You are on page 1of 8

KABANATA 1 - ANG PAGDATING NG PAMBANSANG BAYANI

A. Pagsilang

1. Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna

2. Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo 22, 1861.

3. Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal

4. Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal

A. Magulang

1. Francisco Mercado

Ipinanganak noong Mayo 11, 1818

Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San San Jose

Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang Dominicano sa Calmba.

Namatay noong Enero 5, 1898.

2. Teodora Alonzo

Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila

Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa

Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol.

Namatay noong Agosto 16, 1911

A. Magkakapatid na Rizal

1. Saturnina

2. Paciano

3. Narcisa

4. Olympia

5. Lucia

6. Maria

7. Jose
8. Concepcion

9. Josefa

10. Trinidad

11. Soledad

A. Mga Ninuno

1. Ninuno sa Ama

Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines de la Rosa naging anak si

Francisca Mercado at napangasawa si Cerila Bernacha naging anak si

Juan Mercado at napangasawa si Cerila Alejandro at naging anak si

Francisco Mercado at napangasawa si Teodora Alonzo at naging anak si

Jose Rizal

2. Ninuno sa Ina

Eugenio Ursua napangasawa si Benigna at naging anak nila si

Regina na naging asawa ni Manuel de Quintos at naging anak nila si

Brigida na napangasawa ni Lorezo Alberto Alonzo at naging anak nila si

Teodora Alonzo na napangasiwa ni Francisco Mercado at naging anak nila si

Jose Rizal

A. Pamilyang Rizal

1. Ang Kabuhayan ng Pamilya

Ang pamilya ay kabilang sa pangkat na principalia at isa sa mga kinikilalang pamilya sa Calamba.

Ang ama ay nangungupahan sa lupain na pag-aari ng hacienda ng mga Dominicano sa Calamba at


tinataya na ang kaniyang lupang sinasaka ay umaabot ng 600 na hektarya. Ang lupa ay tinataniman ng
palay mais at tubo.

Maliban sa pagsasaka ang pag-aalaga ng hayop ay isa sa kanilang mga hanapbuhay.

4. Ang ina ni Rizal ay mayroong isang tindahan sa ilalim ng kanilang bahay, gilingan ng trigo para
maging harina, at gawaan ng hamon.

5. Ang pamilya ay isa sa mga unang nakapagpagawa ng bahay na bato sa Calamba.


6. Nagmamay-ari sila ng isang karwahe na isang karangyaan sa panahong iyon.

7. Mayroon silang isang aklatan sa bahay na naglalaman ng 1,000 aklat.

8. Naipadala ng mga Rizal ang kanilang mga anak sa Maynila para mag-aral.

B. Ang Tahanan ng mga Rizal

1. Ang bahay ng mga Rizal ay gawa sa bato at matitigas na kahoy at ito ay nakatayo na malapit sa
simbahan ng Calamba.

2. Ang paligid ng kabahayan ay natataniman ng mga punong atis, balimbing, chico, macopa, papaya,
santol, tampoy, at iba pa.

3. Ang bakuran ng bahay ay naging alagaan ng mga manok at pabo

KABANATA 2 – KABATAAN SA CALAMBA

1. Mga Ala-ala ng Kamusmusan

Panonood ng mga ibon.

Araw-araw na pagdadasal sa oras ng angelus.

Pagkukuwento ng kaniyang yaya ukol sa asuwang, nuno, at tikbalang.

Ang una niyang kalungkutan ay ang pagkamatay ng kaniyang nakababatang kapatid na si Concha.

Sa edad na tatlo ay nakasama na siya sa pagdadasal ng pamilya.

Pagpunta sa Antipolo noong Hunyo 6, 1868. Ito ang kaniyang unang pagtawid sa Lawa ng Laguna.
Pagkatapos ng pagpunta sa Antipolo ay nagtungo sila ng kaniyang tatay sa Maynila.

Ang hindi niya malimutan ay ang kuwento ng kaniyang ina ukol sa gamo-gamo.

2. Mga Talento sa Panahon ng Kamusmusan

Inayos niya at binigyan ng bagong guhit ang bandera ng simbahan.

Paggagawa ng imahen mula sa putik (clay).

Sa edad na 8 ay kaniyang isinulat ang tulang Sa Aking mga Kabata na nagbibigay ng pagpapahalaga sa
kaniyang sariling wika.
Sa edad na 8 ay sinulat niya ang isang drama na nakaukol sa kapistahan ng Calamba at ang nasabing
gawa ni Rizal ay binili sa kaniya ng gobernadorcillo ng Paete, Laguna

1. Mga Inpluwensiya Kay Rizal

Namana

1. Mula sa mga ninunong Malayo ay namana niya ang pagmamahal sa kalayaan,


paghahangad sa paglalakbay, at katapangan.

2. Mula sa kaniyang mga ninunong Tsino ay namana niya ang pagiging seryoso, katipiran,
katiyagaan, at pagmamahal sa mga bata.

3. Mula sa kaniyang mga ninunong Espanyol ay namana niya kapinuhan sa pagkilos at


kanipisan sa insulto.

4. Mula sa kaniyang ama ay namana niya ang pagtitiyaga sa trabaho, paggalang sa sarili,
at malayang pag-iisip.

5. Mula sa kaniyang ina ay namana niya pagpapakasakit sa sarili at pagnanais sa sining at


panitikan.

Kapaligiran

1. Ang kapaligiran ng Calamba ay nagsilbing kaniyang pang-enganyo sa pagmamahal sa


sining at literatura.

2. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay nagturo sa kaniyang kaisipan ukol sa


pagmamahal sa kalayaan at katarungan.

3. Mula sa kaniyang mga kapatid na babae ay natutunan niya ang paggalang sa mga
kababaihan.

4. Ang pakikinig niya sa mga kuwento ng kaniyang yaya ay nagbigay sa kaniyang interes sa
mga kuwentong bayan at mga alamat.

5. Mula sa kaniyang tatlong mga kapatid ay nainpluwensiyahan siya ng mga sumusunod:

1. Jose Alberto Alonzo ay natutunan niya ang pagmamahal sa sining.

2. Manuel Alonzo ay natutunan niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng


katawan.

3. Gregorio Alonzo ay natutunan niya ang ang malabis na pagkahilig sa


pagbabasa.

6. Padre Leoncio Lopez ay natutunan niya ang pagmamahal sa makaiskolar at pilsopikal


na pag-iisip.
KABANATA 3 - ANG PAG-AARAL SA CALAMBA AT BIÑAN

Mga Unang Guro ni Rizal

1. Doña Teodora Alonzo - ang unang guro ni Rizal

2. Mestro Celestino

3. Lucas Padua

4. Leon Monroy

Pagpunta sa Biñan

1. Hunyo 1869 - si Rizal ay umalis ng Calamba para magtungo sa Biñan para mag-aral.

2. Sinamahan siya ng kaniyang kapatid na si Paciano.

3. Justiniano Aquino Cruz - ang naging guro ni Rizal sa Biñan.

Mga Naging Gawain sa Pag-aaaral

1. Sa unang pagkikita niya sa kaniyang guro ay sinabi niya ang kaniyang kakauntian ng
kaalaman sa Espanyol at Latin.

2. Sinabi ni Rizal na ang kaniyang guro ay may kahusayan sa balarilang Espanyol na sinulat
nina Nebrija at Gainza.

3. Nakaaway ni Rizal si Pedro na anak ng kaniyang guro.

4. Nagkaroon din siya ng away sa mga bata sa Biñan isa na rito si Andres Salandanan na
tumalo sa kaniya.

5. Nag-aral si Rizal ng pagpipinta kay Matandang Juancho na dito ay nakasama ng


kaniyang kaeskuwelang si Jose Guevarra.

6. Sa pagsapit ng ilang buwan si Rizal ay nanguna sa kaniyang mga kaeskuwela sa mga


Espanyol, Latin at iba pang mga aralin.

7. Sa kabila ng kahusayan ni Rizal sa pag-aaral, siya ay napapalo ng kaniyang maestro


halos araw-araw dahilan sa mga sumbong laban sa kaniya ng kaniyang mga kamag-aral.

8. Nilisan ni Rizal ang pag-aaral sa Biñan noong Disyembre 1870 pagkatapos ng halos isa
at kalahating taon.

9. Nilisan ni Rizal ang Biñan sakay ng Barkong Talim na naghatid sa kaniya sa Calamba.
Ang Gomburza

1. Sa kaniyang pag-uwi sa Calamba ay nabalitaan niya ang Pag-aalsa sa Cavite at ang


pagbitay sa tatlong paring martir na sina Jose Burgos, Mariano Gomez, at Jacinto Zamora.

2. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay naging malapit na mag-aaral ni Padre Jose


Burgos.

3. Si Paciano sa maraming pagkakataon ay naibahagi kay Rizal ang mag ideya at


pilosopiya ni Jose Burgos.

Kawalan ng Katarungan sa Kaniyang Ina

1. Pagkatapos ng kamatayan ng Gomburza, ang ina ni Rizal ay pinagbintangan na


nagbabalak na lasunin ang asawa ng kaniyang kapatid (Jose Alberto) .

2. Ang mga kaaway ng pamilyang Rizal at ang hipag ng kaniyang ina ay


nagkipagsabawatan upang maisangkot ang ina sa nasabing bintang na paglason.

3. Pagkatapos na madakip ni Donya Teodora, ito ay pinaglakad mula Calamba hanggang


Santa Cruz, Laguna na ang layo ay 50 kilometro.

4. Ang ina ni Rizal ay nakulong sa loob ng dalawa at kalahating taon.

KABANATA 4 PAG-AARAL SA ATENEO

Ang Pagpasok ni Rizal sa Ateneo

1. June 20, 1872 – sinamahan si Rizal ni Paciano para magpunta sa Maynila. Kumuha ng
pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa sa Colegio ng San Juan de Letran.
Nagbalik si Rizal sa Calamba mula sa Maynila para dumalo ng kapistahan sa kaniyang pagbabalik sa
Maynila ay nagbago ng isip si Rizal at nagbalak na pumasok sa Ateneo.

2. Hindi tinanggap si Rizal sa Ateneo dahilan sa siya

1. huli na sa patalaan

2. maliit para sa kaniyang edad

3. Sa unang pagkakataon ay ginamit ni Jose ang kaniyang apelyidong Rizal imbes na


Mercado.

4. Manuel Xerex Burgos – ang pamangkin ni Jose Burgos na tumulong upang makapasok
si Rizal sa Ateneo.
5. Nanirahan siya sa isang paupahang bahay na pag-aari ni Señora Titay sa Daang
Caraballo, na nasa labas ng Intramuros.

Sistema ng Edukasyong Heswita

1. Mas adbanse ang edukasyong ipinagkakaloob ng mga Jesuita kumpara sa mga kolehiyo
noong sa Pilipinas.

2. Ang layunin ng edukasyon ng mga Jesuita ay ang hubugin ang mga mag-aaral sa mga
aral ng Katolisismo, kaalaman sa sining at agham. Ang isang matalinong Katoliko mula sa pananaw ng
mga Jesuita ay magiging mabuting tagapagtanggol ng simbahan. Ang pangunahing pilosopiya ng Ateneo
ay Ad Majorem Dei Gloriam – Para sa Higit na Kadakilaan ng Diyos.

3. Hinati ang klase sa dalawang pangkat

1. Imperyong Romano – katawagan sa mga internos o mga mag-aaral na nakatira sa loob


ng bakuran ng Ateneo.

2. Imperyong Cartago – katawagan sa mga externos o mga mag-aaral na nakatira sa loob


ng bakuran ng Ateneo.

. Unang Taon sa Ateneo (1872-73)

1. Padre Jose Bech S.J. – ang guro ni Rizal sa kaniyang unang taon sa Ateneo.

2. Nagsimula siyang nasa mababang ranggo sa imperyong Cartago ngunit sa paglipat ng


mga linggo ay nagawang makapanguna sa kaniyang mga kamag-aral.

3. Napanalunan niya ang kaniyang unang gantimpala sa kaniyang pag-aaral – isang


larawang pangrelihiyon.

4. Upang mapagbuti ni Rizal ang kaniyang kaalaman sa wikang Esanyol siya ay nagpaturo
ng aralin sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng kaniyang pamamahinga sa tanghali.

5. Sa kalagitnaan ng taon si Rizal ay hindi nagbuti sa kaniyang pag-aaral upang mapanatili


ang kaniyang pangunguna sa klase ito ay dahilan sa kaniyang sama ng loob sa hindi makatwirang puna ng
guro sa kaniya.

6. Sa bakasyon ng 1873, si Rizal ay hindi naging masaya dahilan sa nasa bilangguan ang
kaniyang ina. Lihim na pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang kaniyang ina at kinuwentuhan niya ang
ina ukol sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo.

Ikalawang Taon sa Ateneo (1873-74)

1. Walang masyadong mahalagang pangyayari kay Rizal sa Ateneo sa taong ito.


2. Hindi nagpakita ng pangunguna sa pag-aral si Rizal dahilan sa sama ng loob dailan sa
hindi magandang puna ng guro sa kaniya

3. Dumating sa Ateneo ang ilan sa kaniyang mga dating kamag-aral sa Biñan.

4. Hinulaan ni Rizal ang nalalapit na paglaya ng kaniyang ina.

5. Nagsimula si Rizal ng kaniyang pagkahilig sa pagbabasa at ilan sa mga aklat na ito ay


ang mga sumusunod:

1. Count of Monte Cristo na sinulat ni Alexander Dumas.

2. Universal History na sinulat ni Cesar Cantu na pinilit niyang ipabili sa


kaniyang ama.

3. Travels in the Philippines na isinulat ni Dr. Feodor Jagor

Ikatlong Taon sa Ateneo (1875-76)

1. Nagbalik si Rizal sa Ateneo para sa kaniyang Ikatlong Taon.

2. Dumating ang kaniyang ina at ipinaalam kaniyang paglaya kay Rizal.

3. Hindi rin kinakitahan ng pangunguna si Rizal sa klase.

4. Natalo siya ng mga kamag-aral na Espanyol sa wikang Espanyol dahilan sa mas


mahusay ang mga ito sa sa tamang pagbigkas.

Ika-apat na Taon sa Ateneo (1876-77)

1. Sa taong ito ay nakilala ni Jose Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez S.J. Ang
nasabing pari ang humikayat kay Rizal para mag-aral na mabuti, lalo na sa pagsulat ng mga tula.

2. Sinabi ni Rizal na si Padre Francisco de Paula Sanchez ay isang modelo ng katuwiran at


pagsisikap para sa pag-unlad ng kaniyang mga mag-aaral.

3. Dahilan dito ay nagbalik ang sigla ni Rizal sa pag-aaral at natapos ang taon ng pag-aaral
na mayroong limang medalya.

You might also like