You are on page 1of 6

Mark Anthony Legaspi

BSIT – 1A
Simbolismo sa Pabalat ng Noli Me Tangere
Ang Pamagat na Noli Me Tangere ay nasa gitna mismo ng pabalat. Tandaan sana na ang
kahulugan sa Filipino ng pamagat ng Nobela ay HUWAG MO AKONG HIPUIN.
Nagbababala kaya si Rizal sa kaniyang mga mambabasa sa maaring maging epekto ng
pagbabasa nito sa kaniyang kapanahunan.

Ang pamagat ng nobela ay humahati sa pabalat sa dalawang magkahiwalay na bahagi.


Ang magkabilang triyangulo na inyong nakikita na hinahati ng pamagat ay kumakatawan
sa dalawang magkaibang kapanahunan.

 Itaas na bahagi
Ang Kahapon
 Ibabang bahagi
Ang hinaharap ng bayan; Ang kanang triangulo ay isang paglalarawan ng mga elemento
na bumubuo ng panlipunang realidad sa kapanahunan ni Rizal.

Kaliwang Triangulo
Ang Krus
• Ang krus ang siyang simbolo ng relihiyosidad ng malaking bilang ng mga mamamayang
Pilipino.
• Mapapansin na inilagay ni Rizal ang krus sa halos pinakamataas na lugar ng pabalat.
• Nakakataas o nakapaghahari sa isipan ng Inang Bayan at ng mga Pilipino.
• Bakit ito nasa pinakamataas na bahagi ng pabalat? Siguro ay optical illusion lamang kaya
maaring sabihing ang krus ang pinakamataas na elemento sa pabalat. Ang pinakamataas
na elemento sa pabalat ay ang dulo ng triangulo na hindi pa nagtatapos at patuloy na
lumalapad ayon sa takbo ng panahon.

Dahon ng Laurel
• Ang dahon ng laurel ay napakahalaga sa matatandang sibilisasyong kanluranin.
• Ito ginagawang korona para sa kanilang mga mapagwagi, matatapang, matatalino, at
mapanlikhaing mga mamamayan.
• Mapapansin na ang mga dahon laurel ay hindi pa napipitas sa halaman.
• Isang paglalarawan ni Rizal ng kaniyang pag-asa na ang mga kabataang Pilipino ay
pipitasin ang mga laurel na ito upang gawing korona ng inang bayan.
• Subalit ang higit na dapat na mapansin na ang krus ay gawa sa bato.
• Subalit ang halaman ng kalamansi at laurel ay mga buhay na elemento.
• Na maaring lumago sa pagsapit ng panahon.
• Mamimili ang krus, kung siya magpapakalinis at makiki-agapay sa pagtalino ng bayan.
• O sa pagdating ng panahon ay matatabunan lamang siya ng paglilinis at katalinuhan ng
bayan na hindi na bulag sa panatisismo.
Ulo ng babae
• Ipinakilala ni Rizal ang babae sa pamamagitan ng paglalagay niya sa tabi ng pinag-
uukulan niya ng paghahandog sa nobela.
• Ito ay walang iba kundi ang INANG BAYAN.

Bahagi ng manuskrito ng paghahandog ni Rizal.


• Pansining mabuti na ang sulo ay nag-ooverlap sa manuskrito ng paghahandog ni Rizal ng
kaniyang nobela.
• Ito ay dahilan sa layunin ni Rizal na ang kaniyang sinulat na nobela ay magsilbing
liwanag ng bayan, upang makita natin ang ating mga kahinaan na siyang nagiging dahilan
ng ating pagiging huli sa karera ng kaunlaran.
• O maaring ang mga taong mayroong maliwanag na isipan lamang ang makakatuklas ng
tunay na kahulugan ng nobela.
• Salitang Berlin
• Mapapansin ninyo ang salitang “Berlin” – ang lugar kung saan ipinalimbag ni Rizal ang
Noli Me Tangere.
• Subalit ang paglalagay ni Rizal ng “Berlin” sa pabalat ay mayroon din layunin na ipaalam
sa kaniyang mga mambabasa ang mayamang koleksiyon ng lungsod sa mga materyales
ukol sa Pilipinas.
• Ang bagay na ito ay sinabi mismo ni Rizal sa kaniyang kaibigang si Blumentritt.

Simetrikal na Sulo
• Iginuhit ni Rizal ang sulo bilang simbolo ng Noli Me Tangere.
• Pansining mabuti ang disenyo na kinalalagyan ng liwanag.
• Mapupuna ng mga nakapagbabasa ng mga lumang libro, na ito ang karaniwang disenyo
na ginagamit noon sa mga pahina ng aklat.
• Mapapansin na ang sunflower ay nakatingala sa liwanag ng sulo, na sa panahon ng
kadiliman ng panunupil ng kaisipan ay simbolo ng preserbasyon ng kaalaman ng tao.

Bulaklak ng Sunflower
• Ang sunflower ay isang natatanging bulaklak dahilan sa kakayahan nito na sumunod sa
sikat ng araw.
• Inilagay ni Rizal ang bulaklak na ito sa layunin na maging halimbawa ng kaniyang mga
mambabasa na sundan at ipagpatuloy ang pagbabasa ng kaniyang nobela, na sa kaniyang
kapanahunan ay ninanais ni Rizal na maging liwanag ng kaniyang bayan.

Supang ng Kalamansi
Isa sa laganap na paniniwala natin ang kalamansi ay mahusay na sangkap sa paglilinis.
Ito ang dahilan, kung bakit mayroon pang mga produktong panlaba at panlinis ng plato na
ipinagmamalaki na mayroong halong sangkap ng kalamansi.
• Ang masakit na katotohanan, ang paglalagay ni Rizal supang nga kalamansi sa tabi ng
krus ay isang mataas na anyo kaniyang ng insulto para sa kolonyal na Katolisismo na
umiiral sa kaniyang kapanahunan.
• Walang pinag-iwan sa isang tao na alam mong hindi naliligo at naamoy mo na ang
pagiging mabaho.
• Pagkatapos mong makita at maamoy ang baho ay saka mo ilalagay sa kaniyang tabi ang
isang sabong pampaligo.
• Ganyang mang-insulto si Rizal sa kaniyang sining. Masasabi ko ito, dahilan sa halos
maraming mga sining si Rizal na kaniyang nilikha bilang isang anyo ng protesta.
• Ang katotohanan ay pinagtabi ni Rizal ang krus at supang nga kalamansi at mga dahong
laurel.
• Dahilan sa mayroong dalawang uri ng konsensiya ang nais na ilarawan ni Rizal sa
kaniyang nobela.
• Una ay ang sinasabi ni Ibarra na “bulag na konsensiya ng bayan”.
• At ang pangalawa ay ang isang “PAMBANSANG KONSENSIYA” na nais ni Rizal na
sumibol para sa sambayanang Pilipino na hinahadlangan lamang noon ng mga
makapangyarihang alagad ng kolonyal na simbahan.
• Maaring mapagbintangan ako sa pagiging mapagmalabis sa aking ginawang
pagpapakahulugan.
• Subalit wala akong takot na ipaalam na ang mga kahulugang aking binanggit ay
nakapalaman sa loob mismo ng nobela na ating pag-aaralan.
• At sa marami niyang mga artikulo at personal na sulat sa kaniyang mga kamag-anak at
mga kasamahan sa kilusang propaganda.
Kanang Triangulo
Bahagi ng manuskrito ng paghahandog ng Noli Me Tangere
• Makikita na bago ang bahagi ng paghahandog ni Rizal sa kaniyang nobela ay ang taong
1887.
• Paiitaas sa taong 1887 ang malaking bahagi ng manuskrito paghahandog ng nobela.
• Pansinin sana na pagkatapos ng paghahandog ay unti-unti ng lumiliit ang panig ng
tatsulok.
• Isa kaya itong paraan ng pagpapahiwatig ni Rizal na nakikini-kinita na niya ang
paglalaho ng kolonyal na lipunan, bilang resulta ng kaniyang nobela.

Latigo ng alperes.
• Simbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal na hukbong sandatahan.
• Maging si Rizal ay personal na naging biktima ng latigo ng alperes. Ang paglalagay ni
Rizal ng latigo ng alperes ay pagpapakita na hindi niya malimutan ang ginawang
pananakit sa kaniya ng alperes sa Calamba noong kaniyang kabataan.

Paa ng Prayle
• Inilagay ni Rizal sa pinaka-ibabang bahagi ng tatsulo ang paa ng prayle.
• Ito ay upang ilarawan sa mga mambabasa kung ano ang pinakabase ng kolonyal na
lipunan sa kaniyang kapanahunan.
• At bilang pagpaparamdam sa mga mambabasa kung sino ang tunay na nagpapalakad ng
bayan.
Punong kawayan
• isang mataas ngunit malambot na puno. ang pangunahing katangian nito ay ang
pagkakaroon nito ng malaking kahalagahan sa paggawa ng bahay at maraming mga
mahalagang kagamitan at kasangkapan sa kapanahunan ni rizal. inilagay ni rizal ang
larawang ito upang ipakita ang pamamaraan ng mga pilipino sa pakikibagay sa mga
nagaganap na kalupitan at pagsasamantala ng mga naghaharing uri sa kanilang lipunan.

Lagda ni Rizal
• Pansinin na inilagay ni Rizal ang kaniyang pangalan sa triangulong nakaukol sa kaniyang
kapanahunan. Alam ni Rizal na siya ay kabilang sa kapanahunan na kaniyang
inilalarawan.

Kadena
• Inilagay ni Rizal ang kadena sa pabalat ng aklat bilang simbolo ng kawalang kalayaan ng
mga Pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan.

Suplina
• Ang suplina ay ginagamit ng mga mapanata sa kolonyal na simbahan upang saktan ang
kanilang mga sarili dahilan sa kanilang paniniwala na ito ay makapaglilinis sa kanilang
mga nagawang kasalanan.
• Para kay Rizal, wari bang ang pananakit at pagpapahirap ng mga guardia sibil ay hindi pa
sapat para sa mga Pilipino at kailangan pang sila na mismo ang magpahirap at manakit sa
kanilang mga sarili.

Capacete (helmet) ng guardia sibil


• Simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal na hukbong sandatahan na nang-aabuso sa
karapatang pantao ng mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan.

Sapatos
• Ang sapatos ay simbolo ng pag-iwan ng mga prayle sa aral ni Cristo para sa kaniyang
mga tunay na alagad.
• Huwag din kayong magdala ng supot ng pagkain sa paglalakad; kahit dalawang bihisan,
kahit panyapak, o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may karapatan sa kaniyang
ikabubuhay.
• Mateo 10:10
• Ang paglalagay ni Rizal ng sapatos sa paanan ng prayle ay isang anyo ng pagbubunyag
sa pagiging maluho ng mga prayle sa Pilipinas.

Nakalabas na binti na may balahibo sa ilalim ng abito


• Pagpapahiwatig ni Rizal sa kalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle sa Pilipinas na
kaniyang hayagang tinalakay sa loob ng nobela.
• O kaya ay isang lihim na paglalarawan ni Rizal sa balahibo ng lobo na nasa loob ng
damit ng kordero.
• Ang pulang pangungusap ay lihim na ipahihiwatig ni Rizal sa Kabanata 14 noong
murahin ni Don Filipo si San Agustin ng “putris” at sa isang sulat ni Rizal kay
Blumentritt (Peb. 2, 1890).

Padalisdis na direksiyon ng tatsulok


• Parang napanhik ka sa isang bundok.
Ang Pamagat na Noli Me Tangere ay nasa gitna mismo
ng pabalat. Tandaan sana na ang kahulugan sa Filipino
ng pamagat ng Nobela ay HUWAG MO AKONG HIPUIN.

Nagbababala kaya si Rizal sa kaniyang mga mambabasa


KRUS sa maaring maging epekto ng pagbabasa nito sa
kaniyang kapanahunan.

Dahon ng Laurel
Ang pamagat ng
nobela ay
Ulo ng babae humahati sa
pabalat sa
dalawang
magkahiwalay
Supang ng kalamansi na bahagi.

Itaas na bahagi

Bahagi ng
Simetrikal na sulo
manuskrito ng
paghahandog
Bulaklak ng sa Noli Me
Sunflower tangere

Punong
Ang MAGKABILANG
Kawayan
TRIYANGULO na
inyong nakikita na
hinahati ng pamagat Ibabang
ay kumakatawan sa
bahagi
dalawang
magkaibang
kapanahunan. Tanikala
** Ang Kahapon
** Ang hinaharap ng Suplina
bayan

Latigo

Capacete ng
guardia sibil.

Paa ng prayle na labas ang


balahibo. Nakalabas na binti
sa ibaba ng abito.

You might also like