You are on page 1of 9

ARALIN 3

BUHAY NI RIZAL: PAMILYA, KABATAAN AT PANIMULANG EDUKASYON

MGA PAKSA
1. Pamilya ni Jose P. Rizal.
2. Si Rizal noong Kabataan niya.
3. Ang Pag-aaral at Paglalakbay ni Jose P. Rizal.

INAASAHANG MATUTUTUHAN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri at nailalahad ang pamilya, kabataan, at panimulang edukasyon ni
Rizal.
2. Nagkakaroon ng ebalwasyon sa mga tao at pangyayaring naging impluwensiya
sa buhay ni Rizal noong siya’y bata pa.

PAKSA 1: PAMILYA NI JOSE P. RIZAL


Ang ikatlong Aralin ay tungkol sa Buhay ni Rizal: Pamilya, Kabataan, at Panimulang
Edukasyon ng ating Pambansang Bayani. Si Dr. Jose P. Rizal ay katangi-tanging
halimbawa ng isang henyo ng maraming larangan at itinanghal na pinakadakila at
pambansang bayani ng Pilipinas

Pagsilang ng Isang Bayani

“Isinilang ako sa Calamba noong Hunyo 19, 1861, sa pagitan ng ika-11 at hatinggabi, ilang
araw bago ang kabilugan ng buwan. Miyerkules noon at ang pagdating ko sa Calamba na ito ng
luha ay muntik nang ikamatay ng aking ina, mabuti na lamang at namanata siya sa Birhen ng
Antipolo, sinabi niyang isasama ako sa peregrinasyon” - Jose Rizal
Si Jose Rizal ay isinilang sa gabing maliwanag ang buwan, Miyerkules, Hunyo 19,
1861, sa baybaying bayan ng Calamba, Laguna.
Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko ng kanyang bayan noong Hunyo 22, edad
tatlong araw, ang kura paroko na si Padre Rufino Collantes at ang kanyang ninong ay si
Padre Pedro Casanas, taga-Calamba at kaibigang matalik ng mag-anak ni Rizal.
Ang ngalang “Jose” ay pinili ng kanyang ina na deboto kay San Jose.
Ang buong pangalan ng ating bayani ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo
Realonda.
MGA MAGULANG NI RIZAL
FRANCISCO MERCADO - ipinanganak noong Mayo 11, 1818, nag aral ng Latin at
Pilosopiya sa Colegio ng San Jose. Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa
Haciendang Dominicano sa Calamba. Siya ay namatay noong Enero 5, 1898.
TEODORA ALONZO - ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila. Siya ay nag-
aral sa Colegio de Santa Rosa. Siya ay mayroong interes sa literatura at mahusay sa
wikang Espanyol. Namatay noong Agosto 16, 1911.
MGA BATANG RIZAL

1. Saturnina (1850-1913)
2. Paciano (1851-1930) – itinuturing niyang pangalawang ama
3. Narcisa (1852-1939)
4. Olympia (1852-1887)
5. Lucia (1857-1919)
6. Maria (1859-1945)
7. Jose (1861-1896)
8. Concepcion (1862-1865) – namatay sa sakit sa edad na tatlo
9. Josefa (1865-1945)
10. Trinidad (1868-1951)
11. Soledad (1870-1929)
Ang tunay na apelyido ng mag-anak na Rizal ay Mercado, na ginamit noong 1731
ni Domingo Lamco (kanunu-nunuan ni Rizal sa kanyang ama) na isang Tsino. Ginamit ng
mag-anak ang “Rizal” na ibinigay ng isang Espanyol na alkalde mayor ng Laguna na
kaibigan ng pamilya.
ANG PAMILYA RIZAL
Ang Kabuhayan ng Pamilya
1. Ang pamilya ay kabilang sa pangkat ng principalia at isa sa mga kinikilalang
pamilya sa Calamba.
2. Ang ama ay nangungupahan sa lupain na pag-aari ng hacienda ng mga
Dominicano sa Calamba at tinataya na ang kaniyang lupang sinasaka ay umaabot
ng 600 na hektarya. Ang lupa ay tinataniman ng palay mais at tubo.
3. Maliban sa pagsasaka ang pag-aalaga ng hayop ay isa sa kanilang mga
hanapbuhay.
4. Ang ina ni Rizal ay mayroong isang tindahan sa ilalim ng kanilang bahay, gilingan
ng trigo para maging harina at gawaan ng hamon.
5. Ang pamilya ay isa sa mga unang nakapagpagawa ng bahay na bato sa Calamba.
6. Nagmamay-ari sila ng isang karwahe na isang karangyaan sa panahong iyon.
7. Mayroon silang isang aklatan sa bahay na naglalaman ng 1,000 aklat.
8. Naipadala ng mga Rizal ang kanilang mga anak sa Maynila para mag-aral.
ANG TAHANAN NG MGA RIZAL
1. Ang bahay ng mga Rizal ay gawa sa bato at matitigas na kahoy at ito ay nakatayo
na malapit sa simbahan ng Calamba.
2. Ang paligid ng kabahayanan ay natataniman ng mga punong atis, balimbing,
chico, macopa, papaya, santol, tampoy, at iba pa.
3. Ang bakuran ng bahay ay naging alagaan ng mga manok at pabo.

PAKSA 2: MGA ALAALA NG KABATAAN


Nagsimulang mag-aral ng abakada sa gulang na Tatlong taon. Tahimik at
lubhang mapagmasid si Jose Rizal. Mahilig siya sa pagbabasa at pakikinig sa usapan ng
kanyang mga nakakatandang kapatid. Kinatutuwaan niya ang pagpipinta, pagsulat at
paglililok. Mahusay din siya sa pagsusulat. Walong taong gulang siya nang kanyang
isulat ang kanyang unang Tula na pinamagatang “Sa Aking Mga Kababata”.

Sumulat din siya ng Dula na may himig katatawanan at itinanghal sa isang


pistang bayan sa Calamba. Nagustuhan ito ng gobernadorcillo ng Paete at binayaran ang
manuskrito ng dalawang piso. Ang kwento ng “Gamugamo” ay isang magandang alaala
sa diwa ng batang si Rizal. Isang gabing tinuruan sya ng kaniyang ina na basahin ang
isang lumang aklat na “El Amigo de Los Ninos”, ay napansin nito ang kawalang gana niya
sa binabasa. Nang Makita nito na ang kanyang pinagkakaabalahan ay ang panunuod ng
gamugamong naglalaro sa paligid ng ilawang apoy, ikinukwento nito ang isang bata at
matandang gamugamo.

PAKSA 3: ANG PAG-AARAL AT PAGLALAKBAY NI JOSE RIZAL


Ang unang naging guro ng batang si Rizal ay ang kanyang Ina. Una niyang
natutunan dito ang pagbabasa at pagdarasal. Unang napansin ng kanyang ina ang
kanyang angking katalinuhan nang makapagsulat siya ng tula. Naging guro din niya si
Maestro Celestino at Maestro Lucas Padua. Ang nagturo sa kanya ng Kastila at Latin ay
si Ginoong Leon Monroy, isang matalik na kaibigan ng kanyang ama.
Lalo pa niyang napatunayan ang kawalang katarungan ng lipunan nang
masaksihan niya ang pagbitay sa tatlong paring Pilipino na sina Padre Mariano Gomez,
Jose Burgos, Jacinto Zamora noong Pebrero 17, 1872. Maagang natutunan ng batang si
Rizal ang pagdarasal, pagrorosaryo at pagsisimba. Unang pumasok siya sa paaralan ng
Binan sa pagtuturo ni Justiniano Aquino Cruz.Ang batang si Rizal ay hindi likas na
palaaway subalit hindi siya umuurong sa labanan kahit na maliit lamang siya noon at
kapag alam niyang siya’y nasa katwiran.

ATENEO DE MANILA
Labing-isang taong gulang si Rizal nang mag-aral siya sa Ateneo de Manila. Nasa
ilalim ng pamamahala ng mga kastilang pari. Natanggap niya ang lahat ng mga
pangunahing medalya at notang sobresaliente sa mga aklat. Hindi tinanggap si Rizal sa
ateneo dahil siya ay huli na sa patalaan at maliit para sa edad niya. Hindi siya nakapasa
sa pagsusulit sa ateneo. Meron lang siyang kakilala na si Padre Burgos at mga Jesuits
kaya si Rizal ay natanggap na pumasok sa ateneo. Sa unang pagkakataon ginamit ni Jose
ang Rizal imbes na ang Mercado.
Unang Taon sa Ateneo (1872-1873)
 Upang mapagbuti ni Rizal ang kanyang kaalaman sa wikang Espanyol siya ay
nagpaturo ng mga aralin sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng kanyang
pamamahinga sa tanghali.
 Padre Jose Bech – ang guro ni Rizal sa unang taon niya sa Ateneo.
Pangalawang Taon (1873-1874)

 Dumating sa Ateneo ang ilan sa mga dati niyang kamag-aral sa Biñan.


 Nagsimula si Rizal sa pagkahilig niya sa pagbabasa at ang ilan sa mga aklat ay ang
mga sumusunod:
-Count of Monte Cristo na isinulat ni Alexander Dumas
-Universal History na isinulat ni Cesar Cantu na pinipilit niyang ipabili sa
kanyang ama.
-Travels in the Philippines ni Doktor Feodor Jagor
 Si Padre Jose Bech siya parin ang kanyang naging guro.
Pangatlong Taon (1875-1876)

Nakilala ni Jose Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez, ang nasabing pari ang:
Humikayat kay Rizal para mag-aral ng mabuti, lalo na sa pagsulat ng mga tula.
Sinabihan ni Rizal na si Padre Francisco de Paula Sanchez ay isang modelo ng
katuwiran at pagsisikap para sa pag-unlad ng kanyang mga mag-aaral.
Romundo de Jesus – guro sa eskultura.

Peninsula De Agustin Saez – guro sa pagpinta at paglilok.


Padre Villaclara at Padre Mineves – iba pang guro sa huling taon.
Huling Taon (1877-1877)
Nag-aral si Rizal ng Pilosopiya, Physics, Chemistry at Natural History. Hinikayat
siya ni Padre Jose Villarada na itigil ang pagsusulat at iwan ang grupong Musa (Muses)
subalit hindi ito sinunod ni Rizal. Nagtapos si Rizal sa Ateneo noong Marso 23, 1877
nang may limang medalya at natamo sa paaralan ang Bachiller en Artes.

Sa Unibersidad ng Santo Tomas

Siya ay nag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nagpatala sa kursong Medisina


upang matulungan niya ang kanyang inang may sakit sa mata. Tinapos din niya at ipinasa
ang pagsusulit sa kursong Surbeyor. Natamo ni Rizal ang pinakamataas na karangalan
nang matapos niya ang kurson “Bachiller de Artes’’ noong Marso 23, 1877, sa gulang
na 16 na taon. Kumuha ng Pilosopiya at Panitikan. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha
ang agham ng Pagsasaka.

Ang tulang “Sa Aking Inspirasyon” na inihandog niya sa kanyang Ina ang unang
tula na naisulat niya bilang mag-aaral sa Ateneo.

Nakita niya sa Unibersidad ng Santo Tomas ang kawalang paggalang sa mag-


aaral na Pilipino kung kaya’t labis-labis ang kanyang pagkadismaya sa pag-aaral niya rito
kaya nagpasya siyang magpatuloy na lamang ng kanyang pag-aaral sa ibang bansa.

Lalong nagtiim ang kanyang desisyong mangibang bansa nang minsang


pagpapaluin siya ng isang gwardya sibil dahil nakalimutan niyang magbigay galang dito.
Nagsumbong siya kay Heneral Primo de Vera ngunit hindi siya pinansin.

Sa Espanya (Unibersidad Central De Madrid)


Noong Mayo 3, 1880, lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang at ng
pamahalaan,siya ay palihim na umalis ng bansa. Ginamit niya ang pangalang Jose
Mercado. Labis na kalungkutan ang kanyang dinanas nang siya’y nasa Espanya. Kumalat
ang sakit na Cholera na hindi nagawang pigilan ng pamahalaan. Maliban dito ay labis
niyang dinamdam ang kalungkutan at pamamayat ni Leonor Rivera na kanyang
kasintahan.
Ang paghihirap ng kanyang pamilya ay labis din niyang dinamdam. Tinaasan ng
buwis ang lupang kanilang sinasaka sa dahilang nagalit ang isang Dominikong pari dahil
hindi siya binigyan ng isang pabo.
Noong Hunyo 21, 1884, natapos ng kursong Medisina si Rizal sa Unibersidad
Central de Madrid. Hindi niya nakuha ang kanyang diploma sa dahilang di niya
naisumite ang kanyang tisis at sa di niya pagbabayad sa kaukulang halaga para sa
pagtatapos.
Noong sumunod na taon ay natapos din niya ang kursong Pilosopiya sa paaralan
ding iyon noong 1885. Nagtungo rin si Rizal sa Paris at Germany upang
magpakadalubhasa sa panggamot ng mata at malaki ang kanyang natutuhan kay Dr.
Louis Wecker. Nagtrabaho din si Rizal sa isang ospital sa Heidelberg sa pamamahala ni
Dr. Otto Becker.
SA BERLIN
Isa sa mga lugar na hinangaan ni Rizal ang Berlin. Minsan ay nahirang siyang
tagapanayam sa isang Unibersidad. Inilahad niya ang “Tatlong Metrical Art” na
hinahangaan ng lahat at nailathala ito na umani naman ng maraming papuri. Maraming
kaugaliang Aleman ang pinuri ni Rizal. Ang paghahanda ng Christmas Tree na yari sa
karayom na may sabit na parol at ilaw-ilawan.
SA HAPON
Isa pa rin sa nagpatibok ng kanyang puso ang dalagang si Osei-san. Sa kanyang
pamalagi roon ay nakita niya minsan ang mga bandang Pilipino na tumutugtog sa isang
parke. Naisip niyang hindi mababang uri ang mga Pilipino kundi nabibilang sila sa mga
matataas na uri ng tao sa lipunan at puwede pumantay kahit kaninumang lahi sa
daigdig.
SA AMERIKA
Nakita niya ang diskriminasyon sa pagitan ng mga puting Amerikano sa mga
Intsik at itim na Amerikano. Sa panahong iyon sa Amerika ay usong-uso ang pag-
aangkat ng mga intsik upang gawin nilang trabahador dahil mababa lamang ang kanilang
pasahod sa mga ito. Bagamat maunlad ang bansang ito at maganda ang inaalok na
trabaho para sa mga dayuhan ay makikita pa rin ang diskriminasyon sa mga mayayaman
at mahihirap nilang mamamayan.
SA LONDON
Pagkagaling sa Amerika ay pinili ni Rizal na tumungo sa London sa dahilang:
1. Upang mapahusay ang kanyang pagsasalita ng Ingles.
2. Upang pag-aralan ang mga aklat ni Morga Luna, ang “Succesos de las Islas
Pilipinas”.
3. Sa bansang ito ay sinikap niyang maisakatuparan ang pagtuligsa sa mga Kastilang
nasa kanyang bayan. Sumulat siya ng mga artikulo na pawang tumutuligsa sa
mga Prayleng Kastila dahil sa kanilang pamamalabis at pang-aabuso na inilathala
niya sa pahayagang La Solidaridad.

SA PARIS
Noong Marso 19, 1889, hinikayat ni Rizal ang kanyang mga kababayang nasa
Paris na magtatag ng isang samahan na nagngangalang KIDLAT CLUB.
Nakuha niya ang suporta ni Ferdinand Blumentritt at itinatag niya ang isang
samahang tinawag na “International Association of Filipinologist”.
SA BELGIUM
Lumipat ng Belgium si Rizal upang magtipid. Sinimulan niya sa bansang ito ang
pagsulat niya ng kanyang nobelang El Filibusterismo. Maraming artikulo ang kanyang
isinulat na ipinalathala niya sa pahayagang La Solidaridad.
SA MADRID
Humingi ng katarungan para sa kanyang pamilya at kababayan sa Kalamba.
Nalaman niya na si Leonora ay nagpakasal sa isang Inhinyerong Ingles. Nabuo ang aklat
na karugtong ng Noli Me Tangere dahil sa pagtulong ni Valentin Ventura. Sa kakulangan
ng salapi ay muntik na niya itong hindi napalimbag.

You might also like