You are on page 1of 41

9

Modyul sa Filipino
Ikaapat na Markahan – Linggo Blg. 1 – 4
9
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Noli Me Tangere, Alamin
Kontekstuwal na Pahiwatig sa
Pagbibigay-Kahulugan, Tukuyin
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere, Alamin
Kontekstuwal na Pahiwatig sa Pagbibigay-Kahulugan, Tukuyin
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, mga balita, larawan atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Victor Francis J. Gamit

Editor: Maureen Ava B. Collado


Juliet C. Contreras

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba


Julie B. Sohal

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Kumusta ka aking mag-aaral? Alam kong sabik ka nang malaman ang mga
kaalaman sa isa pang obrang akdang pampanitikan, ang Noli Me Tangere. Tatalakayin
natin sa modyul na ito ang kaligirang pangkasaysayan ng Nobelang Noli Me Tangere na
isinulat ni Dr. Jose P. Rizal. Magiging gabay ito sa iyo upang malinang ang kasanayan
sa pagtukoy ng mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga kasanayan o aralin tungkol sa:


• Pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda
• Pag-iisa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito at
pagpatutunay sa pag-iral ng mga kondisyong ito sa kasalukuyan
• Paglarawan ng mga kondisyong panlipunan bago at pagkatapos isinulat ang
akda
• Pagtukoy sa mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:


1. Natutukoy ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda;
2. Naiisa-isa ang mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito at
pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon
sa lipunang Pilipino (F9PN-IVa-b-56);
3. Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat ang
akda (F9PB-IVa-b-56); at
4. Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan.
(F9PT-Iva-b-56)

Subukin

Isang mapagpalang araw sa iyo aking mag-aaral! Ngayon ay aalamin ko kung


handa ka na sa ating bagong aralin. Tara! Maglakbay na at pumalaot sa dagat ng
karunungan. Gawin mo ang paunang pagsasanay na ito.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Sino ang sumulat ng nobelang Noli Me Tangere?


A. Andres Bonifacio C. Jose Rizal
B. Jose Corazon de Jesus D. Emilio Aquinaldo
2. Kanino inialay ng may-akda ang Noli Me Tangere?
A. Gomburza C. sa kaniyang magulang
B. Inang Bayan D. sa kaniyang asawa
3. Ano ang ibig sabihin ng pamagat na “Noli Me Tangere?”
A. Huwag Mo Akong Salingin C. Huwag Mo Akong Saktan
B. Huwag Mo Akong Takutin D. Huwag Mo Akong Titigan
4. Ipinakita sa nobelang Noli Me Tangere ang kanser sa lipunan noong panahon
ng mga Kastila. Ano ang ipinahihiwatig ng salitang may salungguhit?
A. Maraming may sakit na kanser
B. Kalagayan ng lipunan
C. Kalagayan ng mga taong may sakit
D. Nakababahala ang sakit na kanser
5. Alin ang tumutukoy sa pagpapakahulugang di-direkta o maaaring pahiwatig
lamang ang ipinararating?
A. tekstuwal C. konsepto
B. kontekstuwal D. denotasyon

1
Aralin Kaligirang Pangkasaysayan ng
Noli Me Tangere, Alamin
1 Kontekstuwal na Pahiwatig sa
Pagbibigay Kahulugan, Tukuyin
Tatalakayin sa linggong ito ang kaligirang pangkasaysayan ng nobelang Noli Me
Tangere na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal. Bahagi rin ng araling ito ang pagtalakay sa
layunin at kalagayan ng lipunan noong panahon ng Kastila. Tatalakayin din ang
kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay ng kahulugan sa mga pahayag.

Balikan
Pag-aralan ang grapikong balangkas. Ipinakikita rito ang batayang kaalamang
natutuhan mo sa nakalipas na aralin hinggil sa nobela at ang mga angkop na salita sa
paglalarawan. Muling suriin ang mga konsepto upang maiugnay sa tatalakaying akda.

NOBELA ANGKOP NA SALITA SA


PAGLALARAWAN

Mahalagang sangkap sa
nobela ang tauhan. Sila ang May mga salitang naglalarawang
nagbibigay-buhay at maaaring gamitin sa tao na hindi naman
gumagalaw sa bawat maaari sa bagay. May mga pangyayari
kabanata. May ginagawa ang rin namang kapag ginamit na ang salita
mga pangunahing tauhan na sa pagbuo ng pahayag ay nababago ang
maaaring katanggap-tanggap kahulugan o hindi gaanong napalilitaw
o hindi katanggap-tanggap sa ang nais ipakahulugan at hindi nagiging
mga mambabasa. Subalit matimyas ang salita.
maaari nating bigyan ng Halimbawa:
katuwiran kung bakit ginawa 1. Nakatatakot ang magpatayo ng
ito ng pangunahing tauhan matayog na gusaling may malambot na
batay rin sa mga pangyayaring lupa tulad ng Baguio.
nakapaloob sa akda. Ang iba 2. Matangkad ang aking panganay na
pang elemento ng nobela ay anak sa kaniyang edad na labing-apat
tagpuan, suliranin, tunggalian na taong gulang.
banghay, at wakas.

Halaw sa Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino

Naalala mo na ba?
Makatutulong ang grapikong inilahad upang mabuod ang kaalaman sa
pagbibigay kahulugan sa kilos, gawi ng karakter sa nobela, at ang angkop na
paggamit ng mga salitang naglalarawan. Kung naalala mo na ang mga ito, handa
ka na ba sa susunod na mga gawain sa ating aralin? Tara nang ipagpatuloy ang
paglalakbay sa bagong dagat ng kaalaman.

2
Tuklasin
Kilalanin ang nasa larawan. Sa mas lubusang pag-unawa, sagutin ang mga
tanong sa iyong kuwaderno.
Ayon sa ating pambansang bayani “Kung walang liwanag ay
walang landas, kung walang edukasyon ay walang
kalayaan.”
1.Gaano mo kakilala ang nasa larawan? Ipaliwanag ang sagot.
2. Bakit siya tinaguriang pambansang bayani? Ipaliwanag.
3. Sa isang pangungusap, ihayag ang iyong paliwanag tungkol
sa kaisipan ng pahayag ni Jose P. Rizal.
https://freesvg.org/jose-rizal
-vector-portrait

Basahin ang sumusunod na mga impormasyon ukol sa nobelang Noli Me


Tangere. Maaari mo ring mapakinggan/mapanood ang mga impormasyon sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=mTy9WpuuaC8

Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan
Mahahalagang Tala sa Nobelang Noli Me Tangere

• Isinulat ni Jose P. Rizal ang nobelang Noli Me Tangere upang maging isang
paraan ng paghihimagsik laban sa mga mananakop na Kastila.
• Nagkaroon ng inspirasyon ang 24 anyos na si Rizal na isulat ang kaniyang
unang nobela nang mabasa niya ang mga aklat na The Wandering Jew, Uncle
Tom’s Cabin, at ang Bibliya.
• Ang mga aklat na ito ang nagbigay ng lakas ng loob at ideya kay Rizal na
ipagtanggol ang mga Pilipinong labis na nakararanas ng pang-aalipusta ng mga
mananakop nang panahong iyon.
• Isinulat niya ang unang bahagi ng aklat noong 1884 sa Madrid at natapos ang
ibang bahagi sa Paris noong 1885. Naisakatuparan naman ni Rizal ang nobela
at tuluyang natapos noong 1887 sa Alemanya. Tatlong taon ang kaniyang
iginugol para tapusin ang 65 na kabanata ng Noli.
• Nang matapos ang nobela, ang pondo naman sa paglimbag ang naging suliranin
ni Rizal. Pinahiram siya ng salapi ng kaniyang kaibigang si Maximo Viola.
• Nang lumaganap sa bansa ang 2,000 kopya ng nobela, nakarating din ito sa
mga Espanyol na labis na nagalit sa mga isinulat niya.
• Ang salitang “Noli Me Tangere” ay mula sa salitang latin, na ang ibig sabihin sa
wikang Filipino ay “Huwag Mo Akong Salingin” (“Touch Me Not” sa wikang
Ingles) na sipi naman mula sa Bibliya sa Ebanghelyo ni San Juan 20: 13-17.
• Ang Elias at Salome ay ang kabanata ng Noli Me Tangere na sadyang tinanggal
ni Rizal at hindi isinama sa paglilimbag dahil umano sa kakulangan sa pondo.
Ito ay karugtong sa kabanata 24.
• Inialay ni Dr. Jose Rizal ang kaniyang unang nobela para sa Inang Bayan.
• Ipinakita sa nobelang Noli Me Tangere ang Kanser sa Lipunan noong panahon
ng mga Kastila. Halimbawa nito ay ang sumusunod:

1. Colonial Mentality – Ang pagpapalagay ng mga Pilipino noon sa kanilang sarili


na sila ay nabibilang sa mga dayuhang Kastila, at ang dugong nananalaytay sa
kanila ay hindi dugong Pilipino, at ang pagtangkilik sa mga produktong gawa
sa ibang bansa tulad ni Kapitan Tiago at ilang mga mayayaman noong Pista sa
San Diego.

3
2. Social Climbing– Ang pagnanais ng mga Pilipino noon na mapabilang sa
tinatawag na “alta sociedad” ay ipinamalas nina Donya Victorina at Donya
Consolacion
3. Racial Discrimination – Ito ay pagtatangi o pagbabawal sa mga kababaihang
makisalamuha sa mga kalalakihan, maging sa paaralan ay hindi pinapayagan
ang mga kababaihang pumasok at matuto, paghihiwalay sa kababaihan at
kalalakihan.
4. Religious Intolerance – Ito ay paggamit ng relihiyon ng mga Kastila noon
upang takutin at lasunin ang pag-iisip ng mga Pilipino.
5. Servility – Ito ay ang labis na pagpapalugod o paglilingkod sa mga mayayaman
o maiimpluwensiya o ang pagiging tao-tauhan ng mga Pilipino noon sa mga
Kastila.
KARAGDAGANG KAALAMAN
Matapos magkaroon ng kasarinlan ang Pilipinas, ipinagbawal ang pagbabasa
at pagtuturo sa mga paaralan ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo
noong 1956 at inihain sa Konggreso ng pagpapatigil nito dahil salungat daw ang mga
nilalaman nito sa mga tinuturo ng Simbahang Katoliko. Ngunit naitatag ang RA 1425
o kilala sa tawag na BATAS RIZAL na nag-uutos sa lahat ng mataas na paaralan na
pag-aralan ang mga nobela at buhay ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P.
Rizal. Kung kaya’t hanggang ngayon ay tinatalakay pa rin ang mga nobela sa mataas
na paaralan at bahagi pa ito ng ating kurikulum.
Halaw sa Youtube Channel (ASIGNATURANG FILIPINO Channel)

HANDA KA NA BA?
Sa bahaging ito ay tutulungan ka upang malaman mo ang kahalagahan ng
kasaysayan ng Noli Me Tangere, gayundin ang pagtalakay sa mga kontekstuwal na
pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan. Kaya’t tara nang matuto!

Ang kasaysayan ng Noli Me Tangere ay magsisilbing daan upang maunawaan


natin ang mga pangyayari noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa
Pilipinas. Naipakita ang kabayanihan ni Dr. Jose P. Rizal sa kaniyang naisulat na
nobelang Noli Me Tangere.

Suriin

KONTEKSTUWAL NA PAHIWATIG SA PAGBIBIGAY-KAHULUGAN


Sa pagkuha ng kahulugan, maaaring magamit ang pahiwatig na kontekstuwal
(Context Clues) sapagkat maaaring makuha ang kahulugan ayon sa konteksto o gamit
nito sa isang pahayag. Ang sumusunod ay mga anyo nito:

ANYO HALIMBAWA
1. Definition o kahulugan ng Halimbawa:
salita - Ito ay makukuha sa Ang nasyonalismo ay marubdob na pagmamahal sa
ibang bahagi ng pahayag o bansang nagpapakita ng taos na paglilingkod at
pangungusap. may kaakibat na pagpapakasakit.
2. Karanasan- Sa karanasang Halimbawa:
nabanggit sa pangungusap, Labis siyang nababalisa sapagkat gabi na’y wala pa
maaaring matukoy ang ang kaniyang anak.
kahulugan ng salita.
3. Salungatan- Ang salita ay Halimbawa:
may kasingkahulugan ngunit Sa kabila ng pagsugpo sa karahasan, patuloy pa
ang malaman ang kasalungat ring umiiral ang kriminalidad.

4
na kahulugan ng salitang
tinutukoy ay lalong mainam.
4. Pahiwatig - Kung ipinakikita Halimbawa:
ang sanhi at bunga ng pahayag, Ang isang ugat ng pagkaalipin ay dahil sa kawalan
malalaman ang kahulugan ng ng pagkakaisa ng bawat isang mamamayan.
salita.
5.Tono - Kadalasan, ang himig Halimbawa:
at tono bilang paraan ng a. Mabuhay ang kabataang Pilipino!
pagbigkas ay nakatutulong Ang pahayag ay may maigting na damdaming
upang maibigay ang kahulugan ipinadarama, nangangahulugan ito ng pagbubunyi.
ng isang salita. b. Mabuhay ang Pilipino?
Ang pahayag ay nagsasaad ng pag-aalinlangan at
walang katiyakan.
c. Mabuhay ang Pilipino…
Ang pahayag ay nagsasaad ng pagdaramdam, ng
kalungkutan sapagkat may kakulangan sa
inaasahan.

Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang layunin ni Dr. Jose P. Rizal sa pagsulat niya ng nobelang Noli
Me Tangere.

Colonial Mentality
(Kaisipang Religious Intolerance
Kolonyal) Layunin
___________________________
___________________________
Racial Discrimination ___________________________
(Deskriminasyong
Panlahi)
___________________________
___________________________

Servility Social Climbing


(Paglilingkod) Iginuhit ni : Czedrick Jan Sumagpang

Gawain 2
Panuto: Patunayang umiiral sa kasalukuyan ang kondisyon ng lipunan noong
panahong isinulat ang nobela.

Colonial RELIGIOUS
Mentality INTOLERENCE

ALAM
MO BA Iginuhit ni : Czedrick Jan Sumagpang

NA ……
SERVILITY RACIAL
SOCIAL CLIMBING DISCRIMINATION

5
Gawain 3
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangungusap at ibigay ang anyo ng
kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan. Piliin ang tamang sagot sa loob
ng kahon. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

karanasan depinisyon o kahulugan


pahiwatig
salungatan tono

_______________1. Mahirap ang buhay nila noon at guminhawa lamang ito nang
magsumikap siya sa kaniyang buhay.
_______________2. Ang salitang kabayanihan ay ang papapakita ng paglilingkod o
pagmamahal sa sariling bayan.
_______________3. Maraming Pilipino ang nagdurusa dahil sa sobrang kahirapan.
_______________4. Kumukulo ang dugo ng mga Pilipino noon dahil sa labis na
pagpapahirap ng mga dayuhan sa kanila.
_______________5. Mabuhay ang sambayang Pilipino!

Isaisip
1. Bakit mahalagang malaman ang kaligirang pangkasaysayan ng
nobelang Noli Me Tangere?
2. Paano mabibigyang-kahulugan ang mga kontekstwal na
pahiwatig na ginamit sa pangungusap?
Dugtungan ang pahayag.
Natutuhan ko sa modyul na ito na _____________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Isagawa
Gawain 1
Panuto: Ilarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at pagkatapos isinulat
ang akda. Gamitin ang Venn diagram upang ipakita ang ugnayan ng mga konsepto.

KONDISYONG KONDISYONG
PANLIPUNAN NOON PANLIPUNAN NGAYON

ALAM
MO
BA NA
6
……
Gawain 2
Panuto: Gamit ang grapikong balangkas, ilahad ang kaligirang pangkasaysayan
ng nobelang Noli Me Tangere sa TIMELINE.

Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Kailan natapos ni Rizal ang Noli Me Tangere?


A. 1884
B. 1885
C. 1886
D. 1887

2. Sino ang nagpahiram ng pera kay Rizal para makatulong sa pagpapalimbag ng


nobela?
A. Paciano
B. Maximo Viola
C. Salome
D. Josephine Bracken

7
3. Sa anong sakit inihambing ni Rizal ang kondisyon ng lipunan noong kaniyang
panahon?
A. kanser
B. tuberkulosis
C. ketong
D. malaria

4. Ang wika ay isang mabisang instrumento ng komunikasyon sa


pagkakaintidihan at pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan ng isang
bansa.
Ano ang anyo ng konstekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan ang ginamit sa
pangungusap na ito?
A. Depinisyon o Kahulugan
B. Karanasan
C. Salungatan
D. Pahiwatig

5. Alin ang batas na nagsasabing mandato sa lahat ng mataas na paraalan ang pag-
aaral sa mga nobela at buhay ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal?
A. R.A 1425
B. R.A 9165
C. R.A 7610
D. R.A 7394

8
9
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Noli Me Tangere at Telenobela,
Paghambingin
Sariling Pananaw, Kongklusyon, at
Bisa ng Akda, Ilahad Natin
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Noli Me Tangere at Telenobela, Paghambingin
Sariling Pananaw, Kongklusyon, at Bisa ng Akda, Ilahad Natin
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, mga balita, larawan atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Vironica Richelle Marjunne A. Bernarte


Ruby Rose I. Canceran

Editor: Juliet C. Contreras

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba


Julie B. Sohal

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Pagbati aking mag-aaral!


Alam kong marami kang natuklasan sa nakaraang aralin tungkol sa kaligirang
pangkasaysayan ng nobelang Noli Me Tanggere ni Dr. Jose P. Rizal. Sa modyul na ito,
sisikapin nating alamin ang bisa ng pagkatuto sa iyo at hahayaan kang ilahad ang iyong
pananaw at saloobin sa mga pangyayari, maging sa mensahe ng obra.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga kasanayan o aralin tungkol sa:

● Pagbibigay-patunay na may pagkakatulad / pagkakaiba ang binasang akda sa


ilang napanood na telenobela
● Paglalahad ng sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa
nakararami
● Pagtatala ng nalikom na datos sa pananaliksik

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:

1. Nabibigyang-patunay na may pagkakatulad / pagkakaiba ang binasang akda sa


ilang napanood na telenobela (F9PD-IVa-b-55);
2. Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa
nakararami (F9PS-IVa-b-58); at
3. Naitatala ang nalikom na datos sa pananaliksik. (F9PU-IVa-b-58)

Subukin

Bago tayo magsimula ng ating aralin, alamin natin ang iyong munting nalalaman
sa paksang ating tatalakayin. Halina’t maging handa sa ating unang gawaing
makatutulong sa iyo upang mapalalim ang kaalaman sa akda.
Panuto: Tukuyin ang pariralang nasa kahon kung ito ay ginagamit sa paglalahad
ng KONGKLUSYON o ginagamit sa pagpapahayag ng PANANAW. Isulat sa kahong nasa
wastong hanay ang iyong kasagutan.

Bilang kongklusyon, Sa aking palagay … Sa madaling salita,


Sa kabuuan, Sa totoo lang … Sa aking pananaw …

Kumbinsido akong … Lubos kong pinaniniwalaan … Sa tingin ko…

KONGKLUSYON Sa opinyon ko… PANANAW

1
Aralin Noli Me Tangere at Telenobela,
Paghambingin
1 Sariling Pananaw, Kongklusyon, at
Bisa ng Akda, Ilahad Natin

Ang isang bagay ay maituturing na Obra Maestra kung ito ay nagtataglay ng


kasiningang tumatalakay sa lahat ng panahon. Isa sa halimbawa ng Obra Maestra ay
ang Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal sapagkat ang nobelang ito ay naglalaman o
tumatalakay sa kuwento ng mga tauhang makikita o mababanaag natin sa anomang
panahon. Ang mga tauhang gumaganap sa nobela ay naglalarawan at kumakatawan sa
mga persona o imahe sa ating lipunan noong panahong naisulat ito.
Ang Noli Me Tangere ay Obra Maestrang hindi lamang tumatalakay sa literal na
pagpapakahulugan ng mga pangyayari sa mga tauhan, kundi sumasalamin din ito sa
mga buhay, karanasan, lipunan, at pangyayari sa panahon ng pananakop ng mga
Kastila na maaari nating maiugnay sa kasalukuyang panahon.
Handa ka na bang pumalaot sa dagat ng bagong kaalaman? Kung ikaw ay handa
na, simulan nang balikan ang nakaraan.

Balikan

Sa pagbuo ng Facebook Account, may hinihinging mga personal na detalye. Kung


bubuo ka para sa nobelang Noli Me Tangere, ano ang ibibigay mong impormasyon batay
sa kaligiran at kasaysayan nito?
Panuto: Punan ng impormasyon ang hinihingi sa pagbuo ng FB account.

2
Tuklasin

Alam mo ba?
Ang nobelang Noli Me Tangere ay may animnapu’t limang (65) kabanata
subalit dahil sa kakulangan ng perang pampalimbag ay nabasawan ito ng isang
kabanata kung kaya’t naging animnaput apat (64) na kabanata na lamang ito.
Upang malaman ang kabuuan ng nobela, panoorin ang buod nito sa link na
https://www.youtube.com/watch?v=GODkr80OsPo na may pamagat na Buod ng
Noli Me Tanggere mula sa youtube channel ni RockItRico PH

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag.

Suriin

Ngayong nalaman mo na ang buod ng nobelang Noli Me Tangere, inaasahan kong


higit na lumawak ang iyong kaalaman. Pag-aralan ang paliwanag ukol sa
“KONGKLUSYON” at “PANANAW” bilang gabay sa mga gawain.

Ang kongklusyon ay ginagawa upang maunawaan at mapaintindi sa mambabasa


ang puntong nasabi. Layunin nitong pagtibayin ang dahilan ng isang pahayag. Narito
ang mga halimbawang salita o pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng kongklusyon:
Bilang kongklusyon…
Sa madaling salita…
Sa kabuuan…

Halimbawa:

Sa madaling salita, ang Noli Me Tangere ay maituturing na obra maestra sapagkat


may taglay itong kariktang pumupukaw sa damdamin ng mambabasa sa anomang
panahon.
Ang opinyon o pananaw ay paliwanag batay sa mga makatotohanang pangyayari,
sariling saloobin o damdamin ng isang tao.

3
Kumbinsido akong …
Lubos kong pinaniniwalaan …
Sa tingin ko…
Sa aking palagay …
Sa totoo lang …
Sa aking pananaw …

Halimbawa:
Sa aking palagay, isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ang nobela sa panahong labis ang
pagkagalit niya sa mga Espanyol.
(halaw sa sa philknews.ph)

Balikan ang tatlong mga talata sa Tuklasin. Sagutin ang sumusunod na mga
tanong:
1. Ano ang maibibigay mong kongklusyon at pananaw sa mga pahayag o pangyayaring
ito?
2. Ano ang naging bisa ng mga pahayag o salita sa iyo bilang mag-aaral?
3. Naganap ang mga pangyayari sa panahon ng mga Kastila, kung magaganap muli ang
mga ito sa panahon ng teknolohiya, paano mo ito kahaharapin?

Pagyamanin

Ang mga tauhan sa isang nobela ay maikukumpara sa ilang mga gumaganap sa


isang telenobela o teleserye maging sa tunay na buhay. Kung mayroong masasayang
tagpo, mayroon ding pagsubok.
Kaya halina’t subukin ang iyong pang-unawa. Ako man din ay naniniwala sa
winika ni Dr. Rizal na “ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN”, kaya alam kong
kaya mo!
Gawain 1
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, pumili ng isang kabanata sa Noli Me Tangere
at ihambing ang mga pangyayari dito sa mga pangyayari sa mga telenobelang napanood
mo na.

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

4
Gawain 2
Panuto: Gamit ang mga susing salita, magbigay ng tatlong kongklusyon kung bakit
maituturing na obra maestra ang Noli Me Tangere.

Kongklusyon 1:

Kongklusyon 2:

Kongklusyon 3:

Gawain 3
Panuto: Sa tulong ng mga susing salita sa pagbibigay ng pananaw o opinyon,
ilahad ang opinyon sa mga tanong sa kahon.

SAGOT:
___________________________________________
Tanong 1: Sa iyong ___________________________________________
palagay, bakit dapat pag- ___________________________________________
aralan ang Noli Me
Tangere? ___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

SAGOT:

Tanong 2: Sa tingin mo, ___________________________________________


nakatulong ba ang Noli Me ___________________________________________
Tangere sa pagmulat ng ___________________________________________
kaisipan ng mga Pilipino?
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

SAGOT:

___________________________________________
Tanong 3: Batay sa iyong
___________________________________________
pananaw, ano-ano ang mga
___________________________________________
gintong kaalaman ang
___________________________________________
mapupulot sa akda?
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

5
Isaisip

Batid kong marami ka nang nalaman at natutuhan sa nobelang Noli Me Tangere.


At ito ay may bisa sa iyo bilang mambabasa, narito ang tatlong uri ng bisang
pampanitikan.

Bisang Pampanitikan
Tumutukoy sa kahalagahang pangkatauhan. May tatlong
uri ng bisang pampanitikan. Ito ay ang sumusunod:

1. BISANG PANGKAISIPAN - Nagbubunsod sa mga


mambabasa na mag-isip at maging kritikal upang umunlad
ang diwa at kaisipan.
2. BISANG PANGKAASALAN - Nilikha upang magbigay
dunong, magbigay-aral, at humubog ng katauhan.
3. BISANG PANDAMDAMIN - Tumutukoy sa naging epekto
o pagbabagong naganap sa damdamin ng mambabasa.

https://nellymarcial.wordpress.com/2016/11/25/mga-teorya-at-
bisang pampanitikan/

Panuto: Ilahad ang iyong natutuhan sa nobela batay sa bisa nito sa iyo. Isulat ang
sagot sa loob ng larawan o imahe.

BISANG
BISANG
PANGKAISAPAN
PANGKAASALAN

BISANG
PANDAMDAMIN

6
Isagawa

Pagbati! Naniniwala akong nadagdagan ang iyong interes upang mapalalim pa


ang iyong kaalaman sa nobelang Noli Me Tangere. Upang lalong madagdagan at
lumawak ang mga kaalamang ito, magsagawa tayo ng isang pananaliksik.
Gawain 1 #Hasik Saliksik! (para sa online/blended na mag-aaral)
Panuto: Gamit ang isang online forum (Google Meet, Zoom, Messenger chatroom,
atbp.) magsagawa ng isang panayam sa isang taong sa tingin mo ay may karanasang
kahawig ng mga pangyayari sa nobela. Maaaring i-video ang panayam at ipasa sa inyong
Google Classroom o i-email sa iyong guro.
Gawain 2 #Tugon Saliksik! (para sa modyular na mag-aaral)
Panuto: Magsagawa ng isang panayam sa mga kasama sa bahay o kakilalang
nakaranas ng mga pangyayari tulad ng nasa nobela. Isulat ang panayam sa A4 size
bond paper at ipasa sa guro.
Tandaan:
● Ang panayam ay maaaring gawin sa iba’t ibang platform na nais o kumbinyente
sa inyo ng kakapanayamin
● Siguraduhing isaalang-alang ang pinatutupad na tuntuning pangkaligtasan at
protokol
● Isaalang-alang ang pamantayan sa pagmamarka sa ibaba para sa gawain 1 at
gawain 2

7
Tayahin

Gawain 1
Panuto: Salungguhitan ang salita o pariralang nagpapahayag ng KONGKLUSYON
o PANANAW. Matapos ay gamitin ito sa sariling pangungusap.
1. Sa madaling salita, ang pag-aaral ng Noli Me Tangere ay nakatutulong sa mga
kabataan upang maging mulat sa mga pangyayari noong panahon ng Espanyol.
Pangungusap:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Sa aking opinyon, patuloy pa rin hanggang sa ngayon ang ilang maling gawi ng
mga Pilipino na nangyari sa nobela.
Pangungusap:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Bilang kongklusyon, ang Noli Me Tangere ni Jose Rizal ay naging daan upang
mamulat ang ating mga ninuno sa mga maling pamamalakad ng mga Espanyol
sa bansa.
Pangungusap:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Sa tingin ko, ang ilan sa mga tauhan sa akda ay mula sa totoong taong
nakasalamuha ni Rizal habang sinusulat ito.
Pangungusap:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Sa kabuuan, ang akda ni Rizal ay matatawag na obra maestra sapagkat


kakikitaan ito ng kariktan na pangwalang hanggan.
Pangungusap:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Paghambingin ang nobelang Noli Me Tangere at ang isang napanood na
telenobela batay sa pagkakatulad o pagkakaiba ng mga ito. Maglahad ng mga patunay
ukol dito. Gamitin ang Venn Diagram sa ibaba.

NOLI ME TANGERE TELENOBELA

8
9
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 3
Mahahalagang Pangyayari sa
Buhay ng mga Tauhan sa Noli Me
Tangere: Alamin
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng mga Tauhan
sa Noli Me Tangere: Alamin
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, mga balita, larawan atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Helen F. Angeles at Geraldin G. Si

Editor: Juliet C. Contreras

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba


Julie B. Sohal

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Ang pagkatuto ng isang mag-aaral ay tulad ng isang paglalakbay, makararanas


ng maraming pasubok upang masukat ang mga natutuhan. Habang lumalayo ang
paghakbang ay lalong lumalalim ang kaalaman. Ang modyul na ito ay gagabay sa iyo
upang malinang ang iyong kasanayan at kakayahan sa pagsusuri sa elemento ng
elehiya, tema, mga tauhan, tagpuan, mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon,
wikang ginamit sa pahiwatig o simbolo, damdamin, at paggamit ng mga angkop na
pang-uri sa pagpapasidhi ng damdamin sa pagsulat ng anekdota o liham na
nangangaral.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga kasanayan o aralin tungkol sa:


● Paggamit ng mga angkop na salita/ekspresyon sa paglalarawan, paglalahad ng
sariling pananaw, pag-iisa-isa, at pagpapatunay
● Pagtukoy sa kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela
● Pagsulat ng isang makahulugan at masining na iskrip ng isang monologo tungkol
sa isang piling tauhan

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:


1. Nagagamit ang mga angkop na salita/ekspresyon sa paglalarawan, paglalahad
ng sariling pananaw, pag-iisa-isa, at pagpapatunay (F9WG-Iva-b-57);
2. Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela (F9PN-IVc-57); at
3. Naisusulat ang isang makahulugan at masining na iskrip ng isang monologo
tungkol sa isang piling tauhan. (F9PU-IVc-59)

Subukin

Mapagpalang araw aking mag-aaral! Ngayon ay aalamin ko kung handa ka na sa


ating bagong aralin. Halina’t lumusong sa dagat ng karunungan at sa kailaliman,
kuhain ang nakatagong yamang kaalaman. Huwag kang matakot, kasama mo ako sa
paglalakbay na ito tungo sa bagong matututuhan. Gawin mo ang paunang pagsasanay
na ito.
Gawain 1
Panuto: Tukuyin kung sino ang isinasaad ng sumusunod na mga pahayag.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Sino ang binatang nag-aral sa Europa, pangarap na makapagpatayo ng paaralan,
anak ni Don Rafael, at kasintahan ni Maria Clara?
A. Alfonso Linares C. Pedro Eibarramendia
B. Crisostomo Ibarra D. Kapitan Heneral

2. Sino ang piloto, magsasaka, nagtatago sa batas, nagligtas, at tumulong kay Ibarra
upang makilala ang bayan at mga suliranin nito?
A. Elias B. Basilio C. Pedro D. Pablo

3. Sino ang masintahing ina ng mga sakristan na ang tanging kasalanan ay


pagkakaroon ng asawang iresponsable?
A. Sinang B. Sisa C. Pia Alba D. Maria Clara

4. Sino ang tinaguriang Pari Garote sa nobela?


A. Padre Salvi C. Padre Damaso
B. Padre Martin D. Padre Sibyla

5. Sino ang kinatawan ng hari ng Espanya sa Pilipinas?


A. Kapitan Heneral C. Kapitan Tiyago
B. Padre Damaso D. Tinyente Guevarra

1
Gawain 2
Panuto: Tukuyin kung sino ang nagsabi ng sumusunod na mga pahayag. Bilugan
ang letra ng tamang sagot.
1. “Dapat bigyang dangal ang isang mabuting tao habang buhay pa kaysa kung
patay na.”
A. Pilosopo Tasyo C. Gurong Pari
B. Crisostomo Ibarra D. Padre Damaso
2. “Ang pagyuko sa pagdaan ng punglo ay di karuwagan. Ang masama’y
salubungin ito at di na muling makabangon.”
A. Pilosopo Tasyo C. Padre Damaso
B. Crisostomo Ibarra D. Elias
3. “Lahat tayo ay may mga lihim na kaaway, mula sa pinakamaliit na insekto
hanggang sa pinakamakapangyarihang tao sa lipunan sapagkat ang
pakikipagtunggali ay batas ng buhay.”
A. Pilosopo Tasyo C. Padre Damaso
B. Crisostomo Ibarra D. Elias
4. “Ang karunungan ay para sa lahat, ngunit huwag mong lilimuting iya’y
natatamo ng mga may puso lamang.”
A. Pilosopo Tasyo C. Gurong Pari
B. Crisostomo Ibarra D. Padre Damaso
5. “Nagbabago ang tao ayon sa mga pangyayari. Inalisan ng kasawian ng piring
ang aking mga mata. Makita ko ang kanser na sumisira sa lipunan at kailangan
ng dagliang lunas.”
A. Pilosopo Tasyo C. Padre Damaso
B. Crisostomo Ibarra D. Elias

Aralin Mahahalagang Pangyayari sa Buhay

1 ng Mahahalagang Tauhan ng Noli Me


Tangere: Alamin
“Isinulat sa Dugo ng Puso,” ang nobelang Noli Me Tangere ayon kay Ferdinand
Blumentritt, kaibigan ng may-akda na si Dr. Jose P. Rizal. Ang nobelang ito ang
pinakamaimpluwensiyang aklat na gumising sa kamalayan ng mga Pilipino sa
kalupitan at kalabisan ng mga Kastila sa panahon ng pananakop. Ang mga tauhang
nilikha niya ay nagpapakita ng mga katangian ng mga Pilipino at kumakatawan sa mga
simbolo sa kaniyang kapanahunan. Bago ka pumalaot sa bagong aralin, balikan muna
natin ang dati mo nang kaalaman hinggil sa paksa sa araw na ito. Gamitin mong sagwan
ang mga natutuhan sa nakalipas na aralin.

Pag-aralan ang grapiko. Ipakita rito ang


Balikan batayang kaalamang natutuhan mo sa
nakalipas na aralin hinggil sa paghahambing
ng nobela sa iba pang telenobela. Muling suriin
ang mga konsepto upang masagutan ang
susunod na gawain.

Narito ang ilang mahahalagang impormasyong kaugnay sa mga kaalamang


natutuhan mo sa nakalipas na aralin na makatutulong sa iyo sa susunod na aralin.
Paghambingin ang nobelang Noli Me Tangere sa isang napanood na telenonela.

Noli Me Tangere Napanood na Telenobela

2
Naaalala mo na ba?
Makatutulong ang grapikong inilahad upang mabuod ang kaalaman at
kasanayan mo sa pahahambing ng nobelang Noli Me Tangere at mga napanood na
telenobela. Kung naalala mo na ang mga ito, handa ka na ba sa susunod na mga
gawain? Tara nang ipagpatuloy ang paglalakbay sa bagong dagat ng kaalaman.

Tuklasin

Sino Ako?
Tukuyin kung sino ang mga nasa larawan. Ano ang ambag nila sa ating lipunan at
sinasagisag nito?

https://commons.wikimedia.org https://members.nast.ph/index.p
HYPERLINK
/wiki/File:Aquino-w960.jpg hp/list-of-national-
"https://pt.wikipedia.org/wiki/Fi
cheiro:Gd400h.jpg" scientist/details/3/29
https://pt.wikipedia.org/wiki/Fi

Alam mo ba?
cheiro:Gd400h.jpg
https://members.nast.ph/index.p
hp/list-of-national-
Mahahalagang Tauhan sa Noli Me Tangere
scientist/details/3/29

1. Crisostomo Ibarra -Nag-aral siya ng pitong taon sa Europa, kasintahan ni Maria


Clara at tanging anak ni Don Rafael Ibarra.
2. Elias – Siya ay nagtatago sa batas, nagligtas kay Ibarra, at namatay dahil sa
pagliligtas sa bayan.
3. Maria Clara – Siya ang dalagang may kaakit-akit na kagandahang kasintahan ni
Ibarra.
4. Don Santiago de los Santos (Kapitan Tiyago) – Ama-amahan ni Maria Clara.
Kilala siya sa pagiging bukas-palad.
5. Kapitan Heneral - Kinatawan siya ng Hari sa Pilipinas. Hindi kinikilala ng mga
prayle. Tumulong mapawalang-bisa ang excomunion ni Ibarra.
6. Padre Damaso- Isang Paring Pransiskano. Tinagurian siyang si Pari Garote.
7. Padre Salvi – Siya ang kura parokong pumalit kay Padre Damaso. May lihim na
pagtingin kay Maria Clara.
8. Alperes- Siya ang pinuno ng mga guwardiya sibil na asawa ni Donya Consolacion.
9. Sisa- Isang mapagmahal na ina. Nabaliw dahil hindi nakayanan ang mga
kasawiang sinapit sa buhay.
10. Crispin at Basilio- Sila ang magkapatid na sakristan at mga anak ni Sisa.

11. Pilosopo Tasyo – Tinagurian siyang “baliw” para sa mga di nakapag-aral at


“pilosopo” para sa mga edukado.

12. Doña Consolacion - Asawa siya ng alperes. Katawa-tawa siya kung manamit at
ikinahihiyang isama ng alperes.

3
13. Don Tiburcio de Espadaña - Kastilang napangasawa ni Doña Victorina.
Nagpapanggap na manggagamot sa utos ng asawang si Donya Victorina.

14. Alfonso Linares - Siya ay pamangkin ni Don Tiburcio, binatang ipakakasal kay
Maria Clara.

15. Doña Victorina de los Reyes de Espadaña- Siya ang babaing nagpapanggap na
taga-Europa. Ang tanging pangarap ay magkaroon ng asawang Kastila.

16. Tinyente Guevarra- Siya ang nagsalaysay kay Ibarra sa tunay na sinapit ng
kaniyang ama sa loob ng bilangguan.

Tara Na!
Alamin natin baon mong kaalaman tungkol sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ng mga tauhan sa
Suriin nobela. Kaya’t tara nang matuto. Magpatuloy pa sa
pagsisid sa dagat ng kaalaman.

Ang Noli Me Tangere ay isang halimbawa ng nobelang panlipunan at ito ay


inihandog ng may-akda sa ating Inang-bayan. Kilalanin natin ang mga tauhan at ang
mahahalagang pangyayari.

Buod ng Noli Me Tangere


Isang pagtitipon ang inihanda ni Kapitan Tiyago sa kaniyang bahay para sa
pagdating ni Crisostomo Ibarra. Maraming dumalo sa piging, kabilang dito ang mga
lintang panlipunan at mga kantanod. Dumating si Ibarrang nakadamit panluksa
matapos ang pitong taong pag-aaral sa Europa.
Sa hapunan, hinamak siya ni Padre Damaso ngunit binalewala lamang niya
ito. Sa daan, binigyan siya ng babala ni Tinyente Guevarra. Isinalaysay nito kung
ano ang sinapit ng kaniyang ama. Nagsimula ito sa pagtatanggol ni Don Rafael sa
batang sinasaktan ng maniningil ng buwis. Dito nagsimulang lumabas ang kaniyang
mga kaaway. Inakusahan siyang erehe at filibustero. Ang pangyayari ay labis na
dinamdam ng Don kaya ito ay namatay. Ipinag-utos din ni Padre Damaso na hukayin
at ilipat sa libingan ng Intsik ang bangkay ni Don Rafael. Naisip ni Ibarra na
ipagpatuloy ang plano ng kaniyang amang magpatayo ng paaralan kaysa maghiganti.
ALAM MO
Muling nagkita ang magkasintahang Crisostomo at Maria Clara, matapos ang
BA
pitong taongNA paghihiwalay. Nanatili silang tapat at di nakalilimot sa isa’t isa.
Nagpaalam na si Ibarra dahil dadalawin niya ang puntod ng kaniyang ama.
…… Iniligtas ni Elias si Ibarra sa tiyak na kamatayan noong basbasan ang
paglalagay ng unang bato sa ipinatatayong paaralan. Namatay ang taong madilaw na
siyang binayaran ng mga lihim na kaaway ni Ibarra. Ang pagkamatay ng taong
madilaw ay sinasabing kalooban ng Diyos dahil kung ito ay nabuhay marahil ay
matatakasan niya ang pagkakasala.
Sa sermon sa simbahan ay pinaringgan ni Padre Damaso si Ibarra hanggang
sa pananghalian. Dahil sa ginawang paghamak ng Pari sa alaala ng kaniyang ama,
tinangka niyang itarak ang kutsilyo sa Pari mabuti na lamang at napigilan ito ni
Maria Clara.
Dahil sa nangyari, pinatawan ng ekskomulgado si Ibarra na naging dahilan
upang ipag-utos ni Padre Damaso kay Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan ng
kasal sa pagitan nina Ibarra at Maria Clara. Si Alfonso Linares ang nais niya makasal
kay Maria Clara.
Sa tulong ng Kapitan Heneral napawalang-sala si Ibarra. Subalit siya ang
itinurong utak sa kaguluhan sa kuwartel.

4
Hinuli at ikinulong si Ibarra kabilang ang iba pang nahuling buhay sa
nangyaring pagkakagulo. Masasakit na salita ang kaniyang narinig mula sa mga
tao sa kabila ng kabutihang ipinakita niya. Ni isa sa kaniyang mga kaibigan ay
walang naroon upang damayan siya.
Tumakas si Ibarra sa tulong ni Elias sakay ng bangka. Tuluyan nang
nagpaalam si Ibarra kay Maria Clara. Ayon sa binata, noong nabubuhay pa ito ay
sumumpa siya sa magulang ng dalaga na paliligayahin niya ito habang siya ay
nabubuhay subalit hindi na niya magagawa ito dahil isa na siyang takas. Lalo pang
nadiin si Ibarra sa kasalanan dahil sa sulat na inagaw kapalit ng liham na
nagsasabing si Padre Damaso ang tunay na ama ni Maria Clara.
Sa kanilang pag-uusap, sinabi ni Ibarra na namulat ang kaniyang mata sa
nangyayari sa kaniyang bayan at sa mga suliraning nangangailangan ng agarang
solusyon.
Naabutan sila ng tumutugis sa kanila kaya’t tumalon si Elias sa bangka at
pinagbabaril ng mga sibil sa pag-aakalang siya si Ibarra. Nakarating ang balita kay
Maria Clara na patay na si Ibarra.
Sa kabilang banda, itinakda ang kasal nina Maria Clara at Linares. Pumayag
si Maria Clarang makasal kay Linares pagdakay tatakas ito ngunit ngayong
napabalitang patay na si Ibarra tumanggi na siyang magpakasal. Dalawang bagay
lamang ang nais niyang pagpilian, ang simbahan o kamatayan. Walang nagawa si
Padre Damaso sa nais mangyari ni Maria Clara. Batid ni Padre Damaso ang
hiwagang nangyayari sa likod ng makapal na pader ng kumbento kaya’t ayaw
niyang magmongha si Maria Clara. Kung kamatayan naman kahit kailan ay hindi
na niya masisilayan ang dalaga.
Sa gubat ng mga Ibarra nagtungo ang sugatang si Elias at may dalawang
araw nang hindi kumakain ni umiinom. Dito niya natagpuan si Basilio at ang ina
nitong si Sisa na wala nang buhay.
Sinabi ni Elias kay Basilio na sunugin sila ni Sisa. Inutusan din niya si
Basiliong hukayin ang mga salapi upang magamit sa kaniyang pag-aaral.
Bago namatay si Elias, pabulong niyang winika, “Mamamatay akong hindi
man lang namamalas ang maningning na pagsikat ng araw sa aking bayan.
Kayong makakikita, salubungin ito at huwag kalimutan ang mga nasawi sa
dilim ng gabi.”
Halaw sa: https://philnews.ph noli-me-tangere-buong-buod

Gawain1 Palawakin ang Talasalitaan


Panuto: Hanapin sa Hanay A ang kahulugan ng mga salita sa Hanay B. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
_____1. Lintang panlipunan A. kumakalaban sa pamahalaan
_____2. Kantanod B. kumakalaban sa simbahan
_____3. Ekskomulgado C. dumadalo sa mga pagtitipon kahit
_____4. Erehe walang imbitasyon
_____5. Filibustero D. itiniwalag ng simbahang katoliko
E. ibig makakilala ng mga
maimpluwensiyang tao sa lipunan
Gawain 2 Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Isa-isahin at ilarawan ang mga tauhan sa nobela gamit ang pang-uri.
Isulat ang kahalagahan at kahihinatnan sa kuwento.

TAUHAN KATANGIAN KAHALAGAHAN KAHIHINATNAN


Crisostomo Ibarra
Elias
Maria Clara
Padre Damaso
Padre Salvi

5
Sisa
Basilio
Kapitan Tiyago
Donya Victorina
Donya
Consolacion
Alfonso Linares
Alperes

Tara Na!

Alamin natin baon mong kaalaman tungkol sa kasidhian ng pang-uri. Kaya’t tara nang
matuto. Magpatuloy pa sa pagsisid sa dagat ng kaalaman.

Ang Paglalarawan ay pagpapahayag na ang layunin ay magbigay ng klarong


imahe sa isipan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng pagbibigay ng katangian
tulad ng hugis, anyo, kulay, lasa at iba pa. Ginagamit ang mga pang-uri sa
paglalarawan.
1. Paglalarawan sa tao - Hal. Ang kaniyang mabilog na mga mata ay nakahahalina.
2. Paglalarawan sa damdamin -Hal. Galit na galit si Anton sa kaniyang natuklasan.
3. Paglalarawan sa bagay - Hal. Nilamon ng nagngangalit na apoy ang isang
pagawaan ng tela.
4. Paglalarawan sa tanawin o lugar – Hal. Ang maliit, sira-sira at madilim na bahay
ang kanilang naging kanlungan.
May mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at
nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng pananaw.
Pananaw - ayon sa, alinsunod sa, sa paniniwala, sa aking pananaw, sa tingin,
iniisip, pinaniniwalaan, inaakala
Pagbabago - sa ibang banda, sa kabilang dako, samantala
Pag-iisa-isa o enumerasyon ay isang uri ng kohesyong nagpapakita ng sunod-
sunod na pangyayari o detalye
Pagpapatunay - ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay
may dokumentaryong ebidensiya
kapani-paniwala
taglay ang matibay na kongklusyon
nagpapahiwatig
nagpapakita
nagpapatunay
pinatunayan ng mga detalye
Tandaan….
Makatutulong ang mga ekspresyon sa paglalarawan upang mas maging
katanggap-tanggap sa mga mambabasa at tagapakinig ang ating mga paliwanag.
Kung naalala mo na ang mga ito, handa ka na ba sa susunod na mga gawain? Tara
nang ipagpatuloy ang paglalakbay.

Alam kong kayang-kaya mo ang mga


pagsasanay na ito. Kaya ano pang
Basahin hinihintay mo? Sagot na!
Pagyamanin

Panuto: Basahin ang kabanata 64 – Katapusan.

KABANATA 64 - KATAPUSAN
Mula nang pumasok sa kumbento si Maria Clara ay nanirahan na sa Maynila si
Padre Damaso. Nakatanggap siya ng kautusang inililipat siya sa malayong lalawigan.
Labis na dinamdam ito ng pari. Natagpuan na lamang siyang patay sa kaniyang higaan.
Namatay siya dahil sa bangungot, ayon sa balita.

6
Si Padre Salvi ay nasa Maynila rin. Habang naghihintay ng gantimpalang mitra
upang maging Obispo, panaka-nakang nagsesermon sa simbahan ng Sta. Clara na
pinasukan ni Maria Clara.
Malaki rin ang ipinagbago ni Kapitan Tiyago. Ilang linggo bago maging ganap na
mongha si Maria Clara, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng panlulumo, nangayayat,
naging mapag-isip, at nawalan ng tiwala kaninoman. Kapipinid pa lamang ng pinto ng
monasteryo ay agad niyang pinagsabihan si Tiya Isabel na umuwi na sa San Diego o sa
Malabon sapagkat ibig niyang mag-isang mamuhay. Wala na siyang ginawa kundi
maglaro ng liam-po, magsabong, at humithit ng apyan. Tuwing magdarapithapon ay
makikita siya sa tindahan ng mga Intsik, payat, naninilaw, hukot, nanlalalim, at
namumungay ang mga mata, nangingitim ang mga labi at kuko at patangang
nagmamasid sa mga tao ngunit walang nakikita.
Pagsapit ng dilim ay lalakad siyang nakatungkod, tutuloy sa isang maruming
bahay na may karatulang “Bahay-Hithitan ng mga Apyan” na may pahintulot ng
pamahalaan. Si kapitan Tiyago ay limot na ngayon ng madla.
Si Donya Victorina ay nagdagdag na ng pustisong buhok upang mapanatili ang
pagpapanggap niyang siya’y taga-Andalucia.
Siya ngayon ay nagpapalakad ng karwahe at di na niya pinakikilos si Don
Tiburcio. Gumagamit siya ng salaming nagbibigay sa kaniya ng anyong kakatwa. Ang
doktor ay hindi na natatawag na manggamot at madalas nang nawawalan ng pustisong
ngipin.
Si Linares na siya sanang tagapagtanggol ni Don Tiburcio ay malaon nang
nailibing sa sementeryo ng Paco. Namatay siya sa sakit na iti dahil sa masamang pag-
aalaga ni Donya Victorina.
Ang Alperes na taglay ang katungkulang tinyente grado komandante ay umuwi
na sa Espanya at tinalikdan sa panlilimahid ang asawa. Si Donya Consolacion, ang
alperesa ay walang kinahumalingan naman kundi ang pag-inom ng alak, paglalasing,
at paghithit ng tabako. Siya ay kinatakutan hindi lamang ng mga bata kundi ng
matatandang babae.
Halaw sa Reyes, Lorna T. et al.Noli Me Tangere ni Rizal

Sagutin:
Ano ang nangyari sa sumusunod na mga tauhan? Ilahad ang naging kahalagahan ng
kanilang karakter sa nobela.
A. Padre Salvi E. Donya Victorina
B. Kapitan Tiyago F. Donya Consolacion
C. Tiya Isabel G. Alperes
D. Don Tiburcio H. Linares

Alam Mo Ba?

Isaisip Ang kaalaman sa paggamit ng angkop na salita o


ekspresyon sa paglalarawan, paglalahad ng sariling
pananaw, pag-iisa- isa pagpapatunay ay makatutulong
upang makapag-ugnay ng sariling
karanasan at makasagot sa mga tanong hinggil sa mga
napanood, napakinggan, o nabasang mga teksto.

1. Bakit mahalagang matutuhan ang paggamit ng angkop na ekspresyon


sa paglalarawan, paglalahad ng sariling pananaw, pag-iisa-isa, at
pagpapatunay?
2. Paano makatutulong ang mga ekspresyon o salita sa paglalarawan,
paglalahad ng sariling pananaw, pag-iisa-isa, pagpapatunay sa
pagpapaliwanag ng mga ideya o pagsasalaysay ng mahahalagang
pangyayari?
3. Paano naging mahalaga ang papel na ginampanan ng bawat tauhan sa
nobela? Ipaliwanag.

ALAM
Subukin pa natin ang iyong kahusayan!
Alam kong kayang-kaya mo ang mga
pagsasanay kaya’t ano pa ang hinihintay mo?
Isagawa Halina’t sumulat at bumigkas ng monologo
upang higit pang mapalalim ang iyong
kaalaman tungkol sa aralin.
Bilang pangwakas na gawain, ikaw ay susulat ng isang makahulugan at masining na
iskrip ng isang monologo tungkol sa isang piling tauhan. Maaaring magpokus sa
kasiyahan, takot, o kasawian ng karakter na siyang naging dahilan ng kaniyang ugali
at gawi sa kuwento. Maghanda sa masining
. at madamdaming pagbigkas ng monologo
sa inyong klase.
Pamantayan sa Pagmamarka
Kaugnayan sa Paksa 40%
Tiwala sa Sarili 15%
Dating sa Madla 10%
Kakayahan sa pagsasalita (Bigkas, Tinig, Tindig, kumpas at Kilos) 35%
Kabouan 100%

Alamin natin ang iyong natutuhan sa


aralin sa pamamagitan ng pagtataya.
Maligayang pagsagot!

Tayahin
Panuto: Tukuyin kung sino ang isinasaad ng sumusunod na mga paglalarawan.
Piliin ang sagot mula sa kahon. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_______________1. Naglalagay siya ng wig at nahilig sa pangangabayo.


_______________2. Nalulong siya sa pag-inom ng alak, paglalasing, at paghithit ng
tabako.
_______________3. Hindi na siya nanggagamot at madalas walang gamit na pustiso.
_______________4. Nagsesermon siya sa simbahan ng Santa Clara habang naghihintay
maging Obispo.
_______________5. Iniwan niya ang asawa at bumalik sa Espanya.
_______________6. Namatay siya na hindi namasdan ang pagsikat ng araw.
_______________7. Nagbalik siya sa katinuan matapos makita ang anak.
_______________8. Nalulong sa pagsusugal, at paghithit ng opyo dahil sa sinapit ni Maria
Clara.
_______________9. Namatay ang taong ito dahil sa alta-presyon.
_______________10. Inalagaan siya ng mag-anak nang matagpuang walang malay.

PAGPIPILIAN:
DON TIBURCIO CRISPIN BASILIO
ALPERES ELIAS PADRE SALVI
PADRE DAMASO DON TIBURCIO PADRE SIBYLA
MARIA CLARA DONYA VICTORINA LINARES
DONYA CONSOLACION SISA KAPITAN TIAGO

8
9
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Sariling Pananaw at Damdamin sa
mga Pangyayari, Ilahad
Mga Pang-uri, Gamitin sa
Pagbibigay Katangian
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Sariling Pananaw at Damdamin sa mga Pangyayari, Ilahad
Mga Pang-uri, Gamitin sa Pagbibigay Katangian
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Flordeliza R. Sampang

Editor: Juliet C. Contreras

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba


Julie B. Sohal

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.p
Alamin

Narito kang muli sa pagpapatuloy ng iyong paglalakbay patungo sa daigdig ng


kaliwanagan hinggil sa paksa natin sa araw na ito. Ikaw ay magbibigay ng sariling
pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig. Hindi lamang ito magpapakilig at magpapangiti
ng iyong mundo, kundi magmumulat sa kaisipan sa malalim na pagpapakahulugan at
gigising o aantig sa iyong damdamin. Sa modyul na ito ay makikilala, matutukoy, at
magagamit mo ang angkop na pang-uri sa pagbibigay katangian sa mga tauhan sa
nobelang Noli Me Tangere.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga kasanayan o aralin tungkol sa:


• Paggamit ng tamang pang-uri sa pagbibigay katangian
• Pagbabahagi ng sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring
naganap sa buhay ng tauhan
• Paglalahad ng sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang,
sa kasintahan, sa kapuwa at sa bayan

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:


1. Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay katangian (F9WG-IVc-59);
2. Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring
naganap sa buhay ng tauhan (F9PN-Ivd-58); at
3. Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang,
sa kasintahan, sa kapuwa, at sa bayan. (F9PB-IVd-58)

Subukin

Panuto: Piliin ang wastong sagot sa mga tanong. Bilugan ang letra ng napiling
sagot.

1. Anong bahagi ng panalita ang naglalarawan sa pangngalan o panghalip?


A. pandiwa B. pang-abay C. panghalip D. pang-uri

2. Alin sa mga salita ang naglalarawan?


A. magpakumbaba C. nagpakumbaba
B. mapagpakumbaba D. nagpapakumbaba

3. Sino ang ulirang maybahay ni Pedro at ina ng mga sakristan?


A. Isabel B. Iday C. Sinang D. Sisa

4. Sino ang nagwika ng pahayag na “Huwag ninyong kalilimutan ang sinabi ko na may
mga lihim kayong kaaway kaya ingatan ninyo ang inyong sarili para sa kapakanan ng
ating bayan”?
A. Crisostomo B. Elias C. Pilosopo Tasyo D. Tinyente Guevarra

5. Bakit labis na napalapit sa puso ng guro si Don Rafael Ibarra ayon sa kaniya?
A. mayaman C. ubod ng bait
B. mapagbiro D. walang kahalintulad

1
Aralin Sariling Pananaw at Damdamin sa
mga Pangyayari, Ilahad
1 Mga Pang-uri, Gamitin sa Pagbibigay
Katangian
Ang dakilang pag-ibig ay napakahirap sukatin at pantayan. Kaya mo bang
magpamalas ng ganitong damdamin sa iyong magulang, kapuwa, at sa bayan? Paano
nga ba tunay na maipadarama ang ganito? Sa modyul na ito, matutunghayan mo ang
kapangyarihan ng pag-ibig at aalamin kung ano ang iyong pananaw ukol dito.

Balikan
Ang modyul na ito ay maghahatid sa iyo upang makilala pa ang mga piling
tauhan. Magawang mailarawan, masabi ang naging damdamin, at mailahad ang
pananaw kaugnay sa napag-alamang karanasan at pahayag ng mga tauhan. Malaman
kung paanong ang kapangyarihan ng pag-ibig ay nakapagpapakilos at
nakapagpapakilala ng tao sa taglay nitong katangian. Makabubuting balikan at muli
mong alalahanin ang nakaraang pag-aaral na makatutulong sa iyong pagtalakay sa mga
piling kabanata ng Noli Me Tangere. Gayundin sa paggamit ng wastong pang-uri ay
mailalarawan mo ang mga tauhan sa nobela.

Pang-uri ang tawag sa bahagi ng panalitang naglalarawan o nagbibigay


P katangian sa pangngalan at panghalip.

Anyo, kilos, kaisipan, kalagayan, karanasan, at pananalita ng tao, amoy,


A bilang, hugis, kulay ng mga bagay at mga pangyayari sa kapaligiran ang
maaaring bigyang katangian.

Nauuri ito sa dalawa, ang panlarawan at pamilang.


N
Ginagamit din ito bilang paksa o panag-uri sa pangungusap.
G

Ubod ng, ulo ng, hari ng, pinaka, napaka, kay+(inuulit ang salitang -
U ugat) at walang kasing ay ilan sa ginagamit na pantulong sa pang-uring
pasukdol na nagpapahayag ng katangiang bukod o kaiba sa lahat.

Reyna ay salitang maaaring isama rin sa isang salita upang pasidhiin ang
R katangiang bukod o pangibabawin ang pagiging iba sa lahat ng mga
kababaihan.

I Ito ay maaaring negatibo o positibo batay sa damdaming kanilang


tinutukoy o konteksto ng paksa.

Maaari mo bang ilarawan ang isa sa mga tauhang ipinakilala na sa mga unang bahagi
ng ating pag-aaral?

2
Tuklasin

Naranasan mo na bang umibig at magmahal? Ano ba ang pakiramdam ng isang


umiibig at nagmamahal? Sino-sino ba ang iyong minamahal? Paano mo ipinakikita at
ipinadarama ang pagmamahal sa magulang? Sa kapuwa? Sa bayan?
Suriin ang sumusunod na mga pahayag.

Biglang nanlamig at kinabahan ang dalaga nang maulinigan ang tinig ni


Crisostomo Ibarra. Kara-karaka siyang pumasok sa silid at doo’y inayusan ni Tiya
Isabel bago siya humarap sa binata. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso habang
papalapit ang binata. Pumasok sa bulwagan ang dalawa at nagtama ang kanilang
mga mata na nagdulot ng pananabik at kaligayahan ng kanilang mga puso.
Bahagi ng kabanata 7: “Suyuan sa Asotea”

Natuklasan ni Ibarra mula sa sepulturero ang sinapit ng bangkay ng amang


si Don Rafael Ibarra. Sa halip na ilibing ang bangkay ay ipinatapon ito sa lawa.
Ganoon na lamang ang galit sa puso ni Ibarra nang sabihin ng sepulturero na ang
nagpatapon ng bangkay ng ama nito ay walang iba kungdi si Padre Damaso, ang
tinatawag nilang padre Garote.
Bahagi ng kabanata 13: “Mga Unang Banta ng Unos”

Sobrang sakit ng kalooban ang naramdaman ni Sisa sa ginawang paglantak


ng asawa niya sa inihaing pagkain para sana sa mga anak na sina Crispin at Basilio.
Naisip niyang paano na ang kaniyang mga anak na ngayon lang sana siya nagluto
ay kinain pa ng iresponsableng asawa. Kaya’t muli siyang nagluto para sa mga anak.
Hindi siya mapanuto sa kahihintay sa pagdating ng kaniyang mga anak. Umawit
upang aliwin ang sarili, nang bigla siyang gulantangin ng malakas na tinig ni Basilio.
Bahagi ng kabanata 16: “Si Sisa”

Sa wakas ay nagkausap sina Ibarra at Elias hinggil sa nagaganap sa kanilang


bayan. Inilahad ni Elias ang mga hinaing ng mga sawing-palad tulad ng nais na
pagbabago sa sistema ng pamahalaan, sa mga di makatarungang pagtrato ng mga
prayle at paglapastangan sa karapatang pantao. Marahas na hakbang ang nais ni
Elias para sa bayan. Ngunit nakapagtataka ang tugon ni Ibarrang nais niya ang
mahinahong pamamaraan ng pagpapabatid ng mga obserbasyong ito sa mga
kinauukulan. Kapuwa may pagmamahal sa bayan ang dalawang binata. Ngunit di
napahinuhod ni Elias si Ibarra sa kahilingan ng mga sawimpalad kaya sinabi na
lang niya na hilingin sa mga tao na ipagpasa Diyos na lang ang lahat dahil walang
magagawa ang kapuwa tao.
Bahagi ng kabanat 49: “Ang Tinig ng mga Pinag-uusig”

Panuto: Tukuyin ang uri ng pag-ibig na nakikita sa mga larawan. Sabihin ang
naging damdamin at sariling pananaw kaugnay sa larawan sa ibaba.
A. Pag-ibig sa bayan C. Pag-ibig sa kasintahan
B. Pag-ibig sa kapuwa D. Pag-ibig sa magulang

____________________ ____________________ ____________________ ____________________


https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Painti
ng_of_Jos%C3%A9_Rizal_being_executed_by_a_
squad_of_Filipino_soldiers_of_the_Spanish_Arm
y_(17293499181).jpg

3
Suriin

Alam mo ba?
Ang nobelang Noli Me Tangere ay punong-puno ng iba’t ibang nangingibabaw na
damdaming makikita sa mga kabanata. Ilan sa mga ito ay ang kapangyarihan ng pag-
ibig. Iba’t ibang uri ng pag-ibig ang naghari sa nobela gaya ng pag-ibig sa sintang iniirog,
pag-ibig ng anak sa magulang, pag-ibig ng ina sa mga anak, pag-ibig sa kapuwa at higit
sa lahat marubdob na pag-ibig sa bayan. Ipinakita ito ng ilang mahahalagang tauhan
sa nobela. Sa nakalipas na aralin, natukoy natin ang kahalagahan ng mga tauhan at
ang papel na kanilang ginampanan sa akda. Ano naman kaya ang magiging damdamin
mo sa mga pangyayaring naganap sa kanilang buhay? Paano mo ilalahad ang sariling
pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig? Mailalarawan mo rin kaya ang kanilang mga
katauhan gamit ang mga pang-uri?

Talakayin natin…
Naniniwala ako at umaasang makapaglalalarawan ka ng mga tauhan sa nobela
gamit ang mga pang-uri upang higit na mapaigting ang kanilang katauhang
ginampanan sa nobela. Pag-aralan ang mga salita sa frame. May mga paglalarawan tayo
ayon sa kategorya.

NEGATIBO PINASIDHING POSITIBO


masama PAGLALARAWAN mabuti
maramot Gamit ang sumusunod payapa
pabaya ubod ng… mapagbigay
kahabag-habag labis na.. matulungin
mapagwalang-bahala sobrang….. uliran
mapaghiganti napaka… mapagmalasakit
mapang-api pinaka… mapagpatawan
mapanghusga hari ng… makabayan
mapanakit reyna ng… makatarungan
at marami pang iba pagka… atbp. at marami pang iba

Sa pagbabasa mo ng ating obrang nobela, marami kang mababasang mga


salitang naglalarawan sa ating mga tauhan at ito ay labis na nagbigay-kulay at nagbigay
ng malalim na kahulugan sa pagkatao ng mga gumanap sa akda.

Dahil sa paggamit ng mga pang-uri sa paglalarawan ng mga tauhan, nakadagdag


pa ito kung ano ang magiging damdamin ng mambabasa sa bawat ipinakikilalang
tauhan. Ang paraan ng paglalarawan sa kanila ng may-akdang si Jose P. Rizal ay naging
dahilan kung kaya’t tayo ay nagalit, nasiphayo, nagmahal, naawa, nainis, napoot, at
nadala ang ating emosyon at damdamin sa bawat eksena o pangyayaring naganap sa
mga tauhan. Nakumbinsi tayo dahil sa mga paglalarawang ito ni Rizal. Dahil sa mga
paglalarawang ito ay tumalab sa kaibuturan ng ating puso ang mensaheng nais
ipahiwatig ng kabuuan ng nobela at ginising nito ang ating sensibilidad bilang isang
Pilipino.

Sariling Damdamin
Naranasan mo na bang makaramdam ng grabeng emosyon o damdamin hinggil
sa isang isyu, paksa o pangyayari? Iyan ay nangangahulugang umiral ang iyong sariling
damdamin. Iba’t iba ang nagiging tanggap o reaksiyon ng tao sa mga pangyayari sa
lipunan o komunidad ayon na rin sa kaniyang karanasan. Ang damdamin mo ay

4
maaaring iba sa kanilang damdamin, maaaring masaya ka, sila ay hindi. Nakita natin
ito sa nobelang Noli Me Tangere.

Sariling Pananaw
Paano mo tinatanggap sa puso at isip mo ang isang usapin, isyu, paksa o
pangyayari? Makabuluhan at makahulugan ba ito sa iyong buhay? May impak o dating
ba sa iyo ang mga ito? May nagbago o magbabago ba sa posisyon na iyong
pinaninindigan matapos mapagnilay-nilay ang mga paksa o pangyayaring ito? Ang
umiiral sa iyo sa bagay na ito ay ang sarili mong pananaw o sariling opinyon. Maaaring
ang sarili mong pananaw ay sinasang-ayunan o hindi sinasang-ayunan ng iba. Huwag
mabahala, dahil ikaw ang nakaaalam at nakadarama kung ano ang nasa isip at puso
mo at walang ibang maaaring magsabi sa iyo kung tama at mali ang mga iyan, ngunit
kailangan pa ring isaalang-alang ang pamantayan o istandard ng kabutihang-asal
kapag nagbibigay ng sariling pananaw. Ikaw ang may hawak ng iyong sarili at malaya
ka sa pagbibigay ng sariling pananaw ngunit laging tandaan na may kaakibat na
responsibilidad ang lahat ng aksyon at salita na ating ginagawa o sinasabi.

Pagyamanin

Gawain 1 AKO’Y IYONG KILALANIN, PAHAYAG KO’Y IYONG DAMHIN,


KATANGIAN KO’Y IYONG SABIHIN, HANDA KA NA BANG GAWIN?

Panuto: Tukuyin ang mga tauhan gayundin ang katangiang taglay batay sa mga
pahayag na hinango sa piling kabanata ng Noli Me Tangere. Piliin ang letra ng tamang
tauhan sa larawan at isulat ang angkop na katangian nila sa talahanayan.

A. Gurong mapanaliksik
B. Elias na mapagmalasakit
C. Don Rafael na makabayan
D. Tiya Isabel na makaluma
E. Don Crisostomong hindi marahas
F. Don Crisostomong matamis mangusap

TAUHAN KATANGIAN PAHAYAG


1. “Alaala mo’y palagi kong kasa-kasama sa lahat
ng sandali at siyang aliw sa aking pag-iisa sa
nilautang bansa. Ang alaala mong
magpapawalang-bisa sa uri ng pagkaing
nakapagpapalimot sa sandaling iyong makain.”
2. “Marapat mong pag-aralan at alamin ang mga
kaalamang mula sa ibang bayan na hindi
kayang maibigay sa iyo ng Inang Bayan. Isipin
mong ikaw ay lalaki at iyong alalahanin ang
tungkulin at kinabukasan mo na
mapakikinabangan sa hinaharap ng bayan
mo.”
3. Natuklasan kong mali ang dati kong
pinaniniwalaan. Importanteng magkaroon ng

5
kapayapaan ng kaluluwa, tahimik na kalooban,
at katawan upang matanggap ang mga bagong
ideya. Kailangan na linangin sa mga bata ang
pagtitiwala, kapanatagan, at pagpapahalaga sa
sarili. Napipilitan lamang sa pagsunod ang mga
bata dahil sa pamamalo na hindi ibig
maranasan.
4. “Huwag po ninyong kalilimutang kayo ay may
mga lihim na kaaway kaya ingatan ninyo ang
inyong sarili para sa kapakanan ng ating
bayan.”
5. Ano po ang problema sa ating edukasyon? Sa
halip na ako’y maghiganti sa sinapit ng aking
ama. Ibig ko pong maipagpatuloy ang pagtulong
na nasimulan ng aking ama na
pinagkakautangan ko ng aking buhay.

Gawain 2: DAMDAMIN MO’Y IPAHAYAG SA PANGYAYARING NAGANAP


PANUTO: Bumuo ng pangungusap na naglalarawan sa damdaming kaugnay sa mga
pangyayari sa tauhan.

1. Si Sisa sa piling ng kaniyang asawa

2. Suyuan sa Balkonahe nina Don Crisostomo at Maria Clara

3. Pag-ayaw na sa pagsasakristan at plano para sa pamilya ni Basilio

4. Magkaibang karanasan ng guro kina Don Rafael Ibarra at Padre Vardolagas


Damaso

5. Kamatayan ni Don Rafael Ibarara at hangarin ni Crisostomo Ibarra kaugnay sa


edukasyon

6
Isaisip

Isang masaya, nakakikilig bagama’t may bahaging nakalulungkot,


nakasasakit ng puso, at may mga kahanga-hangang pahayag ang mga tauhan mula
sa piling kabanata ng Noli Me Tangere.
Kapansin-pansin na ang mabuting gawa at may pusong marunong
magpahalaga ay nagbubunga ng saya, mataas na pagkilala, malasakit na hindi
naghihintay ng kapalit, at nangyayaring maiukit sa isip o alaala ng mga
nakakikilala.

PAGNILAYAN…….
Ano ang kabisaan sa isip ng mga pangyayari sa mga
kabanatang binasa sa kabuuan ng nobela?
Paano mo maipakikita at maipadarama ang pag-ibig
sa magulang, kasintahan, kapuwa, at sa Inang Bayan?
Dugtungan ang pahayag.
Natutuhan ko sa modyul na ito na _______________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Isagawa

GAWAIN MUSIKA KO’Y BIGYANG HIMIG SA MUNDO’Y IPARINIG


Panuto: Gumawa ng video ng isang awit na maaaring nagpapakita ng pag-ibig sa
magulang, kasintahan, kapuwa, at bayan. Gumamit ng mga salitang
naglalarawan sa pagbuo nito.

Rubriks: Pamantayan ko’y sundin nang gawain mo’y dinggin.

Pamantayan Puntos
1. Naipahahayag ang sariling
pagkaunawa sa kapangyarihan ng pag- 15 pts
ibig sa magulang, kasintahan, kapuwa, at
bayan kaugnay sa piling kabanata.
2. Nagagamit ang mga pang-uring
maiuugnay sa mga pahayag ng mga
tauhan na nagpapakilala sa katangian 15 pts
nilang taglay.
3. Nakapaghahatid ng isang
makabuluhang mensahe na gigising sa 15 pts
damdamin at kaisipan ng mga
makapakikinig ng likhang-awit.
4. Nakahihikayat ang bawat himay ng 5 pts
mga salita sa orihinal na gawa.
Kabuoan 50 pts

7
Tayahin

GAWAIN 1 KILOS KO SURIIN MO, PAGLALARAWA’Y MATUKOY MO


Panuto: Piliin ang letra mula sa kahon na naglalarawan sa ikinilos ng mga tauhan
batay sa mga pangyayari. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

A) maalalahanin B) maawain C) mapagmahal D) mapaghiganti E) mapangarapin


F) mapanaliksik G) masunurin H) matatakutin I) matiisin J) matulungin

_____1. Labis ang pagkaawa ni Maria Clara sa ketongin kung kaya ang regalong
kabibigay lamang ni Kapitan Tiyago ay ang kaniyang ibinigay dahil sa wala
siyang ibang maibibigay.
_____2. Napakalaki ng naitulong ni Don Rafael Ibarra sa ikasusulong ng edukasyon.
Bukod pa roon ay nagbibigay siya ng mga pangangailangang kagamitan at pera
sa mga mag-aaral na mahirap ang buhay ayon sa guro.
_____3. Sa murang gulang ni Basilio ay nasabi niya sa kaniyang inang si Sisa ang
hangaring makiusap at mapamahal kay Don Crisostomo Ibarra. Ito ang
makatutulong sa pagkakaroon niya ng lupang matatamnan nang sa gayon ay
hindi na mananahi ang kaniyang ina.
_____4. Dumating si Basiliong duguan sa kanilang dampa na ikinagulat ni Sisa. Sunod-
sunod ang mga tanong kay Basilio ng ina. Nasaan ang kapatid mo? Bakit may
sugat ka? Niyakap at pinupog ng halik ni Sisa ang anak.
_____5. Isang taong may madilaw na kutis ang nagprisinta at hindi nagpabayad sa
paggawa ng panghugos sa hangaring makapaningil kay Don Crisostomo.

Gawain 2 DAMDAMIN AT PANANAW KO…ALAMIN MO!


Panuto: Muling balikan ang mga kabanata sa Noli Me Tangere. Punan ang grapiko
ng mga impormasyong hinihingi.

Mahahalaga at Ilang Piling Kabanata sa Noli Me Tangere

Kabanata at Mga Tauhan Naging damdamin Sariling Pananaw


Pamagat (ilarawan) matapos basahin sa mga Pangyayari

You might also like