Professional Documents
Culture Documents
I. Tungkol sa Modyul
Panuto: Suriin ang ilustrasyon at tukuyin kung ano ang nais ipahiwatig nito batay sa iyong
pagkaka-unawa. Isulat sa loob ng kahon ang iyong kasagutan. ( 5 puntos)
Pamantayan:
Nilalaman – 3 puntos Kaangkupan – 2 puntos
Basahin Mo
Buod ng nobelang “Noli Me Tangere”
Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan
sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas si
Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias. Bago tuluyang tumakas ay nagkaroon ng pagkakataon
si Ibarra na magkausap sila ng lihim ni Maria Clara. Anya’y ipinagkaloob na niya rito ang
kalayaan at sana’y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na
ang liham na kanyang iniingatan ay siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa
pamamagitan ng pagbabanta at pananakot. Ipinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na
isinulat ng kanyang ina na si Pia Alba bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa
kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso.
Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang
karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-ibig niya sa binata ay di mababago kailanman.
Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at
nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong si Sisa na wala ng buhay. Bago siya
nalagutan ng hininga ay sinabi nitong namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway
ng kanyang bayan at makakita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa
pagtatanggol sa bayan.
GAWAIN
1. Crisostomo Ibarra
2. Padre Damaso
3. Elias
4. Maria Clara
Pagkakapareho
Panuto: Sa isang Poster - Islogan ipakita kung ano ang tingin mo ang nais ipahiwatig
ng akdang ito sa iyo bilang isang kabataang Pilipino. Maging malikhain at
kulayan ang iyong gawa. Ilagay ang iyong likha sa isang short bond paper o
sa isang buong papel. (20 puntos)
Kabuuang Puntos:
Kabuuang Puntos:
Amog, M. et. al. (2019). Kalinangan: Batayan at Sanayang Aklat sa Wika at Panitikan. REX Printing
Company, Inc. 84-86 P. Florentino St., Sta. Mesa Heights, Quezon City, Philippines.