You are on page 1of 12

Kasaysayan ng Maikling Kwento sa Pilipinas

Kasaysayan ng Maikling Kwento sa Pilipinas

Ang maikling kwento ay maikli at masining.Isang upuan at sandaling panahon lamang ang
ginugugol, agad itong matutunghayan, mababasa at kapupulutan ng aral, pananabik at aliw.

· Edgar Allan Poe – tinaguriang ama ng milking kwento sa buong mundo.

Ayon sa kanya, ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan,likha ng guniguni at bungang isip o
hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

· Deogracias A. Rosario – Ama ng maikling kwento sa Pilipinas.

Magasing Amarant at Forget me not – sinasabing unang sumibol ang isang sangay ng salaysay.

Panahon ng Katutubo

· Ang maikling kwento ay nasilayan na noong panahon bago pa man dumating ang mga kastila sa
ating kapuluan.

· Karamihan sa mga ito ay pasalin-labi lamang o mga kwentong bayan.

· Tinetema ay kalikasan, diyos-diyosan.

· Ito ay mga pasalitang pagsasalaysayan sa tradisyong patuluyan.

Pinag-ugatan ng Maikling kwento

· Mitolohiya – salaysayin tungkol sa iba’t ibang diyos na pinaniniwalaang mga sinaunang katutubo.

-tungkol sa mga kababalaghan at tungkol sa kanilang mga pananalig at paniniwala sa mga anito.

Halimbawa: si Malakas at si Maganda.

· Alamat – isinaslaysay ang pinagmulan ng isang bagay, pook, pangyayari at iba pa. Pinalulutang din
dito ang mahahalagang mensahe at mga aral sa buhay.

· Pabula – uri ng kwentong gumagamit ng mga hayop bilang tauhan. Naghahatid ng mahahalagang
meensahe at aral sa buhay.
· Parabula – saylaysay hango sa Bibliya. Lumulutang dito ang moral at ispiritwal na pamumuhay ng
mga tao at ang paglalahad ay patalinghaga.

· Kwentong Bayan – ipinapakita ang pag-uugali, tradisyon, paniniwala, pamahiin, at kultura ng isang
lipi

· Anekdota – nagsasalaysay ng mga pangyayaring katawa-tawa at mga pangyayaring kapupulutan ng


mga aral sa buhay.

Panahon ng mga Kastila

· Doctrina Cristiana – kauna-unahang aklat

Mga halimbawa ng maikling kwento sa panahon ng mga kastila

· Noche Buena ni Jose Rizal

· Si Rosa at si Rogelio ni Lope K. Santos

· Bunga ng kasalanan ni Cirio Panganiban – nagkamit ng unang gantimpala noong 1920. Ito
angunang kwentong tumapat sa mahigpit na pangangailangan ng banghay.

Si Cirio H. Panganiban ay isang manananggol at naging malaking bahagi sa kasaysayan ng panitikang


Pilipino. Isa siyang makata, kwentista, mandudula, mambabalarila at guro pa ng wika.

Mga nagkamit ng gintong medalya at pinakamahusay na kwentista.

· Wala nang Lunas ni Amado V. Hernandez

· Aloha ni Deogracias A. Rosario

· Sugat ng Alaala ni Fausto Galauran

· Ay,ay ni Rosalia A. Aguinaldo

Panahon ng Amerikano

· Tinagurian ang panahong ito bilang “Mga Gintong Dahon ng Panitik (1929-1934) sapagkat ang
binigyang hugis ay ang kaanyuan bukod sa pagbabago ng kalamnan.

· Dalawang pangkat ng kwentistang Pilipino


-unang pangkat ay manunulat na yumakap sa istilo at pormang dayuhan o tinatawag na makaluma

-ikalawang pangkat ay hayagang tumangkilik sa tradisyonal na pagsulat o tinatawag na makabago.

· Aristokrata – pangkat ng mga klasistang manunulat,na naniniwalang ang pagsulat ay isang


marangal na gawain kaya ang dapat na kumatha ay yaong mararangal na tao, na may mararangal at
elitistang mga tauhan.

· Sakdalista – mga kwentistang produkto ng edukasyong kanluraninna tumutuligsa sa makalumang


paraan ng pagsulat.

Mga katangian ng panitikan sa panahon ng mga Amerikano

· Hangaring makamit ang kalayaan

· Marubdob na pagmamahal sa bayan

· Pagtutol sa kolonyalismo at imperyalismo

*Panahon ng Ilaw at Panitik – ganap ng nahasa ang mga manunulat sa sining ng maikling katha.

Panahon ng Hapon

· Masasabing gintong panahon ng Panitikang Filipino dahil pinairal ang paggamit ng wikang
pambansa bilang midyum ng pagsulat.

· Tinaguriang “Kontemporaryong Maikling kwento”.

· Sumikat sa panahong ito ang batikang kwentistang si Macario Pineda at napatanyag ang kanyang
kwentong Suyuan sa Tubigan.

Mga kilalang kwentista sa panahong ito:

· Narciso Reyes,” Lupang Tinubuan” – nagkamit ng unang gantimpala

· Liwayway Arceo, “Uhaw ang tigang na Lupa” – nagkamit ng ikalawang gantimpala

· N.V.M. Gonzales, “Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan” – nagkamit ng pangatlong gantimpala

· Alejandro Abadilla at Clodualdo del Mundo – patnugot ng isang aklat na naglalaman ng mga
Kwentong Ginto na nasulat sa mga taong 1925-1935.
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan

· 1972-1986, panahon ng Bagong Lipunan

· Setyembre 21,1972 – idineklara ang Martial Law.

· Bagong Lipunan-pagbabagong tatag

· Naging makatotohanan ang paksa ng mga ito at natuon sa tema ng Bagong Lipunan.

· Temang makabansa at paglaban sa mga naaapi.

· Mga paksain ng maikling kwento:

1. Pagbibigay ng lupa sa mga magsasaka.

2. Pagbabalik-bukid ng mga tauhang nasasakal na sa magugol at mausok na lunsod.

3. Kahirapan ng pagkakaroon ng maraming anak.

4. Mga pang-araw-araw na pangyayaring kapupulutan ng aral.

· 1972 nalimbag ang Himagsik: Katipunan ng mga Nagkagantimpalang Kuwento ni Domingo G.


Landicho.

· 1974 nalimbag ang Manwal sa Pagsulat ng Maikling kwento sa Pilipino ni Domingo G. Landicho.

· 1976 ay nalimbag ang Ang Mangwawasak at iba pang Maikling Katha sa pagmamalasakit ni
Epifanio San Juan.

Batas Republika – Kasalukuyan

· Nasa antas pa lamang ng panibagong pagpapakilala at pagpapaunlad ang wikang Filipino noong
mga taon ng dekada 80.

· Syeyring ni Juan Cruz Reyes – nagwagi ng unang gantimpala sa Palanca taong 1986.

· Talinghaga ng Talahib ng Los Indios bravos ni Fidel Rillo Jr. – Pangatlong gantimpala sa
Palanca,1987

· Sugat sa Dagat ni Cyrus Borja – unang gantimpala sa Palanca, 1988

· Minero ni Noel Salongga – unang gantimpala sa Palanca, 1989


· Isang Hindi Malilimutang Tanghali Sa Buhay ng mga Ginoo’t Ginang Ng Bitukang Manok ni
Fernando Cao – inihalal na mahusay na kwento,1991. Tumalakay sa magkaibang pananaw at gawi ng
mga pesanteat mga naghaharing uri ukol sa dalawang matingkad na element ng Edsa, rehiyon at
pulitika.

Mga kilalang kwentista sa Panahon ng Bagong Lipunan

1. Lualhati Bautista – Ipinanganak sa Tondo Manila noong Disyembre 2,1945

- isang bantog na babaeng pilipinong manunulat..

- Ilan sa mga nobela niya ang Gapo, Dekada 70 at Bata Pano Ka Ginawa? na nakapagpanalo sa
kanya sa Palanca award ng tatlong beses noong 1980,1983 at 1984.

2. Pedro S. Dandan - Ipinanganak sa Baliwag Bulacan noong Hunyo 30, 1916.

- nakagawa ng ilang daang akdang pampanitikan kabilang ang maikling katha, sanaysay,tula at
nobela.

3. Fidel Rillo Jr. – Ipinanganak noong Hunyo 4, 1955.

- Kasalukuyang nagdidisenyo ng magasin at libro.

- Tagapayo sa Advertising at pamamatnugot.

- Isa sa Board of Directors ng union ng mha manunulat sa Pilipinas.

4. Bienvenido Ramos – dating ulong patnugot ng magasing Liwayway.

- Nag-aral ng AB Journalism sa FEU.

- May akda ng kwentong Pakikipagtunggali na nalathala sa magasing Liwayway.

5. Jose F. Lacaba - Ipinanganak sa Cagayan de Oro noong Agosto 20, 1945.

- Sumabak din sa pagsulat ng skrip sa pelikula. Ilan sa mga ito ay ang Jaguar noong 1979 at Sister
Stella noong 1984.

6. Jun Cruz Reyes – natatanging nuron ng wikang Filipino at kamalayang Bukaleryo ng ating panahon.

- Isang magaling na guro na binigyan ng parangal bilang pinakamahusay na assistant professor ng


College of Arts and Letters sa UP Diliman.

7. Lamberto E. Antonio – Isinilang noong Nobyembre 9, 1946 sa Palasinan Cabiao, Nueva Ecija.

- Isang pilipinong manunulat, kabilang sa tatlong tungkong baton g Panulaang Filipino, kasama sina
Virgilio S. Almario at Rogelio G. Mangahas.
8. Patrocinio Villafuerte – isang guro at manunulat sa Filipino sa kasalukuyan. Siya ang tagapangulo ng
departamento ng Filipino sa Philippine National University.

- Guro ng Filipino sa lahat ng antas, ,manunulat ng may 145 na aklat na karamihan ay teksbuk at
sangguniang aklat sa Filipino.

9. Fanny A. Garcia – Kauna-unahang nakapagtapos sa programang Malikhaing Pagsulat sa antas


masterado at doktorado sa Unibersidad ng Pilipinas- Diliman.

- Kasalukuyang nagtuturo at namamahalang Tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa De La


Salle University.

10. Benjamin Pascual – ipinanganak sa lungsod ng Laog, Ilocos Norte. Isang kwentista at nobelista.

- Maraming nasulat na maikling kwento sa Ilokano at dalawang nobela.

- Tagapayong legal ng GUMIL, Metro Manila.

Halimbawa ng Kwento

Lihim ng tatlong Buwan

Ni Ivy Joy V. Fondevilla

Pagkamulat pa lamang ng aking mga mata at hanggang magkamuwang at magkaisip naririnig ko na sa


mga tao ang papuri at paghanga sa aking taglay na kariktan. Mula elementarya ay ako na lagi ang laman
ng beauty contest. Nang mag grade six nga ako ay marami na ang tumutol na ilaban akong muli sa
paligsahan sa aming paaralan. Galit na galit ang aking mama sa mga humahadlang sa aking paglaban.

“Bakit ba ayaw ka nilang isali? kasalanan mo bang maganda ka at laging nananalo? Wika ng mama
ko. “ Dapat kasi pumipili sila ng magaganda at matatalino na itatapat sayo, hindi yung laging mga bopols
at hindi kagandahan” dagdag pa niya.
May katwiran naman ang mama ko, kaya lang masyado siyang talakera na walang pinipiling lugar.
Ako na tuloy ang nahihiya lalo na kung sa eskwelahan niya dinadala ang ganitong ugali. Ngunit sa kabila
nito ay mabait ang mama ko. Masipag, maalaga at mapagmahal na ina. Palibhasa lumaki kaming tatlong
magkakapatid na siya lamang ang kasama. Make-up artist ang nanay ko, iyan ang gusto niyang itawag sa
kanyang propesyon, hindi lang basta mag-aayos ngunit mga artista ang kaniyang minemakeupan.
Kaming magkakapatid ang kanyang pangunahing kostumer. Kaya nga kapag lumalaban ako ng ng beauty
pageant ay talagang magarang magara ako. Si Trina,an gaming bunso na pitong taong gulang ay laging
muse sa kanilang eskwelahan . Si Veronica naman na nasa 2nd year high school ay madalas na ring
ilaban sa mga pagandahan.

Hindi kami mayaman, pero nakatira kami sa isang subdibisyon sa Cavite. Ang totoo ay hindi ito sa
amin, ang kapatid ng mama ko ang naghuhulog ng bahay na ito. Siya ay nagtatrabaho sa abroad bilang
domestic helper. Siya din ang tumutulong sa amin upang makaraos kami. Dalawa lamang silang
magkapatid at si mama ang bunso. Ulila na sila sa magulang kaya naman mahal na mahal nila ang isa’t
isa. Hindi na nakapag asawa ang tita Verna siguro ay dahil sa sumpa niya sa lolo’t lola ko na hindi niya
pababayaan si Mama. Marahil kaya lumaki ang ulo ni mama, alalaon baga’y hindi siya matitiis ni tita.
Tunay ngang napakabait ni tita. Kami ang dahilan ng kanyang pangingibang bansa. Nang magkaanak ulit
si mama, si Trina ang bunso namin ay nagpasya si tita na magtrabaho na nga sa ibang bansa.

Hindi na sapat ang kita ko dito, naggagatas at diaper si Trina kundangan ba nama’y nagpaanak ka
uli sa kung sinong lalaking may asawa “ wika ni tita” “kasalanan ko bang habulin ng mga me-asawa”
pagmamayabang pa ni mama. “ Bakit hindi ka pumili ng lalaking kaya kang panagutan at ang magiging
anak mo. Huwang mong ikatwiran sa akin na nagkaton lang dahil pangatlong beses na iyan. Ito ang
usapan nina mama at tita Verna dalawang buwan bago lumipad patungong Dubai si tita. Oo tama tatlo
kaming magkakapatid na magkakaiba ang ng ama at sa kasamaang palad pa nga ay ang aming mga tatay
ay pamilyadong tao. Noong una ay wala sa akin ang mga bagay na iyon, ngunit habang nagkakaisip ako
ay nagkakaroon ako ng mga katanungan sa buhay. Bakit iba-iba ang aming tatay, bakit walang kasama si
mama bilang kabiyak, Bakit ganoon si Mama? Masasabi bang minalas lamang siya? ngunit sa tatlong
beses masasabi pa bang malas iyon? Sabi ni mama marahil ay iyon talaga ang tadhana niya. Kaya
isinumpa ko sa aking sarili na hinding hindi ako matutulad kay mama sa aspetong iyon.

Sa edad kong labimpito, ay litaw na ang aking kagandahan. Sa kolehiyong aking pinapasukan ay
nadadala ko ang mga mata ng mga nakakakita lalong lao na ang kalalakihan. Maraming nagtatangkang
manligaw ngunit ayaw ko, nais kong maging huwaran sa mga kapatid kong sina Veronica at Trina. Isa pa
ay pihikan ako sa mga lalaki at marahil ay hindi ko pa nakakatagpo ang lalaking magpapalundag at
magpapatibok ng aking puso.
“Aba kelan ka ba magpapakilala sa akin ng iyong nobyo ha Cris?”. Sa ganda mong iyan ay hindi ako
maniniwala na walang nanliligaw sa iyo. Sabi ni mama ng minsang magkaharap kami sa sala. Hindi ako
umimik at nginusuan ko si mama. Ayaw na ayaw kong kinukulit niya ako sa bagay na iyon. Sabi niya ay
nais pa daw niyang makapag – alaga ng apo bago siya mamatay. Mamamatay agad? Nasasabi ko sa
aking sarili. Sa edad na tatlumput apat at malakas pa sa kalabaw ay sinasabi ito. Hindi konserbatibo si
mama, halata naman. Kulang na lang ay siya ang pumili ng magiging nobyo ko at ipakasal agad ako. Kahit
ganoon ang kinahinatnan ni Mama pagdating sa kanyang pag-ibig ay ibang-iba ang nais niya sa aming
magkakapatid. Nais niyang ikasal kami sa simbahan at magsasama habang buhay. Bagay na hindi niya
naranasan.

“Kayo kasi kung sa una pa lang ay pumili na kayo ng lalaking malaya ay naranasan nyo sana ang
maikasal at may makasama habang buhay” ito ang mga salitang lumabas sa aking bibig na hindi ko
napigilan.

“Eh di sanay wala kayong tatlo kung iyon ang hinangad ko.” Malungkot na wika ni Mama. Natigilan ako
bigla at napaisip. Oo nga naman, ngunit may waring naguudyok sa akin na ibulalas ang aking saloobin.

“Bakit kasi may mga asawa pa mama? Hindi mo ba alam ang pakiramdam ng mga batang walang
ama habang sila’y lumalaki. Napakalaking kakulangan na hindi mo alam kung nasaan ang tatay mo.
Palibahasa hindi mo naramdaman iyon dahil kumpleto ang magulang mo. At hindi ka pa nakuntento na
isang anak mo lang ang makaramdam ng kakulangang iyon. Nilahat mo pa kami. At tuluyan na akong
napahagulhol. Lahat ng naipong sama ng loob ay inalabas ko na. Sa wakas sa tagal ng panahon ay
kumawala din ang sakit na aking kinikimkim. Si mama ay hindi makaimik at maya maya’y tumayo at
tinungo ang kanyang silid. Wala noon ang dalawa kong kapatid at kami lamang ang tanging saksi sa
sagutang naganap.’

Napaupo na lamang ako sa sofa at napahilamos sa aking mukha. Nais kong magsisi sa aking mga
nasabi kay mama. Alam kong nasaktan siya dahil iyon ang unang beses na nagkasagutan kami tungkol sa
bagay na iyon. Nag-aaway kami ni mama ngunit iba ang pag-aaway na ito.

Kinaumagahan ay parang walang nangyari ng nagdaang araw. Si mama ay pakanta-kanta habang


naghahanda ng almusal. Ang dalawa kong kapatid ay parang nagpapatintero sa paghahanda ng kanilang
gamit sa eskwela. Nang makita ako ni Mama ay ngumiti siya “ kain na anak, nagluto ako ng paborito mo”
masayang wika niya, tortang talong, sinangag at tuyo, paborito niyang ulam sa umaga.

“Veronica,Trina, halina kayo at makakain na” At sabay na dumulog ang dalawa. Bigla tuloy akong
naguilty sa aking ginawa. Hindi ko pa magawang magsorry kay Mama dahil nahihiya pa ako sa kanya.
“Bukas na lang” bulong ko. Mabilis na lumipas ang oras sa eskwelahan. Aral dito, recitation doon, at
maya maya pay uwian na. Gawain ko na ang pagdaan sa fishball stand at magmeryenda at pagkatapos
ay sasakay ng tricycle patungo sa aming subdibisyon. Pagdating sa bahay ay naroon na ang aking mga
kapatid, hinanap ng mata ko si Mama, wala siya, marahil ay nasa silid siya. Ito na ang pagkakataon ko.
Pumasok ako sa silid niya at nakita ko na nakahiga siya, waring humihikbi. Nilapitan ko siya at niyakap. “
Mama sorry po!, hinarap ako ni Mama at niyakap. “wala kang kasalanan anak, tama ka, patawad! At
muli kaming nagyakap.

Mula noon ay bumalik kami sa normal ni Mama. Lumipas ang mga araw, linggo at buwan.
Hanggang sa buwan na pagbabalik ni tita Verna sa Pilipinas. Bahagya ko nang nalilimot ang mukha niya
dahil sa telepono lamang kaming madalas magkausap. Nang araw na iyon ay umarkila kami ng van
upang sumundo sa airport. Sinabi ni tita na umarkila daw kami sapagkat marami siyang dala. Anim na
taon ang inilagi ni tita sa Dubai, at mayroon na siyang naipundar na bahay at lupa at magagandang
gamit. Nakikinita ko na balang araw ay magiging amin na din sapagkat wala namang tagapagmana si tita.

Alas dos pasado na nang mag-ultawan ang mga ulong palabas ng NAIA. Iwinawagayway namin
ang ginawa naming placard na nakasulat ang “welcome home tita Verna” Maya maya pa’y nagkakaway
na si Mama na tila natatanaw na si tita Verna. At sinundan naming ang tingin ni Mama at natanaw na din
namin si tita. Malaki ang ikinabata ni tita, sa edad na tatlumput anim ay mukhang mas bata pa siya kay
Mama. Agad nagyakap si Mama at Tita Verna, mangiyak-ngiyak pa nga si Mama. Kami nama’y isa isang
nilapitan ni tita at hinagkan. “ Naku ang lalaki na ng mga pamangkin ko.” Masayang wika ni tita. Ito na ba
si Cris? Naku dalagang dalaga na eh, baka naman may boypren ka na ha? nakangiting tanong sa akin ni
tita. “ “Wala pa po tita, nahihiya kong sagot. At bumaling naman siya kina Veronica at Trina “ naku at
ang dalawang ito naman, mga dalaga narin, lalo ka na Trina, nang umalis ako’y mag iisang taon ka pa
lamang at tingnan mo naman ngayon, pitong taon ka na,” napakabilis nga naman ng panahon ano
Magda? Tanong ni tita kay Mama.

“Ay oo ate maya maya pa’y mag-aasawa na ang mga iyan at iiwan ako! Kunway malungkot na sabi
ni Mama. Pero bigla itong bumawi. “Sa bahay na natin ituloy ang kwentuhan at siguradong gutom na si
Ate Verna! wika ni Mama. Ngunit pinigil siya ni Tita. “ Sandali lang may hinihintay pa tayo. Sabi ni tita. At
nagtaka kaming lahat kung sino pa ang hinihintay. Maya maya pa’y may kinakawayan si tita Verna sa di
kalayuan. Isang lalaki ang papalapit sa aming kinaroroonan. Matangkad at matipuno ang pangangatawan
at lalaking lalaki ang dating. Natunganga ako sa tanawing bumubusog sa aking mga mata. Ang dahilan
kung bakit wala akong nagugustuhan sa aking mga manliligaw. Ito ang lalaking pinapangarap niya.
Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganito. Nanlambot ang kaniyang tuhod at waring mabubuwal sa
kinatatayunan. Nasa ganito siyang sitwasyon ng tapikin siya ng kanyang mama. “ Uy ano ka ba?, kanina
pa nakalahad ang kamay sa iyo ay hindi ka natitinag! Sabi ni mama sa akin. At bigla akong nabalik sa
aking ulirat naipakilala na pala siya sa amin ay wala akong kaalam alam, at dagling inabot ang kamay ng
lalaking nagpawala sa akin sa katinuan kani-kanina lang. Pinilit kong maging kaswal at paniwalain ang
lahat na walang kakaibang nangyari sa kaibuturan ng aking isip at puso.
“Cris,Veronica, Trina, ang tito Matt nyo,nobyo sya ng Tita Verna nyo. Hindi ko na siya naikuwento
sa inyo hindi ko rin kasi alam na kasama sya pag-uwi”, wika ni Mama.

“Hello po Tito Matt”, halos sabay na bati nina Veronica at Trina. At ako ay ngumiti lang sa kanya.

“O, bweno,halika na, sa bahay na natin ituloy ang kwentuhan at siguradong naiinip na ang ating
tsuper”. wika ni Mama. At kaming lahat ay nagtungo na sa direksyon ng kinaroroonan ng sasakyan.
Habang nasa sasakyan ay iniisip ko kung ano ang aking nararamdaman kanina. Marahil katulad ito ng
ikinukwento sa akin ng aking kaibigan na si Andi nang una niyang Makita ang kanyang nobyong si Mark.
Sabi niya love at first sight daw ang tawag doon. Yung tipong para kang na “stock” sa kinatatayuan mo at
unti-unting nanghihina. Sa pagtatapat ng inyong mga mata ay para kang natutunaw sa mga titig niya. “
Tama,sa isip ko na lang, love at first sight nga ang naramdaman ko ng makita ko ang nobyo ng tita ko na
malayo ang agwat sa edad ko. Kung tutuusin ay parang tatay ko na siya. Bigla kong binura ang kung ano
mang tumatakbo sa aking isipan. Kaya siguro tinawag na love at first sight ay dahil sa unang pagkikita
lamang mararamdaman ang pagmamahal.

Nang makarating kami sa bahay ay sabay sabay naming pinagsaluhan ang mga pagkaing nakahain.
Nagpaluto si Mama sa isang restawran ng ilang putahe ng ulam na paborito ni Tita Verna, afritada,
adobo, kare-kare at sari-saring panghimagas. Halatang ganado ang lahat sa pagkain maliban sa akin.
Narinig ko kanina nang nag-uusap sina mama at tita na tatlong buwan ang ibinigay na bakasyon sa
kanila. Driver pala si tito Matt ng amo ni tita at doon nabuo ang kanilang pagsisintahan. Binata si tito
Matt ngunit may isang anak sa dating nobya. Nang mag abroad daw ay naghanap ng iba ang nobya nito
na naging sanhi ng kanilang paghihiwalay. Sa mga panahon na malungkot si tito Matt ay naroon si tita,
naging magkaibigan sila na humantong sa pag-iibigan ito ang kwento sa akin ni mama ng tanungin ko
siya kung paano nagkakilala sila ni tita.

Maingay sa bahay ng gabing iyon, nagkakantahan, nagsasayawan, at umiinom ng alak sina mama
si tita at si tito Matt. Kaming magkakapatid naman ay tagatawa habang pinapanood sila. Pasado alas
dose na ng magdesisyon ang lahat na magpahinga, kanya kanya kaming nagtungo sa aming mga silid.
Sina tita Verna at tito Matt ay sa guest room tumuloy. Hindi agad ako makatulog ng gabing iyon, ang
katawan ko ay nais ng magpahinga, ngunit ang isip ko ay buhay na buhay pa. Para sa akin ay napakatagal
ng tatlong buwan na mamamalagi dito sina tita. Tatlong buwan na araw-araw kong makikita ang kaakit-
akit na mukha ni tito Matt. Makakaya ko bang pigilan ang aking sarili? Sana bukas sa pagmulat ng aking
mga mata ay mawala na ang pakiramdam kong ito. Sana……. Sana……………

Mataas na ang sikat ng araw ng ako’y bumangon, masarap ang aking pakiramdam sapagkat
nakapagpahinga ako ng maayos. Paglabas ko sa aking silid ay napatuon ang aking mga mata sa kusina,
palibhasa nasa second floor ako kaya kitang kita ko ang tanawin, si tita Verna ay nagluluto habang si tito
Matt ay nakapulupot ang dalawang kamay sa bewang ni tita na animo’y sumasayaw-sayaw pa habang
nagkukulitan. Maganda si tita magkamukha nga sila ni mama eh, sa itsura at hubog ng katawan ay
magtataka ka kung bakit ngayon lang nakatagpo ng pag-ibig. Marahil dahil nga sa mga bagahe niya, at
kami iyon. Nasa ganoon ako ng pag-iisip ng bigla akong tinawag ni mama. “ Anak gising kana pala, halika
na kakain na tayo nagluto ang tita mo”. At sabay na napalingon si tita Verna at tito Matt sa direksyon ko
at sumenyas si tita na bumaba na ako.

Lumipas ang mga araw linggo at buwan kaswal ang pakikitungo ko kay tito Matt ewan ko pero
hindi ko magawang makipag close sa kanya. Marahil dahil may iba akong pagtingin sa kanya. Waring
isang taon ang paglipas ng isang buwan. Sa bawat araw na nakikita ko siya ay lalong tumitindi ang
pagnanasa ko sa kanya. Ang dating simpleng paghanga ay tumuloy na sa pagnanasa hanggang isang
araw ay tadhana na ang gumawa ng paraan, nagkataon na wala kaming pasok at kami lamang dalawa
ang naiwan sa bahay sapagkat sina mama ay may nilakad na dokumento ni tita. Ang dalawa ko namang
kapatid ay nasa eskwelahan.

“Cris, halika at sabayan mo ako sa pagkain”.alok ni tito Matt nang maabutan ko siyang kumakain
sa komedor. Ngumiti lamang ako at tumuloy sa ref upang kumuha ng malamig na tubig. May kung
anong nag-udyok sa akin upang sabayan siya sa pagkain. Masayang masaya ako sa aming kalagayan
noon. Animo’y magkasintahan kami na nagkukulitan at nagtatawanan. Hindi ko alam kung paanong
kami’y nagkapalagayang loob. Basta alam ko, masaya ako sa mga nangyayari. Mula noon ay inaalam ko
na kung may lakad sina mama. At sa tuwing nag-iisa si tito Matt ay kunwaring nagkakataon na naroon
lang din ako sa bahay.

Isang buwan bago bumalik sina tita sa Dubai ay nakamtam ko ang produkto ng aking pagnanasa
marahil kahit hindi kami magsalita ay puso na namin ang nagdesisyon sa isang bagay. Marahil dininig ng
diyos ang aking mga panalangin. Isang araw na kami lamang dalawa ang nasa bahay ay bigla niyang
nabanggit na kamukha daw ako ni tita Verna, parehas daw kaming maganda. Hindi ko man nakita ang
aking sarili ngunit alam kong namula ako kasabay ng paglundag ng aking puso. Parang gumagana ang
simpleng pagpapapansin ko sa kanya. Hindi ako malandi ngunit tama nga ang sabi ng iba na lahat daw ng
tao ay may tintatagong kalandian sa kanilang katawan. Magaling lang talagang magpigil ang iba.

Sa pagkakatitig sa akin ni tito Matt habang sinasabi niyang maganda ako ay parang natutunaw
ako, gustong gusto ko siyang lapitan at hagkan sa kanyang mga labi. Gusto ko siyang makatabi sa
pagtulog, makayakap buong magdamag. Sa pagkakataong iyon ay nais ko nang pakawalan ang
nagpupumiglas kong damdamin. Ngunit bago ko pa nagawa ito ay naunahan na ako ni tito Matt. Mariin
niya akong hinalikan na halos kapusin ako ng hininga. At ang mga sumunod na pangyayari ay tanging ang
silid ko na lamang ang naging saksi. Ang kalinisan ko ay naangkin ng taong pinakamamahal ng tita ko. “
Ang tita ko”. Bigla akong napabalikwas at agad nagbihis. Si tito Matt naman ay nagbihis narin at tahimik
na lumabas sa aking silid.

Buong araw akong nagkulong sa kwarto, kahit nang dumating sina mama ay hindi ko na
magawang lumabas. Hindi ko alam kung paano ko haharapin sina mama at tita, Bagaman hindi nila alam
ang nangyari sa pagitan namiin ni tito Matt ay binabagabag ako ng aking konsensya. Anong
mararamdaman ng tita ko kung malalaman niyang inakit ko ang nobyo niya? Hindi ko mapapatawd ang
aking sarili sa aking ginawa.Kung may dapat mang sisihin dito ay ako iyon at hindi si tito Matt.

Makalipas ang ilang araw ay nagkasakit ako. Hindi ako nakapasok sa eskwelahan ng ilang araw.
Tarantang-taranta si mama sa pag aasikaso sa akin bakas sa mukha niya ang labis na pag aalala. Hiyang –
hiya ako sa aking nagawa. Wala akong ipinagkaiba kay Mama na pumatol sa isang taong may
panangutan na, mas masahol pa nga ang sa akin sapagkat kasintahan ng tita ko ang aking inakit.

Inip na inip ako sa mga natitirang araw na pamamalagi nina tita dito sa Pilipinas. Gusto ko na
silang umalis at mabura na ang lahat ng mga nagawa kong kasalanan. Ibabaon ko na sa limo tang lahat.
Mula ng mangyari ang bagay na iyon sa pagitan namin ni tito Matt ay biglang nagbago ang lahat. Siya ay
halos hindi na makatingin sa akin ng diretso,marahil nararamdaman na din niya ang katulad ng aking
nararamdaman.

Dumating ang araw ng pag-alis nina tita, inihatid namin sila sa airport. Ayaw ko sanang sumama
ngunit pinilit ako ni mama, sa katunayan kasi ay masama ang aking pakiramdam. Nagpaalamanan na
kaming lahat kay tita Verna at kay tito Matt. Ako ay hindi makatingin ng diretso sa kanya at ganun din
siya sa akin. Sa pagtalikod nina tita ay bigla akong naduwal, sabay na napalingon sina tita Verna at tito
Matt. Sa pagtatama ng aming mga paningin ay nagkaunawaan kami na walang magsasalita ano’t
anoman ang mangyari sa ikabubuti ng buhay naming lahat. Ang mga naganap sa loob ng tatlong buwan
na iyon ay mananatiling Lihim.

******WAKAS******

You might also like