You are on page 1of 9

PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na sumakop sa atin nang higit sa
tatlong daang taon. Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo 1898, tanda ng pagkakaroon
natin ng kalayaan.Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng
Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y naging panandalian lamang sapagkat biglang lumusob ang mga
Amerikano. Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging sanhi ng pagsuko ni Hen.
Miguel Malvar noong 1903. Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaan ay nagsimula noong pang
1900.

MGA KATANGIAN NG PANITIKAN

1. Hangaring makamit ang kalayaan


2. Marubdob na pagmamahal sa bayan
3. Pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo

DIWANG NANAIG

1. Nasyonalismo
2. Kalayaan sa pagpapahayag
3. Paglawak ng karanasan
4. Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan

MGA IMPLUWENSYA SA PANANAKOP NG MGA AMERIKANO

1. Pagpapatayo ng mga paaralan


2. Binago ang sistema ng edukasyon
3. Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan
4. Ipinagamit ang wikang Ingles
5. Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan
6. Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan

MGA PAHAYAGAN SA PANAHON NG AMERIKANO

1. EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete noong 1900
2. EL NUEVO DIA (Ang Bagong Araw) itinatag ni Sergio Osmena noong 1900
3. EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong 1900
4. Manila Daily Bulletin-1900

3 PANGKAT NG MGA MANUNULAT

1. Maka-Kastila
2. Maka-Ingles
3. Maka-Tagalog

MGA DULANG IPINATIGIL


1. KAHAPON, NGAYON AT BUKAS – sinulat ni Aurelio Tolentino
2. TANIKALANG GINTO- ni Juan Abad
3. MALAYA –ni Tomas Remegio
4. WALANG SUGAT – ni Severino Reyes

PANITIKAN SA KASTILA

1. CECILIO APOSTOL- may pinakamabuting tulang papuri kay Jose Rizal ; OBRA-MAESTRA- A Rizal
2. FERNANDO MA. GUERRERO- unang hari ng panulaan sa Kastila; OBRA-MAESTRA-Crisalidas (Mga
Higad)
3. JESUS BALMORI – “Batikuling”; OBRA-MAESTRA- El Recuerdo y el Olvido; nahirang siyang “poeta
laureado” sa wikang Kastila
4. MANUEL BERNABE- makatang liriko
5. CLARO M. RECTO-Obra-maestra-BAJO LOS COCOTEROS ( Sa Lilim ng Niyugan)
6. TRINIDAD PARDO DE TAVERA- ang nagpasok ng titik W at K sa abakadang Pilipino

IBA PANG MANUNULAT SA WIKANG KASTILA

1. ADELINA GURREA – kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas na magaling sa Kastila; Obra-


maestra- EL NIDO
2. ISIDRO MARPORI –obra-maestra-AROMAS DEL ENSUENO ( Halimuyak ng Pangarap)
3. MACARIO ADRIATICO –obra-maestra-alamat”LA PUNTA DE SALTO ( Ang Pook na Pamulaan )
4. EFIFANIO DELOS SANTOS- nakilala sa tawag na DON PANYONG; kilala bilang mahusay na
mananalambuhay
5. PEDRO AUNARIO –sumulat ng DECALOGO DEL PROTOCIONISMO

PANITIKAN SA TAGALOG

= Ang “FLORANTE AT LAURA” ni Francisco Balagtas at “URBANA AT FELIZA”ni Modesto de Castro


ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog
= Inuri ni Julian Balmaceda sa tatlo (3) ang mga makatang Tagalog. Narito ang mga sumusunod:
= MAKATA NG PUSO : Lope K. Santos; Inigo Ed Regalado;Carlos Gatmaitan; Pedro Gatmaitan; Jose
Corazon de Jesus; Cirio H. Panganiban; Deogracias A. Rosario; Ildefonso Santos; Amado V. Hernandez;
Nemecio Carabana; Mar Antonio

MAKATA NG BUHAY : Lope K. Santos; Jose Corazon de Jesus; Florentino Collantes; Patricio Mariano;
Carlos Gatmaitan; Amado V. Hernandez

MAKATA NG DULAAN : Aurelio Tolentino; Patricio Mariano, Severino Reyes; Tomas Remegio

LOPE K. SANTOS – Ama ng Balarilang Tagalog; OBRA-MAESTRA-Banaag at Sikat


JOSE CORAZON DE JESUS- Huseng Batute; OBRA-MAESTRA-Isang Punungkahoy
FLORENTINO COLLANTES- Kuntil Butil; OBRA-MAESTRA- Lumang Simbahan
AMADO V. HERNANDEZ- Makata ng mga Manggagawa; MGA OBRA-MAESTRA- Isang Dipang
Langit;Mga Ibong Mandaragit; Luha ng Buwaya; Bayang Malaya; Ang Panday
VALERIANO HERNANDEZ-PENA- Tandang Anong at Kintin Kulirat; OBRA-MAESTRA- Nena at Neneng
INIGO ED REGALADO – Odalager; OBRA-MAESTRA-Damdamin

ANG DULANG TAGALOG

SEVERINO REYES – Lola Basyang; Ama ng Dulang Tagalog; OBRA-MAESTRA- W alang Sugat
AURELIO TOLENTINO – ipinagmamalaking mandudula ng Kapampangan; OBRA-MAESTRA- Luhang
Tagalog at Kahapon, Ngayon at Bukas
HERMOGENES ILAGAN- nagtayo ng samahang “COMPANA ILAGAN” na nagtanghal ng maraming dula
sa kalagitnaang Luzon
PATRICIO MARIANO- sumulat ng “NINAY” at “ANAK NG DAGAT” na siya niyang OBRA-MAESTRA
JULIAN CRUZ-BALMACEDA- “Bunganga ng Pating” ang siya niyang OBRA-MAESTRA

PANITIKANG FILIPINO SA INGLES

JOSE GARCIA VILLA – “Doveglion”; pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles


JORGE BACOBO – sinulat-”Filipino Contact with America”; A Vision of Beauty
ZOILO GALANG – sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang Ingles na pinamagatang “A
Child of Sorrow”
ZULUETA DE COSTA-nagkamit ng unang gantimpala sa tulang “Like the Molave”
NVM GONZALES- may-akda ng “My Islands” at “Children of the Ash Covered Loom”. Ang huli ay isinalin
sa iba’t ibang wika sa India

*ANGELA MANALANG GLORIA- umakda ng “April Morning”; nakilala sa pagsulat ng mga tulang liriko
noong panahon ng Komomwelt
ESTRELLA ALFON – ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na babae sa Ingles bago
magkadigma. Sinulat niya ang “MAGNIFICENCE” at “GRAY CONFETTI”
ARTURO ROTOR – may-akda ng “THE WOUND AND THE SCAR”-kauna-unahang aklat na nalimbag sa
Philippine Book Guild

IBA PANG PANITIKAN

PEDRO BUKANEG- Ama ng Panitikang Iloko; Bukanegan-kasingkahulugan ng Balagtasan


*CLARO CALUYA- Prinsipe ng mga Makatang Iloko; kilala sa pagiging makata at nobelista
*LEON PICHAY – kinilala bilang “pinakamabuting BUKANEGERO”
*JUAN CRISOSTOMO SOTO- Ama ng Panitikang Kapampangan; Crisostan-kasingkahulugan ng
Balagtasan
*ERIBERTO GUMBAN-Ama ng panitikang Bisaya
MGA AKDANG PAMPANITIKAN SA PANAHON NG HAPON

KALIGIRANG KASAYSAYAN

1941-1945

- Nakaranas ng pang-aabuso at pagpapahirap ang mga Pilipino sa mga kamay ng mga Hapones.

“PANAHON NG KADILIMAN”

• Itinawag sa panahong ito sa sapagkat ang yugtong ito ng kasaysayan ay labis na


nakaranas ng matinding hirap, paniniil, kalupitan, at karahasan ng ating mga
ninuno sa kamay ng mga Hapones.

• Jose P. Laurel noong 1943 – 1945 – Siya ang pangulo sa Panahon ng Hapon.

PANITIKAN NOONG PANAHON NG MGA HAPONES

• Gintong Panahon ng Panitikang Filipino

• Ipinagbawal ang pagtuturo ng wikang Ingles sa mga paaralan.

• Ang wikang Niponggo, kulturang Hapones, at wikang Pilipino ang ipinaturo lamang sa
mga paaralan.

• Masusi ring sinuri ang mga aklat na ginagamit sa mga paaralan.

• Sinunog ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng
kanluraning ideya ang panitikang nilikha.

• Ipinatanggal ang mga pahina ng aklat na naglalaman o may pahiwatig ng Kulturang


Kanluranin.

• Ipinasara ang mga pahayagan at magasin na naglilimbag sa Wikang Ingles.

• Sa kabila ng mahigpit na sensor noong Panahon ng Hapon..

• Maraming nalathalang tula, kuwento at mga unang lathalain sa Niponngo nang


mabuksan ang Sunday Tribune Magazine.

Muling pagbubukas ng LIWAYWAY….

• Lingguhang magasin na nagmula sa


panahon ng mga Amerikano.

• Muling nabuksan sa panahon ng Hapon


sa pangngasiwa ni Kin-Ichi Ishikawa.
• Tanging magasing kumilala sa mga panitikan na likhang sining ng mga manunulat bilang
isang tinig ng kanilang kilusan.

• Dito naililimbag ang makabayang kaisipan ng mga makata, mananaysay at manunulat


ng maikling kuwento.

• Naging mabisang instrumento nina Antonio B.L. Rosales at Clodualdo Del Mundo na
maiparating ang mga kahilingan, alituntunin o kautusan ng mga Hapones.

MGA TEMA NG PANITIKAN SA PANAHONG HAPON

• Sumesentro ang mga tema….

1. Buhay sa lalawigan o pagsasaka o pangingisda

2. Ugali ng Hapon na masipag magtrabaho

3. Pagka-makabayan, Pag-ibig, Kalikasan

4. Pananampalataya at Sining

5. Ugali ng Hapon na pagiging tapat sa kanilang bansa at pagkakaroon ng

dangal sa sarili at bansa

MGA MAIKLING KUWENTO SA PANAHON NG HAPON

• Gintong Panahon ng maikling kuwento

• Ilang manunulat na nasanay sa pagsulat sa wikang Ingles ay sumubok na sumulat at


gumawa ng akda na nasa wikang Filipino.

MGA KATANGIAN NG MAIKLING KUWENTO

1. Ang mga paksa ay matimpi.

2. Ang mga pangyayari’y madula ngunit di maligoy.

3. Ang mga paksa ay iba-iba, yaong nauukol sa karaniwang karanasan at buhay


ng mga

tao.
4. Ang mga paraang ginagamit ay iba- iba.

5. Ang pagkakaroon ng malawak na paningin ng mga manunulat ay bakas na


bakas sa

kanilang mga isinulat

6. Ang mga pangungusap na ginamit ay payak, isang bagay na


nakapagpapaganda sa

mga ito.

• May 25 Pinakamabubuting Kathang Pilipino ng Maikling Kuwento noong 1943.

Halimbawa ng mga Kuwento:

1. Lupang Tinubuan – Narciso Reyes

- Natatangi dahil sa mahusay na paglalarawan ng pook,panahon, sitwasyon

at tao.

- Napapanahon ang diwang ipinahahayag.

2. Uhaw ang Tigang na Lupa – Liwayway Arceo

– nagpapakita ng katimpian ng paksa at ang mgapangyayari’y madula ngunit hindi naman

masasabing maligoy.

- payak ang mgapangungusap na ginamit ngunit ang kariktan ng kwento’y nasa naiibang

paraan ng matimping pagsasalaysay.

ANG MGA TULA NOONG PANAHON NG HAPON

• Ito ang isa sa mga uri ng panitikang lumaganap sa panahong ito.

Ang mga PANGUNAHING PAKSA ay may kinalaman sa…

1. sining

2. relihiyon

3. pagpapahalaga sa kalikasan

4. pagmamahal sa bayan o damdaming Nasyonalismo


5. pang araw-araw na pamumuhay sa mga nayon, lalawigan at probinsya

MGA URI NG NG TULA NA LUMAGANAP NOONG PANAHON NG HAPON

HAIKU

- Isang tulang may malayang taludturan na kinagigiliwang ng mga Hapones - Maikli lang

ngunit ito ay nagtataglay ng masaklaw na kahulugan, malalim na kaisipan at damdamin na

tumatalakay sa kalikasan o mga bagay sa paligid.

- Binubuo ng 17 pantig na nahahati sa tatlong taludtod.

unang taludtod - 5 pantig ikalawang

taludtod –7 pantig

ikatlong taludtod – may 5 ring pantig tulad ng unang taludtod - Isinulat ni

Gonzalo K. Flores sa magasing Liwayway noong 1943.

Tutubi

Hila mo’y tabak… ang

bulaklak nanginig!

sa pagsapit mo.

Paksa - pang kalikasan

Mensahe -tungkol sa pangamba ng bulaklak dahil sa paglapit ng tutubi na maaring hind

magiging maganda ang idudulot ng tutubi..

TANAGA

- Tulad ng haiku, ito’y maikli ngunit may sukat at tugma.

- Ang bawat taludtod nito ay may pitong(7) pantig. Halimbawa : Palay – Ildefonso

Santos

(PALAY) ni Ildefonso
Santos

Palay siyang matino,


Nang humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo Nagkabunga ng
ginto.

3. Karaniwang Anyo

- Ang mga katangian nito ay nagtataglay ng sukat at tugma, indayog, aliw-iw.

Halimbawa: Pag-ibig-Ildefonso Gener

(PAG-IBIG) ni
Teodoro Gener

Umiibig ako, at ang iniibig ay hindi


ang dilag na kaakit-akit
pagka’t kung talagang ganda lang ang nais,
hindi ba’t nariyan ang nunungong langit?

Lumiliyag ako, at ang nililiyag ay hindi


ang yamang pagkarilag-rilag
pagka’t kundi totoong perlas lang ang hangad di ba’t
masisisid ang pusod ng dagat?

Umiibig ako’t sumisintang tunay, di sa


ganda’t hindi sa ginto ni yaman… Ako’y
umiibig, sapagkat may buhay na di nagtitikim
ng kaligayahan…

Ang kaligayahan ay wala sa langit wala rin sa


dagat ng hiwang tubig… ang kaligayaha’y nasa
iyong dibdib
na inaawitan ng aking pag-ibig…

MGA DULA NA LUMAGANAP NOONG PANAHON NG HAPON

DULA

-Ang dulang tagalog ay nagtangkang bumangon upang magbigay ng kaunting aliw sa mga mamamayan.

- Karaniwang isinasagawa sa Metropolitan Theater.


- Ginagawang libangan ng mga tao.
- Karaniwang kasuotan ng mga lalaki ay Barong Tagalog at sa mga babae ay balintawak
- Halimbawa ng Dula
Sino ba Kayo? - Isinulat ni Julian Balmaceda sa Ingles
- Isinalin ni Francisco Rodrigo sa Wikang Tagalog

You might also like