You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Santa Rosa City
SINALHAN INTEGRATED HIGH SCHOOL
Prk 3 Brgy. Sinalhan, City of Santa Rosa, Laguna 4026

Asignatura: Filipino 9 - Modyul 1: Ang Talinghaga Blg. Ng Linggo : Unang Linggo – Modyul
Tungkol sa May-ari ng Ubasan 1 1

Markahan Ikatlong Markahan Petsa : Marso 5, 2021

I. PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga


PANGNILALAMAN akdang pampanitikang ng Kanlurang Asya

II. PAMANTAYAN SA Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay


PAGGANAP sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano

III. MGA KASANAYAN SA 1. Napatutunayan ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring
PAGKATUTO maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan (F9PB-IIIa50)

2. Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang pahayag


(F9WG-IIIa-53).

IV. PAKSANG ARALIN PAKSA: Modyul 1: Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan

Dulog: PAMARAANG PABUOD O INDUCTIVE METHOD

Istratehiya: Activity Based (BIDYO)

Gawain: ACT-ANALYZE-APPLY ( 3 A’S)

SANGGUNIAN :

Filipino 9 - Self-Learning Module


DIVISION OF GAPAN CITY Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Kenneth C. Salvador
Editor: Jocelyn S. Pablo
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Kenneth C. Salvador
Jocelyn M. Mateo
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Jocelyn S. Pablo
Everlyn S. Pascual
Tagasuri ng Disenyo at Balangkas: Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit: Louie Jim P. Bugay
Tagalapat: Glehn Mark A. Jarlego
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD Alexander F. Angeles, PhD
Rubilita L. San Pedro

INSTRUKSYONAL NA KAGAMITAN : Projector, laptop, speaker

V. PAMAMARAAN A. PANIMULANG GAWAIN


1. Panalangin
2. Pagpapanatili ng kaayusan ng silid-aralan
3. Pagbati ng Guro at Mag-aaral
4. Pagtatala ng mga liban sa klase

B. PANGGANYAK (AKTIBITI)
Magkakaroon muna ng isang maikling paglalaro na may kaugnayan sa paksang
tatalakayin upang mapukaw ang interes ng mga mag-aaral sa talakayan.

Susundan ng pagtalakay sa nilalaman ng paksa at ano ang magiging kaugnayan


nito sa panitikang tatalakayin.

Magbibigay paliwanag sa depinisyon o kahulugan ng Parabula

B.2 Pag-papanood ng bidyo (Ang Talingha Tungkol sa May-ari ng Ubasan)


B.3 Pagbibigay ng mga HOTS (Higher Order Thinking Skills na Tanong)
Nakasaad sa Powerpoint

C. Pangkatang Gawain

Bawat pangkat ay magkakaroon ng iba’t ibang itinakdang gawain batay sa


iba’t ibang kasanayan.

PAMANTAYAN NG PAGMAMARKA- PANGKATAN:

1. Nailahad nang malinaw ang gawaing ibinigay—10


2. Naging malikhain sa paglalahad ng gawain-------10
3. May pagkakaisa o teamwork-------------------------5
4. Nakasunod sa takdang oras---------------------------5
KABUUAN--------------------------------------------------30

Pangkatang Gawain :

Pangkat 1: Venn Diagram

Pangkat 2: SHORT SKIT

Pangkat 3: AKROSTIK - PARABULA

Analisis:

Pagsusuri sa mga presentasyon ng bawat pangkat.

C. ABSTRAKSYON
Magpapahayag ang guro ng ilang mga pangungusap na may kaugnayan sa
sitwasyong ating kinahaharap ngayon.

D. ANOTASYON
Ang aralin ay may malalim na pagtalakay sa matatalinhagang pananalita at
ito ay pinalitaw na unang bahagi pa lamang ng talakayan bilang aking spring
board.

Natalakay din sa ilang bahagi ng paksa ang mga kasalukuyang nararanasan


ng ating mga mag-aaral na may kaugnayan sa kanilang mga pag-aaral tulad ng
malaking kakulangan ng koneksyon sa internet kung saan ay may malaki sana itong
maitutulong sa kasalukuyang sitwasyon ng ating edukasyon sa ipinatutupad na
distance learning, gayundin naman ang kawalan ng mapagkakakitaan ng kanilang
mga magulang upang sumuporta sa kanilang pag-aaral dulot pa rin ng pandemya
na ating nararanasan magpasahanggang ngayon o maaaring mga batang mas
pinaglalaanan na ang maghanapbuhay kaysa sa kanilang pag-aaral upang
makatulong na rin sa pang-araw-araw na gastusin sa kanilang pamilya.

Sa paglaon ng talakayan, matututunan ng mga mga-mag-aaral ang mga


gintong aral mula sa parabulang tinalakay na siyang maaaring maging integrasyon
ng asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao.

VI. EBALWASYON E. PAGTATAYA


Isaisip: Graphic Organizer
VII. REPLEKSYON Batay sa naging daloy ng talakayan ay naging bukas ang aking pananaw sa hirap na
nararanasan ngayon ng mga mag-aaral sa sitwasyon ng ating edukasyon sa
kasalukuyan kung saan ay higit sanang mauunawan ng bata ang lahat ng aralin sa
tulong ng pagkakaroon ng koneksyon sa internet, na siyang magiging daan sana para
maabot ng mga guro ang mga mag-aaral sa mas ligtas na paraan.

TAKDAANG ARALIN/ Pagpapatuloy ng mga Gawaing pangkasanayan mula sa Modyul bilang awtput ng mga mag-
KASUNDUAN aaral.

Inihanda:

JEFFREY NABO LOZADA


Guro II- SINALHAN Integrated High School
Dibisyon ng Lungsod ng Santa Rosa

Namasid nina:

MA. CRISTINA C PEGOLLO FERDINAND P. TRINIDAD


Punung-guro II Dalubguro II

You might also like