You are on page 1of 1

SIMBOLO NA NASA KANANG BAHAGI:

BAHAGI NG MANUSKRITO
Makikita sa bahagi na ito nakasulat ang taong 1887 at ito
ay malaking bahagi ng manuskrito ng nobela.

PUNONG KAWAYAN
Ang mataas ngunit malambot na halaman ay sumisimbolo
sa pakikibagay ng mga Pilipino sa isang mapang-aping
lipunan.

LAGDA NI RIZAL
Inilagay ito ni Rizal sa kanang bahagi para ipakita kung
saang panahon sya nabibilang.

PAMALO SA PENITENSYA
Sinasabi na ang penitensiya ay ginagamit para saktan ang
sarili dahil pinaniniwalaan na malilinis nito ang kanilang
nagawang kasalanan. Para kay Rizal, ginagamit ito ng mga
Pilipino dahil parang hindi pa sapat ang paghihirap nila
mula sa mga guardia sibil at kinakailangan pa nila na
saktan ang kanilang sarili.

KADENA
Ito ay simbolo na walang kalayaan ang mga Pilipino.

LATIGO
Ito ay simbolo ng pagmamalupit ng hukbo ng
sandatahan kay Rizal. Inilagay ito ni Rizal para hindi
makalimutan ang naranasan na pagpalo sa kanya.

HELMENT NG GUARDIA SIBIL


Ito ay simbolo ng hukbo ng sandatahan na nang-aabuso
sa mga Pilipino sa kapanahunan ni Rizal.

PAA AT SAPATOS
Isa itong paa at sapatos ng prayle at sumisimbolo ito
sa kung sino ang nagpapalakad sa bayan sa kanyang
kapanahunan at sa pagiging maluho ng mga prayle sa
Pilipinas noon.

You might also like