You are on page 1of 4

Pagkawala sa Kahon: Mga Pagsusuri sa Kasarian

(Ulat ni Luisa Castro)


Panimula: Bahagi ng epekto ng dayuhang pananakop ay ang patriyarkal na katangian ng lipunan, kung
saan ang mga lalaki ay nakikita bilang nangingibabaw na puwersa. Bilang resulta, ang mga kababaihan ay
patuloy na nagsusumikap na mapabuti ang kanilang interes at karapatan.
Ayon kay Santiago (1996), marami ang nagpapalagay na ang feminismo ay inangkat lamang natin mula
sa mga agresibong feministang kanluranin ang takbo ng isip at pagkilos, kung kaya ipinagpalagay rin na
wala itong katuturan sa pambansang pamumuhay at kultura.
Mother Mary John Mananzan

 Isa sa mga pinakakilalang mukha ng feminismo sa bansa. Isa siyang madreng aktibong
nagtataguyod ng karapatan ng mga babae sa bansa.
 Kilala bilang isang feminismo na naging isa sa mga Katolikong sumoporta sa RH Bill, na
ginagarantiyahan ang access sa contraception, fertility control, sexual education, at maternal care.
 Nakilala rin siya sa kanyang suporta para sa SOGIE Equality Bill, na kilala bilang Equality Bill o
Anti-Discrimination Bill (ADB).

Ano ang teoryang feminismo?

FEMINISMO

- Ito ay ang kilusan na ang layunin ay ipatupad ang mga karapatan ng kababaihan sa pulitika, ekonomiya
at lipunan.

Ano ang mga tinatalakay sa teoryang feminismo?

 Ang pagsalungat sa ideya na mahihina, marupok, pantahanan, masama, emosyonal at tanga ang
mga babae.
 Pagtuligsa sa patriyarkal na lipunan

 Ang sistemang Patriyarkal ay sistema na kung saan ang mga lalaki ang sinasabing mas may higit na
kakayanang magpatakbo ng isang pamilya. Ito ay may sistema na kung saan ang mga lalaki ay
nagtataglay ng pangunahing kapangyarihan at namamayani sa mga tungkulin ng pamumuno pampulitika,
moral na awtoridad, pribilehiyo ng lipunan at pagkontrol ng ari-arian.

Katayuan ng mga BABAE sa panahon ng Pre-Kolonyal

 Bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanol,nagtataglay na ng kagalang-galang at


maipagmamalaking posisyon sa komunidad ang mga kababaihan
 Relatibong mas mataaas ang estado ng babae sa panahong ito;at
 Bahagi rin sila ng produksyon ng ekonomiyang nakasasapat at agrikultural
 Sa kanila nakaatang ang tungkuling espiritwal at kulturalng komunidad
Ano nga ba ang Babaylan?

 Ang isang Katalonan (binaybay din ng Catalonan, Catalona; Catulunan sa Kapampangan) ay isang
pari o pari sa mga katutubong relihiyon ng mga tagalog at mga tao ng Kapampangan.
 Ang mga katalonan (sa mga Tagalog) at babaylan (sa mga Bisaya) ang nanguna sa mga panrelihiyong
ritwal. Nagsilbi silang tulay sa pagitan ng mga tao at ng mga diyos at diyosa at tagapamagitan upang
makausap ng mga nabubuhay ang mga yumao.
 Itinuturing silang “haligi” ng sinaunang kabihasnan, kahanay ng datu, panday, at bagani (Salazar
1999)
 Sila ay pinaniniwalaang may mga gabay sa espiritu, kung saan maaari silang makipag-ugnayan sa
mga espiritu at diyos (anito o diwata) at sa daigdig ng mga espiritu. Ang kanilang pangunahing
tungkulin ay bilang mga daluyan sa panahon ng mga ritwal ng pag-anito (séance). Mayroon ding iba't
ibang uri ng babaylan na dalubhasa sa sining ng pagpapagaling at herbalism, panghuhula, at
pangkukulam.
Babaylan ang bansag sa Visayas, catalanon sa mga Tagalog, mangaalasig sa Kalinga, mangaanito sa
Pangasinan, anitera sa Gaddang, baliana sa Bikol, mabalian sa mga Bagobo, almono sa B`laan at
donorakin sa mga Isneg.

Hindi mapapasubalian ang mahalagang papel ng mga babaylan sa lipunang katutubo. Gayumpaman,
mabilis na naglaho ang kapangyarihang ito sa pagdating ng mga mananakop na dayuhan.
Pyudalismo - ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng
panginoon ng lupa o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan na may katungkulang
maglingkod at maging matapat sa panginoong may-ari
Tatlong grupo sa Pyudal
1. Noble o Maharlika

 Ang mga hari, basalyo (alagad o tagasunod) ay kabilang sa grupong ito.


 Ang mga lupain sa isang kaharian ay sa hari.
 Isa sa mga tungkulin nila ang pagkoleta ng buwis at multa.
 Nangasiwa sa pagtatanim sa mga manor (Isang malaking mansion kung saan nakatira ang mga
mayayaman at isang prinsipyong organisasyon o komunidad na sumibol noong unang panahon
lalong-lalo na sa gitnang-kanlurang Europa) kung saan ang lokasyon ng kanyang lupain.
2.  Klerigo

 Dito naman kasali ang mga matataas na opisyal ng Simbahan at mga pari.
 Ang kanilang gawain ay taga payo sa mga magsasaka, nag-ayos ng mga away at mga gawaing sa
simbahan
 Kumokoleta din sila ng butaw (bagay na binabayad para sa pagkakasapi sa isang samahan o
organisasyon) para sa binyag, kasal at libing.
 3. Pesante o Serf

 Pinakamababang antas , dito kabilang ang mga magsasaka at trabahador sa bukid.


 Nakatira sa mga dampa at sila ay pinagbabawalan mangisda at mangaso sapagkat ito ay pag-aari
ng hari.
 Nagbabayad ng buwis at kinakailangan nilang magtrabaho para sa noble o maharlika

 Ang sistemang malakolonyal at malapyudal na pinalaganap ng mga Espanyol, ang nagbigay ng


pananaw sa kababaihan na maging dahilan kung bakit sila pinagsasamantalahan at inapi sa lipunang
Pilipino. Sa malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino, laluna sa kanayunan, patuloy na
umiiral ang mapang-aping pyudal na mga institusyon ng awtoridad — ang awtoridad sa pulitika, ng
simbahan, at ng angkan.
 Sa pagsusulong ng karapatan ng kababaihan ay nagkamit ito ng tagumpay tulad na lamang ng
karapatang bumoto noong 1935. Sa kabila nito, nananatiling nakakahon ang imahen ng kababaihan sa
idealisasyon ng pagkaina at pagkabirhen. Maging sa kulturang popular ay pinapalaganap ng media
ang palasak na larawan ng babae bilang pangkama, pangkusina, at pambahay lamang.
 Maging si Quito (1990) ay umamin na napakahirap iwaksi at baguhin ang tradisyonal na
paniniwalang nararapat lamang na nasa isang tahanan ang lugar ng babae at ang pangunahing
tunguhin niya ang pagluluwal ng mga anak. Nakabaon na ito sa sistema ng pag-iisip at buhay sa
lipunang Pilipino at sa paglipas ng panahon ay nanatili na lamang na tinitingnan ang pagkababae
bilang isang kahinaan.
 Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon na rin ng mga oportunidad na makapagtrabaho ang kababaihan,
lalo’t hindi na karaniwang sumasapat ang kinikita ng kalalakihan para sa gastusin ng kanilang
pamilya. Sa kabila nito, hindi pa rin lubusang nakawawala sa kahon ang kababaihan. Naniniwala si
Quito na malaki ang maitutulong ng mga unibersidad upang magkaroon ng kamalayan at pag-unawa
ang kababaihan sa kanilang karapatan, tungkulin, at kakayahan.

ANG PAGLALADLAD AT ANG PAG-ANGKIN NG ESPASYO


(Rowell D. Madula)
Panimula:

 Ang usapin ng paglaladlad ay isa sa mga hamon na laging kinakaharap ng bawat bakla. Hindi na
kailangang sabihin ng babae o lalaki sa kanyang magulang na siya ay babae o lalaki, normal na itong
tinatanggap ng pamilya. Subalit para sa maraming bakla, tila bagahe na kailangang ilabas at ilantad
ang kanilang tunay na katauhan, ang kanilang pagiging bakla.
 Ikinakahon ng mga aklat ang mga alaala ng kahapon. Ngunit sa bawat panahon, mayroong
nananatiling nasa laylayan ang mga tala sa kasaysayan. Kabilang rito ang mga bakla. Kakaunti ang
mga pahinang inilaan para sa mga baklang babaylan, baklang propagandista, baklang rebolusyonaryo.
Maging ang salitang bakla ay patuloy na hinuhusgahan ng panahon.

ESPASYONG BAKLA SA REBOLUSYONG PILIPINO


Sa akda ni Madula (2009), dinalumat niya ang paglaladlad ng mga baklang kasapi ng lihim na kilusan.
Isinalaysay niya ang karanasan ni Karlo, na sa una’y hindi magawang aminin sa kaniyang pamilya ang
kaniyang kasarian subalit pinalaya siya ng pagtanggap ng mga kasama sa lihim na kilusan upang higit
niyang matanggap ang kaniyang sarili.
Kahit sa lihim na kilusan tulad ng Kabataang Makabayan ay hindi rin agad ang naging pagtanggap sa mga
bakla. Dagdag pa ni Madula, dahil sa malakas na impluwensiya ng pyudal na sistema sa kultura ng mga
Pilipino ay kinakailangan pa ring gibain ang hindi magandang pagtingin at mababang pagpapahalaga sa
mga baklang kasapi ng lihim na kilusan.
Ang Kabataang Makabayan

 Ang Kabataang Makabayan ay nagmula sa Students' Cultural Association of UP (SCAUP) sa


Unibersidad ng Pilipinas at unang inorganisa bilang youth arm ng Partido Komunista ng Pilipinas-
1930 nina Jose Maria Sison, Ernesto Macahiya, Nilo Tayag, at iba pa. Naisip ni Sison na ang grupo
ng kabataan ay mga rebolusyonaryo na magtatatag ng isang bansa na pinamumunuan ng uring
manggagawa sa halip na mga oligarkiya na pulitiko(ay isang anyo ng istruktura ng kapangyarihan
kung saan ang kapangyarihan ay nakasalalay sa isang maliit na bilang ng mga tao. Ang mga taong ito
ay maaaring makilala o hindi sa pamamagitan ng isa o ilang mga katangian, tulad ng maharlika,
katanyagan, kayamanan, edukasyon, o kontrol ng korporasyon, relihiyon, pulitika, o militar.)

Paglalapat sa Relasyon ng Magkaparehong Kasarian

 Ang Partido Komunista ng Pilipinas ay nagsagawa rin ng pag-amyenda sa Mga Gabay at Tuntunin sa
Pag-aasawa sa Loob ng Partido upang bigyang linaw ang kanilang paninindigan ukol sa pagpili ng
kasarian ng mga kasama sa loob ng organisasyon.
 Ayon sa dokumento, “Tutol ang Partido sa anumang uri ng diskriminasyon, pang-aapi at
pagsasamantalang umiiral sa lipunan. Bahagi rito ang pagtutol sa diskriminasyong nakabatay sa
piniling kasarian, sa pagkakait ng mga karapatan at oportunidad batay sa piniling kasarian.”
 Ang ganitong pagkilala at paggalang ng Partido sa pagpili ng kasarian ng mga miyembro nito ay
sumasaklaw din maging sa mga hindi miyembro ng Partido. Ibig sabihin, ang pagbubukas na ito ay
hindi lamang aplikable sa mga aktibista at miyembro ng PKP, kundi maging sa masang patuloy na
iminumulat tungkol sa kanilang mga karapatan at kalayaang dapat na ipaglaban, kasama na rito ang
kanilang piniling kasarian. Mayroong apat na saligang prinsipyo at tuntunin ang Partido ukol sa pag-
aasawa bukod sa idinagdag na amyenda ukol sa relasyon ng magkaparehong kasarian.
 Mula rito, ang karagdagang prinspiyo ng Partido ukol sa pagkilala at paggalang sa mga relasyon ng
mga kasamang mayroong parehong kasarian, at pagsasabing ang iba pang saligang prinsipyo ay
magiging aplikable rin sa kanila, ay isang malaking hakbang na pagkilala hindi lamang sa karapatan
ng mga bakla at lesbyana sa loob ng PKP na magpakasal, kundi isang pagkilala sa mismong kanilang
pagiging bakla at lesbyana.

Mauunawaan sa mga natalakay na teksto na hindi maihihiwalay na bahagi ng pagpapalaya ng


sambayanan ang pakikibaka para sa Karapatan ng kababaihan, malayang pagpili ng kasarian, at pantay na
oportunidad at pagpapahalaga

You might also like