Professional Documents
Culture Documents
Narrator: November 20, 1896. Preliminary investigation was conducted with Colonel Francisco
Olive acting as the Judge Advocate. He was subjected to a 5 day investigation. Rizal was
informed about his charges and been given the chance to answer the questions.
Person 1: Ang taong nasasakdal ay nandito sa salang rebelyon at pagbabalak ng masama laban
sa bansang espanya. Ano ang pangalan ng nasasakdal?
Person 1: Edad?
Person 1: Trabaho?
Atty Alcuser : Gracias! Walang sinuman ang hindi makakalaban ang espanya, para sa atin,
walang sinuman ang maaaring kumontra sa kung anuman ang nais ng ating bansa. Ang sinuman
ang hindi gumawa non ay maaaring ikulong at ipapatay. Yan ang nararapat kay Dr. Jose Rizal!
Siya ay nandito ngayon sa salang rebelyon laban sa ating bansang espanya. Hindi ba’t nararapat
lamang ang sinabi kong parusa sa taong mas masahol pa sa hayop? Walang modo! Walang
utang na loobsa bansang nagpaaral sa kanya! At nararapat lang sa taksil na katulad niya ang
ipapatay!
Person 1: Gracias Atty. Alcuser. Ngayon naman ay ating pakinggan ang panig ng depensa. Aking
tinatawagan sa hukumang ito si tenyente Tavier upang depensahan ang kanyang panig.
Tenyente Taviel: Gracias! Hindi nasusukat ang kadakilaan ng isang tao sa yaman, o sa dami ng
kilala niyang tao. Ito ay nasusukat sa katatagan ng loob at katapangan na ngayon ay
napapasakamay na ni Dr. Jose Rizal. Bago nyo siya husgahan, tingnan nyo muna ang inyong mga
sarili, and nais lamang niya ay maging pantayang trato ng mga kastila sa mga Pilipino. Hindi
kayo dapat magpadalos-dalos sa pagbibigay ng parusa na hindi nararapat sa nasasakdal.
Person 1: Ngayon naman ay pakinggan natin ang panig ng nasasakdal sa hukumang ito.
Jose Rizal: Kasinungalingan and ibinibintang nyo sa akin! Wala kayong konkretong ebidensya!
At ang tanging mga liham at mga gamit lanang ang tutukoy sa aking pagkasala! Hindi ako
maaaring magkasala sa rebelyon sapagkat ako mismo ang pumilit kay Dr. Valenzuela upang
huwag ipagpatuloy ang rebelyon na plano niya labang sa bansang espanya. Wala rin akong
kinalaman sa mga pag-aaklas at hindi ko rin alam na ginagamit nila ang aking pangalan sa
kanilang mga aktibidad, sana gamitin ninyo ang inyong mga utak upang magawa ninyo ang
nararapat.
Person 1: Magkakaroon ng isang masusing deliberasyon kung ano ang akbang na ating
ihuhukom ukol sa kaso ni Dr. Jose Rizal, maaari ng ibalik ang nasasakdal sa kanyang selda.
Ipapaalam ng hukom kung ano ang magiging resulta ng deliberasyon. *togs togs*
(Nagpulong-pulong)
Person 1: Kung ganon, pareho pala an gating iniisip tungkol sa kasong ito. Itutuloy ko ang
sintensyang kamatayan kay Rizal. Ipapadala ko na kay Gobernador Heneral Colaviera ang hatol
upang mapirmahan.
Person 1: Magandang araw po heneral, ito po ang naging hatol sa kaso ni Dr. Jose Rizal
Gobernador Heneral Colaviera: Magaling, tama lang na patayin ang walang kwentang taong
iyon. Yan ang nababagay sa kanya.
Tenyente Taviel :Patawad, ginawa na naming ang lahat. Pero ang desisyon ng hukoman ay hindi
ko na maayos.
Jose Rizal: Kung kailangang mangyari ito. Kung kailangang magbuwis ako ng buhay alang-alang
sa inang bayan, gagawin ko ito ng buong tapang at dangal.
Tenyente Taviel: Pinapahanga mo talaga ako Rizal, wala pa akong kilalang tao na kayang ibuwis
ang kanyang buhay sa kanyang taong-bayan. Ako’y nalulungkot na hindi kita naipagtanggol sa
kanila.
Jose Rizal: Wag kang mag- alala Tenyente Taviel. Lubos mo din akong pinapahanga sa pinakita
mong tapang. Dugong Pilipino talaga ang dumadaloy sa iyong katawan.
Ina: Anak ko
Jose Rizal: Ina, wag kang mag-alala sa akin. Para ito sa ating bansa. Patawarin niyo po ako sa
aking mga kasalanan.