You are on page 1of 8

Love Life waits

Sinulat ni

Karla Roxanne M. Lagman

Nakasimangot na lumapit si Chella sa mga kaibigan niya. “Bakit naman


busangot na naman yang mukha mo Chella, daig mo pa ung natalo sa lotto sa mukha
mo eh. “ ani ni Kendr,a ang siga siga niyang kaibigan. “Eh kasi naman, halos lahat
ng madaanan ko eh puro may mga jowa. Ano ba yan nakakainis. Ang sisweet pa nila
kala mo mga langgam. Nakkairita!” sagot ni Chella sabay kuha sa pagkain ni
Kendra. Nangingiti lang na nakamasid si Patricia sa kanila. “Alam no Chella, bakit
ka naman kasi nagmamadali sa pakikipagnobyo eh ang bata bata pa natin.
Kakatuntong lang natin ng baitang siyam Chella ilang taon lang tayo kaya wag kang
magmadali. “ nainis na pangaral ni Patricia sa kaibigan.

Napatulala na lang si Chella na napatingin sa mga tao sa loob ng canteen.


Marami na ang mga kumakain sa oras na un dahil oras na ng recess ng ibang
estudyante. Nang magtuntong siya ng ikawalong baitang ay nagsimula na siyang
mangarap na magkaroon ng kasintahan. Un kasi ang nakikita niya sa ate niya. Ang
ate niyang si Denisse ay nasa kolehiyo na at mayroon ng kasintahan na madalas nasa
kanilang bahay. Nakikita niya kung paano magtulungan ang magkasintahan sa
kanilang mga proyekto. Sila kasi ay kunukuha ng engineering sa unibersidad sa
Maynila. Nakikita niya rin kung paano alagaan ang ate niya ni Ralph ang kasintahan
ng ate niya. Tuwing darating sa bahay nila ay lageng may dala itong chokolate at
bulaklak. Dinadalan naman siya nito ng maraming pagkain kaya busog na busog siya
pag nasa bahay nila si Ralph. Sabi niya sa sarili makakahanap din siya ng kagaya ng
kasintahan ng ate niya. Sabay napangiti si Chella sa naisip.
“Hoy tulala ka na naman jan!” agaw ni Kendra sa pag-iisip ni Chella. “hahaha
nakakatawa ka talaga Chella masiyado kang nagmamadali. Unahin mo muna ang
pag-aaral mo saka na ung mga ganyan. Kapag tapos na tayo madali na para sa atin
ang makakuha ng kasintahan dahil meron na tayong natapos.” “Tama ka diyan
Kendra.” pagsang-ayon ni Patricia sa kaibigan. “Sa ngayon ay pwede ba unahin
muna natin yung mga napakatami nating proyekto na kailangang maipasa sa susunod
na linggo.? Mayroon pa tayong pagsusulit sa tatlong subject natin. Naku ayusin natin
nag pagrerebyu at napakateror pa naman ni Maam Asin. “ segunda pa niya sa mga
kaibigan.

“Okay fine sige. Tara na at tapusin na natin lahat ng dapat nating tapusin. “ Ani ni
Chella sa mga kaibigan. “Basta nararamdaman ko malapit ko ng makilala ang aking
pangkasalukuyan.” tinawanan na lamanag siya ng mga kaibigan. At nagsimula na
sila sa mga proyektong kanilang ipapasa sa kanilang guro.

Hindi madalaw ng antok si chella ng gabing iyon. Kakaalis lang ng kuya


Ralph niya at natunghayan na naman niya ang pagiging maasikaso nito sa ate niya.
Nagkasakit ang ate niya at ito ang nag-asikaso mula sa pagluto ng kakainin at
hanggang sa pagpapainom sa ate niya ng gamot. Wala kasi ang kanyang mga
magulang. Ang tatay niya ay ofw sa Amerika at ang nanay naman niya ay nataon na
nagkaroon ng seminar sa Baguio. Isa itong guro sa elementarya. Malaki ang tiwala
ng kanyang mga magulang sa ate niya dahil nasubok na rin nila ang pagiging totoo
nito at ng kasintahan nito. Hindi niya malimutan ang sabi ng kanyang ina sa ate
niya. “Anak napakabata mo pa para magkaroon ng nobyo. Dapat ay pag-aaral muna
inaasikaso mo. “ payo ng kaniyang ina sa ate niya. “Ma, huwag ka pong nag-alala
hindi ko po sisirain ang pangako ko sa inyo ni papa na makapagtapos ng pag-aaral
at makahanap ng maayos na trabaho. “ ani ng ate niya.

“Alam ko naman iyon pero siyempre hindi natin masasabi ang pwedeng
mangyari. Maaaring ikaw ay ganoon ang kaisipan. Pero paano ang iyong nobyo.
Baka mamaya ay samantalahin niya nag pag-ibig mo sa kanya at gawan ka niya ng
hindi maganda. “
“Ma bukas ay ipapakilala ko sa inyo si Ralph upang makausap ninyo siya. Matagal
na niyang hinihiling sa akin na kausapin kayo hindi ko lang po agad nasabi sa inyo.

“Sige anak dalin mo siya dito upang makausap ko siya. “

Nang sununod na araw ay naroon na nga ang kuya Ralph niya. Magalang itong
humarap sa kaniyang ina. Sinabi nito na maganda ang hangarin niya sa ate niya. At
wala siyang gagawin na makasisira sa tiwala ng kanyang nga magulang sa kanila.
Hindi agad napahinuhod nag kanyang ina sa sinabi ng kanyang ate at kanyang
nobyo. Pero pinatunayan ni Ralph na karapatdapat siya sa tiwala nito. Hinahatid niya
ang ate niya sa tamang oras ng pag-uwi. At kung ito man ay mananatili sa knilang
bahay ay maayos ang pakikitungo nito sa ate niya at maging sa kanya. Mas lalong
tumaas pa ang marka ng ate niya at napasama pa ito sa Deans list ng kanilang
paaralan. Kung kaya binigay ng kanyang ina ang tiwalang hinihingi ng ate niya at
ng kasintahan nito.

Naisip niya na sana ay ganoon din ang magyari sa kanya kapag siya ay nakakita na
ng mamahalin niya. At nangarap na namna siya sa kanyang pagtulog.

Nagmamadali na si Chella sa pagpasok sa eskwela dahil sa kalokohan niya kagabi


kakaisip ng magiging kasintahan niya ay tinanghali na siya nagising. Ngayon ay
humahangos siya papasok ng paaralan dahil ilang minuto na lang ay mahuhuli na
siya sa klase niya. Napakaterror pa naman ng kanyang guro sa Filipino. Siguradong
sesermunan siya nito kapag nahuli talaga siya. Malapit na si Chella sa klasroom niya
ng may bumunggo sa kanya at nagkalat lahat ng dala dala niya.

“Ano ba yan! Nagmamadali na nga yung tao oh tapos ganito pa. Hindj kasi
tumitingin sa dinadaanan” masungit na sinabi ni Chella sa nakabunggo. Sorry miss
nagmamadali din kasi ako mahuhuli na ko sa klase.” napatingin si Chella sa lalaki
at napagtuunan maigi ang itsura nito. Matangkad ang lalaki marahil ay mataas sa
kanya ng 5 pulgada. Napakaguwapo nito at napakalinis ng kasuotan. Natulala si
Chella sa harap ng lalaki na abala sa pagpulot ng mga gamit niyang nagkalat.
“Pasensya na miss hindi ko tlaga sinasadya. “ hingi nito ng paensya at nagmamadali
ng umalis.

Naiwang nakatulala na naman si Chella. “O M G. Siya na ung katuparan ng pangarap


ko.” kurot sa tagiliran ang gumising sa kanya. “Aray ko.” “yan ang nababagay sayo.
Naku ikaw tlaga Chella. Daig mo pa ung baliw. Lageng tulala. “ ang kaibigan niyang
si Patricia. Nasa likod na pala niya ito hindi lang niya napansin. “Lagot ka kay Mam
naku ka.. “

Sinermunan siya ng kanyang guro ng araw na yun. Nahuli kasi siya ng tuluyan. At
hindi siya nalukungkot dahil ng araw na yun ay nakita niya ang nagpatibok ng puso
niya. “Wow naman Chella, inlove agad. Hindi mo nga lubusang kilala ung tao eh.
Sino ba yun at anong section? “ tanong ni Kendra.

Nang biglang dumaan ang tropa ni Charlie. Ang tropa ni charlie ay kilala sa kanilang
paaralan ang mga pasaway na estudyante. Halos lahat ng teachers ay lage silang
pinapagalitan dahil sa mga kalokohan ng mga ito.

“Iyan ba yung sinasabai mong nagpatibok ng puso mo Chella? Eh anong mahihita


mo dyan.? Eh puro yabang lang naman yan. “ naiiritang sabi ni Kendra kay Chella
“Isa pa ang sabi nila eh repeater yan at malamang daw na uulit uli?” gatong ni
Patricia.

Tahimik lang si Chella, sa puso niya ay alam niya ito na ang kabuuan ng pangarap
niya. Kayang kayang nya itong baguhin kung magiging sila. Sa isip niya ay
bumubuo na siya ng kwento ng kanilang pag-iibigan ni Charlie. Hindi nya
pinapansin ang nga sinasabai ng kanyang nga kaibigan. Basta ang mahalaga sa kanya
ay ang nararamdaman nya para rito.
Nagkaroon ng pagkakataon na magkasolo si Charlie at Chella. At gaya ng inaasahan
ng huli natupad ang kanyang pangarap. Niligawan siya nito at ilang araw lang ay
agad niya itong sinagot. Naging masaya ang mga araw ni chella sa piling ni Charlie.
Hindi niya akalain na matutupad ang kanyang pangrap. Hindi na rin niya halos
nabibigyan ng oras ang kanyang mga kaibigan. Palage siyang kasama ni Charlie at
mjnsan mas pinipili niya si Charlie kesa sa mga ito hanggang sa unti unti ay
nalalayo na siya sa nga kaibigan niya.

Nalalapit na ang exam nila noon. Bigla niya tuloy namiss ang mga kaibigan.
Ito ang mga panahon na sabay sabay silang nagrerebyu. Ngayon ay iba na ang
kasama niya. Pero ayos lang yon masaya naman siya sa relasyon niya kay Charlie.
Yun nga lang at hindi pa niya ito naipapakilala sa mama nya dahil sa hindi pa raw
ito handang makipagharap sa magulang niya. Pilit na lang niyang inuunawa ito
marahil ay tama nga siya.

“Tara nood tayo sine,” yaya ng kasintahan niya. Nagulat siyang napatingin sa
kasintahan. “Okay ka lang Charlie hindi ba’t nalalapit na ang exam natin? Hindi ba
mas mainam na magrebyu tayo para makapasa tayo at makakuha ng mataas na
marka?” pagpapaalala niya ditto. “Ano ka ba Chella alam kong kayang kaya mo yan.
Kaw pa ba? Napakatalino mo kaya nga. lahat ng assignment ko at project ko sayo
ko pinapagawa, Kaya alam ko na kahit hindi ka magrebyu eh makakapasa ka.”
Balewala nitong paliwanag sa kaniya. Agad siyang napaisip sa tinuran nito. ‘Ano ba
yan? Bakit ganito na ang nangyayari sa kasintahan ko. Bakit parang nagsisimula na
siyang magbago. Noong una naman ay palaaral siya bakit ngayon ay iba na? tanong
niya sa sarili. Pero binalewala niya pa rin ito at inisip na marahil ay napapgod lamang
ang kasintahan sa pagrerebyuu na ginagawa nila. Gaya ng dati pilit niyang iniintindi
ang kasintahan. Mahal niya ito at alam niya iyon ang mahalaga.

Natapos ang kanilang exam at nagulat si Chella sa naging resulta ng kanyang


grado, hindi lang siya maging ang kanyang guro at ang mga kaibigan niya. “Anong
nangyari Chella medyo Malaki ang binaba ng mga scores mo dati halos ma perfect
mo lahat yan.” Tanong ng kaklase niya na hindi niya naman ka close. Tahimik at
pasimid na nilagay niya ang papel sa bag. Nagkasalubng sila ng tingin ng kanyang
mag kaibigan. Nakita niya sa mga mata ng mga ito ang pakikisimpatya pero nagbaba
siya ng tingin sabay labas ng kanilang silid aralan.

“Ba’t ang lungkot mo naman?” tanong ng kasintahan niya sa kanya ng


magkita sila sa gate para sabay umuwi. “sobrang laki ng binaba ng mga grades ko
ngayon Charlie. Hindi ko alam kung ano nangyayari pero alam ko hindi ako ito.”
Halos maiyak na siya habang sinasabi ito. “Ang o.a mo naman Chella, grades lang
yan kala mo naman mamamatay ka na!” ani nito sabay tawa. “alam ko na para
mawala yung lungkot mo eh isama na lang kita sa birthday ng tropa ko. Mag eenjoy
ka dun kasi maraming mga kaklase natin ang pupunta doon.” Aya nito sa kanya.
“Ha? Ah eh. Hindi ako nakapagpaalam kina mama. Siguradong mag-aaala sila sakin
kapag hindi ako nakauwi kaagad.” Pagpapaliwanag niya dito. “hay naku Chella.
Lage na lang ganito. Ni hindi kita mayaya sa bahay namin. O makapanood ng sine
man lang hindi natin magawa. Minsna iniisip ko kung mahal mo akong talaga eh. “
pagdududa nitong sabi sa knaya. “hello Charlie, kamusta naman. Halos sayo na
umikot ang mundo ko diba.. tapos tatanungin mo ako ng ganyan?” nangingiyak
niyang sabi sa kasintahan. “sorry na Chella. Pasenya na sa mga nasabi ko. Napagod
lang siguro ako sa mga exams natin kaya naapektuhan ako. Sorry na wag ka ng
magalit ah.. love u Chella!” paglalambing nito. Napabuntunghininga na lang ang
dalaga. “wait lang may naiwan pala ako sa room ko. Iwan ko lang bag ko balikan ko
lang. intayin mo ko dito ah.” Sabay alis ni Charlie pabalik sa room nito. Hindi pa
nakakalayo ang kasintahan ay may tumunog mula sa bag nito. Agad na binuksan ni
Chella ang bag ng kasintahan at nakitang cellphone nito ang tumutunog. Nang
makitang kaibigan ng nobyo ang tumatawag ay agad nitong sinagot ang cellphone.
Hindi pa siya nakakapagsalita eh angbungad ito agad sa kanya. “Hello pare paano
ba yan? Mukhang ako na ang mananalo sa pustahan natin. Hahaha ang tagal tagal
niyo na ni Chella ni makahalik hindi mo pa magawa paano pa yung makuha siya.
Wala ka boy. Tandaan mo hanggang bukas na lang yung usapan natin. At kapag
wala pa rin ihanda mo na yung limang libo mo.” Halos hindi makakilos si Chella sa
narinig mula sa kaibigan ng kasintahan. Hindi niya namalayan ang pagdating nito.
“Chella, bakit hawak mo phone ko? Sinong kausap mo?” tanong nito sa kanya.
Napatitig siya sa kasintahan. Ito ba ang pinapagpalit niya sa kanyang mag kaibigan?
Ang dahilan ng pagsisinungaling niya sa kanyang mga magulang at ang dahilan ng
pagbaba ng kanyang marka. Sa sobrang galit niya ay nasampal niya ito. Nagulat si
Charlie sa ginawa ni Chella. “bakit? Para saan yon?” gulat na tanong nito sabay sapo
sa pisnging nasampal. “Itanong mo sa kapusthan mo? Mula ngayon break na tayo.”
At iniwan an niya ito ng tuluyan.

Ilang araw na hindi pumasok si Chella dahil sa nangyari. Nasa kwarto lang
siya at lageng matamlay. Nag-alala na ang kanyang ina at ate niya sa kanya. “Anak,
may problema ba na gusto mong pag-usapan?” malambing na tanong ng kanyang
ina. Hindi na napigilan ni Chella ang pag-iyak at kinuwento ang lahat sa kanyang
ina at sa kanyang ate. “Sorry ma akala ko po kasi ay makakahanap rin ako ng katulad
ng boyfriend ni ate Denisse. Sorry po kung masyado po akong nagmadali sa
pakikipagnobyo at hindi muna inuna ang aking pag-aaral” iyak niyang paliwanag sa
ina. “Tahan na anak. Maigi at nalaman mo agad ang totoo. Lage mong tatandaan na
may takdang panahon an lahat ng bagay. Huwag tayong magmamadali sa isang
bagay na hindi pa naman talaga nilaan ng Dyos para sa atin. At matuto tayong
kilalanin ang mga taong dumarating sa atin. Kung sila ba ay nakakatulong sa pag-
unlad natin o hindi? Kung may naiaambag ba silang makabubuti sa ating buhay o
baka hinihila lang nila tayo pababa. Dapat ay matuto tayong makilala ang mga taong
darating sa ating buhay. Kagaya ng ginawa ko sa papa mo at sa boyfriend ng ate
mo.” Mahabang paliwanag ng kanyang ina.”Salamat ma at naiintindihan nyo po ako.
Patawad po sa pagsisinungaling ko sa inyo at sa pagbaba ng aking marka.
Pinapangako ko po na pagbubutihin ko pa po ang pag-aaral ko at matututo po ako sa
pangyayaring ito.” Sabi niya sa kanyang ina. Niyakap siya nito at nakaramdam si
Chella ng gaan sa pakiramdam. Tila nabunot lahat ng tinik na nasa dibdib niya. Maya
maya pa’y may kumatok sa kanilang bahay. “Ako na magbubukas ma.” Sabay labas
niya ng kwarto. Nagulat pa siya pagbukas ng pinto ay nandun ang kanyang mga
kaibigan. “Hoy tulala! Hindi mp ba kami patutuluyin? Aba sayang naman tong mga
pagkain na dala naming!” si Patricia na hira na hirap ng buhatin ang daladalang
pagkain. “oo nga naman Chella. Aba madami tayong mga bagong pagtsitsismisan
no! Masiyado ka ng outdated sa mga latest.” Ani ni Kendra sabay tawa. Tumulo na
ang luha ni Chella sabay yakap sa mga kaibigan. Naiiyak na rin sina Patricia at
Kendra. Namiss nila ng sobra ang isat-isa. At alam ni chella na mula sa nagyari ay
sinisiguro niya na pahahalagahan niya ang mga taong ito ang pamilya niya, ang mga
kaibigan niya at higit sa lahat ang sarili niya. Inabot sila ng madaling araw sa
kwentuhan at kainan kaya dun na natulog ang kanyang mga kaibigan.

You might also like