling kuwentong
makabanghay ng Timog-Silangang Asya na mula sa bansang
Singapore. Ang akdang ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng isang
ama sa kanyang anak.
Bilang isang Filipinong mag-aaral na kabilang sa ika- 9 baitang, ikaw ay
inaasahang makapagpapamalas ng pag- unawa at pagpapahalaga sa maikling
kuwentong pinamagatang “Ang Ama” na isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena.
Kasama rin ng araling ito ang mga kataga o pahayag na Gamit sa Pagkakasunod-
sunod ng mga Pangyayari o Transitional Devices na siyang makapag- aambag sa
lubusang pag-unawa ng paksang tinatalakay.
Pagkatapos mong maunawaan ang aralin, ikaw ay inaasahang magkakamit
ng sumusunod na mga kasanayang pampagkatuto (LCs) batay sa Gabay sa
Kurikulum (CG) ng K to 12:
1. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: Paksa, Mga Tauhan,
Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, Estilo ng pagsulat ng awtor,iba pa.
(F9PS-la-b-41)
2. Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob
sa akda.
(F9PB-la-b-39)
3. Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda. (F9PT-la-b-
39)

Subukin

Ito na marahil ang unang hakbang upang matalos mo nang husto ang
wastong katugunan sa mga pokus na tanong para sa araling ito. Sikaping maging
mainam ang iyong pagsisimula sa pamamagitan ng pagsukat kung ano na ang iyong
nalalaman hinggil sa araling tatalakayin.
Unang Bahagi – Panuto: Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo at
nagpapamaga ng ilang araw.
a. nagbabalik b.naiisip c. darating d.nakikinita

2
2. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng
ama ng kaluwagang-palad nito.
a. mapagbigay b. mabait c. mapag-alala d. di-madamot
3. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa
nerbiyos ng ama at ito’y nakakabulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon
huminto, ito’y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang ubod lakasa.
a. nag-aalala b. di-makatulog c.nayayamot d. naiinis
4. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa
kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di’y
nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapalaran ng kanilang asawa at mga anak.
a. walang puso b. matapang c. di-madaling matinag d. walang
awa
5. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa
patay na bata.
a. lumabas b. ipinakita c. umagos d. ipinadama

Ikalawang Bahagi – Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang wastong pangatnig o


transitional devices sa pagpapahayag upang mabuo nang wasto ang diwa ng
pangungusap.

Kaya, sa lahat ng ito, datapwat, subalit,


sa wakas, saka, kung gayon,

1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu _______


hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin.

2. _________nasasabi niyang siya’y nakararaos sa buhay, hindi pa rin


maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman.

3. Siya’y nahimasmasan _______ naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa buhay.

4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema ________,hindi na niya


alintana ang mga darating pa.

5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, ________


mapipilitan siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa kaniyang pamilya.

Maayos at wasto mong naisagawa ang panimulang gawain, at ngayon ay


maaari ka nang magpatuloy sa tatalakayin nating aralin Ang mga gawaing
nakapaloob dito ay gagabay sa iyo upang lubos mong maunawaan,
mapahalagahan, at masuri ang panitikan ng Timog –Silangang Asya.

3
Balikan

Upang mapagdugtong natin ang dating kaalaman sa magiging bagong


kaalaman, kinakailangang sagutin ng mga mag – aaral ang ilang katanungang
maiuugnay sa panibagong aralin.

1. Saan ang tagpuan ng kuwento?

2. Sa anong panahon naganap ang kuwento?

3 Paano nagsimula ang kuwento?

4. Ano ang naging suliranin/ tunggalian ng kuwento?

5. Saang bahagi ang kasukdulan?

6. Ipaliwanag kung paano nagtapos ang kuwento?

Kailan mo munang malaman ang mga bahagi ng isang


Maikling Kuwento.

Kaugnay na mga
SIMULA pangyayari

Kaugnay na mga
pangyayari
GITNA

Kaugnay na mga
pangyayari
WAKAS

4
Tuklasin

Ngayon ay nasa yugto ka na ng pagtuklas ng iyong pagkatuto. Upang


maisakatuparan ito, kailangan mong malaman ang kahulugan at bahagi ng Maikling
Kuwentong Makabanghay
Kailangan mo ring basahin nang may pag - unawa ang nilalaman ng akdang
“ Ang Ama “ salin ni Mauro R. Avena mula sa bansang Singapore.
Kahulugan at Bahagi ng Maikling Kuwentong Makabanghay

Ang Maikling Kuwentong Makabanghay ay isang akdang pampanitikan na


nasa anyong tuluyan na ang karaniwang mababasa sa isang upuan lamang.
Taglay ng sanaysay ang tatlong bahagi o balangkas nito:
1. Panimula: ipinakikilala ang mga tauhan, tagpuan, panahon ng kaganapa at
paano sinimulan ang kuwento.
2. Gitna o Katawan: sa bahaging ito inilalahad ang mga suliranin, tunggalian
ng mga tauhan sa kuwento
3. Wakas: dito makikita ang magiging solusyon ng mga sulranin at kung paano
nagwakas ang kuwento.

Panitikan: “ANG AMA “


Salin ni Mauro R. Avena

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang
kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na
nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa
pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na
iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng
ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay
naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi
sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y
sansubo lang ng masarap na pagkain , sa mga pinakamatanda at malakas na bata
lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose
anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at
nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang
tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos,
isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay
maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng
kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na

5
puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang
ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.
Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi
ng pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung
hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa
pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang
titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung
umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang
mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama
at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.
Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga
bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata
niyon ay mamamaga, kaya't mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalaking
bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata
mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na
pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y
magtatanong kung ano ang ginagawa nito.
Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati,
may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso
anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama.
Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa
kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit
siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang
halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang siya ay
nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot ng pahiga sa banig
kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kanya ang
pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na
pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama,
napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na
hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang
kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakakabulahaw na sisigaw, at
kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buong
lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito,
sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan.
Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil
nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang
mahaabang halinghing at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung
binalaan nilang papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa
nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabilang kuwarto, kung saan ito
nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga
bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng
malamig na tubig.
Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang
ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon
may isang kilometro ang layo doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na
nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong

6
araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam
nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya
itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay
nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay
madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao,
na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at
mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay,
kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa
lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda
nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay
napaiyak at kinailangang muling libangin.
Ngayo'y naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na
inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang
dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na
pagmamahal sa patay na bata, kaya't madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa
kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabing gulod -
payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa
matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit
siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata at
bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal
niya ang bata".
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo.
Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya
sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman
ito agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man
dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na
lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong
nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila
na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.
Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na
may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi
makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga
tsokolate? Tumingin silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng
biskwit;. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng
pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa
tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi,
'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking
bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pangdidilat at
pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya't nagtalo at
nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip
silang lumabas ito ng kanyang kwarto.
Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa.
Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga
kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling
lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na
sana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila

7
maririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama
ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang
pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa baha, pero ngayo'y
nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.
Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na
kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang
inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang
maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo."
Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang
mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay
nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang
ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina
pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking
bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalu-salo sila tulad sa isang
piging na alam nilang di nila mararanasang muli.

Gramatika at Retorika: Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagkakasunod-


sunod ng mga Pangyayari o Pangatnig- Transitional
Devices.
Ang mga Pangatnig at Transitional Devices - ay ginagamit sa pag-uugnay ng
mga pangungusap at sugnay, sa pamamagitan nito napagsusunod-sunod nang
tama ang mga pangyayari, ng mga ideya at iba pa sa paglalahad.
Mga Uri ng Pangatnig:
1. subalit- ginagamit lamang kung ang datapwa’t at nguni’t ay ginamit
na sa unahan ng pangungusap.
2. samantala, saka- ginagamit na pantuwang
3. kaya, dahil sa - ginagamit na pananhi

Mga Transitional Devices:


1. Sa wakas, sa lahat ng ito- panapos
2. Kung gayon- panlinaw

Suriin

Salamat sa komprehensibong pagbasa ng akda. Siguradong ikaw ay


nakapaghinuha na ng mga pananaw o kaisipan na may kinalaman sa pagmamahal
at pagkalinga ng isang ama sa kanyang mga anak.
Halina at tayo ay dadako na sa susunod na gawain.

8
GAWAIN 1- Filipino: Ang Voca Ko!
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang maibigay ang kasingkahulugan ng
bawat salita. Gamitin ito sa pagbuo ng sariling pangungusap. Isulat sa sagutang
papel ang iyong sagot.
1. Humalinhing--------------- Muuglo =________________
2. Bumalandra --------------- usudamasad =________________
3. Patago-tago ----------------Likublikubpa =________________
4. Umagos----------------------Loyduma =________________
5. Yumugyog ------------------Agumu =________________

GAWAIN 2: Kaya Mo ‘Yan…


A. Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa iyong pagkakaunawa sa binasang
akda. Isulat ang mga sagot sa iyong kwaderno.
1. Tungkol saan ang paksa ng maikling kuwento?
2. Paano sinimulan ang akda?
3. Sino at ano ang katangian ng pangunahing tauhan sa kuwento?
4. Anu-anong katangian ng ama ang nangibabaw sa kuwento?
5. Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagpabago sa di-mabuting pag-uugali
ng ama?
6. Paano nagwakas ang kuwento?

B. Panuto: Punan ng angkop na Pangatnig o Transitional Devices ang mga


pangungusap.
1. Mahal ka niya,_____________ hindi niya gaanong naipakikita ito.
2. ___________ matalino siya, wala naman siyang kaibigan.
3. Marami na akong natutuhan, ____________tila kulang pa ito.
4. Siya ay matalino _______ mapagbigay pa.
5. Abala ang lahat ____________ ikaw ay walang ginagawa.
6. ___________ hindi natututo ang tao dahil sa kanyang kapalaluan.
7. Siya’y nagtagumpay ________ kaniyang pagsisikap.

9
Pagyamanin

Research Pa More!
Panuto: Magsaliksik/ Manood sa “Youtube” ng isang video clips na may kinalaman
sa kuwento ng isang ama at pagmamahal nito sa kanyang anak.Suriin ito ayon sa
mga bahagi ng maikling kuwentong makabanghay – Simula, Gitna, at wakas. Ibigay
ang aral/mensahe ng napanood.

Isipin

Istruktural Analisis
Panuto: Suriing mabuti ang bawat bahagi ng maikling kuwentong makabanghay na “
Ang Ama”; isulat sa sagutang papel ang mga kahon kahon kung paano ito sinimulan;
ano-ano ang mga suliranin? tunggaliang inilahad sa katawan; at kung paano
inilahad ang solusyon ng mga suliranin at wakas.

10
Gawin
A.Magbigay ng apat na katangian ng ama sa akdang binasa
1.
2.
3.
4.
5.
B. Ang sarili mo namang ama ang ibigay mo ang mga katangian.
1.
2.
3.
4.
5.

Tayahin

I. Panuto: Sagutin nang wasto ang sumusunod na mga tanong.


1. Ang ama sa akda ay nakilala sa simula ng kuwento bilang isang.
a. Mapagmahal at maalalahaning ama. c. Matapang sa mga aanak at asawa
b. Isang lasingero.. d. Walang kuwentang ama.
2. Anong pagkain ang madalas nitong iuwi na para sa sarili lamang niya?
a. Pansit na may sabaw c. pansit na ginisa sa itlog at gulay
b. Pansit bihon d. Alak at pulutan
3. Tuwing si Mui-mui ay nadidinig niyang humahalinghing dahil sa sakit na hika
ano ang tunay na nadarama ng ama?
a. Naiingayan at naiinis sa tunog nito.
b. Kinakabahan sa kung anong nangyayari sa anak.
c. Nakakaabala sa kanyang pagtulog.
d. Nakakagulo sa mga kapitbahay.
4. Bakit madalas ay umuuwing lasing ang ama ng mga nakalipas na araw?
a. Naaya ng mga kaibigan c. nagkaproblema sa trabaho
b. Nakagawian na nito ang pag-inum d. nawalan /nasisanti sa trabaho
5. Ano ang dahilan ng kamatayan ni Mui-mui?
a. Inataki ng hika c. Naaksidente
b. Naisalya ng ama sa dingding ng kanilang silid d. naratay sa ospital

6. Sa paanong paraan nakabawi ang amo ng ama?


a. Nagpunta sa burol ng bata. c. Nagbigay ng abuloy at pinabalik sa
trabaho
b. Nagbigay ng abuloy. d. Nakipaglibing.
7. Paano ipinakita ang pagsisisi at pagmamahal sa namatay na anak?
a. Nag-iiyak
b. Nangakong magpapakabuti na at magpapakabait.
c. Hindi ginastos na pansarili ang perang abuloy sa kanya.

11
d. Nagpunta sa puntod ng bata at nag-alay ng mga pagkain na hindi niya
naibigay noon.
8. Anong mensahe ang ipinababatid ng akda?
a. Nasa huli ang pagsisi c. Maging responsableng ama at
asawa
b. Mahalin ang mga anak d. Lahat ng nabanggit
9. Bakit nag-agawan ang mga anak nito sa mga pagkain sa ibabaw ng puntod?
a. Matagal na silng di-nakakatikim ng mga iyon
b. Sayang kung tatangayin lang ng tubig ulan
c. Gutom na gutom ang mga bata
d. Lahat ng nabanggit
10. Anong uri ng babae ang kanyang asawa?
a. Mabait at masipag
b. Matiisin at mapagmahal sa mga anak
c. May takot sa asawa
d. Lahat ng nabanggit

II. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mga ginamit na Pangatnig at Transitional
Devices sa maikling sanaysay.

KRUS
Isang gabi, maliwanag ang buwan , naisip ni Brinth na mag-ensayo ng diving
para sa isang tryout bilang paghahanda sa SEA Games.11.______nga mayaman ,
sunod ang kanyang layaw sa anumang gustuhin niya.12. _____kakulangan ng oras
sa umaga dulot ng paglalakwatsa, naisip niya sa gabi na lamang siya mag-eensayo.
Alam niyang kahit hindi siya mag-ensayo, matatanggap pa rin siya 13._____matalik
na kaibigan ng kanyang ama ang Chairman ng Philippine Sports Commission.Pagod
siya sa buong araw ng pag-aaral 14._____pursigido siyang dapat mapanalunan ang
kampeonato.
Patay ang lahat ng ilaw sa paligid ng paaralan. Ang tanging tumatanglaw
lamang ay ang isang ilawan sa covered court at ang maliwanag na sinag ng buwan.
15.______, habang siya’y nakatayo sa spring board ng pool na may taas na
tatlumpung talampakan, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay,
16. _____umaayos nang nakadipa bilang paghahanda sa
pagtalon.17._____biglang nagblackout. Ang sinag na lamang ng buwan na nasa
kanyang likuran ang tanging tumatanglaw sa kaniya.18.______na lamang ang
kanyang pagkabigla nang kaniyang Makita ang larawan ng krus sa kaniyang
harapan.Siya’y lumuhod sa kinatatayuang spring board at umusal.
“ Panginoon, kung ito’y isang pahiwatig na ako’y dapat magbago sa aking
kapalaluan, patawarin mo ako.Taos-puso po akong lumuluhod sa iyong harapan at
nagsusumamo na patawarin N’yo po ako.”

12
Linangin

Binabati kita sa iyong pagtatagumpay na maunawaang lubos ang kabuuan ng


aralin sapagkat iyan ang magsisilbi mong sandata o instrumento upang maisagawa
ang inaasahang produkto- ang masining na pagdidibuho.
Grabe Siya Oh!
Panuto: Basahing mabuti ang mekaniks ng gawain upang masundan ang mga
kahingian, sitwasyon at rubrik nito.
Isa kang illustrator o layout artist, isang manunulat ang nais na gawan mo
siya ng graphikong presentasyon na ilalagay sa pabalat ng kanilang kuwentong
ilalathala.Guguhit ka ng ilustrasyon na makakahikayat sa mga mambabasa ayon sa
nilalaman ng akda.
a) Hikayat 10 puntos
b) Kumpleto ang mga element (tauhan, tagpuan at banghay) 30 puntos
c) Pagkamasining 10 puntos
Kabuuan 50 puntos

13
14
Kagawaran ng Edukasyon (2013). K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino
Eidsyon
Kagawaran ng Edukasyon (2015). Filipino 10: Modyul para sa Mag – aaral. Unang
Google.com
Mga Sanggunian:
Subukin
Suriin Tayahin (18+2=20pts)
Unang Bahag:
A Gawain 2: Filipino, Ang Voca Ko 1.B
A A.Essay-12pts 2.C
A B. 3.B
C subalit 4.D
A 2.datpwat 5.B
3.ngunit 6.C
Ikalawang Bahagi: 4.saka 7.D
1.kaya 5.samantalang 8.D
2.Datapwatt 6.kaya 9.D
3.Sa wakas 7.dahil 10.D
4.sa lahat ng ito 11.dahil sa
5.kung gayon 12.dahil sa
Isipin 13.dahil sa
Suriin
Gawain 1 14.subalit
15 puntos
1.Umungol 15.samantala
Gawain
2.sumadsad 16.saka
A. 5pts
3.pakublikubli 17.ngunit
B. 5pts
4.dumaloy 18.gayon
5.umuga
Linangin-50 pts
Kabuuan= 134+1= 135
Susi sa Pagwawasto

You might also like