You are on page 1of 2

Simbolismo sa Pabalat ng Noli Me Tangere

Ang Pamagat na Noli Me Tangere ay nasa gitna mismo ng pabalat. Tandaan sana na ang kahulugan sa
Filipinong pamagat ng Nobela ay ”HUWAG MO AKO HIPUIN” . Nagbababala kaya si Rizal sa kaniyang
mga mambabasa sa maaring maging epekto ng pagbabasa nito sakaniyang kapanahunan.Ang pabalat ng
Noli Me Tangere ay idinisenyo mismo ni Rizal para sa kaniyang nobela.

Pinili ni Rizal ang elemento na ipapaloob niya rito, hindi lamang sa aspektong astetiko ang kaniyang
naging konsiderasyon - higit sa lahat ay ang aspekto ng "simbolismo"

Ang magkabilang triyangulo na inyong makikita sa pabalat na hinahati ng pamagat ay kumakatawan sa


dalawang magkaibang kapanahunan.

"Ang Kapon at Ang Hinaharap ng Bayan."

Mga kahulugan ng mga SIMBOLISMO:

Ang triangulo ay isang paglalarawan ng mga elemento na bumubuo ng panlipunang realidad sa


kapanahunan ni Rizal.

Kahulugan ng SIMBOLISMO sa kanang bahagi:

1. PAA NG PRAYLE - Inilagay ni Rizal sa pinaka-ibabang bahagi ng tatsulok ang paa ng prayle,
ipinapahiwatig nito kung sino ang pinakabase at tunay na nagpapalakad ng bayan. Ang Sapatos naman
ang nagpapahiwatig ng pagiging "maluho" ng mga prayle at ang "pagtalikod nila sa aral ni kristo".

Ang nakalabas na binti sa ibaba ng abito at ang mga balahibo ay nagpapahiwatig naman ng "kalaswaan"
ng pamumuhay ng mga prayle.

2. Helmet ng Guardia Sibil - Ito ay simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal na hukbong sandatahan na


nang-abuso sa karapatang pantao ng mga Pilipino sa kanyang kapanahunan.

3. Latigo ng Alperes - Ito ay simbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal na hukbong sandatahan. Maging
si Rizal ay personal na naging biktima ng latigo ng Alperes. Ang paglalagay ni Rizal ng latigo ay
nagpapahiwatig na hindi niya malimutan ang ginawang pananakit sa kanya ng alperes ng Calamba noong
kanyang kabataan.

4. Kadena - Inilagay ni Rizal ang kadena bilang simbolo ng kawalan ng kalayaan ng mga Pilipino sa ilalim
ng pamumuno ng mga Kastila.

5. Suplina (Pamalo sa Penitensiya) - Ang Suplina ay ginagamit ng mga mapanata sa kolonoyal na


simbahan upang saktan ang kanilang mga sarili dahilan sa kanilang paniniwala na ito'y makapaglilinis sa
kanilang mga nagawang kasalanan. Sa paningin ni Rizal, ang pananakit at pagpapahirap ng mga guardia
sibil sa mga Pilipino ay hindi pa sapat para sa kanila, kailangan pang sila na mismo ang magpapahirap at
manakit sa kanilang mga sarili.

7. Punong Kawayan - Ay isang mataas ngunit malambot na puno na kadalasang sumasabay lamang sa
ihip ng hangin. Inilagay ni Rizal ang larawang ito upang ipakita ang pamamaraan ng mga Pilipino sa
pakikibagay sa mga nagaganap na kalupitan at pagsasamantala ng mga Kastila sa kanilang lipunan.
8. Lagda Ni Rizal - Pansinin na inilagay ni Rizal ang kaniyang pangalan sa triangulong nakaukol sa
kaniyang kapanahunan. Alam ni Rizal na siya ay kabilang sa kapanahunan na kaniyang inilalarawan.

Kahulugan ng SIMBOLISMO sa Kaliwang Bahagi:

1. Bulaklak ng sunflower - Ang sunflower ay isang natatanging bulaklak na may kakayahan na sumunod
sa sikat ng araw. Sinisimbolo nito ang mga "Pilipino na naliliwanagan" sa pamamagitan ng pagbabasa ng
Noli Me Tangere ukol sa mga ginagawang pagsasamantala ng mga kastila. Iniligay ni Rizal ang bulaklak ng
sunflower na ito sa layunin na maging halimbawa ng kaniyang mga mambabasa na sundan at
ipagpatuloy ang pagbabasa ng kaniyang nobela, na sa kapanahunan ay ninanais ni Rizal na maging
liwanag ng kaniyang bayan.

2. Simetrikal na sulo - samantala ang sulo naman ang nagsisimbolo ng Noli Me Tangere na nagbibigay ng
liwanag o kamalayan sa mga tao. Pinapahiwatig nito ang pagtatapos ng kamangmangan at simula ng
panibagong uri ng pamumuhay na hindi magpapaapi sa mga kastila.

3. Ulo ng Babae - ang sinisimbolo ng ulo ng babae ay walang iba kung hindi ang "INANG BAYAN" kung
mapapansin ito ay malapit sa pinag-uukulan niya ng paghahandog sa nobela. Ang "A Mi Patria" na
malapit sa ulo ng babae ay nangangahulugang "Inang Bayan" kung isasalin ito.

4. Krus - ang Krus ay siyang simbolo ng pagiging relihiyoso ng mga Pilipino. Mapapansin na inilagay ni
Rizal ang krus sa halos pinakamataas na lugar ng pabalat, ito ay para ipakita na Diyos ang nasa itaas ng
lahat ng mga bagay. Simbolo rin ito ng paggamit ng mga kastila ng relihiyon sa pananakop.

Pansining mabuti, na bago ang krus ay makikita ang supang ng kalamansi. Ano ang kahalagahan ng
supang ng Kalamansi at isinama ito ni Rizal bilang elemento sa pabalat ng kanyang nobela?

Isa sa laganap na paniniwala natin ang kalamansi ay mahusay na sangkap sa paglilinis. Ang masakit na
katotohan, ang paglalagay ni Rizal ng supang ng kalamansi sa tabi ng krus ay isang mataas na anyo ng
kaniyang insulto para sa kolonyal na Katolisismo na umiiral sa kaniyang kapanahunan.

5. Dahon ng laurel - ang dahon ng laurel ay napakahalaga sa matatandang sibilisasyong kanluranin. Ito ay
ginagawang korono para sa kanilang mga mapagwagi, matatapang, matatalino, at mapanlikhaing
mamamayan. Isang paglalarawan ni Rizal na kaniyang pag-asa na ang mga kabataang Pilipino ay pipitasin
ang mga laurel na ito upang gawing korona ng Inang Bayan. Ang dahon ng laurel na nagpapahiwatig ng
korona ay sumisimbolo ng kapurihan at karangalan ng ating Inang Bayan.

"Ako'y mamamatay na hindi man lamang nakita ang maningning na pagbubukang liwayway sa aking
bayan. Kayong makakakita, salubungin ninyo siya at huwag kalilimutan ang mga nalugmok sa dilim ng
gabi" - Elias (Noli Me Tangere)

You might also like