Professional Documents
Culture Documents
Panahon ng Amerikano
● Ayon kay Teodoro Agoncillo ang maikling kwento noong 1935-1940 ay:
➢ Gumamit ng unang panauhan - Masasabi natin na ang isang unang panauhan ay
pasalaysay na paraan ng pagbibigkas o pagsulat ng isang kuwento. Dito, ang
tagapagsalaysay o may akda ay nagbibigay pahayag sa mga pangyayari mula sa
kanyang sariling mga mata.
➢ Tungkol sa buhay ng lungsod
➢ Matimpi sa paglalarawan at pagpapahayag ng damdamin
➢ Dahop sa malinis na pananagalog
➢ May iba’t-ibang uri
➢ Tinagurian ang panahong ito bilang “Mga Gintong Dahon ng Panitik” (1929-
1934) sapagkat ang binigyang hugis ay ang kaanyuan bukod sa pagbabago ng
kalamnan.
➢ (1934) Panahon ng Ilaw at Panitik dahil ganap ng nahasa ang mga manunulat sa
sining ng maikling katha. Nagkaroon ng mga panunuri at pamumuna sa mga
kakulangan at kalabisan sa akda. Nabatid ang isang mahusay at masining na
maikling akda.
➢ Sa panahong din ito nakilala ang mga Aristokrata at mga Sakdalista sa pagsulat ng
maikling kwento.
▪ Aristokrata – naniniwalang ang pagsulat ayisang marangal na Gawain
kaya ang dapat na kumatha ay yaong mararangal na tao na may
mararangal at elitistang mga tauhan. Kailangan piling-pili ang lenguwahe
at naglalantad ng kagandahan ng buhay.
▪ Sakdalista – Mga kwentistang produkto ng edukasyon ng kanluranin na
tumutuligsa sa makalumang paraan ng pagsulat.
➢ Dagli o “Sketches” – pinag-ugatan ng maikling kwento. Ito’y may mga sitwasyon
o mga tauhan ngunit ang galaw ay di umuunlad o di kapapansinan ng pag-akyat
ng kapakinabangan ng mambabasa at walang banghay. Ito’y may layuning
mangaral at manuligsa lamang.
▪ “Sumpain Nawa ang mga Ngiping Ginto”– Lope K. Santos
▪ Pasingaw – umuunlad na dagli. Hindi ganap ang banghay. Naaayon sa
dalawang uri (batay sa nilalaman o layunin) 1) bilang handog sa babaeng
pinaparaluman at 2) mangaral ng diretsahan
Halimbawa:
“Ang Kaliwanagan” ni Lope K. Santos
“Ang Kapatid ng Bayan” ni Pascual H. Poblete
gantimpala)
Panahong Kontemporaryo
➢ Paglalantad ng totoong pangayayari upang mamayaniang realism
➢ Nagpatuloy ang Liwayway, ang mga komiks at magasin ay nagbago ayon sa Bagong
Republika
➢ Impluwensiya ng mass media at internet sa kamalayan ng Pilipino sa sining
➢ Pagsilang ng iba’t-ibang parangal na iginagawad sa mga natatanging manunulat ng ating
panahon, tulad ng Don Carlos Palanca Awards for Literature, Philippine Free Press,
Philippine Graphic at Home Life at Literary Panorama Award.
➢ Nagbigay pag-asa sa mga Pilipino na magkaroon ng sariling pwesto sa Pandaigdigang
Literatura.
Kasaysayan at Panitikan
➢ Dahil sa kasaysayan, makikita natin kung ano ang buhay ngmga tao sa sinaunang mga
panahon, ang kanilang mgadatos, impormasyon, at iba pang mahahalagangimpormasyon