You are on page 1of 10

Pangasinan State University

Kampus ng Bayambang
Departamento ng mga Wika
Bayambang, Pangasinan
A.Y. 2022-2023

ANG MAIKLING KUWENTO

PANIMULA
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kuwento - ay isang maikling
salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng
panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad
ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan.

LAYUNIN
PANIMULA

Layunin ng araling ito na maipaunawa sa mag-aaral na bahagi ng ating kasaysayan ang


mga maiikling kwento.
Inaasahan na sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay:
1. Matukoy ang mahahalagang pangyayari sa pag-unlad ng maikling kuwento.
2. Makilala ang mga manunulat at kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng maikling
kuwento.
3. Mapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga manunulat ng maikling kuwento
sa wikang Filipino.

NILALAMAN
MAIKLING KUWENTO

Ang maikling kuwento ay isang masining na anyo ng panitikang may isang


kakintalan. Ang paglalarawan at paglalahad dito ay madali, maikli, at masining kaya't sa
isang upuan o sa sandaling panahon lamang ay agad itong matutunghayan, mababasa,
at kapupulutan ng pananabik, aliw, at maging aral.

A. Bago Dumating Ang Mga Kastila

• Kuwentong bitbit - dito nag-ugat ang maikling kwento, maiikling salaysay


na pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga
bunga ng guniguning di kapanipaniwala.

B. Panahon ng Kastila

• Kakana - sumulpot pagdating ng Espanyol,naglalaman ng mga alamat at


engkanto, panlibang sa mga bata.

- kuwento ay tungkol sa buhay ng mga santo at santa.


- layunin nila ay mapalaganap ang Kristiyanismo.
- Parabula- naglalaman ng mga talinhaga at nagtuturo ng aral.

Halimbawa:
Ang Mabuting Samaritano.

C. Panahong Post Kolonyal (Panahon ng Amerikano)

• Ang maikling kuwentong Tagalog ay naisulat noong mga unang sampung


taon ng mga Amerikano. Mga unang anyo nito ay ang dagli at pasingaw.
Dagli -maikling- maikling salaysay na gayong nangangaral nang lantaran
ay namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa. Hal: “Sumpain Nawa Ang
Mga Ngiping Ginto” ni Cue Malay.

• Nagsisulat ng dagli sina Valeriano Hernandez Pena, Inigo Ed Regalado,


Patricio Mariano, Pascual Poblete atbp. Na inilathala sa pahina ng
pahayagang “Muling Pagsilang” noong 1903. Yumabong ang uring ito ng
salaysay sa tulong pa rin ng pahayagang Democracia, Ang Mithi, Taliba
hanggang 1921.

• Halimbawa ng dagli ni Salvador R. Barros: “Tungkol sa mga bagay na


pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking
ipinagkakaiba. “Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa
kabila. “Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa
bibig. “At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa
pahayagan.” (Sampagita, 8 Nobyembre 1932).
• Pasingaw- patungkol sa mga paralumang hinahangaan, sinusuyo,
nililugawan at kung anu-ano pa. Sa mga dahon ng pahayagang
Kaliwanagan at Ang Kapatid ng Bayan ito kumita ng liwanag. Madalas na
ang mga may-akda nito ay gumagamit o nagtatago sa kanilang mga
sagisag panulat.

• Napatanyag at namalasak ang pagsulat ng dagli at naging katha at sa


bandang huli ay tinawag na maikling katha hanggang 1921. Noong 1910,
nagtagumpay ang “Elias” ni Rosauro Almario sa pahayagang Ang Mithi sa
bisa ng 14,478 na boto ng mga mambabasa.

Mga Samahang Pampanitikan

1. Ang “Aklatang Bayan” nagsimula ang maikling katha nang hindi pa ganap ang
banghay at nakakahon pa ang karakterisasyon.

2. Ang “Ilaw at Panitikan” (popularisasyon) Isinilang ang Liwayway na naging


tahanan ng mga akdang Filipino.

3. Parolang Ginto ni Del Mundo- katipunan ng mga pinakamahusay na kuwento sa


bawat gawain at sa bawat taon. Pumagitna rin sa larangan ng pamumunang
pampanitikan si Alejandro Abadilla sa kanyang Talaang Bughaw.

4. Panitikan- sa panahong ito sinunog ng mga kabataang manunulat ang mga


akdang pinalagay na hindi panitikan.

5. “Ilaw ng Bayan” Sa panahong ito ay nangibabaw ang bisa ng mga kabataang


manunulat sa panitikan sa Wikang Ingles.

D. Panahon ng Hapon

• Pansamantalang napinid ang mga palimbagan sa panahon ng mga


Hapones ngunit pagkaraan ng ilang buwan ay muli itong nabuksan.
Pinahintulutang makapaglathala ang Liwayway kaya‟t biglang nakapasok
ditto ang mga akda na dati ay hindi tinatanggap ng naturang babasahin.

• Dahil dito ang mga manunulat na dating nagsusulat sa Ingles ay


nangagtangkang magsulat sa Tagalog.

• Nagdaos ng timpalak ang Liwayway at pinili ang mga pangunahing kuwento


noon na tinipon sa isang aklat. “Ang 25 Pinakamabubuting Maikling
Kathang Pilipino ng 1943.
• Nanguna sa timpalak ang sumusunod na apat na kuwento.: Pangunahin-
“Lupang Tinubuan” Narciso Reyes Pangalawa –“Uhaw Ang Tigang na
Lupa” Liwayway A. Arceo Pangatlo- “Nayon at Dagat-dagatan” NVM
Gonzales Pang-apat- “Suyuan sa Tubigan” Macario Pineda.

• Kabilang sa mga bagong pangalan sina Liwayway A. Arceo, Amado


Pangsanghan, Aurora Cruz, sa mga nanguna sa kanila, nakilala sina
Teodora Agoncillo, Gemilliano Pineda at Serafin Guinigundo atbp.

E. Panahon ng Kalayaan

• Ang Gantimpalang Carlos Palanca, isang timpalak pantikan ay nagdulot ng


bagong hamon sa mga manunulat sa Ingles at Pilipino. Nagsimula ang
patimpalak sa maikling katha noong 1950 naitatag ang Kapisanang
KADIPAN (aklat, diwa at panitikan) na itinatag sa pamamahala nina
Ponciano B. Pineda at Tomas Ongoco ng MLQU.

• Ang Diwa at Panitik (1965) ay nagpalabas ng magasing Sibol na ang


nilalaman ay tuntunin sa panitikan, wika at pagtuturo noong Enero 1962,
ang magasing Akda ang naging kaakit-akit na babasahing naglalathala ng
mga orihinal na akda at salin saTagalog ng mga manunulat sa Ingles.

• Ang magasing Panitikan ay muling pinalabas ni Alejandro G. Abadilla noong


Oktubre, 1964 at tumagal hanggang 1968.

• Nagtaguyod ang Pamantasan ng Ateneo ng Urian Lectures na


pinamahalaan ni Bienvenido Lumbera.

• Ang Gawad Balagtas ay patimpalak ng pamahalaan noong 1969. Nilahukan


ng katipunan ng sampung akda. Nagwagi si Wilfredo Virtusio ng unang
gantimpala sa kanyang “Si Ambo at Iba Pang Kuwento”.

• Ang huling taon sa dekada 60 ang panahon ng protesta. Ang mga


manunulat ay pumaksa sa kaawa- awang kalagayan ng iskuwater, sa mga
suliranin ng magbubukid at manggagawa.

F. Panahon ng Bagong Lipunan (Batas Militar)

• Sa kadahilanang halos lahat ng kuwentista sa Pilipinas sa panahong Batas


Militar ay kasangkot sa kilusang makabayan, tampok sa kanilang mga akda
ang mga suliraning tulad ng paghihikahos ng marami sa pagpapasasa ng
iilan, kabulukan sa pagpapatakbo ng pamahalaan, kawalan ng katarungan
sa mga limot na mamamamayan at pang- aalipin ng negosyanteng dayuhan
at ng sabwatan ng mga burgis. Lantad ang poot sa mga akdang ito.
• Sagisag- isang magasing inilathala ng Kagawaran ng Pabatirang Madla
upang magkaroon ng mapaglalathalaan ng mga akdang hindi tinatangkilik
ng mga popular na babasahin. Nagtaguyod din ito ng Gawad Sagisag at
nakatuklas ng mga bagong manunulat.

• Ang iba;t ibang kuwentong lumabas at naisulat sa panahong ito ay pawing


sumasaling sa ugat ng lipunan.

• Nakilala sa panahong ito ang mga kuwentistang sina Alfredo Lobo, Mario
Libuan, Augosto Sumilang, Lualhati Bautista, Reynaldo Duque, Benigno
Juan, Benjamin Pascual, Domingo Landicho, Edgardo Maranan, Wilfredo
Ma. Virtusio at Pedro S. Dandan.

• Sa panahong ito, naging palasak ang pagpunta ng mga Pilipino sa bang


bansa lalo na sa Estados Unidos, ito ang naging batayan ni Domingo
Landicho upang isulat ang kuwentong ”Huwag mong Tangisan Ang
Kamatayan ng Isang Pilipino sa Dibdib ng Niyebe” na siyang pinagkalooban
ng gantimpalang Palanca noong 1975.

• Samantala, noong 1979-1980, isang simple subalit pinakamakahulugang


kuwento ang napili ng Palanca upang gawaran ng gantimpalang
pinakamahusay para sa taong iyon ang kuwentong “Kandong “ ni Reynaldo
Duque.

G. Kasalukuyang Panahon

• Nagpatuloy ang Liwayway sa pagbubukas ng kanilang pinto para sa mga


manunulat ng kuwentong ngayon pa lang sumisibol.Maraming kuwentong
nailathala ng mga pagbabagong naganap sa bansa pagkaraan ng EDSA
Revolution. Ito ang mga kuwentong nagtataglay ng diwa, saloobin, at
paniniwala ng mga manunulat sa bagong panahon.

• Nagkaroon ng iba„t ibang pamamaraan ng pagkukwento. Ang mga paksang


dati ay hindi naisusulat ay napapansin. Naging matimpi ang pagtalakay ng
paksa. Madula ngunit maligoy. Ang mga katangiang iyan ay namalagi
hanggang sa kasalukuyan at ito„y tinawag na kontemporaryong maikling
kwento.
KATUTURAN NG MAIKLING KWENTO

Ang maikling kwento ay isang maikli ngunit masining na anyong panitikan na ang
layunin ay maglahad o magsalaysay ng isang nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan. Ito' y napapaloob sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang
balangkas na inilalahad sa parang mabilis ang galaw.

Ayon sa mga manunulat:

1. Edgar Allan Poe (tinaguriang "Ama ng Maikling Kwento)

• Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guni-guni at


bungang-isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

• Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin at


mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.
Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang
tauhan. May kapayakan at kakauntian ng mga tauhan.

2. Ayon kay Teodoro Agoncillo, noong 1935-1940;

• Ang maikling kwento ay gumagamit ng unang panauhan.

• Tungkol sa buhay sa lunsod.

• Matimpi sa paglalarawan at pagpapahayag ng damdamin.


Ayon sa Internet
Ang maikling kwento ay:

- Isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at


nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iwan ng
isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

- Katha na nagsasalaysay at tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay. Hindi


ito pinaikling nobela o buod ng isang nobela.

- Isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa


ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na
inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.

Ayon sa Diksiyonaryong Filipino-Filipino


Ang maikling kwento ay:

- Ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari


sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iwan ng isang kakintalan sa isip ng mga
mambabasa.

- Ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring


kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon
lamang.
Ayon sa Aklat
Ang maikling kwento ay:

- Isang akdang naglalathala at nagsasalaysay ng mga makatutuhanang


pangyayari sa pang-araw-araw na buhay.

- Ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na sahig sa


buhay na aktwal na naganap o maaaring maganap.
Layunin ng Maikling Kwento

Ang mga layunin ng Maikling kwento ay:

• Maglahad ng isang masidhi at nangingibabaw na pangyayari sa buhay sa


pangunahing tauhan sa kwento.

• Mag-iwan ng kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

• Libangin ang mga mambabasa.


Elemento / Sangkap ng Maikling Kwento
Mayroong pitong elemento ang maikling kwento. Ang mga ito ay ang tauhan, tagpuan,
banghay, kaisipan, suliranin, tunggalian, at paksang diwa.
Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang pitong elemento ng maikling kwento at kanilang
mga kahulugan.

Narito ang pitong (7) elemento at ang kahulugan ng bawat isa.

1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.


Dalawang uri ng Tauhan
Tauhang Bilog- sila yung mga nagbabago ang kanilang karakter o ugali sa
kuwento.
Tauhang Lapad- hindi nagbabago ang karakter o ugali na ipinakita sa
kuwento.

2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.

3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa


kwento. Mayroong limang(5) bahagi ang banghay:

• Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kwento.


• Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan
sa kwento.
• Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa kwento.
• Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos
ang problema
• Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kwento.

4. Kaisipan – Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.

5. Suliranin – Ito ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan sa


kwento.

6. Tunggalian – Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban
sa lipunan, o tao laban sa kalikasan.

7. Paksang Diwa – Ito ay ang pinaka-kaluluwa ng kwento.

SANGGUNIAN

Ghaz, S. (2019) retrieved from https://philnews.ph/2019/07/19/elemento-ng-maikling-


kwento-8-elemento-kahulugan.
Suente, S. (2023) (n.d.). Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento. Share and Discover
Knowledge on SlideShare. Retrieved from https://www.slideshare.net/edrianne
Mahilom, Arniel (2010) retrieved from https://teksbok.blogspot.com/2010/08ano-ang-
maikling-kwento.

Abhelina, Danica Krissele (2020) retrieved from


https://fb.watch/j4hF6AkNmu/?mibextid=v7YzmG

You might also like