You are on page 1of 20

Kinahinatnan ni Dr. Jose P.

Rizal
ANG PAGBABALIK AT PAGTATAG NG LA LIGA FILIPINA
Ang Ikalawang Pagbabalik:
● Hunyo 26, 1892 - nagbalik si Rizal sa Maynila kasama ng kanyang kapatid
na si Lucia at tumigil sila sa Hotel de Oriente.
● Sa hapon ng nasabing araw nagtungo si Rizal sa Malacanang upang
makipagkita sa gobernador heneral ngunit pinabalik siya ng gabi at
nakausap si Despujol.
● Binisita niya ang kanyang mga kapatid na sina Narcisa at Neneng.
● Kinabukasan, sumakay si Rizal ng tren at dinalaw ang kanyang mga
kaibigan sa Malolos, Bulacan; San Fernando, Pampanga; Tarlac, Tarlac; at
Bacolor, Pampanga. Ang kanyang mga paglalakbay ay sinusundan ng mga
Espanyol at mga bahay na kanyang binisita pagkatapos ng ilang araw ay
sinalakay ng mga kawal na Espanyol.
● Sa mga sumunod na araw ay muling nakipagkita si Rizal kay Despujol.
Pagtatayo ng La Liga Filipina
● Hulyo 3, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa bahay ni Doroteo Ongjungco
sa Kalye Ylaya, tondo Maynila.

Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga sumusunod:


a. Pedro Serano Laktaw h. Luis Villareal o. Juan Zulueta
b. Domingo Franco i. Faustino Villaruel
c. Jose Ramos j. Mariano Crisostomo
d. Ambrosio Salvador k. Numeriano Adriatico
e. Bonifacio Arevalo l. Estanislao Legaspi
f. Agustin de la Rosa m. Teodoro Plata
g. Moises Salvador n. Andres Bonifacio
Pag-aresto at Pagpapatapon

● Noong Hulyo 6, 1892 - sa isang pakikipag-usap ni Rizal


kay Despujol ay inaresto siya dahilan sa bintang na
pagdadala ng mga polyetong kontra-simbahan.
● Ipinakulong si Rizal at mahigpit na pinababantayan sa
Fort Santiago.
● Sumunod na araw inilabas ang kautusan na ipatapon si
Rizal sa Dapitan.
● Dinala si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng barkong
Cebu.
Pagpapatapon sa Dapitan
Ang Buhay ng Isang Tapon:
● Hulyo 15, 1892 - nakarating si Rizal sa Dapitan at ipinagkaloob kay Kapitan Ricardo Carnicero
ang komandante ng hukbong Espanyol sa lugar.
● Dala ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Pastells na superior ng mga Jesuita para kay Padre
Antonio Obach ang paring Jesuita sa Dapitan. Ang sulat ay naglalaman ng mga kondisyon
upang si Rizal ay makatira sa kumbento.
● Pansamantalang nanirahan si Rizal sa kuwartel na pinamumunuan ni Kapitan Carcinero na
kanyang naging kaibigan.
● Setyembre 21, 1891 - nakatanggap sina Rizal, Carcinero at isang Espanyol ng Dipolog ng
gantimpala na ang kanilang ticket bilang 9736 ay nanalo ng ikalawang gantimpalang P20,000.
Ang naging hati ni Rizal ay P6,200. Ibinigay niya ang P2,000 sa kanyang ama at P200 kay Jose
Ma. Basa sa Hongkong at ang natira ay kaniyang ginamit sa pagbili ng lupa sa Talisay na isang
kilometro ang layo sa bayan ng Dapitan.
● Nagkaroon ng isang mahabang sulatan sina Rizal at Pastells ukol sa usapin ng relihiyon na
naglalaman ng mga paniniwalang pangrelihiyon ni Rizal:
a. Ginagamit ng mga prayle ang relihiyon sa pansariling kapakinabangan.
b. Ang sariling pagpapasiya ay biyaya ng Diyos sa lahat ng tao.
● Hindi nagtagumpay si Pastell na maibalik si Rizal sa simbahan.
● Hinamon ni Rizal ang isang Pranses na si Mr. Juan Lardet ng duwelo
dahilan sa pagbebenta kay Rizal ng mga kahoy na mababa ang
kwalidad.
● Inilipat ni Padre Pastells si Padre Francisco Sanchez sa Dapitan
upang muling akitin si Rizal na magbalik sa simbahan. Ngunit hindi
rin ito nagtagumpay.
● Nakatanggap na rin si Rizal ng mga panauhin sa Dapitan at nakasama
niya ang kanyang mga kapamilya at nagpatayo ng bahay sa Talisay.
● Nagpadala ang mga prayle ng isang tao na may alyas na Pablo
Mercado (Florencio Namanan) upang isangkot si Rizal sa mas
malaking kaso.
● Nagtrabaho si Rizal sa Dapitan bilang isang manggagamot. Ang kanyang
mga pasyente ay mga mahihirap na hindi makabayad at mga mayayaman
na nagbabayad ng malaki sa kanyang paglilingkod. Nang tumira ang
kanyang ina sa Dapitan sa loob ng isa’t kalahating taon, ginamot din ito ni
Rizal. Nakilala ang kahusayan ni Rizal sa panggagamot kahit na siya ay nasa
Dapitan, sinasadya siya ng mga pasyenteng mula sa iba't ibang panig ng
daigdig. Naging interesado rin ni Rizal ang mga lokal at halamang gamot.
● Itinayo ni Rizal ang isang sistema ng patubig sa Dapitan upang magkaroon
ng malinis na tubig sa bawat bahay ng Dapitan.
● Mga Proyektong Pangkomunidad sa Dapitan:
a. Paglilinis ng mga latian upang mawala ang malaria
b. Paglalagay ng pailaw sa lansangan ng Dapitan
c. Pagpapaganda ng liwasan at ang paglalagay ng mapa ng Mindanao sa
plasa.
● Ang malaking panahon ni Rizal ay ginamit din niya sa pagtuturo
ng mga kabataan sa Dapitan. Tinuruan niya ang mga ito ng mga
aralin sa wika, heograpiya, kasaysayan, matematika, gawaing
industriyal at iba pa. Ang oras ay mula alas 2:00 hanggang 4:00
ng hapon.
Mga ambag ni Rizal sa Agham sa Dapitan:
a. Pinasok ni Rizal ang mga kagubatan at baybay dagat ng
Dapitan para sa paghahanap ng mga specimen upang ipadala
niya sa mga museo ng Europa.
b. Nakapag-ipon siya ng 346 na uri ng mga kabibe.
c. Natagpuan niya ang species ng Draco Rizali, Apogonia Rizali at
Rhacophorus Rizali.
● Ang pag-aaral ng mga wika ay ipinagpatuloy ni Rizal sa Dapitan. Sa
panahong ito ay natutunan niya ang wikang Bisaya, Subuanin, at Malayo.
● Ang kahusayan sa larangan ng sining ay makikita pa rin kay Rizal sa
panahon ng pagkakatapon niya sa Dapitan. Gumuguhit siya ng mga
bagay na nakaakit sa kanya at nililok niya ang mga sumusunod:
(1) Paghihiganti ng Ina,
(2) ang ulo ni Padre Guericco;
(3) estatwa ng isang babaeng taga-Dapitan.
● Ginamit din ni Rizal ang kanyang panahon sa Dapitan bilang isang
magsasaka. Umabot ng 70 hektarya ang lupang kanyang pag-aari na
tinaniman niya ng abaka, niyog, punong kahoy, tubo, mais, kape, at
cocoa. Ginamit din ni Rizal ang modernong pagsasaka sa pamamagitan
ng pag-aangkat sa Estados Unidos ng mga makabagong makinarya.
● Ang pagnenegosyo ay isa sa mga naging gawain ni Rizal
sa Dapitan. Nakipagsosyo siya kay Ramon Carreon,
mangangalakal na taga-Dapitan sa negosyo ng
pangingisda, koprahan at abaka. Itinayo rin ni Rizal ang
kooperatiba ng mga magasasaka sa Dapitan upang
mabawasan ang monopolyo ng mga Tsino sa lugar.
● Naging malikhain si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng
paglikha ng mga sumusunod:
a. sulpukan - isang pagsindi ng sigarilyo na gawa sa
kahoy
b. makina sa paggawa ng bricks
● Dumating sa Dapitan noong Hunyo 1896 si Dr. Pio Valenzuela
upang ipaalam kay Rizal ang ukol sa Katipunan. Hinikayat ni
Valenzuela ang pamumuno ni Rizal sa Katipunan na tinanggihan
naman niya.
● Nagboluntaryo si Rizal upang maglingkod sa hukbong Espanyol
bilang isang seruhano sa Cuba. Ang kanyang kahilingan ay
tinugon naman ni Gob. Hen. Ramon Blanco na sumagot sa
kanyang sulat noong Hulyo 1896 na nagsasabi ng pagsang-ayon
sa kanyang plano.
● Nilisan ni Rizal ang Dapitan noong Hunyo 31, 1896 sakay ng
barkong Espana kasama nina Josephine, Narcisa, at pamangking
si Angelica.
Huling Paglalakbay sa Labas ng Bansa
Mula Dapitan patungo ng Maynila:
a. Nagdaan ang barkong Espana sa Dumaguete at binisita rito ni Rizal ang isa niyang kaibigan na
si Herrero Regidor na hukom ng lalawigan. Inoperahan niya sa mata ang isang kapitan ng guardia
civil.
b. Dumaan sa Cebu at inoperahan niya ang mag-asawang Mateo na kanyang nakilala sa Madrid.
c. Dumaan ng Iloilo para mamili at nagdaan sa Capiz ang barko.
● Sa pagdating ni Rizal sa Maynila ay nakaalis na ang barkong Isla de Luzon na sasakyan sana
niya patungong Espanya. Napilitang tumigil si Rizal sa barkong Castilla sa loob halos ng isang
buwan bilang panauhin ni Enrique Estalon, ang kapitan ng barko.
● Habang nasa barko si Rizal ay sumiklab ang himagsikang Pilipino laban sa mga Espanyol.
Nalaman ni Rizal ang pagsiklab ng himagsikan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga
pahayagan sa barko.
● Sa petsang Agosto 30, 1896 natanggap ni Rizal ang isang sulat ni Blanco na nag-eendorso sa
kanya sa Ministro ng Digmaan.
● Inilipat si Rizal noong Setyembre 2, 1896 sa barkong Isla de Panay na maglalayag patungong
Barcelona.
● Ang barkong Isla de Panay ay dumaan ng Singapore, pansamantalang bumaba si
Rizal sa Singapore at pinayuhan siya ni Don Manuel Camus na isang Pilipinong
naninirahan doon na samantalahin na ang pagkakataon upang makatakas. Hindi ito
sinunod ni Rizal.
● Habang si Rizal ay naglalakbay patungo ng Espanya ay lihim na nagpadala ng
telegrama si Blanco sa Ministerio ng Digmaan na si Rizal ang utak ng himagsikan.
● Sa Suez Canal ay narinig ni Rizal ang balita ukol sa pagbitay sa mga Pilipinong
pinaghihinalang kasangkot sa himagsikan.
● Setyembre 28, 1896 - narinig ni Rizal ang bali-balitang siya ay aarestuhin pagdating
sa Barcelona.
● Setyembre 30, 1896 - ipinaalam kay Rizal ng Kapitan ng Alemanya ang kautusan na
siya (Rizal) ay idedetaine sa loob ng kanyang kabina hanggang hindi nakakabalik sa
Maynila.
● Oktubre 3, 1896 - nakarating ang barkong Isla de Panay sa Barcelona at ipinadala sa
Munich Castle na noon ay pinamumunuan ni General Eulogio Despujol .
● Oktubre 6, 1896 - inilabas si Rizal ng kulungan para ibalik sa Maynila sakay ng
barkong Colon.
Huling Pagbabalik at Paglilitis
Ang Huling Pagbabalik:
● Sa Barkong Colon si Rizal ay binigyan ng isang kabuna at nasa ilalim ng mahigpit
na pagbabantay.
● Nalaman niya sa isang opisyal na siya ang sinisisi ng mga Espanyol ukol sa
nagaganap na madugong himagsikan sa Pilipinas.
● Kinumpiska ng mga Espanyol ang talaarawan ni Rizal.
● Sa pagdating ng barkong Colon sa Singapore ay sinikap ni Dr. Antonio Regidor at
Sixto Lopez sa pamamagitan ng isang abogadong Ingles na si Attorney Fort na
bigyan si Rizal ng habeas corpus ngunit hindi ito naipagkaloob sa dahilang ang
barkong Colon ay nasa ilalim ng bandila ng Espanya.
● Nobyembre 3, 1896 - Nakarating ang barkong Colon sa Maynila at tahimik na
inilipat si Rizal sa Fort Santiago. Sa panahong ito ang mga Espanyol ay
nangangalap na ng ebidensiya laban kay Rizal. Pinahirapan ng mga Espanyol ang
maraming mga Pilipino para isabit si Rizal sa nagaganap na himagsikan.
● Nagkaroon ng isang Preliminary Investigation sa kaso ni
Rizal na pinamumunuan ni Colonel Francisco Olive. Si Rizal
ay sumailalim sa limang araw ng mahigpit na imbestigasyon.
● Pinili ni Rizal ang pangalan ni Tinyente Luis Taviel de
Andrade bilang abogado sa gaganaping paglilitis sa kanya.
● Nagsimula ang paglilitis kay Rizal noong Disyembre 26,
1896 at sa nasabi ring araw ay nagpasiya ang hukuman na
bitayin si Rizal sa pamamagitan ng pagbaril.
● Noong Disyembre 28, 1896 nilagdaan ni Gobernador
Heneral Camilo Polaviela ang kautusan ng pagbaril kay Jose
Rizal.
Ang Kagitingan sa Bagumbayan
Ang mga Huling Oras ni Rizal:
● Sa ganap na ika -6:00 ng umaga ay binasa ni Kapitan Rafael Dominguez ang
kapasiyahan na siya ay bitayin, sa Bagumbayan sa Disyembre 30, 1896 sa ganap na
ika- 7 ng umaga.
● Alas 7:00 ng umaga - Tinanggap niyang bisita sina Padre Miguel Saderra Matta
(Rector ng Ateneo) at Padre Luis Viza, isang Jesuitang Guro.
● Alas 8:00 ng umaga - Pumalit kay Padre Viza si Padre Antonio Rosell, inimbitahan
siya ni Rizal na mag-almusal. Pagkatapos na mag-almusal dumating si Tinyente Luis
Taviel de Andrade at nagpasalamat si Rizal dito sa ginawang pagtatanggol niya.
● Alas 9:00 ng umaga - Dumating si Padre Federico Faura at sinabi ni Rizal na tama
ang sinabi ng pari na mapuputulan siya ng ulo sa pagsulat ng Noli Me Tangere .
● Alas 10:00 ng umaga - Dumating si Padre Villaclara (guro ni Rizal sa Ateneo) at
Padre Vicente Balaguer (kura paroko ng Dapitan). Dumating si Santiago Mataix at
kinapanayam si Rizal para sa pahayagang El Heraldo de Madrid.
● Alas-12:00 ng tanghali - naiwan si Rizal na nag-iisa sa kanyang silid para
magtanghalian. Pagkatapos nito ay ipinagpatuloy niya ang kanyang
pagsusulat. Natapos na niya ang Mi Ultimo Adios at itatago na lamang sa
lutuang alcohol at ginawa na rin ni Rizal ang kanyang huling sulat kay
Ferdinand Blumentritt.
● Alas 3:00 ng hapon ay nagbalik si Padre Balaguer sa Fort Santiago at
kinukulit si Rizal na gumawa ng isang retraksiyon sa kanyang isinulat na
laban sa simbahang Katoliko.
● Alas 4:00 ng hapon - dumating ang ina ni Rizal sa Fort Santiago. Lumuhod
dito si Rizal at hinalikan ang kanyang ina. Sumunod si Trinidad at dito ay
ibinigay niya ang lutuang alcohol na naglalaman ng Mi Ultimo Adios .
● Sa pag-alis ng mga magulang at kapatid ni Rizal ay nagbalik pa rin ang mga
Jesuita sa pangungulit kay Rizal na gumawa ng retraksiyon.
● Alas 6:00 ng gabi - Patuloy pa rin sa pangungulit ang mga Jesuita at mga
prayle na gumawa na si Rizal ng isang retraksiyon.
● Alas 8:00 ng gabi - nagsagawa si Rizal ng kanyang huling hapunan
sinabi niya Kay kapitan Dominguez na pinatatawad na niya ang lahat
ng kanyang mga kaaway.
● Alas 10:00- ipinadala ng Arsobispo Nozaleda ang isang kopya ng
retraksiyon na pipirmahan ni Rizal ngunit ito ay tinaggihan ni Rizal.
Dahilan sa hindi napapirma si Rizal sa retraksiyon, ang paring Jesuita
ay hinuwad ang lagda ni Rizal at pagkamatay ni Rizal ay sinabi nila na
si Rizal ay lumagda ng isang retraksiyon.
● Alas 3:00 ng umaga- sinasabi ng mga paring Jesuita na si Rizal ay
nakinig ng misa at tumaggap ng komunyon. Ngunit ito ay walang
basehan.
● Alas 5:30- kinain ni Rizal ang kanyang huling almusal pagkatapos ay
sinulat niya ang dalawang sulat para sa kanyang kasambahay at sa
kapatid na si Paciano.
● Sa nabanggit din na oras ay dumating si Josephine Bracken at
ipinagkaloob ni Rizal ang isang aklat ni Kempis na may pamagat na
Imitacion de Cristo. Sa nasabing aklat inilagay ni Rizal ang isang sulat na
To my dear and unhappy wife, Josephine December 30, 1896. Jose Rizal.
● Alas 6:00 ng umaga - habang naghahanda para sa martsa sa Bagumbayan,
inihanda ni Rizal ang kanyang huling sulat para sa kanyang ama at ina.
● Alas 6:30 - nagsimulang umalis ang martsa mula sa Fort Santiago patungo
ng Bagumbayan. Apat na sundalong Espanyol na nakabaril at bayoneta
ang nasa harapan, sa likuran si Rizal na mahinahong naglalakad kasabay
ni Tinyente Luis Taviel de Andrade sa isang tabi at si Padre March at
Villaclara sa kabila. Sa likuran ng maraming mga sundalong Espanyol na
nasasandatahan. Sa panabi ng martsa ay ang hanay ng mga taong
nanonood.
● Sa pagdating ni Rizal sa Bagumbayan mas maraming bilang
ng mga tao ang naghihintay upang saksihan ang gagawing
pagbitay kay Rizal.
● Nagpaalam si Rizal kay Luis Taviel de Andrade. Pinulsuhan
siya ni Dr. Castillo isang manggagamot ng hukbong Espanyol
at humanga sa normal na tibok ng pulso nito.
● Alas 7:00 ng umaga - binaril si Rizal sa Bagumbayan.
● Pagkatapos barilin ng firing squad isang opisyal ng hukbo
ang lumapit sa kanyang katawan at binaril na malapitan sa
puso. Upang tiyakin na patay na ito.
● Pagkatapos ng pagbitay, ang bangkay ni Rizal ay inilibing sa
sementeryo ng Paco, Maynila.

You might also like