You are on page 1of 6

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
INITAO NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
INITAO, MISAMIS ORIENTAL

ORAS AT ARAW NG PAG-OOBSERBA: May 26, 2023 (FRIDAY) 8:30-9:30AM


SEKSYON NA OOBSERBAHAN: Grade 9-AMORSOLO

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

Kasanayang Pampagkatuto: F9PN-IVd-58


Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring naganap sa
buhay ng tauhan
I. Layunin
Sa loob ng isang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1) Nakikilala ang tauhan ng nobela
2) Nailalahad ang damdamin ng tauhan batay sa pahayag
II. Paksang-aralin
a. Paksa: Kabanata 21 (Ang Kasaysayan ng Ina) Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal
b. Sangguniang aklat: Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal; Pinaikli ni Josefina Nuñez
c. Kagamitang pampagturo: TV, larawan, powerpoint, flashcards, laptop,
III. Panimula
Gawaing Guro Gawaing mag-aaral
1. Panalangin  “Ama naming makapangyarihan sa lahat, ikaw ang aming
Tatawag ng mag-aaral na mamuno sa panalagin. sa tanglaw at gabay araw-araw. Ama, nawa po’y bigyan
mo po kami ng lakas at talino upang matagumpay po
naming matapos ang klaseng ito. Gabayan mo po ang
bawat mag-aaral at mga guro upang nang sa ganon ay
maghahari ang pag-uunawa at pakikinig sa bawat isa sa
amin. Ito po ang aming hiling sa’yo Ama. Amen”

2. Pagbati
Magandang umaga klas! Magandang umaga po Bb. Christine!

Magsiupo ang lahat.


3. Pagtala ng mga lumiban
Tatanungin ang bawat hanay kung sino ang Wala pong lumiban ma’am
wala sa klase at itala sa gilid ng pisara.

4. Pagbibigay tuntunin
Magsiupo nang maayos. Bago ang lahat gusto
kung ang klaseng ito ay maglaan ng paggalang
sa bawat isa at higit sa lahat ay ang
partisipasyon.
Nagkaintindihan ba tayo? Opo ma’am.

A. Pagbabalik-aral

Tungkol saan ang ating nakaraang talakayan? Ma’am, natapos tayo sa pagtatalakay ng Ika-19 hanggang
(Magtataas ng kamay ang isang estudyante) ika-21 kabanata ng Noli Me Tangere.

Magaling!

Natapos nating talakayin ang kabanata 19 (Ang


Pulong sa Tribunal)
B. Paghahabi ng layunin ng Aralin
Pagganyak: TANONG KO, SAGOT MO via Kahootplay

Mayroong mga larawan na ipapakita na may


kaugnayan sa aralin na tatalakayin. Ang bawat
mag-aaral na tatawagin ay pupunta sa harapan at
pipili ng sagot sa mga pagpipilian sa kahoot.

MGA LARAWAN NA DAPAT HULAAN/SAGUTIN:


1. Ang naging kauna-unahang Olympic gold medallist ng Pilipinas nang manalo siya sa women's
55 kg category sa weightlifting sa Tokyo 2020.
-HIDILYN DIAZ

2. Isa sa mga pinakakontrobersyal at pinakamatalinong babaeng senador na ipinaglaban ang RH-


BILL. – MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

3. Isa sa pinakasikat at maimpluwensyang babaeng Pilipino. Naging first lady ng bansa sa


Administrasyong Marcos. – IMELDA MARCOS

4. Pinakaunang babaeng presidente sa kasaysayan na naisagawa sa tulong ng People Power noong


1986. – MARIA CORAZON COJUANGCO-AQUINO
5. Ang kauna-unahang Filipina na nanalo bilang Miss Universe, noong 1969 na ginanap sa
Florida, USA.- GLORIA DIAZ

6. Ang inang nawala sa katinuan ng dahil sa pagkawala ng kanyang ng kanyang mga anak at
naranasang pang-aabuso.- SISA

7. Tinuturing huling natitirang mambabatok o tradisyunal na tattoo artist sa Pilipinas. – APO


WHANG-OD

C. PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN


1. Paglalahad ng paksa Maaaring tungkol sa babaeng nagbigay ng
Batay sa mga nakitang larawan, ano sa pagbabago sa kasaysayan ng Pilipinas.
tingin ninyo an gating tatalakayin (Tungkol sa babaeng nagpakita ng katatagan at
ngayong araw? labis na pagmamahal sa kanyang mga anak at
asawa. Isa sa hindi mapantayang gawi ng isang
babae ang pagiging ina.
2. Pagtalakay
Nalaman natin na sina Basilio at Crispin ay “Ma’am, tatlumpu’t dalawang piso po.”
pinarusahan ng prayle dahil sa nawalang pera ng
simbahan. Magkano ang perang nawala na
ibinentang kay Crispin?

Tama! Hindi pinayagang makauwi sina Basilio at


Crispin kung hindi nila mababalik ang perang
nawawala. Ngunit si Basilio ay tumakas sa
simbahan at naiwan si Crispin na binugbog ng
sacristan mayor.

Habang si Sisa ay naghihintay sa pag-uwi ng “Binaril ng guardia sibil dahil nahuli siyang
kanyang mga anak, may narinig siyang katok sa tumatakas makalipas ang ika-9 ng gabi.”
pintuan at nakita ang duguan na si Basilio.
Bakit umuwing duguan si Basilio? Ano ang
dahilan?

Magaling! Kaya naman sa kabanatang ito, hindi na


malaman ni Sisa ang gagawin ng kanyang
malaman na ang kanyang anak na si Crispin ay
nawawala.

Tumatakbong pauwi si Sisa ng Makita niyang “Maam, maaaring nakatakas si Basilio dahil nakita
paalis ng kanyang bahay ang dalawang guardia niya na paparating ang mga guwardiya sibil.”
sibil. Nabalot siya ng takot sa nakita at nakahinga
ng maluwag nang makitang wala itong kasama
palabas. Nasaan kaya si Basilio?

Nagpatuloy sa paglalakad si Sisa ng tawagin siya


ng isang guwardiya. Tinanong siya kung siya ang
ina ng mga magnanakaw?

Ikinaila ni Sisa ang pagnanakaw ng mga anak


sapagkat sanay na sila sa hirap at hinding-hindi sila
magnanakaw.

Nakiusap si Sisa na siya ay pabayaan na lamang


ngunit hindi naawa ang mga guwardiya at dinala si
Sisa sa himpilan. Lubos ang naramdamang pasakit
at hiya ni Sisa sa mga oras na iyon. Nakiusap siya
sa mg guwardiya na payagan siyang maglakad ng
una ngunit hindi pumayag ang dalawa.

Pagkarating nila sa himpilan ay patulak na ipinasok


si Sisa. Labis ang naramdamang hiya ni Sisa dahil
naabutan pa niya ang paglabas ng mga tao sa
simbahan at sinusundan siya ng tingin.

Buong pasalamat ni Sisa nang dumating ang


Alperes at siya ay pinakawalan. Dali-dali siyang
umuwi ng bahay.

Nilibot niya ang buong kabahayan at walang nakita


maski anino ng kanyang mga anak. Pauli-ulit
niyang tinatawag ang mga anak, “Basilio! Crispin!
Nasaan na kayo mga anak ko!”

Bumalik siya sa loob nga bahay at nakita ang punit


na damit ni Basilio na may dugo. Lumabas,
sumisigaw, umuungol, wari hindi maintindihan ang
nararamdaman. Inabot siya ng gabi sa ganoong
kalagayan.
Kinabukasan, ang dakilang ina ay nakitang
palaboy-laboy, kumakanta, at nakikipag-usap sa
lahat ng nilalang sa Kalikasan.
D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at
Paglalahad ng Bagong Kasanayan
(Mungkahing estratehiya; Think! Think! Think) (Magbibigay ng posibleng sagot sa katanunganang
Sa tingin niyo, kung kayo ang nasa posisyon ni bawat isa.)
Sisa, ano ang inyong gagawin upang kahit papaano
ay maipaglaban angiyong karapatan? Maaring maging kasagutan:
(Mayroong mga Graphic Organizer na ipapakita na Ang buhay ni Sisa ay ang nagpapakita ng opresyon
tumutukoy sa katangian ni Sisa.) nararanasan ng mga babae sa kamay ng mga lalaki.
Ito ay makikita sa pagmamaltrato ng kanyang
asawa at ang pagturing sa kanya bilang alipin ng
tahanan na ang tanging silbi lamang ay ang
magpaligaya sa asawa at mag-alaga ng anak. Dito
ipinakita ni Rizal ang mga karapatan ng mga babae
na tinapakan ng mga kalalakihan dahil sa
E. Paglinang ng Kabihasaan idealismong itinanim ng mga Kastila.
Klas, tignan ninyo ang mga linyang nadikit sa
pisara. Tutukuyin ninyo kung anong damdamin
ang isinasaad sa bawat linya gamit ang mga emoji (Tatayo ang bawat mag-aaral na tatawagin papunta
cards. Itatapat ninyo ang bawat emoji sa linya. sa harap)
(Hahanapin ang mga nakatagong emoji cards)
(Hahanapin nila sa ilalim ng upuan ang mga emoji)

F. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw na


buhay
(Mungkahing estratehiya: Express your feelings) (Magbibigay ng mga posibleng sagot)
Nangyayari pa rin ba sa kasalukuyan sa ating
lipunan ang masakit na sinapit ni Sisa? Patunayan.

G. Paglalahat ng Aralin
Ngayon ay nalaman na natin kung sino si Sisa sa “Napakahirap po ng mga pinagdaan ni Sisa.
nobela at kung ano ang kanyang mga karanasan Kung ako po ay nasa ganoong sitwasyon ay
sa buhay. (Iisa-isahin ang mahahalagang hindi ko malalaman ang aking gagawin.”
pangyayari sa buhay ni Sisa)

Ang mga mag-aaral ay bubuo ng apat na grupo na


gagawa ng worksheet tungkol sa paghahambing
ng katangian ni Sisa at ng isa pang taong kilala
nila.

H. Patataya ng Aralin
Sumulat ng isang tula na inihahandog sa iyong ina. Ilahad ito sa pamamagitan ng:
(Ipapasa ang mga awtput kinabukasan sa pamamagitan ng pag video at i-susubmit ito sa link na aking
ibibigay sa inyo.)
 PANGKAT 1- Pagbabasa sa tula
 PANGKAT 2- Paglalapat ng himig sa tula
 PANGKAT 3- Pagsagawa ng sabayang pagbigkas sa tula
Mga Pamatayan sa Pagbibigay ng puntos:
1. Nilalaman ……………………..10 puntos
2. Tono/Himig …....………………5 puntos
3. Timbre ng boses ……………….5 puntos
4. Pagkakaisa ……………………..5 puntos
5. Buong pagkalahad ……………..10 puntos
Kabuuan……………………….. 35 puntos
I. Takdang-Aralin
Ilarawan ang iyong ina sa pamamagitan ng paghahambing sa kanya sa isang bagay. Gupitin ang larawang
sumisimbolo sa kanya at idikit ito sa isang “short bondpaper”. Isulat ang paliwanag sa ibaba ng larawan.

Inihanda ni: Itinama ni:


CHRISTINE D. LLANTO ARLAJEAN B. CABURATAN
Teacher I MT I
Nirepaso ni:
MERLY J. SANDOVAL
Head Teacher III

Binigyang pansin ni:


JOAN CALIOPE J. LONGAKIT
School Principal I

You might also like