You are on page 1of 5

Name: CORONEL, Isaac Daniel Goldwayne I.

Crse & Sec.: HRM42


Subject: Kursong Rizal
Professor: Junel, Estranero

“Epekto ng Batas Rizal (RA 1425) sa Pambansang nasyonalismo”

I. INTRODUKSYON

Ang Batas Republika 1425 o mas kilala bilang Batas Rizal ay pinangunahan ng dating
pinuno ng Pambansang Kapulungan ng Edukasyon na si Sen. Jose P. Laurel. Bago ito
mapagtibay noong Hunyo 12, 1956, dumaan ang batas na ito sa pagdedebate sa loob ng Senado
at Kongreso. Di kalaunan ay tinawag itong House Bill 5561 sa kongreso na pinangunahan ni
Cong. Jacobo Gonzales at tinawag itong Senate Bill 438 sa Senado na pinangunahan naman ni
Sen. Claro M. Recto. Hindi nakakapagtaka na sila ang mga pinunong nagtaguyod sa batas na ito,
dahil kung babalikan ang kasaysayan, malinaw na may marubdob na pagmamahal sa bayan ang
dalawang ito. Si Gonzales ay nakipaglaban upang mapalaya ang kanyang mga kababayang
sakdalista at si Recto naman ay malinaw na ipinaglaban ang soberanya ng Pilipinas labas sa
Estados Unidos.

II. KATAWAN

RIZAL: INSPIRASYON NG BAGONG HENERASYON


Ang pangunahing layunin ng mga mga nagtaguyod sa batas na ito ay muling pag-alabin
ang diwa ng nasyonalismo sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino sa pamamagitan ng
pagsama sa kurikulum ng lahat ng paaralan, pampubliko man o pribado ang kurso sa pag-aaral
ng buhay, mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal, partikular na ang kanyang dalawang nobela na
Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Naniniwala sila na si Rizal ay maaaring magsilbing
inspirasyon sa atin, lalo na sa mga kabataan. Bukod dito, layunin din ng batas na ito na
parangalan si Rizal at ang iba pa nating mga bayani sa lahat ng kanilang mga ginawa para sa
bayan.

BATAS RIZAL: KAPARIS NG RH BILL


Katulad ng RH Bill, hindi naging madali ang pagpasa ng batas na ito dahil sa malakas na
pagtutol ng Simbahang Katoliko. Naniniwala ang simbahan at ang mga mambabatas na pumanig
sa kanila na ang dalawang nobela ni Rizal ay naglalaman ng mga pahayag na laban sa simbahan.
Ayon sa kanila, ang sinumang makabasa ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay maaaring
mawalan ng pananampalataya o sumalungat sa mga itinuturo ng simbahan.Iba’t ibang taktika ang
ginamit nila upang takutin ang mga nagtataguyod sa batas na ito. Nariyang magsasara daw ang
lahat ng paaaralang pag-aari ng simbahan sa oras na maipatupad ito at hindi daw makakaasa ng
suporta mula sa mga katoliko ang mga nagtaguyod nito sa mga susunod na halalan. Ngunit
kaparis ng RH Bill, naipatupad ang Batas Rizal sa kabila ng malakas na pagtutol ng simbahan.
BATAS RIZAL: SA NAKARAANG 50 TAON
Limang dekada na ang nakalipas mula ng maipatupad ang Batas Rizal. Ngunit
nakatulong nga ba ang pag-aaral ng buhay, mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal upang makamit
ang mga adhikain ng mga nagtaguyod sa batas na ito? Sa mababaw na pagtingin, masasabi
nating naging matagumpay ito, dahil sa halos lahat ng plaza sa ating bansa ay may bantayog si
Rizal. Kilala siya ng lahat ng mga Pilipino bilang ating pambansang bayani. Madalas din nating
gamitin ang mga salitang iniwan niya, katulad ng walang-kamatayang “ang kabataan ang pag-asa
ng bayan.”

III. PAGTATASA

Sa pamamagitan ng masuring pag-aaral, pagtatasa, at pananaliksik. Aking masasabi na


malaki nga ang ang naiambag ng Batas Rizal upang mas lalo pa natin malaman ang ating
pakakakilanlan at malaman din natin kung ano ba talaga ang nangyari noon at paano ba nito
namulat ang lahat ng tao lalo na ang kabataan upang mas lalo pa nila makilala si Jose Rizal

Epekto ng Batas Rizal sa Pambansang nasyonalismo

Upang masmaintindihan ang kahalagahan ng batan na ito, kailangan rin nating malaman
kung anu ano ang mga layunin ng batas na ito kaya ito naipatupad. Ito lamang ang iba sa mga
layunin ng batas na ito:

● Nilalayon ng R.A. na ito na maging inspirasyon ng mga taong bayan, lalo na ng mga
kabataang Pilipino ang naging buhay, at karanasan ni Rizal noong panahon ng Kastila.

● Ang batas ay naghahangad na magkaroon ang mga Pilipino ng kanilang sariling simulain
ng kalayaan at pagiging nasyonalismo na binigyang halaga ng ating mga bayani.

● Nilalayon nitong muling gisingin ang damdaming makabayan ng bawat mamamayang


Pilipino upang maipamana at maisaalaala ng mga kabataan ng susunod na henereasyon.

● Nilalayon din nitong mabigyang parangal ang pambansang bayani, na si Dr. Jose Rizal at
ipaalala sa bawat Pilipino ang kanyang naging malaking bahagi sa kasaysayan ng
Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang mga ginawa para sa bayan. Ang kanyang buhay,
mga ginawa, at mga sinulat, tulad ng “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”, ay
magsisilbing inspirasyon sa kaisipan ng bawat pilipino upang magkakaroon ng
pagmamahal sa bayan.
Epekto ng Batas Rizal para sa mga Kabataan

Ilang mga layunin ang isinaad upang higit na maunawaan ang kahalagahan ng paglilikha
ng Batas Rizal. Isa dito ay dahil kailangan na muling buhayin ang kalayaan at nasyonalismo
kung para saan ang ating mga bayani’y nabuhay at nag-alay ng kanilang mga buhay. Sa tulong
ng batas na ito, mapapaalala sa bawat kabataan ang mga dugo’t pawis na inialay ng ating mga
bayani na maaaring maging ispirasyon sa bawat kabataan sa pagtulong sa pagpapatayo ng isang
bansang matagumpay. Pangalawa, ito ay upang bigyang parangal ang ating pambansang bayani
na si Dr. Jose P. Rizal at ipaalala sa mga mamamayang Pilipino ang kanyang mga nagawa at
naipaglaban para sa kalayaan ng sariling bayan. Ito ang magsisilbing paalala narin ng ating mga
responsibilidad bilang isang Pilipino, lalong lalo na sa mga kabataan. Pangatlo, ito ay upang
magsilbing inspirasyon sa kabataang Pilipino kung saan sila’y nasa lebel pa lamang ng
paglilinang ng kanilang mga isipan at ayon sa ating bayani, ang pag-asa ng bayan.

IV. REKOMENDASYON

Rekomendasyon para sa Gobyerno

Tama lang na may batas tayong ganto para kahit papano ay naaalala natin ang naging
sakripisyo ng ating bayani upang makamit natin ang kapayapaan na nararanasan natin ngayon.
Dapat manatili to parasa mga susunod na henerayson

Rekomendasyon para sa Kabataan

Dapat natin tong pag aralan dahil sabi nga ni Rizal “Ang kabataan ang pag-asa ng
bayan”. Obligasyon natin na aralin ang kasaysayan dahil ang tao na hindi marunong na tumingin
sa pinanggalingan ay mas masahol pa sa masangsang na isda.

Rekomendasyon para sa kapwa mananaliksink

Dapat natin pag patuloy natin itong ginagawa natin dahil para ito sa kinabukasan ng ating
bansa at para din sa mga susunod na henerasyon ng kabataan.
V. MGA SANGGUNIANG GINAMIT

Rizal Law: Filipino Pride. (n.d. ) https://filipinopride.wordpress.com/tag/rizal-law/

Ang Batas Rizal (RA 1425). (n.d. )


https://angtagapagmulat.wordpress.com/2013/06/19/ang-batas-rizal-ra-1425/

Ang Batas Rizal. (n.d. ) https://rizalmuna.wordpress.com/ang-batas-rizal/


VI. MENSAHE PARA SA GURO

Para sa aking guro isang magandang araw po para sa inyo. Unang una po sa lahat,
salamat po sa lahat ng inyong itinuro sa akin. Salamat din po sa mga bagong kaalaman na itinuro
niyo sa akin. Kahit na naging online class po ang ating naging mga sesyon ay hindi po ito naging
hadlang para kami ay inyong turuan.

You might also like