You are on page 1of 18

Ang Talambuhay ni Dr.

Jose Rizal
Kapanganakan ni Dr. Jose Rizal
Buong Pangalan:
Dr. Jose Protacio Mercado Rizal Alonso y Realonda
Petsa at Lugar ng Kapanganakan:
Hunyo 19, 1861 ( Miyerkules ) Calamba, Laguna
Araw ng Pagkabinyag: Hunyo 22, 1861
Paring Nagbinyag: Padre Rufino Collantes
Ninong: Pedro Casañas
Mga Magulang ni Dr. Jose Rizal

Ama : Francisco Mercado Rizal


Kapanganakan: Abril 18, 1818 Biñan, Laguna
Mga magulang: Juan Mercado at Cecilia Alejandro
Paaralan: Colegio de San Jose, Maynila
Kamatayan: Enero 5, 1898
Ina: Teodora Alonzo y Realonda
Kapanganakan: Nobyembre 14, 1827
Ongpin, Sta. Cruz, Maynila
Mga magulang: Lorenzo Alberto Alonzo at
Brigilda de Quintos
Paaralan: Colegio de Santa Rosa, Maynila
Kamatayan: Agosto 16, 1911
Mga Kapatid ni Dr. Jose Rizal
1.Saturnina ( 1850 )
2. Paciano ( 1851 )
3. Narcisa ( 1852 )
4. Olimpia ( 1855 )
5. Lucia ( 1857 )
6. Maria ( 1859 )
7. Concepcion ( 1862 ) Namatay sa edad na 3
8. Josefa ( 1865 ) “epileptic”
9. Trinidad ( 1868 )Namatay na isang
matandang-dalaga
10. Soledad ( 1870 )
Pag-aaral ni Rizal
A. Biñan, Laguna
Natamo ni Rizal ang impormal na pag-aaral sa loob ng tahanan
at maituturing niya ang kanyang ina na siyang kauna-unahan niyang
guro.
Itinuro ng kanyang ina ang Abakada, mga dasal, kagandahang-
ugali, at kabutihang-asal.
Samantala tatlong tiyuhin ni Teodora Alonzo ang tumulong kay
Jose sa iba’t ibang paraan: Tiyo Manuel, nagturo sa pagpapalakas ng
katawan at pagtatanggol sa sarili; Tiyo Alberto, nagpakilala ng
kahalagahan ng aklat at kaligayahang matatagpuan sa pagbabasa; at
Tiyo Gregorio, nagturo sa kanya ng pagpapahalaga sa sining at
masusing pagmamasid sa paglalarawan.
Si G. Leon Monroy, kamag-aral ni Don Francisco Rizal, ang
nagturo ng Latin kay Jose.
Nilisan ni Jose Rizal ang Calamba noong Disyembre 18, 1871
upang kumuha ng pagsusulit sa Maynila.

B. Maynila
1. San Juan de Letran ( Hunyo 10, 1872 )
2. Ateneo de Manila
Sinamahan ni Paciano si Jose sa Ateneo de Municipal upang
makapag-aral. Si Jose Bech ang kanyang unang propesor sa
nabanggit na unibersidad.
Si Padre Francisco Sanchez ang guro niya sa ikaapat na
taon, mahusay at matalinong guro na umakit sa kanya na mag-
aral nang mabuti at pag-ibayuhin ang pagsulat ng tula.
Samantala, Si Don Agustin Saez ang naging guro niya sa
“Solfeggio”, pagguhit at pagpipinta.
Noong 1876 – 1877, naging mabulaklak ang kanyang
huling taon sa Ateneo. Natamo niya ang pinakamataas na marka
sa lahat ng kanyang asignatura.
Noong Marso 23, 1877, sa gulang na 16 na taon ay
nakatapos ng pag-aaral si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila.
Natamo niya ang Batsilyer sa Sining na may mataas na
karangalan, limang medalya ang kanyang nakamit.
3. Unibersidad ng Santo Tomas
Noong 1878, kumuha si Rizal ng Pagkamanggagamot sa
Pamantasan ng Santo Tomas.
Kumuha siya ng Medisina ayon sa payo ng kanyang Pari Rektor
sa Ateneo, upang magamot ang nanlalabong mata ng kanyang ina.
Sa ikalawang taon sa pag-aaral, nangupahan siya sa bahay ni
Donya Concha Leyva sa Intamuros. Nakilala niya si Leonora
Rivera ( unang pag-ibig ni Rizal ) at tinuruan niya ito sa pagsulat ng
liham ng pag-ibig.
Noong ikatlong taon, 1880 – 1881, nangupahan siya sa “Casa
Tomasina” na pinamahalaan ng kanyang tiyuhin na si Antonio
Rivera.
Hindi siya nasiyahan sa Pamantasan ng Santo Tomas sa
kabila ng tagumpay na natamo. Sa palagay niya, galit sa kanya
ang mga paring Dominiko dahil sa kanilang mababang pagtingin
sa mga mag-aaral na Pilipino. Ang mga paring Dominiko ay
mayroon ding lumang pamamaraan at masamang pagtuturo.

4. Unibersidad Central de Madrid


Mga Wikang Alam ni Rizal
- Ingles - Intsik
- Kastila - Suwiso
- Pranses - Ebra
- Italiano - Niponggo
- Aleman - Olandes
- Latin - Malaya
- Griyego - Arabe
- Ruso - Portuguese
- Sanskrito
Mga Kaalaman at Propesyon ni Rizal
 Manggagamot
 Nobelista
 Makata
 Politiko
 Dalubwika
 Magbubukid
 Manlililok
 Guro
 Manunulat
Mga Sagisag na Ginamit ni Rizal sa
kanyang Pagsusulat

 Dimasalang

Laong – Laan

Padre Jacinto
Ang unang pag-ibig ni
Rizal
Si Leonora Rivera ay mula sa
Camiling, Tarlac. Siya ang unang
babae na nagpatibok sa puso ni
Jose Rizal. Hindi mabilang na
sulat ang naipadala nila sa isa’t isa,
ngunit may mga pagkakataon rin
na hinahadlangan at sinusunog ng
ina ni Leonora ang iba. Ikinasal si
Leonora kay Henry Kipping,
isang inhinyerong Amerikano.
Ang babaeng
pinakasalan ni Rizal

Pangalan: Marie Josephine


Leopoldine Bracken
Kapanganakan: Agosto 9, 1876
Hongkong
Kamatayan: Marso 15, 1902
( 25 taong gulang )
Sanhi ng Pagkamatay:
Tuberculosis
Namatay ang kanyang ina noong siya ay ipinanganak kaya nagdesisyon
ang kanyang ama , si James Bracken, na siya ay ipaampon. Napunta si
Josephine kay George Taufer, isang bulag at Amerikanong inhinyero
na kaibigan rin ng kanyang ama. Dinala ni Josephine ang kanyang
kinikilalang ama sa Pilipinas upang ito ay ipasuri at ipagamot kay Rizal.
Nasa Dapitan, Zamboanga del Norte na noon si Rizal dahil sa
pagkakabilanggo. Nag-ibigan ang dalawa, nagsama at tahimik na
namuhay sa Baranggay Talisay, Dapitan. Hindi nagtagal
nagdesisyong magpakasal ang dalawa. Bandang ikalima hanggang ika-
anim ng umaga ng Disyembre 30, 1896 ikinasal ang dalawa. Si Padre
Vicente Balanguer ang nagsagawa ng seremonya. Pagkatapos nito, ika-
pito ng umaga nang dalhin si Rizal sa Bagumbayan upang doon ay
hatulan ng kanyang kamatayan. Nagkaroon ng anak ang dalawa si
 Francísco Rizal y Bracken ngunit hindi rin ito nabuhay, tatlong oras
pagkatapos na siya ay ipinanganak namatay rin ito.
Ilan sa mga Kahirapang Dinanas ni
Rizal
1. Natuto siyang magtipid at kung minsan ay
hindi kumakain maghapon.
2. Napilitan siyang magsanla ng kanyang mga
alahas.
3. Inusig at sinaktan ng mga Kastila ang
kanyang mga magulang at mga kapatid.

You might also like