You are on page 1of 9

Anthony Gio L.

Andaya BSE-EN

2-1

Modyul Sa Buhay Ni Dr. Jose Rizal:

4. MGA GANTIMPALANG NATAMO SA ATENEO DE MANILA

4.1 PUMASOK SI RIZAL SA ATENEO (1872-1877)


 Noong     Hunyo 20, 1872 sinamahan si Jose ng kanyang kapatid na si Pacianopara magpunta sa Maynila.
Kumuha ng pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa sa Colegio ng San Juan de Letran.
Nagbalik si Rizal sa Calamba mula sa Maynila para dumalo ng kapistahan sa kaniyang pagbabalik sa Maynila ay
nagbago ng isip si Rizal at nagbalak na pumasok sa Ateneo.
 Mga Dahilan Kung Bakit Ayaw Tanggapin si Rizal Sa Ateneo:
1. Huli na siya sa pagpapatala.
2. Masakitin siya at maliit para sa kanyan edad.
    Sa unang pagkakataon ay ginamit ni Jose ang kaniyang apelyidong Rizal imbes na Mercado.
 Tinulungan siya ni Padre Manuel Xerex Burgos na pamamgkin ni Padre Jose Burgos upang makapasok siya sa
Ateneo.
  Nanirahan siya sa isang paupahang bahay na pag-aari ni Señora Titay sa Daang Caraballo, na nasa labas ng
Intramuros.
4.2 ANG SISTEMANG PANG-EDUKASYON NG MGA HESWITA
 Mas adbanse ang edukasyong ipinagkakaloob ng mga Heswita kumpara sa mga kolehiyo noong sa Pilipinas.
    Ang layunin ng edukasyon ng mga Jesuita ay ang hubugin ang mga mag-aaral sa mga aral ng Katolisismo,
kaalaman sa sining at agham. Ang isang matalinong Katoliko mula sa pananaw ng mga Jesuita ay magiging
mabuting tagapagtanggol ng simbahan.
 Ang pangunahing pilosopiya ng Ateneo ay Ad Majorem Dei Gloriam o Para sa Higit na Kadakilaan ng Diyos.
 Hinati Ang Klase Sa Dalawang Pangkat:
1. Imperyong Romano – katawagan sa mga internos o mga mag-aaral na nakatira sa loob ng bakuran ng
Ateneo.
2.   Imperyong Carthagena – katawagan sa mga externos o mga mag-aaral na nakatira sa loob ng bakuran ng
Ateneo.
 Laging napapaligsahan ang dalawang pangkat. Sa simula ng pasukan sila ay gumagamit ng dalawang bandila.
 Sa unang pagkatalo, ang bandila ng natalong pangkat ay inililipat sa kaliwang bahagi ng silid.
 Sa ikalawang pagkatalo, inilalagay ito sa mababang posisyon sa kanang bahagi.
 Sa pangatlong pagkatalo, ang nakatagilid na bandila ay inilalagay sa kaliwa.
 Sa ikaapat, ang bandila ay ibinabaligtad at inilalagay sa kanan.
 Sa panlima, ang nakanbaligtad na bandila ay inilalagay sa kaliwa.
 At sa pang-anim, ang bandila ng natalo ay pinapalitan ng pigura ng isang asno.
 Ang uniporme ng mga mag-aaral sa Ateneo ay “pantalong hinabi mula sa abaka at guhit-guhit na amerikanang
gawa sa bulak”. Ang material ng amerikana ay tinawag na “rayadillo” na ginawang uniporme ng mga sundalong
Pilipino noong mga unang araw ng Unang Republika ng Pilipinas.
4.3 ANG UNANG TAON NI RIZAL SA ATENEO (1872-1873)
   Si Padre Jose Bech ang guro ni Rizal sa kaniyang unang taon sa Ateneo.
 Nagsimula siyang nasa mababang ranggo sa imperyong Cartago ngunit sa paglipat ng unang buwan ay nagawang
makapanguna sa kaniyang mga kamag-aral at siya ang naging “Emperador”.
      Napanalunan niya ang kaniyang unang gantimpala sa kaniyang pag-aaral at ito ay isang larawang
pangrelihiyon.
     Upang mapagbuti ni Rizal ang kaniyang kaalaman sa wikang Espanyol,nagbabayad siyang tatlong piso upang
makakuha ng pribadong aralin sa “Kolehiyo ng Santa Isabel “sa panahon ng kaniyang pamamahinga sa tanghali.
  Sa ikalawang hati ng taon sa Ateneo, si Rizal ay hindi masyadong nagpursige sa kaniyang pag-aaral upang
mapanatili ang kaniyang pangunguna sa klase ito ay dahilan sa kaniyang sama ng loob sa hindi makatwirang
puna ng guro sa kaniya.
 Sa kanyang bakasyon noong 1873, si Rizl ay hindi nagging Masaya sapagkat ang kanyang ina ay napipiit sa
bilangguan.
 Lihim siyang nagpunta sa Santa Cruz, Laguna para dalawin ang kaniyang ina at kinuwentuhan niya ito ukol sa
kaniyang pag-aaral sa Ateneo.
4.4 PANGALAWANG TAON SA ATENEO (1873-1874)
 Walang masyadong mahalagang pangyayari kay Rizal sa Ateneo sa taong ito.
 Hindi nagpakita ng pangunguna sa pag-aral si Rizal dahilan sa sama ng loob dailan sa hindi magandang puna ng
guro sa kaniya.
 Dumating sa Ateneo ang ilan sa kaniyang mga dating kamag-aral sa Biñan.
 Hinulaan ni Rizal ang nalalapit na paglaya ng kaniyang ina.
 Nagsimula si Rizal ng kaniyang pagkahilig sa pagbabasa at ilan sa mga aklat na ito ay ang mga sumusunod:
1.   Count of Monte Cristo na sinulat ni Alexander Dumas.
2.   Universal History na sinulat ni Cesar Cantu na pinilit niyang ipabili sa kaniyang ama.
3. Travels in the  Philippines na isinulat ni Dr. Feodor Jagor.
 Hinangaan ni Rizal ang libro ni Jagor dahil sa mga sumusunod na dahilan:
1. Matalas na obserbasyon ni Jagor sa mga pagkukulang ng kolonisasyon ng Espanya.
2. Ang hula ni Jagor na baling araw ay mawawala sa Espanya ang Pilipinas at ang papalit na kolonisador ay ang
Amerika.
4.5 PANGATLONG TAON SA ATENEO (1874-1875)
         Nagbalik si Rizal sa Ateneo para sa kaniyang Ikatlong Taon.
   Dumating ang kaniyang ina at ipinaalam kaniyang paglaya kay Rizal.
 Hindi rin kinakitahan ng pangunguna si Rizal sa klase.
  Natalo siya ng mga kamag-aral na Espanyol sa wikang Espanyol dahilan sa mas mahusay ang mga ito sa sa
tamang pagbigkas.
4.6 IKAAPAT NA TAON SA ATENEO (1875-1876)
 Sa taong ito ay nakilala ni Jose Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez. Ang nasabing pari ang humikayat kay
Rizal para mag-aral na mabuti, lalo na sa pagsulat ng mgatula.
     Sinabi ni Rizal na si Padre Francisco de Paula Sanchez ay isang modelo ng katuwiran at pagsisikap para sa pag-
unlad ng kaniyang mga mag-aaral.
  Dahil dito ay nagbalik ang sigla ni Rizal sa pag-aaral at natapos ang taon ng pag-aaral na mayroong limang
medalya.
4.7 HULING TAON SA ATENEO (1876-1877)
         Naging ganap ang sigla ni Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo.
 agtapos si Rizal sa Ateneo noong Marso 23, 1877 at natamo sa paaralan angBachiller en Artes.
4.8 IBA PANG GAWAIN SA ATENEO
 Mga Samahang Kinasapian ni Rizal:
1. Kalihim ng Kongregasyon ni Maria
2. Kasapi ng Akademya ng Literaturang Espanyol
3. Kasapi ng Akademya ng Likas na Agham
 Nag-aral siya pagguhit kay Agustin Saez na kilalang mahusay na pintor na Espanyol.
  Nag-aral siya ng paglililok kay Romualdo de Jesus.
     Nag-aral din siya ng eskrima at gymnastics.
 Pinayuhan siya ni Padre Jose Villaclara na tigilan na ang pagsulat ng tula ngunit hindi siya nakinig dito.
4.9 MGA ISTATWANG GINAWA SA ATENEO
 Imahen ni Birheng Maria mula sa kahoy ng batikuling.
 Imahen ng Sagradong Puso ni Hesus na inialay niya kay Padre Lleonart.
4.10 MGA TULANG ISINULAT SA ATENEO
 1874:
1. Mi Primera Inspiracion(Aking Unang Inspirasyon)
 1875:
1. Felicitacion(Pagbati)
2. El Embarque: Himno A La Flota De Magallanes
3. Y Es Español: Elcano , El Primero En Dar La Vuelta Al Mundo
4. El Combate: Urbiztondo, Terror De Jolo
 1876:
1. Un Recuerdo A Mi Pueblo
2. Alianza Intima Entre La Religion Y La Buena Educacion
3. Por La Educacion Recibe Lustre La Patria
4. El Cautivero Y El Triunfo: Batalla De LUcena Y Prision De Boabdil
5. La Entrada Triunfal De Los Reyes Catolices En Granada
 1877:
1. El Heroismo De Colon
2. Colon Y Juan II
3. Gran Consuelo En La Mayor Desdicha
4. Un Dialogo Alusivo A La Despedida De Los Colegiales
4.11 MGA GAWAING PANTEATRO NI RIZAL SA ATENEO
 Ang dulang pinamagatang “San Eustacio,Martir” na pinuri ng mga guro at estudyante sa Ateneo.
4.12 UNANG PAG-IBIG NI RIZAL
 Segunda Katigbak –ang babaeng unang minahal ni Rizal, kapatid ni Mariano Katigbak.
 Mariano Katigbak – kapatid ni Segunda at kaibigan ni Rizal.
 La Concordia  – ang paaralan na pinapasukan ni Segunda Katigbak.
 Humiling ang mga bisita ng kanyang lola na iguhit ni Rizal si Segunda at ito nama’y kanyang pinaunlakan.
 Hindi naipagtapat ni Rizal ang kanyang tunay na damdamin kay Segunda.
 Wala nang pag-asa ang kanilang pag-iibigan sapagkat naipagkasundo na si Segundo sa kababayan niyang si
Manuel Luz.
5. PAG-AARAL NG MEDISINA SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS (1877-1882)

5.1 ANG OPOSISYON NG INA SA MATAAS NA PINAG-ARALAN


  Sa pagtatapos ni Rizal sa Ateneo ay naghanda siya para sa pag-aaral sa unibersidad.
  Ang planong pagpasok ni Rizal sa unibersidad ay tinutulan ng kaniyang ina dahilan sa pagkakaroon nito ng
maraming kaalaman ay nanganganib ang buhay ni Rizal.
   Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ina si Rizal ay isinama ni Paciano sa Maynila para mag-aral.
5.2 PUMASOK SI RIZAL SA UNIBERSIDAD
 Noong Abril 1877 nagpatala para mag-aral si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas.
     Ang una niyang kursong kinuha ay Pilosopia Y Letra bunga ng mga sumsusunod na dahilan:
1. Ito ang gusto ng kaniyang ama.
2.  Wala pa siyang tiyak na kursong gusto.
 Humingi ng payo si rizal sa rektor ng Ateneo na si Padre Pablo Ramon tungkol sa kursong dapat niyang kunin.
 Hindi agad siya napayuhan ni Padre Ramon sapagkat siya ay nasa Mindanao noong mga panahong iyon.
 Ang noong unang taon niya sa Unibersidad, nag-aral si Rizal ng Kosmolohiya, Metapisika, Teodisiya at
Kasaysayan ng Pilosopiya.
  Sa ikalawang Semestre ng nasabing taon ay natanggap ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Ramon na nagpapayo sa
kaniya na kumuha ng Medisina. Kinuha ni Rizal ang kurso dahilan sa kaniyang pagnanais na magamot ang
kaniyang ina.
5.3 TINAPOS ANG KURSONG AGRIMENSURA SA ATENEO (1878)
 Kumuha si Rizal ng kursong bokasyonal na agrimensura sa Ateneo.
 Nakamit niya ang titulong “Perito Agrimensor” o “Dalubhasang Agrimensor”.
 Nanguna si Rizal sa lahat ng asignatura niya sa agrimensura at nagkamit siya ng gintong medalya sa agrikultura
at topograpiya.
 Sa edad na 17, naipasa niya ang eksamen sa kursong agrimensura ngunit hindi kaagad naigawad ang kanyang
diploma sapagkat siya ay wala pa sa hustong edad.
 Naibigay ang kanyang diploma noong Nobyembre 25, 1881.
5.4 MGA PAG-IBIG NI RIZAL
 Nagkaroon si Rizal ng relasyon sa mga sumusunod na babae:
1. Jacinta Ibardo Laza o Binibining L. – isang babae na taga Calamba na laging dinadalaw ni Rizal sa gabi sa
panahon ng bakasyon na umuuwi siya mula Maynila na bigo kay Segunda Katigbak.
2.   Leonora Valenzuela – may palayaw na “Orang”, kapitbahay ng inuupahang bahay ni Rizal. Kaniya itong
pinadadalhan ng sulat sa pamamagitan ng hindi nakikitang tinta.
3.  Leonor Rivera – pinsan ni Rizal at anak ng kaniyang tiyuhin na si Antonio Rivera na may-ari ng bahay na
kanyang inuupahan. Sa kanilang pagsusulatan ay ginagamit ni Leonor ang pangalang “Taimis” upang maitago
nila ang kanilang relasyon.
5.5 BIKTIMA NG OPISYAL NA ESPANYOL
 Isang gabing madilim sa Calamba noong 1878, siya ay naglalakad sa kalsada ngunit hindi niya napansin na may
isa siyang lalaking nadaanan.
 Hindi niya naaninagan ang mukha ng lalaki kaya hindi niya nakilala na ito pala ay isang tinyente ng Guardia
Civiles.
 Nagalit ito at hinampas ng sable si Rizal sa kanyang likuran.
 Nagsumbong si Rizal kay Gob. Hen. Fernando Primo de Rivera ngunit hindi ito pinakinggan sapagkat siya ay isang
Indio at Kastila ang kanyang inirereklamo.
5.6 A LA JUVENTUD FILIPINA (1879)
 Noong 1879, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario. 
 Ang nasabing paligsahan ay para lamang sa mga Pilipino.
 Si Rizal na noo’y 18 taong gulang ay nagsumite ng tulang pinamagatang “A La Juventud Filipina” o “Para Sa
Kabataang Pilipino”.
 Nagwagi si Rizal sa nasabing paligsahan at nagkamit ng gantimpalang “pilak na panulat na hugis pakpak at may
dekorasyong gintong laso”.
5.7 EL CONSEJO DE LOS DIOSES (1880)
      Noong 1880, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario ukol bilang pag-paparangal sa ika-
400 taon ng kamatayan ni Miguel de Cervantes.
 Ang paligsahan ay bukas sa mga Pilipino at Espanyol.
 Sa nasabing paligsahan ang kaniyang ginawang akda na may pamagat na El Consejo de los Dioses ay nanalo ng
unang gantimpla.
 Umapela ang mga Espanyol sapagkat isang Indio raw ang nanalo sa paligsahan ngunit ang apelang ito ay hindi
pinakinggan.
 Napanalunan ni Rizal ang isang gintong singsing na may nakaukit na mukha ni Cervantes.
5.8 IBA PAMPANITIKANG GAWAIN
 Abd-El-Azis Y Mahoma (1879)
 Junto Al Pasig (1880)
 Al M.R.P. Pablo Ramon (1881)
5.9 PAGBISITA NI RIZAL SA PAKIL AT PAGSANJAN
 Noong Mayo 1881, sumama si Rizal sa peregrinasyon sa bayan ng Pakil, Laguna na kilalang dambana ng Birheng
Maria de los Dolores.
 Kasama niya ang kanyang mga kapatid na sina Saturnina, Maria, Trinidad at kanilang mga kaibigang babae.
 Nakituloy sila kina G. at Gng. Manuel Regalado na mga magulang ng kanyang kaibigang si Nicolas.
 Nabighani siya kay Vicenta Ybardolaza, na mahusay tumugtog ng alpa sa bahay ng mga Regalado.
 Mula Pakil, nagdaan si Rizal at ang kanyang mga kasamahan sa kalapit bayan na Pagsanjan sa dalawang
kadahilanan:
1. Ito ang baying sinilangan ni Leonor Valenzuela.
2. Makita ang Talon ng Pagsanjan na kilala sa buong mundo.
5.10 KAMPEON NG MGA ESTUDYANTENG PILIPINO
 Nagtayo sina Rizal ng isang samahan na tinatagwag na “Compañerismo” sa layunin na ipagtanggol ang kanilang
sarili laban sa mga pang-iinsulto ng kanilang mga kamag-aral na Espanyol.
 Ang mga kasapi ay tinawag na mga “Kasama ni Jehu”.
 Si Galicano Apacible na kanyang pinsan, ang kalihim ng nasabing samahan.
 Sa isang labanan ng mga estudyanteng Pilipino at Espanyol , si Rizal ay nasugatan sa ulo.
 Siya ay dinala sa kanyang inuupahang bahay at siya ay ginamot ni Leonor Rivera.
5.11 MALULUNGKOT NA ARAW SA UST
 Hindi naging Masaya si Rizal sa UST bunga ng mga sumusunod na kadahilan:
1. Galit sa kanya ang mga guro sa UST.
2. Minamaliit ang mga mag-aaral na Pilipino ng mga Espanyol.
3. Makaluma ang sistema ng pagtuturo sa UST.
5.12 DESISYONG MAKAPAG-ARAL SA IBANG BANSA
 Napagpasyahang mag-aral ni Rizal sa Espanya dahil hindi na niya makayanan ang panlalait, diskriminasyon at
poot sa UST.
 Agad siyang sinang-ayunan nila Paciano, Saturnina, Lucia, Tiyo Antonio Rivera at ilang kaibigan.
 Hindi siya humingi ng permiso sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ina sapagkat alam niyang tututol
ang mga ito sa kanyang gusto.
 Hindi rin niya sinabihan si Leonor Rivera tungkol sa kanyang pag-alis dahil baka hindi ito makapagtago ng isang
lihim.

6. ANG MAARAW NA ESPANYA (1882-1885)


6.1 ANG LIHIM NA MISYON NI RIZAL
 Sa pagtatapos ni Rizal sa kaniyang ika-apat na taon ng pag-aaral ng medisina sa UST, siya ay nagbalak na
tumungo ng Espanya para dito magpatuloy ng pag-aaral.
 Ang kanyang lihim na misyon ay ang masusing pag-aaral sa buhay at kultura, wika at kaugalian, industriya at
komersyo, at pamahalaan at batas ng mga bansang Europeo .
 Ginawa niya ito upang maihanda na niya ang sarili sa daklang misyon ng pagpapalaya sa mga kababayang inaapi
ng tiranya ng Espanya.
 Siya ay sumakay sa barkong “Salvadora” papuntang Singapore.
6.2 SINGAPORE
 May labing-anim na pasahero ang barko kasama na siya.
 Naging kaibigan niya ang kapitan ng barko na si Donato Lecha.
 Kinainisan niya ang mga Espanyol na na nagsasabi ng kung anu-anong masama tungkol sa Pilipinas.
 Para malibang sa biyahe, siya ay nakipaglaro ng “ahedres” sa ibang pasahero.
 Noong Mayo 8, 1882, habang malapit na sila sa Singapore, natanaw niya ang “Isla Talim na may Susong Dalaga”.
 Narating ni Rizal ang Singapore noong Mayo 9, 1882.
 Si Rizal ay namalagi ng dalawang araw sa Hotel de la Paz sa kanyang pagbisita sa Singapore.
 Dinalaw ni Rizal ang mga sumusunod na istruktura sa Singapore:
1.  Harding Botaniko
2.  Distritong Pamilihan
3. Templong Budista
4.  Estatwa ni Thomas Stanford Raffles na tagapagtatag ng Singapore.
  Nilisan ni Rizal ang Singapore sakay ng barkong Djemnah.
6.3 MULA SINGAPORE PAPUNTANG COLOMBO
 Maraming iba’t ibang lahi ang nakasabay ni Rizal sa barko Djemnah at binalak ni Rizal na magsalita ng Pranses
ngunit hindi siya naintidihan ng mga ito.
 Inilarawan niya ang Port Galle bilang isang malungkot na lungsod.
  Nakarating siya sa Colombo at sinabi niyang maganda ang lunsod kaysa sa Singapore, Port Galle, at Maynila.
6.4 UNANGPAGDAAN SA KANAL SUEZ
 Ang Suez Canal ay isang lagusang tubig na nag-uugnay ng Red Sea at Mediterrenean Sea.
 Ito ay ginawa ng inhinyero at diplomatang Pranses na si Ferdinand de Lesseps.
 Pinasinayaan ito noong Nobyembre 17, 1869.
  Nakarating si Rizal sa Port Said na dulong bahagi ng Ehipto. Dito nakita ni Rizal ang mga tao na nagsasalita ng
iba’t ibang mga wika.
6.5 NAPLES AT MARSEILLES
 Nagtungo ang barkong Djemnah sa Europa at narating ni Rizal ang Naples noong Hunyo 11, 1882.
 Humanga siya sa ganda ng Bundok Vesuvius, Kastilyo ni San Telmo at iba pang makasaysayang lugar ng lungsod.
 Kinabukasan ay narating niya ang daungan ng Merselles at kaniyang binisita ang Chateu d’If  na siyang lugar na
binanggit ni Alexander Dumas sa kaniyang nobelang Count of Monte Cristo.
6.6 BARCELONA
 Noong Hunyo 15, 1882 nilisan ni Rizal ang Marseilles at narrating niya ang Barcelona sakay ng tren galing
Pransiya.
 Narating niya ang Barcelona noong Hunyo 16, 1882.
 Hindi maganda ang unang impresyon ni Rizal sa Barcelona dahilan siya ay napatira sa hindi magandang bahagi ng
lunsod.
 Sa bandang huli ay nagbago ang kaniyang pananaw sa Barcelona dahilan sa nakita niya ang lunsod ay
nagtataglay ng kalayaan at liberalismo, ang mga tao ay palakaibigan, at magagalang.
   Plaza de Cataluña – ang paboritong kaininan ng mga mag-aaral na Pilipino sa Barcelona at dito binigyan si Rizal
ng isang piging bilang pagbati sa kaniyang pagdating.
6.7 AMOR PATRIO
 Ang “Amor Patrio” ay ang unang akda ni Rizal sa labas ng bansa. Dito rin ginamit ni Rizal ang pangalan sa panulat
na Laong Laan.
   Diariong Tagalog – isang mapangahas na pahayagan sa Maynila na naglathala ng kaniyang mga artikulo.
 Si  Basilio Teodoro ang patnugot ng Diariong Tagalog.
 Isinalin ni Marcelo H. Del Pilar ang Amor Patrio mula sa wikang Espanyol sa wikang Tagalog.
 Iba pang artikulong ipinadala ni Rizal sa Diariong Tagalog:
1. Los Viajes
2. Revista del Madrid
 Isinauli sa kanya ang artikulong Revisita del Madrid sapagkat nagsara na ang Diariong Tagalog dahil sa
kakulangan sa pondo.
6.8 LUMIPAT SI RIZAL SA MADRID
 Sa Barcelona ay nabalitaan ni Rizal ang balita ukol sa epidemya ng kolera sa Pilipinas.
  Nakatanggap siya ng sulat mula kay Jose Cecilio (Chengoy) na nagbabalita ng malungkot na kalagayan ni Leonor
buhat ng siya ay umalis.
 Pinayuhan ni Paciano si Rizal na lumipat ng Madrid.
 Nilisan ni Rizal ang Barcelona noong taglagas ng 1882 para manirahan sa Madrid na kabisera ng Espanya.
6.9 BUHAY SA MADRID
 Noong Nobyembre 3, 1882, nagpatala si Rizal sa Universidad Central de Madrid sa mga kursong:
1. Medisina
2. Pilosopiya at Sulat
 Nagsikap na Matutunan ang mga sumusunod:
1. Pagpipinta at Paglilok sa Academy of Fine Arts of San Fernando.
2. Nagsanay ng eskrima at pagbaril sa Hall of Arms of Sanz y Carbonell.
 Nag-aral din siya ng mga wikang:
1.  Pranses
2. Aleman
3. Ingles
  Namamasyal din siya sa mga galerya ng sining at mga museo.
 Nagbasa rin siya ng mga aklat tungkol sa inhenyeriyang pangmilitar.
 Naging matipid si Rizal sa kaniyang pagastos at ang tanging sugal na tinayaan niya ay ang lotto.
  Nagpapalipas siya ng mga libreng oras sa bahay ng mga Paterno (Antonio, Maximo at Pedro).
 Nagpupunta din siya minsan sa Antigua Café de Levante para makipagkwentuhan sa mga estudyanteng galling sa
iba’t-ibang bansa.
6.10 PAKIKIPAG-IBIGAN KAY CONSUELO ORTIGA Y PEREZ
  Nagkaroon ng pagkakataon si Rizal na makabisita sa bahay ni Señor Pablo Ortiga y Rey na dating alcalde ng
Maynila sa panahon ng panunungkulan ni Gobernador Heneral Polavieja.
 Consuelo – ang anak na dalaga ni Don Pablo na umibig kay Rizal.
  Pinadalhan ni Rizal ng isang tula ang dalaga na may pamagat na A La Señorita C. O. Y P.
 Hindi itinuloy ni Rizal ang panliligaw sa dalaga dahilan sa:
1. Tapat siya kay Leonor Rivera.
2. Ang kaniyang kaibigang si Eduardo de Lete ay nanliligaw sa dalaga.
6.11 “HINILINGAN NILA AKO NG BERSO”
 Noong 1882, pagdating ni Rizal sa Madrid, sumapi siya sa Circulo Hispano-Filipino na isang samahan ng mga
Espanyol at Pilipino.
 Sinulat ni Rizal ang tulang “Mi Piden Versos” (Hinilingan Nila Ako Ng Berso).
 Itinula niya ito noong pagdiriwang ng mga Pilipino sa bisperas ng Bagong Taon sa Madrid noong 1882.
6.12 SI RIZAL NA MAHILIG SA MGA LIBRO
 Paboritong libangan ni Rizal sa Madrid ang pagbabasa ng mga libro.
 Tinipid niya ang kanyang pera at ipinambibili ito ng mga segunda manong libro sa tindahan ni Señor Roses.
 Ilan sa kanyang mga koleksiyon ay ang:
1. Hebrew Grammar
2. Complete Works of Horace (3 tomo)
3. Complete Works of Voltaire (9 na tomo)
4. The Byzantine Empire
5. Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe
6. The Wandering Jew ni Eugene Sue
 Malaki ang naging epekto ng dalawang huling nabanggit na libro kay Rizal sapagkat ginising ng mga ito ang
damdamin niya para sa mga aping kababayan.
6.13 UNANG PAGBISITA SA PARIS (1883)
 Noong bakasyon ng tag-araw sa Madrid, nagtungo si Rizal sa Paris na kabisera ng France.
 Tumigil siya rito mula Hulyo 17 hanggang Agosto 20, 1883.
 Tumuloy siya sa Hotel de Paris Rue de Maubange ngunit kalaunan ay lumipat sa mas murang otel sa 124 Rue de
Rennes sa bahaging Latino.
 Binisita niya ang mga sumusunod na lugar sa Paris:
1. Champs Elysses
2. Opera House
3. Placa de la Concorde
4. Arko ng Tagumpay
5. Katedral ng Notre Dame
6. Libingan ni Napoleon Bonaparte sa Kolumna ng Vendome, Invalides
 Pumunta rin siya sa Ospital ng Laennec, kung saan niya pinag-aralan ang paraan ng panggagamot ni Dr. Nicaise.
6.14 SI RIZAL BILANG MASON
   Sa Madrid ay nakilala ni Rizal ang mga kilalang liberal ng Espanya na ang mga ito ay kabilang sa samahan ng
mga Mason.
 Masonerya – isang pandaigdig na kapatiran ng mga taong may malayang kaisipan.
 Sumali si Rizal sa nasabing samahan upang mahingi ang tulong ng mga ito sa kaniyang paglaban sa mga prayle sa
Pilipinas.
 Logia de Acacia – ang balangay ng Masoneya na inaniban ni Rizal.
6.15 MGA ALALAHANING PINANSYAL
 Nagkaroon ng paghihirap si Rizal sa Madrid dahilan sa hindi naging maganda ang ani sa kanilang lupa. Dahilan
dito ay hindi nakarating ang sustento ni Rizal sa Madrid.
 Ipinagbili ni Paciamo ang bisiro ni Rizal para may maipadala lamang kay Rizal.
 Kumuha si Rizal ng pagsusulit sa kaniyang aralin sa Griego na hindi man lamang nag-aalmusal at nananghalian.
6.16 PAGSALUDO NI RIZAL KINA LUNA AT HIDALGO
 Nagkaroon ng pagpupugay ang mga Pilipino dahilan sa pagkapanalo nina :
1. Juan Luna sa Spolarium
2.   Felix Resurecion Hidalgo sa Virgines Christianas Expuesta al Populacho.
 Naghandong si Rizal ng isang papering talumpati para sa dalawang mahusay na pintor.
6.17 NAKILAHOK SI RIZAL SA DEMONSTRASYON NG MGA ESTUDYANTE
 Noong Nobyembre 20, 21 at 22 taong 1884, niyanig ng isang madugong Demonstrasyon ang Madrid sa
pagpapasimuno ng mga mag-aaral ng Universidad Central.
 Kinondena nila Rizal an gang pagpataw ng excomunicacion sa kanyang propesor na si Miguel Morayta hinggil sa
liberal na pananaw nito tungkol sa “kalayaan ng agham at guro”.
 Naging madugo ang nasabing demonstrasyon sapagkat armado ng bato, pamalo at kamao ang mga estudyante
at nakipaglaban sila sa pwersa ng pamahalaan.
 Ang Rektor na sumoporta sa kanila ay pinagbitiw sa pwesto at pinalitan ni Dr. Creus na “kinaiinisan ng lahat”.
6.18 NAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL SA ESPANYA
 Iginawad kay Rizal ng Universidad Central de Madrid ang digri ng Lisensiyado sa Medisina noong Hunyo 21,
1884.
 Iginawad kay Rizal ng Universidad Central de Madrid ang digri ng Lisensiyado sa Pilosopiya at Sulat noong Hunyo
19,1885.
 Natapos ni Rizal noong 1885 ang kaniyang kurso sa Medisina at Pilosopiya.

You might also like