You are on page 1of 2

Mga Kakaibang Kultura ng Ibat Ibang Grupo

A. GOSPEL MINISTRY OF SALVATION

Isang puting palasyo ang makikita sa Baranggay Pala-o, Iligan City. Ang nagmamay-ari sa
palasyo na tinatawag nilang Kingdom Filipina Hacienda ay si Dr. Salvacion Legaspi o kilala sa
tawag na “Majesty”. Sa bahay na ito nakabase ang pinakaopisina ng isang Monarchy
Government. Tinatawag ang gobyernong ito na Gospel Minsitry of Salvacion (salvation). Ito
daw ang sinasabing pinakamaataas na Hukom sa lahat ng hukom. Layunin ng Hukom ng pag-
isahin at gawing isang barangay ang buong mundo. Mayroon silang sariling watawat, pera,
pasaporte, at plaka ng kotse. Bukod pa rito plano ng Hukomang ito na gagaw ng sariling bangko
na kung saan doon magiging epektibo ang kanilang ginawang pera.
Makikita sa kanilang pera ang larawan ng kanilang itinuturing na Majesty. Ang bawat
pera ay may partikular na larawan. Nakabatay ang larawang ito sa pitong (7) sagradong
katawagan sa kanilang Majesty. Ang kanilang Majesty ay tinaguriang Queen of the Salvation,
Queen of the South, Queen of Islam, Queen of Light, Queen of Flowers, Queen of Motherland
at ang Alpha and Omega. Sapagkat imunimungkahi ng kanilang Majesty na pagmamay-ari niya
ang Pilipinas, kaya gumawa ng pera at mag-imprenta nito. Bawat isang AU Dollar (tawag sa
kanilang pera) ay may katumbas na Php 700.
Bukod pa rito, gumawa rin sila ng sariling watawat. Ang kanilang watawat ay
sumusimbulo ng kanilang mga layunin at responsibilidad na ibinigay daw ng Diyos sa kanilang
Majesty. Ang 12 bituin sa watawat ay sumisimbulo ng 12 tribu noong unang panahon na
binaggit sa Bibliya. Ang isang araw sa gitna ay sumisimbulo kay Majesty na siyang magiging
tagapagligtas ng buong sinasakupan. Mayroon rin itong isang buwan at isang bituin sa
ibabaw ng bahagi ng watawat na sumisimbulo ng Diyos.
Ang kanilang adhikain ay nakabatay sa nakasulat sa Bibliya at sa Efra Law (tumutukoy
sa batas sa mga lupain). Sinasabi ng grupong ito na ang Iligan ay ina ng lahat ng kalupaan sa
mundo, at tinatawag noonna Garden of Eden.
Ang kanilang Majesty nay inihanda ng Panginoon upang tulungang iligtas ang mga tao sa
mundo. Kaya, inutusan siyang gumawa ng bagong mundo sa pamamagitan ng pagbuo ng
bagong gobyerno na tutulong sa mga tao upang guminhawa ang kanilang buhay. Ang
panawagan (calling) ay naramdaman ng Majesty ang minsan habanag siya’y nagbabasa ng
Bibliya ay nakita niya ang salita ng Diyos na para bang tinatawag siya ng Banal na Ispirito para sa
ganitong responsibilidad.
Ayon kay Majesty, pag-aari niya ang bansang Pilipinas dahil sya lamang ang may
hawak ng titulo nito. May pinanghahawakan syang kasunduan o dukomento ng Treaty of Paris
na nilagdaan at inaprubahan ng lahat ng Hukom. Unti unti niyang tinitipon ang mga
mahahalagang dukomentong ito para gamitin nya sa pagbubuo ng bagong gobyerno at bagong
mundo.Ang una nyang magiging hakbang ay paggawa ng sariling bangko na tatawagin niyang
Tribunal Bank. Ang unang makikinabang dito ay ang mga naunang myembro o kasapi ng
kanilang kaharian.
Gagawa din sila ng ID card na isa sa pinakamahalagang bagay upang makapasok at
makalabas sa bansang Pilipinas sapagkat darating ang panahon na walang sinumang
makakapasok at makakalabas ng bansa kung walang maipakitang ID card. At maisasakatuparan
lamang ito kung matutuloy ang plano nyang ipasara ang bansa. Sa panahong ito, wala nang mga
taong maghihirap sapagkat ang pera ay hindi na po-problemahin ng mga tao at wala na rin ang
pagsingil ng buwis (tax) dahil ayon kay Majesty , tax ang nagpapahirap sa mga tao.

B. ANG MGA MONCADISTA

Sa Isla ng Samal , Davao. Noong panahon nng Komonwelt naging kilala ang lugar na ito
nang bumuo si Hilario Moncado ng isang sektong panrelihiyon na tinatawag niyang Filipino
Crusaders World Army (FCWA). Tinatawag silang Moncadista na sumusunod sa kanilang
spiritwal na lider ( Moncado).
Pagkatapos ng digmaan pandaigdig, maraming tao mula sa ibat ibang lugar sa Pilipinas
ang pumunta sa Samal upang maging tagasunod ng relihgiyong ito. Dito nila itinayo ang White
House sa 23 ektaryang lupa. Nakapagtayo na rin sila ng isang hotel sa cebu ang Moncado Hotel.
Sinasabing si Hilario na taga Cebu ay tinatawag nilang Punong Kumander. Siya ay may
di-pangkaraniwang kapangyarihan dahil nakikita daw niya ang mga di-pangkaraniwang nilalang
na siya naming pinaniniwalaan ng kanyang mga tagasunod.
Sa Isla ng Samal ang may pinakamaraming miyambro. Hindi sila kumakain ng hayop lalo
na yung apat ang paa. Nagtatanim sila ng gulay dahil yun ang kanilang p;inakaulam. Bawal ang
anumang pampalasa sa pagkain gaya ng betsin. Kilala sila na ang kinakain hanggat maari ay
hilaw na opagkain (raw food) . Bilang pagsunod sa Diyos, nagpapahaba sila ng buhok at balbas.
Hindi sila naninigarilyo at umiinom ng alak. Ginagawa rin nila ang pag-aayuno lalo pa kung
baguhan pa sila sa federasyon para na rin daw mapalayo sa temptasyon o tukso. Ang araw ng
kanilang pagsimba ay Sabado at pinagbabasa sila ng Bibliya sa ilalim ng pangangasiwa ng isang
ispiritwal na director.

Maraming kontrobersya ang inabot sa sektang ito kaya naging dahilang ng unti unting
paglaho nito. Maraming myembro ang bumalik sa dati nilang relihiyon. Nang mamatay si
Hilarion noong 1956, tuluyan nang naglaho ang sektang ito. Sa ngayon makikita ang White
House sa Samal Island bilang isang atraksyon na lamang ng mga turista.

You might also like