You are on page 1of 5

FILIPINO 9

SIMBOLONG MAKIKITA
SA PABALAT NG
NOLI ME TANGERE

Ang mga simbolo na makikita sa


pabalat ng Noli Me Tangere ay
maaaring makita sa kaliwa at
kanang bahagi.

Ang nasa kanang bahagi ay


naglalarawan sa kapanahunan ni
Rizal. Ang nasa kaliwang bahagi
naman ay naglalarawan sa
hinaharap na panahon ng bayan.
SIMBOLONG MAKIKITA
SA PABALAT NG
NOLI ME TANGERE

SIMBOLO NA NASA
KANANG BAHAGI:

BAHAGI NG
MANUSKRITO

PUNONG
KAWAYAN

LAGDA NI RIZAL

PAMALO SA
PENITENSYA

KADENA
LATIGO

HELMENT NG
GUARDIA SIBIL
PAA at SAPATOS
SIMBOLO NA NASA KANANG BAHAGI:
BAHAGI NG MANUSKRITO
Makikita sa bahagi na ito nakasulat ang taong 1887 at ito
ay malaking bahagi ng manuskrito ng nobela.

PUNONG KAWAYAN
Ang mataas ngunit malambot na halaman ay sumisimbolo
sa pakikibagay ng mga Pilipino sa isang mapang-aping
lipunan.

LAGDA NI RIZAL
Inilagay ito ni Rizal sa kanang bahagi para ipakita kung
saang panahon sya nabibilang.

PAMALO SA PENITENSYA
Sinasabi na ang penitensiya ay ginagamit para saktan ang
sarili dahil pinaniniwalaan na malilinis nito ang kanilang
nagawang kasalanan. Para kay Rizal, ginagamit ito ng mga
Pilipino dahil parang hindi pa sapat ang paghihirap nila
mula sa mga guardia sibil at kinakailangan pa nila na
saktan ang kanilang sarili.

KADENA
Ito ay simbolo na walang kalayaan ang mga Pilipino.

LATIGO
Ito ay simbolo ng pagmamalupit ng hukbo ng
sandatahan kay Rizal. Inilagay ito ni Rizal para hindi
makalimutan ang naranasan na pagpalo sa kanya.

HELMENT NG GUARDIA SIBIL


Ito ay simbolo ng hukbo ng sandatahan na nang-aabuso
sa mga Pilipino sa kapanahunan ni Rizal.

PAA AT SAPATOS
Isa itong paa at sapatos ng prayle at sumisimbolo ito
sa kung sino ang nagpapalakad sa bayan sa kanyang
kapanahunan at sa pagiging maluho ng mga prayle sa
Pilipinas noon.
SIMBOLONG MAKIKITA
SA PABALAT NG
NOLI ME TANGERE

KRUS

DAHON NG
LAUREL

BABAE

BAHAGI NG
MANUSKRITO

SIMETRIKAL
NA SULO

BULAKLAK
NG SUNFLOWER

SIMBOLO NA NASA
KALIWANG BAHAGI:
SIMBOLO NA NASA KALIWANG BAHAGI:
KRUS
Simbolo ito ng relihiyosidad ng mga mamamayang Pilipino.
Inilagay ni Rizal ang krus sa pinakamataas na bahagi ng
pabalat at nagpapakita ito ng mataas na katayuan sa
kakayahan na makapaghari sa isip ng Inang Bayan.

DAHON NG LAUREL
Sinasabi na napakahalaga nito sa matandang kabihasnang
kanluranin. Ginagawa itong korona para sa mga matatapang
at matatalinong mamayan. Ang paglagay nito ni Rizal sa
pabalat ay isang paglalarawan ng pag-asa.

BABAE
Sa kaniya inihandog ni Rizal ang nobela at ito ang Inang
Bayan.

SIMETRIKAL NA SULO
Sa simbolo na ito, hindi ginamit ni Rizal ang karaniwang
sisidlan ng panggatong na nagpapaliwanag ng ilaw at
iginuhit ito sa disenyong simetrikal na ginagamit sa mga
pabalat ng libro sa kapanahunan ni Rizal. Sinisimbolo nito
na ang panggatong na pagmumulan ng liwanag ay ang mula
sa loob ng isang sikat na aklat.

BAHAGI NG MANUSKRITO
Kung papansining mabuti, ang liwanag ng sulo ay parang
nakapatong sa manuskrito. Ito ay dahil ipinapakita ni Rizal
na ang kanyang nobela ay magsisilbing liwanag na
pangkaisipan ng bayan at maaari rin na ang mga taong may
sapat na liwanag lang ang makakaunawa ng tunay na
kahulugan ng mga salita sa nobela.

BULAKLAK NG SUNFLOWER
Ang sunflower ay isang uri ng bulaklak na may kakayahang
sumunod sa oryentasyon ng sikat ng araw. Inilagay ito ni
Rizal para magsilbing halimbawa para sa mga mambabasa
na sumunod sa pinagmulan ng liwanag.

You might also like