You are on page 1of 310

KATALLEA CHAPTER 1

Nagmamadali si Katallea sa pagpasok dahil late na siya sa unang subject niya sa


kursong Business Management. Ito ang napili niyang kurso dahil naniniwala siyang
hindi aasenso ang isang tao sa pangangamuhan lamang. Isang taon na lang ay
matatapos na niya ang kursong ito.
Malaki ang pasasalamat niyang nakapasok siya sa university na ito sa tulong ng
isang sponsor. Hindi kasi siya kayang pag-aralin dito ng kaniyang mga magulang o
kahit pa nga sa isang simpleng paaralan man lang. Mga mayayaman lang kasi ang
pwedeng mag-aral dito at siya ay anak ng isang magsasakang pinipilit itawid lamang
ang pang-araw-araw na pagkabuhay.
Sa edad niyang bente anyos ay nakaplano na ang lahat kung ano ang mga
susunod niyang hakbang pagkatapos mag-aral. Wala siyang hindi kayang gawin para sa
pamilyang naiwan sa probinsya.
“Katallea, sandali! Sabay na tayong pumasok para sabay din tayong
mapagalitan,” hinhingal na habol sa kaniya ni Sandra. Matagal na niya itong
kakilala.
Ang babaeng ito ang madalas na tagapagtanggol niya sa mga bully nilang classmates.
“Loka-loka ka talaga. Bakit late ka rin?” nakatawang tanong ni Katallea.
“Kasi may…” Hindi natapos ni Sandra ang sasabihin dahil bigla na lamang
sumigaw ang professor nila.
“Why are you late again, Miss Katallea San Sebastian? Ikaw ba ang boss ko?”
“I’m sorry, Ms Montimar,” mahinang bigkas ni Katallea.
“Gasgas na ang sorry mo sa tuwing nagkikitayo tayo,” sagot ng guro. “Stand up
until matapos ang klase natin!”
“Yes, ma’am.” Halos pabulong na lamang na wika ni Katallea.
“Miss, andito rin ako. Yohoo! Tatayo rin po ba ako o sasayaw na lang?” biglang
turan ni Sandra dahilan upang magtawanan ang buong klase.
“Umupo ka,” sabi ng kanilang guro.
Hindi nagtataka si Katallea kung bakit mainit sa kanya ang ulo ng guro nila.
Minsan kasing kumain ito kasama ang kaniyang boyfriend sa mamahaling restaurant
kung saan nagtatrabaho si Katallea bilang part timer. Nagkunwari siya noong hindi
kilala ang guro upang hindi ito mapahiya sa kasama. Subalit dahil sa ganda at
kasexy-hang taglay niya ay nakuha ni Katallea ang attention ng lalaking kasama
nito.
“Miss, can I have your number?” tanong ng lalaki.
“I’m sorry, Sir, but my work is not related to my personal life,” magalang na
sagot ng dalaga.
“No, I want to have it. Look, bibigyan kita ng malaking tip.” Hinawakan pa ng
lalaki ang braso ni Katallea.
Sa sobrang galit at selos ni Miss Montimar ay tinapunan nito si Katallea ng tubig.
Padabog itong lumabas ng restaurant at iniwan ang kasintahan. Dahil sa pangyayaring
iyon ay naghiwalay ang magnobyo at siya ang sinisisi ng professor niya. Batid ni
Katallea na mahal lamang ng kaniyang guro ang lalaki pero hindi niya deserve ang
trato
nito sa kanya ngayon. Alam kasi niyang babaero talaga ang nobyo ng kaniyang guro
ngunit wala siyang karapatan upang sabihin ito sa kanyang professor. Madalas kasi
ay
iba’t-ibang babae ang dinadala ng lalaki sa restaurant na iyon. Ilang beses na rin
nitong
sinubukang hingiin ang kaniyang numero ngunit hindi ito nagtagumpay.
“Miss San Sebastian, are you still here with us?”
Nagulat si Katallea sa sigaw ng guro niya. Kanina pa pala siya tinatanong nito
ngunit tulala lamang ang dalaga habang nakatitig sa white board.
“Miss, hindi mo ba alam na nakapag-travel na si Katallea sa Mars? Bakit mo siya
pinabalik kaagad? Sana nalaman na natin kung pwede bang tumira roon ang mga tao,”
pilyong wika ni Xander. Isa ito sa mga kaklase niyang sipsip sa guro.
Nagtawanan ang buong klase kaya naman namula ang mukha ni Katallea dahil sa
sobrang kahihiyan. May pagka-mestisa ang dalaga kung titingnan kaya minsan ang
akala ng iba ay anak siya ng foreigner.
“Ayan kulay makopa na tuloy siya,” hirit ng isa pang kaklase nila.
Halos maiyak si Katallea sa buong oras ng klase. Mabuti na lang at natapos
kaagad iyon dahil nanginginig na ang tuhod niya sa tagal niyang natayo at nasa
sitwasyong kahiya-hiya.
“Okay ka lang ba?” tanong ni Nicole. Isa ito sa mga kaibigan ng dalaga na laging
nakakaramay niya.
“Oo nga, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong din ni Sandra.
“Oo naman, guys. Fighter ata ito! Hindi si Ms Montimar ang magpapabagsak sa
mga pangarap ko,” nakangiting sagot ng dalaga.
Dahan-dahang lumapit si Sandra sa kinauupuan ni Xander. Ngumiti siya ng ubod
tamis sabay malanding hinawakan ang kwelyo ng lalaki. Hinigpitan niya ito upang
masakal ang huli. Ngunit parang nasa kawalan si Xander. Tulala lamang ito sa
magandang dalagang nasa harapan niya. Hindi naririnig ng binata ang malakas na
sigawan ng mga kaklase nila. Halos magkadikit na ang mga labi nina Xander at Sandra
ng biglang sumigaw si Xander ng ubod lakas ngunit hindi ito binitawan ng dalaga.
“Alam kong gusto mo ako lover boy. Ngunit dahil sa ginawa mo kay Katallea
kanina ay pakakainin kita ng pako,” nakangising bulong ng dalaga pagkatapos nitong
pag-untugin ang mga ulo nila.
Nagtawanan ang buong klase. Si Katallea ay nakitawa na rin at bahagyang
nakalimutang ang ginawa sa kaniya ni Ms Montimar. Sa gilid ng mga mata niya ay
napansin ang pamilyar na lalaking iyon, si Geo Arevalo. Ang kaklase nilang ubod ng
gwapo ngunit hindi marunong makipag-usap sa mga babae. Star player ito ng soccer sa
kanilang paaralan at sikat ito sa mga kababaihan ngunit iisang babae lang ang
madalas
nitong kausap at iyon ay walang iba kundi si Ms Montimar lamang.
“Ikaw na ulupong ka, ano kayang connection mo sa lion teacher natin?”
“Sino?” tanong ni Sandra
“Iyan si Mr. Girl Allergic. Ano kayang connection niyan kay Ms Montimar?”
“And why are you interested in him?”
“Wala lang, he’s weird kasi.”
“Do you like Geo?” singit ni Nicole.
“Of course not! Simula first year college kasi tayo ay hindi naman iyan
nagka-interest sa babae. Si Ms Montimar lang ang babaeng kinakausap niyan madalas.”
“Hoy, huwag kang nega. Lahat ng uugod-ugod at ubanin nating teacher na babae
ay kinakausap niyan. Magaganda at sexy lang ang hindi,” turan ni Sandra dahilan
upang magtawanan sila. Breaktime nila ng mga oras na iyon kaya walang magagalit na
guro. Ganito talaga ang pass time nilang magkakaibigan.
“Count me in sa maganda at sexy na hindi niya kinakausap,” sabi naman ni
Nicole. “Lahat naman ata tayo hindi maganda sa paningin niya.”
“I disagree, madalas ko siyang nakikitang sinusulyapan si Katallea.”
“Huwag kang gumawa ng issue, Sandra,” sita niya sa kaibigan.
“I’m just telling the truth. I know there’s something kay Geo since freshmen pa
lang tayo. Well, hindi talaga iyon nakakaligtas sa mala-detective Conan n’yong
friend.”
Nagtawanan at nagharutan ang magkakaibigan hanggang sa nakisali na rin ang
ilan nilang kaklase na minsan ay nakakabiruan din nila.
“Katallea, ang mga taga bundok ba ay naliligo rin ng gatas?” biglang turan ng
classmate nilang si Ivan.
“Naku, Ivan, alam kong ang susunod na hirit mo ay kung may pambili ba si
Katallea ng ganito o ganyan. Duh! It doesn’t matter is she’s poor. We can give her
money if she needs it. Magpapapansin ka na lang nanlalait ka pa! Magbago ka nga ng
script mo!” iritang sabi ni Nicole.
“You are nothing compared to her. You have money but you’ve got no brain!
You’re so annoying! Pathetic!” Sigunda ni Sandra upang ipagtanggol si Katallea.
Napahiya si Ivan sa mga tirada sa kaniya ng mga kaibigan ni Katallea. May
kayabangan ito ngunit alam nilang matindi ang tama nito sa dalaga.
“Hey girls, kalma! I’m just curious!”
“Tigilan mo nga ako, Ivan sa mga hirit mong nakakairita.”
Kahit hindi mataray si Katallea ay napipikon din siya sa mga lalaking ang baba
ng tingin sa kaniya. Open book naman kasi sa mga classmates niya ang katayuan niya
sa buhay kumpara sa mga ito. Alam ng lahat na mahirap siya at hindi niya iyon
itinatanggi.
“Oy, huwag n’yong ginagalit si Katallea. Nawawala ang mga ngiti niya. Siya pa
naman ang liwanag ng buhay natin,” sabad ng isa pa nilang kaklase.
“Oh my God! Ngayon ko lang nalaman na bombilya pala ako ng mga buhay
n’yo.” Nagtawanan ang buong grupo dahilan para makisali na rin ang iba pa nilang
mga
kaklase.
Sa kabilang banda ay wala namang pakialam si Geo. Alam niyang siya ang
pinag-uusapan kanina ng kumpulan nina Katallea. Gusto sana niyang makipagkaibigan
din sa dalaga ngunit hindi niya gusto ang mga palipad hangin ng mga kaklase nilang
lalaki kay Katallea. Higit pa roon, hindi niya pwedeng baliin ang batas ng kaniyang
ama. Tumayo na lamang ang binata at lumabas ng silid-aralan upang hindi siya
mainggit sa masayang tawanan ng lahat.

“WARNING: Ang kwentong ito ay nakaka-inlove, nakaka-highblood at higit sa lahat ay


‘di mo mabibitawan
kapag iyong sinimulang basahin. This is a work of fiction. Ang ano man pagkakatulad
sa pangalan ng tao (patay
man o buhay), lugar o pangyayari ay hindi po sinasadya.”

KATALLEA CHAPTER 2

“I love you so much,” bulong ni Geo sa babaeng yakap niya.


“Ngunit hindi mo ako pwedeng mahalin. Papatayin ako ng daddy mo kapag
nalaman niya ito,” malungkot na turan ng babae.
“Patawad kung hindi kita kayang ipaglaban sa ngayon. Hahanapin ko muna ang
babaeng iyon na dahilan ng lahat ng sakit na nararamdaman ko. Isinusumpa ko,
pagbabayarin ko siya sa mga panahong hindi ako naging malaya ng dahil sa kanya.”
I hope maging okay na ang sitwasyon natin nang sa gano’n ay hindi tayo
nagtatago ng ganito. Geo, I love you.”
“Pangako gagawin ko ang lahat makasama ka lang. Hindi ko hahayaan na may
humadlang sa pagmamahalan natin.”
Mahigpit na niyakap ni Geo ang babaeng minamahal. Unti-unti niyang inilapit
ang mukha niya sa pisngi nito upang mahalikan ang dalaga. Naging mapusok siya,
mapaghanap. Gumanti rin ng halik ang dalaga dahilan upang lalong mag-init ang
katawan ng binata. Mabilis niyang nabuksan ang blouse ng dalaga. Tumambad sa
kaniya ang mala-mayon volcano sa gandang dibdib nito.
“Hmmm, touch me, Geo.”
“Y-yes, o-okay,” nagkakandabudol na wika ng binata.
Agad niyang hinawakan ang dibdib ng dalaga dahilan para lalo itong yumakap
sa kanya. Mula sa labi ay dahan-dahang bumaba ang halik ng binata patungo sa leeg
ng
babaeng sinisinta habang patuloy na humahaplos ang kamay niya mala-porselanang
balat nito. Kinakagat nita ito ng maliliit dahilan upang umungol ito na tila ba
musika sa
pandinig ng binata. Ramdam na ramdam ni Geo na nawawala na ang alaga niya kaya
marahan niya kinuha ang kamay ng kaniig upang dalhin ito sa kanyang nakatagong
armas. Nanginginig ang kamay ng dalaga habang unti-unting ipinapasok ni Geo ang
kamay nito sa pantalon niyang bahagya ng nakabukas.
Nagising si Geo na malakas na tunog ng telepono sa side table niya. Pawis na
pawis ang binata kahit na napakalamig ng silid niya dahil sa nakabukas na aircon.
Naiinis siya sa tumatawag sa kaniya dahil naputol ang panaginip niya.
“Hello, sino ito?”
“Oy, p’re! Anong sino ito? Nakalimutan mo na bang may training tayo ngayon?”
malakas na wika ni Joey na goalkeeper ng team nila sa soccer.
“Anong oras pa lang Joey kung makaistorbo ka ng tao parang late na ako sa
lakad natin.”
“Geo, let me remind you na may training tayo ngayong umaga. P’re 7:00 am,
7:00 am ang sabi ni coach.”
“Naku! 6:30 na pala! Sige p’re magmamadali na ako at baka maparusahan na
naman ang buong team.”
Sabado ngayon, araw ng pahinga niya kaya hindi sanay ang binata na gumising
ng maaga. Nakalimutan niyang binago nga pala ng coach nila sa soccer ang schedule
ng
training nila dahil sa nalalapit nilang laban. Huling tournament na niya iyon para
sa
university sa pinapasukan dahil malapit na silang magtapos. Kailangang manalo sila
at
bilang team captain malaking pressure iyon para sa kaniya.
“Oh, God. How can I reach the university before 7:00 am?”
Hindi na naligo pa si Geo. Nag toothbrush na lamang siya sabay kuha ng mga
nakahanda niyang gamit. Mabuti na lamang at kagabi pa iyon naihanda ni Yaya Adel.
“Yaya, book me a motor-taxi. ASAP, please!” sigaw niya sa kaniyang yaya.
Dahil sobrang traffic bago makarating sa university ay wala na siyang
pagpipilian kundi ang sumakay sa motor kahit ipinagbabawal ito ng daddy niya. Agad
naman sumunod ang yaya niya. Nakalimutan ng matanda na hindi pumapayag ang amo
niyang lalaki na gumamit o umangkas sa motor ang alaga niya.
“Bahala na,” sabi ng isip ng binata.
Mabilis nakapagbook ang yaya ni Geo. Matulin at maingat din ang rider na
nasakyan niya. Eksaktong 6:55 am ay nasa university na siya at dahil bawal pumasok
ang motor sa lugar kung saan sila magti-training ay kailangan ni Geo na tumakbo
mula
sa binabaan niya hanggang sa field. May limang minuto na lamang siya kaya mabilis
ang kaniyang kilos.
Walang ano-ano ay may biglang nabangga si Geo. Mabuti at maagap ang naging
reaksyon ng binata kaya bago pa bumagsak sa lupa ang kaharap ay nahablot na agad
ito
ang kaniyang kamay. Hindi sinasadyang naipulupot ni Geo ang braso niya sa babae.
Halos magkadikit na ang mga katawan nila kaya amoy na amoy ng binata ang
mabangong katawan ni Katallea. May kung anong nabuhay na pagnanasa sa kanya ng
mga oras na iyon. Titig na titig siya sa magandang mukha ng babaeng yakap-yakap.
“Ang sarap sigurong halikan mga labi mo,” wala sa sariling nasambit ni Geo
dahilan para magising rin sa katotohanan si Katallea.
“Mr Arevalo, will you please let me go?!” galit na turan ng babae kaya bumalik
sa kasalukuyan ang diwa ng binata.
“I-I am sorry, Katallea. Hindi ko sinasadya. I mean, nagmamadali kasi ako kaya
hindi kita napansin.”
“Tumingin ka kasi sa dinaraanan mo! Bitawan mo nga ako! Baka may makakita
sa atin eh kung ano pang isipin nila. Mapagsamantala ka naman masyado!”
“Wala namang ibang tao, tayo lang. Huwag kang umarte na hindi ka naapektuhan
sa yakap ko.”
“Wow! Mr Arevalo, akala ko allergic ka sa babae. Iyon pala pervert ka!
Nagtatago ka lang sa gwapo mong mukha.”
“Oy, gwapo raw ako.”
“I said, let me go!” Walang ano-ano ay tinadyakan ng dalaga ang paa ng binata
dahilan para mabitawan niya si Katallea.
“Simula freshmen tayo ay hindi kita nakitang naging aggressive sa babae. I am
so disappointed with you.”
“Look, Katallea, I’m sorry. I did that to save you from falling into my heart.”
Nang-aakit na turan ni Geo dahilan para pamulahan ng mukha si Katallea.
“You pervert, stay away from me!”
“Don’t worry malapit na ang graduation kaya talagang lalayo na ako sa’yo.
Dapat magpasalamat ka pa nga kasi among the girls out there ay ikaw lang ang bukod
tanging babae na maswerteng nayakap ni Geo Arevalo.”
“Oh, my… Hoy, lalaki! May sayad ba ang utak mo? Ang kapal ng mukha mo,”
galit na galit na wika ng dalaga.
“Mahal naman talaga kita eh. Hindi nga lang halata,” seryosong sabi ni Geo sa
dalaga ngunit lalong umusok ang ilong ng huli.
“Huwag kang umasang ibabalik ko iyan sayo. Bwesit! Ang hangin mo pala!”
Nakangising iniwan ni Geo ang dalaga na nagpupuyos sa galit. Masaya talaga
siya, masaya siyang kahit minsan ay nayakap ang babaeing lihim na minamahal pero
para sa kapakanan nito ay hindi siya nagtangka man lang na maiparamdam dito ang
nasabing pag-ibig. Kilala niya si Don Arman Arevalo. Gagawin nito ang lahat para sa
babaeng nakatakda para sa kaniya. Kahit tutol ang mommy niya sa mga desisyon ng
pade de pamilya nila ay wala itong magawa dahil takot ang mommy niya na maging
dahilan iyon para pag-awayan nilang mag-asawa.
“Geo, mabut at umabot ka pa. Eksakto p’re ang dating mo, 7:00 am, pero
tumawag si coach. May emergency raw sila kaya medyo mahuhuli raw siya,” ani ni
Joey.
“Sige, line up na kayo. Jogging muna tayo.”
Sumunod naman ang mga teammates niya. Sa hindi kalayuan ay natanaw ni Geo
ang grupo nina Katallea na tinutukso ito ng mga kaibigan dahilan may nagpaabot na
naman ditong bulaklak at chocolate. Nagseselos siya sa lalaking nagbigay nito
ngunit
tiwala siyang tulad ng mga nauna ay wala itong maasahan sa dalaga dahil alam niyang
prayoridad ni Katallea ang makatapos para sa pamilya nitong nasa probinsya.
Biglang nalungkot si Geo. Mawawala na sa paningin niya ang babaeng
pinakamamahal. Ang mga ngiti ng dalaga ay siguradong hahanap-hanapin niya. Kapag
nakapagtapos na sila ay malaya na si Katallea na makipagrelasyon lalo na kapag
natupad na ang mga pangarap nito. Samantalang siya ay maiiwan na patulog lamang
maghihintay kung kailan naman makikilala ang babaeng nakatakda sa kaniya. Sa
isiping iyon ay parang dinudurog ang puso ni Geo.
Sa kabilang banda ay napansin ng mga kaibigan ni Katallea na nakasimangot ang
dalaga. Kilala nila ito bilang masayahin sa kabila ng kahirapan nito sa buhay kaya
kapag lukot ang mukha nito ay nag-aalala agad sila.
“Ang aga, bakit sambakol ang mukha mo?’ tanong ni Nicole. Kahit Sabado ay
narito sila sa school upang tapusin ang group project nila. Nakapagpasa na ang
ibang
mga kaklase nila ngunit hindi pa sila tapos kaya naman kailangan nilang pumasok
kahit
Sabado.
“Pinabibigay nga pala ni Marco,” sabay abot ni Sandra ng chocolate at bulaklak
kay Katallea.
“Aba! May trabaho ka na pala, taga-deliver.” Dahil sa tinuran ni Nicole ay
nagtawanan ang mga kagrupo nila.
“Sagutin mo na kasi yan,” wika ni Sandra sa kaibigan. “Napapagod na akong
taga hatid na lang ng mga pinabibigay niya.”
“Wala sa plano ko pa iyan, Nicole at Sandra. Alam n’yo naman na marami pa
akong mga pangarap.”
“Girl, take it easy. You don’t have to force yourself too much. We have money. If
you need it, tell us. We will always give you.”
“Alam ko naman iyon, Sandra. Pasalamat nga ako at ipinasok n’yo ako sa
restaurant ng pamilya mo. Malaking tulong sa aking ang ginawa mo.”
“Don’t mention it. I love you so much my friend.”
“Oy, baka magkaiyakan pa tayo. May group project tayo ha,” singit ni Nicole.
Nagyakapan ang magkakaibibigan. Maswerte talaga si Katallea sa mga ito. Tatlo
lang sila pero buo naman at parang magkakapatid na ang turingan nila. Dahil sa
dalawang kaibigan niya ay naging madali sa kanya ang kolehiyo. Mabuti rin at
tinanggap siya ng pamilya ng mga kaibigan kahit na anak lamang siya ng isang
magsasaka at ang mga ito ay kilala ang mga magulang sa business world. Nakitaan
kasi
si Katallea ng kabutihan, kasipagan at katalinuhan ng mga magulang nina Nicole at
Sandra.
Bukod doon, ang ngiti ni Katallea ay para bang tala na liwanag sa madilim na
mundo ng karamihan. Ang gusto nga ng mga magulang ng mga kaibigan niya ay sa
kumpanya sila magtrabaho ang dalaga pagkatapos nito ng kolehiyo. Maaring kasing
magtapos ito bilang Magna cum laude. Alam ng mga ito na magiging malaking asset
ang dalaga ng papasukan niya. Kahit ang kumpanya kung saan siya nag-OJT ay nagsabi
na ring handa silang tanggapin si Katallea. Maraming magagandang opportunity ang
naghihintay sa dalaga pagkatapos ng kolehiyo kaya wala pa sa isip niya ang
makipagrelasyon.
“Ang sarap palang mayakap niya,” bulong ni Katallea.
“What?” halos sabay-sabay na turan ng mga kagrupo niya. Hindi nila narinig ng
buo ang sinabi ng dalaga ngunit narinig nila ang salitang ‘yakap’.
Sa sobrang gulat ni Katallea sa winika niya at sa naging reaksyon ng mga
kagrupo ay napatayo siya. Saktong dumaraan naman sa harapan nila ang grupo ng mga
nag jojogging na soccer players. Kumaway si Geo sa kan’ya at ngumiti ito ng ubod
tamis dahilan para magtilian ang mga babae sa grupo nila. Hindi maintindihan ni
Katallea ang sarili. Bigla siyang kinilig sa simpleng ginawa ng binata.
“Bawal kang ma-in-love. Bawal kang ma destruct,” bulong niya sa sarili.
“Hello, let’s continue our group work before may malalaglag na puso rito,”
pang-aasar ni Sandra sa kaibigan.
“Ano kayang nakain ni Geo at kumilos ng gano’n? Nakapagtataka naman, hindi
ba?” sabi ni Nicole.
“Katallea, may hindi ba kami alam?” tanong ng dalawang kaibigan niya.
“Ano naman ang dapat ninyong malaman, Sandra at Nicole?”
“Ewan namin sa’yo,” sabay na wika ng dalawa.
“Girls, huwag kayong mapaghinala,” sinabayan ni Katallea ng munting halakhak
ang mga katagang iyon upang hindi siya mapansin ng mga kaibigan ngunit sa isip niya
ay naglalaro ang napakagwapong mukha ni Geo.

KATALLEA CHAPTER 3

Hindi inaasahan ni Geo ang tawag na natanggap. Hindi pa siya tapos sa kaniyang
training at napakarami na palang miscalls ng cellphone niya.
“Geo, umuwi ang daddy at mommy mo.”
“Bakit po, yaya?”
“Galit na galit si Don Arman dahil nalaman niyang sumakay ka ng motorsiklo.
Pinalayas na niya ako anak dahil ako ang nag-book ng sasakyan mo.”
“What?!” halos hindi makapaniwalang bigkas ng binata.
Ipinasundo siya ng daddy niya sa kanilang driver kaya hindi na problema ang
pag-uwi niya. Tahimik na bumaba si Geo sa tapat ng kanilang mansyon. Naabutan niya
roon si Yaya Adel na naglalakad na palabas ng subdivision kung saan sila nakatira.
“Geo, aalis na ako.”
“I will contact you, yaya. For now, this is the best for all of us. I’m sorry.”
“Ingatan mo ang sarili mo. Kapag kailangan mo ako alam mo kung saan ako
pupuntahan.”
“Thank you, Yaya. Huwag mo akong alalahanin, Makakawala rin ako sa
sitwasyon kong ito.”
Simula pagkabata ay alam ni Yaya Adel ang lahat ng sakit at hirap na dinanas ng
binata dahil sa kaniyang ama. Ito ang inuutusan ng mommy niya upang bigyan siya ng
pagkain kapag ikinukulong siya ng kaniyang daddy sa basement. Ilang beses na ba
siyang nakulong dahil nalaman nito na nakipaglaro siya sa mga kaklase niyang babae
noong elementary pa lamang siya? Hindi na mabilang ni Geo.
“Why did you rode on a motorcycle?” galit na tanong ni Don Arman.
Sa sobrang takot ay hindi na nagsalita si Geo. Laking gulat na lamang niya ng
bigla na lang siyang sinuntok ng kaniyang daddy.
“Who is she?”
Sabay hagis sa mukha niya ng mga pictures na hawak nito. Yumuko siya upang
damputin ang isa sa mga larawan. Nanlaki ang mga mata ng binata ng makita si
Katallea
roon.
“D-da-ddy, she is no one. I accidentally bumped into her kaya napahawak ako sa
kaniya ng ganyan.”
Mas lalong tumindi ang takot na nararamdaman ni Geo hindi lamang para sa
sarili kundi maging para kay Katallea. Ang dalagang iyon na minahal niya simula
first
year college ay maaaring manganib ang buhay ngayon.
“Accidentally? You are embracing her in these pictures at aksidente lang ito?!
Come on, Geo, the hell with your lies!”
“Arman,baka naman nagsasabi ng totoo ang anak mo,” mahinang sabi ng
mommy niya.
“Oh, come on. Look at this Geo, is this an accident as well?”
Nanginginig na kinuha ni Geo ang larawan. Paano niya ba ipapaliwanag sa ama
ang sweet na ngiti na iyon habang kumakaway sa dalaga?
“How dare you lie to me? Your game is over! I will handle this matter as soon as I
can.”
“Daddy, believe me. Katallea and I are just classmates. Hindi totoo ang mga nasa
larawan na iyan, please, Dad.”
“Lock him in his room. Do not give him food all day!” sigaw ng kaniyang daddy
sa katulong nila.
“I’ve told you to stay away with girls dahil gusto ko kapag iniharap na kita sa
apo ng bestfriend ni papa ay wala silang masasabing masama. Ayaw kong
magkakaproblema tayo. Dahil lahat nang meron tayo, lahat ng pinaghirapan namin ay
pwedeng mapunta sa kanila. Hindi ako nagpapakahirap magpayaman para lang
ipamigay sa iba.”
Narinig na naman ni Geo ang mga linyang iyon. Sa tuwing mapapagalitan siya ay
iyon palagi ang ending script ng daddy niya.
“Mukhang pera kasi ang pamilyang iyon kaya ako nagdurusa ng ganito.
Makilala ko lang ang babaeng iyon sisiguradohin kong triple sa sakit at hirap na
dinanas ko ang daranasin niya.” Marahang pumasok si Geo sa kwarto na alam niyang
ikakandado ng katulong,
“I’m sorry po, sir.”
Ngumiti lamang si Geo sa katulong bago nito isinara ang pinto.
“Walang pagkain, walang tubig... Magpakamatay na lang kaya ako para matapos
na ang lahat ng ito.”
Ngunit bigla niyang naalala si Katallea. Sana ay walang gawin ang daddy niya sa
dalaga. Dahil sa sobrang pagod sa training ay nakatulog si Geo.
Mag a-ala-singko na ng hapon magising ang binata. Naisip niyang Sabado
ngayon. Tiyak pagkatapos siyang pagalitan ng kan’yang ama ay umalis ito para sa
sinabi nitong weekend get together ng mga kaklase nito noong college.
“Tatakas ako. Tulad ng dati ay wala sigurong makakapansin sa akin.”
Palagi niya itong ginagawa nitong huli. Sa backdoor siya dumadaan para hindi
malaman ng mga kasama niya sa bahay ang kaniyang pag-alis.
“Joey, tulad ng dati. Sunduin mo ako sa backdoor.” Tinawagan niya ang
kaibigan. Alam na ng mga ito na kapag ganito ay ikinukulong na naman siya ng ama.
“Oh, damn! Here we go again,” narinig niyang wika nito sa kabilang linya.
Pupuntahan niya si Katallea sa trabaho nito. Kailangan mabalaan niya ang dalaga
sa posibleng gawin dito ng kaniyang ama.
Samantala, kanina pa napapansin ni Katallea ang isang itim na mamahaling
sasakyan na sinusundan siya habang naglalakad. Mabuti na lamang at malapit na siya
sa restaurant nina Sandra kung saan siya nagtatrabaho.
“Good afternoon, Katallea. Papasok ka ba ngayon?” bati ng guard sa dalaga.
“Opo, kuya.”
Ganito siya sa restaurant na ito. Bigla na lang siyang susulpot kaya kahit
manager ay hindi alam kung kailan siya darating o hindi. Malaya siya sa oras. Alam
ng
lahat na kaibigan siya ng anak ng boss nila at mas mahalaga ang pag-aaral niya.
“Katallea, may big client tayo. Gusto niyang ikaw ang mag-serve sa table niya.
Table number 3. Give him your best smile para malaki ang tip,” biro ng manager.
“Okay po, ma’am.”
Dali-dali siyang lumabas upang kunin ang order ng customer. Kahit sa malayo ay
kitang-kita ang gwapo nitong mukha kahit medyo may edad na ito,
“Saan ko siya nakita? Familiar sa akin ang mukha niya,” bulong ni Katallea sa
sarili.
Magalang na kinuha ng dalaga ang orders ng lalaki. Bahagya lamang siya nitong
tiningnan. Biglang nakadama ng takot si Katallea sa tinging iyon na para bang
nagpapahiwatig ng isang makahulugang mensahe,
“Is it okay if you dine-in with me, Miss?”
“Ho? Sir, bawal po kaming kumain kasabay ng customer,” magalang niyang
sagot.
Hindi siya pinilit ng lalaki na salohan ito. Maayos at mabilis namang naihanda ni
Katallea ang pagkain sa table ng ginoo ngunit may kabang kanina pa ay nasa kaniyang
dibdib. Pakiramdam ng dalaga ay pinag-aaralan nito ang bawat galaw niya.
“Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa lalaking ito?” bulong ng isipan niya.
Maayos na kumain ang lalaki. Kagalang-galang itong tingnan kaya iwinaksi ni
Katallea ang mag alalahaning kanina pa bumabagabag sa kaniya.
“Miss, you are young, beautiful, and sexy. You deserve someone better. Beware
of the boys you deal with.”
Hindi inaasahan ni Katallea ang sinabing iyon ng lalaki habang inaabot niya rito
ang bill nito. Ngumiti na lang ang dalaga at marahang nagpasalamat.
“Well, the food is great.”
Tumayo ang lalaki at umalis na. Napansin ni Katallea na naiwan nito ang bag
niya kaya hinabol ng dalaga ang customer.
“Sir!” sigaw ng dalaga.
“Katallea, can we talk?” tanong ni Geo na hinarangan ang daraanan niya,
“Anong ginagawa mo rito?”
“Kailangan nating mag-usap.”
“May trabaho ako, Geo. Hindi na ba makapaghihintay yan? Isa pa, hindi tayo
close. Wala tayong dapat pag-usapan.”
“Sandali lang ito.”
“Look, may hinahabol akong customer.”
“Please, we need to…”
Ngunit tumakbo na si Katallea upang habulin ang lalaking nakaiwan ng bag
kanina. Sinundan naman siya ni Geo,
“Sir, naiwan n’yo po ang…”
Napaatras si Katallea nang malaman na ang lalaki pala ang sakay ng sasakyang
kanina pa bumubuntot sa kaniya noong papasok pa lamang siya sa trabaho.
“D-dad-ddy?” Napako si Geo sa kinatatayuan. Halos hindi na lumabas sa
kaniyang bibig ang salitang daddy. Nakita niyang mabilis na pinasibad ni Joey ang
sasakyan nito dahil sa takot sa daddy niya.
“I’ve told you, Geo, the game is over.” Mabilis na kinuha ni Don Arman ang bag
sa kamay ni Katallea.
“S-sir kayo ang…” Hindi naituloy ng dalaga ang gustong sabihin dahil nakita
niya ang galit sa mukha ng lalaki.
“Stay away from my son, young lady. He is getting married soon.”
Sinuntok ni Don Arman sa sikmura si Geo dahilan upang mawalan ito ng malay,
Pabalibag na ipinasok nito ang anak sa sasakyan sabay umalis.
“D-da-ddy? Daddy siya ni Geo? Bakit gano’n ang…” mahinang wika ng dalaga.
Naiwan si Katallea na hindi halos makagalaw sa sobrang pagkabigla. Hindi niya
alam ang gagawin ng mga oras na iyon.

KATALLEA CHAPTER 4
“Katallea, nakatingin ka na naman sa malayo. Pumasok ka na roon at magsaing
ka na,” tinig iyon ng kan’yang ina.
“Ma, pwede po bang dito muna ako. Si Clarise na lang muna ang magsaing.” Ang
tinutukoy niya ay ang kapatid na sumunod sa kan’ya.
“Oh, siya, sige, pero anak huwag kang masyadong mag-isip. Makakahanap ka
naman ng trabaho dito sa atin. Matalino ka, maganda at higit sa lahat anak kita.”
Batid
ng ina ang pinagdadaanan ng anak ngunit wala siyang magawa upang mapayapa ang
kalooban nito.
“Mama,” sambit ng dalaga. “Bolera ka talaga.”
“Tandaan mo, wala akong anak na pangit kaya bawal ang nakasimangot.”
Napangiti si Katallea sa tinuran ng ina. Alam niyang pinalalakas lamang nito ang
loob niya.
“Matagal ko na pong alam na maganda ako at mana ako sa inyo,” tumawa ng
bahagya ang dalaga.
Iniwan siya ng kaniyang ina nang makita nitong masigla na siya dahil sa
pangungulit nito. Ilaw nga talaga ng tahanan ang mama niya Lahat ginagawa nito para
mapasaya silang magkakapatid.
“Ang unfair talaga ng buhay. Nandoon na ako eh, malapit na ako sa pangarap ko
pero hindi ko man lang naabot iyon,” bulong ni Katallea.
Magtatakipsilim na naman. Malungkot na nakatanaw si Katallea sa kagubatan na
nakikita niya mula sa kaniyang kinaroroonan. Napakapayapa nito kumpara sa isip
niyang gulong-gulo.
“Kasing lawak ng kagubatang ito ang pangarap kong biglang naglaho. Ano ba
ang kasalanan ko sa mundong ito para parusahan ako ng ganito?” naiiyak na sabi ng
dalaga. Masyado na siyang emosyonal dahil sa nakikita niyang kahirapan ng buhay
nila.
Sa kaliwang bahagi niya ay makikita ang bahay-kubo nila. Maliit lamang ang
mga haligi nit na galing sa puno ng tubo-tubo. Ang dingding ay sawaling butas-butas
na
at ang bubong ay dahon ng niyog. Kapag malakas ang ulan ay nagsisiksikan sila sa
tanging maliit na kwarto nitong hindi natutuluan ng tubig-ulan.
Tumulo ang luha ni Katallea nang hindi niya namamalayan at bumalik sa isip
niya ang mga alaala ng kahapon.
“Ms San Sebastian, hindi ka pwedeng magmartsa sa graduation.”
“Ho?! Bakit po, ma’am?” maang na tanong ni Katallea.
“Hindi ka makaka-graduate dahil bagsak ka sa subject ko,” walang emosyon na
wika ni Ms Montimar.
“Paano po akong bumagsak? Lahat ng requirements na kailangan sa subject ay
naipasa ko,” pangangatwiran ng dalaga.
“Well, your classmates can prove that you are not deserving to graduate. If you
want, we can discuss it in the administrator’s office,” mataray na sabi ni Ms
Anastasia
Montimar.
Nanlulumong iniwan si Katallea ng guro niya. Para siyang pinagsakluban ng
langit at lupa ng mga oras na iyon. Naisip niyang excited na ang mga magulang niya
na
lumuwas ng Maynila para sa nalalapit sana niyang pagtatapos. Hindi niya pwedeng
biguin ang mga ito.
“Subukan nating gawan ng paraan baka makumbinsi natin si Ms Montimar,” tinig
ni Nicole mula sa likuran niya, Kasama niya ang mga kaibigan nang nakasalubong nila
ang guro.
“May naisip ako, hindi ba close sila ni Geo? Baka pwedeng si Geo ang
makipag-usap kay Ms Montimar tutal naman parang may gusto iyon sa iyo.”
Si Geo, bigla niyang naalala ang kaklase. Simula noong may nangyari sa
restaurant na pinagtatrabahuhan niya ay hindi na ito pumasok. Hindi niya alam kung
kumusta na ang lalaking iyon. Hindi ito naglaro sa huling laban ng team nila sa
soccer
dahilan upang matalo ang buong school sa taong ito.
“Buhay pa kaya siya?” Wala sa sariling naitanong niya sa mga kaibigan.
“Hoy, huwag ka nang mag-isip. Nakita ko na siya kanina at buhay na buhay siya.
Gwapo at macho pa rin. Grabe ang hot n’ya pero isa talaga siyang dakilang snob,”
nakangiting sabi ni Sandra.
Kahit nag-aalala para sa napipintong graduation ay nakahinga ng maluwag ang
dalaga. Ilang araw din kasi niyang inalala ang sitwasyon ng binata. Hindi muna sila
pumasok sa classroom nila, sa halip ay nanatili lang sila sa corridor habang nag-
uusap.
“Ako na lang ang makikiusap sa kanya,” sabi niya sa mga kaibigan.
“Hmmm... May something ba kayo ni Geo?” panunukso ni Sandra sa kanya.
“Something ka riyan. Alam n’yo naman ang nangyari sa restaurant. Baka kapag
marami tayong makikipag-usap sa kaniya ay hindi tayo kausapin.”
“Oh, s’ya, sige na nga. Mag-heart-to-heart talk na kayo ni…”
“Excuse me,” hindi naituloy ni Sandra ang sasabihin ng biglang nagsalita si Geo,
Dahil nakatambay sina Katallea sa may pintuan ng silid-aralan nila kaya hindi
makapasok si Geo dahil nakaharang sila. Nakakunot ang noo ng lalaki at halata sa
mukha nito ang pagkairita dahil sa pamamalagi nila sa daanan.
“Geo, wait. Can we talk?” nahihiyang tanong ni Katallea.
“We have nothing to talk about.” Nakasimangot na sagot ni Geo sabay
derederetsong pumasok ng kanilang classroom. Wala itong pakialam sa bulongan ng
mga babaeng kaklase nila na kinikilig at natutuwa sa muli nitong pagpasok.
Sinundan ito ni Katallea kahit na hindi niya ugali ang mamilit ng tao. Kailangan
niya kasi talaga ang tulong ng lalaki.
“Are you okay? What happened to you? Bakit di ka pumasok ng ilang araw?”
“Ms San Sebastian, hindi kita girlfriend o ano pa man. Stop asking nonsense
questions! Stay away from me!”
“Hindi ko naman sinabing girlfriend mo ako. Kinukumusta lang kita.”
“Hindi mo ako kargo kaya huwag mo akong kumustahin. Layuan mo lang ako ay
magiging okay na ang lahat.”
Napahiya si Katallea sa sinabi ng lalaki lalo at nagtawanan rin ang mga kaklase
nila. Kitang-kita sa mukha ni Geo ang galit para sa kaniya. Galit, bakit? Biglang
naguluhan si Katallea. Wala siyang alam na ginawang masama sa lalaki.
“Katallea, huwag kang feeling…” Sinundan ng malalakas ng tawanan ng mga
kaklase niya ang mga salitang iyon.
Hindi pinansin ng dalaga ang mga kaklase kahit nakita niyang umismid ang ilan
sa mga babaeng kaklase na hindi niya madala kausap dahil pili lang talaga ang mga
kaibigan niya.
“Teka, ano bang ginawa ko sa’yo?” umiiyak na tanong ng dalaga.
“You almost killed me!” Nagulat lahat ng mga kaklase nila.
Tiningnan nila si Katallea na para bang may malaki siyang kasalanang ginaw.
“Kill?! I d-don’t...I don’t know what you’re talking about.”
“I repeat, stay away from me!” Mariing wika ng lalaki sabay tulak sa kanya
dahilan para matumba ang dalaga at masubsob sa isang upuan.
Napatakbo sa kinaroroonan ni Katallea sina Sandra at Nicole upang damayan
siya ng mga ito.
“I hate you,” mahinanh bigkas ng dalaga habang tuloy-tuloy ang mga luhang
lumalandas sa maputi niyang pisngi.
Pagkatapos ng mga naganap na iyon ay pinag-isipan ni Katallea ang mga
susunod niyang gagawin. Hindi maaaring hindi siya maka-graduate kaya lakas loob ay
pumunta siya sa opisina ng school administrator.
“I’m sorry, Ms San Sebastian. This is all I can do in your case…” Matamang
nakinig ang dalaga sa mga sinabi ng administrator.
Bagsak ang mga balikat na lumabas si Katallea ng opisina na iyon. Hindi niya
talaga maipaparanas sa mga magulang ang masabitan siya ng medalya. Hindi siya
pwedeng magmartsa sa graduation pero pwede n’yang makuha ang school records niya.
Bibigyan na rin siya ng diploma ng paaralan bilang awa na lang daw sa kanya.
“Awa?! Mukha ba akong ka-awa-awa?” May isang malaking kasalanan daw
siyang ginawa at kalat na yun sa buong campus sabi ng isa niyang professor ng
makausap niya rin ito. Immoral daw siyang babae, kung kani-kaninong lalaki raw siya
nakipag siping para lang magkapera.
“Kalat na ang mga larawan mo sa internet. May kasama kang iba’t-ibang lalaki
habang hubo’t hubad kayo pareho.”
Ipinakita pa sa kaniya nito ang mga nasabing larawang iyon.
“Sobrang sama mo, Ms Montimar. Akala ko hindi ikaw ang magpapabagsak ng
mga pangarap ko, mali pala ako.”
Iyak ng iyak si Katallea habang naglalakad. Sa puso niya alam niyang si Ms
Montimar ang may gawa ng mga pekeng larawan upang makaganti sa kaniya. Sa
patuloy niyang paglalakad sa campus, kita at ramdam niya ang mga matang
mapanghusga sa paligid niya.
“Katallea, pwede ka ba mamayang gabi? Free ako, kapag nag-iinit ka, nandito
lang ako.”
“Anong secret mo, Katallea? Bakit ang laki ng…”
Tawanan, tawanan, tawanan. Para na siyang mababaliw. Gusto niyang gumanti
kay Ms Montimar.
“Virgin pa ang kaibigan namin! Fake lahat ng photos na nakita nyo!” sigaw ni
Sandra.
“Pwede ko bang masiguro? Katallea, game ka ba?” hirit ng isa pang kamag-aral
nila.
Patuloy lang ang pagluha ni Katallea. Hindi na niya kaya ang mga salitang
naririnig niya.
“Akala ko isa kang mabuting babae. Halos ikamatay ko ang simpleng pagkawaya
sa’yo iyon pala marumi kang babae.” Mariin ang pagkakabigkas noon ni Geo. Nagulat
pa siya dahil hindi niya alam na narron din ito. Bakas sa mukha nito ang poot na
tinitimpi.
“Geo, wala kang karapatan na husgahan ako. Hindi tayo close. Sanay namatay ka
na lang.”
Sa sobrang sama ng loob ay hindi na niya napag-isipan ang sinabi niya. Laking
gulat na lamang niya ng bigla siyang hinablot ng lalaki. Ipinulupot nito ang mga
braso
sa maliit niyang bewang. Mariin siyang hinalikan nito sa labi. Masakit ang halik na
iyon
ngunit nagustuhan niya. Hindi niya alam kung anong gagawin dahil kahit minsan ay
hindi pa niya naranasan ang mahalikan sa labi. Pakiramdam niya ay dinadala siya ni
Geo sa kabilang mundo.
“Nakakasuka ka palang halikan!” nakangising turan ni Geo. Hinablot nito ng
ubod lakas ang blusa niya dahilan upang tumambad ang mapuputi niyang mga dibdib
na nag-uumapaw sa suot niyang bra.
Nagsigawan ang mga nakapaligid sa kanila. Halatang tuwang-tuwa sa pinanood
na eksena.
“I hate you!” Matigas na sabi ni Katallea sa lalaking kaharap sabay ubod lakas
niya itong sinampal. Pakiramdam niya ay hindi ang tahimik at mailap na si Geo ang
nasa harapan niya kun’di isang halimaw na handa siyang lapain.
Pagkatapos noon ay tumakbo si Katallea ng matulin upang makalabas agad ng
campus. Laking gulat niya ng biglang may bumukas na itim na sasakyan at pahablot
siyang pinasok ng isang lalaki sa loob niyon.
“Leave now! Dapat bukas ay wala ka na rito sa Maynila. Papatayin kita kapag
bukas ay nandito ka pa.”
Gulat na gulat ang dalaga. “Sino... Bakit…”
Halos hindi niya maituloy ang mga katagang gustong sabihin. Binigyan siya ng
sobre ng isang lalaki. Pagkabukas noon ni Katallea ay nakita niya na may laman
itong
malaking halaga ng pera. Hindi niya alam kung magkano iyon pero alam niyang
malaking halaga iyon.
“Sino kayo? Bakit nyo ginagawa ito?” nangangatog na turan ng dalaga.
“Napag-utusan lang kami, Miss. Gawin mo ang ipinag-uutos namin dahil
idadamay namin patu ang buong pamilya mo kapag sinuway mo ang warning na ito.”
Sabay tulak sa kaniya ng lalaki pabalas sa sasakyan.
Hindi makapaniwala si Katallea sa mga nangyari. Sasabog na ang ulo niya.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ng dalaga. Dali-dali ay umuwi siya sa
kaniyang apartment, kinuha ang mga gamit at sumakay ng bus pauwi sa kanilang
probinsya.

“Hello, readers!
Welcome back! From now on ay masusubaybayan n’yo na po ang daily update ng story na
ito. Sana ay samahan
n’yo po ako until the end of this novel.
Love lots,
Magic Heart”

KATALLEA CHAPTER 5

Sa Brgy. Saradama natagpuan ni Katallea ang sarili niya. Ito ang lugar kung saan
alam niyang magiging ligtas siya. Malayo ito sa panganib dahil kabundukan ito at
ilang
kilometro ang layo nito mula sa highway.
Magtatakipsilim na at tulad ng dati ay nakaupo siya sa paborito niyang pwesto.
“Hoy! Ano? Tulala lang ba ulit ang peg mo riyan, ate? Emo...emo..Gano’n?”
Nagulat si Katallea sa malakas na hampas ng kapatid sa balikat niya.
“Kung makagulat ka naman, grabe. Nalaglag na ang puso ko dahil sa’yo, pati
atay at balunbalunan ko nasama pa,” nakatawang sabi niya sa kapatid.
“Oy, ate, nakakabaliw talaga ang mataas na pangarap. Tigilan mo ang kakaisip na
lalabas si Mr Right sa kagubatang iyan at ipatatayo ka ng palasyo rito. Baliw ka na
lang,
hindi pa nangyayari iyon.”
“Sira ka talaga, naalala ko lang iyong mga nangyari. Ayaw ko ring umasa sa Mr
Right na iyan. Natatakot ako para sa kaligtasan natin, iyon ang totoo.”
“Ayan ka na naman. Ligtas ka rito sa atin. Sino ba ang maglalakas loob na
patayin ka sa kabundukang ito lalo na napapaligiran ka pa ng mga barako nating
pinsan?”
Alam na ng mga kamag-anak nila ang mga naganap sa kaniya sa Maynila.
Marami ang kumutya sa kaniya pero marami rin ang handang ipagtanggol siya. Tiyak
niyang ligtas siya sa piling ng mga ito dahil handa nilang proteksyunan siya.
“Kumusta ang maganda kong mga dalaga?” Bungad ng papa nila na galing sa
pag-uula ng mga kalabaw at kabayo nito.
“Ito po ‘pa, maganda pa rin. Si Ate Katallea lang ang pangit,” sabay tawa ni
Clarise.
“Clarise, anong pangit ang ate mo? Walang pangit sa mga anak ko.” Sumama na
rin ang mama nila sa biruan. May hawak pa itong walis tingting at inambahan ng palo
ang makulit na anak.
“Pangit naman talaga si ate kaya walang love life,” hirit pa ni Clarise.
“Ay, s’ya, maghanda na kayo at nang makakain na agad tayo. Sayang ang gas
kaya matulog kayo ng maaga,” utos ng kanilang ina.
Mabilis na tumalima ang mga dalaga habang naiwang nag-uusap ang mag-asawa.
“Anong plano mo, Nelson?”
“Plano saan?”
“Kay Katallea. Ano’ng sabi ni kapitan?”
“Huwag mo nang alalahanin iyon. Bukas raw ay isasama niya si Katallea sa
munisipyo. Nakausap na ni kapitan ang kakilala niya roon at may trabaho na ang anak
natin.
“Anong trabaho po, papa?” sabad ni Katallea na bumalik pala sa kinauupuan
niya kanina.
“Kargador daw ‘te,” sabad ni Clarise.
“Clarissa, yang bibig mo ha, walang tigil talaga,” singhal ng mama nila.
Tumigil ang kapatid niya sa pang-aasar sa kan’ya. Kapag tinawag na kasi itong
Clarissa ng mama niya ay tiyak na galito na ito.
Sa kanilang tatlong magkakapatid, si Clarise ang pinakamadaldal. Ang bunso
namang si Aaron ang pinakamalambing.
“Bukas daw natin malalaman, anak, sabi ni Kap. Huwag kang mag-alala dahil
ligtas ka rito,” sabi ng papa niya.
“Ligtas? Siguro nga ligtas na ako rito. Malayo na ako kay Ms Montimar. Tiyak na
hindi niya na ako ipapahabol pa sa mga binayaran niya upang patayin ako.” Dahil sa
isiping iyon ay nakapampante ang dalaga.
Kinabukasan ay maagang lumusong si Katallea sa bayan. Sa suot niyang puting
t-shirt at fit na jeans ay napakasimple niyang tingnan ngunit hindi naitago nito
ang
kasexy-han niyang taglay. Tulad ng dati, maraming napapalingon at napapangiti kapag
nakita siya ng mga tao na lumuwas ng bayan.
“Katallea, huwag kang kabahan, anak. Walang naniniwala sa mga tagarito sa atin
sa mga lumabas na litrato mo sa social media,” mabait na turan ni Kapitan.
Ninong niya ito sa binyag at kumpil kaya malapit siya rito. Isa ito sa mga taong
sandalan niya sa panahong ito na sadsad na sadsad siya.
“Tiyak akong matatanggap ka rito. Naghahanap sila ng teacher sa day care kasi
aalis na papuntang ibang bansa yung dating guro ng mga bata.”
“Salamat po, ninong.”
Tama nga ang ninong niya, mabilis ngang natanggap si Katallea bilang guro ng
mga bata sa kanilang barangay dahil na rin sa tulong ng ito. Ipinangako ng dalaga
sa
sarili na pagbubutihan niya ang pagtuturo.
Natutuwa si Katallea dahil kahit maliit lang ang magiging sahod niya ay
matutulungan noon ang kaniyang amang magsasaka upang matustusan ang
pangangailangan ng mga kapatid niya. Ayaw niyang maging pabigat sa mga magulang
niya kaya hangga’t maaari ay gumagawa siya ng paraan para maiangat kunti ang buhay
nila.
“So, pa’no iha, magsimula ka nang mag-ayos ng mga gamit mo doon sa
classroom ng mga bata. Two weeks from now, mag-uumpisa na ang klase n’yo.”
“Opo, ninong. Salamat sa tulong mo. Excited na po akong magsimula.”
“Ibibigay ko sayo ang listahan ng mga batang nakapag-enroll na. Ibinilin ‘yon sa
aking ng dating guro. Ikaw na ang mag-asikaso, ha.”
“Sige po, ako na po ang bahala, ‘nong.”
Masayang umuwi si Katallea sa kaniyang pamilya. Tiyak niyang matutuwa ang
mga magulang niya sa mabuting balitang dala niya.
Samantala, pagkatapos ng graduation nila ay agad na pumasok si Geo sa
kumpanya nila. Bilang anak ng may-ari ng G. Real Estate Developer Company ay
malaki ang inaasahan sa kaniya ng mga tao lalo na ng daddy niya.
“Good morning po, sir!”
Tumango lamang siya sa mga pagbati ng mga empleyado. Mukha siyang
kagalang-galang sa mata ng mga tauhan nila pero sa isip ng binata ay isa lamang
siyang
gamit ng kaniyang ama.
Tiyak pagtatawanan lamang siya ng mga taong ito kapag nalaman nilang, siya s
Geo Arevalo ay walang kalayaan! Minsan nga naiinggit siya sa mga katrabaho niya
dahil walang sagabal sa mga ito na kumain sa labas, uminom sa bars at higit sa
lahat
malaya ang mga itong mag palit-palit ng mga karelasyon.
Sa edad niyang dalawampu ay iisang babae lang ang minahal niya. Bigla na
lamang itong nawala pagkatapos ng insidente noon sa campus. Ngunit hindi niya
pinagsisishan ang ginawa niya rito. Nang maalala ni Geo si Katallea ay nagdilim ang
mukha niya.
“Pare, sama ka,” bungad sa kaniya ni Joey na nakapasok na pala sa kan’yang
opisina ng hindi niya namamalayan.
“Where?” wala sa mood na tanong niya sa kaibigan.
“Nagyaya si coach ng gumawa ng isang charity work sa isang mahirap na
barangay sa South. May mga kaibigan siyang doktor na magsasagawa ng medical
mission at nag-iipon na rin ang mga teammates natin ng mga groceries na pwedeng
ipamigay.”
“Hindi ba delikado ‘yan?” I’m not sure if daddy would allow me to go.”
“Damn your daddy, bro. He’s very possessive. Matanda ka na pero tinatrato ka pa
rin niyang parang bata.”
Wala siyang maitago sa kaibigan. Bukod sa Yaya Adel niya ay ito ang isa sa mga
taong madalas na tumulong sa kaniya sa oras na nasa alanganin siya dahil sa daddy
niya.
“Okay, I’ll try to go with you, p’re. If hindi naman ako makasama ay
magdodonate na lang ako mula sa aking savings. Baka atakihin si daddy kapag nalaman
niya na mula sa pera niya ang ibibigay ko.
Nagtawanan ang magkaibigan sa sinabi niya. Kilala si Don Arman Arevalo na
magaling na negosyante. Iginagalang ng lahat dahil sa laki ng assets nito. Malakas
din
ang koneksyon nito sa gobyerno at sa business world. Takot ang maliliit na
negosyante
sa kaniyang ama ngunit sa kabila ng katanyagan nito ay nakatago ang isang pagkatao
na tanging siya lamang ang nakakaalam.
Kuripot ang daddy niya. Halos ayaw nito mabawasan ang kayamanan nila. Kaya
nga ginagawa nito ang lahat para hindi siya makipagrelasyon sa iba dahil natatakot
ito
na kapag dumating na siya sa edad na dalawampu’t-tatlo ay mawala ang lahat ng
kayamanan nila.
“Sige na p’re. Marami akong trabaho. Lumayas ka na sa opisina ko.” Pabiro
niyang itinaboy ang kaibigan. Agad naman itong tumayo at nagpaalam sa kaniya.
“Outreach program. Gusto ko iyon. Makakapagpahinga ako kahit paano sa
sobrang pressure na dulot ni daddy.” bulong niya sa sarili.
Maghapong naging busy si Geo sa mga meetings at paper works na tambak sa
kaniyang opisina. Hindi niya namalayan ang oras tulad ng dati. Ayaw niyang
mabakante
ang oras niya dahil ang isip niya ay hindi mapigilang alalahanin ang babaeng minsan
niyang minahal at patuloy pa ring minamahal kahit na nasaktan niya ito ng labis.
Papalabas na siya ng building ng kanilang kumpanya nang makita niya ang isang
pamilyar na mukha.
“Katallea!” tawag niya sa babae. Hinabol pa niya ito.
“Yes, sir. Do I know you?” tanong ng nagulat na kaharap niya,
“I’m sorry. I thought you were the person I’m looking for,” nahihiyang humingi
siya ng paumanhin dito.
Mabait naman ang babae at hindi nagalit. Sinabihan pa siya nitong sana ay
makita niya raw ang hinahanap niya.
“Damn it, Geo. You are pathetic! What the hell are you doing?” Halos sabunutan
ni Geo ang ulo niya dahil sa kaniyang naging kilos kanina. “Bakit hindi ka mawala
sa
isip ko? Shit!”
Patuloy na pagmumura ng binata. Maraming beses na niyang sinubukang
kalimutan ang babae. Kinasusuklaman niya ito dahil pakiramdam niya ay niloko siya
ng
dalaga. Simula ng first year college sila ay minahal niya na ito. Sa mga panahong
iyon
ang tingin niya ay isa itong babae na karapat-dapat ipaglaban. Handa na sana siya
noon
na suwayin ang ama makasama lamang ito,
Ngunit nagkamali siya. Sobra siyang nasaktan sa mga larawang nagkalat.
Iba’t-ibang mga lalaking nakahubad ang kasama nito sa kama. Kitang-kita sa mga
larawan na iyon kung gaano nag-eenjoy ang babae kasama ang mga iyon.
“Damn! She is f*cking pr*stitute! Walang mahalaga sa kan’ya kung hindi pera.
Kahit dangal niya ay kinalimutan niya.”
Anim na buwan na ang nakalipas simula ng mawalang parang bula ang babae.
Alam niyang mali ang ginawa niya rito noong huling araw na nakita niya ito pero
para
sa kaniya ay tama lang iyon. Ayaw niyang sinasaktan siya ng kahit sino dahil sa
daddy
pa lang niya ay sobra-sobra na ang inabot niya.
Handa niyang gantihan ang sino mang ipaparamdam sa kanya ang kawalan niya
ng halaga. Siya si Geo Arevalo ay hindi kailanman tatanggapin na lang ang pananakit
ng iba kaya iyon din ang ginawa niya kay Katallea upang makaganti sa huli.
Pag-uwi ng bahay ay kinausap niya ang daddy niya. Nagpaalam siya na kung
maaari ay payagan siya na sumama sa isasagawang charity works nina Joey.
“Well, it's good publicity. Ang anak ni Don Arman Arevalo ay makikita at
makikilala bilang charitable man. Sige, go ahead. Remember the rules! Ayaw mo
sigurong maulit ang nangyari noong mga nakaraang buwan.”
“Yes, daddy.”
Masaya niyang tinawagan si Joey at ang mga dating kasama sa soccer team nila.
Nagulat man ang iba sa biglaang pagpayag ng ama niya ay natuwa naman silang
makakasama siya. Siya man ay excited din kaya bumili rin siya ng mga posibleng
ipamigay sa mga daratnan nila sa lugar na pupuntahan nila.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Masigla silang lahat na dumating sa isang
liblib na baryo. Maraming sundalo silang mga kasama kaya safe na safe ang
pakiramdam nila kahit nasa bundok sila.
Sa isip ni Geo ay nakalaya siya kahit paano mula sa masalimuot niyang mundo.
Mula sa kinatatayuan niya ay natatanaw niya ang malawak na dagat. Maraming puno sa
paligid at napakaraming magagandang halaman siyang nakikita. Ito raw ang sentro ng
barangay.
“P’re, salamat at isinama mo ako rito,” sabi niya sa kaibigan.
“Naku p’re, masarap sa pakiramdam ang ganito. Kahit minsan man lang
maranasan mo.”
“Parang ang sarap tumira rito.”
“This is a very remote area. Maraming multo rito,” pananakot ni Joey.
“Walang multo rito,” putol ng coach nila sa usapan.
“Oo nga mga pare, walang multo rito. Ang meron dito ay maganda at sexy na
daycare teacher. Grabe pare, nakita ko siya. Ang sarap titigan ng mukha niya. Iyong
ngiti niya nakakaakit. Kung hindi lang natin kasama ang girlfriend ko, popormahan
ko
talaga ‘yon.” Sabad ng pediatrician na kasama nila. Nabuhay ang curiosity ni Joey
dahil
sa sinabi ng doktor.
“Saan mo siya nakita, doc?”
“Doon, Joey, sa kwarto na iyo,” itinuro nito ang isang silid sa ‘di kalayuan.
“P’re, samahan mo ako. Magpapakilala ako. Binta ito, walang sabit.”
“Walang sabit pala si Joey. Paano si Tricia, Amanda, Pia...Sino pa ba?” Tutol niya
ngunit hinila na siya ng kaibigan papunta sa room na sinabi ng doktor.
Kinausap pa siya ni Joey na magkukunwari muna silang mga nag-oobserba sa
ginagawang pagtuturo ng guro para hindi halata ang pakay nila. Pagdating nila sa
lugar
na sinabi ng doktor ay sumilip sila sa bukas na bintana.
Gano’n na lang ang pagkabigla ng magkaibigan ng makita nila ang babae sa loob
ng silid-aralan na iyon.

“Hello, readers!
Please help me promote this story. Thank you and I love you all!
Love lots,
Magic Heart”
KATALLEA CHAPTER 6

Halos maubusan ng hininga si Geo sa kakatawa ng makita ang reaksyon ng


mukha ni Joey.
“Grabe pare, hindi ko akalaing maiisahan tayo ng doktor na iyon.” Salubong ang
mga kilay ng lalaki habang sinsabi iyon.
“Iyan ang napapala mo sa pagiging babaero mo. Hanap ka pa kasi ng hanap ng
babae eh napakarami ng nakapaligid sa’yo,” sermon ni Geo.
“Hey, stop laughing,” saway ni Joey sa kan’ya. “Whooo! I was pranked by that
pediatrician. Shit, ang sarap niyang pakainin ng kamao.”
Dinala niya ang kaibigan sa sinasabing Bahay Nayon ng mga taga baryo. Katapat
lang ito ng Day Care Center kaya naman kitang-kita mula roon ang guro ng mga bata.
Hindi ito maganda at sexy tulad ng sinabi ng doktor, kun’di isang matandang halos
nasa
limampung taong gulang na.
Patuloy ang pang-aalaska niya sa kasama. Hindi naman ito napipikon kapag
ganoong binibiro niya ito.
“Guys, help your teammates in the distribution of the groceries,” sabi ng coach
nila. Galing ito sa plaza at may dala itong mga items na ipapamigay sa mga batang
tinuturuan ng sinasabing guro ng doktor.
“Yes, coach,” sabay nilang sagot at pumunta na sila sa plaza. Kanina pa kasi sila
sa barangay na iyon pero wala pa silang naitulong ni Joey sa mga kasama nila. Ang
pasaway n’yang kaibigan ay panay lang ang galat at isinama s’ya kung saan-saan.
Mabilis na natapos ang ginawa nilang misyon. Maraming tao ang lumalapit sa
kanila upang magpasalamat. Ang iba ay may mga dala pang kung ano-ano para ipabaon
daw sa kanilang grupo.
Halos lahat sa kanila ay nakaramdam ng pagod ngunit walang nareklamo kahit
isa. Lahat masaya at kuntento sa mga naganap ng araw na iyon. Hindi siya
makapaniwala na maraming nakakakilala na sa kaibigan niya rito. Buong akala niya ay
tulad n’ya rin itong walang alam sa lugar na pinuntahan nila.
“Oy, Sir Joey, lalo kang pomopogi, ah,” biro ng isa sa mga kalalakihan kay Joey.
“Salamat mga ‘tol. Fan ko talaga kayo. Si Geo nga pala, bestfriend ko,” pakilala
nito sa kan’ya sa grupo ng mga lalaki.
Nakipagkamay sa kaniya ang mga ito. Kinakausap siya na para bang katropa
lang din nila at matagal ng kakilala. Ibang-iba ang pakiramdam niya ng mga
sandaling
iyon. Parang malayang-malaya siya na tulad ng mga ibon. Malayo sa mabangis niyang
ama na laging handang ikadena siya sa basement.
Nag-aayos na ng mga gamit ang mga kasama nila upang maaga silang makabalik
ng Maynila. May sumilay na ngiti sa isa sa mga lalaking nasa harapan nila.
“Joey, aalis ka rin ba aga?” tanong ng isa sa mga lalaki,
“Oo nga bro, aalis ka ba agad? Tulad ng dati, ano game?” sabad din ng isa pa.
Hindi masakyan ni Geo ang gustong ipahiwatig ng mga lalaki. Nakita niya ang
pilyong ngiti sa labi ng kaniyang kaibigan kaya kunot-noong nakatitig s’ya rito.
“Pare paiwan tayo!” biglang sabi ni Joey.
“What?!” Gulat na gulat siya sa sinabi ng kaibigan. “What if magalit si daddy?
Hindi niya alam na hindi ako makakabalik agad ngayong araw. Lagot na naman ako
nito,” tanong sa isipan niya.
Ngunit gusto niya ang pakiramdam habang nasa lugar na ito. Ang tahimik na
kabundukan ay nagbibigay sa kaniya ng payapang kaisipan. Kahit siya ay ayaw niyang
umalis kaagad pero nag-aalala siya.
Hinila niya ang kaibigan sa malayo. Natatakot kasi siya sa seguridad nilang
dalawa. Hindi niya kilala ang mga kausap ni Joey at ang lahat ng tao sa lugar na
iyon.
“Pare, are you sure about this?” tanong niya sa kaibigan.
Tumawa ng malakas ang kaharao niya. Naiintidihan nito ang pag-aalala niya
ngunit gusto yata nitong biruin pa siya kata tiningnan niya ito ng parang gusto
niyang
suntukin ito.
“Pare ‘yong multo, biro ko lang iyon sa’yo. Ilang beses na akong
nagpabalik-balik rito. Hindi ko lang sinasabi sayo kasi baka isumbong mo ako kay
Mommy at Daddy.”
Ang dami niya palang hindi alam sa bestfriend niya. Napakamot tuloy siya ng
ulo.
“Joey, malilintikan ka talaga sa akin kapag…”
“Hindi sa pagbibiro, Geo. Ayoko lang dagdagan pa ang problema mo ng mga
problema ko, okay? Kaya hindi kita isinasama rito noon. Baka mabugbog ka pa kasi ng
tatay mong daig pa ang boksingero,” seryosong turan ng kaniyang kaibigan.
Naiintindihan niya ito. Alam niyang mahal nila ang isa’t-isa. Halos magkapatid
na ang turingan nila. Mabuti at hindi tinutulan ng mga magulang niya ang
pakikipagkaibigan niya rito. Galing din kasi ito sa isang kilalang pamilya.
Magkasosyo
ang mga manulang nila sa ibang negosyo.
Ganun na nga ang nangyari, nagpaiwan nga sila ni Joey. Hindi raw dapat
alalahanin ni Geo ang tutuluyan nila kaya nagkampante lang siya. Hinayaan niya ang
kaibigan na magdesisyon para sa kanilang dalawa.
“Tuloy kayo!” Masaya silang pinapasok ng anak ng kapitan sa bahay ng mga
nito.
“Dating gawi, Joey. Basketball tayo mamaya,” sabi ng isang lalaki.
“Oo, sige. Matagal na ring hindi nababatak ang mga katawan namin. Itong si
Geo, magaling ito.”
“Naku ‘tol huwag kang maniwala diyan. Bestfriend ko ‘yan kaya ibinibida ako
niyan,” sabi ni Geo.
Nagkatawanan ang bagong magkakaibigan. Komportable si Geo sa mga bagong
kakilala. Maya-maya pa ay may mga dumating na ibang mga lalaki.
“Huwag kang matakot. Ganito sila rito. Gusto ka lang nilang maging kaibigan,”
bulong ni Joey sa kasama niyang biglang napakislot sa kinauupuan.
Agad nawala ang pangamba na lumukob sa kaniya. Nagkayayaan ang grupo na
ituloy ang basketball game kaya lang bigla niyang naalala na iilang piraso lang
pala
ang damit niya.
“Huwag mong alalahanin yan. Marami akong baon.”
Naihampas niya sa kaibigan ang bagong hubad na damit. Nagbibihis sila dahil
pupunta sila sa plaza para makipaglaro sa mga lalaking taga baryo. Marami palang
dalang damit ang kaibigan niya. Hindi man lang siya pinaghanda ni Joey gayong may
plano pala itong tumagal sa lugar na iyon. Dalawang bag ang dalang damit nito.
Akala
niya noong una ay kasama iyon sa mga ipamimigay nila.
Nakakabinging tilian ang naririnig ni Geo. Napansin niyang napakarami palang
magagandang babae sa lugar na iyon. Hindi niya akalain na maayos ang mga itsura ng
mga ito. Hindi mababakas sa ilan na anak sila ng magsasaka.
Alam ni Geo na maraming nagpapapansin sa kaniya. Ang lakas ng hiyaw ng mga
ito kapag dala niya ang bola o kapag nakaka-shot siya ay talagang lalong
nagpapalakas
ng loob niya na galingan sa laro kahit friendly game lang iyon.
Sanay siya sa mga babaeng nagpapapansin at naiirita siya sa mga iyon. Kahit
noong college pa siya ay halos halikan na siya ng ibang kaklase nilang babae. Si
Katallea lang yata ang walang pakialam sa kan’ya.
“Pare, kanina ko pa napapansin na panay ang linga-linga mo diyan. Is there
something else that is bothering you?” tanong niya kay Joey.
Napatawa bahagya ang kaibigan niya. Siniko pa siya nito. Sumabad naman sa
kanila ang anak ng kapitan ng baryo.
“Joey, gusto mo bang dalawin natin mamaya para hindi ka na mahirapan pa
kakahanap diyan?”
“Oo nga sasamahan ka namin kung gusto mo. Kanina pa sila umuwi kaya hindi
mo na siya makikita ngayon.”
“Babae na naman p’re?” Binatukan niya ang kaibigan kaya nagkatawanan ang
mga kalaro nila habang nagpapahinga sila sandali.
Sobrang nag-enjoy sila sa laro kanina. Nagdesisyon na rin si Joey na huwag na
lang dalawin ang babaeng hinahanap nito kasi halos tatlumpung minuto pa raw ang
lalakarin nila.
Kinaumagahan ay nagising si Geo sa amoy ng usok. Nagluluto pala ng almusal
ang may-ari ng bahay. Kahoy ang panggatong nito kaya mausok sa loob ng bahay.
“Good morning po,” bati niya sa ginang.
“Magandang umaga, iho. Maayos ba ang tulog mo?”
“Opo, Tita. Hindi naman po ako nanibago.”
“Sanay po akong matulog sa matigas na higaan kahit noong bata pa ako.” Nais
niya sanang idugtong pero sinarili niya na lang ang mga salitang iyon.
Hinanap niya si Joey at ang anak ng babaeng nagluluto. Nakita niya ang mga ito
na masayang nagkukwentuhan sa isang kubo sa likod ng bahay. Marami na rin ang mga
tambay doon.
“Pare kape,” alok sa kaniya ni Sean ang anak ng kapitan.
Kinuha niya ang tasang inabot nito. Isa iyong ordinaryong tasa lamang ngunit ng
hinigop niya ang laman nito ay pakiramdam niya ay isa iyon sa pinakamamahaling
kapeng natikman niya,
“Bukas na tayo uwi, Geo.”
Napatango na lamang siya sa kaibigan niya. Gusto niya ang lugar na ito. Kung
hindi lang nakakahiya sa tinutuluyan nila ay magtatagal pa siya rito. Hindi pala
dahil
lang doon, siguradong magugulpi na naman siya ng ama niya dahil hindi siya umuwi sa
napagkasunduan nilang petsa at oras.
Minabuti ni Geo na mag-abot ng pera sa asawa ng kapitan para ipambili ng
pagkain nila ngunit hindi nito iyon tinanggap. Sa halip, may mga dumating pang mga
bagong kaibigan nila at may dala ang mga itong pagkain na pagsasaluhan daw nila.
“Ganito pala rito. Kaya pala nawiwili ka,” sabi niya kay Joey.
“Oo, pare. Mababait ang mga tao rito. Mabuti ang mga puso nila.”
Sumasang-ayon siya sa sinabi ni Joey. Kitang-kita talaga sa kilos ng mga bagong
kakilala ang kabutihan ng mga taga rito.
“Ninang...Ninang…” narinig niyang tinig ng isang babae. Nasa likod sila ng
bahay kaya hindi nakikita ang mukha ng tumatawag. Lumabas ang anak ng kapitan
upang harapin ang bagong dating dahil nagpunta ang ina nito sa kapitbahay.
“Kakaalis lang ni mama. Andiyan sa kabila. Bakit?”
“Kuya Sean, kukunin ko lang sana ‘yong mga lulutuin para sa pagkain ng mga
bata mamayang recess nila.”
“Ah, sandali tawagin ko siya hindi ko alam iyan. Kumain ka na ba? Sumandok ka
na lang diyan.”
Nakikinig lamang si Geo sa usapan sa loob ng bahay habang patuloy na
nagkukwentuhan naman ang mga kasama niya sa kubo.
“Sino ‘yon?” maang na tanong niya sa mga kasama niya.
“Si ma’am yan. Teacher sa day care,” sagot sa kaniya ng isang bagong kakilala.
Naalala niya ang guro kahapon. “Bakit kuya ang tawag niya kay Sean? Ang
tanda na niya, ah,” bulong niya.
Kunot-noong napatayo ang binata upang dalhin sa kusina ang tasang
pinagkapehan niya. Bahagya pa lamang siyang nakakapasok ng bigla siyang mapako sa
kinatatayuan.
Si Katallea ang nakikita niya. Tama, hindi siya nagkakamali. Ang maganda
nitong mukha, ang mapungay na mata, ang labing mapang-akit, hindi niya
nakakalimutan iyon.
Tila nagulat rin ang babae nang makita siya. Hindi ito nakapagsalita. Nakatayo
lamang ito na para bang nakakita ng multo. Kita niyang nangangatog ang maputing
hita
nito na nakalabas dahil sa suot nitong mini skirt.
Hindi malaman ni Geo kung yayakapin ba o hindi ang dalaga. Sabik na sabik
siya rito ngunit nangingibabaw ang galit sa puso niya.
“Katallea!” sigaw ni Sean.
Nabigla si Geo sa lakas ng boses ng anak ng kapitan. Nakita niya na lamang na
nakahandusay na sa harapan niya ang babaeng kailan man ay hindi nawala sa puso
niya.

KATALLEA CHAPTER 7
Mabilis ang naging pagkilos ng mga lalaking nasa kubo. Binuhat agad nila ang
walang malay na dalaga at isinakay sa tricycle na walang bubong upang maihatid sa
pinakamalapit na pagamutan. Naiwan si Geo na parang itinulos lang sa kinatatayuan
niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya dahilan para ang hininga n’ya ay parang
hanggang nasa leeg na lamang niya.
Bumagsak si Katallea sa sahig. Hindi niya naagapan ang ulo nito kaya tumama sa
kanto ng upuang nasa kusina ng bahay. Para siyang isang poste na nakatayo lamang
habang pinanonood ang mga pangyayari. Iba’t-ibang emosyon ang nararamdaman niya.
Ang pagkasabik sa dalaga ay napalitan ng matinding takot. Ang galit na nasa puso
niya
ay binura ng labis na pag-aalala.
Nanghihinang hinawakan ni Geo ang poste ng bahay na malapit sa kanya.
Kailangan niya ng makakapitan dahil ang matibay niyang dibdib ay hindi kinaya ang
mga pangyayari. Kay tagal niyang nanabik kay Katallea sa kabila ng galit niya rito
pero
hindi niya inaasahan ang biglang pagkikita nilang iyon.
“Geo, anong nangyari?” pukaw sa kaniya ni Joey.
Ang tagal na pala niyang nakatulala habang nakakapit lang sa haligi. Hindi siya
nakakilos agad dahil sa bilis ng mga pangyayari.
“I...I don’t...I don’t know, p’re. What the f*ck is she doing here?”
Halos hindi siya makapaniwala na bigla na lamang niyang makikita ang dalaga
sa isang liblib na baryo. Alam niyang mahirap ito at anak ng magsasaka but of all
places, dito pa talaga?
“Destiny brought you together,” Napailing siy sa sinabing iyon ni Joey,
Destiny? Malabong si Katallea ang babaeng nakatakda para sa kan’ya dahil mag
napili na ang kaniyang lolo na mapapangasawa niya. Ang babaeng iyon na dahilan ang
pangmamaltrato sa kan’ya ni Don Arman ay makikita at makikilala niya pa lang
pagtuntong n’ya sa edad na dalawampu’t tatlo.
“Susundan ko sila sa ospital,” wika ni Sean. Agad itong pumasok sa loob ng
kwarto upang magpalit ng damit. Mabilis ang kilos nito, para itong ipo-ipo na lahat
ng
madaanan ay natatabig.
Agad nitong kinuha ang susi ng motor. Hindi maarok ni Geo ang nararamdaman
ng lalaki dahil hindi ito nagsasalita man lang.
“Sama ako, pare.” Bago pa makatanggi si Sean ay sumakay na siya sa motor nito.
Walang helmet o kahit anong protective gear silang suot. Naiwan si Joey na hindi
makapaniwala sa mga naganap. Mga nakapamewang naman ang ibang mga lalaki
habang nakatanaw sa mga umalis.
Mabilis ang patakbo ni Sean. Daig pa ng lalaki ang hinahabol ng isang matulin
na hayop. Walang kibuan ang dalawa habang nasa biyahe. Kapwa sila
nagpapakiramdaman.
Sa ospital ay agad na inasikaso ng mga doktor si Katallea. Wala pa ring tigil ang
paglabas ng dugo sa sugat nito sa ulo. Nililinis iyon ng mga nurse bago nilagyan ng
gasa.
Paglabas ng doctor ay sinabi nito ba kailangan daw dumaan sa mga pagsusuri
ang dalaga upang matiyak na wala itong internal hemorrhage.
Tahimik si Geo habang sinisilip mula sa labas ng pintuan ang babaeng
pinanabikan niya. Naroon pa rin ang kirot na naramdaman niya noong huling araw niya
itong nakita. Ngunit ang puso niya ay lalong nagwawala sa tuwing nasulyapan niya
ang
tulog na dalaga.
“Kawawa naman sina Mang Nestor, wala pa naman silang mapagkukunan
ngayon.” Narinig ni Geo ang sibaning iyon ni Sean.
May awang nadama si Geo ngunit kasabay noon ang matinding panghihinayang.
Kung sana hindi naging makati si Katallea noong nag-aaral pa sila ay baka maayos na
ngayon ang buhay ng pamilya nito. Sana kahit paano ay nakakaraos na sila. Sana ay
masaya siya. Mapait na ngumiti si Geo ng mapagtanto niya ang itinatakbo ng isip
niya.
“Ako na ang bahala sa hospital bill. Gawin lang sana ng doktor ang lahat upang
mailigtas si Katallea.”
Napatingin si Sean sa bisitang hindi na niya halos napapansin dahil sa sobrang
pag-aalala niya sa kinakapatid. May pagtatakang tinanong niya si Geo, “Kilala mo ba
si
Katallea?”
“Oo, magkaklase kami noong college,” sagot ni Geo. Wala siyang sinabi na ano
pa dahil sa tingin niya ay walang alam ang taga Barangay Saradama sa tunay na
pagkatao ng dalaga.
“Isa ka pala sa mga mayayamang humusga sa kaniya,” matapang na sabi ni Sean.
“Pare, kung anong naging problema niya noon ay labas ako. Nandito ako para
magbigay ng tulong,” kalmadong sagot ni Geo,
Nag-isip sandali si Sean. Nang napagtanto nito na nagsasabi ng totoo si Geo ay
sinamahan niya ang lalaki patungo sa doktor na nakatalaga kay Katallea.
“Doc, I’m willing to pay everything. Just make sure that she’ll be alright.” Saad
ni Geo.
“Huwag kang mag-alala, sir. Gagawin namin ang aming makakaya. Sa ngayon,
kailangan niyang ma-CT scan para matiyak natin na walang anumang fracture sa ulo
niya at maiwasan din ang mas malala pang pinsala.”
Nagkasundo si Geo at ang doktor. Nag-request pa siya ng mga specialist para
personal na tingnan ang dalaga.
Samantala pagbalik nina Geo at Sean sa kwarto ni Katallea ay napansin niya ang
masamang tingin sa kaniya ng mga bagong kakilala. Natakot man ay hindi siya
nagpahalata. Mas inaalala niya ngayon ang dalaga na ipinasok sa emergency room.
“Anong nangyari kanina, pare? Bakit bigla na lang hinimatay si Katallea?”
tanong ng isa sa kanila kay Geo.
“Hindi ko alam, pare. Bigla na lang siyang nawalang ng malay. I was shocked
also,” tangii niya.
Ngayon ay nagsisisi siya na wala si Joey. Nalaman niyang mga pinsan pala ni
Katallea ang bagong kakilala kaya ganoon na lang ang mga itsura ng mga ito. Batid
ni
Geo na kaunting pagkakamali ay baka hindi na siya makauwi ng buhay sa Maynila.
“Pasensya ka na Geo. Very protective sila kay Katallea. Marami nang
pinagdaanan ang isang iyon kaya gano’n na lang ang naging kilos nila,” sabi ni
Sean.
“Kung alam lang ninyo kung anong klaseng babae ang pinsan ninyo, baka
biglang umurong mga bahag n’yo. Palibhasa kasi mga taga bundok kayo kaya wala
kayong kaalam-alam sa nagaganap sa siyudad.” Gusto sanang sabihin ni Geo sa mga
pinsan ng dalaga ngunit nanahimik na lamang siya. Ayaw niya rin naman kasi ng gulo.
Lumipas ang mga oras, umuwi na ang mga pinsan ni Katallea. Sumabay na rin si
Sean sa kanila dahil magkasunod ng dumating sina Joey at ang mga magulang ng
dalaga kasama ang kapatid na babae dito.
Nagpasya ang binata na magpaiwan sa hospital. Kahit galit na galit siya kay
Katallea ay nag-aalala siya sa sitwasyon nito ngayon. Alam niyang nabigla ito sa
hindi
inaasahang pagkikita nila kaya nawalan ito ng malay,
“Pare, babalik si Sean mamaya. Dadalhin na niya ang mga gamit natin. Kailangan
na nating bumalik ng Maynila kasi may urgent meeting ako bukas with the foreign
investors,” sabi ni Joey. “Biglaan kasi ang tawag ng secretary ko.”
“Hintayin muna nating magising siya,” pakiusap ni Geo,
“Well, let’s pray na magising iya mamaya.” Sumilip pa si Joey sa dalagang
nailipat na sa isang silid.
“Salamat hijo sa pagbabantay mo sa anak namin habang wala kami,” umiiyak na
sabi ng dalaga.
“Huwag po kayong magpasalamat sa akin,” sagot ni Geo,
Alam niya na hindi niya deserve ang pasasalamat na iyon. Siya ang dahilan kung
bakit ganito ang dalaga. Tama lang na sagutin niya ang hospital bills nito.
Napabuntong-hininga si Geo. Akala niya ay matatabunan ng pagmamahal at pananabik
ang galit niya sa dalaga pero hindi iyon nangyari. Sa tuwing nakikita niya ito ay
parang
multong bumabalik sa isipan niya ang hitsura at posisyon nito sa mga litrato noon.
Tumigil na ang pagdurugo ng sugat ni Katallea sa ulo. Good news rin ang sinabi
ng doctor sa resulta ng mga isinagawang laboratory test. Walang anumang pinsala sa
ulo ng dalaga. Sobrang pagod at emosyon lang daw ang dahilan ng pagkawala ng malay
nito.
Nakaupo si Geo sa may bintana ng kwartong pinaglipatan kay Katallea. Buong
poot niyang tintingnan ang dalaga. Tahimik lamang si Joey sa tabi niya.
Nakikiramdam
ang kaibigan niya. Alam nito kung gaano niya kamahal dati ang dalaga at alam din
nito
ang poot sa puso niya.
“How dare you sleep peacefully? Kahit wala kang kwentang babae ay mahal pa
rin kita. But no, my hate is greater than this bullshit love. This is the last time
na
magkikita tayo. Buburahin na kita sa alaala ko.” Mapait na ngumiti ang binata
habang
naglalaro sa isip niya ang mga katagang iyon.
Nagpaalam naman ang mga magulang ni Katallea na lalabas muna ng hospital
upang bumili ng mga kailangan nito. Lumabas rin ang kapatid nitong babae na
sinundan naman ito ni Joey. Nang mapag-isa na lamang sina Geo at Katallea sa silid
na
iyon, tumayo ang binata at saka nilapitan ang dalagang mahimbing pa rin ang tulog.
“This is goodbye. Three years from now ay ikakasal na ako. I love you. I love
you so much pero hindi ka karapat-dapat sa pagmamahal ko. We both do not deserve
each other. Masama kang babae, mapagkunwari. Kinasusuklaman kita. Matalino ka nga
ngunit isa ka naman parausan lang ng mga kalalakihan. Sayang ang ganda mo,
nilawayan ka na ng kung sino-sino lang,” umiiyak na bulong niya sa dalaga.
Gustong-gusto niya itong halikan habang nakatitig siya sa mapupula nitong labi
ngunit nandidiri siya rito. Iniyuko na lamang ng binata ang ulo nito habang
mahigpit
ang hawak sa gilid ng hospital bed.
“Pilit kong tatanggalin ang imahe ng mga ngiti mo sa utak ko! Hindi ko na
gustong makita ka pa kahit kailan!” patuloy ni Geo.
Handa na siya ngayong palayain ang sarili niya sa ilang taong walang kwentang
pag-ibig. Bumuntong-hininga si Geo saka tumalikod at lumabas na ng kwartong iyon.
Hindi na niya nakita ang dahan-dahang pagmulat ng mga mata ng dalaga. Matalim ang
titig nito sa nakatalikod na binatang kanina lang ay nasa tabi niya.
Bumalik ang galit sa puso ni Katallea. Oo, masakit marinig ang bawat salitang
binitawan ng binata. Ilan taon niya ring naging kaklase ito ngunit hindi man lang
ito
nagparamdam ng pagkagusto sa kaniya. Hindi niya alam na minahal pala siya nito. Sa
isip ng dalaga ay hindi niya kasalanan ang masaktan si Geo dahil sa mga pekeng
larawan iyon kaya hindi makatwiran na kamuhian siya nito.
“Hindi pa tayo tapos Geo Arevalo. Sisiguraduhin kong hindi mo matatanggihan
ang isang Katallea San Sebastian sa muling pagkikita natin. Pagbabayarin kita sa
ginawa mo sa akin noon. Ang pagpapahiya mo sa akin sa harapan ng ibang tao ay mas
malaki pang kasalan kesa sa paniniwala mo sa mga pekeng larawang iyon.”
Galit, galit ang dahilan kung bakit nawalan ng malay si Katallea. Nang makita
niya ang binata pakiramdam niya ay sasabog ang buong katawan niya. Hindi niya alam
kung bakit nakarating ito sa kanilang lugar. Nang makita niya ito ay naaalala niya
bigla
ang ginawa nito noong huling araw niya sa Maynila kaya hindi niya nakontrol ang
sarili
sa sobrang tindi ng emosyon.
“Ate, gising ka na pala. Ayos lang ba ang pakiramdam mo?”
“Oo, Clarise. Pwede na siguro tayong umuwi,” sabi niya sa kapatid.
“Magpahinga ka na muna riyan. Hintayin natin ang sabi ng doctor.”
Wala ngang nagawa ang dalaga kundi ang sumunod. Mabilis naman ang naging
paggaling niya kaya agad siyang nakauwi ng bahay. Hindi siya makapaniwalang zero
ang bill nila sa hospital. Binayaran daw ng lalaking nagbantay sa kaniya.
Alam niyang si Joey ang gumawa noon. Malabo pa kasi sa lubluban ng kalabaw
na gawin iyon ni Geo dahil sa tindi ng galit nito sa kaniya.
“Ang bait ni Joey. Biruin mo ate gumastos pa siya para sa iyo. Nadurog tuloy ang
puso ko.” Kinikilig na sabi ng kapatid niya at kunwari pang nagseselos.
“Clarissa, unahin mo ang pag-aaral mo bago ka lumandi riyan.”
“Landi agad ate? Hindi pa pwedeng…”
“Ano, ha? Ikaw, ayusin mo iyang buhay mo! Kapag nagkamali ka, walang second
chance!”
“Ah, magaling ka na nga, ate. Para ka na naman toro eh.”
Hinabol niya ng walis tambo ang kapatid. Hindi masamang magka-nobyo ito
pero gusto niya ay tapusin muna nito ang pag-aaral. Ayaw niyang magaya sa kaniya si
Clarise. Mahal n’ya ito higit sa buhay n’ya kaya ayaw niyang maranasan nito ang
naranasan niya.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Maraming mga planong nabuo sa isipan ni
Katallea. Sa ngayon ay isa ang tiyak na, haharapin niyang muli si Ms Anastasia
Montimar at Geo Arevalo sa mga darating na panahon.

KATALLEA CHAPTER 8
“Mama gusto ko po sanang bilihin iyong lupang binebenta ni Tiyo David.” Halos
malaglag sa kinauupuan niya ang ina ni Katallea. Nanlaki ang mata nito dahil sa
tinuran
ng anak.
“May sapat ka na bang ipon, anak? Aba, ilang buwan ka pa lang sa pagtuturo.
Hindi rin gano’n kalakihan ang sahod mo. Ang balita ko eh nasa one hundred thousand
daw iyon.”
“May naitabi po ako, mama,” pag-amin ni Katallea.
“Saan ka kumuha ng gano’n kalaking pera? Ikaw na bata ka ha, huwag mong
sabihing totoo ang mga napabalita na gumawa ka ng hindi maganda sa Maynila para
lang magkapera,” sermon ng ina niya.
“Mama, pati po ba kayo ay pag-iisipan din ako ng masama? Syempre hindi ko po
gagawin iyon.”
Naiyak ang dalaga sa mga sinabi ng ina. Hindi siya makapaniwala na pati ito ay
pagsasabihan siya ng ganoon. Tanggap niya ang mga masasakit na salita galing sa
ibang tao pero hindi ang galing sa mga magulang niya.
“Carmela! Iyang bunganga mo!” saway ng kaniyang ama. Kadarating lang nito
mula sa pag-aararo. Tumahimik naman ang kaniyang ina dahil sa takot ito sa papa
niya
kapag nagagalit ang huli.
“Patawad po kung hindi ko agad sinabi ito sa inyo. Ang taong gustong ipapatay
ako ay binigyan po ako ng pera bago ako umuwi rito.” Inilahad ng dalaga ang tungkol
sa sobreng inabot sa kaniya ng mga lalaki noong huling araw niya sa Maynila.
“Bakit hindi mo ito sinabi sa amin? Sinong masamang tao ang magbibigay pa ng
pera sa papatayin niya?” tanong ng kaniyang ama.
“Papa, nagsasabi po ako ng totoo. Kahit ako ay nagtataka rin pero iyon po ang
nangyari.” Pilit kinumbinsi ni Katallea ang ama.
“Bakit inilihim mo ito sa amin?” pagkuwan ay tanong ng ama niya.
“Natatakot po kasi ako na baka makita nila ako ulit. Baka bawiin pa po nila ang
pera. Ngunit naisip kong gamitin na lang iyon sa tama tutal ibinigay nila iyon.
Siguro
naman ay hindi na sila maglalakas loob na patayin ako rito sa atin dahil hindi
naman
ako pababayaan ng mga kamag-anak natin,” paliwanag niya sa mga magulang.
“Matanda ka na, anak. Alam mo na ang tama at mali. Tutal ay pera mo iyan, sige
bahala ka sa magiging desisyon mo,” sabi ng ama ng dalaga.
“Magpapayaman ako. Kikilalanin ako sa business world. Maghaharap tayong
muli Geo Arevalo. Kapag dumating ang araw na iyon ay sisiguraduhin kung babalik
ang sinasabi mong lintik na pagmamahal para sa akin, Magmamakaawa ka na mahalin
din kita at ipaparamdam ko rin sa’yo ang lahat ng sakit at kahihiyan na dinanas ko
dahil
sa’yo.” Mga katagang naglalaro sa isipan niya.
“Ano? Mayaman ka na ate? Magkano ba iyon? Bakit ka pa nagtitiyaga sa
pagtuturo? Nasaan ang pera?” sunod-sunod na tanong ni Clarise.
“Nasa kalahating milyon ang perang iyon. Itinabi ko po muna papa sa bangko,”
sabi ni Katallea.
“Kalahating milyon! Yes! Mayaman na tayo!” Nagtatalon si Clarise at
mababakas sa mukha nito ang labis na tuwa.
“Ngunit anak, magtataka ang mga kababayan natin kung saan galing ang pera
mo. Alam mo naman dito sa atin,” sabi naman ng ina ng dalaga.
“Wala na po akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Matagal ko nang gustong
magtayo ng sariling negosyo. Pagsasabayin ko po muna ang pagtuturo at pagsisimula
ng naisip kong business. Sayang naman na tapos ako ng business management kung
mananatili lang akong ganito.”
“Let me remind you my dear ate, hindi ka tapos.” maarteng sabi ni Clarise.
“May diploma ako Clarise kahit hindi ako nakasama sa graduation ceremony,”
sabi naman ni Katallea. Hindi niya nagustuhan ang narinig mula sa kapatid.
“Well, gano’n pa rin iyon. Naawa lang sila sa’yo kaya ka binigyan ng diploma.”
Awa? Gano’n na gano’n din ang narinig niyang sinabi ng Dean noon. Pumalahaw
ng iyak si Katallea dahil sa mga sinabi ng kapatid. Batid niyang totoo ang lahat
nang
iyon pero masakit itong marining ng paulit-ulit.
“Clarissa, iyang bibig mo! Manang-mana ka diyan sa mama mo. Lumabas ka nga
muna! Mag-uusap kami ng ate mo,” matigas na utos ng papa nila.
Mabilis na tumalima ang kapatid niya. Naiwan siyang patuloy pa rin umiiyak.
Pinag-usapan nila ng papa niya ang plano niyang pagbili ng mga taniman.
Kahit hindi pabor ang mga magulang niya ay napagkasunduan nilang bumili siya
ng mga lupa para kahit paano ay makapagsimula siya naiisip niya negosyo. Batid ng
mga magulang niya na sa konserbatibong komunidad nila ay maraming huhusga sa
kaniya kapag nalaman na may pera siyang gano’n kalaki. Nangangahulugan kasi iyon
na totoo ang mga balitang lumabas patungkol sa kaniya.
Tama ang mga magulang ni Katallea, iyon na nga ang nangyari. Nagpetisyon ang
mga magulang ng mga bata na ipatanggal siya bilang guro ng Day Care Center sa
kanilang lugar kahit pa tutol ang ninong niyang kapitan ay wala na itong nagawa.
Walang naniniwala kay Katallea na ang taong gustong ipapatay siya ay bibigyan
siya ng malaking halaga ng pera bago siya pinatakas. Kahit ang mga kamag-anak nila
ay kinamuhian siya at nilayuan na rin. Isa raw kasing malaking kagagaguhan ang
kwento ng dalaga.
Lugmok na lugmok ang pakiramdam ni Katallea ng mga oras na iyon. Ngunit
dahil sa hangaring yumaman din katulad ng mga Arevalo ay nag taingang kawali siya.
“Haliparot na babae. Kunwari pang mahinhin, ‘yon naman pala’y totoong walang
hiya,” parinig ni Aling Risa. Isa ito sa mga kilalang tsismosa sa barangay nila.
“Sinabi mo pa mare. Nakabili lang ng mga lupa akala mo kung umasta ay sino na,
kaladkarin namin,” sagot ng kaututang dila nito.
Lahat ng iyon ay buong tapang na hinarap ni Katallea. Tiniis niya ang mga
mapanghusgang mga mata at mapanlait na mga salitang kaniyang naririnig. Wala
siyang ibang hangad kung hindi maabot ang pangarap niya at isinaisip niyang ang
lahat
ng naririnig ay parte lamang ng daang tinatahak niya. Gaboon siya mag-isip kaya
naman lalong nag-iinit ang ulo ng mga inggitero at inggitera.
“May pangarap ako. Hindi ako susuko ng gano’n lang. Pera ang rason kung bakit
naging makapangyarihan ang tao. Iyon din ang gagamitin ko para paghandaan ang
pagkikita nating muli,” bulong ni Katallea habang nakatingin sa kawalan at iniisip
ang
lalaking yumurak sa pagkatao niya.
PAGKALIPAS NG TATLONG TAON
Dahil sa likas na matalino at madiskarte si Katallea ay napalago niya ang
sinimulang negosyo. Isa na siya sa mga masasabing nakakaangat sa kanilang barangay.
Ang mga taong humusga sa kaniya noon ay nagtatrabaho na ngayon sa plantasyon niya
ng saging at pinya. Dahil sa demand ng kanilang produkto sa ibang bansa ay
kailangan
na ni Katallea na kumuha ng marami pang mga tauhan.
“Anak, sobrang laki ng bahay na ito. Okay na sa amin ng papa mo ang isang
maliit na bahay. Sobrang gusto ko na rin ang magtanim sa bukid,” wika ng kanyang
ina
ng makita ang isang napakalaking bahay sa bayan.
Masaya ang kaniyang mga magulang sa bagong bahay nilang iyon ngunit
palibhasa’y sanay sila sa bundok ay hinahanap-hanap ng mga ito ang pagtatanim at
pag-uula ng mga hayop. Paminsan-minsan ay bumibisita na lang kasi ang kanilang ama
sa bundok.
Ang naipundar na bahay ni Katallea ay hindi na isang kubo lamang kundi isang
mansyon na napapalibutan ng magagandang halaman. Napakalawak nito at may sukat
na isang ektarya. Maraming silid na sinadyang ipagawa ng dalaga para kung sakaling
papasyalan nila ng mga kamag-anak ay may matutulugan ang mga ito. Hindi kasi
nagtanim ng sama ng loob ang dalaga sa mga kabarangay at kamag-anak na nanakit sa
kan’ya.
“Naku, mama, pwede ka naman magtanim ulit. Apply ka kay ate bilang farmer ng
pinya.” Hindi nakatiis si Clarise na hindi patulan ang mama nila.
“Clarise, ang hilig mo talagang sumingit sa usapan. Gusto mo ipadampot kita sa
mga bodyguards ko?” biro niya sa kapatid.
“May bodyguard din ako ate,” pilyang sabi ni Clarise sabay halakhak at taas ng
noo. Ipinakita nito kay Katallea kung gaano siya kayabang ngunit ang lahat ay
simpleng biruan lamang ng magkapatid.
Totoo na may mga bodyguards sila. Dahil na rin sa takot ni Katallea para sa
kaniyang pamilya ay kumuha siya ng mga bodyguards na babantayan sila para
mapanatili ang kanilang kaligtasan. Hindi na siya ngayon natatakot para sa sarili
niya.
Marami na siyang pera at kilala na rin siya kahit paano sa mundo ng pag-eexport
kaya
alam niyang matatakot na rin ang sinuman na patayin siya lalo pa at may mga bantay
siya.
Tumunog ang cellphone ni Katallea habang naghaharutan silang magkapatid.
Hindi katulad sa bundok ay may signal sa bayan kung saan niya ipinagawa ang
kanilang bahay kaya pwede na siyang tawagan ng kahit sino.
“Hello. May I speak to Katallea San Sebastian, please?” maarteng sabi ng nasa
kabilang linya. Kilala niya ang pamilyar na boses na iyon kaya napangiti ang
dalaga.
“Hoy, Sandra! Huwag mo nga akong artehan diyan.” Narinig ni Katallea ang
matunog na halakhak ng kausap niya sa kabilang linya.
“Nakilala mo agad ang boses ko?” tanong nito.
“Of course! Makakalimutan ko ba ang malanding boses na iyan?”
Nagkatawanan ang magkaibigan sa sinabing iyon ni Katallea. Halata ang
pananabik sa boses ng dalawang dating magkaibigan.
“We miss you. Nicole and I talked about visiting you in the next coming days.
Nakakainis ka, yumaman ka lang hindi mo na kami naalala man lang bisitahin,” himig
nagtatampong sabi ni Sandra.
“Sorry, I was so busy.”
“Sorry, I was so busy,” panggagaya ng kausap niya. “Ang sabihin mo, hindi na
kami mahalaga sa’yo. Ang tagal mo kayang nagtago. Mabuti na lang at nagkita kami ni
Joey kung hindi baka hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita sa’yo.”
“Sandra, sorry na. Sobrang natakot kasi ako para sa buhay ko.”
Naintindihan naman iyon ni Sandra. Batid na ng mga kaibigan ni Katallea ang
dahilan ng bigla niyang pagkawala. Sila rin ang nag-udyok kay Katallea na kumuha ng
mga bodyguards para sa kapakanan ng buong pamilya niya.
“By the way, I’ve seen the news. You were so gorgeous on the screen. Katella San
Sebastian, mali yata ang pinasok mo. Mas bagay kang maging artista o model kesa
business woman.”
Ang tinutukoy ng kaibigan niya ay ang balita tungkol sa kaniya noong nagsalita
siya sa isang business conference. Kasabay kasi ng pag-unlad ng dalaga ay ang
pagiging sikat niya dahil marami ang humanga sa kwento ng kan’yang buhay.
“Dapat proud ka, may maganda at sexy kang kaibigan. Kaya lang…” napaisip
ang dalaga. “Pare-pareho nga pala tayo nina Nicole na mga hot and gorgeous.”
“True!” sang-ayon ng nasa kabilang linya. “How to be you po? Sa loob ng three
years nagawa mo talagang yumaman ng ganyan.”
“You know me. Basta may pangarap ako pagsisikapan ko. Thank you, dahil
nandiyan ka palagi.”
Bago pa magkaiyakan ang dalawa ay iniba ni Sandra ang usapan nila. Hindi kasi
masyadong emotional ang babe at ayaw nito ng mga seryoso at malungkot na usapan.
“I have a chika for you. It’s about Geo Arevalo,” biglang sabi ni Sandra.
“What about him?” kabado niyang tanong.
“Bumalik na siya from States. Katatapos niya lang ng masteral doon.”
“Oh, akala ko ba he is managing the company of his father.”
“Pinadala siya sa States last year. Tsismis lang sa akin ng iba nating mga kaklase.
Balita ko nga, he is getting married this year. Naghahanda na raw si Ms. Anastasia
Montimar. Excited na ang bruha.”
“What?! Hindi siya pwedeng ikasal sa iba! Hindi sila pwedeng magpakasal ng
babaeng iyon. Over my dead body!”
Nagulat ang kaibigan niya sa mga sinabi niya. Narinig niya ang malakas na tawa
nito sa kabilang linya.
“Miss Katallea San Sebastian, baka nakakalimot ka. Huwag mo nang pangarapin
pa ang lalaking iyon. Walang kapatawaran ang ginawa niya sa iyo noon.”
“Tama, hindi ko siya mapapatawad. I’ll do everything to stop that marriage.
Gagantihan ko pa siya. Will you help me?”
“Wala tayong magagawa riyan. It’s an arranged marriage kaya hindi tayo
pwedeng makialam. Balita ko nga matagal na raw gustong makilala ni Geo ang babaeng
pakakasalan niya. Walang nag-akala na si Miss Montimar lang pala iyon.”
Hindi alam ni Katallea kung bakit parang nasasaktan siya sa mga nalalaman mula
sa kaibigan.
“Si Geo, ikakasal na? No way!” paulit-ulit na isinisigaw ng utak niya.
“Hello, Katallea. I’m still here. Hello…”
“H-he-llo,” sagot niya sa kaibigan.
“Tapatin mo nga ako, Katallea. Do you love him? I mean, Geo, mahal mo ba
siya?”
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Katallea at saka tinanong
ang sarili.
“Mahal ko ba siya? Bakit ako nasasaktan ngayon? O baka hindi naman talaga
ako nasasaktan dahil desperado lang akong makaganti sa taong iyon. Ano ba talagang
nararamdaman ko?”

KATALLEA CHAPTER 9
Hindi nakasagot si Katallea sa tanong ng kaibigan. Natapos ang usapan nila na
para bang dinudurog ang puso niya. May kirot siyang nararamdaman na hindi niya
maipaliwanag.
“Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nasasaktan ba ako? Ah hindi, nagagalit
ako. Hindi siya pwedeng ikasal kay Ms. Montimar,” sabi ng dalaga sa sarili niya.
Maya-maya pa ay napangiti si Katallea. “Hitting two birds with one stone. Sige
magpakasal kayong dalawa. Tutal eh sira na rin naman ang reputation ko. Walang
problema kung magiging kabit ako. Hays, tama ba ang mga iniisip ko? Worth it ba na
sirain ko ang buhay ko dahil lang sa paghihiganti ko sa iyo Geo?” pagkuwa’y bulong
niya sa sarili.
Tulad ng sinabi ni Sandra, nang sumunod na mga araw ay dumating nga ang mga
kaibigan niya galing Maynila. Buong pananabik nilang sinulit ang mga araw na
magkakasama silang muli. Habang nagmemeryenda sila sa balkonahe ng kanilang
bahay ay masayang nag-usap ang magkakaibigan.
“Are you ready, guys?” tanong ni Nicole sa kanila.
“Yes, we are,” sabay pang tugon nila ni Sandra. Sinabayan pa iyon nina Katallea
at Sandra ng tawanan at akbay sa isa’t isa.
Ang tinutukoy ni Nicole ay ang nalalapit nilang biyaheng magkakasama. Aalis
kasi silang tatlong magkakaibigan papuntang Indonesia para sa isang conference
doon.
Matatagalan bago sila bumalik ng Pilipinas dahil de-diretso pa sila ng iba’t-ibang
mga
bansa para sa iba pang mga conferences at syempre sasabayan na rin nila ito ng
bakasyon.
Pare-pareho ang tatlong magkakaibigan na matagumpay sa mga negosyong pinili
nila. Si Sandra ay ipinagpatuloy ang restaurant business ng pamilya nila habang si
Nicole naman ang namamahala ng electronics company ng ama nitong Hapon.
“Pagbalik natin siguradong kasal na si Geo at Ms. Montimar,” sabi ni Sandra.
“Kailan ba ang kasal, Sandra?” tanong ni Nicole.
“Actually, wala pa akong alam na definite date. Maghihintay muna ako ng chicka
ng mga tsismosa nating mga kaklase.” Dinugtungan nito ng malakas na halakhak ang
kaniyang sinabi.
“Tamang-tama yan. Pagbalik natin tatrabahohin ko si Geo. Magre-refresh muna
ako sa ibang bansa. Ang walang hiyang iyon, ang lakas ng loob niyang durugin ako
lalo
noong mga panahong down na down ako. Hindi ko kasalanang minahal niya ako!” gigil
na sabi ni Katallea.
“Are you sure about your plans, Katallea?” tanong sa kaniya ni Nicole. Alam na
ng mga kaibigan niya ang mga plano niya. Nabanggit rin niya sa mga ito na nagawi sa
lugar nila ang lalaki. Wala siyang inilihim sa mga ito.
“Sa ganda at sexy kong ito for sure hindi ako tatanggihan ni Geo kapag
naghubad na ako sa harapan niya. Dudurugin ko sila ng sabay ni Ms. Montimar. Ang
sama nila para sirain ang mga pangarap ko. Wala akong kasalanan sa lalaking iyon.”
Bakas ang galit sa maganda at makinis na mukha ng dalaga.
“Yuck, you are crazy! Handa ka talagang maging kabit para lang
makapaghiganti?” maarteng sabi ni Nicole.
“Yes, I am,: matatag na sagot ng dalaga. “Kailangang malinis ko rin kasi ang
pangalan ko. I will surely make them regret everything they did in the past.”
Mabilis na lumipas ang mga araw. Katulad ng nasa schedule ng tatlong
magkakaibigan ay nagtungo sila ng Indonesia. Dito ay marami silang natutunan. Mga
bagay na hindi nila natutunan sa klase. Ang conference ay para sa mga young
businessmen and women ng buong Asia.
“Whooh! I have a headache, but that was awesome,” sabi ni Nicole matapos ang
unang araw nila sa Indonesia.
“I agree. Ang dami nating natutunan ngayong araw,” sagot niya sa kaibigan.
“Girls, two weeks pa naman bago ang conference sa Japan. Let’s stay here for a
while. I heard there are beautiful places here, visit natin,” mungkahi iyon ng
kaibigan
niyang si Sandra.
“I want to see the Jatiluwih Rice Fields!” excited na wika niya dahilan para
tumawa ang magkaibigan sa sinabi niyang iyon.
“Katallea, anak ka nga ng magsasaka. There are more beautiful tourist spots here
than that.” Nagtawanan ang mga ito sabay high five pa.
“Well, it’s a very relaxing place daw. Tulad ng ating Ifugao Rice Terraces,”
depensa niya sa suggestion niya. Malapit kasi talaga sa puso niya ang mga ganoong
tanawin. Pakiramdam niya kapag nasa taniman siya ay nawawala lahat ng problema
niya sa mundo, nawawala pansamantala ang galit niya kay Geo.
“Why not Lake Toba na lang ang puntahan natin? According to the reviews, it’s
worth visiting, it’s a main attraction in Sumatra,” saad naman ni Nicole, mahilig
kasi ito
sa bulkan.
“Let’s go swinning na lang. Sayang ang dala kong two piece kung hindi ko
magagamit iyon,” pagkuwan ay turan ni Sandra.
“Indonesians are very modest people. Mamasyal na lang tayo sa mga parks nila.
Wala tayong masyadong alam sa country na ito baka mapahamak pa tayo.” Nag-aalala
niyang saad dahil alam niyang wild si Sandra. Baka may magawa silang labag sa
kultura
ng mga tao sa bansang kanilang kinaroroonan.
At gano’n na nga ang ginawa ng magkakaibigan. Makalipas ang ilang araw na
conference ay nagsimula na rin silang galugarin ang mga parks at magagandang lugar
sa Indonesia. Palibhasa’y mayayaman talaga ang mga kaibigan ay walang habas ang
mga ito sa paggastos. Kahit may pera na rin ang dalaga ay limitado naman ang
ginagawa niyang pagbitaw ng pera. Nahihiya pa siya sa mga ito dahil madalas
inililibre
pa rin siya ng mga ito katulad noong nasa kolehiyo pa lamang sila.
Habang nasa isang sikat at mamahaling hotel sila sa Bali ay may natanggap
silang balita. Tumawag ang isa sa mga classmate nila noong college kay Sandra.
Naka-loudspeaker ito kaya rinig nilang tatlo ang usapan.
“Hello, guys. How are you there?” tinig ng nasa kabilang linya.
“Still gorgeous!” Sabay-sabay nilang tugon.
“Sayang wala kayo rito sa Pilipinas. We’re on the way sa church. Today is Ms.
Montimar’s wedding. My parents are primary sponsors kaya naman invited ang lola
n’yo.”
“Oh, so, today pala ang kasal nila. Sobrang bilis naman,” narinig ni Katallea na
wika ni Sandra.
“Yeah, it’s so sudden talaga. Both parties do not want to delay the wedding. Geo
was excited about it kahit na arranged marriage lang ito. Alam n’yo na, business is
more
important sa parehong pamilya. Parehong ayaw malugi,” wika ng nasa kabilang linya.
Marami pang pinag-usapan ang mga kaklase niya subalit parang wala ng
naiintindihan si Katallea. Hindi halos makahinga ito sa mga narinig na balita.
Sobrang
sakit ng puso niya. Hindi niya alam ang dahilan.
“Guys, I forgot. May meeting pala ako in thirty minutes,” paalam niya sa mga
kaibigan. Nagulat ang mga ito dahil alam nila na tapos na lahat ng business related
na
mga meetings nilang lahat at mamamasyal na lamang talaga sila rito sa Indonesia.
“Akala ko ba…” Hindi naituloy ni Sandra ang sasabihin dahil pinutol na niya.
“Well, sayang naman kasi kung palalampasin ko ito,” pagsisinungaling niya.
Ang totoo ay wala siyang meeting o ano pa man. Gusto lang niyang maglakad-lakad
mag-isa. Sobrang sakit kasi ng nararamdaman niya.
Napaniwala ni Katallea ang mga kaibigan niya kaya hindi na sila nagtanong pa
ng kung ano-ano. Umalis siya ng hotel at mag-isang nag tungo sa pinakamalapit na
park. Dito ay malaya niyang pinakawalan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
“Ang walang-hiyang iyon. Bakit ba ako nasasaktan ng ganito?” humahagulhol
niyang bulong sa sarili.
Nalilito siya sa mga nararamdaman niya. Pinagtitinginan man siya ng mga tao na
nadadaan sa gawi niya subalit walang pakialam ang dalaga. Bumalik sa diwa niya kung
paano siya sinusulyapan ni Geo noong mga nag-aaral pa lamang sila. Hindi man siya
nito nilalapitan ay alam niyang madalas ay sinusubaybayan siya nito. Ilang bese
niya
itong pinagsilbihan sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Minsan pa nga feeling
niya ay nabastos siya nito dahil alam niyang sinadya nitong hawakan ang kamay niya
habang inihahain niya ang orders nito.
Ilang oras na umiyak ang dalag. Namumugto na ang mga mata ng mapagtanto
niyang walang kwenta ang iniiyakan niya. Biglang nakadama ng pagod si Katallea sa
ginawa niya. Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone niya. Pinunas muna niya ang
mga luha sa pisngi bago sinagot iyon. Ilang beses niya rin munang sinubukan ang
boses
niya para hindi mahalata ng nasa kabilang linya na umiiyak siya.
“Ate, pwede bang umuwi ka muna?” Umiiyak na sabi ng kapatid niyang si
Clarise mula sa kabilang linya.
“Bakit? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” sunod-sunod na tanong niya.
“Ate, ipapakasal nila ako sa lalaking hindi ko gusto.”
“Bakit hindi ko alam iyan? Sino bang lalaki iyan?”
“Sina Papa at Mama...Ate, hindi ko talaga gustong mag-asawa pa,” pumalahaw na
ng iyak ang kapatid niya sa kabilang linya.
“Hindi kita maintindihan. Clarise, totoo ba ito? Hello, Clarise. Hello...hello…”
Biglang nawala ang kapatid niya sa kabilang linya. Alam niyang mabigat ang
problema nito kaya patakbo niyang tinungo ang hotel kung saan sila pansamantalang
naka-stay ng mga kaibigan niya. Hindi na siya tutuloy muna ng Japan. Kailangang
makauwi siya ng Pilipinas sa lalong madaling panahon.
Ngunit sa biglang pagtawid ni Katallea ay hindi niya namalayan ang
rumaragasang sasakyan.

KATALLEA CHAPTER 10
Habang nagbabasa ng mga balita sa internet ay napako ang tingin ni Geo sa
isang feature article ng mga young businessmen and women sa Pilipinas. Kararating
niya lamang mula sa ibang bansa kung kaya’t gusto niyang maging updates sa business
news dito sa Pilipinas. Nag-iisip na rin kasi siya kung paano mas palalaguin pa ang
negosyo ng pamilya niya. Nagulat pa siya sa nakita sa website na iyon, si Katallea
San
Sebastian!
“She’s more beautiful than ever,” saad ng binata. Laman ng article ang mga
pinagdaanan ng dalaga at kung paano siya nagtagumpay sa pag-e-export ng mga saging
at pinya. Marami ring mga produkto pa ang dalaga kaya hinahangaan siya ng marami.
Bukod pa iyon sa ilang mga resorts na naipatayo nito sa loob ng napakaikling
panahon
lamang. Napangiti ang lalaki sa mga nalaman niya pero bumangon ang galit sa
kaniyang puso.
“That bitch, matalino talaga siya but she’s f*****g slut.” Bumuntong-hininga
ang binata sabay sarado ng kaniyang laptop. Ayaw niyang maalala pa ang dalaga. Ayaw
na niyang makita ito kahit kailan. Noong iniwan niya ito sa ospital ay buo na sa
puso’t
isipan niyang kalimutan ito.
Subali’t batid niya sa sariling hindi niya pa rin ito naiwawaglit sa kaniyang
sistema. Mahal niya ang dalaga kahit isa itong masamang babae. Ang tiyak lang ng
binata ay hindi sapat ang pagmamahal na iyo para isugal ang buhay ay pagkatao niya.
Maya-maya pa ay kumatok sa pinto ang katulong nila.
“Sir, maghanda na raw po kayo sa bahay nina Ma’am Anastasia.”
“Sige manang,” maikling sagot ng binata. Nakabihis na siya kaya wala na talaga
siyang gagawin kundi ang ang tingnan ang gwapo at makisig niyang repleksyon sa
salamin.
Isinara ng katulong ang pinto habang siya ay iiling-iling na naiwan. Naaawa siya
sa kaniyang sarili at sa dating professor. Pareho silang nakatali sa isang arrange
marriage na tanging lolo nila ang may kagustohan. Swerte nga lang ito dahil hindi
pinaghigpitan ng mga magulang. Malayong-malayo ang buhay nito sa mga
pinagdaanan niya sa kamay ng kaniyang ama.
“Son, you are really handsome. Mana ka talaga sa daddy mo,” salubong ng
kaniyang ina.
“Pwede bang tumigil na kayo sa bolahan n’yong iyan. Dadaan pa tayo sa bahay
nina Anastasia bago tayo dumiretso ng simbahan. Baka maiwan na nila tayo.”
Hindi pinansin ng binata ang mga tinuran ng ama. Inalalayan na lamang niya ang
kan’yang mommy papasok sa sasakyan. Malapit lang naman ang bahay ng mga
Montimar kaya mabilis na nakarating sila roon.
“Where is Anastasia?” tanong niya sa nakitang katulong ng mga Montimar.
Kilala na siya ng mga ito dahil madalas ay naroon siya sa bungalow house ng mga ito
lalo na kapag ayaw niyang magpakita sa kanyang ama. Minsan ay kasabwat niya si
Anastasia para makaiwas siya sa bugbog ng daddy niya, Madalas ay nagsisinungaling
ang babae para lang pagtakpan siya.
“Nasa room po niya, Sir,” magalang na sagot naman ng kaniyang tinanong.
Mabilis ang mga hakbang na pinuntahan niya ang kwarto ng dalaga. Naabutan
niya itong nakasuot na ng damit pangkasal. Napakaganda nito sa kaniyang suot pero
halatang umiiyak ang dalaga.
“Hi, how are…” Hindi natapos ni Geo ang sasabihin, patakbong lumapit na sa
kaniya ang dalaga. Yumakap ito at umiyak na parang bata sa kandungan niya…
“I hate this wedding. Help me to escape, please.” Inilagay pa ni Anastasia ang
kamay sa dibdib niya na para bang nagdarasal ito. Labis-labis ang pagmamakaawa nito
na tulungan niya pero alam ni Geo na walang magagawa.
“I can’t do that! Papatayin nila ako, tayo,” sagot ni Geo.
Naaawa man siya sa dalaga ay hindi niya ito mapagbibigyan. Ito ang tadhana
nilang magpinsan. Ito ang bunga ng kabaliwan ng kanilang lolo. Kabaliwang buong
buhay niyang pinagdusahan, Hindi kailan man mabubura ang marka ng mga latay ng
latigo, ang bakas ng mahigpit na kadena sa binti niya at higit sa lahat ang pilat
sa
sugatang puso niya.
“My God, Geo, kapangalan mo pa ang lalaking iyon. I’ve seen him twice at hindi
ko talaga siya feel. Ayaw kong magpakasal kay Geo Witchwart. Ang mommy niya ay
mukha talagang witch. Ang kapal lagi ng make up, laging ang haba ng damit like...I
can’t do this! I want to stop this damn wedding!”
“No choice tayo, Ana. Wala na si Lolo pero siya pa rin ang nagdedesisyon sa
mga buhay natin.”
“I love Lolo but…” Natigilan ang dalaga at humagulgol dahil sa kawalan ng
pag-asa.
“Sige na Ana, ayusin mo na ang sarili mo. You have to be strong. Soon, ako
naman. This is our fate. We should obey his last will dahil baka multuhin ka noon,”
pananakot niya sa pinsan.
Kumalma ang dalaga sa mga sinabi n’ya. Takot ito sa multo kaya iyon na lang
ang sinabi niya upang hindi na ito mag-isip pa ng kung ano-ano. Mas matanda sa
kaniya ang pinsan niyang ito pero kahit minsan ay hindi niya ito tinawag na Ate.
Anak
ito ng kapatid na babae ng daddy niya. Dalawa lamang silang magpinsan sa side ng
ama
niya kaya naman close sila kahit magkalayo ang agwat ng mga edad nila.
Madalas ay inaaway niya ito noong college pa siya dahil sa trato nito kay
Katallea. Minsan pa nga ay halos masuntok na niya ang pinsan niyang ito dahil sa
pagpapahiya nito sa dalagang kaniyang minamahal.
Ilang sandali pa ay umakyat na ang mommy ni Anastasia para sunduin sila.
Natapos ang kasal ng kaniyang pinsan na lutang ang diwa ng binata.
Pinakikiramdaman niya ang dalaga. Halata sa kilos nito ang pagkainis kapag
nadidikit dito ang asawa nito. Guwapo naman ang lalaki, halatang may pinag-aralan
dahil mula rin sa isang mayamang pamilya pero hindi niya masisisi ang pinsan niya,
“You’re next.” Nagulat si Geo sa sinabi ng ama ni Anastasia.
“Yes, Tito. I’m ready,” sagot niya.
“In a week or two pupuntahan na natin ang pamilya ng taong mapapangasawa
mo,” sabad ng kaniyang daddy. Nasa reception pa lang sila ng kasal ng pinsan niya
pero
heto na ang mga ito, pinaplano ang kasal niya.
“Okay, Daddy,” maiksing sagot niya. “Pagkatapos ng kasal na iyon tiyak malaya
na ako,” bulong ng isip niya. Gusto niyang magdiwang sa isiping makakaganti na rin
siya sa wakas sa taong dahilan ng kaniyang mga paghihirap simula noong bata pa siya
at higit sa lahat makakamit na niya ang inaasam-asam na kaginhawaan.
Natapos ang kasal ng pinsan niya na halos hindi ngumingiti ito at nalulungkot
siya para rito. Kilala niya itong maldita pero hindi niya alam kung anong klaseng
buhay
ang kakaharapin nito sa buhay may pamilya.
Samantala, laking pasasalamat ni Katallea dahil maagap siyang nakita ng driver
ng sasakyan. Muntik na siyang mabangga dahil sa labis niyang pag-aalala sa kapatid.
Hindi rin kaagad nakauwi ng Pilipinas ang dalaga dahil walang flight na
available. Gano’n na lang ang pag-aalala niya sa kapatid. Hindi na niya ito muling
nakausap pa. Tumawag siya sa mga magulang ngunit ang sabi lamang ng mga ito ay
pag-usapan na lang daw ang problema pag-uwi niya dahil raw sila magkakaintindihan
sa telepono.
Mula sa airport ay dumiretso na siya ng uwi sa kanilang probinsya. Ayaw niyang
mag-aksaya pa ng oras. Kailangan niyang makita agad ang kapatid. Mahal na mahal
niya ito at hindi n’ya kaya kung may mangyayaring masama rito.
“Huwag! Parang awa mo na, huwag mo akong ikulong dito.”
Tumawa ang lalaki. Nakakatakot ang mukha nito. Ang tunog ng tawa nito ay
singlakas ng kulog, nakakabingi. Halos hindi na makakilos ang dalaga. Nakikita
niyang
gusto siyang sakmalin ng lalaki. Nagsumiksik siya sa kanto ng kwartong kaniyang
kinalalagyan.
“Please, maawa ka.”
“Maawa? Hindi ako mahahabag sa iyo kahit kailan! Masama ka, masama ka!”
Napasinghap ang dalaga. Nagising siya sa pagkakaidlip.
“Ang sama naman ng panaginip iyon. Mabuti na lang at hindi totoo.” Hindi niya
namalayan na nakatulog na pala siya sa sasakyan dahil sa sobrang pagod at kabang
kaniyang nadarama ng mga oras na iyon.
Pagdating ng bahay ay agad niya hinanap ang kapatid. Nasa kaniyang kwarto
raw ito sabi ng kanilang ina. Agad ay nagtungo siya roon.
“Clarise, Clarise,” mahinang tawag niya sa kapatid. Agad namang nagbukas ito
ng pintuan. Nakita niya ang kaniyang kapatid na namamaga ang mga mata dahil sa
walang tigil nitong pag-iyak.
“Anong problema?” tanong niya.
“Mabuti naman anak at nakauwi ka na. Sa baba natin iyan pag-usapan,” tinig ng
ama nila buhat sa likuran niya.
“Pagpahingahin mo muna ang anak mo Nestor,” wika naman ng kaniyang ina.
“Hindi na muna po, mama. Gusto kong malaman ang problema. Mag alas-singko
na rin naman at nakatulog na ako kanina sa sasakyan kaya ayos lang po ako.”
Bumababa sila sa sala ng bahay. Dito ay pinag-usapan nila ang problemang hindi
masabi sa kaniya ng mga magulang noong nasa Indonesia pa siya. Hinagod niya ang
likod ng kapatid habang panay ang iyak nito noong nag-uusap sila.
“Huwag kang mag-alala, Clarise. Gagawan natin ng paraan ang problemang iyan.
Siguro naman ay madali lamang silang kausap,” pakunswelo niya sa kapatid
pagkatapos niyang malaman ang too. Yumakap lang sa kaniya ang walang imik na
dalaga.
Ilang oras pa ang lumipas at nakita ni Katallea mula sa bintana na abala ang
lahat. Walang pakialam ang dalaga habang tinatanaw niya ang mga kasambahay nilang
aligaga sa mga gawain. Nasa silid niya lamang siya at nag-isip ng maraming plano.
“Ate, pinabababa na tayo nina Papa at Mama. Nandiyan na raw ang mga bisita,”
tawag sa kaniya ng kapatid.
Nagsuot lamang ng balloon skirt at simpleng pang-itaas ang dalaga. Naglagay rin
siya ng kaunting make-up bago bumaba upang maging presentable siya sa mga bisita.
Kailangan niyang makumbinsi ang mga panauhin.
Pagbaba niya ay nakita niyang may mga kausap ang mga magulang nila.
Nakatalikod ang mga ito kaya hindi niya makita ang mukha.
“Oh, andito na ang mga dalaga ko. Hali kayo rito mga anak.” Kinawayan pa sila
ng kanilang ama.
“Ikaw?” Halos pasigaw niyang bigkas. Nakangisi pa ang lalaki sa kaniya kaya
lalong uminit ang ulo ng dalaga. Ilang taon man ang lumipas hindi niya
makakalimutan
ang mukha ni Geo Arevalo. “What the hell are you doing here?” galit na tanong ni
Katallea.
“Well, hindi kami pumunta rito para sa iyo, Ms. Katallea San Sebastian. By the
way, I am the future husband of your sister. Should I call you, Ate Katallea?”
Hindi nakaimik ang dalaga. Ng mabangga niya kagabi sa airport si Ms. Montimar
ay alam na niyang kapangalan lang ng lalaking ito ang naging asawa ng dating guro
pero hindi niya inaasahan na ito pala ang nakatakdang mapapangasawa ng kaniyang
kapatid. Kanina lang niya nalaman ang tungkol sa pakikipagkasundo ng lolo nila para
maikasal ang kapatid niya sa apong lalaki ng bestfriend nito kaya mas lalong
nadagdagan ang gulat niya. Hindi niya inaasahan na si Geo pala ang lalaking iyon.

KATALLEA CHAPTER 11
Panay ang lakad ni Katallea sa loob ng kaniyang silid. Tatlong buwan na lang ay
ikakasal na ang kaniyang kapatid sa lalaking kinasusuklaman niya. Kinasusuklaman
nga ba? Ayaw na niyang iisipin ang sarili. Ang gusto niya ay mapigilan ang kasal na
iyon dahil ayaw niyang maging malungkot habang buhay si Clarise.
“Ate, tulungan mo ako. Ayaw kong makasal sa kaniya,” pakiusap nito ng
pumasok ito at umupo sa kama niya.
Tumingin si Katallea sa kapatid niyang namumugto pa rin ang mga mata. Hindi
niya batid kung ilang araw na itong umiiyak dahil sa masaklap nitong kapalaran. May
kirot sa pusong naramdaman si Katallea. Hindi niya pinangarap na maging malungkot
ang sino man sa pamilya n’ya kaya nga ginawa n’ya ang lahat para umunlad.
“Huwag kang mag-alala. Lulunukin ko lahat ng galit ko kay Geo para sa’yo.
Pakikiusapan ko siya.” Hinawakan ni Katallea ang kamay ng kapatid upang iparamdam
dito na hindi ito nag-iisa sa problemang kinakaharap nito.
Sa loob ng maghapon ay hindi lumabas ng kaniyang silid ang dalaga. Pagsapit ng
hapunan ay ipinatawag siya ng kaniyang mga magulang upang makasabay raw siya sa
pagkain. Inayos niya ang sarili para hindi siya magmukhang problemado katulad ni
Clarise ng sa ganoon ay lumakas rin ang loob nito.
Pagbaba ni Katallea ay naabutan niya sa hapag na masayang
nakikipagkwentuhan si Geo sa kaniyang mga magulang habang nakayuko lamang si
Clarise. Ang kapatid niyang bunso ay tahimik lamang. Wala na ang mga magulang ng
lalaki dahil agad silang bumalik ng Maynila.
Ngumiti si Katallea kay Geo bago siya umupo sa harapan nito at sa tabi ni
Clarise. Sa ilalim ng lamesa ay hinawakan niya ang nanlalamig na kamay ng kapatid
at
pinisil iyon. Pilit pinapakalma ni Katallea ang katabi niya dahil alam niyang
nangangatog ang mga kamay nito.
Sa kabilang banda, biglang nanuyo ang lalamunan ng binata ng makita ang
pamilyar na ngiti na iyon ng babaeng kaharap. Ang ngiting iyon na palaging nasa
isip
niya ay nagbibigay sa kaniya ng kakaibang kaba. Dahan-dahan niyang inabot ang baso
at umiinom ng kaunting tubig mula roon.
Hindi niya makakalimutan ang mga ngiting iyon na bumihag sa puso niya.
Mataman niyang tiningnan ang mukha ni Katallea at unti-unting bumaba ang mga mata
niya sa mga labi nito. Hindi niya maitatangging hanggang ngayon ay pinapantasya
niya
pa ring muling matikman iyon.
Tumikhim si Katallea dahil sa kakaibang pakiramdam na dulot ng tingin sa
kaniya ni Geo. Alam niyang hanggang ngayon ang nasa puso pa siya ng lalaki kaya
lalo
niyang nginitian ito ng ubod tamis. Gagamitin niya ang pagmamahal ni Geo para
iligtas
si Clarise. Sinikap niyang simulang maging masaya ang hapunan na iyon para sa isang
plano na kanina pa niya binuo.
“Papa, Mama, gusto kong malaman ang buong laman ng kontrata. Geo, if you
know everything, please tell me.” Hindi mababakas ang pangamba sa tinig ng dalaga.
Nang marinig ni Geo ang tungkol sa kontrata ay parang sinaniban siya ng
sampung demonyo. Dumilim ang gwapong mukha ng binata at lalong humigpit ang
hawak niya sa kutsara at tinidor. Ang kontrata na iyon na dahilan ng lahat ng sakit
na
kaniyang pinagdaanan ay parang posporo na sinindihan ng kaniyang puso upang
magliyab ang galit na kay tagal na naroon.
“Ayos ka lang ba, anak?” magiliw na tanong ng ina ni Katallea sa binata.
Napansin nito ang tensyon na biglang namuo sa hapag. Nakita rin ito ang pagngalit
ng
bagang ng bisita nila.
“Kumain na lang muna tayo. Hindi masyadong kumpleto ang laman ng kontrata
dahil nawawala ang iba pero kailangang masunod ang nasa unang pahina,” sabi ng ama
ni Katallea.
“Nawawala ang ibang pages? Dapat pala hindi muna natin sundin ang nasa page
one hanggang hindi pa nakikita ang iba!” malakas na sabi ni Katallea. Kumislap ang
mga mata ng dalaga habang sinasabi iyon dahil nakasilip siya ng pag-asa.
“Hindi pwede!” mariing sabi ni Geo. Pabagsak nitong binitawan ang kubyertos at
marahas na tumayo. “We will follow the contract no matter what happens!”
“What contract? Hindi mo masasabing kontrata iyon if hindi siya buo!” galit na
sagot ni Katallea. Tumayo na rin ang dalaga at pabagsak niyang ipinatong ang
dalawang kamay sa lamesa. Tiningnan niya sa mata si Geo na para bang hinahamon ito.
“Have you seen it, Katallea? How can you say na hindi iyon buo kung may pirma
iyon ng mga lolo natin?”
“Ilabas n’yo muna ang lahat ng pages ng kontrata bago ko ipakasal sa’yo ang
kapatid ko. Alam kong pervert ka Geo Arevalo! Masamang tao ang tatay mo at higit sa
lahat tau-tauhan ka niya! How can you be a good husband despite your background?!”
Hindi nakasagot si Geo sa mga sinabi ni Katallea. Alam niyang magaling sa
debate ang babae ito dahil palagi itong panalo kapag may mga ganoong activity sila
noon sa school.
“Anak, hindi tayo pwedeng tumanggi sa kasalang iyan,” mahinahong sabi ng
ama ni Katallea. “Pasensya ka na Geo, hindi alam ni Katallea ang laman ng unang
pahina.”
Nagpasintabi ang binata pagkatapos magsalita ni Mang Nestor at pumasok siya
sa isang silid. Mapaklang ngumiti ang binata habang nakaupo sa kama at nakatingin
sa
larawan sa pader.
“Ang tagal kong dumanas ng pang-aapi at pangmamaltrato tapos ang
mapapangasawa ko ay isang mahinang katulad mo lang pala. Humanda ka Clarise.
Lahat ng dinanas ko mula sa kamay ni daddy ay mararanasan mo rin. Malaking
tagumpay ito dahil makakaganti pa ako sa ate mo,” mga katagang nasa isip ng binata.
Isang mahinang katok ang pumukaw sa binata. Nasa kwarto siya ni Clarise para
masanay na raw siya sa dalaga sabi ng mag-asawang San Sebastian. Mababait ang mga
ito kaya tingin ng binata ay madali niya silang mapaglalaruan.
Binuksan ng binata ang pintuan. Maliit na buka lamang ang ginawa niya sapat
lang upang makilala ang nasa labas.
“Geo, can we talk?” Kumurap si Geo sa pag-aakalang nanaginip lamang siya na
nasa harapan niya si Katallea. Tumikhim muna ang binata ng makailang ulit bago
sumagot.
“What do you want?”
“Ahmm, a-ano k-kasi…” nagkakandabulol na sabi ni Katallea. Mukhang hindi na
galit ang dalaga.
“Wait a minute. Magbibihis lang ako.” Sinadya ng binata na ipakita kay Katallea
na nakasuot lamang siya ng boxer at nakahubad pang-itaas. Nakita niya ang paglaki
ng
mga mata ng dalaga bago nito tinutop ang bibig.
“Bastos ka talaga, bwesit!” gigil na sigaw ni Katallea.
Ang inis ng dalaga ay pinalitan ang kabang kanina pa niya nararamdaman.
Pipilitin niyang kumbinsihin si Geo na huwag ituloy ang kasal para maging masaya
ang
kapatid niya. Huling gabi kasi iyon ng binata bago bumalik ng Maynila kaya dapat ay
makausap niya ito ng maayos.
Lumabas si Geo na nakasuot ng short ang puting t-shirt lamang. Bakat ang mga
muscles ng binata sa dibdib dahil sa fit nitong pang-itaas. Namamalikmata man ay
pinilit ni Katallea na balewalain ang magandang tanawin sa harapan niya.
“Saan tayo mag-uusap?” tanong ng binata pagkasara niya ng pinto.
“Sa garden na lang, sa baba.”
Nagpatiuna na ang dalaga. Si Geo ay nakasunod lamang kay Katallea habang
pinagmamasdan niya ang mala-ivory na balat ng babaeng matagal na niyang itinatangi
sa kaniyang puso. Ngayon niya lang nakitang nakapambahay ito at hindi maikakaila na
sexy at dominante ang alindog ng babae.
Umupo si Katallea sa duyan na matatagpuan sa gitnang bahagi ng harden habang
si Geo ay sa upuan sa di kalayuan sa kanan. Tulog na ang lahat dahil ganoon naman
talaga sa probinsya, alas-syete pa lang ay nakahiga na. Nakasanayan rin ng mga
mag-anak nina Katallea ang maagang matulog.
Hindi muna nagsalita si Katallea. Pinakikiramdaman niya ang dating kaklase.
Samantalang si Geo ay pilit pinipigilan na lapitan si Katallea. Ang malaking pwersa
na
nagtutulak sa kaniya na muling tikman ang labi nito ay pilit niyang pinaglalabanan.
“Geo, wala na bang pag-asa na hindi matuloy ang kasal n’yo ni Clarise? Bata pa
kasi ang kapatid ko at…”
“Kailangang masunod ang nasa kontrata.” Ang pagnanasa na kanina pa sinusupil
ng binata ay tuluyang naglaho. Ang kontrata na iyon ng mga lolo nila ang dahilan ng
paghihirap niya sa matagal na panahon kaya hindi siya papayag na basta-basta iyon
mabalewala. Ang pagpapakasal lang kasi kay Clarise ang tanging paraan upang
makalaya siya sa malupit niyang ama.
“Pero Geo…”
“Kung wala kang ibang sasabihin, aakyat na ako ulit!” sabi ng binata. Tumayo
ito at agad nagsimulang humakbang.
Napatayo rin si Katallea sa kinauupuang duyan. Hindi siya susuko. Kailangan
makumbinsi niya ang binata para mapigilan ang kasal. Hindi kasi kakayanin ni
Clarise
ang lahat lalo na at nabanggit nitong may nobyo na pala siya.
“Iyong mga pictures noong college tayo, fake lahat iyon.”
Pagkarinig noon ay agad na humarap si Geo kay Katallea. Ilang dangkal lang ang
layo nila sa isa’t isa kaya naaninag niya ang kumikislap na luga ng dalaga dahil sa
liwanag ng buwan at ng mga solar lights sa paligid.
Gustong haplusin ng binata ang pisngi ni Katallea pero muling bumalik sa isip
niya ang mga nakakadiring larawan noon. Mariin niyang kinuyom ang mga palad.
“I don’t care anymore kung fake man iyon o hindi! Wala ng mababago! Ikakasal
ako sa kapatid mo at pagbabayarin ko siya sa mga sakit na dinanas ko dahil sa
kaniya!”
Parang itinulos si Katallea sa kinatatayuan niya. Wala na si Geo sa hardin pero
parang kulong na paulit-ulit na bumalik sa isip niya ang sinabi nito. Hindi niya
kakayanin kung magdurusa ang kapatid niya sa piling ng lalaki.
“Katallea, tumayo ka riyan!” tinig iyon ng ina ng dalaga.
“Mama, hindi ko papayagang magdusa si Clarise sa demonyong lalaking iyan!
Kung kinakailangang isampal ko ulit sa kaniya ang pagmamahal niya sa akin dati ay
gagawin ko sa kahit anong paraan!” determinadong wika ni Katallea.
“Patawad anak kung hindi ko kayo maprotektahan pero maniwala ka, mabait na
bata si Geo. Noon pa mang maliliit pa kayo ay malapit na kayo sa isa’t isa.”
“Ho?! Magkakilala na kami noong mga bata pa lang kami?” Mabilis na tumayo
ang dalaga at nilapitan ang ina.
“Oo, dapat nga sana ikaw ang itinakdang ipapakasal sa kaniya. Hindi ko alam
kung bakit biglang si Clarise ang nasa kontrata ngayon.”
Napangiti ng maluwang si Katallea at pinunas ang mala-crystal na luha sa mukha
niya.
“Ako ang destiny mo, Geo Arevalo, hindi si Clarise o ang sinoman!”

KATALLEA CHAPTER 12
Kinabukasan, maagang gumising si Katallea. Pupunta ang kaniyang ama sa Brgy.
Saradama at gusto niyang sumama upang mabisita niya ang taniman doon. Nais din
niyang malaman ang lagay ng mga tauhan nila at kung ano ang mga kailangan pa sa
plantasyon. Higit sa lahat, gusto niyang makausap ng puso sa puso ang Papa niya.
Si Geo ay maaga namang bumalik ng Maynila kaya hindi na ito nakita pa ng
dalaga. Nabanggit lamang ng kaniyang mga magulang na babalik ulit ang binata
pagkalipas ng isang linggo para mapaghandaan ang nalalapit na kasal nila ni
Clarise.
Ang kapatid ng dalaga ay halos ayaw kumain. Depress na ito at gusto ng
magpakamatay subalit tiniyak ni Katallea sa kapatid niya na hindi niya ito
pababayaan.
Nag-utos din siyang bantayan palagi ito at baka kung ano ang gawin ng dalaga dahil
hindi nito matanggap ang sitwasyon niya.
“Sigurado ka bang gusto mong sumama sa bundok? Wala ka bang kailangang
gawin ngayon?”
“Opo, Papa. Doon mas magiging maayos ang takbo ng isip ko. Gusto ko pong
mag-isip ng para sa ikabubuti ni Clarise.”
“Wala na tayong magagawa tungkol diyan,” sabi ng kaniyang ama sa mababang
tono.
Nagtataka ang dalaga kung bakit gano’n ang inaasal ng kaniyang ama. Kilala
niya itong handang ipaglaban ang tama kaya lalong nagiging mapanuri si Katallea.
Isa
ang ama niya sa pinaka maprinsipyo sa barangay niya kaya nagugulumihanan ang
dalaga sa inaasal nito.
“May mali talaga sa mga nagaganap,” wala sa sariling naibulalas ng dalaga.
Nakasakay na sila noon ng ama niya sa pick up truck at papunta na sa bundok kung
saan sila lumaking magkakapatid.
Pagkatapos maglibot sa taniman ng saging at pinya ay nilapitan ni Katallea ang
amang tahimik na nakaupo sa isang kubo. Marahan nitong ipinapaypay ang hawak na
sumbrero na gawa sa buri.
“Papa, ano ang nakalagay sa kontrata? Bakit itinatago mo iyon sa akin, sa amin
ni Clarise?”
“Hindi naman sa inililihim ko iyon. Ayaw ko kasing mag-alala ka pa lalo.”
Tumingin ang ama ni Katallea sa malawak na gubat at tila ba pinag-iisipang mabuti
ang
mga bagay na sasabihin niya.
“Papa, gusto kong malaman ang laman ng kontrata. Baka sakaling mapigilan ang
pakikipag-isang dibdib ni Clarise sa dati kong kaklase. Masama ang daddy n’ya, Pa.
Nakita ko kung paano niya sinaktan noon ang anak niya.”
“Ganito kasi iyan, anak,” tila hirap na paliwanag ni Mang Nestor. “Wala na
akong hawak na kontrata ngayon dahil noong nagkaroon ng bagyo rito sa Saradama ay
nasira ang barong-barong natin kasama ang kontrata. Natatandaan ko ang nakalagay sa
unang pahina noon na dapat ikasal si Clarise kay Geo para hindi tayong lahat maging
alipin ng pamilya nila.”
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Katallea ng marinig ang paliwanag ng
ama. Ngayon batid na niya kung bakit tumututol ang lalaki sa maaaring maganap.
“Ang lahat ng pinaghirapan mo ay kukunin din ng pamilya ni Geo kapag hindi
natuloy ang kasal,” patuloy ni Mang Nestor.
Napakapit si Katallea sa maliit na haligi ng kubo. Hindi siya makapaniwala na
magagawang pirmahan ng dalawang dating magkaibigan ang isang kontrata na
maaaring magdulot ng paghihirap sa bawat panig.
“Bukod doon, Pa, ano pa ang ibang nakalagay sa first page? Sabi ni Mama, dapat
daw ay ako ang ipapakasal kay Geo, bakit naging si Clarise?”
“Mahina kasi si Clarise kumpara sa’yo. Mas magiging mas maayos raw ang
pagsasama ng dalawa kasi mas mabait si Clarise at kaya siyang mapapasunod ni Geo.”
Natawa ng mapakla si Katallea. Hindi siya makapaniwala na hindi asawa ang
hanap ng kabilang panig kundi isang babaeng sunod-sunuran.
“Mga tuso talaga ang mga walang hiya,” mahinang sabi ni Katallea.
“Pero, nakalagay sa kontrata na kung sakaling bago ang kasal ay matutunan
n’yong mahalin ni Geo ang isa’t isa ay pwedeng ikaw ang ipalit. Isa pa sa nakalagay
doon ay kung sakaling magkaproblema, pwedeng ikaw ang pumalit sa kapatid mo pero
kailangang maging mabuti kang asawa kay Geo dahil nasa kamay niya ang kapalaran
ng pamilya natin.”
Sa narinig ay nakasilip ng malaking pag-asa si Katallea. Handa niyang baliktarin
ang mundo mailigtas lang ang kapatid niya para sa nakaambang panganib rito. Alam
niyang totohanin ni Geo ang sinabi nito na ipaparanas sa kapatid niya mga
pinagdaanan
nito.
Nang maka-uwi na sila ay agad na tinawagan ni Katallea ang mga kaibigang nasa
ibang bansa pa rin. Kakailanganin niya ang tulong ng mga ito sa naiisip niyang
plano
kung sakaling pumalpak ang gagawin niyang pakikipag-usap kay Geo.
Puso, tama, ang puso ni Geo na minsang minahal siya ang gagamitin ni Katallea
para mailigtas si Clarise. Kinasusuklaman man siya ng binata ay gagawin niya ang
lahat
mapatunayan lang na mali ang mga lumabas noon sa internet.
“So, hindi mo na siya balak paghigantihan?” Hindi makapaniwalang tanong ni
Sandra.
“Willing akong kalimutan ang lahat para sa kapatid ko at sa pamilya ko. Instead,
ipapaalam ko na lang siguro kay Geo ang katotohanan sa maayos na paraan,” paliwanag
ni Katallea.
“What if hindi ka niya paniwalaan?” nag-aalalang tanong ni Nicole.
“I’ll proceed with plan B. I need your help here.”
Pinakinggan ng dalawa ang mga inilahad ng dalaga. Hindi man sila sang-ayon ay
sinusuportahan pa rin nila ang kaibigan.
Makalipas ang isang linggo ay muling bumalik si Geo sa probinsya nila Katallea.
Gusto niyang magsimula na sa pagpaplano ng kasal nila ni Clarise. Hindi na
makapaghintay ang binata na makawala siya mula sa mapang-abuso niyang ama.
Pagbaba ni Geo ng kaniyang sasakyan ay nakita niya ang naka-short lang na si
Katallea habang nakikipagtawanan sa mga kasambahay nila. Ang halakhak ng dalaga
ay parang musika sa pandinig ng binata. Wala sa sariling mabilisi niyang nilapitan
ang
dalaga para kulungin ito sa kaniyang mga bisig subalit bago pa iyon magawa ay
natauhan siya sa ingay ng nabasag na baso.
“Clarise, ayos ka lang ba?” Nilapitan ni Katallea ang kapatid nitong may mga
dugo sa paa. Nagkalat rin ang mga parte ng nabasag na baso sa sahig kung saan iyon
bumagsak.
“Makita ko pa lang siya, Ate, para na akong mamamatay sa nerbyos.” Yumakap
ang dalaga sa ate niya at saka humagulgol.
Pinilit pakalmahin ni Katallea ang kapatid habang panay ang punas niya sa
dugong umaagos mula sa paa nito. Pasalamat ang dalaga dahil maliit lang na hiwa ang
nakuha ni Clarise mula sa bubog ng baso.
Ngumisi si Geo sa nakikita niyang palabas sa harapan niya. Wala pa siyang
ginagawa pero nararamdaman na ng kabilang panig ang sakit at pangamba na dinanas
niyan habang ang mapapangasawa niya ang maligaya noon.
“Hindi pwedeng ako lang ang magdusa sa arranged marriage na ito. Dapat kung
ano ang dinanas ko ay gano’n din kayo.” Tiim bagang na nilampasan lang ni Geo ang
magkapatid at pumasok sa sild ng mapapangasawa niya.
Nagpupuyos ang dibdib ni Katallea sa sobrang galit. Ang paglagpas sa kanila ni
Geo ay isang malaking kabastusan. Nag-aapoy ang mata ng dalaga at handang sumugod
sa giyera.
Pagkatapos pakalmahin ang kapatid ay marahas na pumasok si Katallea sa
kwarto ni Clarise. Nakita niyang kampanteng nakahiga roon si Geo kahit walang suot
na pang-itaas. Nakaidlip agad ang binata dahil sa pagod sa biyahe.
“F*ck! How could…” Bumalikwas ng bangon ang binata at sinugod ang
dalagang bumuhos sa kaniya ng kalahating timba ng tubig.
“Subukan mong saktan ako! Ang lakas ng loob mong bastusin kami sa sarili
naming pamamahay. Ultimo magmano kina Papa at Mama, hindi mo ginawa! Palibhasa
hindi ka pinalaki ng maayos ng tatay mo!”
Natigilan si Geo. Sampal sa kaniya ang sinabi ni Katallea. Naisip niyang baka
tuluyang magalit ito ay biglang pumayag na lang na maging alipin nila kesa
ipapakasal
sa kaniya si Clarise at kapag nangyari iyon ay buong buhay rin siyang maging
tau-tauhan ng kaniyang ama.
Hinimas ng binata ang kaniyang baba. Ang mga mata niyang ‘sing tapang ng
mata ng sa kuwago ay biglang lumamlam. Hindi niya gustong umurong sa kasal ang
panig nina Katallea dahil ayaw na niyang magiging kawawa sa kamay ng kaniyang ama.
“I’m sorry. I was so tired a while ago that all I wanted was to lay down and take a
nap,” nagkunwari si Geo na totoo at bukal sa loob niya ang paghingi ng paumanhin.
Nahimasmasan rin si Katallea. Ang plano n’ya ay huwag awayin si Geo sa
pagbabalik nito bagkus ay makiusap rito sa pangalawang pagkakataon para siya na
lang
ang ipalit kay Clarise. Umaasa pa rin siyang kayang baguhin ng puso at isip ng
lalaki.
“Magbihis ka na. Sorry din sa ginawa ko,” sabi ng dalaga. Aktong tatalikod na
ang dalaga ng mapalingon ito.
Parang walang naririnig si Geo sa mga sinabi ni Katallea. Nakatingin lang ito sa
basang katawan ng dalaga. Manipis na t-shirt na puti lang ang suot nito kay ng
mabasa
ng tubig ay naging transparent ito dahilan para masilip ni Geo ang malaking dibdib
ni
Katallea na walang suot na bra.
Sa halip na takpan ni Katallea ang sarili, lakas loob na kinuha niya ang
pagkakataon para akitin ang binata. Kapit sa patalim man pero wala na siyang
pagpipilian. Mahal niya ang pamilya at si Clarise kaya gagawin niya ang lahat kahit
ang
magpakababa para lang sa kalagayan ng mga ito.
“Geo, ako na lang please. Ako na lang ang pakasalan mo. Huwag ang kapatid ko.
Willing akong saluhin ang lahat ng sakit ng nakaraan mo kung iyon lang ang
magpapasaya sa’yo at magpapalaya sa kapatid ko.”
Walang ano mang sagot ang lalaki. Ang diwa nito ay para bang inilipad na sa
kung saan kaya iyon ang nagtulak lalo sa dalaga upang gawin na ang isang bagay.
Unti-unting lumapit si Katallea kay Geo. Dahil mas matangkad ito sa height na
5’9 feet at siya ay 5’5 lamang kaya kinailangan niyang tumingkayad. Ipinulupot ni
Katallea ang mga braso niya sa leeg ng nakatulala lamang na lalaki at marahan niya
tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi.
Banayad sa simula hanggang sa tuluyang tinukso ng dila ni Katallea ang
naguguluhan pa ring lalaki. Sinadya rin ng dalaga na idikit ang dibdib niya sa
basang
katawan ng binata. Wala siyang karanasan pero dahil sa mga video na napanood niya
ay
natutunan niya kung paano humalik.
Sa simula ay parang tuod lamang si Geo. Kinakapa niya ang sarili kung
nananaginip pa rin ba siya katulad ng dati o totoo na ang lahat.
Ang kaninang marahang halik sa labi ay naging mas mainit, mapaghanap
hanggang sa tuluyang gumapang na ang kamay ng binata patungo sa malulusog na
dibdib ng dalaga habang ang isa pa ay patuloy sa paghaplos sa mala-porselanang
kutis
ng dalaga.
Ang lahat ng lakas ng loob na tinipon ng dalaga ay parang naglaho ng
naramdaman niya ang mariing paghawak ni Geo sa dibdib niya.
“Geo, masakit,” daing ng dalaga.
“Sa tingin mo ba titikman ko ang babaeng nilawayan na ng iba’t-ibang lalaki?”
Napangiwi si Katallea sa tindi ng pagkakahawak ni Geo.
“Geo, please, tayo na lang ang magpakasal. Gagawin ko ang lahat para sa’yo.
Ako na lang ang pakasalan mo.”
“Mahal mo ba ako?” matigas na tanong ng binata.
Hindi nakasagot si Katallea. Nalito siya sa kung ano ang isasagot niya. “Mahal
ko ba talaga siya?” bulong ng isip n’ya.
“Hindi mo ako mahal! Kinakati ka lang kaya panay ang dikit mo sa akin!”
Ang kaninang gentleman na kahalikan ni Katallea ay biglang naging mabangis
na hayop. Ang tingin ng binata sa mata ng dalaga ay nakakapaso. Ang mga kamay
nitong kanina lang ay mabining humahaplos sa katawan niya ay tila naging mga kuko
ng agila sa talas.
“Ah, shit! Let me go!” Hindi na matagalan ni Katallea ang kirot na nadarama
dahil mas dinakot pa ni Geo ang dibdib niya kaya marahas niyang itinulak ang binata
pahiga sa kama.
“Nakakadiri ka Katallea San Sebastian! Sa ginawa mo ngayon ay pinatunayan
mo lang kung gaano ka kababa at karuming babae! Sayang, muli na sanang
nanunumbalik ang pagmamahal kong sinayang mo!”

KATALLEA CHAPTER 13
Pagkatapos pumalpak ni Katallea na muling makuha ang puso ni Geo para
umurong ito sa kasal nila ni Clarise ay nag-isip ang dalaga ng iba pang paraan. Sa
tulong ng mga kaibigan niya ay nakabuo ang dalaga ng isang plano.
Inilihim ni Katallea ang lahat sa kaniyang mga magulang ngunit ipinaalam niya
iyon kay Clarise. Natatakot man ang kapatid ng dalaga ay pumayag na rin ito lalo
nang
malaman nito ang laman ng unang pahina ng kontrata.
“Ang totoo Ate, kilala mo ang boyfriend ko, Baka makatulong s’ya sa atin,”
suhestiyon ni Clarise. “I’m sorry kung selfish ako at ikaw ang magsasakripisyo para
sa
akin. Hindi ko talaga kayang makasama si Geo sa iisang bahay.”
Binatukan ni Katallea ang ubod lakas si Clarise ng malaman n’yang ang
goalkeeper sa soccer team nina Geo ang kasintahan ng kapatid niya. Hindi siya tutol
sa
relasyon ng dalawa lalo na at batid niyang walang kahit sinong niligawan si James
noong nag-aaral pa lamang sila. Kahit sikat noon ang binata ay tulad ni Geo na
walang
pinatulan ito sa mga fans niya.
“Bakit ka naglihim sa amin nina Mama. Nag-aaral ka pa lang pala ay may nobyo
ka na agad,” sita ni Katallea sa kapatid.
“Ate, nakatapos naman ako kahit may nobyo ako. Huwag ka nang magalit,”
lambing ng kapatid ng dalaga.
Totoo naman ang sinabi ni Clarise kaya hindi na nagalit si Katallea. Pasasalamat
pa nga siya na may nobyo ito ngayon na pwedeng tumulong para mailigtas ito sa kasal
na hindi nito gusto. Ayaw niyang habambuhay matali ang kapatid sa isang walang
kwentang kontrata.
Kinakabahan at hindi mapakali si Katallea. Hindi kasi mawala sa isip niya ang
itsura ni Geo noong araw na inakit niya ito pero dahil na rin sa sulsol ng mga
kaibigan
niya ay lumalakas ang loob muli ang dalaga.
“Para sa aking pamilya, kakayanin ko ito. Kasuklaman mo man ako sa buong
buhay mo, handa na ako.” Buo ang loob ng dalaga habang sinasabi ang mga katagang
iyon. Nakatanaw siya kay Geo na nakikipag-usap sa wedding organizer at sa team
nito.
Nasa lilim ng isang puno ng mangga ang lalaki. Buwan ng Abril kaya maraming
bulaklak ang puno na nagpapaganda lalo sa tanawin. Malapit iyon sa hardin kung saan
makikita ang mga paru-paro na malayang lumilipad sa mga bulaklak na nagagandahan
sa buong paligid.
Sinadyang palagyan ni Katallea ng lamesa at mga upuan ang ilalim ng puno para
kapag narito siya ay may lugar siyang pwedeng gawing opisina. Gusto kasi ng dalaga
na dinadampian ng sariwang hangin ang makinis niyang balat para mas
makapagtrabaho siya ng maayos.
Dumilim ang mukha ni Geo ng mahagip ng mata niya ang nakatanaw na si
Katallea. Nasa balkonahe ito nakasuot lamang ng maikling short at puting t-shirt.
Iniiwasan niya ang dalaga dahil hindi niya ito mapagkakatiwalaan. Ayaw niyang
masira ang kasal na kay tagal niyang hinintay dahil ito ang tanging pag-asa niya
para
makawala sa kamay na bakal ng ama.
Nagkunwari ang binata na hindi niya nakikita si Katallea. Hindi man niya aminin
ay nagustuhan niya ang ginawang pang-aakit ng dalaga dahilan para hindi siya halos
makatulog gabi-gabi. Subalit kapag naaalala n’ya ang mga nagkalat na larawan noon
ay
nandidiri talaga siya sa dating kaklase at ayaw niyang mapalapit dito kahit iba ang
sinasabi ng kaniyang puso.
“Sir Geo, are you alright?” tanong ng kausap ng lalaki.
“Ah, y-yes, I am. What are you asking for?”
“Nothing sir. I was just telling you that we need to talk to your future wife. We
need her opinion about the details of the entourage.”
“I’m here,” sabi ni Katallea. Napatayo ang nabiglang si Geo sa sinabi ng
dalagang unti-unting papalapit na sa kinaroroonan nila. Napakuyom ito ng palad
niya.
Ayaw talaga siyang tantanan ng magiging hipag niya.
“She’s not my bride!” malakas na sabi ng binata.
“Ako ang nakalagay na possible na magiging bride mo kung sakaling hindi
pwede si Clarise! I’m telling you, hindi ako papayag na makasal sa iyo ang kapatid
ko.
Ngayon, kung ayaw mo akong makausap, okay lang.” Binalingan ni Katallea ang
organizer at nagwika ng, “You may leave now. My sister will not marry this
bastard.”
Pulang-pula ang mukha ni Geo dahil sa kahihiyan. Gusto niyang saktan si
Katallea pero dahil nasa pamamahay siya ng dalaga ay pinigilan ng binata ang sarili
niya.
“Mamili ka Geo, makakasal ka or hindi? Willing akong maging katulong ng
pamilya n’yo at ibigay sa iyo ang lahat ng naipundar ko, huwag lang makasal sa iyo
ang
kapatid ko,” matapang na sabi ni Katallea.
“Excuse us,” nagpipigil na sabi ng binata sa mga bisita. Agad namang tumalima
ang ito dahil sa nakikitang tensyon sa pagitan nina Geo at Katallea.
Pagkaalis ng wedding organizer ay hinarap ni Katallea ang binata. “I’m waiting,
Geo. I am offering you the best solution para magkasundo tayo. Your answer is dapat
favorable sa akin para maayos natin ito tutal naman ang laman ng contract ay pabor
sa’yo.”
“No, I am not going to marry you. You f*cking slut doesn’t deserve to carry my
name.” Pakiramdam ng dalaga ay sinampal siya ni Geo ng paulit ulit.
“Well, is that your final decision?” nakangiting turan ng dalaga upang hindi
ipahalata kay Geo na nasasaktan siya sa pandidiri nito sa kaniya. “If yes, magdusa
tayo
pareho.”
“Hindi mo mababago ang isip ko, Katallea! Si Clarise ang gusto kong maging
asawa at wala ng iba. Dapat niyang pagbayaran ang mga sakit na dinanas ko!”
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Geo. Hindi ito nakaiwas kaya
sapol na sapol ang kaliwang pisngi ng binata.
“Kaya ka pala sinasaktan ng daddy mo kasi baliw ka!” Wala sa sariling sinabi ni
Katallea ang mga iyon dahil sa tindi ng emosyon na nararamdaman niya. Hindi niya
matanggap na pahirapan ni Geo ang kapatid niya.
Nanlisik ang mga mata ni Geo sabay hablot sa kaliwang braso ni Katallea.
Madiin ang pagkakahawak ng lalaki sa dalaga kaya napakagat labi ito sa kirot ng
naramdaman.
“Anong nangyayari rito?” tanong ni Mang Nestor. Nakita ng matanda ang
ginawa ni Geo pero hindi niya narinig ang sinabi ni Katallea.
“Papa, si Geo...Ang totoo...Okay lang ba sa inyo na bugbugin ng taong ito si
Clarise?”
“Patawad po. Pinahiya po kasi ako ni Katallea sa mga bisita kaya nagkaroon
kami ng pagtatalo,” sumbong ng binata. Binitawan ng binata ang braso ng dalaga sa
takot na baka magalit ang Papa nito. Baka hindi siya santuhin ng matanda lalo at
nasa
teritoryo s’ya ng mga ito.
“Alam ko naman mabait kang bata, Geo. Pasensya ka na kay Katallea. Mga bata
pa lang kayo ay madalas na kayong mag-away kahit kayo laging magkalaro.”
Hindi makapaniwala si Geo sa narinig. Hindi niya maalala si Katallea ganoon din
ang sinabi ng ama nito. Ang alam lang ng binata ay pumapasyal sila lagi sa lolo
niya sa
Brgy. Saradama noon.
“Ah, kalaro pala kita noon kaya pala para kang ermitanyo noon college tayo. By
the way, darating sina James, Sandra at Nicole. Mag-get together naman tayo.”
Ngumisi
ang dalaga sabay paalam sa Papa niya.
“Pasensiya na Geo. Nabanggit ni Katallea na magkaklase kayo dati, siguro
naman ay alam mo na ang ugali ng anak kong iyan. Sayang nga lang na dahil sa mga
pekeng larawan eh nagdusa siya dati sa Maynila.”
“Iyon po ba ang sabi niya sa inyo?” tanong ng binata.
“Kilala namin ang anak namin, Geo. Sige na pahinga ka na muna,” sabi ni Mang
Nestor.
Ngumisi si Geo pagkatalikod ng ama ng dalaga. “Pati magulang n’ya, niloko
n’ya rin. Walang kwentang babae talaga. Sayang lang na minahal talaga kita,”
ngitngit
ng binata.
Mula sa bulsa ay kinuha ni Geo ang cellphone niya. Nakatabi roon ang mga
video ni Katallea kasama sa kama ang iba’t ibang lalaki. Sa loob ng mahabang
panahon
ay paulit-ulit niyang ipinapaalala sa sarili kung gaano karumi ang babaeng una
niyang
minahal. Maraming kopya siya ng videos na ito para malabanan niya ang damdaming
pilit jumakawala para sa dalaga.
“Kung mabuting babae ka lang Katallea, ako na sana ang pinakamasayang lalaki
sa mundo nang malaman kong pwede kang ipalit sa kapatid mo bilang asawa ko. I am
ready to forget the pain during my childhood para sa iyo kaya lang…”
Bumuntong hininga ang binata at mariing pinisil ang cellphone niya. Halos
madurog iyon sa tindi ng pagkakahawak roon ni Geo. Galit, pagmamahal, nakakasakal
ng sobra para sa binata.
“Geo, pare!” sigaw ni Joey. Kabababa lang nito sa sasakyan.
Agad namang nawala ang matinding poot na kanina pa pinaglalabanan ng binata.
Umaliwalas ang gwapong mukha ni Geo at sinalubong ang kaibigan niya.
“I thought Katallea was joking when she said that you’re coming.” Niyakap ni
Geo ang kaibigan at nakipag friendship sign dito.
“She invited us for a reunion. Actually, I am exhausted. Kararating lang namin
from abroad but we can’t say no to her.” maarteng sabi ni Sandra.
Kinutuban si Geo. “Ano’ng plano niya?” wala sa sariling tanong niya sa mga
bagong dating. Pagak na tumawa ang binata pagkasabi noon. Of course, mga kaibigan
ni Katallea ang mga ito kaya imposibleng sabihin nito sa kaniya ang napag-usapan
nila.
Nagkunwari si Geo na wala siyang nahihimigan sa maaaring maganap pero
malakas ang kutob niyang may kakaiba at matinding dahilan ang mga nasa harapan
niya kung bakit naroon ang mga ito.
Samantala, si Joey naman ay malikot ang mga mata. Hinahanap niya si Clarise sa
paligid. Matagal na siyang nasasabik sa kasintahan niya at wala siyang planong
ipaubaya ito sa kaibigan niya kahit pa malaki ang nakataya roon.
Ang dalaga ang dahilan kung bakit madalas ang medical mission niya sa Brgy.
Saradama. Gusto niyang makatulong sa mga taga-roon noon. Sekreto niyang niligawan
ang dalaga ng minsang makita niya ito sa isang outreach program nila at mula noon
ay
naging magkasintahan na sila. Hindi niya alam na kapatid ito ni Katallea ngunit
natuwa
siya ng malamang ang dating kakilala ang ate ng mahal niya.
Sina Sandra at Nicole naman ay nakahanda na para tulungan si Katallea. Narito
sila para sa kaibigan nila. Idinaan ng dalawa sa masayang pakikipag-usap kina Geo
at
Joey ang kaba na pareho nilang nararamdaman kasabay ng dalangin na sana
magtagumpay sila.
Hinila ni Geo sa malayo sa karamihan si James. Masyadong maingay kasi ang
tatlong magkaibigan sa muli nilang pagkikita-kita. Samantalang natanaw ni Geo si
Clarise na di kalayuan na nakatingin lamang sa kanila.
“Bakit tayo lumayo, pare?” maang kunwari na tanong ni James.
“Ano’ng plano nila, Joey?” tanong ni Geo.
“Plano?! Wala akong alam diyan, p’re. Narito ako para makasama ka. Gusto ko
ring makipag-bonding tayo bago ka ikasal. Pagkakataon natin itong maging masaya
habang malayo sa daddy mong anak ni satanas.”
Napangiti si Geo sa narinig. Pilit niyang binura sa isipan ang alalahanin dahil
sabik niyang maging malaya at masaya sa unang pagkakataon.

KATALLEA CHAPTER 14
Napuno ang bahay nina Katallea ng tawanan dahil sa pagdating ng mga bisita
nila. Sina Joey at Clarise ay lihim na nagkikita sa silid ni Katallea. Doon kasi
natutulog
na ang dalaga dahil inuukupa ni Geo ang kwarto nito. Sa mga pagkakataong ganoon ay
sina Sandra at Nicole ang kumakausap kay Geo habang si Katallea naman ay abala sa
kusina katulong ang kaniyang ina.
Katulad ng dati ay halos hindi nakikisalamuha si Geo sa mga dating kaklase niya
kaya nahihirapan ang mga kaibigan ni Katallea na mailayo ito kay Joey at Clarise.
Parang multo sa isipan ng binata ang palo, sipa, suntok at mga matitinding parusa
ng
kaniyang daddy sa tuwing nakikipag-usap siya sa mga babae kaya panay ang iwas niya
sa mga dating kaklase ngunit masigasig ang dalawa na makipag-usap sa kaniya. Isang
malaking hamon sa binata ang labanan ang trumang dulot ng kalupitan na kaniyang
pinagdaanan sa loob ng mahabang panahon.
“Geo, makisama ka naman sa amin,” yaya ni Sandra sa binata. Walang pa ring
alam ang mga dalaga sa mga pinagdaanan ni Geo. Si Katallea ay hindi rin alam ang
buong kwento ng binata. Si Joey na tanging nakakaalam ng lahat ay hindi naman nag
kwento sa mga dalaga.
“I’m fine. Enjoy lang kayo riyan.” Lumayo ang binata sa nag-uusap na
magkakaibigan upang hanapin si Joey.
Natarantang napatayo si Nicole sa kinauupuan niya. Si Sandra ay mabilis na
hinabol si Geo. Napatili pa ng malakas ang dalaga bago mabilis na umakyat ng
hagdan.
“Geo, where are you going?” kabadong tanong ni Sandra. Si Katallea ay
nakapamewang naman habang nakatanaw sa lalaki. Kalalabas lang nito galing kusina at
napalabas lang dahil sa pagtaas ng boses ni Sandra.
“Hahanapin ko lang si Joey. Nakita n’yo ba s’ya?” tanong ng binata. Malakas
ang pakiramdam ni Geo na may hindi tamang nagaganap pero hindi niya mabatid kung
ano iyon.
“Inutusan lang namin si Joey. Makisama ka naman,” sabi ni Nicole. Hinila
pababa ng hagdan ni Sandra ang binata na sumunod naman.
“Masyado kang pabebe. Para kang hindi lalaki kung umasta. Bakit ba takot na
takot ka sa babae?” May allergy ka ba sa amin?” insulto ni Katallea sa binata.
“Katallea, iyang bibig mo ha!” galit na sabad ng ina ng dalaga. May dala itong
merienda sa mga bisita nila. “Irespeto mo naman ang magiging asawa ng kapatid mo!”
Tumulis ang nguso ng dalaga pero hindi umimik. Pinalaki silang magkakapatid
na mataas ang respeto sa magulang. Hindi sila sumasagot sa mga ito. Si Clarise
lamang
ang madalas ay may hirit sa mga magulang nila pero palaging pabiro iyon dahil hindi
sila kailanman pwedeng lumaban sa mga ito.
“Mama, bukas ay pupunta kami sa Resort natin sa Buenica. Isasama namin sina
Geo at Clarise,” wika ni Katallea.
“Masama sa mga ikakasal ang gumala. Pamahiin natin iyan, Katallea,” tutol ng
ina ng dalaga.
“Matagal pa naman po ang kasal nila. Baka pwede pa naman po silang
mag-enjoy kasama kami. Itong si Geo kasi matagal naming naging kaklase iyan pero
hindi namin siya naka-bonding kahit kailan. Since magiging bayaw ko na siya siguro
dapat maging at ease na kami sa isa’t isa,” mahabang paliwanag ng dalaga.
“Tanungin mo sila kung gusto nilang sumama. Sabagay medyo matagal pa nga
naman ang kasal nila,” pagkuwan ay sang-ayon ng ginang.
Kumislap ang mga mata ni Katallea. Samantalang si Geo ay mabilis namang
pumayag ng kinulit nina Sandra at Nicole. Hindi pa kasi niya naranasan ang
makipag-bonding sa kahit kaninong babae. Madalas ay mga kapamilya lamang niya ang
nakakasama niya sa mga outings.
Malaki ang takot ni Katallea sa ama ni Geo. Alam niya kung gaano kahalaga sa
lalaki ang kontratang iniwan ng magulang nito pero handa na si Katallea sa
kalalabasan
ng plano n’ya. Ililigtas niya si Clarise mula sa pamilya Arevalo dahil masamang tao
ang
ama ni Geo at baliw naman ang lalaki.
“Iyon lang ba talaga ang dahilan?” tanong ng isang bahagi ng isip ni Katallea.
“Mukhang ang lalim naman ng iniisip mo,” tapik ni Sandra sa balikat ni Katallea
ng maiwan silang tatlong magkakaibigan. Si Geo ay hindi na napigilang umakyat sa
silid ni Clarise. Si Joey ay masayang nakikipagkwentuhan na sa ama ni Katallea.
“Nasaan si Clarise?” tanong ni Sandra.
“Naroon sa kusina kasama si Mama. Siya na ang pumalit sa akin doon,” sagot ni
Katallea.
“Are you sure na magtatagumpay ang plano mo, Katallea? What if…”
“Magtatagumpay tayo. Hindi pwedeng hindi dahil wala na tayong ibang chance
pa,” putol ni Katallea sa sasabihin pa sana ni Nicole.
“Kinakabahan ako. Ma-impluwensiya si Don Arman, tuso ang matandang iyon.
Kapag hindi siya pumayag na ikaw ang pumalit kay Clarise baka pati negosyo ng
pamilya namin ay malagay sa alanganin.”
“Oh, my God! What kind of mentality is that, Nicole?” iritadong tanong ni
Sandra.
“Girls, pwede namang huwag niyo akong tulungan. Kung natatakot kayo para sa
family n’yo...I understand both of you.” Pilit pinaniniwala ni Katallea ang sarili
niya na
kaya niya ang lahat ngunit ang totoo ay natatakot rin siya para sa sarili at sa
pamilya
niya.
“Tutulungan ka namin, Katallea. Kahit hindi mo sabihin alam naman naming
bukod sa kaligtasan ni Clarise, gusto mo talagang makasama habang buhay si Geo my
love mo,” tudyo ni Nicole.
“Umamin ka na, Katallea. Gusto mo pa rin siya, di ba?” pang-aasar din ni Sandra.
“Hindi na paghihiganti na lang ang pakay mo ngayon kay Arevalo.”
“Tigilan n’yo nga ako. Wala na sa plano ko ang paghihiganti kay Geo. Kapatid
ko ang priority ko. Aanhin ko pa ang yaman na pinaghirapan ko kung panonoorin ko
lang ang kapatid ko habang nalalagay siya sa alanganin.”
Masusing pinag-usapan ng tatlo ang kanilang plano habang sina Joey at Clarise
ay naghahanda na rin. Pinaplano ng dalawa kung ano ang gagawin upang hindi matuloy
ang kasal nina Geo at Clarise kung sakaling pumalpak si Katallea sa plano rito.
“Ayaw kong traydorin ang kaibigan ko pero para sa’yo handa kong gawin ang
lahat kahit kapalit ang matagal na naming pinagsamahan,” wika ni Joey.
“Natatakot ako para sa ate ko pero hindi ko talaga kaya. Love, paano kung…”
Hindi na pinatapos ni Joey ang kasintahan sa sasabihin nito. Ayaw niyang mag-alala
ang dalaga. Naniniwala si Joey na magiging matagumpay si Katallea.
Kinabukasan ay maagang umalis ang grupo nina Katallea papunta sa resort nila.
Nangangatog ang tuhod ng dalaga pero hindi niya iyon ipinahahalata lalo na sa
kapatid
niya. Bigla niyang kinabig si Clarise na nasa tabi lang niya sa loob ng sasakyan at
masuyong niyakap ito.
“I love you so much,” bulong niya sa kapatid. Gustong kumawala ng luha sa
mata niya kaya isinubsob ng dalaga ang mukha niya sa batok ng nakababatang kapatid
niya.
Tahimik lang si Clarise habang tinatapik-tapik ang braso ng kapatid niyang
nakapulupot sa katawan niya. Ito ang huling araw na mayayakap siya ng ganito ng ate
niya at hindi niya alam kung kailan sila muling magkikita.
Pigil ang mga luha, isinandal ni Clarise ang ulo niya sa balikat ng kapatid niyang
ngayon ay umayos na ng upo. Kinuha niya ang kamay ni Katallea at pinisil iyon tanda
ng pasasalamat at matinding pagmamahal. Pagmamahal na patuloy na magbibigkis sa
kanilang dalawa kahit paghiwalayin man sila ng tadhana.
Pagdating sa resort ay nabighani sina Sandra at Nicole sa malaparaisong ganda
nito. Ang puting buhangin ay kumikislap kapag tinatamaan ng araw. Ang mga bakawan
ay parang inayos ng mapagpalang kamay dahil sa ganda ng pagkakahilera nito.
Maraming mga cottages sa paligid ngunit may isang pinakamalaki. Iyon ay eksklusibo
lamang sa pamilya ni Katallea.
Isa ang resort sa naipundar ng dalaga. Marami palaging naliligo roon pero dahil
sa espesyal na araw na ito ay sinabihan ni Katallea ang mga tauhan niya na i-
reserve sa
kanila ni Clarise ang araw na iyon para walang ibang tao.
Pinilit ng lahat na maging masaya ang maghapon nila habang walang tigil sila sa
pagtampisaw sa malamig na tubig ng dagat. Kinuha ni Katallea ang pagkakataon na
iyon para makasama sa huling sandali ang kapatid niyang mamayang gabi ay tatakas
kasama ni Joey.
“Mag-iingat ka ha. Hindi ako magpapalit ng number para matatawagan mo ako
palagi. Kahit anong mangyari sa mga susunod na araw, huwag kang babalik sa atin,”
bilin ni Katallea sa kapatid.
“Salamat, Ate. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan. Mabuti na lang
ikaw naging kapatid ko,” wika ni Clarise.
Mula sa malayo ay tinatanaw ni Geo ang magkapatid na San Sebastian. May
inggit na naramdaman ang binata. Kahit kailan ay hindi niya naranasan ang magkaroon
ng kapatid, ng karamay at higit sa lahat ng magmamahal sa kaniya.
Muling umalsa ang galit sa puso ng binata. Ang babaeng pakakasalan niya ay
malayang-malaya at busog sa pagmamahal sa mga panahong siya ay nagdurusa dahil sa
kontratang ginawa ng mga lolo nila.
Buo ang isip ni Geo na hindi siya papayag na mapalitan ni Katallea si Clarise
bilang asawa niya. Bukod sa maruming babae si Katallea ay gusto niyang iparanas kay
Clarise ang parusang tinanggap niya sa loob ng mahabang panahon.
“P’re, sigurado ka bang si Clarise talaga ang pakakasalan mo? Alam kong
minahal mo si Katallea noon kaya nga halos patayin ka ng daddy mo dahil sa kaniya.
Pag-isipan mong mabuti ang desisyon mo,” sabi ni Joey sa tahimik lang na si Geo.
“Sigurado ako, Joey. Kung puso kasi ang gagamitin ko, sa huli talo pa rin ako.
Matagal na akong nagdusa kaya panahon na para maging malaya ako.”
“Special si Katallea. She’s an extraordinary woman. Baka pagsisihan mo iyan,
p’re.”
Hanggang sa huli ay ayaw rin ni Joey na traydurin ang kaibigan kaya pilit niyang
kinukumbinsi ito ngunit bigo ang binata.
Lumapit sina Sandra at Nicole sa magkapatid. Umupo sila sa puting buhangin sa
harapan ng dalawa.
“Are you guys ready?” tanong ni Nicole.
“Natatakot ako,” pag-amin ni Clarise.
“Kailangan maging matatag ka rin tulad ng ate mo. Kapag nagtagumpay tayo,
don’t forget the sacrifices of your ate, ha,” paalala ni Sandra kay Clarise.
Tumango si Clarise at sabay-sabay silang tumayo upang ilabas ang huling alas ni
Katallea.

KATALLEA CHAPTER 15
Bumaha ng alak sa resort at masaya iyong pinagsaluhan ng grupo nina Katallea.
Kahit napipilitan lang at hindi komportable si Geo sa mga dating kaklase ay
nakisama
na rin siya dahil sa pamimilit ni Joey.
“Inom ka lang, p’re. Sulitin nating wala ang daddy mong hukluban,” sabi pa ng
kaibigan niya.
“Joey, lasing na ako,” tanggi naman ng binata ngunit panay naman ang lagok
nito ng mga tagay sa kaniya.
“Minsan lang ito, p’re. Sa buong buhay mo, ngayon mo lang naranasan ito kaya
sige lang p’re/”
“Tama, uminom tayo! Magpakalasing tayo sa alak na ito!” Tumayo si Sandra at
sumabay sa saliw ng musikang pumaimbabaw sa malakas na tawanan.
Paunti-unti lang na sumisipsip ng alak si Katallea. Halos hindi niya bitawan ang
kapatid na simula pa kanina ay nakakulong na sa mga bisig niya. Nararamdaman ng
dalaga ang tensyon ni Clarise kaya pilit niya itong pinapakalma.
Habang nag-iinuman sina Geo, Joey, Sandra at Nicole sa isang cottage ng resort
ay nagpaalam pansamantala sina Katallea at Clarise. Hudyat iyon para sa susunod na
hakbang. Pasimpleng nilagyan ni Joey ng pampatulog ang baso ng lasing nang si Geo.
“Ate, I’m sorry kung kailangang ikaw ang humarap ng lahat ng ito.”
Humahagulgol na sabi ni Clarise habang nakayakap siya kay Katallea.
“Mag-iingat ka palagi. Mahal ka ni Ate. Huwag mong pababayaan ang sarili mo,”
sabi naman ng dalaga. Pinunas pa niya ang butil ng mga luhang patuloy na
naglalandas
sa pisngi ng kapatid.
“Parang hindi ko kayang iwan kayo sa sitwasyong ganito. Diyos ko po, tama po
ba ang gagawin ko?”
“Oo, Clarise, tama ito. Hindi ako papayag na habang buhay na matali ka sa
lalaking hindi mo gusto.” Pilit kinukumbinse ni Katallea ang dalaga dahil
pinanghihinaan ito ng loob.
“Paano ka, ate? Paano kung magalit sina Mama at Papa kapag nalaman nila ang
gagawin ko?”
“Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila.”
Maya-maya ay dumating si Joey. Mahigpit na hinawakan nito ang kamay ng
kasintahan. Alam niya kasalanan ang gagawin niya sa kaibigan pero hindi siya
papayag
na magparaya. Mahal niya si Clarise at handa niyang ipagpalit ang ilang taong
pinagsamahan nila ni Geo para sa dalaga.
“Joey, ikaw na ang bahala kay Clarise. Ingatan at mahalin mo ang kapatid ko.”
“Huwag kang mag-alala. I will protect her no matter what,” sagot ng binata.
Mahigpit na niyakap ni Katallea ang nakababatang kapatid. Kasabay noon ang
pagtulo ng luhang kanina pa walang tigil sa pag-agos.
“Sige na, umalis na kayo at may gagawin pa kami. Clarise, tawagan mo ako
anytime na may problema ka,” pagtataboy ni Katallea sa magkasintahan.
Labag sa loob na sumakay ng sasakyan si Clarise. Panay ang flying kiss nito sa
kapatid niya habang hilam ng mga luha ang mata nito. Gustong sumabog ng puso ni
Katallea. Ang sakit kasi noon na para bang pinipiga ng paulit-ulit.
“I love you, Ate. Thank you.” Iyon ang huling salita ni Clarise bago isara ang
pinto ng kotse at umalis na ito.
Naiwan si Katallea na tinatanaw ang papalayong sasakyan. Hinawakan niya ang
tapat ng kaniyang dibdib dahil hindi niya mapigilan ang kirot na nagmumula roon.
“I love you too, Clarise. Mahal na mahal na mahal ka ni Ate. Para sa’yo kapatid
ko, handa na akong harapin ang delubyo ng buhay ko,” bulong ng dalaga habang
pinupunas ng likod ng isang palad niya ang mga luhang nag-uunahan pumatak.
“Stop crying,” sabi niya sa sarili. “You have to be strong. You have to finish this
bago pa magising si Geo.”
Patuloy na pinahid ng dalaga ang mga luhang kanina pa binabasa ang maganda
niyang pisngi habang mapait na ngumiti ito. Bumalik siya sa cottage kung nasaan ang
mga kaibigan niya at si Geo.
“Where is he?” tanong niya sa mga kaibigan.
“He’s ready for your first night,” biro ni Sandra.
Agad na siniko ni Nicole ang katabing palabiro bago tumingin ng diretso kay
Katallea. Inaarok ng dalaga kung buo na ba talaga ang loob ng kaibigan nila.
“Kapag itinuloy mo ito, wala ng atrasan pa. Sigurado ka ba?” tanong ni Nicole.
Tumango si Katallea. Hindi siya lasing maging ang mga kaibigan. Sinadya nilang
dayain si Geo para maisakatuparan ang plano nila.
Pagpasok sa silid ay agad na naghubad ng mga suot niya si Katallea. Wala siyang
itinira maliban sa lace panty niya. Nagkunwari siyang natutulog habang nakaunan sa
balikat ng nakahubad na ring si Geo. Nakatagilid siya paharap sa binata. Naglagay
siya
ng kaunting espasyo para hindi madikit ang hubad niya katawan sa lalaki.
Tulog na tulog na ang binata dahil sa matinding kalasingan at sa kaunting
pampatulog na inilagay ng kaibigan nito. Hindi nagising ang binata kahit sobrang
likot
ni Katallea at naghahagikgikan ang mga kaibigan nito. Mabuti na lang at hinubaran
na
ni Joey ang kaibigan bago nito itinakas ang kapatid niya kaya hindi na rin
nahirapan
ang mga dalaga na gawin iyon.
Suminyas si Katallea kina Nicole at Sandra na okay na ang posisyon niya at sa
isang iglap ay may larawan na sina Katallea at Geo na magkasamang natutulog habang
parehong hubo’t-hubad.
Nagbago muli ng posisyon niya si Katallea. Humilata siya sa kama at sa tulong
ng mga kaibigan niya nagawa nilang maiposisyon si Geo nang nakatagilid at nakayakap
sa kan’ya habang nakaunan pa rin siya sa balikat ng binata.
Kumuha rin sina Katallea ng larawan na nakadagan naman sa kaniya si Geo. Sa
sobrang galing ni Sandra sa camera ay nagawa nitong makatotohanan ang lahat.
Pagkatapos ng pictorial ay pinalabas ni Katallea ang mga kaibigan niya.
Magdamag ay binantayan niya si Geo. Panay ang dasal ng dalaga na sana maging okay
ang lahat paggising ng binata.
Pakiramdam ni Katallea ay napakabagal ng oras. Umuupo, tumatayo, lumalakad
siya sa kahit saang parte ng kwarto kung saan sila naroon ni Geo. Ang malamig na
hangin na nagmumula sa electric fan at sa dalampasigan ay banayad na dumadampi sa
balat ng dalaga dahilan para lalo siyang mangatog. Kahit nakasuot siya ng robe ay
kumuha pa siya ng isa pang extra kumot upang ibalot sa katawan niya.
Bawat pagkilos ni Geo ay biglang napapatakbo si Katallea sa tabi nito upang
humiga ngunit tatayo siyang muli kapag natiyak na tulog pa ang binata. Pagsapit ng
ala-singko ng madaling-araw ay tuluyan ng humiga si Katallea sa tabi ng binata.
Batid
niyang anuman oras ay magigising na si Geo.
Dahil sa sobrang pagod at antok ay tuluyang nakatulog si Katallea sa tabi ni Geo.
Nang magising ang binata at nakita si Katallea sa tabi niya ay biglang sumilay ang
malaking ngiti sa labi nito. Wala sa loob na hinaplos nito ang mukha ng nahihimbing
na
dalaga. Ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ni Katallea ay marahang
inalis
ng mga daliri ng binata.
Dahan-dahang inilapit ni Geo ang mukha niya sa dalaga. Hindi niya kayang
tanggihan ang mapulang labi nito na bahagyang nakaawang at tila ba inaanyayahan
siyang muli itong tikman.
“I love you,” bulong ng puso ng binata.
Ngunit bago pa maglapat ang labi ng dalawa ay biglang bumukas ang pintuan.
Iniluwa roon sina Sandra at Nicole na agad na naghihiyaw ng makita ang eksena.
Napabalikwas si Katallea ng bangon at binalot ang sarili niya ng kumot.
Nahantad naman ang katawan ng binata kaya dali-dali niyang kinuha ang isang unan.
“Kunwari ka pang a-ayaw-ayaw, Geo, type mo naman pala itong kaibigan namin.
Balak mo pa siya pagsamantalahan habang natutulog siya. Aba! Hindi na pala natin
kailangan ang mga pictures na kinuha natin kagabi, Katallea.” Nakataas ang kilay si
Sandra habang sinasabi iyon.
“What do you mean? What pictures?” maang na tanong ng binata.
“These…” Hinablot ni Sandra ang mga larawan sa kamay ni Nicole at inihagis
iyon sa mukha ni Geo.
“Hindi ko pinagsamantalahan si Katallea at lalong...Ano ‘to?” Hawak ng binata
ang mga larawan at halos magdikit na ang mga kilay nito sa sobrang pagkakunot.
“Hmmm, don’t deny it. We caught you kissing Katallea. We’ve recorded
everything.” Iniangat ni Nicole ang hawak na cellphone kung nasaan ang video. “So,
it’s your decision now, whether you’re gonna pursue the wedding with Clarise or
you’re
going to marry our friend.”
“Where is Clarise?” tanong ulit ng binata.
“Oh-oh, kagabi pa siya masaya sa piling ni Joey. Walang hiya ka rin kasi,
bestfriend mo iyong tao pero hindi mo alam na ang babaeng pinakamamahal niya ang
pilit mong kinukuha,” galit na sabi ni Sandra.
“Girlfriend?! He never mentioned anything about Clarise. Ang alam ko, may
ibang pakakasalan ang gag*ng iyon.”
Tahimik lamang si Katallea sa isang tabi habang nakikinig sa usapan ng mga
kasama niya sa silid. Ang lakas ng loob na dati’y inipon niya ay tuluyang naglaho
sa
isang iglap. Nanginginig ang tuhod niya at pinagpapawisan ng malamig ang paa at
kamay niya.
“Trinaydor n’yo ako.” Namumulang sabi ng binata at tiningnan ng matalim si
Katallea. Napayuko naman ang dalaga habang naghahapuhap ng sasabihin.
“I’m sorry, Geo.” Iyon lang ang tanging nasambit ng natatakot na dalaga.
Ngayon lang kasi sumagi sa isip niya ang posibleng masamang mangyari sa pamilya
niya.
Ngumisi si Geo ngunit sa isang iglap ay umamo muli ang mukha nito. Mataman
niyang tinitigan si Katallea bago nagsalita.
“Are you ready to face the consequences, huh?”
“Yes, I am. Kung ayaw mo akong pakasalan, okay lang. Take all my investments.
Sanay ako sa hirap pati na rin ang mga magulang ko. Just let Clarise go. I love
her, hindi
ako papayag na gawin mo sa kan’ya ang mga sinabi mo sa akin,” matatag na sabi ni
Katallea.
“Pwede bang lumabas muna kayo?” sabi ng binata kinsa Sandra at Nicole.
Tumingin ang magkaibigan kay Katallea. Tumango ang huli senyales na okay
lang sa kaniya ang maiwan. Atubili man ay napilitan ang dalawa na hayaan ang
kaibigan kaya lumabas na rin sila ng silid.
Pagkalabas nina Sandra at Nicole ay mabilis na nagbihis si Katallea ng damit
niya. Wala siyang pakialam kung mahantad kay Geo ang malusog niyang dibdib. Si Geo
ay nagbihis na rin. Sinadya rin ng lalaki na ipakita sa dalaga ang namumutok niyang
abs. Pagkatapos, ilang segundo na wala halos imikan ang dalawa. Kaniya-kan’ya
silang
upo sa magkabilang bahagi ng kama.
“What now?” sabay na tanong nila sa isa’t isa. Sabay rin silang humarap kaya
nagtama ang kanilang mga matang hindi maitago ang damdaming pilit nilang sinisikil.
“You first,” sabi ni Katallea.
“No, you first. Ikaw kasi ang babae,” sabi naman ng binata.
Hindi umimik si Katallea. Gusto kasi niyang marinig muna ang saloobin ng
binata bago siya magsalita. Natatakot kasi sa maaring maging desisyon nito.
Tumayo ang binata at pumunta sa kabilang bahagi ng kama kung nasaan si
Katallea. Lumuhod ito sa harapan ng dalaga sabay wika ng, “Will you marry me?”

KATALLEA CHAPTER 16
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Geo sa nakayuko pa ring si Katallea.
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang dalaga at agad niyang tinanggap ang alok ni Geo
na kasal. Alam kasi niyang iyon ang tanging paraan para sa katahimikan ng lahat.
Naguguluhan man sa biglaang mga pangyayari ay nakisakay na lang si Katallea.
“Bahala na,” sabi ng isip niya. Ang importante para sa kaniya ay ang kaligtasan at
kaligayahan ng buong pamilya niya.
Pinulot ni Katallea ang mga larawan na nagkalat sa sahig. May mga extra copies
pa sila noon pero dahil walang magawa ay sininop na lang iyon ng dalaga. Gusto kasi
niyang magawa kahit paano para mabawasan ang tensyon na nararamdaman niya.
“Kat,” tawag ni Geo. Napaangat ang mukha ng dalaga dahil wala pang
tumatawag sa kaniya noon maliban sa binata. Karamihan kasi sa mga kakilala niya ay
Katallea kung tawagin siya. Kasing tunog raw ng pangalan ng bulaklak ang pangalan
niya kaya mas magandang buo iyon bigkasin.
“Anong tawag mo sa akin?”
“Kat. Bakit ayaw mo ba?” Lumapit ang binata at hinapit nito sa bewang ang
dalaga.
“Hindi naman sa ayaw ko. Na-sorpresa lang ako.”
Pasimpleng kumawala si Katallea sa bisig ng binata para hindi ito magalit o
maghinala na hindi siya komportable sa ginagawa nito. May kung ilang milyong
boltahe rin kasi ng kuryente ang biglang dumaloy sa katawan niya nang magkadikit
sila
ng binata.
“Kung wala na tayong pag-uusapan baka pwedeng lumabas na ako. Tiyak
naghihintay na sina Sandra at Nicole sa sasabihin ko.” Nagdahilan na lang ang
dalaga
para makaiwas at makalayo kay Geo. Palaisipan kasi sa kan’ya ang pagbabago ng
pakikitungo nito.
“Go ahead, love. Susunod ako,” sagot ni Geo.
“L-lo-ve?!” Hindi makapaniwala si Katallea sa endearment ng binata sa kan’ya.
Kinilabutan ang dalaga ng marinig iyon kaya biglang umasim ang mukha niya.
“Just call me Katallea. I’m good with that,” sabi ng dalaga bago tuluyang
lumabas ng silid dala ang mga larawang pinulot niya.
Wala ang mga kaibigan ni Katallea ng lumabas siya ng kwarto. Inilibot niya ang
mga mata sa paligid upang hanapin sila ngunit hindi niya sila natagpuan.
Lumabas ng cottage ang dalaga at humigop siya ng kaunting hangin. Huminga
siya ng malalim dahil pakiramdam niya ay kinakapos siya ng oxygen dahil sa bilis ng
mga pagbabago. Ang tingin ni Katallea sa mala-paraisong dagat sa harapan niya ay
isang nakapapasong apoy na anumang oras ay pwede siyang lamunin.
Ang inaasahan kasi ng dalaga ay isang galit at nagwawalang Geo Arevalo ang
bubungad sa kaniya. Pinaghandaan na niya ang mga masasakit na salitang pwedeng
ibato nito sa kaniya kahit kanina ay parang biglang inanod lahat ng tubig ang mga
katagang inihanda niyang sabihin sa binata.
“Kumusta? Anong nangyari sa usapan n’yo?” si Nicole. Nabigla pa siya ng
biglang sumulpot ang mga kaibigan niya mula sa kung saan.
“May ginawa ba siya sa’yong hindi maganda? Pinagsalitaan ka ba niya ng
masasakit? Sabihin mo lang kung…”, Mababakas sa tono ni Sandra ang labis na
pag-aalala.
“Ikakasal na ako!” Mahina ang pagkabigkas ng dalaga ngunit sapat iyon para
marinig siya ng dalawa.
“Expected na namin iyan. Hindi ba, ginawa natin ang lahat para lang mailigtas
mo si Clarise sa pesteng arranged marriage na iyan ng pamilya n’yo ni Geo. Hello,
kagabi lang nangyari iyon, ‘no!” nakangiwing sabi ni Sandra.
“No, hindi s’ya katulad ng inaakala natin. Geo, proposed to me. Hindi siya
nagalit o nagwala dahil sa ginawa natin. He was calm during our conversation.”
“Really?! That’s good news!” Masayang niyakap ng dalawang babae si Katallea
ngunit parang nakatulos lamang ito.
“Anong itsura iyan? Is there something bothering you?” naguguluhang tanong ni
Nicole.
“Hindi ko alam. Nanibago ako kay Geo,” sagot ni Katallea.
“He loves you. Believe me, mahal ka n’ya. Kaninang umaga ang tagal ka niyang
pinagmasadan habang tulog ka. Alam namin nito ni Nicole na punong-puno ng
pagmamahal ang bawat paghaplos niya sa mukha mo.” Kinikilig si Sandra habang
sinasabi iyon.
“Ako ba ang topic n’yo?” Halos mapatalon si Katallea sa pagkabigla ng marinig
niya ang baritonong boses ni Geo.
Paglingon niya ay nakangiti itong dahan-dahang lumalapit sa kanila. Parang
biglang tumigil ang mundo ng dalaga.
“Darating sina daddy at mommy ngayong araw para pag-usapan ang iba pang
detalye ng kasal. Is it okay ba kung umuwi na tayo?” sabi ng binata.
Biglang nawalan ng kulay ang mukha ni Katallea. Kung wala siyang naging
problema kay Geo ay baka kabaliktaran naman sa ama nito. Humawak siya sa katabing
si Nicole dahil parang mabubuwal siya sa pagkakatayo.
“Are you okay?” bulong ni Nicole. “Don’t worry, kaya mo silang harapon.”
Tumango si Katallea. Tinapik niya ng bahagya ang kaniyang pisngi dahil parang
namamanhid iyon dahil sa sobrang pag-aalala niya.
Lumapit si Geo kay Katallea at hinawakan ang kamay nito. ‘We’ll explain
everything to them. Don’t worry, I’ve read the first page of the contract and pasok
pa
rin ang gagawin natin doon.”
Napatingin si Katallea sa gwapong lalaki sa harapan niya. Pilit niyang inaarok
ang nasa isip nito pero wala siyang makitang kahit ano man mula roon.
Nanatili pa ng ilang oras sa resort ang apat bago sila nagpasya na umuwi. Panay
ang tukso kay Katallea ng mga kaibigan dahil sa nakikita nilang sobrang
paglalambing
dito ni Geo. Ang kahapong parang lion na lalaki ay naging biglang parang maamong
tupa sa isang iglap.
“Asan si Clarise?” nag-aalalang salubong sa kanila ng ina ni Katallea.
“Ma, umalis po si Clarise kasama ni Joey. Nagtanan po ang kapatid ko.”
Dahil sa narinig ay biglang napasugod si Mang Nestor sa grupo ng mga bagong
dating. “Ano’ng sinabi mo, Katallea?”
“I’m sorry, Pa. Umalis na po si Clarise,” mahinang sabi ni Katallea. Natatakot
siya sa ama kaya sumiksik siya sa likuran ni Geo.
“Don’t worry po, tito. It’s okay with me. Si Katallea na lang po ang pakakasalan
ko,” sabi ng binata sa natigilang si Nestor.
“That can’t be!” sigaw ni Anastasia. “Hindi pwedeng mapasukan ang pamilya
natin ng isang pokp*k.”
“Bakit narito si Ms. Montimar?” tanong ni Katallea.
“She’s my cousin,” Bulong ni Geo.
Nagpupuyos si Don Arman ng malamang magpapakasal na si Geo kay Katallea
sa halip na kay Clarise.
“Makakasira siya sa negosyo natin!” Galit ring sabi ni Don Arman.
Mas naunang dumating ang pamilya ni Geo kesa sa kanila kaya narinig agad nila
ang ginawa ni Clarise. Hindi rin inaasahan nina Katallea na darating si Anastasia
dahil
ang alam nila ay nasa ibang bansa pa ang dati nilang guro kasama ang asawa nito.
“Okay, fine! Ayaw n’yo ba talaga kay Katallea? If that’s the case, then walang
kasalang magaganap. At dahil tayo ang tumanggi, ibibigay natin ang isang daang
porsyento ng kayamanan natin sa pamilya nila,” sabi ni Geo sabay ang hawak sa kamay
ni Katallea.
Tahimik lang na nakikinig ang mga magulang ni Katallea habang sina Sandra at
Nicole ay pasimpleng pumasok sa loob ng bahay. Nasa may gate pa kasi ang buong
grupo at doon nagtatalo-talo kung ano ba talaga ang tama para sa parehong pamilya.
“Tito, she will ruin the family’s reputation. Ang tagal nating inalagaan ang
pangalan natin para sirain lang ng isang slut!” Galit na galit si Anastasia habang
patuloy na sinusulsulan ang ama ni Geo.
“Let me think first. Ernesto, I can’t give you my properties, but I don’t like
Katallea to be my daughter-in-law. Now, what should we do?”
“Susundin natin ang kontrata. Kailangang mahanap rin ang ibang pahina noon,”
matatag na sabi ng ama ni Katallea.
“P-pero, Papa…” tutol ni Katallea. Hindi rin kasi sigurado ang dalaga kung gusto
niya ring makasal kay Geo. Infatuation love or crush lang ang nararamdaman niya
noon
sa binata at dahil sa ginawa nito noon ay agad iyong napalitan ng galit at
pagkamuhi sa
lalaki.
“Hanapin si Clarise!” biglang sabi ni Don Arman. “Tama, ipapahalughog ko ang
buong Pilipinas! Sisirain ko rin ang pangkabuhayan ng pamilya ng lalaking sinamahan
niya!”
Ang kabang kanina pa pilit na sinusupil ni Katallea ay lalo siyang nilulunod
subalit para sa pamilya ay bigla na lang umalsa ang galit sa puso niya.
“Subukan mo, Don Arman. Hindi ako mangingiming ilabas sa lahat ng social
media sites ang mga larawang ito!”
Inihagis ni Katallea ang mga larawan nila ni Geo dahilan para isa-isa iyong
malaglag sa semento.
“Wala kang karapatang makipagmatigasan sa akin!” malakas na sigaw ng Don
sabay duro sa dalaga. Nakakatakot ang itsura nito ngunit hindi nagpatinag si
Katallea.
“Huwag mong kalimutang nasa pamamahay kita, Arman! Huwag mong sigawan
ang anak ko sa mismong harapan ko!” Kuyom ang palad na sigaw ni Mang Nestor.
Naging sobrang tensyonado ang paligid. Ang mga ginang ay panay ang himas sa
likod at braso ng mga asawa nila para pakalmahin ang parehong padre de familia.
“Kapag sinira mo po ang buhay ng nobyo ng kapatid ko, sisirain ko rin ang
buhay ni Geo! Hindi lang iyon, peti negosyo n’yo ay siguraduhin kung masisira. Dati
na
akong sikat sa internet world kaya tiyak ay pag-uusapan ng lahat ang ano mang
sasabihin ko,” punong-puno ng determinasyon ang katagang iyon ng dalaga.
Walang nakapansin sa biglang pagdilim ng anyo ni Geo. Ang mga kamao ng
binata ay nakakuyom lamang habang nakikinig sa usapang ng lahat.
“Okay, sige! Ipalit natin si Katallea kay Clarise, pero dapat magkaroon tayo ng
mga bagong condiciones para hindi kami madehadong muli.”
Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Katallea ng marinig ang pagsuko ni Don
Arman. Ipinangako niya sa sariling gagawin niya ang lahat para kay Geo at sa
pamilya
nito bilang pasasalamat sa kalayaan ng kapatid niya.
Pagkatapos ng sigawan at masasakit na salita ay parang walang nangyari na
pumasok sina Don Arman at Mang Nestor sa loob ng bahay. Kasunod ng mga ama ng
tahanan ang kanilang mga asawa.
Naiwan naman sina Geo, Katallea at Anastasia sa labas. Walang ano-ano ay
biglang humarap ang binata sa dalagang nasa likuran niya.
“I’m proud of you, love,” sabi ng binata bago nito niyakap ng ubod higpit ang
nagulat na dalaga.
Umismid si Anastasia sa nakitang ka-sweet-an ng dalawa. Nakangisi itong
tumingin kay Katallea bago nagsalita ng, “Kahit damitan ka ng mamahaling mga damit
ay mananatili ka pa ring basahang walang silbi sa nakararami!”
“Stop, Anastasia!” saway ni Geo sa pinsan niya. “You know how much I love her.
Huwag na huwag kang magkakamaling pagsalitaan ng hindi maganda ang fiancee ko.”
Kinilig si Katallea sa narinig. Hindi niya inaasahan na ipagtatanggol siya ngayon
ni Geo sa pinsan nito dahil noong nag-aaral pa sila ay walang pakialam sa kaniya
ang
binata kahit grabe kung ipahiya siya ng dating guro.
“Are you happy, Katallea?” taas ang kilay na tanong ni Anastasia. “Huwag ka
munang magsaya dahil maagang matatapos ang pantasya mo!”
“I said, stop!” malakas na sabi ni Geo kaya napatigil si Anastasi sa pagsasalita.
Marami pa sana itong gustong sabihin pero dahil sa galit ni Geo ay nagmartsa na ito
papasok ng bahay ng mga San Sebastian.
Naiwan naman sa labas ang dalawa na wari nagpapakiramdaman kung ano ba
talaga ang totoong damdamin sa bawat isa.

KATALLEA CHAPTER 17
“Good morning!” Marahang iminulat ni Katallea ang mata niya. Napahimbing
siya ng tulog dahil hindi siya nakatulog ng maayos sa resort sa labis na pag-
aalala.
“Bakit narito ka sa kwarto ko?!” galit na tanong ni Katallea ng mapag-sino niya
ang bumati sa kaniya.
“Love, ang aga-aga para magalit. Bumangon ka na riyan kasi kakain na tayo.”
Napasulyap si Katallea sa tray na nasa ibabaw ng cabinet na malapit sa kama
niya. May nakapatong pang pulang rosas sa ibabaw noon.
Kinuha ni Geo ang bulaklak at inabot iyon sa dalagang hindi pa rin bumabangon.
Samantalang titig na titig lang si Katallea sa binata.
“What is it for?” tanong ni Katallea.
“Should I have a reason to give you a flower?” tanong din ng binata. “I love
you.”
Parang tinunaw ng mga salitang iyon ang bloke-blokeng yelo na nasa puso ni
Katallea. Nararamdaman niya mabining halik ng binata sa noo niya.
“Mahal mo ba talaga ako, Geo?” tanong ng isip ng dalaga habang kinukuha ang
bulaklak na iniabot nito.
Umupo ang dalaga sa kama, gayon din ang binata. Wala sa loob na dinala ni
Katallea sa labi niya ang bulaklak at masuyong hinalikan iyon habang nakapikit
siya.
Dahil nakaharap si Geo kay Katallea kaya nakita niya ang ginawa ng dalaga.
Napangiti siya sa magandang tanawin sa harapan niya.
“Do you like flowers? I personally picked that from your garden.”
Nang marinig iyon ay biglang nagmulat si Katallea at nalukot ang maaliwalas
niyang mukha. Alagang-alaga niya ang mga bulaklak sa hardin kaya ayaw niyang may
pumipitas noon.
“Sana hindi mo na lang ako binigyan ng bulaklak,” naiinis na sabi ng dalaga.
“Hey, sorry. I asked for permission naman from Tita.”
“Kahit na, tanim ko iyon!”
“Okay, okay, hindi na mauulit.” Itinaas pa ni Geo ang palad niya tanda ng
panunumpa.
Napabuntong-hininga na lang si Katallea. Ayaw niyang makipagtalo sa binata
dahil kahit paano ay malaking tulong ang pagiging kalmado nito sa mga pagbabagong
naganap para sa kasalan.
Sabat na pinagsaluhan ng dalawa ang dalang pagkain ni Geo. Habang kumakain
ay todo asikaso ang binata sa dalaga. Si Katallea naman ay nakikiramdam lang.
Malaking katanungan sa kaniya ang hindi pagwawala ni Geo ng mabatid nito na
tinakasan siya ng mapapangasawa, ang pag traydor ni Joey at maging mga panloloko
nila ng mga kaibgan niya rito.
“Nariyan pa ba ang parents mo at si Ms. Montimar?” tanong ni Katallea.
“Yeah. Anyways, isasama sana kita sa Manila para maasikaso natin ang
kakailanganin natin sa kasal. Kung okay lang sa’yo pwede bang ako na rin ang pumili
ng wedding dress mo?”
Napaisip si Katallea. Kailangan din niyang pumunta ng Maynila para sa isang
business meeting. Dapat sana ay sasabay na siya kina Sandra at Nicole pag-alis nila
kahapon pero dahil sa pagdating ng mga magulang ni Geo ay nagpaiwan siya.
“W-we-dding dress?!” hindi halos rumehistro sa isipan ng dalaga ang mga
katagang iyon. Kahit na buo ang loob n’ya na ipalit ang sarili para sa kaligayahan
ni
Clarise ay hindi niya napaghandaan ang lahat ng ito.
“Yes, your dress for our wedding.”
Napa-oo na lang si Katallea sa mga sinabi ni Geo. Pagkatapos nilang kumain ay
pinalabas na niya ang binata upang makaligo siya bago bumaba at haraping muli ang
mga magulang nito. Hindi pa kasi tapos ang usapan nila tungkol sa pagiging
substitute
bride niya.
Pagbukas ni Katallea ng kaniyang silid ay nagulat pa siya na nakasandal sa pader
sa labas si Geo. Ang guwapo ng lalaki sa suot niyang puting sando at dri-fit na
short.
“Bababa ka na ba?” tanong ng binata at inilahad ang kamay.
Atubili si Katallea kung hahawakan ba ang kamay ng binata o hindi. Dahil sa
nakitang pag-aalinlangan ng dalaga kaya kusa na ni Geo na inabot ang kamay ni
Katallea at magkahawak kamay silang bumaba.
Naabutan ng dalawa na nakaupo na ang lahat sa sala. Maging si Anastasia ay
naroon din. Sa ayos ng pagkakaupo ng pinsan ni Geo ay masasabing may class ito.
Sinulyapan lang siya ni Katallea.
“Good morning, po,” bati ni Katallea bago umupo. Tumabi na rin sa kaniya si
Geo.
“Shall we start now?” maarting tanong ni Anastasia. Halatang naiinip na ang
babae.
“Yes,” maikling sagot ni Geo.
Tahimik lang si Katallea habang nakikinig sa mga plano ng mga magulang nila.
Hiniling ni Don Arman na huwag makita si Clarise sa araw ng kasal. Tutol man si
Mang
Nestor ay pumayag na rin ito.
Maya-maya pa ay may inilabas na papel ang ama ni Geo. Iniabot iyon kay
Katallea para pirmahan daw nila ni Geo. May pumasok pang isang bisita na
nagpakilalang abogado raw ng pamilya Arevalo.
Nawindang si Katallea ng mabasa ang laman ng papel.
“No! I will not sign it!” Padabog na inilapag ni Katallea ang papel sa lamesa
bago tumayo.
Nakasaad kasi roon na lahat ng larawan o video na kinuha ng mga kaibigan ni
Katallea ay itatapon at susunugin na. Hindi iyon pwedeng gamitin ni Katallea laban
kay
Geo pagkatapos ng kasal nila. Isa pang ayaw ni Katallea ay dapat maging submissive
siya sa asawa. Anuman ang desisyon o sasabihin ni Geo para sa kapakanan ng pamilya
ay hindi pwedeng tutulan ni Katallea katulad ng nakalagay sa unang pahina ng
kontrata.
“Hindi ko pipirmahan iyan. Ilalabas ko na lang ang mga pictures namin ni Geo.”
“Hindi mo na pwedeng gamitin iyon Katallea, may video na kami na patunay na
ginawa mo iyan to blackmail us!” galit na sigaw ni Don Arman.
Umalis si Katallea sa harapan ng lahat ngunit sumunod si Geo. Nagpupuyos sa
galit ang dalaga dahil sa laman ng kontrata at prenup conditions. Masyadong one
sided
ang lahat at mababaliw na siya dahil doon.
“Katallea, mag-usap muna tayo.” Mahinahong sabi ni Geo sa dalaga dahil alam
niyang masama ang loob nito. Nasa likod bahay sila dahil doon pumunta ang galit na
galit na dalaga.
“No! Wala tayong pag-uusapan! Kunin mo na lahat ang naipundar ko! Walang
kasalang magaganap.” Hindi na napigilan ni Katallea ang umiyak.
Lumapit si Geo sa dalaga at ikinulong ito sa mga bisig niya. Masuyong hinaplos
ng binata ang buhok ni Katallea.
“Let’s forget about the contract. I love you, sana maniwala ka. The first time I
saw your smile, I couldn’t stop falling in love with you.”
Iniangat ni Katallea ang mukhang hilan ng luha at tiningnan niya sa mata ang
binata.
“Naniniwala ka na bang hindi ako ang mga nasa pictures na kumalat noong
college tayo?”
“Huwag mo nang banggitin iyo. Gusto ko ng kalimutan iyon, pakasalan mo lang
ako. Gusto ko ring maging maayos ang mga pamilya natin at ang pagpayag mo lamang
ang magiging solusyon doon.”
“Masyadong unfair ang kasunduan kaya…”
“Forget about it, please. Tayong dalawa na lang ang mag-usap because tayo rin
naman ang magsasama. Pag-aralan mo rin sana akong mahalin.”
Mababakas ang katapatan sa boses ng binata. Matagal na nag-isip ang dalaga.
Tama si Geo, matutunan niya ring mahalin ang binata o baka nga mahal na niya ito
ngunit hindi niya lang matiyak sa sarili.
“Promise me, hindi natin susundin ang kontrata o anuman laman ng pipirmahan
ko ngayon,” sabi ng dalaga.
“Yes, magtiwala ka sa akin.”
Pinahid ni Katallea ang mga luha niya. Kakapitan niya ang mga salita ni Geo
para sa katahimikan ng lahat. Ayaw niya rin kasing mag-alala pa ang mga magulang
niya. Labis niya silang minamahal kaya para sa pamilya ay handa siyang sumugal.
Pagpasok nina Geo at Katallea sa sala ay nakita ng dalaga ang pag-irap ni
Anastasia. Nakataas ang kilay nito habang parang donya na nakaupo sa harap ng
lahat.
“Nakakairita ang drama n’yo, promise,” parinig nito ngunit walang pumansin sa
kaniya.
Pagka-upo ay agad na kinuha ni Katallea ang papel at ballpen. Ngunit bago niya
pirmahan iyon ay hinawakan ni Mang Nestor ang kamay ng anak.
“Kung hindi mo gustong pirmahan iyan, okay lang anak. Ibigay na lang natin sa
kanila ang lahat. Kakayanin pa naman namin ng Mama mo ang manilbihan sa kanila.”
Ngumiti si Katallea sa ama. Tiniyak niya rito na wala itong dapat ipag-alala sa
kaniya. Habang pinipirmahan ni Katallea ang kontrata ay marami siyang tanong pa rin
sa isipan. Bakit ang Papa at Lolo niya ay pumayag sa one sided na kontrata?
Marahang pumirma si Katallea sa mga dokumento. Pinipigilan niya ang
panginginig ng kamay dahil mataman siyang tinitingnan ng lahat.
“So, we’re done! Ituloy na natin ang preparation ng kasal,” masayang wika ni
Don Arman pagkatapos ibaba ni Katallea ang ballpen na ginamit niya.
Humalakhak pa ang Don habang tahimik ang lahat. Si Geo naman ay masayang
nakangiti. Lumapit ang ina ng binata kay Katallea at niyakap nito ang huli.
“Welcome to the family, iha. I believe you’re innocent.” Bulong ng ginang sa
dalagang tahimik pa rin.
“Thank you po,” tanging nasambit ni Katallea.
Pagkatapos pag-usapan ang mga binagong detalye sa kasalan ay isa-isang umalis
na ang pamilya ni Geo. Si Anastasia ay hindi man lang nagpasalamat sa pamilya ni
Katallea. Taas noo lamang ito sa lahat ng oras na nasa bahay siya ng mga San
Sebastian.
Pagkasakay ng Daddy at Mommy ni Geo sa sasakyan nila ay walang lingon na
pumasok si Katallea sa bahay. Umakyat siya sa kaniyang silid at ini-lock ang
pintuan.
Paglapat ng kaniyang katawan sa kama ay pinakawalan ng dalaga ang luhang
pilit kumakawala. Sinubukan niyang tawagan si Clarise ngunit hindi niya makontak
ito.
May pag-aalalang sumibol sa puso ni Katallea ngunit pinalis niya iyon.
“Clarise, sana kung nasaan kayo ni Joey ay masaya kayo. Magkikita tayong muli,
kapatid ko.”
Ilang katok sa pinto ang nagpatigil sa pagluha ng dalaga. Agad siyang tumungo
sa CR upang maghilamos. Nilakasan niya ang bukas ng gripo upang kung ang mga
magulang man ang kumakatok at biglang buksan ang kaniyang silid ay isipin nilang
may ginagawa lang siya sa banyo.
“Katallea, anong ginagawa mo?” tanong ng kaniyang ina. Tama nga ang dalaga,
gamit ang master key ay pipilitin ng kaniyang ina na buksan ang silid niya upang
tiyakin kung maayos ba ang kaniyang kalagayan.
“Ma, bakit po?” Kunwari ay hindi niya alam ang dahilan ng pagpasok ng ina.
“Ayos ka lang ba?”
“Opo, Ma. Mag si-CR lang muna ako.”
“Oh, sige. Lalabas na ako ha. Gusto ko lang tingnan kung kumusta ka.”
Tumawa ng malakas si Katallea. Ayaw niyang alalahanin siya ng mga magulang
kaya hindi niya gustong ipakita rito ang lungkot at pag-aalalang nasa puso’t isip
niya.
Malaki ang pasasalamat ng dalaga dahil hindi siya pinagalitan ng mga magulang ng
ipinaliwanag niya kung bakit umalis si Clarise.
Ilang minuto pa si Katallea na namalagi sa loob ng cr. Itinapat niya ang sarili sa
bukas na showe habang umiiyak siya. Hindi na siya nag-abalang alisin pa ang suot
niyang damit.
Nang mapagod kaiiyak ay saka lamang nagdesisyon ang dalaga na lumabas ng
banyo. Hinubad niya ang damit at nagtira lamang ng panty at bra.
Pagbukas niya ng pintuan ng CR ay ipinako si Katallea sa kinatatayuan niya.
Naroon si Geo sa silid niya at maningning ang mga matang nakatingin sa kaniya ang
binata.
Kapwa tila tumigil ang mundo ng dalawa sa tagpong iyon hanggang ‘di
namalayan ni Katallea na nakalapit na sa kaniya si Geo at naramdaman na lamang niya
ang mga haplos ng lalaki sa kaniyang pisngi pababa sa kaniyang labi.

KATALLEA CHAPTER 18
Parang napapasong lumayo si Katallea kay Geo at muling pumasok ng banyo.
Isinuot niya ulit ang mga basang damit bago muling lumabas.
Wala na si Geo sa silid niya. Mabilis na tumakbo si Katallea sa pintuan at
ini-lock iyon. Kahit tumutulo ang damit niya ay walang pakialam ang dalaga na
sumandal sa pintuan at hinaplos ang pisngi na kanina lang dinaanan ng palad ni Geo.
“Pagbigyan ko na kaya ang puso ko,” bulong ng isip niya. “Kumalma ka,
Katallea, haplos lang iyon,” patuloy niyang paalala sa sarili.
Ilang oras na namalagi si Katallea sa sili n’ya. Kinikilig siya na ang dating
kaklase ay may lihim sa kaniyang pagtingin ay muntik na siyang halikan. Masayang
nagbihis ang dalaga. Aalis sila ni Geo papuntang Maynila para makipag-usap sa
wedding planner at ganoon na rin para sa business meeting niya. Mula sa bayan ay
aabutin ng limang oras ang biyahe nila. Ibig sabihin, liman oras niyang makakasama
si
Geo sa loob ng sasakyan.
Halata ang pagiging excited ng dalaga. Nagugustuhan niya ang pagiging
malambing ni Geo. Mapagmahal pala ang binata sa kabila ng ugali nito noon.
Habang nasa sasakyan ang dalawa ay tahimik lang si Katallea habang si Geo ay
sinasabayan ang kanta na nagmumula sa stereo ng sasakyan. Habang nagmamaneho ay
panay ang ngiti ng binata sa dalaga habang kumakanta ito. Lihim namang natutuwa si
Katallea.
Pagkalipas ng ilang saglit ay hindi nakatiis si Katallea na itanong kay Geo ang
matagal ng bumabagabag sa kaniya.
“Geo, bakit hindi ka nakikipag-usap sa mga babae noong college tayo?”
Sa unahan ng sasakyan nakatingin si Katallea kaya hindi niya nakita ang biglang
pagbabago ng mukha ni Geo. Ang nakangiting lalaki kanina lang ay nagtangis ang
bagang. Nakamamatay ang titig ng mga mata nito. Ang kamay ng binata ay humigpit
ang hawak sa manibela. Ngunit bigla rin iyong nag-ba sa loob lamang ng ilang
segundo.
“Bawal sabi ni Daddy,” may ngiti sa labing sabi ni Geo.
Napatingin si Katallea sa katabi niya. “Bakit naman? Kaya ka ba niya binugbog
noon sa restaurant dahil sa akin? So, totoo pala na sinaktan ka niya.”
Bago pa man sagutin ni Geo ang tanong ni Katallea ay muntik ng masubsob ang
dalaga sa dashboard ng sasakyan. Mariin kasing naapakan ni Geo ang preno ng
sasakyan.
“Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Geo sa dalaga. “May bigla kasing
tumawid na aso.”
Tumingin si Katallea sa harapan ngunit wala siyang nakita kahit anino ng aso.
May takot na naramdaman ang dalaga ngunit biglang napalis iyon ng makita niya ang
labis na pag-aalala sa mukha ni Geo.
Habang nasa daan sila ay bahagya na lang na nag-usap ang dalawa. Natatakot si
Katallea na baka ma-aksidente pa sila kung patuloy siyang mag-uusisa kahit na gusto
niya sanang malaman kung gagawin pa rin ba ni Geo sa kanya ang banta nito dati na
pagbabayarin si Clarise sa mga pinagdaanan ni Geo.
Nang maalala ang kapatid ay nalungkot si Katallea. Nananalangin siyang sana
magkita silang magkapatid ngayong papunta siya ng Maynila.
Sa isang malaking bahay sa isang exclusive subdivision ipinarada ni Geo ang
sasakyan. Nalula si Katallea sa ganda nito. Isang modern style iyon na
napapalibutan ng
magagandang bulaklak.
“Who’s house is this?” tanong ng dalaga.
“It’s ours. Dito tayo titira after our wedding.”
Masaya silang sinalubong ng isang babaeng nasa edad singkwenta na.
Nagpakilala itong si Yaya Adel. Siya ang daing yaya ni Geo na pinalayas ng ama niya
ngunit muling kinuha ng binata ng lumipat na siya ng bahay. Hindi na tuntutol si
Don
Arman sa pakiusap ng ina niya. Magiliw ang babae kaya tiyak ni Katallea na
makakasundo niya ito.
“Napakaganda mo naman, iha. Ang mga ngiti mo, nakakawala ng pagod sa
matandang tulad ko,” sabi ng babae.
Thank you po, ‘Nay.”
Lalong umaliwalas ang mukha ng babae ng marinig nito ang tawag ni Katallea sa
kan’ya. Magiliw nitong niyakap ang dalaga. “Tumanda akong dalaga, ngayon alam ko
na ang pakiramdam na may tumatawag na nanay sa isang babae.”
Hinawakan ni Katallea ang pisngi ng babae bago nagsalita ng, “Simula po
ngayon, nanay na ang itatawag ko sa’yo.”
“Kaya pala ganoon na lang kung ipaglaban ka ng alaga ko dato sa daddy niya.
Natutuwa akong kayo rin ang magkakatuluyan sa bandang huli.”
Napatingin si Katallea sa nakatayo lang na si Geo. Nagkibit balikat lamang ito.
Nauna nang pumasok si Yaya Adel habang nakaalalay naman si Geo kay Katallea.
“Yaya, bring her to her room,” utos ng lalaki.
“Sige, Geo. Ako ng bahala sa batang ito.” Sumunod na naman si Katallea sa
matanda habang iginagala ang paningin niya sa paligid. Hindi siya makapaniwala sa
ganda ng bahay na titirhan niya sa mga susunod na panahon.
“Regalo ito ng daddy ni Geo sa anak nila. Developer kasi sila kaya nasusunod
nila ang gusto nilang disenyo ng bahay,” paliwanag ni Yaya Adel.
Napatango-tango lang si Katallea. Kahit kaklase niya noon ang binata ay wala
siyang alam sa buhay nito dahil nga sa pagiging mailap ni Geo.
“Maiwan kita rito ha. Magpahinga ka na muna,” paalam ng matanda.
Nagpasalamat naman si Katallea sa kabutihan at kabaitan ng yaya ni Geo.
Lumapit siya sa malaking kama sa harapan niya at inilapat doon ang katawan niya.
“Diyos ko, sana tama lahat ng desisyon ko. Iligtas mo po ang kapatid ko. Sana
magkita kami ngayo'y narito na ako sa Manila.” Ilang beses na sinubukan ni Katallea
na
tawagan ang kapatid ngunit hindi niya ito makontak. “Marahil nagpalit siya ng
number
para hindi siya ma-track ng pamilya ni Geo.”
Bago pa man maidlip ang dalaga ay may kumatok na sa silid niya.
“Katallea, may I come in?” tinig ni Geo.
“Yeah, sure.” Hindi nga pala niya nai-lock ang pintuan kanina.
Pagpasok ni Geo may dala itong pagkain sa tray. Hindi pa nga pala sila
nanananghalian. Napangiti si Katallea ng makitang medyo hirap si Geo sa dami ng
dala
nito.
“I love that smile. Matagal ko ring pinangarap na palagi kong masilayan iyan,”
sabi ni Geo.
“Baka mamihasa akong lagi mong pinagsisilbihan,” sabi ni Katallea.
Ngumiti lang din si Geo at sinubuan ang dalaga. Tinanggap naman iyon ni
Katallea. Sa buong buhay niya ay hindi pa niya naranasan ang magkaroon ng nobyo
kaya ninanamnam niya ang sayang dulot ng may nag-aalaga sa kaniya.
Bilang panganay ay siya palagi ang nagsisikap at nag-aalaga sa pamilya. Kahit
na umangat na sila sa buhay dahil sa perang binigay ng taong gustong pumatay sa
kaniya ay hindi pa rin nagawang unahin ni Katallea ang sarili niya. Pinagtuunan
kasi
niya ng pansin ang negosyo at ang pamilya kesa sa sarili.
Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ng makarinig sila ng sigaw sa baba.
Dali-daling lumabas ng silid si Geo kasama si Katallea. Ang nakita nila ay ang
galit na
si Anastasia.
“Are you crazy, Geo? Pakakasalan mo talaga ang babaeng iyan?” Galit na sigaw
ng bagong dating.
Bumaba ng hagdan si Geo, sumunod naman si Katallea. Mahinahon nitong
hinarap ng nagpupuyos na bisita.
“You were there ng mag-usap ang magkabilang panig. Anastasia, I know you
hate Katallea, but please, leave us alone. It’s my life, my choice, and my
decision. This
is final!” matatag na sabi ni Geo.
“I’ve told you before, di ba? Kahit sinong babae ang hubaran mo sa harapan ko, I
wouldn’t mind! Basta ayaw ko sa babaeng iyan!”
Nakikinig lang si Katallea sa sagutang ng magpinsan. Nasa punong hagdan siya
at nakahawak lang sa pader. Hindi niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon at
matindi pa rin ang galit sa kan’ya ng dating guro.
“Kung wala kang magandang sadya sa amin, umalis ka na lang,” pagtataboy ni
Geo kay Anastasia. “May mga kausap kaming tao na darating mamaya.”
“Happy?” baling ni Anastasia kay Katallea. “Hindi pa ako tapos sa’yo!”
Hindi sumagot ng kahit ano si Katallea. Gusto niya pa rin kasing irespeto ang
dating guro sa kabila ng pakikitungo nito sa kaniya. Ayaw n’ya rin magkaroon sila
ng
hindi pagkakaunawaan ng kahit sinong kapamilya ni Geo.
Pagkaalis ni Anastasia ay pinili ni Geo ang dalaga na tapusin ang pagkain nila
ngunit tuluyan ng nawalan ng gana si Katallea. Nag-asikaso na lang s’ya para sa
pagdating ng mga makakausap nila tungkol sa kasal nila ni Geo.
Palibhasa hindi maarte si Katallea kaya mabilis ang naging takbo ng meeting.
Panay lang ang oo ng dalaga sa sinasabi ng wedding planner. Sinukatan na rin siya
ng
fashion designer na gagawa ng gown niya. Katulad ng sabi ni Geo, hindi ni Katallea
nakita ang design ng gown dahil si Geo ang namili noon.
Pagkatapos ng meeting ay nagpaalam si Katallea kay Geo. May kausap din
siyang isang negosyante na referred nina Sandra at Nicole. Gusto siyang ipagmaneho
ni
Geo ngunit may importanteng tawag na natanggap ang binata mula sa secretary nito.
Sa isang mamahaling restaurant ang meeting place nina Katallea at ng sinasabing
si Max Trunco. Isa itong magaling na food scientist na naka-discover na ang saging
ay
pwedeng maging gamot sa kumakalat na sakit sa Southeast Asia. Bukod sa pagiging
scientist nito ay magaling din itong negosyante. Gusto niyang kay Katallea kumuha
ng
supply ng saging dahil sa kalidad ng mga produkto ng dalaga.
Pagdating ni Katallea sa restaurant ay naroon na sina Sandra at Nicole. Nakiusap
siya sa dalawa na samahan siya sa meeting para mai-close niya ang deal. Kababata
kasi
ng dalawa si Max. Ilang minuto lang ay may dumating na isang lalaki. Nasa 5’6 feet
ang
taas nito. Matipuno at mukhang palagi ito sa gym dahil sa matambok na muscles nito.
“You must be, Katallea. I’m Max, nice meeting you.” Inilahad ng lalaki ang
kamay niya kay Katallea. Agad namang kinamayan ng dalaga ang bagong dating.
“Thank you for coming, Sir. I am Katallea San Sebastian.” Ibinigay ni Katallea
ang pinakamatamis na ngiti na kaya niyang ibigay sa lalaki. Isa iyon sa asset niya
sa
tuwing may mga business meeting siya. Swerte ang mga ngiting iyon dahil nakukuha
niya ang kontrata dahil doon.
“What a beautiful smile!” bulalas ni Max. “Huwag na tayong maging formal
masyado. Have you seen the contract? Agree ka ba roon?”
“Walang problema sa akin ang contract. Hinihintay ko na lang ang sa party n’yo,
Sir.”
“Call me Max. Itong kaibigan n’yo Sandra at Nicole, ang hirap palang kausap.”
Sinabayan ni Max ng tawa ang birong iyon. “I want you to be more comfortable kapag
magkausap tayo.”
Agad pumirma ang dalawang ang dalawang panig sa kontrata habang saksi
naman sina Sandra at Nicole. Pagkatapos ay pinagsaluhan nila ang masarap na pagkain
sa restaurant na iyon habang panay ang tawanan nila.
Sa hindi kalayuan ay nakatingin lamang si Geo sa mapapangasawa niya habang
masaya itong nakikipag-usap sa lalaking katabi nito. Salubong ang kilay ng binata
habang mahigpit ang hawak niya sa kutsilyong panghiwa ng pagkain sa harapan niya.

KATALLEA CHAPTER 19
Agad na tumayo si Geo sa kinauupuan, kinuha ang kaniyang cellphone at
tinawagan si Katallea. Pigil ang emosyon ng binata ng sagutin ng dalaga ang tawag
niya.
“Kat, where are you?”
“I’m in a business meeting right now,” sagot ng dalaga. “Why? May kailangan ka
ba?”
“Who are you with?” tanong muli ng binata. Nagpupuyos ang damdamin nito
dahil sa sobrang selos.
“My new business partner. Why?” tanong ulit ng dalaga dahil hindi sinagot ng
binata ang unang tanong niya.
“I just want to make sure na you’re safe,” pagsisinungaling ni Geo.
Agad sumakay si Geo sa sasakyan niya at pinaharurot ito ng takbo. Wala kahit
isa sa grupo nina Katallea ang nakapansin sa binata dahil na rin sa naka-focus sila
sa
takbo ng magiging partnership nina Max at Katallea.
Pagdating ng bahay ay naabutan ni Katallea na nanonood ng tv si Geo.
Nakasimangot ito habang panag ang tingin sa telepono niya.
“Hi, sorry kung matagal ako,” tanging nasabi ni Katallea sa pag-aakalang ang
matagal na meeting ang dahilan kaya salubong ang kilay ng lalaki.
“Kumusta ang meeting mo?” Hindi mababakas ang galit sa mukha at tono ng
binata.
Umupo si Katallea sa katapat na upuan ni Geo bago ngumiti ng maluwag.
“Successful ang meeting. Nagpirmahan na kami ni Max ng kontrata,” masayang
balita ng dalaga.
“Congratulations!” Lumapit si Geo kay Katallea at niyakap ito. Halos hindi
makahinga si Katallea dahil doon kaya itinulak niya si Geo.
“Geo, ang higpit naman ng yakap mo,” reklamo ng dalaga.
“Na-miss lang kita,” sabi ng binata. Madiin masyado ang mga katagang iyon.
“Are you mad?” Tinitigan ni Katallea ang mata ng kaharap.
“Hindi. Bakit naman ako magagalit? Sorry, masaya lang ako para sa’yo at
na-miss talaga kita.” Hinalikan ng binata ang noo ng dalaga.
Binalewala ng dalaga ang kilos na iyon ni Geo. Pinaniwala niya ang sarili na
masaya lang talaga ang binata dahil naging matagumpay ang panibagong pinasok
niyang project.
Mabilis na lumipas ang araw. Ipinaramdam ni Geo ang pagmamahal niya sa
dalaga kaya tuluyang nahulog ang loob ni Katallea sa lalaki. Ang pusong pinipigilan
dati ay hinayaan ni Katallea na tuluyang umibig. Sa kauna-unahang pagkakataon,
pinalaya niya ang sarili sa mga alalahanin na dulot ng pag-ibig.
“I hope before the wedding ay masabi mo na rin sa aking mahal mo ako,
Katallea,” madamdaming sabi ni Geo.
Hindi kumibo ang dalaga. Wala pa siyang balak na sabihin sa lalaki ang
damdamin n’ya. Ngunit parang sasabog na ang puso niya sa sobrang kilig dahil sa
pagiging maalaga ni Geo. Pero may isang bagay itong hindi ginawa, ang halikan
siyang
muli sa labi. Naisip ni Katallea na siguro ay iginagalang lang siya ni Geo kaya
ganoon.
Dahil pinalaki siya ng magulang na may pagpapahalaga sa sarili kaya hindi rin siya
nagkukusang gawin iyon kahit uhaw siya sa mga labi ng lalaki.
Isang linggo bago ang kasal ay masayang tinitingnan ni Katallea ang mga damit
na susuotin ng mga abay nila. Minabuti ng dalaga na sagutin na lang iyon nila ni
Geo.
Iyon ang gusto ng lalaki, siya ang gagastos para sa kasal nila.
“Ready na ang lahat para sa kasal n’yo. Handa ka na ba anak?” tanong ng ina ng
dalag.
“Opo, Mama. Sana nga lang nandito si Clarise.”
“Hayaan mo na ang kapatid mong iyon. Masaya siguro siya sa piling ni Joey.
Uuwi rin siyang muli rito sa atin.”
Malungkot na ngumiti si Katallea. Dapat sana ang kapatid niya ang maid of
honor niya pero dahil wala ito kaya si Anastasia ang gaganap sa papel ni Clarise.
Naging abala ang lahat para sa nalalapit na kasalan. Hands-on si Geo sa lahat ng
bagay. Ang Daddy nito ay parang hari namang uto lang ng utos. Kahit mga kilalang
tao
ang mga ninong at ninang nila ay ginusto ni Katallea na sa bahay pa rin nila ang
reception kaya inayos mabuti ng wedding organizer ang garden nila.
Ang mga makukulay na bulaklak sa hardin ay dinagdagan pa dahil umorder si
Geo mula sa Baguio at ibang bansa. Sa loob ng ilang oras ay naging bonggang
reception area ang simpleng garden sa harapan ng bahay ng San Sebastian.
Isang araw bago ang kasal ay nagdatingan na ang mga kaibigan ni Katallea. Ang
mga malalayong kamag-anak ay naroon na rin. Maging ang pamilya ni Geo at ibang
kilalang bisita ay nag check-in na sa isang sikat na hotel sa bayan.
Habang masayang nag-uusap sina Sandra, Nicole at Katallea ay hindi
nakalimutan ng dalaga na itanong ang tungkol kina Joey at Clarise. Nasasabik na
kasi
siya sa kapatid at hindi ito nagpaparamdam lamang.
“Sorry, wala talaga akong makuhang news about them. Kahit ang pamilya ni Joey
ay wala na rito sa Pilipinas,” sabi ni Sandra.
“What?! Where are they?” Napatayo pa si Katallea sa narinig.
“I don’t know. The last thing my parents told me was, they sold all their assets
and left the country,” wika ni Sandra.
“How about you Nicole, do you have any information about Joey’s family?”
baling ni Katallea sa kaibigan.
“I have no idea also,” sagot naman ni Nicole.
Nanlulumong muling naupo si Katallea. May mali, alam niyang may mali.
Paulit-ulit niyang tinatanong ang sarili kung nasaan ang kapatid niya at ang nobyo
nito.
“Excuse me po,” bungad ng isang babae. “Bukas po ang pinto kaya pinihit ko na.
Ilang beses na kasi po akong kumatok pero walang sumasagot. Ito po pala ang gown
mo, Miss Katallea.”
Nag-unahan sina Sandra at Nicole sa pag-abot ng gown na susuotin ni Katallea
sa araw ng kaniyang kasal. Alam ng dalawa na hindi pa iyon nakita ng dalaga kaya
walang idea ito sa design noon. Ang alalahanin ni Katallea ay biglang naglaho.
Sumilay
ang matamis na ngiti sa labi niya.
Mabilis na binuksan nina Sandra at Nicole ang malaking box at ganoon na lang
pagkagulat nila. Punit-punit ang gown at halos durog na ito dahil sa sobrang
pagkakagupit ng tela.
Hindi nakapagsalita si Katallea. Humawak na lang siya sa mga kaibigan.
Pinagpapawisan siya ng malamig. Ang dalawa naman ay pilit na pinakakalma ang
kaibigan.
“Tawagan mo si Geo.” Iniabot ni Sandra ang cellphone ni Katallea.
“Anong sasabihin ko?”
“Tell him the truth. Wala kang gown na magagamit bukas,” sabi ni Nicole.
“Ayaw kong mag-alala s’ya. Bukas na ang kasal namin at masyadong
preoccupied na ang isip niya ng maraming bagay. Ako na lang ang gagawa ng paraan,”
mahinang sabi ni Katallea.
Agad na itinago ng dalaga ang wedding gown niya. Saka na niya haharapin ang
designer. Inisip ni Katallea na mas importante na may makuha siyang ibang gown na
pwedeng isuot niya kinabukasan.
Hinanap ni Katallea ang ina. Magpapasama siya rito sa kakilala nitong modesta
para makakuha ng kahit anong gown na available sa shop noon.
Lumang gown na isinuot na ng marami ang tanging kumasya kay Katallea. Dahil
wala ng ibang pagpipilian ay iyon na lang ang kinuha niya.
“Bahala na. Ipapaliwanag ko na lang kay Geo ang lahat pagkatapos ng kasal
namin.” sabi niya sa sarili.
Araw ng kasal, lahat ay abala. Dahil pamahiin sa probinsya na hindi pwedeng
magkita ang mga ikakasal ilang oras bago ang seremonya kaya nanatili lang muna si
Geo nag-iisang hotel sa bayan.
Ang lahat ay masaya. Ang mga bulaklak sa simbahan ay napakarami. Halos
mapuno ang aisle at maging ang altar ng mga rosa at cattleya. Excited ang lahat na
makita si Katallea lalo na at bulong-bulongan ang maganda raw na gown ng dalaga au
tinahi ng isang sikat na designer sa bansa.
“In fairness, bagay sa’yo ang gown na iyan. Hakab na hakab ang katawan mo,
Katallea,” palatak ni Sandra ng makita ang kaibigan.
Backless ang gown na kumasya kay Katallea kaya naman kitang-kita ang
makinis niyang likod. Halter neck ito na may hiwa sa may pagitan ng dibdib kaya
masisilip ang maliit na pisngi ng bawat bundok ng dalaga.
“Ang sexy mo talaga,” sabi ni Nicole.
“Kayo rin naman ah. Bagay sa inyo ang yellow.” Canary yellow ang motif ng
kasal kaya naman iyon ang kulay ng gown ng mga abay.
“Ikaw lang ang nakita naming yellow ang motif pero ang ayos sa reception at sa
simbahan puro mga rosa at cattleya,” reklamo ni Sandra.
Nagtataka kasi ang dalaga kung bakit iyon ang nagustuhan ni Geo. Palibhasa
puro oo lang si Katallea kaya ngayon niya lang talaga nakita ang kabuuan ng
preparasyon ni Geo.
Paglabas ni Katallea ay napaawang ang labi ng mga tao. Simple lang ang ayos ng
dalaga pero lumutang lalo ang kagandahan nito. Hindi na halata na second hand na
lang
wedding gown niya.
Palibhasa malapit na lang ang simbahan kaya nilakad na lang nina Katallea ang
papunta roon. Nanginginig ang ngiti at kumikislap rin sa tuwa ang kaniyang mga
mata.
Hindi na siya makapaghintay na ikasal sa lalaking natutunan niyang mahalin sa
kabila
ng mga pinagdaanan nila.
“Nasabi mo na ba kay Geo ang nararamdaman mo?” tanong ni Nicole. Alam kasi
ng mga kaibigan ni Katallea na mahal na niya ang binata.
“Mamaya ko pa lang sasabihin sa kan’ya kapag nagsumpaan na kami.”
Kinilig ang dalawang kasabay lumakad ni Katallea. Hindi na sila makapaghintay
sa wedding vow ng dalawang ikakasal.
Samantala, nauna na si Geo sa simbahan. Panay ang ngiti niya sa lahat ng bisita.
Dapat si Joey ang bestman niya pero dahil sa ginawa ng kaibigan kaya ang asawa na
lang ni Anastasia ang kinuha ng binata.
Kahit nasasabik ang lahat ay todo bati lang si Geo sa mga bisita. Sa isipan niya
ay naglalaro ang mga katagang, “Sa wakas, magiging malaya na rin ako mula sa mala
demonyo kong ama.”
Habang nasa labas naman si Katallea at hinihintay na buksan ang pintuan ng
simbahan ay nahagip niya ang isang pamilyar na mukha.
“C-Cla-rise?!” sabi ng dalaga. Pilit niyang inaaninag ang mukha ng babae na
nakatingin sa kan’ya mula sa malayo.
Nagbabaga ang mga mata nito at handang manakit anumang oras.

“Dear Katallea Readers,


Maraming salamat sa inyong pagbabasa. Nawa ay may matutunan kayong aral sa kwentong
ito. Mahal ko kayo!
Love lots,
Magic Heart

KATALLEA CHAPTER 20
Narinig ni Geo ang komosyon sa labas kaya napatakbo ang binata kahit nasa
harap na siya ng altar. Binalewala niya ang mga sigawan ng mga tao na dapat ay
huwag
raw siyang lumabas ng simbahan dahil masama iyon ayon sa pamahiin ng mga
matatanda sa probinsya.
Paglabas ng binata ay nakita niyang hinahabol si Katallea ng mga tao. Ang
unang pumasok sa isip niya ay tinatakasan siya ng babae. Galit na inutusan niya ang
mga tauhan ng kaniyang daddy upang habulin ang dalaga at ibalik sa simbahan.
“Catch her at once. Hindi niya ako pwedeng takasan,” pabulong ngunit madiin
ang bawat salitang iyon na binitawan ng binata.
Agad namang tumalima ang inutusan niya at sa isang sandali lamang ay hawak
na ng mga ito si Katallea. Umiiyak ang babae at parang wala sa sarili.
“Anong problema, Katallea?” Hindi na mababakas ang galit sa tono ng binata.
Isa na ulit siyang mabait na lalaki at inuunawa na ang sitwasyon.
“I’m sorry. I’m sorry, Geo.” Halos hindi mabigkas ni Katallea ang mga salitang
iyon. Tahimik lang naman na nakatingin si Geo sa dalagang hulas na ang make up at
puro putik na ang gown dahil umulan noong madaling araw bago ang kasal nila.
“Tatakas ka ba?” tanong ni Geo. “Iiwanan mo ba ako sa nakakahiyang
sitwasyon?”
“No, of course not. Nakita ko kasi si Clarise kaya hinabol ko s’ya,” paliwanag ni
Katallea.
Luminga-linga si Geo ngunit wala siyang nakita. Hinarap niya ang babaeng
patuloy pa ring umiiyak sa harapan niya.
“Kat, stop crying.” Niyakap niya si Katallea at binulungan ito, “Kung narito si
Clarise ay ipapahanap ko s’ya para maka-attend s’ya sa kasal natin.”
Tinawag muli ni Geo ang mga tauhan ng daddy n’ya at inutusan itong
halughugin ang paligid. Mabilis na sumunod ang mga lalaki.
Maya-maya ay lumabas na rin ng simbahan si Don Arman at galit na hinarap ang
mga ikakasal. Nakasunod na rin sa ama ng binata ang mga ninong at ninang nila
ganoon
din ang mga magulang ng dalaga.
“Wala pa ba kayong planong sumulan ang kasalang ito?” tanong ni Don Arman.
“Kanina pa naghihintay sa inyo ang pari at mga bisita!”
“Huminahon ka, Arman. Nakakahiya sa mga tao,” saway naman dito ng asawa
nito.
Natakot si Katallea sa ama ni Geo kaya pinilit niyang inayos ang sarili.
Nakatingin na rin kasi sa kan’ya ang mga panauhin nila kaya nahihiyang humingi ng
paumanhin ang dalaga.
Samantal, napansin ni Geo na iba ang gown na suot ni Katallea. Nagtangis ang
bagang ng binata at dumilim ang anyo nito ngunit bigla ring nagbago ang awra ng
lalaki ng tumingin sa kaniya si Katallea.
“Hinihintay na tayo ng pari sa loob,” mahinang sabi ni Geo sa dalaga. Inayos
niya ang belo at bouquet ni Katallea. “Are you ready, Kat?”
Ngumiti si Katallea. Nang makita ni Geo ang pagliwanag ng mukha ng
mapapangasawa ay tiyak niyang maayos na ang pakiramdam nito.
“I’ll be waiting for you inside the church.” Pinisil ni Geo ang kamay ni Katallea
at hinalikan ito sa pisngi. Kinilig naman ang mga nakakita sa dalawa. Sa isip nila
ay
napakaswerte ni Katallea dahil ikakasal ito sa lalaking mahal na mahal siya.
Kung marami ang kinilig ay may mga naiinggit at nagtaas din ng kilay sa
nasaksihan nila. Isa na roon si Anastasia na halos hindi maipinta ang mukha kahit
pa
makapal ang make up nito.
Nagsimula ang seremonya ng kasal. Habang naglalakad si Katallea patungo sa
lalaking mahal niya ay tila tinatambol ang puso niya sa sobrang galak. Binura ng
naghihintay na gwapong binata ang lahat ng alalahanin niya.
Marahan lang ang bawat hakbang niya ngunit batid ni Katallea na sa simbahang
iyo ay maseselyohan na ang pag-iibigan nila ng binata. Malapad ang ngiti niya
habang
naglalakad kaya naman lalo siyang naging kaakit-akit sa mata ng lahat.
Samantalang si Geo ay nakapako lamang ang tingin sa maamong mukha ni
Katallea. Para siyang idinuduyan sa alapaap ng matamis na ngiti ng mapapangasawa
niya. Para bang ipininta ng ng tadhana ang mga ngiting iyon kaya hindi na mabura pa
sa
labi ng babaeng naglalakad patungo sa kaniya.
Nang makalapit ang dalaga ay nagmano si Geo sa mga magulang ni Katallea at
ang dalaga naman nagbigay galang din sa daddy at mommy niya. Hinawakan ng binata
ang kamay ng dalaga at sabay silang naglakad at humarap sa altar.
Payapa ang buong seremonya. Lahat ay nakatuon sa dalawang ikakasal. Hindi na
nila alintana ang putikang wedding gown ng babaeng ikakasal. Lahat ay nakatuon sa
maganda niyang mukha at katawan.
Dumating ang punto ng sumpaan nina Geo at Katallea. Nauna si Geo na
magbigay ng pangako sa ngayon ay asawa na niya.
“I promise to be at your side no matter what. I’ll be the strongest rock you can
lean on. I will love you for the rest of my life.” Iyon lang ang tanging sinambit
ng
binata,
Bahagyang nalungkot si Katallea dahil inaasahan niyang makatanggap siya ng
mabulaklak na mga salita mula kay Geo dahil sa sobrang sweet ito sa kaniya noong
mga
nakaraang araw.
Pagkatapos ni Geo magbigay ng vow ay sumunod naman si Katallea. May
inihanda siyang mahabang script pero hindi na niya binasa iyon dahil nahihiya siya.
Kaya lang naman niya iyon ginawa dahil buong akala niya ay mahaba rin ang wedding
vow ng lalaki.
“I love you,” tanging sinabi ni Katallea.
Hinawakan ni Geo ang pisngi ng asawa niya at kahit wala pang pahintulot ng
pari ay hinalikan ba niya kaagad sa noo ang magandang babae sa harapan niya.
“Okay, excited sila kaya sige, pagbigyan na natin,” sabi ng pari dahilan para
magtawanan at palakpakan ang mga tao.
Mabilis na natapos ang seremonya sa simbahan. Halos lahat ay masaya para sa
dalawang magsing-irog ngunit maliban sa iilang tao. Si Don Arman ay nagpaplano na
kung paano niya mapapayag si Katallea na mag-invest sa real estate business niya.
Si
Anastasia ay nag-iisip na rin ng paraan kung paano paghihiwalayin ang pinsan niya
at
ang asawa nito.
Pagdating sa bahay nina Katallea ay pilit pinagsayaw ng mga matatanda ang
dalawang bagong kasal. Naghihiyawan ang mga manonood habang tinuturuan ng mga
may edad na sina Geo at ang asawa nito kung paano sumayaw ng pantomina.
Iba’t ibang putahe ng pagkain ang pinagsaluhan ng lahat. Napakaraming alak
ang tuloy-tuloy lang na inihain ng mga taga silbi. Lahat ay nagdiriwang para sa
pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan.
Buong araw na masaya ang mood ng bawat isa maliban kay Anastasia na nasa
isang gilid lang at nakasimangot. Hindi ito mapangiti maging ng asawa nito. Tahimik
lang itong nagmamasid sa paligid at sa mga nagkakatuwaang mga tao. Malalim ang
iniisip nito.
Pagkatapos ng kasiyahan ay unti-unting ng nagsiuwian ang mga tao. Nauna ng
umalis ang mga magulang ni Geo kasunod sina Anastasia at ang pamilya nito. Naiwan
pa sina Geo at Katallea dahil may bisita pa silang kailangang harapin ngunit
luluwas na
rin sila ng Maynila.
Nagpaalam muna si Katallea sa asawa niya na kakausapin n’ya muna ang
kaniyang Papa at Mama bago sila umalis. Pumayag naman ang lalaki dahil may mga
kausap pa rin ito.
Nang magkasarilinan sina Mang Nestor at Katallea ay sinabi niya na nakita niya
ang kapatid sa labas ng simbahan. Hindi makapaniwala ang mag-asawa at napaiyak pa
ang Mama niya.
“Gusto ka sigurong makita ng kapatid mo sa araw ng kasal mo. Mahal na mahal
ka kasi noon,” wika ni Mang Nestor.
“Marahil nga po, Papa,” sabi ni Katallea. Hindi niya sinabi sa ama ang nakitang
galit sa mukha ni Clarise. Hindi niya gustong mag-alala ang mga magulang niya kaya
inilihim niya iyon.
Nagpaalam din si Katallea sa mga kaibigan niya. Panay ang tukso ng mga ito sa
kan’ya pero hindi nila nakalimutang paalalahanan siya.
“Mag-iingat ka kay Miss Montimar. Teka, ano na nga ba ang apelyido niya na
ngayon? Ah, basta! Mag-iingat ka sa bruha.” Babala ni Sandra sa kaibigan.
“Huwag niyo na akong alalahanin,” sabi ni Katallea. “Kaya ko ang sarili ko.
Nandiyan naman si Geo. Ilang beses na niya akong ipinagtanggol sa babaeng iyon.”
“Masama ang kutob ko sa kaniya,” dugtong ni Sandra. “Huwag mong hayaang
apihin ka niya katulad noon. Sana nga maging dahilan ang kasal niyo ni Geo para
maging mabait na siya sa iyo.”
“Kailan ba siya naging mabuti kay Katallea? Feeling ko nga siya ang may
pakana ng mga pekeng larawan ni Katallea noon. At baka siya rin ang salarin sa
punit-punit na wedding gown ng kaibigan natin,” sabi naman ni Nicole.
Sinaway ni Katallea ang mga kaibigan. Nakita kasi niyang palapit na sa kanila si
Geo.
“Shall we?” tanong nito.
Tumango at ngumiti si Katallea bilang tugon sa asawa niya. Ilang oras din kasi
ang biyahe papuntang Manila kaya siguradong gabi na sila makarating kung hindi pa
sila aalis.
Pagkatapos humalik sa magulang, kapatid at mga kaibigan ay sumakay na si
Katallea sa sasakyang naghihintay sa kanila. Bago makalayo ay kumaway pa siya sa
mga naiwang nakatanaw sa kanila.
Habang nasa sasakyan sila ay nanibago si Katallea sa pananahimik ni Geo.
Nakatiim bagang ito at mukhang galit kaya hindi siya kumibo. Sa halip ay natulog na
lang siya upang mabawasan ang tensyon na bigla niyang naramdaman.
Dahil sa sobrang pagod at kakulangan ng tulog noong mga nagdaang mga araw
ay hindi namalayan ni Katallea na nakarating na sila sa bahay nila. Naramdaman na
lang niya ang mahinang tapik sa balikat niya. Buong akala niya ay si Geo ang may
gawa
noon ngunit si Yaya Adel ang namulatan niya.
“Gising na, anak. Kanina ka pang tulog diyan,” mahinahong sabi ng matanda.
Pupungas-pungas na hinanap Katallea ang asawa niya. Mukha namang nahulaan
ni Yaya Adel ang nasa isip niya.
“Nasa kwarto niyo na siya kanina pa.” Napatigalgal si Katalle ng marinig ang
sinabi ng matanda. May kabang bumundol sa puso niya. Bigla niyang naalala ang mga
sinabi nito noong si Clarise pa lang ang nakatakdang mapapangasawa ni Geo.
Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang kwarto kung nasaan si Geo.
Kabisado na niya kung saan iyon dahil minsan na siyang namalagi sa bahay na ito.
Nawala ang lahat ng saya sa puso ni Katallea at napalitan iyon ng galit at labis na
pag-aalala.
Pagbukas ni Katallea ng pintuan ay nakita niyang prenteng nakahiga ang asawa
niya at nakakunot ang noong nakatingin sa kaniya.

KATALLEA CHAPTER 21
Ngumisi si Geo ng makita ang galit na mukha ng asawa. Balewala sa kaniya ang
biglang pagbukas nito ng pintuan ng kwarto.
“May problema ba tayo, Geo?” mahina ngunit bakas ang pait sa tono ni Katallea.
“Malaki, Katallea. Malaki ang problema mo. Ako, wala akong problema.
Lumayas ka sa kwarto ko! Get out!” Nakayayanig ang boses ng lalaki.
Tinablan ng takot si Katallea at maging si Yaya Adel na nasa likuran niya. Noon
lang kasi nakita ng matanda na nagalit ang alaga niya. Kilala niya kasi itong
tahimik,
masunurin at mabait na bata.
“Yaya, iwan mo muna kami. Kakausapin ko lang muna si Geo.” pakiusap ni
Katallea sa matanda.
Agad binitawan ni Yaya Adel ang mga bag ni Katallea at mabilis itong bumaba.
Nanginginig pa ang tuhod niya dahil may nahihimigan siyang isang bagay na posibleng
maganap.
Isinara ni Katallea ang pintuan at pinilit ang sarili na kumalma. Nalilito siya sa
inasal ni Geo kahit na tila nahuhulaan na niya kung bakit ito nagkakaganito.
“Geo, mag-usap tayo,” sabi ni Katallea habang nakatayo lamang sa may pintuan.
Pilit niyang itinatago ang takot na lumukob sa kan’yang buong pagkatao.
“Wala tayong pag-uusapan. Binigyan kita ng pangalawang pagkakataon pero
ginago mo ako, Katallea.” Daig pa ni Katallea ang nakakita ng isang batalyon ng mga
d*monyo ng mapatingin siya sa mukha ng asawa niya.
Lumapit ang lalaki sa nahintakutang babae at buong lakas na hinawakan ito sa
braso. Parang bakal ang mga kamay na iyon na nagpangiwi sa magandang mukha ni
Katallea.
“Geo, nasasaktan ako,” pagmamakaawa ni Katallea. “Ano ba ang nangyayari sa
iyo? Hindi kita maintindihan.
Malakas na itinulak ni Geo ang asawa sa pintuan. Napaigik naman si KaTallea
dahil sa sobrang kirot na nararamdaman niya ng tumama ang likod niya sa door knob.
Dahan-dahang napaupo pa ang dalaga sa sobrang sakit. Halos magdilim na rin ang
paningin niya.
Mabilis na hinaklit ni Geo ang buhok ni Katallea at pilit siyang itinatayo ng
lalaki. Pakiramdam ni Katallea ay matatanggal pati ang anit niya sa diin ng
pagkakahawak ng lalaki.
“Nasasaktan ako. Bitiwan mo ako, please,” pagmamakaawa ni Katallea sa asawa
niya.
“Wala kang puwang sa puso ko, sa buhay ko! Akala ko totoo ang lahat ng
ipinakita mong pagmamahal nitong mga nakaraang araw pero puro pagkukunwari ka
lang pala! Katulad ng sabi ko sa’yo noon, ipaparamdam ko sa’yo ang sakit na dulot
ng
letseng kontrata sa pagitan ng mga pamilya natin.” Dumadagundong ang boses ni Geo
na nagdulot ng mas lalo pang pangamba sa umiiyak nang babae.
Walang nagawa si Katallea kung hindi sumunod kay Geo palabas ng silid nito.
Hila-hila s’ya nito sa buhok at kinakaladkad s’ya ng lalaki pababa ng hagdanan
habang
nanonood ang nangangatog ding si Yaya Adel.
Gustong tulungan ng matanda ang nakagaanang loob na bagong amo ngunit
natatakot siya sa alaga niya. Nakikita n’ya kasi kay Geo ang ama nito. Ang
kalupitan ni
Don Arman ay parang bangungot sa matanda.
Basement, sa basement natagpuan ni Katallea ang sarili niya. Makirot ang
katawan niya dahil bymangga siya sa kung saan-saan habang kinakaladkad s’ya ni Geo.
Hinawakan ni Katallea ang ulo niya dahil parang nalagas ang lahat ng buhok niya
dahil
sa sobrang paghila ni Geo.
“There you are!” sabi ni Geo. “Gan’yan ang ginagawa sa akin noon ni Daddy
kapag nagkakasala ako. Gusto ko ring maranasan mo iyan. Sayang, si Clarise sana ang
nan’diyan pero dahil gusto mong maging bayani, kaya magdusa ka!” Nakakainsultong
sabi ng lalaki habang nakangisi itong nakatingin sa kaawa-awa niyang asawa.
Malamig na tiningnan ni Katallea sa mata si Geo. Mababakas doon ang sobrang
poot na hindi niya maarok. Bumaba ang tiningin niya sa kadenang nakalagay sa
kaniyang binti. Ngumiti siya ng mapait bago inilayo ang mga mata kay Geo.
Isang malaking pagkakamali ang ngiting iyon dahil sa ilang segundo lamang ay
naabot ni Geo ang panga ng asawa niya at hinawakan iyon ng ubod lakas. Malamig na
nagsalita ang lalaki, “Simula ngayon, huwag na huwag kang ngingiti sa harapan ko!
No
more smiles, Katallea! That was the last!”
Napangiwi si Katallea sa ginawa ng asawa n’ya. Ngumiti ng parang d*monyo si
Geo bago pabiglang binitawan ang namumula ng pisngi niya. Akala ni Katallea ay
tapos
na ang lalaki sa pagpaparusa sa kan’ya ngunit isang nakatutulig na sampal ang hindi
niya inaasahan na pinadapo ni Geo sa pisngi niya. Nalasaan ni Katallea ang maalat
na
dugo sa mga labi niya.
“Ako ang batas sa bahay na ito! Lahat ng ipag-uutos ko ay susundin mo! Kung
hindi ka susunod, kukunin ko ang kayamanan ng buong pamilya mo at gagawin kong
alipin ang mga magulang at kapatid mo! Iyon ang laman ng prenup agreement na
pinirmahan mo!”
Inilabas ni Geo ang isang papel na dinukot nito mula sa bulsa. Inihagis niya iyon
sa harapan ng nanghihinang si Katallea. Namumula na ang mata nito dahil sa kaiiyak
at
patuloy na rin ang pagdurugo ng labi n’ya. Nangangatog ang mga kamay na dinampot
iyon ng asawa ng lalaki at matigas ang mukhang binasa niyang muli ang lahat ng
laman
noon.
Sa dulo ng agreement ay nakasulat ang mga katagang: Kung sakaling maisipan
ni Katallea San Sebastian na magpakamatay, isasama rin sa hukay ang mga magulang at
kapatid niya.
Parang piniga ang puso ni Katallea. Buong akala niya ay bumalik ang dating
pagmamahal sa kaniya ng asawa niya. Hindi niya akalain na isa palang patibong ang
napasukan niya.
“Akala ko ba sabi mo…” Hindi mabigkas ni Katallea ang mga salita.
“Stupid! Sayang ang talino mo! Pinaikot lang kita!” Sinundan ni Geo ng
nakakabinging halakhak ang mga katagang iyon.
Hindi na namalayan ni Katallea ng isara ni Geo ang pintuan ng basement. Pinatay
ng lalaki ang ilaw kaya tanging ang mumunting liwanag mula sa maliit na siwang ang
naging tanglaw ng luhaang babae. Pilit niyang inaaninag ang lugar na iyon kung saan
siya ikinulong ng asawa n’ya.
Walang bed o kahit anong panlatag man lang. Nakatali ang kadena sa barandilya
ng bintanang natatakpan na. Maliit lang ang silid ngunit napakainit. Wala kasing
maari
man lang pasukan ng hangin at higit sa lahat walang electric fan man lang doon.
Matagal na naupo si Katallea habang nakasandal sa malamig na pader. Ang mga
luha ay patuloy na naglalandas sa kaniyang mga pisngi. Ngunit ng maisip niya ang
kapatid na si Clarise ay pinahid ni Katallea ang mga luha niya.
“Titiisin ko ito. Mas mabuti ng ako ang nasa sitwasyong ganito kesa ang kapatid
ko. Sana maging masaya ka Clarise kung nasaan ka man ngayon.” Nakatulugan ng
dalaga ang isiping iyon.
Samantala, sa kwarto ni Geo ay hindi makatulog ang lalaki. Hindi siya mapakali
habang ang isip niya ay naglalaro sa sitwasyon ng asawa niya sa basement. Mabilis
na
bumangon ang binata para kunin sa basement si Katallea ngunit bago pa man siya
makababa ng hagdan ay natigilan siya.
Malakas na sinuntok ni Geo ang pader. Agad na dumaloy ang dugo sa kamao
niya. Naptda naman si Yaya Adel ng makita ang duguan niyang alaga habang nakayuko
ito at nakasandal sa pader ng nakasarang silid nito.
“Geo, anak, diyan ka lang muna. Kukunin ko ang medicine kit. Sandali lang.”
‘Sing bilis ng ipo-ipo ang kilos ng matanda. Sa ilang saglit lang ay nakabalik na
ito at
nilalagyan ng gamot at benda ang kamao ng alaga niya.
“Dalhan mo siya ng banig, unan, kumot at electric fan doon sa basement, Yaya.”
Pagsabi noon ay tumayo ang binata at pumasok na ng silid niya.
Kinuha ni Geo ang cellphone at mula roon ay pinanood niya ang video ni
Katallea habang masayang kausap si Max sa sagingan. Napayakap pa ang lalaki kay
Katallea ng mawalan ito ng balse.
Napahigpit ang hawak ni Geo sa hawak na gadget. Sunod niyang pinanood ang
video nina Sandra, Nicole at Katallea na nagtatawanan habang hawak ng asawa niya
ang gown na ipinasadya niya. Hindi napigilan ng binata na itapon ang cellphone
niya.
Buong akala niya ay makukuha rin niya ang puso ni Katallea ngunit nagkamali pala
siya. Pakawala pa rin ito at higit sa lahat ginamit lang nito ang pagmamahal niya
para
mailigtas nito ang sariling pamilya.
“Nagdusa ako habang masayang namumuhay ang kapatid mo dahil sa isang
kwentang kontrata, muntik akong mamatay dahil sa pagmamahal ko sa iyo pero sa huli,
ginago mo lang ako!” Nagpupuyos na sabi ng binata habang nakatitig sa pader.
Sa baba ng bahay ay aligaga si Yaya Adel. Inihahanda niya ang pagkain ni
Katallea. Naaawa siya sa babae dahil alam n’ya ang pinagdadaanan nito. Nakita n’ya
kasi noon kung paano pahirapan si Geo ng daddy nito.
“What is that, Yaya?” galit na sita ni Geo sa yaya niya. Hindi namalayan ng
matanda ang paglapit ng alaga dahil buong akala niya at nasa silid niya ito. “Wala
akong sinabing dalhan mo siya ng pagkain! Nabusog na s’ya sa handa ng kasal namin!”
“Pero, Geo, kawawa naman ang…”
Bago pa matapos ang sasabihin ni Yaya Adel ay mabilis na inabot ni Geo ang
tray ng pagkain at itinapon lahat ng iyon sa sahig. Hindi pa nakuntento ang lalaki,
kinuha niya ang tray at ipinaghahampas iyon sa lamesa. Yupi-yupi na ito ng bitawan
ng
binata at basag-basag na rin ang salamin na lamesa.
Halos mawala ang kaluluwa ni Yaya Adel sa nakitang asal ng alaga niya. Lumaki
kasi itong mabait at magalang. Malayong-malayo ang itsura nito ngayon sa dati
nitong
ugali. Pilit nilapitan ni Yaya Adel ang alaga niya ngunit mabilis na umiwas ang
lalaki.
“Don’t touch me. No! Stay away from me, Yaya!” Nahihirapang sabi ng binata
bago dahan-dahang sumandal sa pader malapit sa ref at naupo ito sa tabi noon.
“Anong nangyayari sa’yo, anak?” Hindi nakatiis si Yaya Adel na tanungin na
ang alaga niya. Hindi kasi siya makapaniwala sa biglaang mga pagbabago na
nasasaksihan niya. Ngunit hindi sumagot ang binata sa halip ay tumayo at tumalikod.
“Yaya, huwag mong bubuksan ang basement. Walang banig, kunot at electric
fan! Pabayaan mo siyang mabulok doon!” sigaw ng binata habang naglalakad palayo.
Naiwang nakatulala lamang ang katulong at nakatingin lamang sa dinaanan ng
kaniyang alaga. Kalaunan ay tumulo ang luha ng matanda dahil nai-imagine niya ang
kalagayan ni Katallea sa basement.
Hindi tumuloy si Geo sa silid niya. Sa halip ay pumasok siya sa minibar ng
bahay. Doon ay nilunod niya sa alak ang sarili. Kasabay ng bawat tagay ay patak ng
mga luha na kahit anong pigil niya ay patuloy na umaagos.
“Dear Katallea Readers,
Ihanda ang inyong mga puso, kumapit sa kinauupuan at higit sa lahat abangan ang
susunod pang mga kababata.
Love lots,
Magic Heart

KATALLEA CHAPTER 22
Nagising si Katallea sa tunog ng pintuan ngunit bahagya n’ya lang iminulat ang
kan’yang mga mata. Naramdaman niya na lang ang malakas na sipa sa may balakang
niya. Napaigik siya pero hindi lumabas ang anumang tunog sa mula sa bibig n’ya.
“Wake up!” sigaw ni Geo.
Tuluyang iminulat ni Katallea ang mga mata. Isang galit na lalaki ang nakatayo
sa harapan niya. Bumalik sa isipan niya na nakatulog pala siya ng nakaupo at
nakasandal lamang sa pader. Namamaga ang mata niya dahil sa pag-iyak.
Kinalas ni Geo ang kadena sa bukong-bukong ng dalaga. Mailap ang mga mata
nito at hindi tumitingin sa kan’ya. Inutusan siya ni Geo na tumayo kaya sinikap
niyang
sumunod dito. Hinablot ni Geo ang braso n’ya at pakaladkad s’yang dinala sa kusina.
“Kain! Baka mamatay ka kaagad hindi mo man lang na-enjoy ang parusa ko
sa’yo!” sabi nito bago lumabas ng kusina.
“Ang dami mong pasa,” sabi ni Yaya Adel, “Ano ba kasing ginawa mo sa kaniya
at gano’n na lang ang galit niya sa’yo?”
“Wala po, yaya. Ang tanging naging kasalanan ko lang ay minahal ko siya at
minahal ko ang pamilya ko.” Nalaglag ang mga luhang pilit pinipigil ni Katallea.
Humalo iyon sa sopas na kinakain niya. Ngunit sunod-sunod pa rin ang pagsubo niya
sa
pag-aalalang hindi niya alam kung kailan siya muling makakain.
“Natatakot ako para sa’yo. Nakikita ko kasi ang ama ni Geo sa kaniya ngayon.
Iyong ginawa n’ya kagabi, ganoon din ang ginagawa ni Don Arman kay Geo kapaga
nagkakasala siya. Simula maliit pa lang siya hanggang sa paglaki n’ya ay dinanas
n’ya
ang pangmamaltrato na iyon. Makita lang s’ya ng daddy n’ya na ngumiti o
makipag-usap sa mga babae kahit noong bata pa s’ya ay binubugbog si’ya kaagad ng
ama n’ya,” kwento ni Yaya Adel.
Nakikinig lang si Katallea habang panay-panay ang subo niya. Napapitlag pa
s’ya ng bigla na lang sumigaw si Geo mula sa second floor ng bahay nila.
“Katallea, umakyat ka rito!”
Dali-daling uminom ng tubig si Katallea. Iniwanan niya ang pagkaing hindi pa
man lang nangangalahati. Patakbong umakyat siya siya sa master bedroom. Sa isip
niya
ay kailangan niyang maging matapang at matatag. Kagabi bago siya nakatulog ay binuo
n’ya sa isip ang isang desisyon para sa kaligtasan n’ya at ng kaniyang pamilya. Sa
ngayon ay susunod na lang muna s’ya sa mga ipag-uutos ni Geo.
“Maligo ka!” Nagulat man sa utos ni Geo ay mabilis na tumalima si Katallea.
Gustong-gusto na niyang saktan ang lalaki ngunit nagpipigil siya. Agad siyang
lumabas
sa master bedroom upang magtungo sa dating silid na inukupa niya.
“Where are you going?” singhal ni Geo sa asawa.
“Maliligo,” inis ngunit nagpipigil na sagot ng babae.
“Diyan ka maligo!” Itinuro ng binata ang shower room sa silid nito. Napadako
doon ang tingin ng dalaga. Nangatog ang tuhod n’ya ng makita ang transparent na
salamin nito. Kapag naligo sita roon ay tiyak na kitang-kita ng asawa niya mula sa
labas.
“Anong ibig sabihin nito?” naguguluhang tanong ni Katallea sa nakangising
lalaki sa harapan niya.
“I just want to enjoy the show and check if magaling ka talagang mang-akit.
Gusto kong malaman kung paano mo nilaro ang mga lalaki noon sa kama!” Hinablot ni
Geo ang braso ni Katallea at kinaladkad ito papasok ng shower room. Pagdating doon
ay pabalyang binitawan ng lalaki ang asawa niya. “Simulan mo na! Ayaw ko ng
pinaghihintay ako!”
Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Katallea. “Kaya kong tanggapin
ang lahat ng pananakit mo pero huwag mo namang babuyin pati ang pagkatao ko!”
Nabigla si Geo ng maramdaman ang palad ng asawa at sa isang iglap ay
hinawakan niya ang leeg nito. Mahigpit niya itong sinakal hanggang sa ang tingin
niya
sa asawa ay ang kadenang mahigpit niyang hinahawakan noong bata pa s’ya.
“Pagsisihan mo ang lahat ng ito. Isinusumpa ko!” sabi ni Katallea habang
unti-unting nawawalan ng hininga.
Hinayaan ni Katallea na sakalin lang siya ni Geo. Sa isip niya ay mas mabuti pa
ang mamatay na lang. Wala pang bente kwatro oras siyang naikakasal sa lalaki pero
pakiramdam niya ay halos katumbas na ng ilang taon ang pagdurusa niya. Kusang
pumatak ang mga luha niya habang dumilim ang kaniyang paligid.
Nang hindi maramdaman ni Geo na gumagalaw pa ang asawa ay umusbong ang
matinding takot sa ousi n’ya. “Kat, wake up! Wake up! My God! What am I doing?”
natatarantang tinapik-tapik ni Geo ang mukha ng asawa.
Agad binuhat ni Geo ang walang malay na babae at dinala sa kama. Nanlamig
ang buong katawan niya habang tinitingnan si Katallea. Maya-maya pa ay muling
nilapitan niya ang lupaypay pa ring asawa. Sisinghap-singhap na ito ng hangin kaya
alam ni Geo na bumalik na ang ulirat nito.
“Kay, how are you? Are you feeling better now?” bakas ang matinding pag-alala
sa boses ni Geo.
Bahagya lamang kumilos si Katallea. Nang maramdaman niya si Geo sa kaniyang
tabi ay biglang uminit ang kaniyang mga mata. Nagbabadya ang luhang agad niyang
pinigilan. Pinilit tumayo ni Katallea upang makalayo sa lalaki.
“I’ll do everything na ipag-uutos mo,” sabi ni Katallea sa mahina at nanginginig
na boses. Pagbabayaran ko ang sakit na naidulot sa’yo ng pamilya ko dahil sa
kontrata
sa pagitan ng mga lolo natin. Babayaran ko rin ang nasayang na pagmamahal mo dahil
sa lintek mong paniniwala pero hayaan mo akong lumabas at magtrabaho para sa
pamilya ko. Kapalit noon gagawin ko ang lahat ng ipagagawa mo kahit labag na iyon
sa
prinsipyo ko.
Hindi nakaimik si Geo. Nagtataka niyang tiningnan lang ang babae. “Bakit
biglang nagbago ang isip niya?”
Kahit nanghihina ay pumasok si Katallea sa shower room. Sa isip niya ay
gagawin niya iyon para sa pamilyang naghihintay sa kan’ya. Itinapat niya ang sarili
sa
bukas na shower. Kahit alam niyang nanonood mula sa labas si Geo ay unti-unti
n’yang
hinubad ang mga damit. Kasabay ng tubig na nagmumula sa shower ay mga luhang
nagsisimula na ring umagos.
“Ganito pala kasakit ang magmahal. Akala ko rati ay masayang pakiramdam ang
dulot ng pag-ibig. Isa pala itong lason na unti-unting pumatay ng kaluluwa,” bulong
ng
isip ni Katallea.
Ang kaninang nanlalamig na pakiramdam ni Geo ay biglang napalitan ng init.
Napaawang ang mga labi niya habang nakatitig sa babaeng naliligo. Ang hubog ng
katawan nito ay napakaganda, ang balat nitong parang ivory ang nakakaakit.
Ngunit pilit pinaglabanan ni Geo ang makamundong pagnanasa. Mabilis ang
mga hakbang na pinuntahan niya ang asawa at kinaladkad ito palabas ng shower room.
“Nakakadiri ka! Akala ko pa naman ay kaya mong buhayin ang pagnanasa ko,
hindi pala!” Parang bakal ang mga kamay ni Geo na humahaltak sa malambot na
kalamnan ng babaeng pinaibig niya. “Get out!”
Malakas na itinulak ni Geo palabas ng kaniyang silid ang hubo’t hubad niyang
asawa. Walang mababakas na reaksyon mula sa mukha ng babaeng dati-rati ay
masayahin at palaging nakangiti. Blangko lang itong nakatingin sa kan’ya bago niya
pabagsak na isinara ang pintuan ng kwarto.
“Damn it! Mababaliw ako kasama ang babaeng ito!” Marahas na tinabig ni Geo
ang mga nasa ibabaw ng side table niya dahilan lumikha iyon ng tunog na nagpatakbo
kay Yaya Adel pataas.
“Mahabaging Diyos! Anong nangyari sa’yo?” Napaantada pa ang matanda ng
makita ang nakahubad na si Katallea. Hindi sinagot ng babae ang tanong ng katulong.
Sa halip ay itinanong nito kung nasaan ang mga damit niya.
Sinabi naman ng matanda na ipinadala lahat ni Geo sa basement ang gamit ng
asawa. Walang pakialam na naglakad si Katallea papunta sa basement kahit hantad na
sa kung sino mang pwedeng pumasok ng bahay ang wala niyang saplot na katawan.
“Gusto mong magdusa ako, sige pagbibigyan kita! Sabay tayong magdusa!” galit
na bulong ng babae.
Hindi lumabas ng basement si Katallea. Si Geo ay hindi rin lumabas sa kwarto
n’ya. Tiniis ng babae ang init sa loob ng madilim na silid na iyon. Sinadya niyang
huwag buksan ang ilaw. Itinawid niya ang mga oras sa pag-iisip kung paano lalabanan
ng palihim ang d*monyo niyang asawa.
“Katallea, kain ka na,” maya-maya ay narinig niyang sabi ni Yaya Adel.
“Ipinadala ito rito ni Geo.”
“Salamat po, Yaya.” Tumayo si Katallea upang kunin ang pagkain. Binuksan na
rin ng matanda ang ilaw. “Huwag na po ninyong pagtakpan ang amo n’yo. Alam ko
pong kayo lang talaga ang naghanda nito.”
Ngumiti si Katallea kaya napangiti na rin ang matandang labis-labis na
nag-aalala. “Mabait ang alaga ko. Naniniwala akong kakayanin n’yong dalawa ano man
ang pinagdadaanan n’yo.”
“Minsan na po akong naniwala sa kabaitan n’ya pero sadyang halimaw po ang
alaga n’yo. Tinitiyak kong pagsisihan n’ya ang lahat ng ito. Maghahanap lang ako ng
pagkakataon para ipamukha sa lalaking iyon kung gaano siya katanga.”
Mapait na ngumiti ang nasa labas lamang ng basement na si Geo. Lahat ng
usapan ng dalawang nasa loob ay malinaw niyang naririnig. Hindi niya maintindihan
kung anong ipinaglalaban ng asawa niya lalo at alam niyang hindi naman talaga siya
minahal nito. Ginamit lang ng babae ang pag-ibig niya upang mailigtas ang pamilya
nito.
“Simple lang naman ang gusto ko mula sa’yo, Katallea, ang mahalin mo rin sana
ako katulad ng pagmamahal ko sa’yo simula noong first year college tayo. Sayang,
handa na sana akong kalimutan ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko kapalit ng
pagmamahal mo pero manggagamit ka.”
Lumayo si Geo sa basement. Mula sa sirang cellphone ay pinanood niya ang
video na sinasabi ni Katallea sa mga kaibigan nito ang mga katagang, “No choice na
ako! Kailangang mapaibig ko s’yang muli para mailigtas lang sa pamilya niya ang mga
magulang at kapatid ko.”
Putol ang video na iyon ngunit malinaw ang ipinaabot na mensahe. Gusto ni Geo
na magpasalamat sa sino mang nagpadala noon na tanging taong nakakaintindi sa
kan’ya. Mabilis siyang nagbihis. May usapan nga pala sila ng babaeng iyon at
nasasabik siyang makasama siyang muli. Kahit walang pag-ibig ang namamagitan sa
kanila pero kayang punan ng babae ang tawag ng laman niya.
Matagal na ang lihim na relasyon nila kaya naman panahon na para ang lahat ng
dating ipinagbabawal ng daddy n’ya ay gawin na rin niya. Iyon ang tanging nasa isip
ni
Geo na mabuting gawin, kesa mapatay niya ang asawa sa pisikal na paraan, papatayin
niya ito gamit ang emosyon. Guguluhin niya ang puso at isip ng kaniyang asawa.

KATALLEA CHAPTER 23
Nakasanayan na ni Katallea ang matulog sa masikip, mainit at maalikabok na
basement. Laking pasasalamat niya na kahit ipinagbabawal ni Geo ay binigyan siya ng
karton ni Yaya Adel upang may matulugan siya. Wala pa ring kahit electric fan man
lang kaya tinitiis niya ang pagpawisan magdamag.
Hindi nagrereklamo si Katallea kahit ganoon ang sitwasyon niya dahil kapalit
noon ay pinayagan siya ni Geo na makapagtrabaho at maasikaso pa rin kahit paano ang
negosyo niya. Marami nga lang ang bawal at palaging ipinapaalala ng lalaki na kapag
nagkamali siya ay magdurusa ang pamilya niya.
Napalitan ng pagkamuhi ang pag-ibig na inialay ni Katallea sa kaniyang asawa
ngunit agad iyong napapalis kapag nararamdaman niya ang paminsan-minsang
pag-aalaga ng lalaki.
Hindi nagsumbong si Katallea sa mga magulang o maging sa mga kaibigan niya.
Isa iyong batas ni Geo na dapat hindi mabali.
Lumipas ang isang buwan na halos hindi sila nagkikita ni Geo. Sinasadya niyang
iwasan ang lalaki at marahil ganoon din ito sa kanya. Hindi niya ito tinatanong
kahit na
nababalitaan niyang iba’t-ibang babae ang kasama palagi ng asawa n’ya. Manhid na
siya, teka, manhid na nga ba talaga siya?
Isang gabi, maagang nakatulog si Katallea dahil sa sobrang pagod at antok.
Bukod kasi sa pag-intindi ng mga benta ng produkto niya ay ginawa rin siyang
katulong ni Geo. Kusa na niyang ikinakandado ang kadena sa paa niya katulad ng
bilin
ni Geo dahil natatakot siyang kapag nahuli siya ng lalaki na hindi iyon nakakabit
ay
baka pagbalingan nito ang pamilya niya.
Hindi niya gustong magalit muli ang asawa hangga’t wala pa s’yang pwedeng
magamit para labanan ito at ang kontrata ng bawat pamilya nila kaya nagtitiis siya
sa
ganoong sitwasyon. Tahimik na sinusunod lamang niya ang lahat ng mga bilin ng
lalaki
kay Yaya Adel. Iyon ang tanging pag-asa ni Katallea para mabuhay hanggang wala pa
s’yang kakayahang ipagtatanggol ang kaniyang pagkatao.
Dahil napasarap ang tulog, hindi namalayan ni Katallea ang pagbukas ng pintuan
ng basement. Mula roon ay iniluwa ang lalaking tila ba nanghihina at kay bigat ng
pinagdadaanan. Dahan-dahang muli nitong isanara ang pinto at pilit na sinanay ang
mga mata sa dilim upang makita niya ang buong silid kahit na mumunting liwanag lang
ang masisilayan roon.
Marahan itong lumapit sa babaeng nakahiga sa lapag nang nakabaluktot dahil
pinagkasya niya ang katawan sa maliit na karton. Sa dibdib ng lalaki ay gumuhit ang
kirot habang pinagmamasdan ang napakahinang asawa niya. Daig pa ang piniga ng
isang mapagparusang kamay ang puso niya.
“I’m sorry. I know, I'm crazy! Sa tuwing nakikita kasi kita ay ipinapaalala mo sa
akin kung gaano kasakit ang aking kabataan. Kung sana minahal mo rin ako katulad ng
pagmamahal ko sa’yo, baka sakaling kinalimutan ko ang nakaraan, kaya lang ginamit
mo lang ako,” bulong ng isip ng binata habang nakatunghay sa babaeng mahimbing na
natutulog.
Napangiti si Katallea ng maaninagan niya sa Geo sa madilim na silid na kaniyang
kinaroroonan. Naramdaman niya ang marahang paghaplos nito sa kaniyang pisngi at
ang unti-unting pagtabi nito sa kan’ya sa maliit na karton. Iniyapos ng lalaki ang
braso
nito sa maliit na bewang ng asawa at namalagi ito sa ganoong posisyon hanggang sa
nakatulog ito sa tabi niya.
Naalimpungatan si Geo sa biglang paggalaw ng katabi niya. Kahit wala siyang
makita sa basement ay nararamdaman niya ang kaawa-awang lagay ng kanyang asawa.
Nahahati ang puso ni Geo sa kung ano ang tama at mali para sa kanilang dalawa
ni Katallea. Parang nauulol na aso na napamura na lang ang lalaki dahil sa bigat ng
kaniyang dibdib habang katabi ang babaeng gusto niyang durugin at parusahan.
Bumangon si Geo at tuloy-tuloy na lumabas sa silid na iyon. Nagulat pa si Yaya
Adel ng makita si Geo na lumabas ng basement. Maagang gumising ang matanda para
magluto ng agahan ng mga amo niya kaya naman nagkabulagaan pa sila.
“Yaya, don’t tell her anything,” pakiusap ni Geo sa kaniyang yaya.
“Bakit hindi mo subukang kilalanin ang asawa mo, Geo? Sa tingin ko ay
nabubulag ka anak ng nakaraan mo.”
Mahina lang ang pagkakasabi noon ng matanda ngunit parang sinampal si Geo
ng mga salitang iyon. Gusto ng bumigay ng puso niya pero naalala niya ang mga
ebidensiyang hawak n’ya.
“She fooled me once and it will never happen again. Enough is enough!”
Tinalikuran ni Geo ang matandang umiling na lang. “By the way, huwag mo siyang
hayaang mapagod, Yaya,” sabi ni Geo ng muling humarap ito.
Maagang pumasok si Geo sa opisina. Ayaw niyang makita siya ni Katallea at
ayaw n’ya ring makita ito. Iniiwasan n’yang muling masaktan ang asawa dahil
nakadama din siya ng takot ng mawalan ito ng malay dahil sa pananakal niya.
Dumiretso siya sa loob. Naroon na at naghihintay si Clarise. Ang babaeng ito na
ngayon ay isa sa mga parausan niya ay parang uhaw na uhaw palagi sa kan’yang mga
halik.
Alam niyang gagawin ni Clarise ang lahat makaganti lang sa ate n’ya kaya
ginagamit s’ya nito. Alam niyang kapag nakapaghiganti na ito ay magiging
estranghero
na sila sa isa’t isa. Ngunit nagkakamali si Geo, wala ng plano si Clarise na iwanan
siya.
Napatawa si Geo ng pagak. Si Clarise dapat ang asawa niya ngayon at ito dapat
ang dumaranas ng mga paghihirap na pinagdadaanan ni Katallea pero dahil sa sobrang
pagmamahal dito ng kapatid kaya nagawa ng asawa niya na paglaruan ang kaniyang
puso. Ngayon, gagamitin n’ya rin ang babaeng ito para paikutin ang asawa niya. Wala
pa s’yang nabubuong plano pero gagantihan niya ang magkapatid sa kan’yang sariling
paraan.
Nagpapasalamat si Geo kay Anastasia dahil tinulungan nito si Clarise
pagkatapos maaksidente ng huli noong tumakas sila ni Joey. Namatay ang kaibigan
n’ya sa malagim na trahedyang iyon kaya ganoon na lang ang sakit na iniwan noon sa
puso niya. Sa tagal nilang nagkasama at nagdamayan, nasayang ang buhay ni Joey
dahil
lang sa nahulog ito sa patibong ni Katallea.
Noong una ay hindi makapaniwala si Geo na magagawa ni Katallea na traydorin
ang kapatid ngunit napag-alaman ni Geo na nakipagsabwatan si Katallea sa daddy niya
para ito ang kanyang mapangasawa at hindi si Clarise.
Iyon ay dahil sa isang bahagi ng kontrata na nakita ni Katallea, kung saan kapag
pinalitan niya ang kaniyang kapatid ay utluyan ng mababalewala ang iba pang bahagi
ng nawawalang kontrata. Pagkalipas ng limang taon ay babayaran siya ni Don Arman
ng 10 milyon dahil kung hindi ay may iba pang ilalabas na baho raw ang babae laban
sa
pamilya niya. Hindi alam ni Geo ang kabuuan ng pahinang nakuha ni Katallea at wala
na s’yang balak pang magtanong.
Sa ayaw at gusto ni Don Arman ay napilitan itong ipapatay so Joey noong gabing
tumakas ito kasama si Clarise dahil sa panggigipit ni Katallea. Iniligtas lang ni
Anastasia si Clarise at nagmakaawa ito sa daddy niya pabayaan mabuhay ang babae
para may makatulong sila laban sa kay Katallea.
Ayaw tanggapin ng isip ni Geo ang mga nalaman ngunit ang mga text messages
na galing sa cellphone ni Katallea ay malaking patunay na nagsasabi ng totoo sina
Clarise at Anastasia. Iyon ang dahilan kung kaya’t lalong nawalan ng gana si Geo sa
asawa niya ngunit paminsan-minsan ay hindi nito mapigilan ang puso niya.
Hindi na nakikialam pa ang ama ni Geo sa kaniyang buhay at mga desisyon dahil
pinagbantaan niya si Don Arman na ipakukulong niya ito dahil sa pagpatay ng lalaki
kay Joey.
“Hon, kailan mo ba ako iuuwi sa bahay mo? Kating-kati na akong makita ang ate
ko,” salubong ni Clarise sa kan’ya. Ang alam lahat sa opisina nila ay ito ang asawa
niya
dahil iyon ang sinabi nito at ni Anastasia sa mga empleyado niya.
“Hindi pa ako handa pero ibabahay kita doon,” pangako niya sa babae para lang
manahimik ito.
Agad namang hinalikan siya ni Clarise sa labi. Sobrang wild nito na kahit saang
bahagi sa opisina niya ay nagse-s*x sila. Bagay na hindi niya magawa kapag si
Katallea
ang kasama niya. Nandidiri kasi siya sa asawa sa tuwing lumalapit ito at
napapadikit sa
kan’ya.
Lahat ng pagmamahal na nasa puso niya ay napapalitan ng galit kapag naaalala
n’ya ang mga ginawa ng kaniyang asawa. Hindi na lang kasi pictures noong college
sila
ang meron sila ngayon kung hindi mga videos na puro si Katallea ang laman habang
nakikipagtalik ito sa iba't-ibang lalaki.
“F*ck!” Pabalibag na inilapag ni Geo ang dala niyang bag. “I’m gonna kill you!”
Napangiti si Clarise. Hindi man sabihin ni Geo ay alam n’yang si Katallea ang
nasa isip nito. Si Katallea, ang ate n’yang kunwari ang masyadong mapagmahal.
Samantala sa bahay ay hindi muna nag-isip ng trabaho si Katallea. Tanghali na
siya nagising at pilit inaalala ang panaginip niya kagabi. Ang galit sa puso niya
para sa
asawa ay napalitan ng kilig.
Mabilis siyang tumakbo palabas at nakalimutan niyang nakakadena pala siya. Sa
isang iglap ay nawalan siya ng balanse at natumba sa sahig. Isang malakas na
halakhak
ang nagpaangat ng mukha niya.
“See? Sinabi ko naman sa’yo dati pa na huwag kang masyadong mangarap ng
mataas kasama si Geo.” Lalong lumakas ang halakhak ni Anastasia.
Mabilis na kinuha ni Katallea ang susi at tinanggal ang kadena sa paa niya. Agad
niyang sinugod ang nagulat na si Anastasia.
“Papatayin kita! Ikaw ang nagpakalat ng mga pekeng larawan ko noong
college!” Palibhasa sanay siya sa trabaho sa bundok kaya mas malakas si Katallea
kesa
kay Anastasia. Lahat ng galit na naipon sa puso niya inilabas niya. Mula basement
ay
kinaladkad niya palabas si Anastasia. Hawak niya sa buhok ang babae kaya naman
hindi ito makapalag.
Pagdating sa labas ng bahay ay binitawan ni Katallea ang dating guro niya. Kahit
naghahabol siya ng hininga dahil mas malaki sa kan’ya si Anastasia ay hindi
mapigilan
ni Katallea ang magwala.
“How dare you?! Wala kang galang talaga! Huwag mong ibintang sa akin ang
kababuyan mo!” sigaw ni Anastasia.
“Baboy? Kawawa ka naman, nagmahal ka sa maling tao kaya noong niloko ka
niya ng harap-harapan naghanap ka ng masisisi,” malakas ring sabi ni Katallea.
“Nagpapatawa ka ba? Ikaw rin naman ah, nagmahal ka ng maling tao kaya
mukha kang hayop ngayon sa sitwasyon mo habang ang asawa mo nagpapakaligaya sa
piling ng iba!”
Ngumisi si Katallea. Kinakapos na s’ya ng hangin dahil sa sobrang pagod at
galit.
“Lahi talaga kayo ng mga hayop! Huwag kang mag-alala, makaalpas lang ako sa
impyernong ito, ipatitikim ko sa inyo kung paano gumanti ang isang Katallea kaya
siguradohin n’yong mamamatay ako rito sa pamamahay na ito!”
“Talagang mamamatay ka rito! By the way, in the next coming days, I will be
sending you a surprise gift. Enjoy my dear cousin!” masayang paalam ni Anastasia.
Ngunit bago pa ito makasakay sa sasakyan niya ay hinablot muli ni Katallea ang
buhok nito Napasigaw ang kanina pa nanonood na si Yaya Adel dahil bago pa man
maabot ni Katallea si Anastasia ay nawalan na ito ng malay.
Sa opisina ni Geo ang nagaganap ang isang mainit na tagpo sa pagitan nila ni
Clarise. Kalat-kalat na ang mga gamit niya sa lamesa dahil nakataas ang mga paa na
binabayo niya. Panay ang ungol nito na kung wala lang soundproof ang opisina ay
baka
nabulabog na ang mga tao sa labas.
“F*ck me harder!” Hinila pa ni Clarise ang kwelyo n’ya para mas lalong
mapadikit s’ya rito. Sinunod naman ito ni Geo dahil gusto niyang wasakin din ang
babaeng ito.
Napatawa pa ang binata. “Hitting two birds with one stone.” Iyon talaga ang
plano niya.
Ngunit bago pa man siya labasan ay tumunog ang cellphone ni Geo. Isang tawag
iyon mula kay Anastasia na nagpatigil sa pag-ulos niya.
“Shit! Sino ba iyang istorbo na iyan?” reklamo ni Clarise ng hugutin ni Geo ang
sandata niya sa lalawa nitong p********e.
Tinakpan ni Geo ang bibig ni Clarise bago kinausap ang nasa kabilang linya.
“Shit naman, Geo. Huwag mong sabihing nagse-s*x kayo ni Clarise sa kainitan
ng tirik na araw!”
“What do you want?” tanong ni Geo habang pilit inilalayo kay Clarise ang sarili
niya dahil parang bata itong gustong gawing lollipop ang sandata n’ya.
“Sumunod ka sa Heroso Hospital. Dadalhin namin ni Yaya Adel doon si
Katallea,” sabi ni Anastasia sabay patay ng tawag.
Biglang tinulak ni Geo ang tila sabik na sabik na babaeng nakaluhod sa harapan
niya. Inayos niya ang sarili at mabilis ang mga kilos na iniwan ang nagmumurang
babae
na kanina lang ay panay ang halinghing.
Mabilis ang takbo ng sasakyan ni Geo habang panay ang dasal niyang sana nasa
maayos na lagay si Katallea. Galit siya rito dahil sa nakakasuklam nitong mga
ginawa
ngunit hindi kaya ng puso niya ang mawala ang babaeng pinakamamahal niya.
“Diyos ko, iligtas mo lang siya, pangako kalilimutan ko ang lahat ng galit ko.”
Hindi mapigilang dasal niya.
Pagdating sa hospital ay naabutan niya sina Anastasia at Yaya Adel na nasa labas
ng isang kwarto. Agad niyang tinanong ang mga ito kung ano ang nangyari. Nagkwento
naman ang dalawa.
Napangisi si geo ng sabohin nila na sobrang tapang daw ng asawa n’ya. Sabagay,
kaya nga naman nitong ipapatay ang kaibigan niya at kapatid nito kaya marahil ay
kaya
nga nitong saktan si Anastasia.
Ilang minuto ang lumipas, lumabas ang doctor na sumuri kay Katallea. Hinanap
nito ang kamag-anak ng babae kaya agad nagpakilala si Geo bilang asawa.
“Congratulations, your wife is three weeks pregnant. She needs rest! Hindi rin
s’ya pwedeng ma-stress dahil mahina ang kapit ng baby.” Inilahad pa ng doctor ang
kamay niya upang makipagkamay kay Geo ngunit hindi iyon pinansin ng lalaki.
Tulala lamang siya habang tinatanong ang sarili kung paanong nangyari na
nabuntis ang asawa n’ya gayong wala pa naman nangyayari sa kanila.

KATALLEA CHAPTER 24
Tahimik ang lahat ng nasa loob ng sasakyan habang pauwi sina Geo at Katallea
galing sa hospital. Umuwi na rin sa bahay nila ang nabiglang si Anastasia.
Pagkatapos
nitong malaman na buntis ang asawa ng pinsan niya ay mas lalong tumindi ang galit
nito sa pinakasalan ni Geo.
Nagtataka si Katallea sa katahimikan ng lahat. Maging si Yaya Adel kasi ay hindi
rin nagsasalita. Pagdating ng bahay ay umakyat si Geo at alam nilang nagbasag ito
ng
mga gamit sa kwarto niya dahil sa ingay na nilikha noon. Bukas ang pintuan ng silid
nito kaya abot hanggang kusina ang ingay.
“Yaya Adel, ano’ng problema?” Hindi nakatiis na tanong ni Katallea sa katulong
na iniiwasan s’ya.
“Bakit mo nagawang lokohin si Geo? Nagpabuntis ka pa Katallea. Umaasa pa
naman akong maayos pa ang relasyon n’yo,” malungkot na sabi ng matanda.
Natawa si Katallea sa sinabi ng katulog. “A-ako, b-bun-tis?! Yaya naman, kailan
pa nabuntis ang virgin?”
Seryosong hinarap ni Yaya Adel ang tumatawa pa ring babae. Hindi siya
makapaniwala sa sinabi nito. “Ikaw, virgin ka pa? Hindi ka pa na-jogjog ng kahit
sino?”
Lalong lumakas ang tawa ni Katallea sa sinabi ng matanda. Rinig na rinig iyon sa
buong bahay kaya naman kunot-noong napalabas si Geo ng kwarto n’ya. Nagngangalit
ang mga panga ng lalaki sa pag-aakalang pinagtatawanan siya ng asawa,
“Ano bang jogjog iyan, Yaya? Ikaw ha, masyado ka.” Niyakap ni Katallea ang
yaya ni Geo at saka bumulong rito. “Virgin pa po ako at wala pang karanasan sa
sinasabi mong jogging. Bukas pag-alis ni Geo, balikan natin ang doctor.”
Nagulat na lang ang dalawang babae ng hablutin ni Geo ang asawa niya.
Kinaladkad nito ang nahintakutang babae patungo sa basement. Walang salitang
binitawan si Katallea dahil baka lalong sumama ang sitwasyon. Tahimik lang siyang
sumunod sa lalaki.
Isang malakas na sampal ang agad dumapo sa pisngi ni Katallea. Hindi pa siya
nakakabawi sa pagkahilo ay naramdaman niya ang parang bakal na kamay ng asawa sa
kaniyang panga.
“Sino ang ama ng anak mo? Sino?! Si Max ba?” sunod-sunod na tanong ni Geo
sa tahimik lang na si Katallea. “Ganoon ba ako ka-walang kwenta sa’yo ha,
Katallea?”
Umismid si Katallea. Gusto niyang sigawan ang lalaking nasa harapan niya. Ang
taong iyon na minahal niya ng lubos ngunit patuloy siyang sinasaktan ay inuubos ang
natitira niyang lakas. Gusto niyang ipamukha rito kung ano ang mga pagkakamali nito
ngunit sa dami ng gusto niyang sabihin ay iilang salita lamang ang lumabas sa mga
labi
n’ya.
“Kasalanan mo kung bakit ka nagdurusa, Geo. Kung sa paniniwala mo ay hindi
ako katanggap-tanggap sa’yo, mas lalong hindi ka karapat-dapat sa pagmamahal ko,”
pigil ang mga luhang sabi n’ya. “Sana kinilala mo ako sa kung sino ako at hindi
dahil sa
sinasabi ng ibang taong nakapaligid sa iyo.”
Hinawakan ni Geo sa dalawang balikat ang asawa niya. Malamlam ang mga mata
nito na tila nagmamakaawa. “Bakit hindi mo ako kayang mahalin? Bakit, Katallea?”
Tinabig ni Katallea ang mga kamay ng asawa habang tinitingnan itong lumuluha
sa harapan niya. Hanggang sa hindi niya napigilang haplusin ang pisngi nito.
“Minahal kita, Geo, pero hindi mo nakita kasi bulag ka.”
“Kailan mo ako minahal? Katallea, ginamit mo lang ako! Ang sakit na ang
babaeng pinaglaanan ko ng puso ay buntis ngayon sa anak ng ibang lalaki. Hindi pa
ba
sapat na ipinamukha mo sa akin na wala akong halaga sa buhay mo?”
Patuloy na umiiyak ang lalaki sa harapan ng asawa n’ya. Napaluhod pa ito dahil
sa sobrang tindi ng emosyon. Hindi makapaniwala si Katallea sa nakikita niyang
itsura
ng asawa niya. Galit, awa, hindi niya alam kung alin sa dalawa ang nananaig sa puso
niya.
“Geo, ako, minahal mo ba talaga ako?” Umupo na rin si Katallea sa harapan ng
nakaluhod na lalaki. “Kasi Geo, hindi ko rin naramdaman iyon. Niloko mo lang ako.
Pinaibig para sa huli paglaruan mo lang. Ang sakit, Geo! Mas masakit pa ang
emotional
pain na dulot mo kesa sa mga pasang dinanas ko mula sa’yo.”
“Kung sabihin ko ba sa’yo ngayon na mahal kita, maniniwala ka ba?” tanong ni
Geo sabay hawak sa kamay ng asawa n’ya.
“Ikaw Geo, kung sabihin ko rin bang mahal kita, virgin ako at hindi ako buntis,
maniniwala ka rin ba?”
Sa narinig ay biglang napatayo si Geo. Daig pa niya ang binuhusan ng malamig
na tubig. Bakit n’ya ba iniiyakan ang isang mamamatay tao at maruming babae? Sa
isip
niya ay baka pinaiikot na naman siya ni Katallea. Pilit niyang pinagalitan ang puso
dahil minsan pa ay naging mahina ito.
“Pinaikot mo ako para sa pamilya mo! Hindi malayong paikutin mo ulit ako
ngayon,” bulong ng isip ng lalaki.
Lumabas ng basement si Geo. Nabuo ang isang plano sa isipan niya.
Kakaibiganin niya ang ama ng ipinagbubuntis ng asawa niya.
Dumiretso ang lalaki sa minbar ng bahay nila habang si Katallea ay inayos ang
sarili. Lumabas siya ng basement at pumunta sa kusina.
“Sinaktan ka ba niya? Ano’ng ginawa n’ya sa’yo?” sunod-sunod na tanong ni
Yaya Adel. Ang tono ng matanda ay kababakasan ng matinding pag-aalala.
Ngumiti si Katallea para ipakita sa matanda na wala itong dapat isipin. Kailangan
niyang maging matibay. Sa nakita niya kanina kay Geo ay nagkaroon ng munting
pag-asa sa puso niya na baka, baka sakaling maging normal silang mag-asawa.
“Palapit si Geo, ang ngiti mo. Ayaw n’yang nakikitang ngumingiti ka, ‘di ba?”
bulong ni Yaya Adel.
Agad na sumimangot si Katallea ng makitang papuntang kusina nga ang lalaki.
Ang kaninang maamong mukha nito habang umiiyak ay naging matapang na ulit.
Seryoso ang lalaki at walang mababakas na kahit anong pag-ibig sa mga mata nito.
“After an hour sumunod ka sa bar,” sabi nito kay Katallea. “Maligo ka! Ang baho
mo!”
Iyon lang at tumalikod na ito. Nanlaki naman ang mata ni Yaya Adel. “Sige na
maligo ka na. Malay mo matakam sa’yo ang alaga ko eh ‘di tapos ang problema mo.”
Namilog ang mata ni Katallea. Kinapa niya ang puso niyang umaasa pa rin na
muling magiging malambing sa kan’ya ang asawa. Ngunit nawala ang excitement niya
at napalitan iyon ng kaba. Napainom pa siya ng tubig para pakalmahin ang sarili.
“Malamang parusa ito dahil sa nalaman n’ya. Siguro si Anastasia na naman ang
may gawa nito,” sa isiping iyon ay lalong nalukot ang magandang mukha ni Katallea.
Mabilis siyang naligo sa CR ng kusina. Iyon lang kasi ang pwede niyang gamitin.
Mabuti nga at siya na mismo ang nagla-lock ng kadena sa binti niya gabi-gabi kasi
nakakalabas na s’ya ng madaling araw at umiihi doon. Hindi pwedeng hindi n’ya isuot
ang kadena dahil kapag nahuli siya ni Geo ay baka saktan na naman siya.
Ilang minuto rin s’yang tumunganga lang sa kusina at pinapanood si Yaya Adel
sa mga gawaing bahay. Hinintay niya na tawagin siya ni Geo. Lasing ito kaya
natatakot
s’ya na kapag hindi s’ya pumasok agad sa bar ay bugbugin na naman s’ya nito.
Pagpatak ng eksaktong isang oras ay kusa na siyang kumatok sa nakasarang
silid para hindi na uminit ang ulo ni Geo. Mula sa loob ay narinig niya ang
iritableng
boses ng lalaki. Pinapapasok na siya nito kaya dahan-dahan niyang pinihit ang door
knob.
“May kailangan ka ba?” kinakabahang tanong ni Katallea.
“Tumayo ka roon.” Inginuso ni Geo ang maliit na bilog sa harapan nito.
Sumunod si Katallea. Biglang may pinindot si Geo at sa isang iglap ay may
umalingawngaw na isang sexy na musika, Hindi siya tanga. Nakaramdam agad si
Katallea na may ipagagawang hindi maganda sa kan’ya ang asawa.
“Undress yourself while dancing!” Utos iyon at hindi pakiusap.
Nanginginig ang mga kamay at tuhod ni Katallea habang titig na titig si Geo sa
kan’ya.
“Geo, ano ba namang klaseng utos iyan? Kanina lang ay…”
“Gagawin mo o ipuputok ko ito sa’yo!” Napatingin si Katallea sa baril na hawak
ni Geo. Hindi pa s’ya pwedeng mamatay. Hindi n’ya pa alam kung nasaan si Clarise at
hindi n’ya pwedeng pabayaan ang pamilya n’ya.
Kagat labing unti-unting gumalaw si Katallea. Magaling siyang sumayaw at alam
ni Geo iyon kaya hindi s’ya pwedeng magsinungaling na hindi s’ya marunong.
“F*ck! Ayusin mo ang sayaw mo! Ipakita mo sa akin kung paano mo inakit ang
mga lalaking nakasama mo sa kama lalo na ang lalaking nakabuntis sa’yo!”
“Pagsisisihan mo talaga ang lahat ng ito, Geo. Tandaan mo iyan,” galit na sabi ni
Katallea habang hinuhubad ang mini dress na suot niya.
Pagak na tumawa si Geo. “Matagal ko ng pinagsisihang minahal kita. Ayusin mo
ang galaw mo. Hindi ako nakukuntento! Haplusin mo ang sarili mo!:
Ikinimbot ni Katallea ang balakang niya. Nagsisimula siyang tanggalin ang mga
suot niya. Pikit mata niyang hinubad ang bra at panty. “Open your eyes!”
Natatakot man ay sumunod si Katallea ngunit nanlaki ang mga mata niya nang
makita niya si Geo na nilalaro nito ang p*****i. Wala sa sariling napaluhod si
Katallea
at niyakap ang sarili habang patuloy na umiiyak.
“Damn it! Sinira mo ang pantasya ko!” sigaw ni Geo bago lumabas. Naiwan si
Katallea na tigalgal pa rin dahil sa pangyayari.
Kahit lasing na ay nagtungo si Geo sa paborito niyang bar. Doon ay may
kinausap siyang tao na pwedeng magbigay ng kahit anong information na kailangan
niya tungkol kay Max Trunco.
“Andito rin pala s’ya, pare,” sabi ng kausap niya ng matanawan nito ang lalaki sa
kabilang bahagi ng bar.
Tumayo si Geo at lumapit sa lalaking mag-isa lang na umiinion.
“Hey, dude, Geo Arevalo.” Inilahad ni Geo ang palad niya para makipagkamay.
“I am Katallea’s husband. Do you remember her, your business partner?”
“Yes, I do. Max, pare. Nice meeting you,” sabi naman ng lalaki.
“Can I join you?” tanong ni Geo.
“Yeah ,sure. No problem. Mukhang nakainom ka na yata.”
“Naku, kaunti lang, p’re,” sabi ni Geo.
Walang kaalam-alam si Max na sa ilalim ng mesa ay may mga kamaong
nakakuyom at nagpipigil upang pabagsakin siya.
Omorder si Geo ng alak. Gusto niyang lasingin ang kaharao upang malaman nito
ang mga sikreto nito at ng asawa niya. Palibhasa hindi naman likas na lasinggero
kaya
mabilis na tinamaan ng epekto ng alak ang lalaki.
“So, Max, kumusta naman ang negosyo n’yo ng asawa ko?” umpisa ni Geo ng
mapansing lasing na ang kaharap.
“We’re doing great,” sagot ni Max.
“How great? I mean, mabuti hindi ka nagkagusto kay Katallea.”
“Sino ba namang hindi magkakagusto sa asawa mo? She’s sexy, beautiful and
kind.”
“Do you love her?”
“Yes, I do. Ikaw, mahal mo ba s’ya?”
Sumeryoso si Geo habang nakatitig sa kaharap niya. Gusto niyang suntukin ang
lalaki sa pag-amin nito ng pag-ibig para kay Katallea.
“I love her and I’m willing to kill anyone na sisira sa aming dalawa.”
Sisinok-sinok na nagsalita si Max. Hindi man lang ito nasindak sa sinabi ni Geo.
“Maswerte ka dahil asawa mo na s’ya. Ako, hanggang tingin na lang sa kaniya.
Lately,
hinahanap ko ang dating kilala kong Katallea. Her smiles were like sunshine in this
f*cking world but I haven’t seen those beautiful smiles again.”
“Dahil bawal s’yang ngumiti sa harapan ko. Ayaw kong makitang masaya s’ya
habang nahihirapan ako!” Madiin, nanghahamon at nakakasindak ang bawat bigkas ni
Geo sa mga salitang iyon.
“Kung hindi mo siya kayang pahalagahan, ibigay mo na lang s’ya sa akin, pare.”
“Ibigay?! No way! Akin lang si Katallea at ako ang magpapalaki ng…!”
Ilang saglit pa ay nagkakagulo na sa loob ng bar na iyon. Hindi maawat si Geo
ng mga bouncers sa pagwawala nito. Duguan na rin si Max. Hanggang sa marinig ang
sigawan ng mga tao pagkatapos ng isang malakas na putok ng baril.
Sa bahay nila ay nahimasmasan na si Katallea. Isang tawag ang natanggap niya.
Nagdadalawang-isip pa s’yang sagutin iyon dahil numero lang ang lumabas sa screen
ng cellphone niya.
“Hello, ma’am. Asa po ba ito ni Mr. Geo Arevalo?”
“Yes, sino po ito? Paano mo nakuha ang number ko?” magalang na tanong niya.
“Nakita po kasi namin sa phonebook ni sir na nakalagay ay, ‘Asawa ko’. Punta
po kayo dito sa Heroso Hospital, narito po ang asawa n’yo. Itetext ko po sa inyo
ang
address.”
Alam ni Katallea ang nabanggit na hospital dahil doon siya dinala ni Anastasia
ngunit dahil sa kabiglaan ay biglang na-blangko siya.
“H-hos-pital? Si Geo...Yaya!” sigaw niya sa pagitan ng matinding kabog ng
dibdib niya.
KATALLEA CHAPTER 25
Panay ang tabig ni Geo sa kamay ni Katallea habang inaalalayan niya ito. Dahil
ayaw niyang mapahiya sa loob ng hospital kaya pumunta na lang si Katallea sa
nursing
station para hanapin ang doctor na tumingin sa kan’ya dati para linawin ang sinabi
niyang buntis siya.
Nang sinabi ng mga nurses na naka-off duty ang doctor ay nagdesisyon siyang
manatili na lang muna sa pasilyo habang ginagamot pa si Geo. Nakabantay naman kasi
sa lalaki ang yaya nito.
Habang nakatayo lang siya sa mahabang daanan ng mga tao ay nakita niyang
idinaan sa harapan niya si Max na nakasakay sa isang wheelchair at tulak-tulak ng
isang nurse. Sinundan niya ito hanggang sa maipasok sa isang silid.
Kinausap niya si Max na huwag ng kasuhan si Geo. Mabuti at napapayag niya
ang lalaki dahil natatakot siyang harapin si Don Arman kung sakaling makulong ang
asawa niya. Hindi naman talaga lango sa alak si Geo pero dahil sa panggugulo nito
sa
bar ay nabugbog ito ng mga bouncers.
“Max, I’m sorry. Sana hindi ito maapektuhan ang partnership natin,” pakiusap ni
Katallea sa lalaki.
Ngumiti ng malapad ang binata. Lasing na lasing ito pero matalas pa rin ang isip
niya kahit na hindi na siya halos makaupo ng maayos sa kaniyang kinauupuan.
Dumating na rin ang mga magulang ng lalaki na masamang-masama ang loob sa
nangyari.
“Tell me, Katallea, a-are you happy with him?” tanong nito.
“Of course, yes!” pagsisinungaling niya.
“Liar,” maikling sabi ni Max. Humagikhik pa ito ng bahagya. “I lied to him na
mahal kita kaya binugbog n’ya ako. Asikasuhin mo na iyon, bukas we will have a
meeting.”
Kinabahan si Katallea sa sinabi ng lalaki. Huwag naman sanang gamitin nito ang
pinirmahang kontrata nila para maputol ang pagiging magkasosyo nila sa negosyo.
Nakalagay kasi roon na kapag nasaktan o niloko ng kabilang panig ang isa, pwedeng
i-terminate na ang contract.
Gusto niyang dagukan si Geo dahil sa ginawa nito pero inaalala niya ang
magiging resulta noon. Nagdasal na lamang siya na sana mahanap pa ang nawawalang
ilang bahagi ng kontrata ng mga lolo nila ng lalaki at baka sakaling may nakalagay
roon na papabor sa kan’ya.
Malaki talaga ang pagtataka ni Katallea na nawalang lahat ang ilang pahina ng
kontratang pinirmahan ng lolo ni Geo at ng lolo niya. Habang hindi natatagpuan iyon
ay titiisin na muna niya ang kawalang hiyaan ng kaniyang asawa dahil umaasa pa rin
siyang magbabago ito.
Pagkatapos gamutin ng mga doctors ang sugat ni Geo ay umuwi agad sila. Si
Max naman ay naiwan sa ospital at inasikaso na ng mga magulang nito. Walang imikan
sina Geo at Katallea habang nasa loob ng sasakyan nila.
“Mukhang mas inalala mo yata siya kesa sa akin.” Napaangat ang ulo ni Katallea
sa narinig. Wala sa loob na napatingin siya sa lalaki. Katulad ng dati ay salubong
ang
kilat nito at matalas ang mga mata.
“Kinailangan ko lang makipag-usap doon sa tao para hindi ka niya ipakulong,”
mahinang sabi ni Katallea.
“So, do I have to thank you?”
“Geo, pakiusap, I am so exhausted. Stop muna. Saka mo na lang ako awayin.”
Napalitan ng awa ang selos na nararamdaman ng lalaki lalo na ng makita nito
ang asawa niya na halos walang kabuhay-buhay. Sa isip ni Geo ay palalakihin niya
ang
anak ni Max at Katallea pero hinding-hindi niya ipapaubaya ang asawa sa lalaking
iyon.
Napasabunot si Geo sa sarili. Gusto niyang pahirapan ang asawa pero siya ang
unang nasasaktan. Gusto n’yang maramdaman din ni Katallea kung gaano nga ba
kasakit ang magmahal at maloko pero nagdurugo rin ang puso niya. Muling napalingon
si Geo sa asawang nasa hulihan ng sasakyan. Nakapikit ito habang hinihilot ang
sentido.
“Hanggang kailan tayo ganito, Geo?” tanong ni Katallea. Hirap na hirap ang tono
ng boses nito na parang humihiwa sa puso ng lalaki.
“Hanggang hindi mo tuluyang nararamdaman ang sakit ng pinagdaanan ko sa
kamay ni daddy dahil sa kontrata ng mga pamilya natin. Hanggang sa tuluyang
malaman mo kung gaano kasakit ang lokohin ng taong pinakamamahal mo,” matigas na
sagot ni Geo.
“Kapag ba naranasan ko na ang lahat ng iyan, palalayain mo na ba ako? Paano
kung sa huli Geo malaman mong ikaw ang nanakit sa isang inosenteng tao, handa ka
bang masaktan muli?”
“Dahil sa mga pinagdaanan ko, matalino na ako, Katallea. Ang daddy at pamilya
mo ang dahilan ng mga pagdurusa ko simula noong bata pa ako hanggang…” Gusto ni
Geo na idagdag ang salitang ngayon pero itinikom n’ya ang kan’yang bibig. Tama,
patuloy pa rin siyang nasasaktan. Mabuti na lang na may kalayaan na siya ngayon.
Lihim na napatawa ng pagak si Katallea. Gusto niyang sabihin sa lalaki na
sobrang bobo nito, na ang tanga-tanga nito pero hindi siya nagsalita. Hindi na rin
umimik pa si Geo.
Pagdating ng bahay ay halos mapaluhod si Katallea sa uto ni Geo. Hindi nito
sinaktan ang asawa ngunit hindi katanggap-tanggap ang gusto nitong mangyari.
“Walang pagkain, walang tubig?! Geo naman, sumosobra ka na!” sigaw ni
Katallea.
“Gusto kong maranasan mo kung ano ang naranasan ko sa kamay ng daddy ko sa
tuwing nakikipag-usap ako noon sa mga babae. Ginusto mong maging taga bayad-utang
‘di ba? Pwes, ‘yan ang parusa mo!” Walang emosyon ang lalaki habang ikinakadena
siya. Kinuha pa nito ang susi niyon kaya kahit umihi ay hindi niya magagawa.
“Geo, may meeting ako bukas,” umiiyak na sabi ni Katallea.
“Meeting with Max, no way!” sigaw ng lalaki.
“Tandaan mo Geo, isasampak ko sa’yo ang katotohanan kapag napatunayan
kong si Anastasia ang nagpakalat ng mga pekeng larawan na iyon noong college pa
lang tayo!”
Ngumisi si Geo at saka sinampal si Katallea. Nakainom ito pero hindi lasing
ngunti ang utak nito ay parang sinasaniban ng matapang na alak na kaniyang naubos.
“Hindi lang iyon ang kasalanan mo sa akin! By the way, your sister, Clarise, will
be here soon.”
Napatulala si Katallea. Hindi maarok ng isip niya ang huling sinabi ni Geo.
Nakatingin lang siya sa asawa niya at nakita niya sa mata nito ang sakit. Naguluhan
ang
puso niya, si Geo, nasasaktan? Ngunit biglang pumasok sa isip ng dalaga si Clarise.
Ang kapatid niya, kumusta na kaya?
“Please, huwag ang kapatid ko. Kaya kung tiisin ang lahat para sa pamilya ko.
Huwag ang kapatid ko. Bata pa siya at…”
“Too late, Katallea.”
Napaluhod si Katallea sa harapan ni Geo. Niyakap niya ang binti nito. Hilam ng
luha ang mga mata niya habang nagmamakaawa sa lalaki.
“Kunin mo na lahat ng naipundar ko. Sige, sa’yo na lahat. Please, Geo, huwag
ang kapatid ko.”
Humalakhak si Geo. Binalot ng malademonyo nitong tawa ang buong basement.
“Naipundar mo? Katallea, sa akin ang perang ginamit mo para makapanimula ka
ng negosyo. Lahat ng ipon ko noon ay ibinigay ko sa’yo, kaya kung ano ang meron ka,
akin iyon. Kukunin ko ang lahat-lahat kasama ang pamilya mo. Kayo ang dahilan ng
paghihirap ko sa mahabang panahon kaya maniningil ako.”
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Ako ang nag-utos sa mga lalaki noon na takutin ka at bigyan ng pera para
mailayo ka sa daddy ko. Ganoon kita kamahal noon na ultimo piso, wala akong itinira
para sa sarili ko dahil gusto kong makapagsimula kang muli malayo sa d*monyo kong
ama.”
“Iyong mga fake na litrato, ikaw ang…”
“No! Those pictures are authentic. Nagbayad pa ako ng tao para paimbestigihan
iyon kaya huwag mong paikutin ang ulo ko! Don’t play victim, Katallea!”
Binaklas ni Geo ang kamay na nakayakap sa mga binti niya at walang awang
iniwan nito ang asawa. Lalong umalsa ang galit niya ng walang pagsisi man lang
siyang
narinig mula kay Katallea. Pamilya, puro pagmamahal sa pamilya nito ang nasa isipan
ng asawa niya at wala siya ni katiting na pwesto sa puso nito.
Hindi niya balak kunin ang naipatayong negosyo ni Katallea. Hindi siya kasing
sakin ng daddy niya pero gusto niyang saktan ang asawa niya dahil para sa kan’ya,
kahit kailan ay hindi niya pa naramdaman na minahal siya nito sa kabila ng lahat ng
pagsisikap niya. Puro pagkukunwari ang nakita niya kay Katallea. Ang mga ebidensya
na hawak n’ya ang nagpapatunay noon.
Malakas na sinuntok ni Geo ang unan sa kama niya. Isang bagay lang ang gusto
niya ngunit hindi niya makuha at malabo na iyon ngayong buntis na sa iba ang asawa
niya.
“Mahalin mo lang ako, Katallea, handa kong kalimutan ang lahat. Pilit kong
buburahin ang galit ko sa’yo,” hagulhol ni Geo.
Samantala sa basement, pinahid ni Katallea ang luha niya. Tumigas ang mukha
niya habang nakatitig sa kadenang nakakabit sa mga binti niya.
“Hindi ako papayag na mamatay ako ng walang kalaban-laban. Sayang ang
pagmamahal na inukol ko sa’yo, Geo Arevalo. Ikaw pala ang lalaking gustong
magpapatay sa akin noon. Hindi ako naniniwala na para sa kapakanan ko iyon.
Nagkakamali ka, hindi ako mamamatay sa mga kamay mo!”
Ngunit may bahagi ng utak ni Katallea ang nagtatanong kung nagsasabi ba ng
totoo si Geo. Ang puso niya ay matigas ang pagtanggi sa ibinubulong ng utak niyang
kamuhian ang lalaki.
Sa kusina ay umiiyak si Yaya Adel habang iniisip ang kalagayan ni Katallea sa
basement. Alam niya kung gaano kahirap ang pinagdadaanan nito ngayon dahil nakita
na niya iyon kay Geo, Gusto niyang dalhan ito ng kahit tubig pero hindi pwede. Ini-
lock
ni Geo ang silid at wala siyang susi.
Nakita ni Yaya Adel na umalis si Geo. Kahit puro pasa pa ang katawan ng lalaki
ay wala itong pakialam na nilampasan lang ang yaya niyang nagtatanong kung saan
siya pupunta. Pinaharurot ng lalaki ang sasakyan niya na para bang gusto na iyong
paliparin.
Pagkaalis ng alaga niya ay pinuntahan ni Yaya Adel si Katallea sa kinaroroonan
nito. Dahil hindi siya makapasok kaya malakas na tinawag niya ang among babae
upang matiyak na ligtas ito.
“Katallea, gising ka ba anak?” Tanong niya sa babaeng tahimik lang sa loob.
“Opo, Yaya. Huwag n’yo po akong alalahanin.”
“Magpakatatag ka, malalampasan mo rin ang lahat ng ito. Kahit nagbago si Geo,
alam kong mabuting tao siya at mahal ka niya.”
Tumawa ng ubod pait si Katallea. Sa loob ng madilim at mainit na basement na
iyon ay hindi niya nakikita ang pagmamahal na sinasabi ni Yaya Adel. Galit, poot at
kawalang kaluluwa ni Geo ang naaaninag niya sa makipot na lugar na kinalalagyan
niya.
Dalawampu’t apat na oras ang lumipas ngunit hindi pa rin umuwi si Geo. Naroon
lang siya sa condo unit ng babaeng laging nasa tabi niya sa mahabang panahon. Ang
taong iyon na naging karamay niya simula noong naglabasan ang mga larawan ni
Katallea noong nag-aaral pa lamang sila ang tanging alam ni Geo na totoong
maaasahan
niya.
Ngunit kahit gaano kabuti ang puso nito ay hindi siya kayang mahalin ni Geo. Sa
puso’t isipan ng lalaki ay walang iba kundi ang kan’yang asawa. Nang maalala ni Geo
na ikinulong niya sa basement si Katallea ay mabilis ang naging pagkilos niya.
“Babe, uuwi ka na ba?” tanong ng babae. Nakahubad pa ito dahil katatapos lang
nilang magniig.
“I have to go,” malamig na sabi ni Geo, Hindi niya man lang ginawaran ng halik
ang naghihintay na babae bagkus ay matulin siyang lumabas sa tirahan nito.
Habang nasa sasakyan ay tinawagan ni Geo si Yaya Adel. Napakabilis ng tibok
ng puso niya at gusto niyang iuntog ang ulo sa manibela ng sasakyan. Sinabi ng
matanda na panay na ang tawag nito sa kan’ya ngunit hindi siya ma-contact. Hindi na
raw kasi sumasagot si Katallea limang oras na ang nakaraan.
“Geo, bakit nakalimutan mo siya?” tanong niya sa sarili. “Hindi ko kayang
mawala siya. Sana maayos lang ang lagay niya.”
Pagkaparada ng sasakyan ay mabilis na tinungo ni Geo ang basement.
Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang binubuksan ang silid lalo na at hindi
talaga sumagot ang kaniyang asawa ng tinawag niya ito.
Pagkabukas ng ilaw ay agad niyang nakita ang walang malay na babae. Inilang
hakbang lang ni Geo mula pintuan hanggang sa kinaroroonan ni Katallea. Hindi niya
mapigilan ang pangangatog ng katawan na tila ba inuuga ang buo niyang pagkatao.
‘Simbilis ng kidlat na natanggal niya ang kadena ng asawa at binhat ito palabas ng
madilim na kwartong iyon na naging impyeron dahil sa sarili niyang kagagawan.
KATALLEA CHAPTER 26
“Mabuti at nadala mo kaagad siya rito, Mr. Arevalo. Ilang minuto pang nahuli ka,
hindi na siya aabot pa ng buhay,” sabi ng doktor. “She’s dehydrated kaya kailangan
namin siyang lagyan ng swero. Kailangan n’ya ring mai-confine.”
Puro tango lang ang isinagot ni Geo sa kausap. Para kasi siyang papel na
inililipad lang ng hangin. Paulit-ulit rin sa isip niya ang sinabi ng doctor.
“I was so stupid,” sabi niya. Ang dating gwapo at maskuladong sikat na soccer
player ng paaralan noon ay hindi na halos makilala. Gusot ang puti niyang polo,
magulo
ang kan’yang buhok at higit sa lahat, wala ng kislap ang kaniyang mga mata.
“That f*cking contract made me an asshole! Si Dad, si Lolo, all of them...Ginawa
nila akong halimaw!” tangis ni Geo habang nakatayo at nakadikit ang ulo sa pader ng
pasilyo ng hospital. Nakataas ang mga kamay nito habang nakalapat sa malamig na
semento.
Ilang oras na sila sa hospital ngunit hindi pa rin nagigising si Katallea. Mas
lalong na triple ang takot na naramdaman ni Geo sa paglipas ng mga oras. Habang
tumatagal na tulog ang asawa niya ay mas lumalaki ang tsansa na hindi na ito muling
magising pa.
Naaawang tinitingnan ni Yaya Adel si Katallea. Kararating niya lang dala ang
mga gamit na kailangan ng mag-asawa sa hospital. Napalingon din ang matanda sa
walang imik na alaga niya. Hindi napigilan ng may eda ng babae na lapitan ito at
kausapin.
“Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng galit mo sa asawa mo pero sana makita
mo ang puso niya. Napakabait niya, Geo. Wala man siyang sabihin sa’yo o sa akin
alam
kong mahal ka niya.”
Mabait? Napangisi si Geo. Alam niyang mabait si Katallea pero paano naatim ng
puso nitong ipapatay si Joey kahit kasama ng lalaki ang kapatid niya. Mahal? Kung
mahal siya ni Katallea, paanong hindi niya maramdaman. Ang daming tanong sa isipan
ni Geo na hindi niya makuha ang kasagutan. Parang sasabog ang lalaki ng mga oras na
iyon.
Habang tumatagal sila sa hospital ay hindi na mapakali si Geo. Naisip niyang
wala siyang pinagkaiba kay Katallea, mukha na rin siyang mamamatay tao. Lakad, upo,
tayo, lahat na ay nagawa niya para kumalma ang nangangatog niyang katawan. Gusto
niyang magdusa si Katallea pero hindi niya iyo gustong mamatay.
Tinawag siya ni Yaya Adel. Hinahanap daw kasi siya ng doctor. Nang makita niya
ang manggagamot ay kabado siyang lumapit.
“Mr. Arevalo, your wife is in a critical condition. If hindi siya magising within
24
hours, I’m sorry, wala na kaming magagawa pa.”
Halos panawan ng ulirat si Geo. Hindi pa siya handang mawala si Katallea.
Mahal niya ang babae at ang tanging gusto lang niya ay maramdaman nito ang sakit na
pinagdaanan niya pero hindi ang mawala ito.
Marami pang sinabi ang doctor ngunit wala siyang naintindihan. Panay lang
okay, oo, o tango ang ginawa niya. Hindi na kasi pumapasok ang mga salita sa utak
niya.
Pagkatapos nilang mag-usap ng manggagamot ay nagpasya si Geo na pumasok
sa silid ni Katallea. Marahang lumapit siya sa kaniyang tulog na asawa. Pinisil
niya ang
mga kamay nito sabay sabing, “Mahal kita. Gumising ka riyan. Hinding-hindi na kita
sasaktan kahit kailan,”
Hindi na napigilan ni Geo ang luhang kusang pumatak. Ayaw niyang bitawan ang
mga kamay ng babaeng pinakamamahal niya. Dahan-dahang dinala niya iyon sa mga
labi niya at masuyong ginawaran ng halik. Ang dating nagbabagang mga mata niya ay
punong-puno ng pagsisisi.
“Don’t leave me, please. I can’t live without you. I know I’m so f*cking idiot for
punishing you all along, but please give me another chance.”
Narinig ni Katallea ang boses ni Geo. Dama niya ang paghihirap nito. Gusto
niyang umasa sa sinabi ng lalaki pero punong-puno ng pangamba ang puso niya. Gusto
niyang sabihin sa lalaki na natatakot siya, nalilito at nasasaktan ngunit walang
lumabas
na kahit ano sa kan’yang mga labi.
Mula sa kawalan ay pinilit niyang abutin ang lalaki para ipadama na mahal niya
ito ngunit nanghihina siya. Pakiramdam niya ay ang layo ng taong nagsalita, hindi
niya
maabot, hindi niya kayang hawakan. Hanggang sa unti-unti na lang na tumulo ang mga
luha niya.
Nanatili si Katallea sa madilim na lugar na iyon, mag-isa, walang makausap o
mahingian ng tulong. Pakiramdam niya ay hinila na s’ya nito patungo sa liwanag.
Kukurap-kurap si Katallea ng makita ang mga ilaw. Napadako ang tingin niya sa
kamay na kanina lang ay nagbigay sa kan’ya ng dahilan para kumawala sa malayong
lugar na iyon.
“M-Max,” mahinang sabi niya.
Inilibot ni Katallea ang tingin sa paligid ng puting kwarting kaniyang
kinalalagyan. Nakita niya si Geo na nakatayo sa may pintuan katabi si Yaya Adel.
Nakahalukipkip ang lalaki habang matamang nakatingin sa kan’ya. Hindi niya maarok
ang gustong ipahiwatig ng mga mata nito. Lungkot? Saya? Nakalilito ang titig na
iyon.
Marahang hinila ni Katallea ang kamay niya mula kay Max. Ngumiti siya sa
lalaki para hindi nito maramdaman ang takot na nasa puso niya.
“How are you? Nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin?” tanong nito.
“O-O-kay lang a-ako, Max.” Ang mga mata ni Katallea ay nakapako lang sa
walang kurap at kakilos-kilos na lalaking nakapirmi lang sa kinatatayuan niya, si
Geo.
Walang mababakas na emosyon sa mukha ng lalaki kaya nakakadama ng takot si
Katallea. Napansin naman ni Max ang pilit na itinatagong kaba ng babaeng kaharap.
“I have to go. Nandito naman si Geo at ang yaya niya. I hope you’re safe with
them,” parinig nito. “ We will continue our business meeting in the coming days.
Kapag
hindi ka dumating, Katallea, ipasusundo kita sa pulis.”
Tumayo si Max sa silya sa tabi ng kama at walang pasintabing dinaanan si Geo.
Ngunit bumalik ito at bumulong. “I’m warning you, Mr. Arevalo, this is the last
time na
sasaktan mo ang asawa mo.” Mahina lang ang boses ni Max pero parang nabasa ni
Katallea ang sinabi nito.
Kahit tingin ay hindi ginawa ni Geo. Alam niyang maimpluwensya rin ang
pamilya ni Max Trunco. Hindi nagkakalayo ang yaman ng pamilya nila kaya hindi niya
ito pwedeng banggain. Ngunit wala sa isip niya ang ibigay ang kaniyang asawa sa
lalaking iyon kahit pa magkaka-anak na ang dalawa.
Hinihintay ni Katallea na samaplain o kaya pagsabihan siya ni Geo ng mga
masasakit na salita dahil sa paghawak niya kay Max pero hindi nangyari iyon.
Tahimik
lang na nakaupo ang lalaki sa silyang nasa paanan ng hospital bed.
“Katallea, kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Yaya Adel.
“Medyo okay na po ako, yaya. Nakit nandito po si Max kanina?” hindi nakatiis
na tanong niya.
“Pamilya n’ya pala ang may-ari ng hospital na ito. Nakita n’ya yata ang pangalan
mo sa listahan ng mga pasyente kaya hinanap ka,” paliwanag ng matanda.
Pagkatapos matingnan si Katallea ng doctor at bigyan ng pahintulot na pwede na
itong pakainin ay aligaga si Yaya Adel sa pag-asikaso sa asawa ng amo niya. Si Geo
ay
hindi man lang tumayo sa inupuan nito o nagsalita simula ng umalis si Max.
Hindi batid ng sino man na matinding paninibugho ang nararamdaman ng lalaki.
Ilang oras kasi siyang nagmakaawa kay Katallea na gumising ito, ilang oras niyang
hinawakan ang kamay ng kaniyang asawa ngunit hindi man lang niya nadama ang kahit
pisil lang nito sa palad niya.
Isang bagay na mabilis na nakuha ni Max. Saglit pa lamang itong nakaupo sa tabi
ng asawa niya, iilang minuto pa lang nitong hinawakan ang kamay ni Katallea pero
nakita ni Geo kung paanong halos ayaw bitawan ni Katallea ang mga kamay nito.
Naisip ni Geo na sana siya na lang si Max.
Nang makauwi ng bahay ang mag-asawa ay ipinatawag ni Geo si Katallea sa
maliit na opisina nito. Nanghihina man ay sumunod si Katallea para maiwasan ang
panganib sa buhay niya lalo at alam niyang pwede ring mangyari iyon sa pamilya
niya.
Hindi man lang pinaupo ni Geo ang asawa niya ng pumasok ito ng silid. Kahit
gusto niyang ikulong ito sa bisig niya ang nananaig pa rin ang pagkalito at
pandidiri
niya sa babae.
“Let’s have a deal,” matigas na sabi ni Geo. “From now on, doon ka na matutulog
sa silid na dati mong ginamit noong hindi pa tayo kasal.”
Nakasilip ng pag-asa si Katallea sa sinabing iyon ni Geo. Ngunit ayaw niyang
pakinggan ang bulong ng puso niya, takot na siyang muling masaktan kaya tumango na
lamang siya.
“Since you’re pregnant, hindi ka pwedeng sa basement lang. Baka may mangyari
pa sa baby. Gusto kong magdusa ka pero hindi ako mamamatay tao.”
Pinakinggan lang ni Katallea ang mga sinasabi ni Geo. Hindi niya gustong
magsalita dahil baka biglang umiba ang ihip ng hangin at muli siyang ibalik sa
basement. Kahit gusto na niyang nilawin sa lalaki na hindi siya buntis ay nanahimik
siya dahil alam niyang ang baby ang dahilan sa pagbabago ng pakikitungo ni Geo.
Gagamitin niya ang bagay na iyon para pansamantala ay maging maayos ang pagtira
niya sa bahay ng lalaki.
“You can talk sa ama ng anak mo. Usap lang, no s*x. That’s an order!” matigas
na sabi ni Geo. “Pababayaan kitang magtrabaho ng maayos pero hindi mo ako
pakikialaman sa buhay ko. Katulad ng dati, wala kang pagsasabihan ng set-up at
problema natin dahil pamilya mo ang pagbabayarin ko.”
Nakatitig lang si Katallea sa asawa niya. Tango ang tanging sagot niya sa mga
sinabi nito. Nagpapasalamat siya na tila natauhan ng kaunti ang lalaki.
Pagkalabas ni Katallea ay malakas na tinabig ni Geo ang mga nasa lamesa niya.
Gusto niyang makita ang masayang mukha ni Katallea ngunit kahit pabor na rito ang
sinabi niya ay hindi man lang ito ngunit. Naalala niyang pinagbawalan niya nga pala
itong gawin ang bagay na iyon.
Muling bumalik sa isip ng lalaki noong college pa lamang sila, sa tuwing
nakikita niya ang magandang ngiti ng babae ay parang maraming paru-paro ang nasa
loob ng tiyan niya. Kapag naririnig niya ang halakhak ni Katallea sa tuwing
nakikipagbiruan ito sa mga kaklase nila ay parang timatambol ang puso niya.
“But those days were gone, tuluyang nawala na ang ngiti niya dahil sa akin,”
malungkot na sabi ni Geo. “This is all I want, ang maging malungkot siya pero bakit
ako
nasasaktan?” tanong ni Geo sa sarili.
Nang mga sumunod na araw ay naging tahimik ang buhay ni Katallea. Madalas
na umuuwi si Geo na lasing pero hindi sila nagpapansinan. Kahit minsan rin ay hindi
niya nakasabay kumain ang lalaki. Ang pangarap ni Katallea na magbabago pa si Geo
ay biglang naglaho ng minsang umuwi itong may kasamang ibang babae.
“Who is she?” tanong ng kasama ni Geo.
“Don’t mind her. She’s one of my maids,” sabi ni Geo.
Sabay na pumasok ang dalawa sa kwarto ni Geo at mula sa nakabukas na pinto
ng silid ng binata ay rinig na rinig ang tili ng babae na tila ba labis ang saya sa
ginagawa nilang dalawa ni Geo.
Sa baba ay inuudyukan ni Yaya Adel si Katallea na sawayin ang asawa niya at
ang kasama nitong babae.

KATALLEA CHAPTER 27
Sinadya ni Geo na hindi isarado ang pinto para marinig ni Katallea ang lahat
mula sa kaniyang silid. Ayaw na niyang saktan physically ang asawa pero gusto
niyang
iparamdam sa babae kung gaano kasakit ang pagtaksilan.
Subalit hindi iyon ang dahilan kung bakit niya iniuwi ang babae. Gusto niyang
makita kung magseselos rin ba ang kaniyang asawa katulad ng paninibugho niya kay
Max. Nang maisip niya ang pangalan ng lalaki ay biglang dumilim ang anyo niya.
“Geo, ano ba ang gagawin ko rito? Pauungulin mo lang ba ako kahit walang
ganap?” Inis na sabi ng kasama niyang babae.
“Binayaran kita para riyan, Wala ako sa mood ngayon para pumatol sa mga
katulad mo,” sabi ni Geo. “Tapos na tayo, alam mo iyan.”
Isa lang ang babae sa maraming naka-one night stand niya simula ng makalaya
siya sa kadena ng daddy niya. Napailing si Geo. Daig pa niya ang ibong nakawala sa
hawla. Lahat ng hindi niya nagawa noong kabataan niya ay sinubukan niya. Droga lang
talaga ang hindi niya tinikman.
“Nagugutom ako,” sabi ng kasama niya.
Napilitang lumabas si Geo. Pagkakataon ndin niya iyon para makita ang asawa at
masilayan kung paano itong nasasaktan dahil sa ginawa niya.
Pababa pa lang si Geo ng hagdanan nang marinig niya ang malakas na tawa ng
asawa. Kumunot ang kaniyang noo. Ang inaasam niyang makita ay isang malungkot na
babae pero tila yata kay saya pa ng asawa niya kahit may iba siyang kasama.
Hinanap ni Geo kung saan nagmumula ang mga halakhak na parang musika sa
kaniyang pandinig. Natagpuan niya iyon sa may pool area. Nakita niyang masayang
nakikipaglaro si Katallea sa kaniyang aso.
Sa ilang buwan niya itong nakasama sa bahay simula ng ikasal sila ay ngayon
niya lang ito muling nakitang maligaya. Ang liwanag na nagmumula sa mga ilaw sa
paligid ay lalong nagpaganda sa babaeng kaytagal niyang hindi nakitang ngumiti.
May kung anong humila sa mga paa ni Geo para mapalapit sa asawa. Gusto
niyang ikulong ito sa mga bisig niya. Nais niyang tawirin ang galit at poot na
humahadlang sa kanila.
“Kat…” mahinang tawag niya sa babae.
Ngunit ng mapalingon si Katallea sa gawi niya ay biglang naglaho ang masayang
mukha nito. Ang kaninang nagliliwanag na awra ng babae ay biglang naging seryoso.
May takot o galit siyang nakita sa mga mata nito.
“S-sor-ry, natuwa lang ako sa aso mo,” paliwanag nito.
“Ayaw kong pinakikialaman mo ang aso ko,” sagot ni Geo sa malumanay na
bose. “ Baka makagat ka niyan.”
“Sige, hindi na mauulit.” Binitawan nito ang aso at mabilis na kumilos palayo sa
kan’ya.
“Sandali!” pigil niya sa asawa. Hindi niya alam kung anong dhilan pero ayaw
n’ya munang mawala ito sa kan’yang paningin.
“May ipag-uutos ka ba?” tanong ni Katallea.
Inilang hakbang ni Geo ang pagitan nila at sa isang iglap ay ikinulong niya sa
mga bisig ang asawa. Wala siyang narinig mula rito, hindi ito gumanti. Sa halip ay
nakatayo lag ito na parang tuod.
Naguguluhan si Katallea sa ikinilos ni Geo. Naghuhurementado ang puso niya
ngunit ang isip niya ay kinokontra iyon. Hahaplusin sana ni Katallea ang likod ng
asawa ng biglang…
“Geo, babe, ang tagal naman ng pagkain,” tinig ng babaeng kasama ni Geo.
Nagpasalamat si Katallea sa biglang pagdating nito dahil kung hindi ay baka
ipinagkanulo na siya ng kaniyang puso. Hinayaan niya na lang ang asawa na kusang
bumitaw sa pagkakayap sa kan’ya upang magkalayo sila.
Wala silang kibuan pagkatapos noon. Pumasok si Katallea ng bahay samantalang
yumakap naman kay Geo ang babae. Gusto itong itula ni Geo sa pool pero siya ang
dahilan kung bakit ito naroon sa pamamahay niya kaya pilit niyang pinakalma ang
sarili.
Ilang oras nang nakahiga si Katallea ngunit hindi siya makatulog. Para siyang
pinapatay sa kasiping may ibang babae kasiping ang asawa niya sa loob pa ng
kanilang
pamamahay. Dahil sa sobrang lungkot ay naiisipan niyang bumaba at kumatok na lang
sa kwarto ni Yaya Adel.
Ngunit pagbaba niya ay nakita niya si Geo na nakapangalumbaba sa lamesa.
Dahan-dahang siyang pumihit para bumalik na sana sa kan’yang silid ngunit huli na,
nakita na siya ni Geo.
“Do you want milk?” tanong nito sa kan’ya. “Kailangan n’yo ng baby mo na
uminom ng gatas para maging healthy siya.” tila hirao na sabi nito.
Tumaas ang kilay ni Katallea. “Nananaginip ba ako?” tanong ng isip niya.
“Baby? Ano kayang gagawin ko kapag nalaman niyang hindi talaga ako buntis?”
“Umupo ka na rito, ipagtitimpla kita ng gatas,” sabi ni Geo.
“Sorry, hindi ako umiinom ng gatas.” Sa sobrang kaba ni Katallea ay iyon ang
nasabi niya.
Gusto niyang iwasan si Geo dahil hindi siya makapaniwala sa mga kinikilos nito.
Sa isip niya ay may panibago na namang plano ang lalaki para saktan siya. Natatakot
siyang lasunin ni Geo. Hindi pa kasi siya pwedeng mamatay dahil may pamilya pang
umaasa sa kan’ya. Iyon palagi ang sinasabi niya sa sarili.
Nasaktan si Geo sa pag-iwas ni Katallea. Wala sa sariling dinampot niya ang
basong may lamang tubig sa kaniyang harapan at malakas na inihagis iyon sa lapag.
Malakas na ingay ang nilikha ng nabasag na bagay na iyon dahilan para tumakbo sa
kusina ang pupungas-pungas na si Yaya Adel.
Si Katallea na nasa ‘di kalayuan ay tumakbo palapit sa asawa dahil nakita niya
ang dugo sa kamay nito. Ang kaniyang mukha ay pulang-pula dahil sa nerbyos.
“Anong nangyari, Geo?” narinig ni Katallea na tanong ni Yaya Adel.
“Wala po, Yaya. Pakilinis na lang po ng nabasag na baso. Sorry nagising ko po
kayo.” Hinugasan nito sa lababo ang sugat.
“Walang problema, anak. Sige na, matulog ka na. Ako na lang mag-aasikaso rito.
Lagyan mo rin ng gamot iyang sugat mo.” Napansin ng matanda ang among babae na
nakatayo lang ilang dipa mula sa kanila. “Katallea, may kailangan ka ba anak?”
Iniiwas ni Katallea ang mga mata niya sa asawa. Lumapit siya sa matanda at
yumakap mula sa likuran nito.
“Pwede po bang maki-tulog sa silid mo?” tanong niya rito. Hindi niya napansin
ang inggit na bumalatay sa mukha ng asawa.
“Napakalambing mo talagang bata. Sige, hintayin mo ako roon. Linisin ko lang
dito,” sabi ng mabait na babae.
Mabilis na tumalilis si Katallea para makalayo siya kay Geo na nakatayo lang sa
harap ng lamesa. Hindi ito kumilos kahit na itinaboy na ng matanda.
Pagkawala ni Katallea ay napansin ni Yaya Adel ang alagang tahimik lang
habang nakatukod ang mga kamay sa lamesa. Ang tingin nito ay napako sa dinaanan ng
kaniyang asawa.
“Geo, ayaw ko mang makialam sa inyong mag-asawa pero sana makita mo kung
gaano kabuti ang asawa mo.”
Hindi pinansin ni Geo ang sinabi ng yaya niya. Mabigat ang mga hakbang na
pumasok siya sa mini bar at nilunod ang sarili sa alak.
Maagang gumising si Katallea para hindi niya makita si Geo at ang kasama
nitong babae. May meeting sila ni Max at titingnan niya ang mga dumating na saging
galing sa farm nila sa Bry. Saradama. Mabilis ang naging pagkilos niya upang
makaalis
kaagad ng bahay.
Dumating si Katallea sa factory ng pagawaan ng gamot na pagmamay-ari ni Max
bagi pa ang itinakdang oras ng meeting nila. Simula ng naging asawa niya si Geo ay
hindi na niya nakausap pa sina Sandra at Nicole dahil pinagbawalan na siya ng
lalaki,
kaya ngayong may isang taong nagtatanong tungkol sa sitwasyon niya ay gumagaan
kahit paano ang loob niya.
“Good morning, ma’am. 8:00 AM pa po darating si si, pero pwede po namin
siyang tawagan upang sabihin na narito na kayo. Pakihintay na lamang po siya,” sabi
ng receptionist. Ika-pito pa lang kasi ng umaga ay dumating na s’ya sa factory at
mga
pang-night shift na manggagawa pa ang naabutan niya.
“No, don’t call him. Napaaga lang talaga ako kasi gusto kong ma-inspect ang
mga produkto namin,” sai niya sa kaharap.
Ngunit bago pa man siya makapagbihis ng lab gown ay panay na ang tunog ng
kaniyang cellphone. Naka-silent ito kaya hindi niya naririnig ang bawat tawag.
Mabuti
ay nakita niyang umilaw iyon.
Marahang kinuha ni Katallea ang telepono at nakita niya ang isang numero na
hindi familiar sa kan’ya. Tumatawag marahil ito ngunit hindi niya nasagot kaya nang
makita niya ay may pitong misscalls na ito.
Nang muling tumawag ang may-ari ng numero ay sinagot na iyon ni Katallea.
Bago pa man siya nagsalita ay narinig na niya ang galit na boses ng nasa kabilang
linya.
“Where are you?!” Hindi iyon tanong kun’di singhal. Halos mabasag ang
eardrums ni Katallea dahil sa lakas ng boses ni Geo. “Ang sabi ko sa’yo pwede kang
magtrabaho pero hindi pa ngayon! Kagagaling mo lang sa hospital at hindi makabubuti
sa inyo ni baby ang magtrabaho ka agad!”
Halos hindi makasagot si Katallea dahil sa sunod-sunod ang litanya ni Geo. May
meeting siya kaya hindi s’ya makakauwi. Hindi siya buntis kaya walang dapat
alalahanin ang lalaki. Kahit isa man doon ay hindi niya na-isiwalat sa asawa.
Tahimik
lang siyang nakikinig sa mga sinasabi nito.
“Katallea, where are you?” ulit ni Geo sa tanong nito. Nakailang tanong na pala
ang lalaki ngunit tulala lang siya habang nakatitig sa parating na si Max.
“Uhm, nasa company ako ni Max,” wala sa loob na sabi niya.
“Damn it, Katallea! Give me the address and I’ll be there in a minute! No, I will
search for it!”
“Geo, may meeting ako. Ikaw ang may sabi na free akong gawin ang trabaho ko.
Please, don’t get mad. Uuwi na lang ako kaagad after the meeting.”
“Sinong kausap mo, Kat?” bungad ni Max.
“Kat? Ako lang ang pwedeng tumawag n’yan sa’yo! Damn it!” sigaw ni Geo.
“Geo, may...Hello! Hello!” natatarantang sabi ni Katallea ngunit wala na ang
kausap niya sa kabilang linya Galit si Geo at natatakot siya sa maaaring ibigay na
naman nitong parusa sa kaniya. Baka kasi hindi na siya makaligtas pa sa
pagkakataong
ito.
“May problema ba, Katallea?” tanong ni Max.
“Bakit mo ako tinawag na Kat kanina?”
Tumawa ng bahagya si Max. Lumabas ang mapuputing ngipin nito ngunit hindi
iyon napansin ni Katallea. Nakatuon ang isip niya sa galit na asawa.
“What kind of question is that?” nagtatakang tanong ng lalaki.
“Kailangan kong umuwi, Max. Let us reschedule our meeting. I really need to go
home.”
“Dahil ba kay Geo Arevalo? Alam mo Katallea, alam kong battered wife ka.
Hindi mo kailangan itago iyan sa akin. I’m willing to help,” sabi ng binata.
“Pag-iisipan ko ang offer mo. For now, kailangan i-cancel muna natin ang
meeting, please…” pakiusap niya sa kasosyo.
Pumayag naman si Max kaya nakahinga ng maluwag si Katallea. Mabilis ang
naging pagkilos ng babae. Hindi na niya tinanong si Max kung bakit naroon na agad
gayong ang sabi ng kausap niya kanina ay alas-otso pa ito darating.
Ngunit bago pa man si Katallea makalabas ng gate at makahanap ng taxi ay
dumating ang Papa ni Max. Magiliw itong nakipagkilala sa kan’ya kaya kahit gusto na
niyang magpaalam ay hindi siya makaalis dahil ayaw niyang maging bastos sa kausap.
Dahil sa kabaitan ng ama ni Max ay todo ngiti si Katallea hanggang sa nahagip
ng kaniyang mga mata ang nakamamatay na tingin ni Geo na kanina pa pala nasa labas
ng gate at pinapanood ang masayang usapan ng mga kaharap.

KATALLEA CHAPTER 28
Nag-excuse si Katallea sa mga kaharap nang makita niya si Geo na madilim ang
mukhang nakatanaw sa kinaroroonan nila. Ngunit sa halip na pumayag si Max ay
hinawakan nito ang braso ng babae pagkatalikod ng ama.
“Max, please let me go,” pakiusap ni Katallea. Gusto na kasi niyang lumabas at
sumakay agad sa sasakyan ni Geo. Alam niyang masama ang gising ng lalaki dahil sa
itsura nito. Mukhang hindi pa ito naliligo at ni hindi nakapagsuklay man lang
habang
matiim na nakatingin sa kanilang dalawa ng kaniyang kausap.
Simula ng maging mag-asawa sila ay wala nang sasakyan si Katallea kaya
palaging naka-taxi lang siya kapag may mga lakad. Nang mga oras na iyon wala siyang
pagpipilian kun’di ang sumakay sa kotse ng lalaking naghihintay sa kan’ya.
“May problema ba kayo ni Arevalo? I mean, gaano na kalala ang problema n’yo
ni Arevalo? Bakit parang takot na takot ka?”
“W-wala, Max,” pagsisinungaling ni Katallea. “Please, wala kang dapat
mabanggit kina Sandra at Nicole. Uuwi muna ako. Mag-usap na lang tayo ulit,”
dugtong
ni Katallea bago inalis ang kamay ni Max sa braso niya at patakbong lumabas ng
gate.
Mabilis siyang pumasok sa sasakyang agad na pinaharurot ni Geo. Wala silang
kibuan ng lalaki. Sa isip niya ay pilit inaalala ang masayang pamilya niya sa
probinsya
dahil para sa kanila ang kan’yang ginagawa. Kung ano man ang maging kaparusahan
niya sa nangyari kanina ay handa na si Katallea. Kilala niya si Geo, hindi nito
palalampasin ang ginawa niya.
Nanginginig na pinagmasdan ni Katallea ang lalaking katabi. Mahigpit ang kapit
ito sa manibela at panay ang mura nito sa tuwing maiipit sa traffic. Hindi ito
tumitingin
sa kan’ya na ipinagpapasalamat niya. Halos masuka na siya sa sobrang kabang
nararamdaman pero para sa kapakanan ng pamilya niya handa siyang magtiis.
Ngunit pagdating ng bahay ay walang kibong iniwan lang siya ni Geo sa
sasakyan at nagpatiuna na itong pumasok ng bahay. Nagtataka man si Katallea ay
hindi
na siya nagtanong. Baka kasi kapag nagsalita siya ay lumabas na naman ang halimaw
sa
kaloob-looban ng lalaki.
Umakyat si Geo sa silid niya. Tahimik ang buong bahay. Si Katallea ay
nakikiramdam lang habang humakbang papasok ng bahay. Ilang saglit pa ay bumaba
muli ang lalaki. Nakita naman siya ni Yaya Adel na nagtanong kung ano ang gusto
niyang kainin ngunit hindi sumagot si Geo. Salubong pa rin ang kilay nito at halata
pa
ring naiinis ito dahil sa talim ng mga tingin na ipinupukol nito sa bawat makikita
niya.
Si Katallea na nakaupo na sa sala ay biglang napatayo ng makita si Geo.
Nakabihis na kasi ang asawa niya at halatang papasok na sa trabaho.
“Dito ka na lang sa bahay makipag-meeting. Pwede mo silang makausap through
online. Hindi ka lalabas! Kagagaling mo lang sa hospital kaya dapat nagpapahinga ka
pa!”
Pagkatapos sabihin iyon ay derederitso na si Geo na lumabas ng bahay. Naiwan
sina Yaya Adel at Katallea na nagkatinginan. Wala pang ilang segundo ay lumapad ang
ngiti ng matanda at wari bang may kung anong kapilyahang naiisip.
“Anong ginawa mo? Bakit parang lumambot na ang puso ng isang leon?” tudyo
nito sa nakangangang amo. “Halatang galit siya pero inaalala ka pa rin niya.”
“Naku, wala po. Nagtataka nga rin ako. Kanina, parang gusto niya po akong
isako at itali sa poste kaya pasalamay akong hindi niya ako sinaktan. May sayad
lang
po siguro talaga ang alaga mo.” Nakangiting iniwan ni Katallea ang katulong at
umakyat na siya sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kwarto niya katabi
kay Geo.
Pagpasok sa kanyang silid ay malawak pa rin ang ngiti ni Katallea. May ibang
damdamin siyang nakakapa sa tono ng kaniyang asawa kanina. Nag-aalala ito sa kan’ya
sa kanila ng kasungitan nito. Mas lalong lumaki ang pag-asa niyang magiging maayos
pa rin sila ni Geo sa kabila ng mga pinagdadaanan nila.
Samantala, pagpasok ni Geo sa building ng kanilang kumpanya ay nakatingin
ang mga tao sa kaniya. Maluwag ang ngiti ng mga ito at tila ba may hindi siya alam.
Kunot noong sumakay siya ng elevator paakyat sa kanyang opisina. Gusto niyang
malaman ngayon kung kumusta ang benta ng mga kausap nilang real estate companies
at maanalisa na rin kung pwede ba silang magbakasyon muna ni Katallea.
Gusto niyang bumawi sa asawa dahil sa mga pinagdaanan nito sa kamay niya at
susubukan niyang kalimutan ang lahat ng mga videos at larawan na nakita niya. Buo
na
ang loob niyang akuin ang ipinagbubuntis ng kaniyang asawa kahit pa si Max ang ama
nito. Hindi siya papayag na maagaw ng lalaki ang babaeng una at huli niyang minahal
kaya gagawin niya ang lahat makuha lang ang puso nito.
Noong nakita niya kasing wala ng malay ang babae pagkatapos niya itong
ikulong ng ilang oras ay nakadama siya ng takot na noon niya lang naranasan sa
buong
buhay niya. Nang magising si Katallea dahil sa kamay ni Max ay napagtanto ni Geo
kung gaano na kalayo ang taong pinakamamahal niya kaya bago pa tuluyang mawala
ito sa kan’ya ay nabuo na sa kaniyang isipan na lahat ay gagawin niya para ibigin
din
siya ni Katallea.
Nang makarating si Geo sa palapag kung nasaan ang opisina niya ay lalong
lumaki ang pagtataka sa mukha niya. Ang mga empleyado nila ay nakatayo habang
makikita ang saya sa mukha ng mga ito. Pagbukas ni Geo ng sliding door ay nagulat
pa
siya sa malakas na pagbati ng mga empleyado.
“Happy Birthday, Sir!’
Lumapit sa kaniya ang ubod sexy na si Clarise. Halos lumuwa na ang dibdib nito
dahil sa suot nitong pulang damit. Hakab ang tela sa maliit nitong katawan ngunit
wala
ng epekto iyon kay Geo. Agad na ipinulupot nito ang mga braso sa kaniyang leeg at
bago pa siya makahuma ay hinalikan na siya nito sa labi.
“Happy birthday!” sabi nito. Naramdaman ni Geo nang ikiniskis ni Clarise ang
dibdib nito sa katawan niya. Sa halip na matuwa ay gumuhit ang inis sa mukha ng
lalaki.
Naisip niya ang babaeng naiwan sa bahay nila. Ayaw na niyang pagtaksilan ito.
Lahat ng mali ay gusto na niyang itama at nais na rin ng puso niyang paniwalaan ang
mga sinasabi nito.
“Hey, Geo!” Tinapik pa ni Anastasia ang balikat niya. Ito ang manager ng
kumpanya nila at alam niyang inuudyukan nito si Clarise na lalo pang mapalapit sa
kan’ya. “Let’s get in your office. May inihanda kami roon para sa iyo.”
Itinulak bahagya ni Clarise si Geo papasok sa opisina nito habang nagpatiuna na
si Anastasia. Hindi ito nahihiya kahit na pinagtitinginan sila ng mga empleyado.
Pagpasok nila sa loob ay hinarap ni Geo ang dalawa.
“Ana, get out. I need to talk Clarise,” mahinahong sabi ni Geo. “Please, give us
some privacy.”
Ngunit hindi siya pinansin ni Anastasia. Nagpatuloy lang ito sa paghahanda ng
pagkain. Habang si Clarise ay umupo naman sa hita niya at ipinulupot muli ang mga
braso sa leeg niya. Marahas iyong tinanggal ni Geo bago pa siya mahalikan muli ng
babae.
“Anastasia, I said, get out!” sigw niya.
Tumaas lang ang kilay ng pinsan niya. Inilapag ang pagkain na hawak nito saka
walang kibo na umalis ng kaniyang opisina.
Hinawakan ni Geo sa braso si Clarise. Ubod lakas niya itong itinayo mula sa
pagkakaupo sa kaniyang harapan. Wala siyang pakialam kung namula ang balay nito
dahil sa mga kamay niya.
“Geo, nasasaktan ako,” reklamo ng dalaga. “Ano ba nangyayari sa’yo? S*x,
nabitin ka ba sa iba mong mga babae? Alam mo namang I am available, anytime,
anywhere mo gustong…”
“Stop! Shut your f*cking mouth!” Lalong uminit ang ulo i Geo kaya hindi na
niya mapigilan ang sarili na sumigaw.
“Then, bakit mo ako sinasaktan?”
“Itigil na natin ito, Clarise. Kapatid mo ang niloloko natin,” sabi ni Geo sa
napatulalang dalaga.
“Akala ko ba sasaktan natin si Ate Katallea. Anong nangyari, Geo?”
“Mahal ko ang ang ate mo.”
Parang bomba ang salitang binitawan ni Geo. Hindi nakahuma si Clarise at
nanatili lang nakatitig sa lalaki. Lumipas ang ilang segundo bago siya nakabawi at
muling nagsalita.
“Mahal na rin kita, Geo. Buong akala ko noon ay si Joey talaga ang buhay ko
pero noong makilala kita sa kung sino ka, nagbago ang lahat,” humihikbing sabi ni
Clarise.
Nagsimula na rin itong hubarin ang damit niya at lumantad kay Geo ang
malulusog nitong dibdib. Lumapit ito sa lalaki habang nakakagat labi. Literal na
inaakit
nito ang bayaw niya para magbago ang isip ng huli. Ngunit determinado si Geo sa
desisyon niya.
“Ititigil na natin ito sa ayaw at sa gusto mo. Ang laking sakripisyo ng kapatid mo
para walang-hiyain mo siya, Clarise.”
“Ginusto n’ya iyon at hindi ko siya pinilit! Akin ka lang, Geo at hindi ako
papayag na mapunta ka sa kan’ya.” Aktong hahalikan ng dalaga ang lalaki ngunit
umiwas ito.
Napasuntok si Geo sa lamesa pero walang pakialam ang babaeng nakamasid lang
sa kaniya mula sa ilang dangkal na layo. Mas lalo pang lumapit si Clarise at kinuha
ang
mga kamay ng galit na lalaki at inilagay niya iyon sa kaniyang dibdib upang
painitin
ito.
Agad na binawi ni Geo ang mga palad niya. Buo ang loob niya na tapusin na ang
relasyon nilang maghipag. Balak na rin niyang makipaghiwalay sa isa pang babaeng
lihim niyang kinakatagpo sa condo alang-alang kay Katallea at sa magiging anak
nito.
Naisip niyang baka sakaling maging maayos ang buhay niya kung bubuksan
n’yang muli ang kaniyang puso para sa babaeng labis niyang mahal. Walang mali kung
sumubok siya.
Inutusan ni Geo si Clarise na ayusin ang sarili at ipinagtulakan niya ang dalaga
hanggang sa nagwala na ang babae. Ibinalibag nito lahat ng makita sa opisina niya
hanggang sa nagkalat na ang mga gamit doon.
Pinabayaan niya ang babae at habang pinapanood ito sa ginawa ay napaisip si
Geo, “Napakalayo ng ugali nilang magkapatid. Tama lang na piliin ko ang nasa puso
ko
dahil higit siyang may mabuting puso kesa sa babaeng ito.”
Pagkatapos magwala ay lumabas na rin ng opisina niya si Clarise. Hindi ni Geo
inalam kung kumusta ito o nasaan ang babae.
Maghapong aligaga siya sa mga nakatambak na papeles na ibinigay ng
marketing team. Gusto niyang mag-celebrate ng birthday kasama si Katallea. Yayayain
niya itong kumain sa labas. Gusto niyang makasalo ito sa kaniyang birthday sa
kauna-unahang pagkakataon.
Ang totoo ay nakalimutan niya na kaarawan niya pala ng araw na iyon. Nag-alala
kasi siya ng magising na wala sa bahay ang asawa niya. Akala niya ay iniwan na siya
nito dahil hindi na tumalab ang mga pananakot niya. Hindi totoo ang mga banta niya
sa
asawa, hindi siya ganoon kasama. Sadyang ayaw n’ya lang na malayo ito sa kan’ya.
Mag-alas kwatro ng hapon ng tumawag siya sa bahay nila. Si Yaya Adel ang
nakasagot. Kinumusta niya lang ang lagay ng asawa ngunit wala siyang sinabi na ano
pa man. Nang matiyak na nasa maayos naman si Katallea ay tinapos niya ang ilang mga
trabaho.
Masiglang umuwi si Geo. Nagulat pa siya ng makita ang hindi familiar na
sasakyan sa garahe nila. Agad siyang bumaba at deretsong tumungo sa sala. Ngunit
bgo
pa man siya makapasok ay narinig niya ang halakhak ng isang babae. Tiyak niyang si
Katallea iyon. May kirot na gumuhit sa puso niya.
“Kailan ko ba huling narinig ang tawang iyon?” bulong ng puso niya.
Buong pananabik na pumasok siya sa pintuan para lang makita ang familiar na
bisita ng asawa niya, si Max. Nagtatawanan ito at si Katallea habang magkaharap na
nag-uusap. Sa lamesa ay may nakahandang pagkain na masayang pinagsasaluhan ng
dalawa.

KATALLEA CHAPTER 29
Parang gutom na leon na sinugod ni Geo ang napatayong si Max. Walang
sabi-sabi na inundayan niya ng suntok ang nagulantang lalaki.
“Geo!” tawag ni Katallea sa lalaki. “Stop it, please. Nagmi-meeting lang kami.
It’s very urgent dahil may problema kami ngayon.”
“Urgent, huh?! Kaya pala ang lakas ng halakhak mo!” sigaw ng lalaki.
“Geo, calm down. Pakinggan mo naman ang paliwanag ko.” Ngunit parang
walang naririnig ang lalaki. Tuluyan na siyang binalot ng matinding paninibugho
kahit
todo ang pagmamakaawa ng kaniyang asawa. Si Max ay ayaw ring magpatalo.
Nakakuyom ang mga kamao nito na handang lumaban anumang oras.
Dahil sa takot ay hindi nagdalawang isip si Katallea na yakapin si Max at iharang
ang katawan niya sa pagitan ng nag-aaway na mga lalaki. Iniiwasan niyang mapatay ng
asawa ang bago niyang kaibigan. Takot siyang si Geo ang awatin dahil baka ibalibag
lang nito ang maliit niyang katawan.
“Umalis ka riyan!” Halos mabasag ang mga salamin sa paligid nila dahil sa lakas
ng sigaw ni Geo.
“No, please, stop,” pakiusap ni Katallea. “Makinig ka naman, Geo.”
Nang makitang luhaan na ang kaniyang asawa ay bahagyang napaurong si Geo.
Sobrang sakit ang kaniyang nararamdaman dahil sa nasasaksihan niya. Si Katallea,
yakap ang duguang si Max! Biglang naitanong niya sa sarili kung may pag-asa pa bang
matutunan siyang mahalin ng asawa kung sakaling magbabago siya dahil mas inuuna
nito ang kapakanan ng iba kesa sa kan’ya.
Si Yaya Adel na halos himatayin sa sobrang takot ay lumapit na sa mga nasa sala.
Tinulungan niya si Katallea na maitayo si Max at mailabas ng bahay. Si Geo naman ay
umakyat sa kanyang silid at halos matanggal lahat ng bisagra ng pintuan nito dahil
sa
lakas ng pagkakabagsak ng pinto.
“I’m sorry, Max. Alam kong badly needed natin ang meeting na ito pero wala
tayong natapos simula pa kaninang umaga.” Halos hindi alam ni Katallea kung paano
hihingi ng tawad sa lalaking duguan na naman ang mukha.
“This is the second time, Katallea. Hindi healthy ang relationship n’yong
mag-asawa. Bago ka pa niya masaktan o mapatay ay umalis ka na sa bahay na ito,”
walang preno na sabi ni Max.
“Okay ako. Don’t worry, and please, sa atin na lang ito ha. Huwag kang
makukwento kina Sandra at Nicole.”
“Si Nicole na lang ang nandito sa Pilipinas, nasa America na si Sandra.”
Nanlaki ang mata ni Katallea. Hindi niya inaasahan ang balitang iyon. Nalungkot
bigla ang babae sa nalaman niya. Wala na pala sa bansa ang tagapagtanggol niya.
Hindi
niya man lang nalaman agad na umalis na ito.
Ang totoo ay gusto niyang makausap ang mga kaibigan pero para sa kapakanan
ng mga ito ay sinunod niya si Geo. Alam niyang maaaring nagtatampo ang mga ito sa
kaniya pero saka na siya magpapaliwanag, kapag nakawala na siya sa kontratang
nag-uugnay sa kanila ni Geo. Kailangan na niyang mahanap ang nawawalang bahagi
niyon kaya sikreto niyang hinahalughog ang bahay nila pag-asang baka itinatago iyon
ng kaniyang asawa.
“Kailangan mong tingnan ang supplies. Baka hindi tayo makapag-produce ng
mabisang gamot kung ganito ang dumarating galing sa farm mo.” Ang tinutukoy ni Max
ay ang mababang quality ng mga saging na naideliver mula sa Brgy. Saradama.
“Kakausapin ko si Geo. Sana payagan niya akong umuwi para personal kong
makita ang problema.”
Pagkatapos ng ilang saglit pa ay umalis na si Max. Binulungan nito si Katallea na
kung kailangan ng tulong ng babae ay magsabi lang daw ito.
Pagka-alis ni Max ay nanginginig ang mga tuhod na pumasok ng bahay sina
Katallea at Yaya Adel. Dumeretso ang dalawa sa kusina upang ayusin ang pagkain na
inihanda nila para sa kaarawan ni Geo.
“Puntahan mo na,” utos ng matanda sa ‘di mapakaling babae.
“Ikaw na lang, Yaya.”
“Ikaw ang asawa, ano ka ba? Sige na!”
“Huwag na lang po. Papasok na lang po ako sa kwarto ko kasi baka masaktan
niya na naman ako,” malungkot na sabi ni Katallea.
Walang nagawa si Yaya Adel kung hindi iwanan na lang din sa lamesa ang mga
pagkain at nagtungo sa pool area para pakainin ang aso. Gusto niyang pagbatiin ang
mag-asawa ngunit alam niyang wala siyang karapatan na panghimasukan ang mga
buhay ng mga ito.
Sa loob ng kwarto ni Geo at hindi siya mapakali. Masakit ang kamao niya dahil
sa ginagawa niyang pagsuntok sa mukha ni Max. Halos nag-aapoy ang katawan niya sa
matinding galit at selos. Pilit niyang pinipigilan ang sarili na may masabing
masama sa
asawa para hindi na tuluyang lumayo pa ang loob nito sa kan’ya.
Lumipas ang isang oras na nakababad lang ang lalaki sa bathtub para lumamig
ang kaniyang ulo. Paraan niya iyon upang kumalma sa tuwing galit siya. Hinihintay
niyang may kumatok sa kaniyang silid ngunit walang dumating. Hinihintay niyang
puntahan siya ni Katallea para humingi ito ng tawad pero hindi nangyari.
Dahil sa inip ay lumabas si Geo. Siya na lang ang gagawa ng paraan para
makausap ang asawa. Itutuloy niya ang plano na humingi ng tawad kay Katallea at
muling suyuin ito.
Nadatnan ni Geo ang lamesa na puno ng pagkain. Sa gitna ay may birthday cake
para sa kaniya. Hinanap niya si Katallea ngunit wala ito sa paligid. May kabang
bumundol sa puso niya. Hinanap niya si Yaya Adel na nasa garahe na at may mga
inaayos doon.
“Gutom ka na ba? May mga pagkain sa lamesa, gusto mo ba initin ko?” tanong
ng yaya niya. “Ipinagluto ka ng asawa mo nang malaman niyang kaarawan mo ngayon.”
“Si Kat po ba ang nagluto ng lahat ng iyon?” Hindi makapaniwalang tanong ni
Geo sa matanda.
“Hay naku, oo. Maghapong aligaga ang asawa mo.”
“Nasaan po si Katallea?” Sunod na tanong ni Geo sa kaniyang Yaya. “Galit po ba
siya sa akin?”
Napangiti si Yaya Adel ng mahalata ang tila kaba sa tono ni Geo. Hindi niya
inaasahan ang huling tanong nito pero masaya siyang marinig na tila may nerbyos ang
kaharap sa galit nga asawa.
“Umakyat sa silid niya. Ayaw niyang magtalo pa kayo kaya nagkulong na lang
doon.”
Walang paalam na iniwan ni Geo ang matanda. Inilang hakbang lamang niya ang
mataas na hagdanan upang makita ang asawa.
Kumatok siya sa pintuan ngunit walang sumagot. Pinihit niya ang doorknob at
hindi iyon naka-lock kaya lumakas lalo ang kaba sa kaniyang dibdib. Bahaya niyang
itinulak ang pinto at nakita niya ang natutulog na asawa.
Nagdalawang isip siya kung gigisingin ba ang babae o hindi, ngunit malakas ang
pwersa ng bulong ng puso niya. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng silid.
Napangiti pa siya ng makitang nakatulog ang asawa niya kahit bukas ang ilaw.
Umupo si Geo sa gilid ng kama. Hinawi niya ang kaunting buhok na tumatabing
sa magandang mukha ng asawa. Laking gulat niya ng makitang basa ang pisngi at unan
ni Katallea. Napakuyom ng kaniyang kamao si Geo. Hindi niya akalaing hanggang sa
pagtulog ay dala ng asawa niya ang sakit na dulot ng pagiging walang kwenta n’yang
tao.
Pinunasan ni Geo ang mga luhang iyon sabay bulong sa sariling iyon na ang
huling patak ng luha ni Katallea. Kahit gutom at pagod siya ay hindi na siya bumaba
pang muli para kumain. Marahan siyang nahiga sa tabi ng asawa at masuyo itong
niyakap. Sa kauna-unahang pagkakataon, nawala ang pandidiri niya sa babaeng
pinakamamahal niya. Masuyo niya itong kinintilan ng halik sa labi bago siya
pumikit.
Maagang nagising si Katallea. Masakit ang ulo niya dahil sa pag-iyak. Isa iyon
sa paraan niya para mabawasan ang bigat ng dibdib. Bago niya imulat ang mata ay may
naramdaman siyang nakadagan sa parte ng tiyan at hita niya.
“May katabi ako,” bulong ng isip niya habang unti-unting iminumulat ang mga
mata. Nang paglingon niya sa kanang bahagi ay nakita niya si Geo na nakayakap at
nakadantay sa kaniyang hita. Sa isang iglap ay nakaramdam si Katallea ng takot.
“Ano kayang plano niya?” Pinakiramdaman ni Katallea kung nakakadena ba siya
o hindi. Laking pasasalamat niya na hindi siya nakataling muli. Napapikit muli
siya.
Ang puso niya para sa lalaking katabi ay sumasayaw sa galak at tila ba gustong
tumalon
mula sa kaniyang katawan ngunit pilit pinaglabanan iyon ni Katallea. Matindi na ang
phobia niya kay Geo katulad ng hindi na niya kayang matulog kapag patay ang ilaw
dahil tila bangungot na bumabalik sa isip niya ang madilim na basement.
Bahagyang inalis ni Katallea ang braso ni Geo na nasa tiyan niya. Dahan-dahan
niya ring inangat ang hita nito sa takot na baka magising ang lalaki ngunit bago pa
siya
tuluyang magtagumpay ay muli siyang hinapit sa bewang ng kaniyang asawa. Parang
may isip ang mga braso nito na mas lalo pa siyang kinabig palapit dito. Isinubsob
ng
lalaki ang kaniyang mukha sa may leeg niya dahilan para hindi siya makakilos.
“Please, stay.” Tamad na tamad na sabi ni Geo. Namamaos ito at halos pabulong
lang ang pagkakasabi noon ngunit nag-e-echo iyon sa pandinig ni Katallea.
Matagal sila sa ganoong sitwasyon hanggang sa hindi na mapigilan ni Katallea
ang sarili. Magkahalong galit at pagmamahal ang nasa puso niya pero hindi niya
mapigilang humarap sa lalaki.
“Why are you doing this?” tanong niya sa lalaking akala niya ay tulog pa.
“Because I love you,” sagot nito.
“Nakakasakal ang pagmamahal mo, Geo. Nakalilito rin iyon.”
“I’m sorry,” sabi ng lalaki.
Masusing tiningnan ni Katallea ang asawa habang litong-lito ang isip at puso
niya kung ang lahat ba ng nakikita niya ay totoo o pagkukunwari lamang ng isang
taong walang ibang gustong gawin kung hindi ang pahirapan siya.
“Don’t stare at me. Alam kong gwapo ako kahit bagong gising.” Nahihiyang
nagbago ng posisyon niya si Katallea. Nakapikit ang lalaki kaya hindi niya akalain
na
alam nitong tinititigan niya ang mukha nito.
“Geo, I need to go to the CR,” bulong ni Katallea sa lalaki. Gusto niyang
makalayo sa kaniyang asawa dahil hindi niya alam kung totoo na ba ang mga
ipinapakita nito. Gusto niyang proteksyonan ang sarili laban dito pero umaasa rin
siya
na sana nga ay hindi na pagkukunwari ang lahat.
“Five minutes, please.” Muli ay kinabig siya ng lalaki at mahigpit siyang niyakap
nito. “Give me five minutes more.”
Nanahimik si Katallea. Nanatili sila sa ganoong sitwasyon hanggang sa muling
makatulog siya.
Tunog ng cellphone ang gumising sa malalim na tulog ni Katallea. Kinapa niya
ang katabi kanina ngunit wala na ito roon. Agad na tiningnan niya ang gadget at
nakita
niyang may tumawag na isang hindi nakarehistrong numero.
Dahil ugali ni Katallea na tingnan muna ang mga emails niya bago bumangon
kaya iyon ang ginawa niya. Hanggang sa makita niya ang email mula sa hindi familiar
na address at ng buksan iyon ay halos madurog ang puso niya sa nakita.

KATALLEA CHAPTER 30

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakadama si Katallea ng labis na galit para sa


lalaking minamahal niya. Lahat ay ginawa niya, hindi siya lumaban kahit sobra-sobra
na ang pagpapahirap nito dahil sa pag-aakalang kapag ginawa niya iyon ay
makakaligtas ang pamilya niya sa kademonyohan ng asawa pero nagkamali siya.
Nag-aapoy ang tingin ni Katallea habang nakatunghay sa cellphone kung
nasaan ang pinapanood niya. Video iyon ni Geo at ng kapatid n’ya habang nagtatalik
ang dalawa. Sa kaniyang hinuha ay sa loob iyon ng opisina ng lalaki. Ang halinghing
ng kapatid niya ay parang unti-unting pinuputol ang natitira niyang katinuan.
Muling tumawag ang numero na kanina pa bumubalabog kay Katallea. Pilit
pinakalma niya ang sarili sa pag-aakalang kliyente ang tumatawag.
“Hello, kumusta ang regalo ko sa iyo? Nagustuhan mo ba, Katallea?” sabi ng
tinig mula sa kabilang linya.
“Sino ka?! Bakit kailangang ipadala mo ito sa akin?”
“Bakit ko ipinadala iyan sa iyo?” Tumawa ang babae sa kabilang linya. “Ang
tanga mo naman. Huwag martir. Lahat ng martir ay namatay na. Sige ka, baka sumunod
ka!” Sa pagkakataong iyon ay humalakhak na ang babae.
Alam ni Katallea ang dahilan ng tumawag sa pagpapadala nito ng email. Gusto
siyang tulungan ng babae o kaya naman ay gusto nitong magwala siya sa galit. Sa
pagkakataong iyon, mas pinili ni Katallea na ang pangalawa ang nais ng tumawag
dahil
sa tono ng pananalita nito. Kilala rin niya ang nasa kabilang linya dahil sa boses
nito.
“Anastasia, kung inaakala mong mapapaikot mo ako, nagkakamali ka!”
Pinatayan ni Katallea ng telepono ang kausap. “Sobra na!” Iyon ang nasa isip
niya. “Kaya pala ang tahimik ng dagat dahil may malaking alon na parating. Hindi ko
hahayaan na kainin ako ng galit n’yo. Hahanapin ko ang nawawalang kontrata kahit
saang lupalop n’yo iyon itinago para makaalpas na ako sa impyernong lugar na ito.”
Isang mahinang katok sa pinto ang narinig ni Katallea. Ang matapang na mukha
ng babae ay biglang nagbago sa isang iglap. Simula sa oras na iyon, lalaban na siya
sa
paraan na alam niya. Hindi siya papayag na lalong babuyin ni Gep ang kapatid niya.
Gusto niya ring matiyak kung kumusta ang pamilya sa probinsya kaya sasakyan niya
ang kabaliwan ng asawa niya.
“Hi, gising ka na pala. Kain na tayo!” masayang bungad ni Geo.
Gustong ngumiti ni Katallea para ipakita na kunwari ay nasisiyahan siya sa
ginawa ng asawa pero bawal niyang gawin iyon sa harapan ni Geo. Sinulyapan na
lamang niya ang lalaki. Pilit rin niyang pinipigilan ang galit na gustong sumabog
kanina pa.
Inilapag ni Geo sa harapan ni Katallea ang dalang tray. Nais niyang pagsilbihan
ang asawa katulad noon. Susuyuin niya ito hanggang sa muling magtiwala ito sa
kan’ya. Lahat ng gusto nito ay susundin niya. Pilit niyang paglalabanan ang
pandidiri
sa asawa at susubukan niyang paniwalaan ito.
“Geo, sino ang nagsabi sa iyo na buntis ako?” Malumanay ang pagkakasabi noon
ni Katallea pero may nahimigan si Geo na kakaiba sa tono ng kaharap.
“Kumain na muna tayo.” Pag-iiba ng lalaki sa usapan. Ayaw niyang masira ang
kaniyang mood dahil pilit niyang pinaglalabanan ang emosyon para sa totoong mahalin
siya ng asawa.
“Hindi ako buntis, Geo. Mali ang hinala mo sa amin ni Max.”
Halos mabulunan si Geo sa sinabi ni Katallea. Kinuha niya ang tubig at
bahagyang uminom. Ayaw niyang isiping muli na naman nagsisinungaling ang kaharap.
“Magpapalaglag kaya siya?” tanong ng isip niya. Agad niyang ipiniling ang ulo dahil
hindi niya gusto ang isiping iyon.
“Imposibleng magkamali ang doctor. Don’t worry, willing akong tanggapin ang
bata,” sabi ni Geo sa asawa sabay hawak sa kamay nito.
Hindi hinila ni Katallea ang kamay niya pero may panginginig na naramdaman si
Geo. Naisip niyang baka takot lang ang babae kaya gano’n at hindi niya ito
masisisi.
Ang hindi alam ng lalaki ay tensyonado si Katallea at nagpipigil ito ng emosyon.
Parang bulkan kasing gustong sumabog ng galit sa kaloob-looban niya.
“Kung okay lang sa iyo, samahan mo ako sa doctor na tumingin sa akin noong
hinimatay ako para naman malaman natin ang totoo,” pangungulit ni Katallea.
Dahil sa pamimilit ng asawa ay napa-oo na lang si Geo. May pagtataka sa puso
niya kung bakit ganoon na lang kapursigido ang asawa niyang sabihing hindi ito
buntis.
“Posible kayang…” sabi ng isip n’ya. Naguguluhan siya. Marahil nga ay makakabuti na
makausap nila ang doctor.
Hindi malasahan ni Katallea ang pagkaing inihanda ni Geo. May bikil sa
lalamunan niya na humaharang sa bawat paglunok niya pero hindi siya nagpapahalata
sa lalaki. Masidhing galit ang nararamdaman niya habang panay ang ngiti sa kan’ya
ni
Geo. Daig pa niya ang nakakakita ng demonyo sa tuwing umaangat ang mukha ng lalaki
para asikasuhin siya.
Pagkatapos kumain ay mabilis na kumilos si Katallea para maligo at magbihis.
Babalikan nila ni Geo ang hospital para ipamukha sa asawa niya ang katangahan nito.
Ngayon higit kailanman, tatayo na siya para iligtas si Clarise sa walang hiyang
asawa
niya.
Habang nasa sasakyan na sila ay malalim ang iniisip ni Geo. Tahimik ang asawa
niya katulad ng dati pero may kakaiba siyang napapansin sa katabi.
“I’m sorry about yesterday. I’m sorry about everything. Mahal kita at handa na
akong magbago,” sabi niya sa na nabiglang asawa. “I want to see your smile again. I
want to hear your laughter just like before. I miss you, Katallea.”
Napakunot ang noo ni Katallea. “Never! Never mong makukuha ang gusto mo!
Sa ginawa mo sa kapatid ko, hinding-hindi mo na ako maloloko!” mga katagang
naglalaro sa isipan niya.
“You’re forgiven,” maikling saad ng babae bago muling tumingin sa labas.
“Ang layo na niya sa kung ano siya dati. Bakit ngayon ko lang napansin ito?”
tanong naman ni Geo sa sarili niya.
Pagdating sa hospital ay agad hinanap ng dalawa ang doctor na sumuri noon kay
Katallea. Pagkakita pa lang nito sa babae ay agad itong tumayo sa kinauupuan at
humngi ng tawad sa pasyente niya.
“I’m sorry. Nagkaroon kami ng pagkakamali, Mrs. Arevalo. Hindi sinasadyang
nagkamali ako ng pagkakakilala sa inyo ng isang pasyente ko.”
“It’s okay, doc. I know na hindi ako buntis. I just want to make it clear lalo na
sa
asawa ko,” Idiniin ni Katallea ang salitang asawa.
Maging kay Geo ay panay ang hingi ng tawad ng doktor. Ngunit gusto rin ng
lalaking magpasalamat sa pagkakamali na iyon. Ang pangyayaring iyon kasi ay
nag-udyok sa kan’ya upang makontrol unti-unti ang kaniyang galit dahil sa takot na
makapatay siya ng inosenteng buhay.
Malapad ang ngiti ni Geo ng lumabas sila ng hospital. Si Katallea naman ay
nakadama ng tagumpay. Isa-isa niyang bubuksan kay Geo ang katotohanan para
ipamukha sa lalaki ang laki ng kasalanan nito sa kanya.
Habang pauwi ay pakanta-kanta si Geo. Sinasabayan nito ang musika mula sa
radyo ng sasakyan. Tulad ng dati ay tahimik si Katallea. Malalim ang iniisip nito.
Dahil
sa nalaman ay lalong purisigido ang lalaki na mas kilalanin at suyuin ang asawa
niya.
Handa na asiya para sa buhay na kasama ito at ituwid lahat ng mga kamalian niya.
Masayang Geo ang bumaba ng sasakyan pagdating sa bahay nilang mag-asawa.
Ipinagbukas pa nito ng pintuan si Katallea at inalalayan ito pagbaba. Sa kauna-
unahang
pagkakataon pumasok ang mag-asawa sa bahay nila ng magkahawak ang mga kamay.
“Kumusta ang lakad n’yo?” tanong ni Yaya Adel.
“I was wrong, Yaya,” masiglang sabi ni Geo. Si Katallea naman ay nagmano lang
sa matanda at tumuloy na sa pag-akyat sa kan’yang silid.
Maya-maya ay lumabas ang babae dala ang isang bag. Buong pagtataka na
napatingin si Geo sa asawa. Hindi niya inaasahan na lalayasan siya ni Katallea
dahil sa
maling paniniwala niya. Hindi siya handa sa pakikipaghiwalay.
“What is the meaning of this?” Kontroladong tanong ni Geo.
“Kailangan kong umuwi ng probinsya. Maraming problema roon at bago pa
bumagsak ang plantation ay uuwi muna ako,” paalam ng asawa n’ya.
Hindi nagdalawang-isip si Geo. Ayaw niyang mawalay kay Katallea. Kahit saan
ito pupunta ay sasamahan niya. Saka na niya iisipin ang trabaho sa opisina. Naroon
naman si Anastasia at mapagkakatiwalaan niya ang kaniyang pinsan.
“Wait for me, sasamahan kita!” Mabilis ang mga hakbang na umakyat si Geo at
kinuha ang mga damit niya. Ilang minuto lang ay pababa na ito at may dala na ring
bag.
“Let’s go!”
“Yaya, pasensya na ha, uuwi muna kami sa mga magulang ni Katallea,” paalam ni
Geo sa kasambahay. Masiglang-masigla ito na nag-iwan pa ng isang mabining halik sa
pisngi ng Yaya n’ya.
Nakangiting napapailing ang matanda kina Geo at Katallea. Masaya siya sa
pagbabalik ni Geo sa dati nitong ugali. Kumaway ang ginang sa mag=asawang paalisa
kasabay ang panalangin na sana tuluyan ng maging masaya ang dalawa.
Pagdating sa bahay nina Katallea sa probinsya ay masaya silang sinalubong ng
mag-asawang San Sebastian. Wala ang kapatid na bunso ni Katallea dahil nag-aaral
ito
sa sentro ng probinsya nila. Pagpasok ng bahay ay nakita ng babae ang larawan
nilang
magkakapatid. Nakasabit ito sa sala kaya ito agad ang mabubungaran ng mga
dumarating.
Halos dumugo ang palad ni Katallea sa tindi ng pagkakabaon doon ng mga kuko
niya. Kuyom kasi ang mga kamao niya habang nakatitig lang sa mukha ni Clarise na
todo ang ngiti sa larawan.
“Katallea, kanina pa kita kinakausap, anak,” untag sa kaniya ng Mama niya.
“Ho?! A-a-no po iyon, Ma?”
“Tinatanong kita kung kumusta naman kayong mag-asawa.”
“Maayos po kami,” sabi ni Katallea sabay iwas ng mata niya sa kaniyang ina.
“Mabuti naman. Sige na, akyat na muna kayo at ipapahanda ko ang lamesa. Tiyak
gutom na kayo.”
Walang kibo na umakyat si Katallea sa silid niya. Nakasunod naman si Geo sa
kan’ya dala ang mga bag nila.
“Anong ginagawa mo rito?” Gulat na tanong ni Katallea sa asawa ng pumasok
rin ito sa silid niya.
“Dito ako matutulog. Hindi na ako pwedeng matulog sa kwarto ni Clarise dahil
tiyak maghihinala ang mga magulang mo,” kalmadong sabi ni Geo sabay pakawala ng
isang pilyong ngiti.
Kinilabutan si Katallea. Hindi niya gustong makatabi ang lalaking kasiping
palagi ng kapatid niya. Hindi kaya ng puso niya ang kirot at galit na mafkahalo na
at
patuloy na umiigting sa kaloob-looban niya.
“Geo,” tawag niya sa lalaki. “Ang tanging kasalanan ko ay mahal ko ang pamilya
ko.”
“Alam ko.” Masuyong lumapit si Geo sa asawa niya at ikinulong ito sa mga bisig
niya. “Hinding-hindi na kita sasaktan pang muli kahit kailan.”
Gustong magmura ni Katallea. Ang galing umarte ng asawa niya. Dinaig pa nito
ang paborito niyang artista kaya pilit din niyang pinakalma ang sarili, gayon din
ang
puso niyang naghuhurumentado na!

KATALLEA CHAPTER 31
Hinalughog ni Katallea ang bahay nila para mahanap ang nawawalang ibang
pahina ng kontrata. Hindi na kasi siya naniniwala pa sa sinabi ni Mang Nestor na
tinangay ito ng hangin ng magkaroon ng bagyo sa Brgy. Saradama. Alam ni Katallea na
may inililihim sa kan’ya ang ama.
“Ang sipag talaga maglinis ng anak ko,” sabi ng Mama niya ng maabutan siya
nito sa kwarto ng mag-asawa. “Sana hindi mo na ginawa iyan kasi may mga katulong
naman. Kaya ko ring gawin pa iyan.”
“Naku, minsan lang po ako umuwi rito kaya pabayaan mo na ako, Ma.”
Gusto ni Katallea na tanungin ang kaniyang ina ngunit ayaw niyang
magkasamaan pa sila ng loob. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkukunwaring
naglilinis siya ng silid. Ngunit natapos na niya ang gawaing bahay pero wala siyang
kontratang nakita. Nagpupuyos ang loob na nagpahinga na lamang siya.
Sa unang gabi ng mag-asawa sa bahay ng mga San Sebastian sa bayan ay gusto
ni Geo na makipag-kwentuhan sa asawa pero dama niya ang pag-iwas nito.
Nauunawaan naman iyon ng lalaki dahil sa tindi ng kasalanan nita rito. Ngunit hindi
inaasahan ni Geo ang paglatag ni Katallea sa sahig.
“I’m sorry, Geo. Hindi ako komportable na may katabi sa higaan. Dito na lang
ako matutulog sa sahig. Nasanay na rin naman akong humiga sa karton.” Malumanay sa
sabi nito ngunit alam ni Geo ang ipinupunto ng kaniyang asawa. Pilit niyang
pinaglabanan ang galit at piniling unawain ang babae.
“Let me sleep on the floor. Ikaw na lang dito sa kama,” sagot ni Geo.
Tumaas ang kilay ni Katallea. Walang patumpik-tumpik na umakyat siya sa
malambot na higaan at kaagad na humiga. Wala siyang awa na nadarama sa puso niya
para sa lalaki dahil sa tuwing nakikita niya ito ay bumabalik sa isipan niya ang
itsura
nito at ni Clarise habang ginagawa ang kahalayan iyon sa loob ng opisina nito.
Parang
multo ring naririnig niya ang ungol ng bawat isa habang nilalasap nila ang
makamundong kasalanan.
Nang tumayo si Geo ay dumiretso siya sa switch ng ilaw para patayin iyon ngunit
bumalikwas ng bangon si Katallea. Bakas sa mukha nito ang isang emosyon na pilit
itinatago ngunit ang mga mata nito ay nagpapahiwatig ng isang damdaming hindi
mabatid ng lalaki.
“Huwag, please...Huwag mong patayin ang ilaw!” Pigil na sabi ng babae.
May pagtatakang tiningnan ni Geo ang asawa niya. Nanginginig ito sa takot
habang nakayakap ang mga braso sa tuhod nito.
“Bakit ka ganyan? May problema ba?” Masuyong tanong niya kay Katallea.
Umiling si Katallea. Ayaw niyang malaman ni Geo na grabe ang phobia niya sa
bawat gabing madilim dahil sa tagal niyang nakakulong sa basement ng bahay nila.
Hindi naman naging mapilit ang lalaki kahit alam niyang may hindi sinasabi sa
kaniya
ang asawa. Ipinangako niya sa sariling aalamin na lang iyon sa sariling paraan pero
parang nahhuhulaan na niya iyon.
Kinabukasan, maagang gumising si Katallea para pumunta sa Brgy. Saradama.
Ang pagbisita sa taniman ng saging ang pangunahin niyang dahilan kaya siya umuwi
ng bayan nila. Mag-alas-kwatro pa lang ng umaga kaya tulog pa ang kaniyang asawa.
Tiningnan ng nagbabagang mga mata niya ang nakahiga sa lapag na lalaki.
“Kung hindi lang masamang pumatay ay ginawa ko na,” bulong niya sa sarili.
Pinipigilan niya ang sarili na sipain ito habang mahimbing na natutulog.
Samantal, gising na si Geo at nakikiramdam lang sa bawat kilos ni Katallea.
Bahagya niyang binuksan ang mga mata ng makita niyang may kausap ang babae sa
telepono.
“Max, narito na ako. Don’t worry, I’m going to check everything here.”
May inggit na namuo sa puso ni Geo. Masaya si Katallea habang kausap nito ang
lalaki sa kabilang linya samantalang kapag siya ang kaharap ng asawa ay halos hindi
siya tingnan nito.
“Kasalanan mo iyan, Geo,” sabi ng isip niya.
Nakita ni Geo na naglakad palapit sa may bintana, sa kabilang bahagi ng kama
ang asawa niya. Mahina ang boses nito ngunit narinig niya ang sinabi ng babae.
“Max, pagbalik ko ng Maynila, I want to see you. Kailangan ko ang tulong mo.”
Hindi nakita ni Geo ang mukha ng babae ngunit bakas sa tinig nito ang galit.
Lumakas
ang pagdududa sa dibdib ni Geo na maaaring may pinaplano ang asawa niya laban sa
kan’ya.
Wala ng naulinigan pa ang lalaking nagkukunwaring tuloy. Tiyak niyang may
lakad si Katallea at mukhang walang plano itong isama siya kaya kusang gumawa ng
paraan si Geo.
“Hi, may lakad ka ba?” Tanong niya sa napatalong babae. Nagkunwari siyang
pupungas-pungas para hindi magduda sa kaniya si Katallea na napakinggan niya ang
usapan nito at ni Max.
Galit, inis, hindi mawari ni Geo kung anong emosyon ang nakita niya sa biglang
pagharap ng babae dahil biglang lumiwanag ang mukha nito.
“Pupuntahan ko ang sagingan. Iyon ang dahilan kaya umuwi ako rito. Gusto
kong maagang umalis para hindi pa masyadong mainit kapag naglibot ako roon.”
“Pwede bang sumama?” Tanong ni Geo habang tinutupi ang higaan niya. “Huli
na ba ako para iparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal? May pag-asa pa kaya na
makita mo ang pagsisisi ko? Si Max na ba talaga ang nagmamay-ari ng puso mo?”
Maraming mga tanong sa isipan ni Geo habang nakatuon sa ginagawa.
Matagal bago nagsalita si Katallea. Hindi niya gustong makasama ang lalaki.
Lahat ng pagmamahal na meron siya para sa asawa ay natabunan na ng poot. Ililigtas
niya si Clarise mula sa walang kaluluwa niyang asawa kahit ano pang mangyari.
Pumayag si Katallea na sumama si Geo sa Brgy. Saradama. Masayang sinalubong
ito ng mga dating kakilala na nagtatrabaho na sa taniman nila. Habang abala ang
lalaki
sa pakikipagkwentuhan ay nagsimula na rin si Katallea na tingnan ang problema ng
sagingan.
Napangiti si Geo kung paano harapin ni Katallea ang problema nito sa negosyo.
Ngayong nabatid ng babae na nagkamali ang mga tauhan sa paglalagay ng organic na
abuno ay hindi man lang ito nagalit. Mahinahong kinausap niya ang mga magsasaka at
ang tagapamahala. Napagtanto ng lalaki na malayong-malayo ang ugali ng asawa niya
kesa sa kan’ya.
Nilibot ng tingin ni Geo ang buong paligid. Napakalawak na taniman ng saging
ang naipundar ng asawa niya. Tama lang ang naging desisyon niya noon na kunwari ay
ipapatay si Katallea at bigyan ito ng pera para iligtas ito sa kaniyang ama.
Dahil hindi pa alam noon ni Don Arman na apo ng kaibigan ng lolo niya ang
babae kaya inunahan na niya ang kaniyang Daddy para kusang umalis noon ng Maynila
si Katallea kahit hindi pa nila graduation. Sadyang hindi lang talaga niya inakala
na
maruming babae pala ang pinaglaanan niya ng pagmamahal.
Ipiniling ni Geo ang kaniyang ulo. Handa na siyang kalimutan ang lahat dahil
kahit anong pilit niyang kamuhian ang babae ay lalo lamang nag-uumapaw ang
pagmamahal niya rito.
Matalim na tingin ang ipinukol ni Katallea sa asawa niya habang nakaupo ito at
pinagmamasdan ang paligid. May kirot sa puso niya na pilit niyang pinalis.
“Hindi na puso ang gagamitin ko. Alam kong pinaglalaruan mo ako at pinaiikot
lang, Geo. Hay*p ka! Tiniis ko na ang lahat, iyon pala pati kapatid ko, binaboy mo
pa!”
Bulong ng isip niya.
“May problema ba kayo, Katallea?” Tanong ng isang ginang. Hindi rito
nakaligtas ang nakakamatay na tingin na ipinukol ni Katallea sa asawa niya.
“Sobrang liit lang po. Loko kasi ang lalaking iyan.” Ngumiti si Katallea ng ubod
tamis kaya naman naniniwala ang babae.
Nang makita ni Geo ang ngiting iyon ng asawa ay bumilis ang tibok ng puso
niya. Wala siyang hinahangad ngayon kung hindi sana ay pag-ukulan siyang muli ni
Katallea ng ngiting iyon.
Pabalik na sila ng bayan ng mapansin ni Geo na sunod-sunod ang text na
pumasok sa cellphone ni Katallea. Seryoso ang mukha nito habang binabasa isa-isa
ang
mga mensahe. Gusto niyang magtanong pero wala sa mood ang katabi niya kaya hindi
siya nagsalita.
Si Katallea naman ay nakikiramdam din. Natatakot siya sa isip ng kasama niya sa
sasakyan. Hangga’t maaari ay ayaw n’ya iton galitin kahit na gusto niya itong
patayin.
“Ang daming trabaho, puro problema.” Kunwari ay sabi ni Katallea pero ang
totoo ay mga text messages ni Max ang natanggap niya. Nag-aalala ang lalaki para sa
kalagayan niya. Humihingi na s’ya ng tulong sa bagong kaibigan para magkaroon ng
ebidensya laban kay Anastasia. Kailangang mailbas niya ang katotohanan na ang
pinsan ng asawa n’ya ang nagpakalat ng mga pekeng larawan.
Samantala, sa condo unit ng isa sa mga babae ni Geo ay hindi mapakali ang isang
tao. Ilang araw na siyang hindi pinupuntahan ni Geo at para na siyang mababaliw.
Tinatawagan niya ito ngunit hindi niya makontak ang lalaki.
Sa muling pagtawag niya ang tumunog ang telepono ni Geo. Nasasabik siyang
naghintay na sagutin iyon ng lalaki ngunit hindi nangyari. Kinuha niya sa drawer
ang
larawan ni Katallea at wala sa loob na pinadaanan niya iyon ng dulo ng gunting
katulad
ng dati.
Sa sasakyan ay nakita ni Geo na tumatawag ang babaeng lihim niyang
kinakatagpo. Katulad ni Clarise ay balak na niyang kausapin din ito para matapos na
ang kahibangan n’ya sa babae. Ayaw na niyang may gugulo pa sa relasyon nilang
mag-asawa.
Umangat ang kilay ni Katallea ng makitang may tumatawag kay Geo ngunit hindi
iyon sinagot ng lalaki. Tahimik n’yang pinagmasdan ang asawa niya habang
nagmamaneho ito. Hindi ko akalain na ang lalaking mukhang anghel na ito ay isa
palang…” Pilit niyang pinutol ang gusto pang ipahiwatig ng utak niya.
“Feel free to adore me,” nakangiting sabi ni Geo. Masaya siya sa ginawa ni
Katallea na pagmamasid sa kan’ya. “I’m all yours.”
“What?!” Gulat na tanong ni Katallea.
“Touch me if you want. Kiss me, caress my body…”
Nangilabot si Katallea sa narinig mula kay Geo. Muntil pa siyang napamura dahil
sa sinabi nito. Kilala niya ang lalaki na matalino kahit tahimik ito noong nag-
aaral pa
lang sila kaya alam niyang may pinaplano na naman ito.
Nasaktan si Geo sa naging reaksyon ng asawa niya. Muntik masuka kasi ang
babae dahil sa simpleng palipad hangin niya.
Gusto sanang unti-unting iparamdam ni Geo kay Katallea na seryoso siya sa
pagkakataong iyon para maging maayos ang relasyon nila pero kinakabahan siya sa
kilos ng asawa. Mautak si Katallea at alam niyang hindi na siya basta-basta
pagkakatiwalaan nito dahil sa mga ginawa niya kaya kikilos siya ng sigurado para
makuhang muli ang puso nito.
Pagdating sa bahay ng mga San Sebastian ay sunod-sunod na tawag ang
natanggap ni Geo. Galing iyon kay Yaya Adel at nag-aalala ito. Dahil raw kasi sina
Anastasia at Clarise ay nasa bahay ng mag-asawa at doon na raw titira ang babae.
Siya
raw kasi dapat asawa ni Geo at hindi si Katallea.
Napamura si Geo. Masisira ang lahat ng diskarte niya dahil kay Anastasia at
Clarise. Biglang nakadama ng takot ang lalaki na tuluyang lumayo sa kan’ya ang
asawa.
Mula sa balkonahe ay nakatanaw si Katallea sa galit na asawa. Hindi niya alam
kung sino ang kausap nito.
Naramdaman naman ni Geo ang mga matang nakatunghay sa kan’ya. Nasa
hardin siya kaya tanaw siya ng taong nasa balkonahe. Pag-angat niya ng mata ay
nakita
niya si Katallea kaya bigla niya pinatay ang tawag, pinilit niyang ngumiti sabay
kaway
sa asawa.
Mabigat ang mga paang umakyat si Geo sa taas ng bahay upang magpaalam kay
Katallea na babalik na siya ng Maynila. Aayusin niya muna ang problema sa pinsan
niya at sa kapatid ng asawa niya. Alam niyang hindi siya mahal ni Clarise at
paghihiganti lang ang pakay nito laban kay Katallea.
Ngunit nagulat si Geo pagpasok niya sa kwarto. Nakabihis na si Katallea at
handa ng umalis.
“Where are you going?” Nagtatakang tanong ni Geo.
“Babalik na ng Maynila. Tapos na ang trabaho natin dito at may kailangan pa
akong asikasuhin doon,” pagsisinungaling ni Katallea.
Sa isang iglap, gumuho ang pag-asa ni Geo na maayos pa niya ang may lamat ng
relasyon nilang mag-asawa.

“Dear readers,
Thank you all for your warm support. I would like to dedicate this chapter to the
following people:
Lyn B.
Rachel R.
Acaly
Mc Kinley
Marie D.
My heart is full of gratitude to you, guys. Thank you for helping me to promote
this book!
Love lots,
Magic Heart

KATALLEA CHAPTER 32
“Clarise!”
Patakbong lumapit si Katallea sa kaniyang kapatid at masaya niyang niyakap ito
nang inabutan nilang naghihintay ang dalaga sa may pintuan ng kanilang malaking
bahay. Ngunit hindi man lang gumanti ng yakap ang babae. Sa halip ay biglang
tinabig
nito ang kamay ng ate n’ya. Nawala ang pananabik sa puso ni Katallea. Buong
pagtataka niyang tiningnan ang sariling kapatid.
Lumapit si Clarise sa asawa ng ate niya. Walang pakialam nitong ipinulupot ang
mga braso sa leeg ni Geo at mariin itong hinalikan sa labi ang nagulat na lalaki.
“What is the meaning of this?!” Halos hindi makapaniwala si Katallea sa
nasaksihan niya. Ang buong akala niya ay pinipilit ni Geo ang nakababatang kapatid
para makipagniig ito sa kaniyang asawa pero iba ang nakikita niya.
“I’ve told you before, hindi ba? Wala kang puwang sa bahay na ito, sa buhay ni
Geo. Si Clarise ang dapat asawa ni Geo at hindi ikaw! Matagal na silang may
relasyon.”
Tinig ni Anastasia.
Bumuntong-hininga si Katallea. Halos mapugto ang kaniyang hininga dahil sa
tindi ng emosyon. Palipat-lipat ang tingin niya kina Geo, Clarise at Anastasia.
Humulagpos si Geo mula sa mga braso ni Clarise. Inilang hakbang niya ang
pagitan nila ni Katallea. Malungkot ang mukha nito na wari bang nagmamakaawa sa
asawa na pakinggan ano man ang sasabihin niya.
“I love you! Please, let me explain.” Nanginginig na sabi ng lalaki bago
hinawakan ng ubog higpit ang kamay ng asawa. Nakayuko ito at tila hirap na hirap
kung paano ipapaintindi kay Katallea ang sitwasyon nila.
Ngunit bumaling si Katallea kay Anastasia. Binigyan niya ito ng nakamamatay
na tingin at marahas niyang hinila ang kamay mula kay Geo.
“Bakit mo ginamit ang kapatid ko? Pareho kayong magpinsan, mga halang ang
mga kaluluwa ninyo!”
“Ginami?! Walang gumamit kay Clarise. Kusa niya iyong ginawa. Nakita mo sa
video na ipinadala ko sa’yo, hindi ba? Sarap na sarap siya sa ginagawa nila ni Geo!
Hindi siya mukhang pinilit doon!” Matapang na sagot ni Anastasia kay Katallea.
“Anong video?” Tanong ni Geo.
“S*x video n’yo ni Clarise! My God, Geo, I didn’t expect you to be so hot. Wala
kang patawad kahit sa opisina mo.” Sinundan ni Anastasia ng malakas na tawa ang
sinabi nito.
“Ibig sabihin, Clarise…” Baling ni Katallea sa kapatid.
“Ibig sabihin matagal na kaming may relasyon ni Geo, Ate. Nag-se-s*x kami sa
CR, sa opisina, sa tirahan ko, sa kotse…”
“Enough!” Sigaw ni Geo. Tinakpan niya ang tainga ni Katallea para hindi nito
marinig ang sasabihin pa ni Clarise. Tinabig naman ni Katallea ang kamay ng asawa.
“Leave the house, now!” Mas malakas na sigaw ni Geo kina Anastasia at Clarise.
Ngunit hindi nagpatinag ang dalawang babae at ngingisi-ngisi lang ang mga ito
habang nakatunghay sa mag-asawang nag-uusap ng mata sa mata.
“Kapag pinaalis mo kami rito, bukas na bukas rin ay nasa kulungan na ang asawa
mo! Hindi pa s’ya abswelto sa pagpapapatay niya kay Joey!”
Halos nabingi si Katallea sa narinig. Nalilito siyang napatingin muli kay Clarise.
Matapang ang mukha nito at walang pagmamahal siyang nakita sa mga mata ng kapatid
niya.
“Anong nangyari kay Joey?” Tanong niya.
“Pwede ba Ate, huwag kang magpaka-inosente. Hindi ba sinabi sa’yo ni Geo ang
lahat?”
“Geo, ano ang hindi ko alam?!” Sumisigaw na si Katallea sa pagkakataong iyon.
Halos panawan na kasi ng ulirat dahil sa hindi niya makontrol na halo-halong
emosyon.
“Okay lang, naiintindihan ko,” sabi ni Geo. “Uunawain kita kasi mahal kita.”
“Huwag kang magpaligoy-ligoy pa!” Sigaw ni Katallea. “I want to know
everything! Lahat ng hindi mo sinasabi, sabihin mo na.”
Pumalakpak si Anastasia. Inikutan pa nito si Katallea habang ginagawa iyon. Si
Geo naman ay nakatayo lang sa harapan ng asawa niya.
“What great acting, Katallea? Damang-dama ko, oh.” Sinabayan pa nito ng poker
face ang sinabi niya.
Lalong nag-init ang ulo ni Katallea. Isang malakas na sampal ang pinakawalan
nito na tumama sa mukha ng nabiglang si Anastasia. Ngunit bago pa iyon nasundan ay
agad na hinila ni Clarise ang buhok ng kapatid niya. Piliy nitong hinahatak ang
kapatid
para mailampaso sa damuhan.
Hindi makalaban si Katallea dahil nasa likuran niya si Clarise. Si Anastasia
naman ay nagsimula na ring pinagsasampal ang nahihirapang babae. Si Geo ay pilit na
pinaghihiwalay ang tatlo.
Sa hindi kalayuan ay kinuha ni Yaya Ade ang hose ng tubig at binomba ang apat
na nagkakagulo. Basang-basa na nang maghiwalay ang apat. Mabilis na umakyat si
Katallea sa kan’yang silid at nagbihis. Iniligay n’ya na rin ang mga damit niya sa
maleta.
“Katallea, hindi ka aalis!” Ma-utoridad na sigaw ni Geo. “Kapag lumabas ka sa
pamamahay na ito deretso ka sa kulungan!”
“Kulungan?! Hindi ko pinatay si Joey o ang sino man. Pare-pareho kayong mga
d*monyo! Magsama-sama kayo!” galit na sigaw ni Katallea.
“Kapag sinabi kong hindi ka aalis, hindi ka aalis!” Balewala kay Geo ang lamig
na nararamdaman. Alam niyang kailangan niyang mapigilan ang asawa dahil wala na
siguradong pangalawang pagkakataon para sa kanila kapag nakalabas ito ng bahay
nila.
Itinapon ni Geo sa kama ang cellphone niya. “Check it! Nandyan ang convo n’yo
ni Daddy noong gabing inutusan mo s’yang patayin si Joey at Clarise. Number mo
iyan,
di ba?”
Nanginginig na kinuha ni Katallea ang cellphone ni Geo. Binasa n’ya ang mga
nasa screen shot ng sinasabing convo nila ng biyenan niyang lalaki.
“Hindi ako nag-te-text pa kahit kailan sa Daddy mo,” mapait na sabi niya. “May
taong gustong pabagsakin talaga ako! Kanino galing ito?”
Ngunit tumahimik si Geo. Hindi niya pwedeng sabihin kung sino ang nagpadala
noon sa kan’ya dahil baka mas lalong mawala sa kaniya ang asawa kapag nakilala nito
ang taong nagpapadala sa kaniya ng mga videos at larawan. Ang babae sa condo ay
hindi niya pwedeng ipahamak. Napakabuti nito sa kanya para magdusa rin ito. Gusto
niyang maayos silang maghihiwalay noon.
“Stay here. This is the safest place for you. Makukulong ka oras na umalis ka
rito.” Pakiusap ni Geo sa asawa n’ya. “Pwede ring bumagsak ang negosyo mo kapag
nangyari iyon. Paano sina Papa at Mama? Nag-aaral pa ang bunso mong kapatid.”
Napasabunot sa ulo niya si Katallea. Parang sasabog na kasi iyon sa tindi ng
kirot. Tama si Geo, may magulang at isa pa siyang kapatid na umaasa sa kanya.
Lumapit si Geo sa asawa para yakapin ito. Naghihirap ang damdamin niya sa
nakikitang paghihirap ni Katallea at batid niyang isa siya sa mga dahilan kung
bakit
nasasaktan ngayon ang kaniyang asawa.
Umurong si Katallea ng makita niyang papalapit si Geo sa kan’ya Sumiklab ang
galit sa puso niya pero mahinang-mahina na siya. Kung wala lang pamilyang umaasa sa
kaniya ay hindi na siya magtitiis pa kasama ang lalaking ito.
“Please, don’t touch me,” sabi niya habang tumutulo ang mga luha. “Patutunayan
kong hindi ako ang may kasalanan sa pagkamatay ni Joey. Will you help me? No! I
need help from someone and I know na hindi ikaw ang taong iyon. Oh, God, sino ang
makakatulong sa akin?”
Natigilan si Geo. Pinaiikot ba siya ni Katallea. Napakalinaw kasi ang ebidensya
sa harapan niya. Imposibleng gawa-gawa lang ito ng taong nagpapadala nito sa
kan’ya.
Kilala niya ang taong iyon bilang isang tapat at mabuting tao.
“Hindi mo ako tutulungan, ‘di ba? Nahusgahan mo na kasi ako. Ayaw ko ring
magka-utang na loob sa’yo,” mapait na saad ni Katallea. “Leave now, please.”
Sumunod si Geo sa asawa niya. Bumaba siya ng bahay at hinanap sina Anastasia
at Clarise. Nakakuyom ang mga kamao niya at handang manakit anumang oras.
Dumadagundong ang kaniyang boses nang hinanap niya ang dalawa. Nakataas
naman ang kilay ni Anastasia at hawak nito sa Clarise sa mga kamay.
“Aalis ba kayo sa pamamahay namin o ipapakaladkad ko kayo sa mga
gwardya?” Tanong ni Geo.
“Hindi mo gagawin iyan, Geo. May kausap na akong kaibigang pulis at isang
tawag ko lang ay dadamputin na nila ang basurang babae na pinatuloy mo rito. Akala
ko ba kakampi ka namin. Hindi ba mahal mo na si Clarise?” Natigilan si Geo.
Sinuyo at niligawan niya si Clarise para saktan ang asawa niya at alam niyang
isang pagkakamali iyon. Hindi niya akalain na magiging ganito ang kahihinatnan ng
lahat. Hindi niya inaasahan na matatalo siya ng pag-ibig niya para kay Katallea.
“Oo, pero…” Sagot no Geo. Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil nakita
niyang nakababa na si Katallea ng hagdan. Kalmado ito at hindi kababakasan ng
galit.
“If they want to stay, let them be. Bukas ang bahay natin para sa kanila.”
Binalingan ni Katallea si Yaya Adel na nasa hindi kalayuan. “Yaya, may makakain po
ba? Nagugutom kasi ako.”
Buong pagtatakang napatingin si Geo sa asawa niya. Sinundan naman ni Clarise
ng tingin ang kapatid niya. Alam niyang kapag ganoon ang asal ng Ate niya ay
palaban
ito at hindi niya kakayanin ang tibay ng karibal niya.
“Sige, kung gusto n’yong tumira rito, bahala kayo!” Sumunod si Geo sa asawa
niya sa kusina at umupo na rin siya sa mesa. Gusto niyang magtanong kay Katallea
tungkol sa plano nito pero bubuka pa lang ang bibig niya ay nakita na niya ang
pag-igting ng panga ng babae. Naduwag siya sa kauna-unahang pagkakataon.
Kumain ng hapunan ang mag-asawa kasabay si Yaya Adel. Halos hindi malunok
ni Geo ang pagkain samantalang hindi tinapunan ni Katallea ng tingin ang asawa
n’ya.
“Gusto mo bang lumipat tay ng bahay para makaiwas tayo sa gulo?” Hindi
nakatiis na tanong ni Geo. “I have a condo sa Makati. Pwede tayo roon
pansamantala.”
Matalim na tiningnan ni Katallea ang kaniyang asawa. Kumukulo ang dugo niya
sa lalaki kaya mahigpit na napahawak siya sa kutsilyong ginagamit niya panghiwa ng
steak.
“One more word, and you will see the devil inside of me!” Mariing sabi ng babae
sa natigilang lalaki.
“This can’t be! Ginawa ko bang halimaw ang babaeng mahal ko katulad ng kung
paano ako ginawang d*monyo ng Daddy ko?” taong sa isip ni Geo.
Napatingin siya kay Katallea. Mahigpit pa rin ang hawak nito sa kutsilyo at alam
ni Geo na hindi siya pwedeng magkamali ng mga oras na iyon.
Napansin naman ni Yaya Adel ang tensyon sa hapag kainan. Binasag niya iyon sa
pamamagitan ng paghawak sa kamay ng mag-asawa.
Magkaharap kasi ang mga ito at siya ang nasa pinakagitnang dulo ng lamesa.
Hindi iba ang tingin sa kaniya ng dalawang amo kaya ganoon na lang kung itrato siya
ng mga ito. Isa siyang magulang na handang gabayan ang dalawa.
“Mga anak, ano man ang pinagdadaanan n’yo, sana mas piliin n’yong pakinggan
ang mga puso n’yo kesa ang bulong ng isipan.”
Napatingin si Geo sa asawa niya. Nangingilid ang mga luha nito sa kaniyang mga
mata habang pilit iyong pinipigilan ni Katallea. Gusto niyang pahirin ang mga
mumunting butil na iyon ngunit hindi niya kayang iangat ang mga kamay.
“I’m sorry.” Mga katagang nasambit ng lalaki. Alam niyang hindi sapat iyon para
pawiin ang mga kasalanan niya pero iyon pa rin ang salitang paulit-ulit niyang
bibigkasin sa babaeng una at huli niyang mamahalin.

KATALLEA CHAPTER 33
Hindi makatulog si Geo sa silid niya. Pabaling-baling siya sa higaan. Sinisisi
niya ang sarili dahil sa kaniyang kawalang-hiyaan ay maaaring mawala si Katallea sa
kaniyang buhay. Hindi siya makakapayag na mangyari iyon dahil ang asawa na niya
ngayon ang tanging taong pinakamahalaga sa kanya.
Si Katallea ay palakad-lakad naman sa kan’yang silid. Gusto niyang makausap si
Clarise ngunit palaging nakabantay dito si Anastasia. Gulong-gulo ang puso at isip
niya
dahil kahit galit siya sa asawa ay nasasaktan siya sa isiping makikipaghiwalay na
siya
rito.
“Mahal ko talaga ang ulupong na iyon. Ang sakit naman magbiro ng tadhana,”
bulong niya habang ikot ng ikot sa nakasaradong silid.
Hindi maatim ni Katallea ang kababuyan ni Geo. Sa tuwing nakikita niya ang
asawa ay parang multong hinahabol siya ng itsura nito habang nakikipagniig ito sa
kapatid niya. Labis siyang nasasaktan dahil doon. Ngayon, nauunawaan na niya si Geo
kung bakit ganoon na lang ang galit nito sa kaniya dahil sa mga pekeng larawan na
naglabasan noon.
Lumabas si Geo ng silid niya upang kausapin si Katallea. Si Katallea naman ay
binuksan ang pinto upang silipin ang kapatid niya. Parehong nabigla ang dalawa ng
sabay silang nagbukas at lumabas ng sild habang walang imik na nakatitig lamang sa
isa’t isa. Walang gustong magsalita, walang gustong kumilos ng kusa. Nakatayo lang
sila pareho sa tapat ng kani-kanilang kwarto.
“Mga anak, mag-usap kayo,” mahinahong sabi ni Yaya Adel. Paakyat ang
matanda dahil magdadala sana ng gatas kay Katallea ng makita niyang natigilan
pareho
ang mag-asawa ng magkaharap sila.
Tumikhim si Geo bago nagsalita. “May I come in?” Naglakad ito dahan-dahan
palapit sa silid ng asawa niya habang napaurong naman si Katallea papasok ulit.
“No!” Matigas na tanggi ni Katallea. “Alam kong bahay mo ito pero hindi mo na
ako masasaktan pa. Hindi mo na ako maloloko pa!”
Sumingit si Yaya Adel sa dalawang nasa pintuan at inilapag sa ibabaw ng side
table ang gatas ng amo niya. Nang iginala ng matanda sa loob ng silid ang mga mata
ay
nakita niya ang mga nakahandang bag ni Katallea na inimpake niya kanina. Hindi pa
naibabalik ng babae ang mga damit niya sa cabinet kaya nakita ng matanda na ganoon
ang ayos sa kwarto niya,
“Aalis ka ba, Katallea?” Wala sa loob na tanong ng matanda.
Nanlamig si Geo sa narinig. Daig pa niya ang binuhusan ng napakaraming yelo.
Hindi siya papayag na iwan siya ng asawa lalo na kung kay Max ito tutungo.
“Leave now, Yaya.” Mautoridad na sabi nito.
Agad na tumalima ang matanda. Sa baba ay nakita niya sina Anastasia at Clarise.
Nag-iinuman ang dalawa at nagsasayawan pa. Wala silang pakialam na bisita lang sila
sa bahay na iyon.
Umurong si Katallea sa may bintana para makaiwas kay Geo. Ang kaba niya ay
abot hanggang leeg. Napakabilis ng tibok ng kaniyang puso at natatakot siyang
ipahamak s’ya noon. Takot siya pero nakahanda siyang lumaban. Taas ang noo na
nakipagtitigan siya kay Geo.
Sinukat ng tingin ni Geo ang kaniyang asawa. Alam niyang nasindak ito dahil sa
sapilitan niyang pagpasok at ayaw niya itong takutin pa. Mahal niya si Katallea at
ayaw
na niyang dagdagan pa ang pagkakamali niya sa babae. Parang nauupos na sumandal
siya sa pintuan.
“Don’t leave me, please. I love you, Kat.” Nahihirapang sabi ng lalaki habang
namumungay ang mga matang nakatingin ito sa asawa niya.
May awang humaplos sa puso ni Katallea. Ngunit biglang gumuhit ang
pagdududa sa isip niya. Marahil ay isa na naman iyong drama at panlilinlang ng
lalaki.
Pilit niyang pinakakalma ang sarili. Ayaw na niyang muling magdusa pa sa piling ni
Geo.
“Mahal na kita kahit noong college pa lang tayo. Iyong pagpapapatay sa’yo bago
ang graduation natin, kunwari lang iyon para mailigtas kita kay Daddy. Inupahan ko
ang mga lalaking iyon para gawin ang trabahong iyon.”
Napamulagat si Katallea. Nagdadalawang isip siya kung totoo ba o hindi ang
sinasabi ni Geo. Minsan na itong nabanggit ng lalaki pero ayaw tanggapin iyon ng
isip
niya kahit na ang kaniyang puso ay nagsasabing pakinggan ang asawa.
“Enough, Geo! Masyado ng malalim ang sakit. Hindi na kayang burahin ng
revelation mo ang sugat na nilikha mo sa puso ko. Leave!”
“No, hindi ko kayang mawala ka. Kung kinakailangang ikadena at ikulong
kitang muli, gagawin ko. Huwag ka lang mawala sa akin. Alam kong mahal mo si Max
at mahal ka rin niya. Hindi ako papayag na tuluyan ka niyang agawin sa akin.”
“You’re insane! Kahit anong gawin mo, hindi na maibabalik pa noon ang dating
pagtingin ko sa’yo. Pareho lang natin hindi pinagkakatiwalaan ang isa’t isa kaya
enough is enough! Masyado ng masakit ang pagmamahal mo.”
Buo na ang loob ni Katallea. Kakausapin niya lang si Clarise at lilisanin na niya
ang bahay ni Geo kahit pa maghirap siya. Sapat ang video na hawak niya para
palabasing may pagkakamali ang lalaki at kasuhan ito ng pangangalunya.
“Katallea, believe me, I love you.” muling sabi ni Geo.
“Is that true?”
“Yes!”
“Set me free.” Mahina lang iyon pero parang bomba sa pandinig ni Geo ang
tatlong salitang binitawan ni Katallea.
“Aayusin ko lang lahat, lahat-lahat. Huwag mo lang akong iwanan.” Pakiusap ni
Geo. Nakita ni Katallea ang mga luhang iyon sa kauna-unahang pagkakataon. Gusto
niyang haplusin ang asawa pero wala na siyang lakas para makinig pa. Punong-puno na
siya at wala siyang ibang gusto kung hindi ang makalayo sa lalaki.
Ang puso ni Katallea ay gustong maniwala sa nakikita niya pero sa ilang beses
siyang pinaikot-ikot ni Geo, buo ang desisyon niyang umuwi na lang ng Brgy.
Saradama at magsimulang muli. Doon ay hahanapin niya ang kapayapaan na kaya tagal
na niyang hindi naranasan.
“Please leave, Geo. Gusto kong mag-isip muna.”
Sa pag-aakalang maaari pa siyang bigyan ng second chance ni Katallea ay
napangiti ng bahagya si Geo. Tumalikod siya para pihitid ang door knob ngunit
nagsalita si Katallea.
“Alam ko na ang nararamdaman mo dati sa akin, nandidiri ka! Alam ko rin Geo,
bumabaliktad ang sikmura ko sa tuwing nakikita kita at si Clarise. Ang pagkakaiba
lang
natin, totoo ang sa’yo at kasinungalingan ang sa akin.”
Halos hindi naigalaw ni Geo ang mga kamay at paa niya. Hindi niya namalayan
kung paano siya nakalabas sa silid ng asawa maging kung paano siya nakabalik sa
kwarto niya.
“Ang pagkakaiba lang natin, totoo ang sa iyo, kasinungalingan ang sa akin!”
Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ni Geo ang mga salitang iyon. Malabo na hindi
totoo
ang mga larawan at video na hawak niya. Alam niyang maraming pekeng naglipana
pero tinulungan siya ng isang taong pinagkakatiwalaan niya para alamin ang totoo
tungkol sa bagay na iyon kaya nga sila naging mas malapit pa sa isa’t isa.
Lalong nagulo ang isipan ni Geo. Nagbihis siya at agad na kinuha ang susi ng
sasakyan. Bago umalis ay tiniyak pa niyang nakasara ang pintuan ni Katallea.
Nadaanan niya sina Anastasia at Clarise na mga lasing na sa sala. May mali sa mga
larawang iyon at iisang tao lang ang makakasagot kaya pupuntahan niya iyon.
“Where are you going, hon?” Tanong ni Clarise. Nilampasan lang ito ni Geo at
agad na sumakay sa kotse niya. Hinabol pa siya ng babae ngunit hindi niya ito
pinansin.
Sa condo unit ng isang maganda at sexy na babae ay masayang sinalubong si
Geo ng matangkad na babae. Agad itong humalik sa mga labi ng lalaki at tumalon pa
para magpakarga sa bagong dating.
“Where have you been? I miss you,” Lambing ng babae.
Ibinaba ni Geo ang babae at agad siyang tumungo sa ref at kumuha ng alak.
Gusto niyang maibsan ng malamig na inumin ang nanunuyo niyang lalamunan.
Pagkaharap niya sa babae ay naka-panty at bra na laman ito. Lumapit ito kay Geo
at kinuha ang nanlalamig na kamay ng lalaki. Dinala ng babae ang palad niya sa
dibdib
nito at marahang iginalaw iyon doon. Wala ang dating init na nadarama niya sa
tuwing
nahahawakan ang mga bundok na iyon kaya agad na binawi ng bagong dating ang
kamay niya.
“Stop! I am not here for s*x.” Umupo si Geo sa upuan. “Tell me, kilala mo ba ang
tumingin ng mga pictures at videos ni Katallea?”
“What are you talking about? Pumunta ka ba rito para riyan? Ilang araw akong
naghintay sa’yo tapos ngayon ultimo halik hindi mo ako magawaran!”
Nakonsensya si Geo. Ayaw niyang masaktan ang babae dahil naging
mapagmahal ito sa kan’ya sa loob ng mahabang panahon ngunit gusto na niyang
maging mabuting asawa kay Katallea bago pa tuluyang maagaw ito ni Max.
“I’m sorry, we need to stop this,” dahan-dahang sabi niya sa babae.
Umangat lang ang isang kilay ng babae. Walang mababakas na expression sa
mukha nito.
“Are you sure with your decision?” Tanong nito.
“Yes, I want to be a good husband. I hope you understand.”
“If that is your final decision, then who am I to go against it? Isang request lang
Geo, take me tonight. For the last time, gusto kong ikama mo ako. Gusto kong
maramdaman muli ang mga halik mo.”
Napaisip si Geo. Ito ang gusto niyang ugali ng babaeng kausap, maunawain ito.
Dahil sa kagustuhan na pagbigyan ang babae sa huling hiling nito ay pumayag siya na
makipagniig dito sa kahuli-hulihang pagkakataon.
Naunang pumasok ang babae sa silid. Bago sumunod si Geo ay inisang lagok
niya ang isang bote ng alak. Kailangan niya iyon para uminit ang nanlalamig niyang
katawan.
Pagpasok ni Geo sa silid ay agad siyang siniil ng halik ng babae. Mas mainit ito
kumpara sa dating mga halik na natikman n’ya mula rito. Kusang binuksan ng kaniig
niya ang suot niyang polo kahit hindi nito binibitawan ang mga labi niya. Mapusok
ang
may-ari ng condo kaya unti-unting nadarang na si Geo. Sa isip niya ay iyon na ang
huli
kaya ibibigay niya ang pinakaaasam ng babae.
Sa bahay nina Geo at Katallea ay may kumatok sa pintuan ng silid ng babae.
Nagdadalawang isip si Katallea na buksan ang pinto sa pag-aakalang si Geo iyon.
Sinubukan niyang huwag pansinin ang mahinang tunog hanggang sa maging kalabog
iyon. Hindi na matiis ni Katallea ang ingay kaya padabog na naglakad siya patungo
sa
pintuan.
Laking gulat niya ng ang mga nakangising sina Anastasia at Clarise ang
napagbuksan niya.

KATALLEA CHAPTER 34
Agad na binusalan ni Anastasia si Katallea. Kinaladkad nila ang babae patungo
sa basement. Nagpupumiglas ito ngunit panay ang sapak sa kan’ya ni Clarise. Grabe
na
ang kalasingan ng dalawa kay naman tinalo na ng alak at galit ang mga puso at isip
nila.
Habang pababa sila ng basement ay nakita sila ng nahintakutang si Yaya Adel.
Nagmamakaawa si Katallea na tumingin sa matanda. Hilam ng luha ang mata niya.
Ngunit walang magawa ang Yaya ni Geo dahil pinagbantaan siya nina Anastasia at
Clarise.
Sa basement ay ikinadena ng dalawang babae si Katallea at pagkatapos ay
iniwan ito sa madilim na lugar na iyon. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng
mga
ginawa niyang sakripisyo para sa kaniyang kapatid ay pagdurusa ang igaganti ng
huli.
Poot at pagkamuhi ang bumalatay sa puso niya habang umiikot ang paningin sa
paligid.
Sinabayan niya ng munting dasal na sana iligtas siya ni Geo mula roon.
Si Geo, bakit nga ba siya aasa sa lalaking iyon para sa kaligtasan niya kung ito
mismo ang unang nagkulong sa kaniya roon? Napagtanto ni Katallea na tanging si Yaya
Adel na lang pag-asa niya. Hindi siya pwedeng mamatay. Kailangan niyang mabuhay at
lumaban!
Ang hindi batid ni Katallea, sa labas ng basement ay umiiyak na naglalakad si
Yaya Adel dala ang mga gamit niya. Pinalalayas siya ni Anastasia kasabay ang banta
na
papatayin siya nito kapag nagsalita siya.
Hindi na namalayan ni Katallea kung ilang oras na siya sa basement. Umihi na
siya sa lapag ng hindi inaalis ang suot niyang pang-ibaba dahil hindi siya makagawa
ng
ingay para makatawag man lang ng tulong ng sinuman sa labas. Nakabusal siya at
nakatali ang mga kamay. Wala na siyang ibang magawa kung hindi ang magdasal ng
paulit-ulit para sa kaligtasan niya.
Umaga, masiglang gumising si Geo. Sa kabila ng mainit na eksena kagabi sa
condo ay hindi niya kinayang pagtaksilan pa si Katallea. Kahit sobrang mapusok ang
babaeng gusto siyang makaniig at nadarang na siya, ang mukha ng kaniyang asawa ay
ipinaalala sa kaniya ang tama. Agad niyang naitulak ang babae bago pa may nangyari
sa kanila at kinausap ito ng masinsinan.
Nilisan ni Geo ang condo ng magaan ang kaniyang kalooban. Kahit hindi niya
naibigay ang kahilingan ng babae ay naintindihan siya nito. Mahal niya si Katallea
at
hindi niya kayang pagtaksilan pa ang asawa. Kahit anong pilit na gawin ng babae ay
batid niyang walang puwang sa puso ni Geo ang nakalaan para sa kan’ya kaya sumuko
na lamang siya.
Malapad ang mga ngiti ni Geo habang palabas ng kaniyang silid. Malaya na siya
sa isang pagkakamali. Ang tanging hiling na lamang niya ay matapos na rin ang
problema niya kay Clarise.
Sinulyapan ng lalaki ang silid ni Katallea. Nakasarado pa ito. Katulad kagabi,
pagdating niya ay hindi siya nagtangkang buksan pa iyon dahil baka maistorbo niya
ang babae. Sa isip niya ay marahil tulog pa ang kaniyang asawa kaya bumaba na lang
siya ng hagdan habang umaandar ang kaniyang utak para sa mga gagawin niya sa mga
susunod na araw.
Buo na ang kaniyang plano, aalamin niya ang lahat ng katotohanan tungkol kay
Katallea gamit ang sarili niyang makinarya. Uupa siya ng private investigator para
mag-imbestiga lalo na tungkol sa pagkamatay ni Joey upang mapa-alis na rin niya
sina
Anastasia at Clarise sa pamamahay nila kapag napatunayang inosente si Katallea.
Nasa kalagitnaan na siya ng hagdanan ng mapansing tila wala siyang naamoy
mula sa kusina. Wala rin ang masayang tinig ni Yaya Adel na madalas at naririnig
niyang kumakanta sa umaga.
Pagkababa ay nakita niyang nasa sala sina Anastasia at Clarise. Nagkakape ang
dalawa. Halatang mga bagong gising pa lamang. Nilagpasan lang sila ni Geo at hindi
niya iniintindi ang mga pagbati ng mga ito. Si Clarise ay lumapit para yakapin siya
pero
agad niyang inalis ang braso nito sa kaniyang katawan.
Tumuloy si Geo sa kusina. Nagtataka siya na wala siy Yaya Adel pero ayaw
niyang magtanong sa dalawang kasama. “Marahil ay nasa palengke si Yaya.” Iyon ang
sabi ng isip niya.
Kumuha si Geo ng ham at itlog sa ref. Hinulaan niyang marahil ay paborito iyon
ni Katallea dahil iyon ang madalas niyang makitang ulam nito habang palihim niyang
pinapanood ang babae na masayang kumakain kasabay ang yaya niya.
Naiinggit siya noon kay Yaya Adel dahil madalas itong lambingin ng asawa pero
ngayon tiyak niyang makukuha rin niya ng tuluyan ang puso nito kahit pa suyuin at
pagsilbihan niya ito ng paulit-ulit. Alam niyang ipagtatabuyan na siya ng asawa
pero
handa na siyang tiisin ang kaparusahan ng kasalanan niya.
Nagsangag si Geo ng kanin. Sanay siya sa pagluluto dahil tinuruan siya ng
kaniyang Mommy at ni Yaya Adel. masigla ang bawat galaw ng lalaki habang inaayos
niya ang pagkain sa tray. Pagkatapos maging maayos ang lahat ay agad niyang hinubad
ang apron at maliksi siyang nagtungo sa gate. Dumating kasi ang order niya.
Mula roon ay kinuha niya ang isang pumpon ng mga bulaklak. Alam niyang
paborito ni Katallea ang mga rosa at Cattleya kaya iyon ang binili niya.
Pagpasok muli ng bahay ay nakita ni Geo ang pagtaas ng kilay ni Clarise habang
tahimik lang si Anastasia. Katulad kanina ay nilampasan n’ya ulit ang dalawa at
mabilis
siyang nagtungo sa kusina upang kunin ang pagkain.
Kahit hirap sa dalang tray at bulaklak ay hindi ininda ni Geo ang pangangalay.
Gusto niyang sorpresahin, suyuin ang asawa. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Panay
din ang bulong niya na sana ay may pag-asa pa siya para mapaibig ito.
Marahan siyang kumatok sa pintuan ng silid ni Katallea. Nang walang sumagot
at nabatid niyang hindi iyon naka-lock ay itinulak niya ang pinto ng silid ng
asawa.
Nang makitang wala roon si Katallea ay inilapag niya ang tray sa kama. Inilagay na
rin
niya ang bulaklak sa tabi noon. Inilibot ni Geo ang paningin sa paligid. Naroon ang
mga
damit ng kaniyang asawa kaya naiisip niyang baka na sa silid lang ito ni Yaya Adel.
Madalas kasing natutulog doon ang babae katabi ang Yaya niya.
Napangiti si Geo. Bakit ba hindi niya nakita noon kung gaano kabuti ang asawa
niya na kahit katulong ay minahal nitong sobra? Mabilis na lumabas ng silid si Geo
upang pumunta sa kwarto ni Yaya Adel.
“Where are you going?” Nakataas ang kilay ni Anastasia habang nagtatanong.
Hindi pinansin ni Geo ang pinsan niya. Dahil sa ginawa nito ay parang hangin
lang siya sa paningin ng lalaki. Nagtatangis ang mga bagang niya sa tuwing nakikita
ito
ngunit wala siyang magawa para palayasin ang mga ito dahil wala pa siyang ebidensya
na inosente ang asawa n’ya.
Nagtungo ang binata sa kwarto ni Yaya Adel. Pagbukas niya ng pinto ay nagulat
siya sa nasaksihan. Nagkalat ang mga damit sa paligid. May mga basag na gamit na
makikita sa sahig. Napakunot ng noo niya si Geo. Malalaki ang mga hakbang na
tinungo niya ng cabinet para tingnan kung may laman iyon.
“Ayaw mo kasing makipag-usap. That is what I’m trying to tell you. Wala na si
Yaya Adel, umalis na sila ni Katallea.” Nakahalukipkip na sabi ni Anastasia.
Nagtangis ang mga bagang ni Geo. Hindi niya napigilang mapasuntok sa cabinet.
Hindi maaari na iwan siya ni Katallea ng ganun na lang. Susuyuin n’ya pa ito,
paiibigan
niya pa ang babae at higit sa lahat babawi pa siya sa asawa niya.
Napaupo ang lalaki sa dating higaan ng matandang katulong. Nakasabunot ang
mga daliri niya sa gulo-gulong buhok. Ilang saglit pa ay tumayo siya at marahas na
tinabig sina Anastasia at Clarise na nasa may pintuan. Dumiretso siya sa lagayan ng
susi
ng kotse niya at mabilis na umalis.
Sa opisina ni Max ay busy ito habang tinitingnan ang mga samples ng mga gamot
na nagawa nila. Hindi pa maayos ang mga saging mula sa farm ni Katallea pero pilit
niyang inuunawa iyon. Batid niyang may pinagdadaanan ang bagong kaibigan.
Nang huling mag-usap sila sa telepono ay humingi ito sa kan’ya ng tulong upang
malaman kung sino ang mga nagpakalat ng mga pekeng larawan nito noong nag-aaral
pa ito.
May nakausap na siya tungkol doon ngunit wala pa silang maibigay na
konkretong ebidensya. Hinihintay niya na makakuha noon ang mga inutusan niya ng sa
ganoon ay maliwanagan si Geo sa kabaliwan nito.
“Sir, hindi po kayo pwedeng pumasok!” Narinig ni Max ang tila nahihintakutang
tinig ng sekretarya niya.
Bago pa man makapag tanong ang binata ay kumalabog na ang pintuan ng
opisina niya at palapit sa kaniya ang parang torong si Geo.
Isang nakatutulig na suntok ang pasalubong ni Geo kay Max. Nagbabaga ang
mga mata ng una at madilim ang anyo nito.
Dahil sa kabiglaan ay hindi agad nakakilos si Max. Nahawakan na lamang niya
ang pisnging tila nangangapal na dahil sa suntok ni Geo.
“Nasaan ang asawa ko?” Parang hari na tanong ni Geo.
Humalakhak si Max. Hindi niya alam kung nasaan si Katallea. Noon niya nabatid
ang dahilan ng ikinilos ng bisita niya.
“Bakit? Nilayasan ka na ba niya?” Tanong din ng binata sa nagwawalang lalaki.
“If that so, masaya akong lumaya na siya sa iyo.”
Lalong sumiklab ang galit ni Geo. Lahat ng nakita niya sa opisina ni Max ay
ibinabalibag niya. Namamaga na ang kaniyang kamao ngunit wala siyang pakialam.
“I’m gonna kill you! Saan mo dinala ang asawa ko?” Pilit kumakawala si Geo sa
dalawang guwardiya na may hawak na sa kaniya.
“I don’t know where she is!” Sigaw ni Max. Naguguluhan rin siya kung bakit
hinahanap ni Geo ang asawa nito.
“Liar!: Ganting sigaw ni Geo.
“Tumawag ka na ba ng pulis?” Tanong ni Max sa secretary niya.
Hindi pa nasasagot ang tinanong ng binata ay pumasok na agad ang mga alagad
ng batas. Agad nilang nilagyan ng posas si Geo. Panay naman ang piglas ng lalaki na
parang wala na sa sarili.
Pagkaalis ni Geo at ng mga pulis ay matagal bago nakahuma si Max. Nag-aalala
siya para sa kaibigan. Kinuha niya ang telepono para tawagan ito ngunit pinapatay
lamang ang tawag niya sa kabilang linya.
“Katallea, where are you?” Bulong niya sa sarili.
Samantalang sa istasyon ng police ay kumalma na si Geo. Tumawag siya sa
bahay nila para mapyansahan siya ng Mommy niya. Halos himatayin naman ang ginang
ng malaman nito na nasa kulungan ang anak.
Dahil Sabado kaya hindi kaagad makalabas si Geo sa kinasadlakan niya. Lunes
pa raw pwedeng maghain ng piyensa si Gng. Arevalo sabi ng pulis. Sumunod kasi noon
si Max at naghain ito ng kaso laban sa kaniya.
Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Geo habang hinihimas ang malamig na
bakal. Hindi niya akalaing magagawa talagang iwan siya ni Katallea dahilan para
humantong siya sa ganoong sitwasyon. Tiyak niyang gumawa ng paraan si Max para
tuluyan siyang manahimik at nang maging maligaya ang dalawa.
Isang ngisi ang pinakawalan ni Geo. Matalim ang mga matang nakatitig lang ito
sa kawalan.
“Kahit makulong ako ng paulit-ulit ay hindi ko susukuan ang babaeng mahal ko.
Alam kong kasalanan ko ang lahat kaya handa akong pagbayaran iyon mabawi ko lang
ang asawa ko.”

KATALLEA CHAPTER 35
Sa basement kung nasaan si Katallea ay nanghihina na ang dalaga. Napaangat
ang ulo niya ng makitang bumukas ang pinto dahil akala niya ay si Geo ang pumasok.
Ngunit si Clarise ang nakita niya. May dala itong pagkain at inilapag iyon sa
harapan
niya Tinanggal nito ang busal niya at ganoon na rin ang tali sa kanyang mga kamay.
“Kumain ka na! Baka sabihin mong wala akong puso!” Sabi nito sa Ate niya.
Lumuluhang hinawakan ni Katallea ang kamay ng kapatid. Malayong-malayo na
ito sa malambing at mapagmahal na bunso na kay tagal niyang nakasama. Dama sa
bawat haplos ni Katallea ang pananabik na makita ang dating Clarise na minamahal
niya.
“Clarise, sinaktan ka ba nila? Tinakot? Anong nangyari sa iyo?”
“Hindi ako pumunta rito para makipag-chickahan sa’yo. Kain na!”
“Clarise, makinig ka naman kay Ate. Mag-usap muna tayo. Hindi ako ang
pumatay kay Joey. Hindi ko alam kung sino ang may gawa noong mga text messages.”
Lumapit si Clarise kay Katallea. Isang malakas na sampal ang ibinigay nito sa
Ate niya. Napaupo bigla si Katallea ng itulak ito ng marahas ng nakababatang
kapatid.
Ngumisi si Clarise na parang aso at hinagod ang kapatid niya ng nanunuyang tingin.
“Ang tagal kong hinintay na makita kang ganyan. Ang sarap sa pakiramdam, Ate
Katallea.” Pumapalakpak ng marahan at humahakbang ng walang direksyon si Clarise
habang sinasabi iyon.
Nagmakaawa si Katallea na pakawalan siya ng kapatid ngunit tinudyo lamang
siya nito katulad ng palagi nitong ginagawa noong nasa Brgy. Saradama pa sila.
Bingi
ang dalaga sa mga pakiusap ng kapatid niya.
Maya-maya, umupo ito bahagya sa harapan ng Ate nito. Wala ka-emo-emosyon
ito habang nakatitig sa mukha ni Katallea. Ilang minuto lang ay ngumiti ito na
parang
naglalambing. Pinatunog rin n’ya ang mga daliri. Nagbabanta ang mga mata nito wari
bang anumang oras ay papatayin na ang kapatid niya.
“Clarissa, hindi na ako natutuwa sa’yo,” iritadong sabi ni Katallea. Nauubos na
ang pasensya niya sa kapatid at hindi niya gustong saktan ito. Sa loob niya ay
sinasabing kapag nakawala siya sa kadenang iyon ay siguraduhin niyang hindi na
makakapasok muli sa buhay niya ang babae kung magiging matigas ito sa kaniya.
“Talaga ba? SIge, uubusin ko lalo ang pasensya mo! Tingnan natin kung ano ang
kaya mong gawin laban sa akin.” Ngumisi ang dalaga na parang nababaliw.
“Clarissa!” Sigaw ni Katallea. “Hindi ako nakikipag biruan sa’yo. Pakawalan mo
ako rito. Ito na...Ito ba ang igaganti mo sa akin?”
“Oh-oh, ginusto mo iyan, hindi ba? Drama lang ang lahat noon, Ate. Hindi totoo
na ayaw ko kay Geo. Unang beses na ipinakita ni Joey ang larawan ni Geo sa akin,
minahal ko na s’ya. Pero dahil sa kontratang iyon, syempre ayaw kong magdusa kaya
ikaw ang isinubo ko. Ang galing ko talaga!” Pumalakpak pa si Clarise.
“Ibig sabihin ikaw ang nagpapatay kay Joey? Ikaw ang nagpadala ng text
messages sa Daddy ni Geo?”
“Huwag mo akong pagbintangan sa kasalanang ginawa mo! Hindi ako
mamamatay tao!”
“Talaga ba Clarissa? Huwag mong bilugin ang ulo ko! Ano pa ang hindi ko
alam?”
“Marami! Umayos ka ng upo, Ate. May mahaba tayong pag-uusapan.”
Nag-Indian sit si Clarise sa harapan ng Ate niyang nakasalampak sa sahig. “May
sikreto
akong sasabihin sa’yo. Kumalma ka Ate at huminga ka ng malalim. Ayaw kong
mamatay ka agad dito. Nis ko pang makita mo akong maligaya sa piling ng unang
lalaking minahal mo.”
“Huwag mo akong paikutin, Clarissa!” Pinipilit ni Katallea na maging
mahinahon dahil umaasa siyang mananaig sa puso ng kapatid ang pagmamahal nito
para sa kan’ya.
“Huwag kang maingay,” Malambing na sabi ni Clarise. “Ang totoo Ate, ikaw
ay...Hindi kita kapatid! Ampon ka, bwesit ka!”
Inabot ni Clarise ang buhok ng Ate niya. Habang nakasabunot ito kay Katallea
ay pinagsasampal nito ang kapatid niya hanggang sa namaga ang mukha ng huli. Pilit
lumaban si Katallea pero dahil nakakadena siya ay hindi siya makakilos ng maayos.
Nang makitang duguan na ang Ate niya ay bahagyang lumayo si Clarise sa
kapatid niya.
“Huwag kang gumawa ng kwento!” Sigaw ni Katallea.
“Kwento?! Ikaw na kutong-lupa ka, dahil sa pamilya mo kaya naghirap ang
buhay namin! Bilang ganti sa pagiging sakim ng mga magulang mo kaya dinukot ka ni
Papa mula sa Daddy at Mommy mo! Kaya lang, likas kang pabida kaya sa lugar na kami
ang maging priority nila Papa, ikaw ang inuna nila!”
“Ang galing mong magtahi ng istorya! Lumabas ka na! Labas!” Nagsisigaw si
Katallea. Umaasa rin siyang may makarinig sa kaniya mula sa kabas. Ngunit ang hindi
niya alam ay silang dalawa na lamang ni Clarise ang tao sa malaking bahay. Umuwi na
kasi si Anastasia sa bahay nilang mag-asawa dahil nagagalit na ang asawa nito.
May kinuha si Clarise mula sa bulsa niya. Nakilala ni Katallea ang cellphone
niya. Ang maamong mukha ng dalaga ay biglang naging mabangis. Gusto niyang
kumawala at saktan ang kapatid sa kauna-unahang pagkakataon ngunit naka-kadena
siya.
May tinawagan si Clarise gamit ang numero ni Katallea. Akala niya ay kung sino
ang kakausapin nito ngunit biglang nawala ang lahat ng galit sa puso niya ng
marinig
ang masayang tono ng Papa niya.
“Papa!” Sigaw ni Katallea. “Si Katallea po ito!”
Biglang pinatay ni Clarise ang tawag at sinugod nito si Katallea. Nagpambuno
ang magkapatid hanggang sa tuluyang mabusalan ni Clarise ang Ate niya. Itinali rin
nitong muli ang mga kamay niya.
Puro ungol ang ginawa ni Katallea habang pinapanood si Clarise sa ginagawa
nito. Naghalo na ang dugo at luha sa kaniyang pisngi.
“Paghihiganti ang dahilan kaya ka napunta sa amin mahal naming Katallea.
Niloko ng ganid mong mga magulang ang lolo ko sa negosyo kaya naghirap kami. Kaya
lang, hindi nagawang maghiganti ni Papa sa’yo. Minahal ka niya, kaya ako ang
maghihiganti para sa pamilya ko!”
Nakabibingi ang mga sinabi ni Clarise. Hindi alam ni Katallea kung maniniwala
ba siya o hindi. Nagpupuyos ang kalooban niya dahil sa galit sa kapatid pero gusto
rin
niyang maniwala na kaya iyon ginagawa ni Clarise ay dahil nasaktan ito sa
pagkamatay
ni Joey at hindi sa ano pa man.
“Hindi totoo iyan! San Sebastian ako at anak ako nina Mama at Papa! Ikaw ang
ampon!” Sigaw ng utak ni Katallea.
Ngumisi lang si Clarise. Nakita ni Katallea na muling nag-dial ang kapatid. Sa
pagkakataong iyon ay gamit na niya ang kaniyang sariling cellphone.
Naka-loudspeaker ang babae kaya muling narinig ni Katallea ang boses ng
kan’yang ama. Maging ang Mama niya ay naroon din dahil naririnig ni Katallea ang
boses nito. Sinadya ni Clarise na magkalapit silang magkapatid para daw marinig ng
Ate niya ang lahat na sasabihin niya.
“Papa, Mama, tagal na nating hindi nag-usap. May good news ako sa inyo,
nagkita na kami ni Ate Katallea.” Sumulyap si Clarise sa kan’ya at pilya itong
ngumiti.
“Mabuti at nagkita na kayo ng Ate mo,” Masayang sabi ng kanilang ina.
“Kumusta ang Ate mo riyan? Wala ba namang problema ang mag-asawa? Sabihin mo
nandito lang kami, kung kailangan niya ng tulong eh tumawag o umuwi na lang siya.”
“Maayos naman siya, Mama. Sa bahay na nila ako nakatira. Pwede ko na bang
sabihin kay Ate ang sikreto ng pamilya?”
“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ng Papa nila.
“Pa, alam kong ampon lang si Ate Katallea. Alam kong dinukot mo s’ya mula sa
totoo niyang mga magulang. Narinig ko kayo ni Mama noon habang nag-uusap ka’yo.”
Walang ekspresyon na nakatitig lang si Clarise sa mukha ni Katallea habang
nagdarasal naman ng palihim ang Ate niya na sana hindi totoo ang pinagsasabi niya.
“Clarissa! Itigil mo iyang bunganga mo! Hindi dapat malaman iyan ng Ate mo!
Masasaktan siya! Pinagsisisihan na ng Papa mo ang ginawa niya noon.” Mataas ang
tono ng ina nila habang hindi na ni Katallea narinig ang boses ng ama.
“Pinagsisihan?! Bakit hindi n’yo siya ibinalik sa mga magulang niya?” Sigaw ni
Clarise sa ina.
“Hindi namin magagawa iyon,” Mahinang sabi ng ina nila.
Biglang ngumisi si Clarise sabay angat ng isang kilay niya. Nakipagtitigan siya
kay Katallea na wari ba ay sinasabing, “See, tama ako!”
Nanlumo si Katallea sa narinig. Hindi niya mabatid kung ano ang emosyon na
nararamdaman niya. Daig pa niyang sinaksak ng libo-libong beses. Ang mga luha niya
ay patuloy lang sa paglandas sa namamaga na niyang mukha.
“Sino ang mga magulang ko? Buhay pa kaya sila? Hinahanap pa kaya nila ako?”
Tanong ni Katallea sa isip niya sa pagitan ng mga pagluha.
Hindi na alam ni Katallea kung ano pa ang pinag-usapan ng mag-ina. Nanlulumo
siya sa nalaman pero masaya ang puso niya na hindi niya kapatid ang karibal niya.
Buo
ang loob niyang babangon siya mula sa kinasadlakan niya at babalikan niya ang mga
San Sebastian.
“Mamamatay ka rito sa silid na ito habang nagpapakaligaya ako sa piling ni Geo.
Bye…” Wika ni Clarise.
Nawala na si Clarise sa paningin ni Katallea ngunit hindi mapalis ang galit sa
puso niya. Hindi niya matanggap na ang mga taong pinilit niyang alayan ng buhay ay
mga huwad lamang. Umigting ang hangarin ni Katallea na makatakas sa impyernong
kinalalagyan niya. Wala na kasing silbi ang bawat sakripisyo niya.
Namamaga na ang kamay at mukha ni Katallea. Nakakaramdam na siya ng
pamimitig ng mga paa. Halos panawan na siya ng ulirat ngunit buo ang loob ng babae
na lalaban siya, babangon siya.
Naghahanap siya ng paraan para matanggal niya ang tali sa mga kamay. Mabuti
na lang dahil sa pagmamadali kanina ni Clarise ay sa harapan ni Katallea nito
itinali ang
mga kamay ng Ate niya kaya naman naabot ng kamay ni Katallea ang kaniyang bibig.
Pilit niyang ibinababa ang busal at kinagat ang tali sa kaniyang kamay. Hindi payag
si
Katallea na hindi siya makakaalis sa lugar na iyon.
Nakalimutan rin ni Clarise na patayin ang ilaw. Nakita ni Katallea ang isang
maliit na daga. Sa takot na baka may lason ang pagkain niya ay naglagay siya sa
gilid
ng pagkain upang makasigurado na makakakain muna ang hayop bago siya. Ngunit
lumipas ang halos kalahating oras na panay lang ang takbo ng munting bubuwit kaya
naman nilantakan na ni Katallea ang kanin at ang napaka-alat na adobo.
Alam ni Katallea na hindi marunong magluto si Clarise kaya tiyak niyang ang
kapatid ang nagluto ng ulam. Ganoon kasi palagi ang timpla ng babae sa mga niluluto
nito kaya napapagalitan ito madalas ng Mama nila.
“Mama?” Ngumiti ng mapakla ang babae. Hindi matanggap ni Katallea na ang
kinilala niyang ina ay nagpapanggap lang pala. Kinapa niya ang sarili. Wala siyang
lungkot na nadarama. Ang nasa puso niya ay pagkamuhi para sa mga taong
pinaikot-ikot lang siya.
Hindi nabatid ni Katallea kung ilang araw na siya sa silid na iyon. Mabuti at
bukas ang ilaw kaya naibsan ng liwanag ang takot na nadarama niya.
Samantala, sa labas ng bahay ng mag-asawa ay nakatanaw si Yaya Adel. Wala
siyang makitang ano mang paggalaw sa loob kaya hindi siya mapakali.
Nagdesisyon ang matanda na magsumbong na sa mga pulis. Ngunit naalala niya
ang banta ni Anastasia at Clarise. Maaaring makulong si Katallea dahil sa bintang
ng
mga ito na ang amo niyang babae ang pumatay sa kasintahan ng kapatid nito.
Lulugo-lugong naglalakad ang matanda palabas ng subdivision ngunit ganoon
na lang ang gulat niya ng may isang itim na Montero ang biglang tumigil at biglang
isinakay siya sa loob.

KATALLEA CHAPTER 36
Lunes, pagkalabas ni Geo mula sa kulungan ay dumiretso siya ng uwi sa bahay
nilang mag-asawa. Maliligo lang siya sandali at hahanapin niya si Katallea.
Babalikan
niyang muli si Max dahil tiyak niyang magkasama ang dalawa.
Pagpasok ng bahay ay nabungaran agad ni Geo si Clarise. Halatang galit ang
babae dahil nakapamewang ito. Napamura ng mahina si Geo. Kailanman ay hindi
umasta ng ganoon si Katallea.
“Saan ka galing? Ilang araw na akong nagatengga rito!” Sigaw ng babae.
Waring walang narinig si Geo. Nilagpasan niya lang ang dalaga at dumiretso na
siya sa paakyat ng hagdan. Ngunit bago pa niya maihakbang ang mga paa ay agad
niyang naramdaman na niyakap siya ni Clarise mula sa likuran.
“I love you, Geo. Noon pa, sa mga kwento pa lang ni Ate ay minahal na kita.
Nang makita ko ang litrato mo ay alam kong ikaw ang lalaki para sa akin at hindi si
Joey.” Sabi ng babae.
Humarap si Geo at mariing hinawakan sa braso si Clarise. Matalim ang mga mata
nitong tumitig sa mga mata ng kaharap. “Kung mahal mo ako, bakit nag-inarte ka at
ipinahamak mo ang kapatid mo?”
Natigilan si Clarise. Hindi niya pwedeng sabihin sa lalaki na sinadya niya ang
lahat para makaligtas sa parusa ni Geo. Nai-kwento iyon sa kaniya ni Joey noong
minsang tumakas siya sa bahay nila para makipag-date sa lalaki.
“Tutal wala na si Katallea sa pamamahay na ito kaya lumayas ka na! Hindi ko
ikaw kailangan sa buhay ko! Si Katallea lang ang makakapuno ng nawawalang bahagi
ng pagkatao ko!”
“Ang Katalea na sinasabi mo, ayun, sumama na sa ibang lalaki! Alam mo kung
bakit? Dahil hindi ka niya mahal!” Sigaw ni Clarise. “Ako lang Geo ang nagmamahal
sa’yo. Pinilit lang ako noon ni Ate Katallea para iwan ka dahil...Sayang ang
sampung
milyon na manggagaling sa pamilya mo!”
Ngumisi si Geo na parang nauulol na aso. Ayaw niyang paniwalaan si Clarise.
Gulong-gulo na siya. Hindi na niya alam kung sino ang nagsasabi ng totoo at hindi.
“Umalis ka na dahil kung hindi…”
“Hindi ako aalis sa bahay na ito! Ako dapat ang asawa mo! Iyon ang kagustuhan
ng lolo mo. Siguro naman ay hindi mo gustong hindi maging payapa ang kaluluwa niya!
Isa pa, buntis ako sa anak mo!”
Napatigalgal si Geo. Paano pa siya mapapatawad ng kaniyang asawa kapag
nalaman nitong nabuntis niya ang kapatid nito. Napasabunot ang lalaki sa sarili
niya.
“Are you sure na sa akin iyan?” Gustong magkatiyak ni Geo. Imposibleng
mabuntis niya ang kaharap dahil gumagamit siya ng proteksyon.
“Alam mong wala akong ibang ka relasyon. Here…” Inabot ni Clarise ang isang
pregnancy test kit.
Nang makita iyon ni Geo ay nanlumo ang lalaki. Gusto niyang pagsusuntukin
ang sarili sa katangahang ginawa niya. Galit siya kay Katallea dahil sa pag-iwan
nito sa
kan’ya pero gusto niyang mabawi ang asawa niya. Lalong higit ang galit niya ngayon
para sa sarili.
“Okay, stay here.” Halos hindi mabigkas ni Geo ang mga katagang iyon. Kung
anak niya ang nasa sinapupunan ni Clarise dapat ay bigyan n’ya ng proteksyon ang
bata kahit hindi niya gusto ang ina nito.
Umakyat si Geo sa kwarto niya. Nahiga siya ng nakatihaya sa kama habang
nakaunan sa kaniyang dalawang mga kamay. Nakatitig siya sa kisame habang nag-iisip
ng malalim. Nagsisisi siya sa kinahinatnan ng paghihiganti niya. Ang trauma ng
kaniyang kabataan at ang kontratang pinasok ng lolo niya ay ginawa siyang isang
halimaw.
Hindi siya makapaniwala na hindi lang si Katallea ang iniwan siya sa kawalan
kung hindi maging si Yaya Adel ay sinukuan na rin siya. Si Anastasia, gusto niyang
sapakin ang pinsan niya. Hindi nakakabuti sa kan’ya ang matinding galit nito sa
asawa
niya. Galit na dahil lang sa isang break up sa hindi naman kapakipakinabang na
lalaki.
Bumangon si Geo. Hahanapin niya si Katallea. Nang malaman niyang hindi ito
buntis ay nakatitiyak siyang may mali. May mali sa lahat ng mga pinaniniwalaan
niya.
Hindi niya paiiralin ang galit sa pagkakataong ito. Makikinig siya sa lahat ng
sasabihin
ng asawa n’ya.
Nagdesisyon si Geo na pumunta sa opisina ni Max ngunit ayaw na siyang
papasukin ng mga gwardiya doon.
Sa bahay ay nagdiriwang si Clarise. Hindi niya alam na ganoon kadaling
papaniwalain si Geo. Saka na siya maghahanap ng baby na kunwari ay magiging anak
nila. Gagawin niya na lang muna ang pagpapanggap na buntis siya.
Masaya siyang pumunta sa basement kung nasaan si Katallea. Gusto niyang
patayin sa selos ang Ate n’ya. Alam niyang mahal ni Katallea ang asawa nito pero
dahil
sa kawalang-hiyaan ni Geo ay nananaig ang galit sa puso ng babae.
“Surprise!” Sigaw ni Clarise. Nagulat pa ito ng makitang wala na namang
pagkain ang platong iniwan niya kanina at maging ang baso ng tubig ay wala ng
laman.
Ngunit hindi niya iyon pinansin dahil palagi namang ganoon. Ayaw ng isipin ng
dalaga
kung paano nagawa ni Katallea ang kumain kahit nakatali ang mga kamay nito at
nakabusal ang bibig.
Umupo si Clarise sa harapan ng Ate niya. Tinanggal niya ang busal ni Katallea.
Lagpas ang tingin nito ngunit napaharap ito sa kaniya dahil sa isang malakas na
sampal
na ibinigay niya.
“Hindi ako habang buhay na makukulong dito. Tandaan mo iyan!” Matapang na
sabi ng babae.
“Nagkakamali ka. Akala mo ba may naghahanap sa iyo, wala! In fact, normal
lang ang buhay ni Geo habang wala ka. By the way…” Dinukot ni Clarise ang isang
bagay mula sa bulsa nito. Kasabay noon ay nalaglag ang susi ng kadena. Kilala yon
ni
Katallea kaya kumislap ang mga mata niya.
Hindi siya nagpahalata kay Clarise. Nagkunwari si Katallea na interesado sa
hawak ng kapatid niya.
“Alam mo ba kung ano ito?” Tutok na tutok si Clarise sa kit kaya hindi niya
napansin ng pasimpleng pinulot ni Katallea ang susi at inilagay iyon sa ilalim ng
hita ni
Katallea. Ang mga mata niya ay hindi niya inaalisa sa mukha ng kaniyang kapatid
para
hindi ito makahalata.
“Kalma, Katallea. Kaunting tiis na lang,” Bulong ng isip niya.
“Buntis ako, Ate! Magiging Daddy na si Geo!” Masayang balita ni Clarise.
Tumaas ang kilay ni Katallea ngunit hindi siya nagsalita. Parang hinampas ng
dos por dos ang buong katawan niya. Namanhid maging ang talukap ng kanyang mga
mata. Wala na siyang luhang maibuhos pa. Ubos na ang buong pagkatao niya pero hindi
niya akalain na dahil sa simpleng kit na iyon ay mauupos siya ng tuluyan.
“Dapat maging masaya ka para sa akin, Ate,” Pang-uuyam ni Calrise.
“Congratulations,” Ipokritang sagot ni Katallea. Sasakyan niya ang gusto ni
Clarise dahil huli na iyon.
Nang marinig ni Clarise ang pagbati ng kapatid ay masaya itong tumayo.
Pagtalikod nito ay biglang nagbago ang maamo nitong mukha. Ngumisi naman ng
mapait si Katallea. Mabilis na natanggal niya ang kunwari tali sa kamay at ganoon
din
ang pagkaka-lock ng kadena sa mga paa niya.
Maliksi ang naging kilos ng babae. Kaagad niyang itinulak si Clarise dahilan
para mapasadsad ito sa sahig. Mabilis na tumakbo si Katallea palabas ng basement.
Kahit nanghihina siya ay determinado siyang makatakas sa bahay na iyon.
Ngunit kaagad na humabol sa kaniya si Clarise. Sakto namang kararating lang ni
Anastasia. Parehong gustong mahuli ng dalawa ang nakayapak na babae.
Nagpaikot-ikot sila sa sala hanggang sa nakarating sila sa kusina.
Agad na kumuha ng kutsilyo si Katallea. Hindi siya papayag na mahawakan pa
ng kahit sino sa dalawa. Walang takot na inumang niya ang hawak na patalim sa
dalawang babaeng parang mga gutom na leon na handa siyang lapain.
“Kat!” Tawag ni Geo. Hindi niya alam kung matutuwa siya na muling nakita ang
asawa o matatakot siya sa naabutang eksena sa kusina nila.
Kagagaling lang ni Geo sa opisina ni Max at dahil hindi siya nakapasok doon
kaya nagdesisyon siyang umuwi na lang. Pagbaba niya ng sasakyan ay agad niyang
narinig ang sigawan kaya napatakbo siya sa kusina kung saan nagmula iyon.
“Geo, sinaktan niya ako,” Umiiyak na sabi ni Clarise. “Sumakit ang tiyan ko
dahil sa pagtulak niya sa akin. Natatakot akong baka makunan dahil sa ginawa niya.”
“Anong klaseng asawa ba ang meron ka, Geo. Bukod sa malandi na, mamatay tao
pa!” Galit na sigaw ni Anastasia. Hindi niya naintindihan ang sinabi ni Clarise
tungkol
sa bata sa sinapupunan nito.
“Shut up!” Singhal ni Geo.
“Bumalik siya rito para kunin ang mga damit niya dahil may usapan na raw sila
ng lalaking sinamahan niya kaya…” Dugtong ni Anastasia.
“I said, shut up!” Singlakas ng kulog ang boses na ‘yon ni Geo. Dumadagundong
iyon sa kabuuan ng bahay kaya naumid ang dalawang babae na nabigla sa mga
kaganapan.
“Pabayaan n’yo akong lumabas kung hindi dadanak ang dugo natin pare-pareho
sa bahay na ito!” Sigaw ni Katallea.
“Kat, put it down,” Pakiusap ni Geo sa asawa niya. Nakita niya ang mga pasa at
sugat sa mukha nito, maging ang panginginig ng mga kamay ni Katallea.
Umiling si Katallea. Parang mga bola ng apoy ang mga mata nitong nakatingin sa
mga nasa paligid niya. Walang emosyon na mababakas roon.
“Leave!” Utos ni Geo sa dalawang babae na panay ang sulsol sa kaniya.
“Papalayasin kita Clarise, kapag gumawa ka ng gulo. Alam kong may ginawa kayo kay
Katallea. Kung hindi ko lang iniisip ang batang nasa sinapupunan mo, sa kalsada ka
pupulutin!”
“B-bun-tis ka?!” Masayang tanong ni Anastasia kay Clarise. Noon lang nakuha
ng babae ang ibig sabihin ni Clarise kanina. Tumango naman ang huli. Magiliw na
nagyakap ang dalawang babae na walang pakialam kina Geo at Katallea.
Pagkatapos noon ay lumisan sila ng sala. Lihim na parehong ngumisi ang dalawa
pagtalikod nila dahil alam nilang pwedeng magpakamatay na si Katallea ng mga oras
na
iyon.
Pagkawala ng dalawa ay itinutok ni Katallea ang kutsilyo sa asawa niya. Bakas
ang matinding pagkasuklam sa mata ng babae.
“Let me go, please,” Pakiusap nito. “I don’t care anymore kung gawin mong
tauhan ang buong angkan ng San Sebastian. Apihin mo silang lahat kung gusto mo!
Magsama-sama kayo!”
Bakas ang pait sa boses ng babae ngunit walang luhang nakita si Geo sa mga
mata ng asawa. Buong pagtataka na nagpalipat-lipat ang tingin niya sa kutsilyo at
sa
mukha nito.
“Please, stay. I need you. I love you,” Pakiusap ni Geo.
Nawala ang tibay ng dibdib ni Geo. Hindi na niya kayang makita ang asawa niya
sa sitwasyon nito ng mga oras na iyon.
“Too late!” Ngumisi si Katallea at humakbang unti-unting papunta sa pintuan sa
kusina. Kapag nakalabas ito roon ay dadaan pa siya sa may pool area bago makalabas
ng gata kaya naging maagap si Geo. Hindi siya papayag na mawalang muli ang
kaniyang asawa.

KATALLEA CHAPTER 37
Sa gate ay iniharang ni Geo ang katawan niya. Mamamatay muna siya bago
makalabas si Katallea. Naghalo ang kaba at lungkot sa kaniyang puso. Hindi siya
makapaniwalang hinanap niya sa malayo ang taong pinakamamahal niya iyon pala ay
nasa loob lang ito ng kanilang pamamahay.
“Magbabago ako para sa iyo. Lahat ng mga babae ko, iiwasan ko. Just give me a
second chance,” Pakiusap ni Geo. “Kung hindi mo ako kayang pagbigyan, patayin mo
na lang ako katulad ng ginawa mo kay Joey.”
“Hindi ako ang pumatay sa kan’ya. Ilang beses ko bang sasabihin hindi ako
mamamatay tao!” Matigas na sabi ng babae. Nakatutok pa rin ang kutsilyo nito sa
nakaharang na si Geo.
“Kung hindi ikaw ang pumatay sa kan’ya, sigurado akong hindi mo ako kayang
patayin.”
Ngunit nagkamali si Geo. Sa kagustuhan ni Katallea na makatakas ng mga oras
na iyon ay inundayan nito ng saksak ang lalaki. Wala ng tama at mali sa taong
sobrang
inapi at nasaktan. Kahit ang pagmamahal ay kayang natabunan ng galit na kinimkim at
sumabog na.
Maliksing umiiwas si Geo at nahawakan niya ang kamay ng asawa. Nag-agawan
sila sa kutsilyo hanggang sa tuluyang nabitawan iyon ni Katallea. Ingat na ingat si
Geo
na masugatan ang asawa kaya siya ang nasaktan. Punong-puno ng dugo ang mga kamay
ng lalaki ngunit hindi niya ininda ang kirot na dulot ng sugat sa kanyang mga
kamao.
Higit siyang nababahala sa kalagayan ng asawa niya.
Niyakap ni Geo ang nagwawalang si Katallea. Hilam ng luha ang mga mata niya
sapagkat hindi niya matanggap sa sarili na dahil sa kagagawan niya ay naging isang
mabingis na tao at mukhang baliw na babae si Katallea.
Ilang beses pinag-aapakan ni Katallea ang paa ni Geo. Pilit din nitong kinakagat
ang braso niyang nakapulupot dito. At dahil yakap niya ito patalikod kaya pumihit
ito
paharap. Suntok sa dibdib, kagat sa lahat ng parte katawan na abot ng babae,
kalmot,
sabunot, sampal, lahat ng iyon ay tinanggap ng lalaki ng buong mahinahon.
Hindi binitawan ni Geo ang asawa niya kahit halos namamanhid na ang kaniyang
buong katawan. Hanggang sa mapagod si Katallae at nawalan ng malay sa kan’yang
mga braso. Buong pagsuyo na binuhat niya ang asawa at dinala sa kan’yang silid.
Nang
maihiga niya si Katallea ay mas napagmasdan ni Geo ang mukha nito.
Halos sumabog sa galit ang lalaki. Batid niyang hindi lumayas si Katallea. Putok
ang mga labi nito, namamaga ang mukha at may mga marka ng kadena ang binti ng
babae. Halos maputol ang mga ngipin niya sa sobrang galit habang nakatunghay sa
asawa.
Kinuha niya ang baril na nakatago sa drawer at ikinasa iyon. Kabubukas pa
lamang niya ng pintuan ng silid ngunit dumadagundong na ang kaniyang boses habang
tinatawag sina Anastasia at Clarise.
“Geo…” Napalingon si Geo sa asawa niya. Sa simpleng pagtawag pa lamang nito
sa pangalan niya ay parang binuhusan na siya ng malamig na tubig. Nwala
pansamantala ang galit niya.
Pilit siyang inaabot ni Katallea. Alam niyang tulog ito at nanaginip. Umupo si
Geo sa gilid ng kama. Inabot niya ang kamay ng asawa at dinala iyon sa mukha niya.
Kalaunan ay itinapat niya iyon sa kaniyang puso.
“Feel my heart. God knows how much I love you,” Mahinang sabi niya.
Lalaki siya, matapang na pinalaki ng kaniyang ama pero hindi niya mapigilang
umiyak. Isang malakas na pwersa ang nagtulak kay Geo upang masuyo niyang
pagdikitin ang mga labi nila ni Katallea. Walang pandidiri, walang takot, walang
galit o
paghihiganti, kundi puro pagmamahal ang nagpalakas kay Geo na gawin iyon.
“Geo, I love you.” Halos tumalon ang puso ni Geo palabas ng kanyang katawan.
Bulong lang ni Katallea ang narinig niya ngunit gano’n katindi ang epekto noon sa
kaniya.
“Totoo ba ang narinig ko? Mahal n’ya talaga ako?” Masusing tiningnan ni Geo
kung gising ba o hindi si Katallea. Ngunit tulog ito at lipas na ang panaginip nito
dahil
mahimbing na ulit ang tulog ng babae.
“She’s not lying! Mahal niya talaga ako kaya kahit sa pagtulog n’ya ay kasama
niya ako.” Nagagalak na sabi ng lalaki sa pagitan ng malalapad na ngiti.
Tiningnan ni Geo ang baril na nasa ibabaw ng kama. Inilapag n’ya iyon doon
kanina ng marinig niya ang boses ni Katallea. Kung hindi siguro siya tinawag ng
asawa
ay baka nakapatay na siya. Dinampot niya iyon at muling ibinalik sa lagayan.
Kumuha si Geo ng bimpo upang punasan si Katallea. Napansin niya ang
mabahong amoy nito. Sa sobrang takot at galit niya kanina ay hindi niya agad
napansin
iyon. Sigurado siyang ikinulong ng dalawang bisita nila ang kaniyang asawa ngunit
pinakakalma niya ang sarili dahil mas nananaig ang pag-aalala niya ngayon sa
sitwasyon ng asawa niya.
Pagkatapos punasan ay kumuha si Geo ng damit sa silid ng asawa. Pinilit niyang
bihisan ito. Napangiti pa siya ng muling mapagmasdan ang kutis ng kabiyak. Kahit
nakadarama siya ng init ay pilit niyang pinaglabanan iyon. Ayaw niyang magkaroon pa
ng dahilan si Katellea na kamuhian siya.
Pikit matang natapos niya ang pagbibihis kay Katallea. Iniwasan niyang bastusin
ito kahit tulog ito. Maya-maya ay tumawag s’ya sa telepono. Gusto niyang matingnan
ng doktor ang asawa niya para makasigurado siya sa kaligtasan nito. Hindi n’ya kasi
ito
madadala sa hospital dahil baka magkaroon pa ng imbestigasyon dahil sa mga sugat at
pasa nito.
Isang kakilalang gynecologist ang tinawagan ni Geo. Atubili pa itng pumunta
dahil ibang doctor daw dapat ang tumingin sa asawa n’ya pero dahil engineer sa
kumpanya nila ang asawa nito kaya napilitan ang babae. Tinakot kasi ni Geo na
sisirain
niya ang career ng asawa nito.
“Mr. Arevalo, okay naman ang vital statistics ng asawa mo. Wala akong
nakikitang problema bukod sa mga sugat at pasa niya,” nangangatog na sabi ng
doktora. Akala kasi nito ay siya ang may kagagawan noon kay Katallea.
“Anong kailangan kong gawin?” Tanong ni Geo.
“Linisin mo palagi ang mga sugat niya to avoid infection at pahiran mo ng gamot
na ito…” Nagsulat ito sa reseta.
“May ipapagawa ako sa iyo.” Kinausap ni Geo ng masinsinan ang doktora.
Nanlaki ang mata ng manggagamot. Muntik pa siyang mapahagalpak kung hindi
lang siya takot sa boss ng asawa n’ya. Gusto niyang magtanong kung bakit pero hindi
siya nagsalita. Alam kasi niyang matagal ng kasal ang amo ng asawa n’ya pero si
Clarise ang kilala ng asawa niyang Mrs. Arevalo. Nagtaka pa ang manggagamot ng
tinawag ni Geo na asawa ang tulog na babae.
“Okay, I’ll check it out, Sir,” Sabi ng doktora.
Pansamantalang lumabas ng silid niya si Geo. Gusto niyang irespeto ngayon ang
asawa niya sa kabila ng mga lumabas na balita tungkol dito. Nanatili lamang siya sa
labas ng silid at naghintay na tawagin ng doktora.
Maya-maya ay lumabas ang manggagamot. Kinakabahang hinarap siya ni Geo.
“Sir, actually, hindi ko masasabi hundred percent virgin pa o hindi ang isang
babae. As I checked your wife, napansin kong she’s not habituated to sexual
intercourse.”
“Anong ibig mong sabihin, doktora?”
“Ang nakita ko sa check up ay contradict sa sinasabi mong marami ng lalaking
nakasiping ang asawa mo.”
“Are you sure about that?”
Ipinaliwanag ng doktora kay Geo ang lahat. Nagkasundo ang dalawa na ano man
ang naging trabaho ng manggagamot ay mananatili iyong sikreto.
Pagka-alis ng gynecologist ay napabuga ng hangin si Geo. Lumapit siya sa kama
kung saan natutulog si Katallea at marahan niyang hinaplos ang buhok nito.
“I’m sorry,” Madamdaming bulong niya sa asawa. “I love you so much. Ang
dami kong pagkakamali. Ang dapat sanang masayang pagsasama natin ay ginawa kong
impyerno because of that stupid beliefs.”
Ginawaran niya ng masuyong halik sa noo ang kaniyang asawa.
Nang maramdaman ni Katallea ang dampi ng halik na iyon ay bigla siyang
napamulat. Iniikot niya ang mga mata sa paligid at napagtanto niyang nasa silid
siya ni
Geo.
Napabalikwas ng bangon ang babae. Gusto niyang makalayo sa asawa, kay
Clarise, sa mga magulang niya at lahat ng taong nanakit sa kan’ya. Ngunit bago siya
nakakilos ay naikulong na kaagad siya ni Geo sa mga bisig nito.
Nakakasakal ang mahigpit na yakap ng lalaki. Ang mga dibdib nila ay
magkadikit dahilan para maramdaman niya ang mabilis na tibok ng puso ni Geo.
“I was wrong. I’m so sorry,” Sambit ni Geo. Nakadudurog ng puso ang tono ng
boses nito na tinutunaw ang nag-aapoy na galit sa damdamin ni Katallea. “I love
you,
Kat.”
Gustong umiyak ni Katallea ngunit walang luha na pumatak sa kan’yang mga
mata. Nais niyang ngumiti katulad ng dati subalit manhid ang mga labi niya.
“Anong ginawa nila sa’yo? Saan ka nila ikinulong, sa basement ba?” Tanong ni
Geo.
Walang sagot na nakuha ang lalaki. Isang manhid na babae ang nasa harapan
niya. Walang kibo, walang buhay ang mga mata ngunit pinipilit na labanan ang
damdaming gustong kumawala.
Matagal na ikinulong ni Geo sa mga bisig niya ang asawa. Hindi niya alam kung
paano sasabihin dito tungkol sa kalagayan ni Clarise hanggang sa madama niya ang
haplos ng mga kamay nito sa mukha niya.
“Geo, I’m tired,” Sabi ni Katallea sa mahinang boses. “Pakawalan mo na ako,
please. Tapos na ako sa pagiging bayani sa pamilya ko. Suko na ako. If you don’t
want
to let me go, then kill me. I want to rest, to think, and find my worth again.
Please, let me
go.”
“Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon. Isa na lang, Katallea.”
Dahan-dahang lumayo si Katallea kay Geo. Tinanong niya ang sarili kung kaya
n’ya pa ba. Naisip niyang kapag pinatulan niya ang hiling ng lalaki ay isang
malaking
sampal iyon kay Clarise ngunit hindi niya kayang mandamay ng isang inosenteng bata.
Subalit umaasa ang puso niya na sana totoo na ang ipinapakita ni Geo kaya
naguguluhan siya.
Naalala niya ang madalas na biruan nila noon ng mga kaibigan. Kapag ang isang
lalaki ay iniyakan daw siya ibig sabihin ay totoo ang pagmamahal nito. Alam niyang
mahal siya ni Geo at mahal niya rin ito ngunit marami nang masasakit na naganap.
Kapag umalis rin siya sa bahay nila baka makulong siya at doon na tuluyang
masasayang ang buhay niya. Saan nga ba ang ligtas na lugar para sa kaniya?
“Let me think first,” Sabi ni Katallea.
Tumayo ang babae. Gusto niyang makita si Yaya Adel. Nais niyang maramdaman
ang yakap ng matanda dahil para siyang nauupos na kandila. Kalmado na ang katawan
niya ngunit hindi ang kaniyang puso.
“Dito ka na matulog. I want to sleep beside you. I want to hold you in my arms
from night to sunrise. I…”
“Gusto kong makita si Yaya Adel. I think, maaga pa para matulog,” Sabi ni
Katallea.
“Wala na si Yaya Adel. Umalis na siya, teka…” Naalala ni Geo ang sinabi nina
Anastasia at Clarise na lumayas ang matanda kasama si Katallea.
Mabilis na lumabas ng silid si Geo. Haharapin na niya ang dalawang bisita nila at
aalamin mula sa kanila ang totoo talagang nangyari noong nakakulong siya.

KATALLEA CHAPTER 38
Nangangatal ang mga labi ni Anastasia habang nagpapaliwanag kay Geo. Si
Clarise ay nakataas lamang ang kilay dahil pananggalang niya ang kunwari ay baby
niya sa sinapupunan niya.
Si Katallea ay biglang sumunod kay Geo. Nang makita niya ang kaguluhan sa
sala ng bahay nila ay napaisip siya. “Lahat ng tao sa paligid ko ay pinaglaruan
ako.
Siguro panahon na para kalimutan ko muna ang peke kong pamilya at sundin naman
ang puso ko.”
“I repeat, where is Yaya Adel?” Singhal ni Geo sa mga bisita nila.
“I-I don’t know,” Pautal-utal na sabi ni Anastasia. “Pinalayas ko siya. I’m sorry.
Kampi kasi siya sa asawa mo.”
Natutop ni Katallea ang bibig niya, Bumulwak bigla ang galit na kaytagal niyang
itinago para sa dating guro nila. Bumaba siya ng hagdan at matapang na hinarap ang
mga taong muntik ng pumatay sa kan’ya.
“Leave or I will call the police!” Malakas na sigaw ni Katallea.
“Police?! Sige ng magsama-sama tayo sa kulungan. Remember, murder ang kaso
mo!” Mataray na sagot ni Clarise sa kapatid niya.
“Frustrated murder naman ang ikakaso ko sa inyo! Ayaw n’yo bang umalis o
pare-pareho tayong mabubulok sa kulungan? May mga taong handa akong ilabas doon,
kayo meron bang dadamay sa inyo?” Hamon ni Katallea.
Mabilis na tumayo si Anastasia. Hindi siya pwedeng makulong dahil buntis siya.
Natakot naman si Clarise. Walang tutulong sa kan’ya kapag nagkataon. Si Katallea
kasi
ang tagapagtanggol n’ya noon. Ang babae rin ang madalas gumawa ng solusyon kapag
may problema siya.
“Geo, paano kami ng baby mo?” Naisip ni Clarise na gawing dahilan ang bata
para mapaikot niya si Geo.
“Kat…” Ngunit mas inaalala ng lalaki ang reaksyon ng asawa niya sa ibinulalas
ni Clarise. Hindi kasi batid ni Geo na alam na ni Katallea ang tungkol sa bagay na
iyon.
Nagsalubong ang mga kilay ni Katallea. Blanko ang mukha niya habang
pinaglipat-lipat ang kaniyang mga tingin kina Clarise at Geo. Gusto niyang marinig
ang
sasabihin ni Geo dahil sa kaloob-lobban niya ay nasasaktan siya pero umaasa siyang
mas pipiliin siya ng asawa kesa sa mag-ina nito.
Ngunit naroon din ang galit para sa inakala niyang kapatid na pinaglaanan niya
ng buhay at sa lalaking pinakamamahal niya subalit pinagtaksilan lamang siya.
Namumuhi siya sa lahat ng taong hindi naging totoo sa kan’ya. Paulit-ulit niyang
tinatanong ang sarili kung may masakit pa ba sa lahat ng natuklasan niya.
“Clarise, you can’t stay here. Sumama ka na lang muna kay Anastasia,” Sabi ni
Geo.
“She can’t stay in our house,” Tutol ni Anastasia. Alam niyang kapag umalis si
Clarise sa bahay na iyon ay posibleng magkasundo ang mag-asawa.
Napahilamos ng palad niya ang lalaki. Ayaw niyang magkamali ng desisyon
dahil hindi niya kakayanin kapag nawala si Katallea.
“Stay in the hotel habang inaayos pa ang condo unit na magiging tirahan mo,”
sabi ni Geo.
“Give me back my cellphone,” mariing saad ni Katallea sa kinlala niyang
kapatid.
“Wala na, itinapon ko na!” Sigaw ni Clarise.
“Sinungaling! Katulad ka ng mga magulang mo, pamilya kayo ng mga
sinungaling! Ibalik mo ang cellphone ko!”
“Deserve ng pamilya mo ang paghihirap kaya tama lang na ninakaw ka ni Papa
mula sa mga magulang mo! Tama lang na magdusa ka Ate Katallea or Katallea para
maramdaman mo ang sakit na ibinigay ng pamilya mo sa lolo ko at kay Papa!” Ganting
sigaw ni Clarise.
Nalilitong napatingin si Geo sa magkapatid. Hindi niya maintindihan ang
itinatakbo ng usapan.
Si Anastasia ay nagmartsa na palabas dahil ayaw niyang makinig sa gulo ng mga
San Sebastian. May iba siyang plano at hindi siya papayag na hindi iyon mangyari.
Isinakripisyo na niya ang kaniyang pangalan at dangal para sa katuparan niyon.
“Sayang ang sakripisyo ko para sa inyo. Mga wala kayong kaluluwa! Hahanapin
ko ang pamilya ko at magtutuos tayo!” Hindi na mapigilan ni Katallea ang bugso ng
galit.
“Ano ang ibig sabihin nito?” Nalilitong tanong ni Geo.
“Ang kerida mo, sinadya akong ipain sa iyo para ako ang tumanggap ng parusa
na para sa pamilya niya. Ang kinilala kong ama ay isang kidnapper. Kinuha nila ako
mula sa totoo kong pamilya para magdusa ang mga magulang ko. Baka nga siya ang
nagtext sa Daddy mo para ipapatay ang nobyo n’ya!”
“Hindi ko ginawa ang ibinebentang niya! Ikaw ang nagpapatay kay Joey!
Kriminal ka!” Ganti ni Clarise.
Namilog ang mga mata ni Katallea. May pagbubunyi sa puso niya ng makita niya
ang paghisterikal ng kinilala niyang kapatid, Kilala niya si Clarise, magwawala o
aarte
ang babae para makuha nito ang gusto lalo na at ibinunyag niya kay Geo ang
panloloko
nito sa kan’ya.
Lumapit at kumapit si Katallea sa braso ni Geo. Alam niyang magdadrama si
Clarise upang maging magulo ang isip ni Geo kaya inunahan na niya.
“Nahihilo ako,” Bulong niya sa asawa.
Hindi naman magkandaugaga si Geo sa pag-alalay kay Katallea para makaupo
ito. Alam niyang maraming pinagdaanan ang asawa niya kaya hindi pa maayos ang
pakiramdam nito.
“Umalis ka na Clarise para makapagpahinga ang asawa ko,” Sabi ni Geo sa
nakamaang lang na babae.
“Wow! Is this for real? Geo, may anak…”
“Leave!” Matigas na utos ng lalaki. Nakita niya kasi na parang mawawalan muli
ng malay ang kaniyang asawa.
Agad na humakbang si Clarise palabas ng pintuan. Sa tono ni Geo ay alam
niyang gagawa ito ng masama kapag hindi pa siya umalis. Nagmadali siya pata mahabol
pa si Anastasia na noon ay palabas na ng gate ang sasakyan.
Nang mawala sa paningin niya ang kinilala niyang kapatid ay agad na tumayo si
Katallea. Ipinagpag pa niya ang kan’yang duser na suot. Saka niya lang napagtanto
na
hindi iyon ang suot n’ya bago siya nawalan ng malay noong nagwala siya.
Tumingin si Katallea kay Geo. Umiwas ng mata ang lalaki. Nahuhulaan na kasi
ng huli ang kahulugan ng mapanuring tingin na iyon.
“Sinong nagbihis at naglinis ng katawan ko?” Tanong niya.
“Uhm, ano…” Nagkakandabudol na sabi ni Geo. Tumalikod ito para magtungo sa
kusina. “I’ll cook for you. I’m sure gutom ka na.”
Sumunod si Katallea sa asawa niya. “Answer me! Anong ginawa mo sa akin?!
Pinagnasaan mo ba ako?” Sigaw niya.
Biglang humarap si Geo kay Katallea para magpaliwanag. Dahil mabilis ang
lakad ng huli kaya nabangga siya sa lalaki. Dahil naka-apak ang babae sa bahagdan
papunta sa kusina kaya nawalan siya ng balanse. Mabilis ang naging pagkilos ni Geo.
Sa isang iglap ay naiyakap niya ang mga braso sa bewang ng kanyang asawa.
Bumalik sa isip ng dalawa noong unang nangyari ang ganoong eksena.
Nagmamadali noon si Geo at ganoon din si Katallea. Iyon ang unang pagkakataong
nagkausap sila at tinukso ng lalaki ang babaeng lihim niyang minamahal. Nabugbog
man noon si Geo ng kaniyang Daddy pero kapakanan pa rin ni Katallea ang una niyang
inisip ngunit mas lalo lang napahamak ang dalaga.
Pansamantalang natigil ang mundo ng dalawang taong nagmamahalan. Ang isa
ay takot magpahayag ng damdamin habang ang isa ay handa ng ipaglaban at bawiin ang
pag-ibig na para sa kaniya. Sa pagtama ng kanilang mga mata ay may kakaibang
emosyon ang nabuhay. Nagsusumigaw na pag-ibig na tanging mga puso lamang nila
ang nakakaalam.
Mula sa mata ay bumaba ang tingin ni Geo sa mapupulang labi ni kanyang
asawa. Ang mga labing iyon na simula college pa lamang sila ay laman na ng kaniyang
pantasya. Walang pag-aalinlangan na hinalikan ni Geo ang hindi nakahumang babae sa
harapan niya. Matinding pagkasabik ang lumukob sa buong pagkatao niya. Ang dami
niyang sinayang na panahon at susulatin niya iyon ngayon. Walang ibang babae,
walang magdidikta, walang kontrata at higit sa lahat walang pag-aalinlangan sa puso
niya.
Napakatahimik ng paligid. Tanging mga pintig lamang ng puso nila ang naririnig
ng dalawang taong nilalasap ang matamis na labi ng bawat isa. Ang mga palad ni
Katallea na nakakuyom kanina lang ay nakahawak sa pisngi ng lalaki. Habang mainit
na hinahaplos ng kaniig niya ang kanyang likod.
“I love you,” Bulong ni Geo sa may tainga ni Katallea. Ang mga salitang iyon ay
parang musika sa babae pero dahil doon ay bigla siyang natauhan.
Nahihiyang lumayo si Katallea kay Geo. Ang tapang na meron siya ay biglang
naglaho. Hindi pa siya handa para tanggapin ang lalaking nagdulot ng labis na
kasawian sa kanyang buhay. Marami pa siyang kailangang harapin sa kanyang
pagkatao. Yumuko ang babae para hindi ipakita sa kaharap ang nagbabadya niyang mga
luha.
“I’m sorry,” Sabi ni Geo. Muli siyang nagtangka na ikulong ang asawa sa
kanyang mga bisig ngunit umurong ito habang umiiling.
Nakita ni Geo ang sakit sa mga mata ng kaniyang asawa. Gusto niyang haplusin
ang mukha nito ngunit patuloy lang na lumalayo sa kanya si Katallea.
“Marami pa akong dapat ayusin sa buhay ko. Hindi pa rin ako handa para sa’yo.”
Itinaas ni Katallea ang dalawang kamay bilang senyales na huwag siyang lapitan ni
Geo.
Malungkot siya ngunit napagod na talaga siyang lumuha. Nasasaktan siya subalit
manhid na ang puso niya. Nagugustuhan niya ang mga ikinikilos ni Geo pero hindi pa
siya handang magtiwala.
“Kung balak mo akong saktan para pagbayarin sa kasalanan ng kinilala kong
pamilya, huwag muna ngayon. Hayaan mo muna akong makahinga. Hahanapin ko muna
ang sarili ko.”
“No, Kat. Wala akong plano na muli kang saktan. All I want now is to make you
happy, to live with you until we grow old. I love you so much.”
“If that is so, then let me find myself. I hope totoo ka na this time,” Sabi ni
Katallea. “Please, dito muna ako habang hindi ko pa alam kung paano ako
magsisimula.”
“Kat, this is our house. Hindi rin ako papayag na makipaghiwalay ka sa akin.
Babawi ako, pangako.”
Nakita ni Katallea ang sinseridad sa mukha ng asawa ngunit ayaw niyang umasa.
Masyado nang maraming sakit ng loob ang dinanas niya para magtiwala kaagad sa mga
taong nagsasabing mahal siya. Katulad ng kaniyang Papa at Mama, ipinakita ng mga
ito
ang pagmamahal sa kaniya ngunit lahat ng iyon ay pagkukunwari. Hindi na alam ni
Katallea kung alin ang totoo at kasinungalingan sa mga taong nakapaligid sa kaniya.
Masyado na siyang dinurog sa loob ng maikling panahon. Itinatanong niya sa
sarili kung paano magsisimula, sino ang mga dapat lapitan at sino ang dapat pang
makaramay. Ang mga kaibigan niya na naging kasangga niya sa loob ng mahabang
panahon, totoo rin ba sila o mga nagpapanggap lang?
Sa isip naman ni Geo ay isang pagbabanta para sa mga taong nanloko sa kaniya
at kay Katallea. Ngunit nagdadalawang isip siya dahil alam niya kung gaano kamahal
ng kanyang asawa ang mga kinilala nitong magulang.
“Magpahinga ka na muna sa silid. Tatawagin kita kapag handa na ang pagkain
mo,” Sabi ni Geo.
Tumalikod siya upang hindi makita ni Katallea ang nagbabaga niyang mga mata.
Kinakalma niya ang sarili upang hindi talunin muli ng galit ang kaniyang puso. Para
sa
babaeng mahal niya, handa siyang pumatay ngunit alam niyang iba ang pamamaraan ni
Katallea at iyon ang susundin niya.
KATALLEA CHAPTER 39
Sinikap ni Geo na maging normal ang pagsasama nilang mag-asawa. Si Clarise
ay pinatira niya munsa sa isang condo unit na pagmamay-ari ng pamilya nila. Dahil
developer siya kaya madali niyang nahanapan ito ng malilipatan. Hindi na siya
nakikipagkita sa kahit kaninong babae, ayaw na niya.
Hinanap nina Geo at Katallea si Yaya Adel at nabatid nilang kinanlong ito ni
Max. Humingi kasi ng tulong ang matanda sa lalaki. Pinagbantaan pala nina Anastasia
at Clarise ang buhay niya kaya noong pasilip-silip iyo sa bahay ng mag-asawa ay
nakasunod naman dito si Max at ang mga tauhan nito.
Sina Geo at Max ay very civil naman sa isa’t isa. Ipinaubaya na muna ni Katallea
sa isang mapagkakatiwalaan ang mga negosyo niya. Ayaw niya kasing umuwi sa bayan
nila.
Hindi hinaharap ni Katallea ang kinagisnan niyang mga magulang kahit
nagmamakaawa na ang mga ito na patawawin niya. Malalim kasi ang sugat na nilikha
nila sa puso ng babae. Ilang bese na sinubukan ni Mang Nestor na makausap ang ana
ngunit hindi nagpaunlak si Katallea. Natatakot siya sa mga kasinungalingan pang
habiin ng kinilalang ama.
Nagsimula na rin silang alamin ang tunay na pagkatao ni Katallea at nabatid
nilang patay na ang mga magulang nito. Hindi kinaya ng mag-asawa ang pagkawala ng
anak nila kaya araw-gabi nila itong hinanap hanggang sa nasawi sila sa isang
malagim
na aksidente. Dahil sa natuklasan ay lalong lumayo ang loob ni Katallea sa mga San
Sebastian.
Tinandaan ni Katallea ang tunay niyang pangalan. Katallea Grace Hajibi. Madali
nila iyong nalaman dahil napaamin ni Geo si Mang Nestor tungkol sa tunay na
pagkatao
ng kaniyang asawa. Dinaan ni Geo sa dahas ang lahat para sa katahimikan ng asawa
niya.
Hinanap ni Katallea ang iba niyang mga kamag-anak ngunit walang nakababatid
kung nasaan na sila. Isang malaking palaisipan iyon sa babae.
“Kat, magbakasyon muna tayo. Mag-relax tayo,” Panukala ni Geo.
Nasa pool area ang mag-asawa at magkalayong nakaupo sa mga rattan na upuan.
Nag-isip si Katallea. Kinakapa niya ang galit para sa asawa dahil sa mga
pinagdaanan niya sa mga kamay nito ngunit sa ipinakita ni Geo na pagbabago sa loob
ng isang buwan ay parang bulang naglaho iyon. Pagmamahal ang tanging natira sa puso
niya.
Ngumiti si Katallea. Kumislap naman ang mga mata ni Geo ng makita iyon. Kay
tagal siyang nangulila na makita ang ngiti ng asawa at unti-unti, nasisilayan na
niya
iyong muli.
Gusto ni Katallea na maging masaya katulad noon. Hindi naman siguro masama
kung bubuksan niyang muli ang puso para sa kaniyang asawa. Ngunit naisip niya ang
kontrata ng mga lolo nila. Paano kung may malala pa itong laman na yayanig sa
kanilang pagsasama?
“Geo, have you seen the lost pages of the contract?”
“I don’t care about that f*cking contract. Muntik ka nang mawala sa akin dahil
sa walang kwentang kontrata na iyon,” Iritang sagot ni Geo.
“If given a chance, gusto mo pa bang malaman ang laman noon? What if…”
“No, basta nasa tabi kita, wala akong pakialam sa kontratang iyan.”
“Anong kontrata iyan, mga anak?” Tanong ni Yaya Adel. May dala itong pagkain
ng mga amo niya.
“Never mind, Yaya. Those are just pieces of shit, nothing more!” Sagot ni Geo.
Hindi na nagtanong pa ang matanda. May kung ano sa mata nito na gustong
ipabatid ngunit tikom ang kaniyang bibig. Kung ano man ang nasa isip ng Yaya ni Geo
ay siya lamang ang nakakaalam.
Pagkatalikod ni Yaya Adel ay lumapit si Geo kay Katallea. Inilagay niya ng
upuan sa tapat ng babae.
Sinubukan niyang lambingin ang asawa ngunit katulad ng dati ay mailap ito.
Gusto niya sanang sa iisang silid na sila matulog pero batid niyang hindi pa siya
lubos
na napapatawad ni Katallea.
Ipinatong ni Geo ang kaniyang ulo sa kanang braso. Paharao siyang naupo sa
asawa at matamang tinitigan ito. Naka-short lang ang babae at naka sandong itim.
Wala
itong planong maligo sa pool dahil naroon lang sila para magpahangin.
Naasiwa namang ibinaling Katallea ang mukha palayo kay Geo. Ayaw niyang
makipagtitigan sa asawa niya. Hindi pa siya handang papasuking muli ang lalaki sa
kaniyang buhay lalo pa ta magkakaanak na ito kay Clarise.
“Huwag mong titigan ang mukha ko, baka mabalis mo ako.” Biro ni Katallea para
gumaan ang tensyon na kanyang nararamdaman.
“Balis? What is that?”
“Hindi mo alam?”
“Inosente po ako, Mrs. Arevalo. Ang tanging alam ko lang po sa mundo ay
mahalin ka.”
Napahagalpak ng tawa si Katallea dahil sa sagot ng asawa niya.
“So, what is balis nga?”
“Balis is kapag nasaktan ka, sakit ng tiyan, hahanapin mo iyong taong nanakit
sa’yo pata lawayan ka.”
“Gusto kong mabalis kita para alam mo na...Willing ako lawayan ka from…”
“Geo, bastos ka!”
“Ikaw ang nag-iisip niya, Mrs. Arevalo. Ang sa akin ay gamot lang. Now, I know
kung bakit after mag-away ng mag-asawa o mag kasintahan ay pumapasok sila sa
kwarto.”
Mas lalong lumakas ang tawa ni Katallea. Hindi niya mabatid kung sadyang
pilyo ang asawa o wala talaga itong alam sa paniniwala ng mga probinsyano at
probinsyana. Kung sabagay, iba nga pala ang mundong kinalakihan niya kesa sa
mayamang lalaking nasa harapan niya.
“Hindi iyon ganoo, Geo!”
“What?”
“Ewan ko sa’yo.” Natatawa pa ring sagot ni Katallea. Mukha kasing iba ang
itinatakbo ng usapan nila kaya pinipilit niyang putulin na iyon.
“Stop na, okay? Forget about that word.”
“I love you. Naniniwala ka na ba?” Pagkuwan ay tanong ni Geo.
“I don’t know, Geo.” Tumingin si Katallea sa lalaki. Nang mag-tama ang
kanilang mga tingin ay halos napigil ni Katallea ang kaniyang hininga.
Samantalang si Geo ay nagpipigil rin. Ayaw niyang daanin sa dahas ang babae
dahil ipinangako niyang maghintay siya hanggang sa tuluyan siyang mapatawad ng
asawa.
“Just let me know kapag handa ka nang…” Hindi itinuloy ni Geo ang gustong
sabihin.
“Not now, Geo. Gusto ko pang malaman kung sino ang nag-utos sa Daddy mo na
patayin si Joey, kung sino ang nagpakalat ng mga fake pictures noong college tayo.
Although alam kung si Anastasia iyon, gusto ko ng proof para makasuhan siya,”
Mahabang saad ni Katallea.
“Tutulungan kita. I already hired a detective na pwedeng mag-imbestiga.
Naniniwala na ako sa’yo ngayon. So, paano, saan tayo magbabakasyon?”
Mas lalong lumapit si Geo kay Katallea. Sa pagkakataong iyon ay sa tabi ng
asawa niya inilagay ang upuan. Inilapit niya ang mukha sa asawa para tudyuin ito.
Nangingiting iniiwas naman ni Katallae ang mukha niya. Alam ng babae na
naglalambing lang si Geo. Simula kasi ng nagbago ito ay lumabas rin ang pagiging
pilyo ng lalaki. Isang bagay na hindi niya nakita noon dahil madalas itong seryoso
at
mag-isa.
Isang bagay lang talaga ang ayaw niya kay Geo, masyado itong possessive na sa
tuwing nag-uusap sila ni Max ay palagi itong nakakunot ang noo at halos hindi
ngumingiti. Nakikita niya kung paano ito nagpipigil ng galit.
“Ano, bakasyon tayo?” Patuloy na pangungulit ni Geo. Mas lalo pa nitong
inilapit ang mukha sa kaniya kaya nadarama na niya ng mainit na dampi ng hininga
nito.
Okay,” Maikling sagot ni Katallea para tigilan siya ng asawa,
Isang mahigpit na yakap sa leeg ang ibinigay ni Geo sa asawa niya.
Pinaghahalikan niya rin ang pisngi nito. Ang totoo ay matagal na niyang naplano ang
bakasyon na gagawin nila pero nag-aalangan siyang baka hindi sumama si Katallea.
“Geo, ano ba?” Reklamo ni Katallea sa pagitan ng mga halik ng asawa. Panay
ang iwas niya pero kinikilig siya sa ginagawa ng lalaki.
Mayamaya ay biglang sumeryoso ang mukha ni Geo. Lumamlam ang mga mata
nito na ngayon ay nakatitig sa asawa n’ya. Hinawakan ng dalawang kamay nito ang
pisngi ni Katallea kaya hindi makagalaw ang huli. Walang paalam na tinawid ng mga
labi ni Geo ang maliit na espasyo sa pagitan nilang mag-asawa hanggang sa hindi
namalayan ni Katallea na nagsisimula na siyang gumanti sa mainit na halik ng
kaniyang
asawa.
“What a great scene sa katirikan ng araw?!” Sabi ng isang ma-utoridad na tinig.
Nagmula iyon kay Don Arman Arevalo.
Biglang naghiwalay ang mag-asawa at natutop ni Katallea ang bibig ng makita
niya ang mga biyenan. Nakadama siya ng pangangatog ng tuhod ng makita ang ama ni
Geo. Samantalang isang nasisiyahang mukha ang pasalubong ng Mommy ni Geo.
“What are you doing here?” Galit na tanong ni Geo. “You are not welcome in my
house!”
“Geo, anak, gusto lang namin kayong makita at kumustahin.” Mahinahong sabi
ni Mrs. Arevalo.
“I’m fine! You can leave now,” Sabi ni Geo bago tuluyang iniwang ang mga
magulang sa pool area. Nang makita niya kasi ang kaniyang ama ay bumalik lahat ng
sakit ng kahapon. Ang latigo, kadena, suntok, tadyak at iba pa ay naging sariwa
muli sa
isipan niya.
“I’m sorry po,” Sabi ni Katallea.
Ngunit isang sapak ang ibinigay ni Don Arman sa manugang niya. Mula sa may
pintuan ay nakita ni Geo ang ginawa ng ama. Nagdilim ang anyo nito at walang
sabi-sabing sinugod ng nagwawalang lalaki ang ama niya.
“Tinanggap ko ang lahat ng pananakit mo, Dad, but don’t you dare touch my
wife! I’m gonna kill you like the way you killed Joey!” Hinihingal na sabi ni Geo
pagkatapos niyang bigwasan ang ama.
“It’s your wife who…”
“No! She’s a victim too and I can prove that! Just wait, Dad! Just wait!”
Napahagulhol ang Mommy ni Geo. Ang mga kamay nito ay nakatakip sa mukha.
Kahit nahihilo pa si Katallea dahil sa sampal ng ama ng kaniyang asawa ay
inalalayan
nito ang ginang. Habang ang mag-ama ay nagpapambuno.
“Enough, please...Calm down, Geo.” Pakiusap ng Mommy nito.
“Geo!” Malakas na sigaw ni Katallea ng makita niyang napasadsad si Don
Arman sa Bermuda Grass pagkatapos itong bigwasan ng anak.
Nahimasmasan naman ang lalaki ng makita ang labis pagkasindak ng kaniyang
asawa. Tiningnan niya ang duguang mukha ng ama at maging ang nanginginig niyang
ina.
“Mom, I’m sorry,” Lumapit siya kay Katallea at kinulong ito sa bisig niya. “I’m
sorry, Kat. I wouldn’t allow anyone to hurt you again.”
Inalalayan ni Mrs. Arevalo ang asawa niya at umalis na sila. Sa isip ng Don ay
hindi siya papayag na maulit pa ang ginawa ng anak. Puputulin niya ang sungay nito
sa
mga susunod na panahon.
Si Katallea at Geo naman ay naiwang hindi nagkikibuan. Nakikiramdam si
Katallea sa asawa niya. Muli ay nakadama siya ng takot sa lalaki dahil sa hindi
nito
makontrol na galit.
Nakita ni Katallea ang nagdudugong kamao ni Geo. Wala sa loob na hinawakan
niya ang kamay nito at hinila papasok ng bahay. Ipinakuha niya kay Yaya Adel ang
medicine kit at masuyo niyang nilinis at ginamot ang sugat ng asawa.
“I need you. I want you…” Sabi ni Geo.
Kinilabutan si Katallea. Iba ang naglalaro sa isip niya dahil sa mga salitang, ‘I
want you’. Simula kasi ng ikasal sila ni Geo ay wala pang nangyayari sa kanila.
Bigla
siyang nasabik sa asawa pero tinatanong niya ang sarili kong handa na ba siya.
“Kat, I’m ready to give my life for you. Ganyan kita kamahal.” Masuyong sabi ni
Geo habang pinapanood ang ginagawa ng asawa niya. Abala ito sa paglalagay ng
ointment sa mga sugat niya.
Umangat ang ulo ni Katallea. Hindi niya mapigilan ang pusong nagwawala.
Napapikit siya bago nagsalita.
“I love you, Geo Arevalo. Hindi mo lang nakita noon dahil sa galit na nandyan sa
puso mo. Kapag wala ng poot diyan…” Itinuro ni Katallea ang dibdib ng asawa bago
muling nagsalita, “Muli mong makukuha ang puso ko.”
KATALLEA CHAPTER 40
Sa loob ng ilang linggo ay naging masaya ang mag-asawa. Magkaiba man ang
kwartong tinutulugan nila sa kahilingan ni Katallea ay hindi naman nagrereklamo si
Geo. Kuntento siya sa kung ano ang meron sila.
Naging isang mabuting maybahay naman si Katallea. Lahat ng kailangan ni Geo
ay inaasikaso niya. Madalas rin ang pamamasyal nila at pagkain sa labas. Buong
yabang na ipinakilala ni Geo ang kaniyang asawa sa mga empleyado ng kompanyang
pagmamay-ari ng pamilya niya.
Dumating ang araw ng bakasyon nila. Magaan ang pakiramdam ni Katallea
habang nakaupo sa unahang upuan ng sasakyan ni Geo. Katabi niya ang lalaki na
siyang nagmamanrho. Hindi sumama si Yaya Adel dahil ayaw raw nitong ma-istorbo
ang mag-asawa sa unang bakasyon ng mga ito.
Sa isang private resort sa Batangas ang destinasyon ng dalawa. Panay ang kanta
ni Geo habang malagkit na tinitingnan ang asawa niya. Nangingiti namang iniiwas ni
Katallea ang mata niya sa asawa. Pilyo kasi ang bawat tingin ng lalaki.
“Mag-focus ka sa pagmamaneho, baka mabangga tayo.”
Kumindat lang si Geo sabay hawak sa kamay ni Katallea. Hindi naman hinila ng
huli ang mga palad niya kahit nararamdaman niya ang mainit na temperatura sa buong
katawan. Masuyong dinala ni Geo ang kamay na iyon sa kaniyang mga labi at
dinampian niya ng isang matamis na halik.
“Magsisimula akong muli kasama ka. Susugal ako para sa ating dalawa,” Sabi ni
Katallea sa isip niya.
“You really love me, right?” Nagulat si Katallea sa sinabi ni Geo kaya hinila niya
ang kaniyang kamay at hinampas ang lalaki.
“Paano mo namang nasabi iyan, Mr. Arevalo?”
“Hindi mo kasi maalis ang mga mata mo sa gwapo kong mukha,” Nakangising
sabi ni Geo.
“Wow! Ang lakas ng tama mo!” Nagkatawanan ang dalawa. Masaya nilang
binaybay ang daan papunta sa lugar kung saan una nilang mararanasan ang maging
malaya sa mga problema na dulot ng kontrata ng dalawang pamilya.
“Alam mo, gusto ko talagang mabalis kita para hanap-hanapin mo rin ako.”
“Geo, iba talaga ang ibig sabihin noon.”
“Talaga?”
“Oo nga. Manyak ka lang talaga.”
“May manyak bang hindi maka-first-move sa asawa?” Reklamo ni Geo.
“Kumbaga sa soccer eh puro strike lang pero wala man lang kahit isang goal.”
“Ah, soccer pala. Anong walang goal na sinasabi mo riyan? May trophy ka pa
nga!” Ang tinutukoy ni Katallea ay ang magiging anak nina Geo at Clarise.
“Hey, I’m sorry. Please, ibang topic na lang. Ayaw kong masira ang bakasyon na
ito.” Pakiusap ni Geo.
Tumahimik naman si Katallea. Maaaring may anak na si Geo sa kinilala niyang
kapatid ngunit siya ang nagpapadala ng mga kailangan ni Clarise. Sa check up nga ng
babae ay gusto ni Geo na samahan niya ito para raw hindi siya mag-isip ng kung
ano-ano.
Mabilis ang naging biyahe ng mag-asawa. Pagdating sa resort ay sinalubong sila
ng mga tauhan doon. Nagagalak na inilibot ni Katallea ang mga mata sa matatayog na
puno ng niyog. Ang mga punong nagpapataasan sa paligid ay waring ibinabalik siya sa
alaala ng Brgy. Saradama.
Napansin ni Geo ang pagkawala bigla ng ningning sa mga mata ng kaniyang
asawa. Magiliw na inakbayan niya ito at saka ninakawan ng halik sa pisngi.
“Geo!” Siniko siya ng asawa. Hindi malakas iyon kaya batid ng lalaki na
nagustuhan ni Katallea ang paglapat ng mga labi niya sa namumulang balat nito.
“Do you like it? I can give you more,” Bulong niya sa asawa.
Kinurot siya ni Katallea sa tagiliran ni Geo dahilan para mapangiwi siya.
Pagpasok nila sa isang villa ay nagtatakang napalingon si Katallea kay Geo.
“Nasaan ang room ko?” Tanong nito.
“Dito,” Patay malisyang sagot ng lalaki. Nang inutusan niya ang bagong
sekretarya para magpa-reserve sa resort na iyon ay ibinilin niyang isang silid lang
dapat
ang meron sila. Gusto niya kasing masolo ang asawa para mas maging kampante sila sa
isa’t isa.
“Geo, iisang bed lang ito.”
“Tabi tayo, malaki naman iyan,” Pilyong sagot ng lalaki.
Alam ni Katallea ang gustong ipahiwatig ni Geo. Sa lugar na magalit ay kinikilig
siya pero hindi siya nagpahalata.
“Okay,” Sagot ng babae. “Ako sa bed at katulad noong nasa bayan tayo, diyan ka
matulog sa sahig.”
Napakamot ng ulo niya ang lalaki pero hindi na ito sumagot. Tiningnan ni
Katallea ang asawa at nagkunwari siyang abala sa pagsisiyasat ng silid. Sinusubukan
niya kung gaano kahaba ang pasensya ng lalaki ngayong unti-unting nagiging maayos
na ang lahat sa kanila.
Dahil maaga pa ay nagpasya ang mag-asawa na maligo muna sa dagat. Sinulit
nila ang panahon na iyon para kahit paano ay punan ang nasayang na panahon. Walang
pagsidlan ng tuwa ang bawat isa. Todo papansin si Geo sa asawa niya. Lumabas ang
nakatago nitong mga ugali na nagpapakilig lalo sa puso ni Katallea.
Nang mapagod ay una ng umahon sa dagat si Katallea. Gusto rin kasi niyang
maunang maligo at magbihis kesa sa asawa niya dahil iisa lang ang shower room at
banyo sa villa. Mag-a-ala-una na kaya pakiramdam ni Katallea ay iniimbeta siya ng
malambot na kama.
Dali-dali siyang nagbanlaw ng katawan. Ngunit ganoon na lang ang gulat niya
ng paglabas niya ng shower room ay naroon na si Geo. Akala niya ay hindi pa ito
agad
susunod dahil may kausap pa ito ng iwanan niya.
“Why are you in a hurry?” Paos na tanong ng lalaki.
Napalunok si Katallea. Nakaharang kasi si Geo sa may pintuan ng shower room
kaya hindi siya makalabas, Tumutulo pa ang buhok nito habang nakantad ang abs nito
sa katawan. Naka-boxer lamang ang lalaki kaya nahihiyang inilayo ni Katallea ang
paningin.
Tumikhim muna si Katallea bago sumagot na gusto niyang matulog. Hindi niya
alam kung malakas ba o mahina ang boses niya dahil tinatalo iyon ng tunog ng kabog
ng kaniyang dibdib.
Lumapit si Geo sa naka-bathrobe na asawa. Tila naman naitulos si Katallea kaya
hindi siya gumalaw. Naramdaman na lamang niya ang mainit na hininga ni Geo sa may
punong-tainga niya.
“I want you now, please.” Halos hindi na makilala ni Geo ang boses niya ngunit
dahil doon ay napapikit si Katallea.
Bago pa sumagot si Katallea ay naramdaman niya na ang mainit na labi ni Geo.
Sabik na sabik ito habang ginagalugad ang kaniyang labi, pisngi, leeg, pababa sa
kaniyang dibdib.
Napaliyad si Katallae. Hindi niya alam na ganoon pala ang pakiramdam na dulot
ng pagnanasa ng isang lalaki. Napasinghap pa siya ng madama niya ang mainit na
palad
ng asawa sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung kailan nahubad ni Geo ang kaniyang
roba.
Dahil wala siyang suot na panloob kaya tumambad sa lalaki ang kaniyang
walang saplot na katawan. Mas lalong naging mapusok si Geo hanggang sa maihiga
siya nito sa kama.
Nagsimula sa mainit na halik, sa masuyong haplos hanggang sa kusa ng gumalaw
ang katawan ni Katallea para sundan ang ritmong sinimulang tugtugin ni Geo.
Iyon ang una niyang karanasan. Kasabay ng pagpapaubaya ay ang pagpatak ng
luha sa kaniyang mga mata. Taimtim siyang nanalangin na sana, sana ay tuluyan na
siyang maging maligaya sa pagpapalaya ng puso niya.
Pawisang bumagsak si Geo sa ibabaw ni Katallea. Pinunas niya ang mga luha ng
asawa. Masuyo niyang hinalikan muli ang labi ng babae.
“I love you. Thank you for being the first man in your life. Ngayon, higit
kailanman ay pinagsisihan ko ang mga ginagawa ko sa’yo.”
Hinaplos ni Katallea ang mukha ng asawa. Sa kauna-unahang pagkakataon, kusa
niyang hinalikan ang mga labi nito.
“Geo Arevalo, I trust and love you,” Madamdaming wika niya.
Ang mainit na tagpo kanina ay muling naulit. Wala ng pag-aalinlangan si
Katallea. Si Geo naman ay nilalasap ang tamis ng pag-ibig na kay tagal niyang
pinangarap. Sa pagkakataong iyon, hindi na pantasya na lang ang lahat.
Mag-a-alas-sais na ng hapon ng magising ang mag-asawa. Pagkatapos
maghapunan ay pumunta sila sa tabing dagat upang mamasyal. Ilang metro pa lamang
naglalakad ang dalawa ng may makita silang kakilala ni Geo. Interesado raw itong
magbenta ng lupa para sa susunod na mga proyekto ng lalaki. Sakto namang
naghahanap ito ng matatayuan ng mga subdivision kaya nagpaalam muna siya kay
Katallea.
Matagal na nakaupo si Katallea sa mga buhangin. Nang ilang minutong hindi pa
bumabalik si Geo ay nagdesisyon siyang bumalik muna sa tinutuluyan nila.
Nakalimutan niya kasing dalhin ang cellphone niya.
Nang nasa may madilim na bahagi na siya ay naramdaman ni Katallea na may
nagtakip ng panyo sa bibig niya. Isang malakas na pwersa ang nagpatumba sa kan’ya
dahilan para mawalan siya ng malay.
Nagising si Katallea na nasa silid siya ng tinutuluyan nila ni Geo at nakatali ang
mga kamay niya pataas sa nakasarang bintana. Nakaupo sa kama si Anastasia habang
nakangisi ito sa kan’ya.
“Anong ibig sabihin nito?” Tanong ni Katallea sa pinsan ng asawa n’ya.
“Kalma. Sinadya ni Geo na ipatali ka riyan para mapanood mo ang isang live
show.”
“Anastasia, ano ito?”
“I want you to watch this…” Tumayo si Anastasia at lumapit kay Katallea.
Kinuha niya ang cellphone at binuksan sa gallery niya ang isang video.
“I will slowly kill her,” Si Geo ang nagsasalita habang kausap ang pinsan niya.
“Paiibigan ko siya. Kukunin ko lahat ng meron siya hanggang sa kusa siyang sumuko
at
magmakaawa na patayin ko na lang siya.”
Halos gumuho ang mundo ni Katallea sa napanood. Habang halakhal ni
Anastasia ang pumaimbabaw sa kwartong iyon na naging saksi ng kahinaan ni Katallea.
“Kung alam ko lang…” Lumuluhang saad ni Katallea.
“Bakit ka naman kasi nag-assume na mamahalin ka talaga ni Geo ng buong-buo.
Let me tell you, alam kung nagtataka ka kasi ang babaw ng reason ko para pag-initan
ka
during your college days. Actually, hindi ang ex bf ko talaga ang dahilan ng galit
ko
sa’yo.” Tinapos ni Anastasia sa pamamagitan ng isang malakas na sampal sa mukha ni
Katallea ang mga salitang iyon.
Napailing ang ulo ni Katallea pero manhid na siya. Ang puso niya ay halos
madurog na dahil sa napanood kaya wala ng mas sasakit pa roon para sa kan’ya.
“Kung hindi ang ex-boyfriend mo ang dahilan, ano, sino? Bakit kailangang
magpakalat ka ng mga pekeng larawan?” Nanghahamong tanong niya.
“For your information, hindi ako ang nagpakalat ng mga pictures kaya huwag mo
akong pagbintangan sa kalandian mo!” Isang malakas na palo ng kahoy ang tumama sa
hita ni Katallea dahilan para halos panawan siya ng ulirat.
Ngunit pinatatatag si Katallea ng galit na nasa puso niya, galit para sa mga taong
pinag-alayan niya ng buong buhay, galit para sa dating guro na nasa harapan niya at
galit para sa taong sinukuan niya ng buong pagkatao niya.
“Anak ka ng kriminal! Ang Tatay mo ang pumatay sa lolo namin ni Geo, kaya sa
tingin mo ba, mamahalin ka ng pinsan ko? Nagkakamali ka! Pinaiikot ka lang niya
para
sa paghihiganti, ang this is our last strike bago ka alisin sa mga buhay namin!”
“Sinong Tatay ko?” Naguguluhang tanong ni Katallea.
Bago pa muling magsalita si Anastasia ay bumukas na ang pintuan ng silid na
kinaroroonan nila at pumasok sina Geo at Clarise na nagsasalo sa isang mainit at
mapusok na halik.

KATALLEA CHAPTER 41
Tulala si Katallea habang nakatingin lang sa lalaking kanina lang ay sinasabing
mahal siya. Mainit nitong pinagagapang ang mga labi mula sa leeg ni Clarise patungo
sa dibdib nito. Naglalandas din ang mga kamay ng asawa niya sa makinis na balat ng
kaniyang itinuring na kapatid.
Gustong tumakbo ni Katallea para takasan ang bangungot sa kaniyang harapan
ngunit nakatali ang mga kamay niya at kahit anong pwersa ang gawin niya ay hindi
siya
makaalpas doon.
Manhid ang buong katawan ni Katallea habang pinapakinggan ang halinghing ni
Clarise at habang parang sabik na sabik na ginagalugad ni Geo ang katawan ng babae.
Ang mga daing at ungol ng dalawang taong nagniniig sa harapan niya ay
hinihiwa at dinudurog ang kanina lang ay maligayang puso ni Katallea. Ngunit kung
gaano man kasakit ang palabas sa kaniyang harapan ay hindi na lubos pang masukat ng
babaeng unti-unting nilalamon ng poot ang buong pagkatao.
Wala na si Anastasia sa silid na iyon at silang tatlo na lang ang naroon ngunit
dahil sa ingay na likha ng dalawang taong nagniniig ay daig pa ang may isang daang
taong sabay-sabay na nagsasalita. Pati tainga ni Katallea ay parang naging walang
silbi.
Maging ang bibig na nakaawang lang ay walang boses na maririnig.
“Geo, touch me, please.” Iginiya ni Clarise ang kamay ng lalaki sa kaniyang
pagkababae dahilan para napaungol si Geo ng mahawakan iyon. Kapwa hubad na ang
dalawa habang walang tigil ang tila ba walang katapusang labanan ng mga dila nila.
Hindi pumipikit si Katallea. Pinanonood niya ang bawat galaw ng katawan ng
asawa niya habang walang tigil ito sa paggalaw sa ibabaw ni Clarise. Ang kinilala
niyang kapatid ay walang pakialam kung naroon man siya at kung pinapanood man
niya ang lahat ng nagaganap. Tila mas lalo pa nitong nilalakasan ang mga ungol para
lalong iparinig iyon sa kaniya.
Manhid na si Katallea para makaramdam pa ng kirot. Akala niya ay wala ng mas
sasakit pa sa malamang pinaibig lang siya ng asawa para patayin kinalaunan pero ang
eksena sa kaniyang harapan ay pinatay hindi lang ang kaniyang pagkatao kung hindi
maging ang kaniyang kaluluwa.
Isang nakakapanindig balahibong daing ang pinakawalan ni Clarise habang
sinisisid ni Geo ang kaniyang pinakatatagong parte ng katawan. Napapamura pa ang
babae habang mariing sinasabunutan si Geo.
Pagkatapos noon ay umangat ang ulo ni Geo at nahagip ng mga mata nito ang
asawang nakatayo at nanonood lang sa kanila. Bahagyang natigilan ang lalaki at wari
bang nag-aalinlangan kung itutuloy ang nasimulang laban o hindi na.
Ngunit biglang kinabig ni Clarise ang lalaki at siniil ito ng mapanuksong mga
halik. Napaungol si Geo. Ang tunog niyon ay lalong napainit kay Clarise dahilan
para
itulak niya ang lalaki upang mapahiga ito sa kama.
Sa ilang sandali ay halos tumirik ang mata ni Clarise sa tindi ng sensayon habang
nasa ibabaw siya ni Geo. Ang sandata ng lalaki ay umabot hanggang sa kaniyang
kaloob-looban dahilan para mabaliw ng sobra ang dalaga.
Si Geo naman ay nakaunan sa dalawang mga braso niya habang lalong tinutudyo
ang nanginginig na babae sa ibabaw niya.
Bawat eksena, galaw at ingay sa kwartong iyon ay tinandaan ni Katallea. Wala na
siyang lakas para mag pumiglas at pigilan ang nagaganap kaya pinanood niya na lang.
Hindi siya pumikit dahil gusto niyang maalala kung paano siya pinagtaksilan ng
harap-harapan ng mga taong minahal niya ng buong puso.
Sa isang malakas na ingay ni Clarise nagwakas ang digmaang nasaksihan ni
Katallea.
“Shit, Geo! Bakit hindi mo pinalabas?” Galit na hinampas ni Clarise ang tulog na
lalaki. “Anyways, nag-enjoy naman ako. Ang sarap talagang abutin ng langit kasama
ka.”
Umalis si Clarise sa ibabaw ni Geo at walang pakialam na tumayong nakahubad
sa harapan ni Katallea.
“Masakit ba? Actually, kaya siya matagal kanina kasi nag-inuman kami. Sinadya
talaga ni Geo na isama ka sa lugar na ito para masaksihan mo kung gaano kasakit ang
makitang lumigaya ang asawa mo sa piling ng iba. Alam kong papatayin ka ni Geo
paggising niya kaya bilang ganti sa kabutihan mo, tatanggalin ko ang mga tali mo.”
Walang salitang binitawan si Katallea. Alam niyang patibong ang gagawin ni
Clarise. Nakita niya ang kahoy na ipinanghampas sa kaniya ni Anastasia. Nasa sahig
iyon at pwede niyang maabot kapag natanggal na ang tali sa mga kamay niya.
Sa side table ng kama ay naroon ang susi ng sasakyan ni Geo. Tinantiya ni
Katallea kung ilang segundo niya dapat makuha iyon. Dala ng matinding galit ay
napapikit sandali si Katallea. Naramdaman na lamang niya ang pagluwag ng tali sa
mga
kamay niya.
Sa loob ng tatlong segundo ay nakuha ni Katallea ang kahoy sa sahig at isang
malakas na palo ang ibinigay niya kay Clarise. Napahiyaw ang babae dahil sa sobrang
sakit na naramdaman nito. Hindi ito makatayo dahil sa binti siya hinampas ni
Katallea.
Isang nasindak na Anastasia ang pumasok ng silid. Napatulala ito sa nakita niya.
Mabilis namang nakuha ni Katallea ang susi at sa isang iglap ay mabilis nitong
nakatalon sa kanina ay nakasaradong bintana.
“Punyeta? Bakit mo pinatakas?!” Malakas na sigaw ni Anastasia ang
umalingawngaw sa silid na iyon na kanina lang ay pinuno ng ingay ng dalawang taong
mainit na nagsasalo sa makamundong kasalanan.
“Pwede ba tulungan mo muna akong makatayo!” Singhal ni Clarise.
“What should we do now? Hindi siya pwedeng mabuhay pa!”
Walang pakialam si Clarise. Alam niyang hindi na babalik si Katallea sa mga
buhay nila. Kilala niya ang babae na tumatakas madalas sa mga problema kapag hindi
na nito kaya at magbabalik na lang kapag handa na ito. Dahil sa ginawa nila,
imposibleng makabalik pa si Katallea.
Nagbihis si Clarise at kahit paika-ika ay nagpilit na lumabas ng kwartong iyon na
naging saksi ng isang kataksilan.
“Where are you going?” Hinablot ni Anastasia ang braso ni Clarise. Agad
namang humarap ang dalaga sa nagwawalang babae.
“Kalma, pwede? Hindi na siya babalik. Ang kailangan ngayon ay makaalis tayo
rito bago pa magising si Geo.”
Sumunod naman si Anastasia kay Clarise. Galit pa rin ito pero hindi na nagsalita
pa.
“Binayaran mo na ba ang bagong secretary ni Geo?” Tanong ni Clarise. “Tapalan
mo ng pera para hindi magsalita na pinilit natin siya para malaman ang bakasyon na
ito
ng dalawa.”
“Tapos na. Pati ang inutusan mong sirain ang gown ng kapatid mo noong kasal
n’ya binayaran ko ulit. Ginagawa akong gatasan noon,” Galit na sabi ni Anastasia.
Ang hindi alam ni Anastasia ay lihim na natatawa si Clarise. Hindi kasi batid ng
pinsan ni Geo na walang inutusan si Clarise para gumupit ng wedding gown ni
Katallea
noon. Siya ang gumawa noon at para magkapera ngayong wala na siya sa kumpanya ni
Gep ay kinikikilan niya si Anastasia.
“Sa buhay hindi puro talino lang ang ginagamit. Kailangang madiskarte ka para
mabuhay!” Sigaw ng utak ni Clarise. “Sorry ka, Anastasia. Ikaw ang matalino at ako
ang
madiskarte.”
“What’s our next plan?” Tanong ni Anastasia kay Clarise.
Tumaas ang kilay ng babae. Babalik siya sa unang plano, ang mag-ampon. Ang
gusto sana niya ay mabuntis siya ni Geo kaya nila nilagyan ni illegal na gamot na
pampagana ang inumin ng lalaki habang nakikipag-usap ito kanina sa isang dating
kakilala. Binayaran pa nila ni Anastasia ang waiter pero nauwi lang iyon sa wala
dahil
nawalan na ng malay ang lalaki bago pa ito umabot sa sukdulan ng makamundong
pagnanasa.
Si Anastasia ang nakaisip na itali si Katallea para mapanood sila. Hindi alam ni
Clarise ang dahilan ng babae para parusahan ang hilaw niyang kapatid katulad ng
hindi
rin alam ni Anastasia ang dahilan niya.
Nang tinulungan siya ni Anastasia noong nangyari ang aksidenteng
kinasangkutan nila ni Joey ay napagtanto ni Clarise na pwede niyang gamitin ang
babae
para makaganti siya kay Katallea dahil sa ginawang pagpapahirap ng mga magulang ng
huli sa pamilya niya. Sa isip ng babae ay mayaman dapat sila at hindi naghihirap
kung
hindi dahil sa tunay na pamilya ni Katallea.
“Kailangang lumabas na tayo sa resort na ito.” Sabi ni Clarise.
“My God, I am pregnant. Hindi ako pwedeng mag biyahe ng ganitong oras,”
Reklamo ni Anastasia.
“Okay, sige, maiwan ka. Bukas na bukas bisitahin na lang kita sa kulungan.”
Napipilitang sumunod na lang si Anastasia kay Clarise na agad na kinuha ang
mga gamit niya at sumakay sa kanilang sasakyan. Nang gabi ring iyon, kasabay ng
paglisan nila sa resort na iyon ay tuluyang nasira ang pagsasama na pilit binubuo
ni
Geo kasama ang babaeng pinakamamahal niya.
Kinabukasan ay nagising si Geo dahil sa tama ng liwanag ng araw sa kaniyang
mukha. Buong pagtataka na tiningnan niya ang sarili habang pilit inaalala kung
paano
siyang nakabalik sa silid na iyon.
Iginala niya ang mga mata upang hanapin sa paligid ang kaniyang asawa. Ngunit
kahit saan dumako ang paningin ni Geo ay hindi niya ito makita.
“Ang aga niya namang naglalakad-lakad sa paligid. Hindi man lang ako
ginising.”
Tumayo si Gep para magbihis. Nakita niya sa sahig ang tali kaya nagtatakang
pinulot niya iyon. May kabang bumundol sa kan’yang puso pero hindi siya nagsalita.
Pinukpok ni Geo ang mga kamay niya sa ulo para maalala ang lahat ng naganap
pagkatapos nilang mag-usap kagabi ng taong nagbebenta ng lupa sa kan’ya.
“Hindi, panaginip lang iyon,” sabi ng lalaki ng maalala niya ang matalim na mata
ni Katallea habang nakatitig sa kan’ya. “Ang sama namang panaginip noon.”
Pumunta si Geo sa banyo para maghilamos. Paglabas niya ay napangiti pa siya
ng makita ang kama kung saan mainit nilang pinagsaluhan ni Katallea ang pag-ibig na
kay tagal nilang pinigilan.
Masayang lumabas si Geo para hanapin si Katallea. Hindi niya maalala ang
nangyari kagabi kaya gusto niyang makita ang asawa. Tiningnan niya ang
dalampasigan ngunit wala doon ang babae. Nilibot niya ang buong resort ngunit
walang
Katallea siyang nakita.
Tagaktak ang pawis na pumunta si Geo sa information area para magpatulong na
sa paghahanap kay Katallea. Ang lahat ng tauhan ng resort ay nabulabog na rin dahil
hindi talaga makita ang babae.
Bagsak ang balikat na bumalik si Geo sa villa para kunin ang susi ng sasakyan
niya. Wala iyon sa nilagyan niya. Rumaragasang lumabas muli ang lalaki at patakbong
tumungo sa parking area para lang mabatid na wala na roon ang sasakyan niya.
Isang malakas na sigaw ang narinig mula sa parking lot ng resort. Palahaw ng
isang pusong naghahanap ng kasagutan. Hagulhol ng isang lalaking nangangapa mula
karimlan ng maraming pag-aalinlangan. Isang taong biktima rin ng makasariling mga
puso.
KATALLEA CHAPTER 42
Ginalugad ng mga empleyado ang buong resort ngunit wala roon si Katallea.
Nang tinanong ang bantay sa gate ay sinabi nitong maagang lumabas kagabi ang
sasakyan ni Geo. Iyon ay dahil sa naitala niyang sa kaniyang log book.
Isang chat ang natanggap ni Geo. Larawan iyon nina Max at Katallea. Masaya
ang dalawa habang naka-alalay si Max sa likuran ng kaniyang asawa. Walang emosyon
na tiningnan iyon ni Geo. Masakit ang ulo niya dulot ng kaniyang nainom.
Ngunit hindi pinansin ni Geo ang nararamdaman maging ang mga larawan. Alam
niyang hindi aalis ng ganoon lang si Katallea lalo at wala itong mapupuntahan.
Hindi pa
kaya ni Katallea na bumalik sa nakilala niyang pamilya. Batid rin ng lalaki na
hindi
itatakas ni Max ang babae dahil puro negosyo lang ang alam niyang madalas
pag-usapan ng mga ito sa tuwing nagkikita. Sa ilang linggong maayos silang
mag-asawa ay hindi nagpakita si Katallea sa kan’ya ng dahilan para pagselosin siya.
Isa
ang sigurado ni Geo, may pilit bumubuwag sa kanilang pagsasama.
Agad na nagdesisyon si Geo na bumalik sa Maynila. Mag-iiwan na lang siya ng
contact number sa mga taga-resort. Pilit niyang pinakakalma ang sarili sa isiping
baka
may emergency kaya umuwi si Katallea sa bahay nila ng hindi nagpapaalam sa kaniya.
Hindi na naalala ang tumawag muna ni Geo kay Yaya Adel dahil sa mga
gumugulo sa isipan niya. Gustong maging positibo ni Geo sa kabila ng pagkawala ni
Katallea. Iyon ang natutunan niya mula sa asawa.
Sininop ni Geo ang mga damit maging ang cellphone ni Katallea. Tiningnan niya
roon ang numero ni Max. Hindi naglalagay ng password ang asawa niya kaya madali
niyang nabasa ang usapan ng dalawa. Tama ngang hindi siya nagalit kaagad nang
makita ang larawang ipinadala sa kanya dahil bukod sa negosyo ay simpleng
kumustahan lang ang laman ng messages ng dalawa.
Habang binabalikan niya ang usapan nina Max at Katallea ay may napansin s’ya.
Isang mensahe mula sa babae para sa lalaki. Ipinadala iyon tatlong araw na ang
nakaraan.
“Thank you for always being there for me during my ups and downs. You’re a
good friend of mine. In the next coming days, I will try to obey my heart. I love
Geo and
I will give him my heart for the rest of my life.”
Napangiti ng malapad si Geo ng mabasa iyon. Bumulong sa hangin ng pag-ibig
na nararamdaman para sa asawa. Lumabas siya ng villa na naging saksi ng pag-iibigan
nila ni Katallea at may magkahalong emosyon na sumakay siya ng bus pabalik ng
Maynila.
Pagdating sa bahay nila ay alam agad ni Geo na wala roon ang asawa dahil wala
ang sasakyan niya sa garahe. Kinabahan siya ngunit pilit pa rin siyang kumalma. Sa
isipan niya ay maaaring nasa meeting si Katallea.
“Anak, nasaan si Katallea? Bakit hindi kayo magkasama ng asawa mo?”
Salubong ni Yaya Adel.
“Hindi po ba siya umuwi rito, Yaya?”
“Naku, hindi! Magkasama kayong dalawa, hindi ba?”
Tiningnan Geo ang telepono. Kanina pa niya tenext si Max tungkol kay Katallea.
Ngunit biglang may narinig silang busina sa may gate kaya agad lumabas si Yaya Adel
upang mapag-sino ang dumating. Nanlalambot naman ang tuhod na umupo si Geo sa
sofa.
“Where are you, Kat? Why did you leave me all of a sudden?” Ginulo-gulo ni
Geo ang buhok niyang hindi pa nasuklay.
“Good morning, Mr. Arevalo.” Bungad ni Max. “Where is she?”
Tumayo si Geo upang salubungin ang bagong dating. Bakas sa mukha ni Max
ang pag-aalala dahil sa mensahe niya rito.
“I don’t know. Yesterday, we were happy. Hindi ko talaga alam kung anong
nangyari. Ang natatandaan ko, kagabi may kausap akong kakilala. Iniwan ko lang si
Katallea saglit sa dalampasigan...Tama sa dalampasigan, doon ko siya iniwan.
Sandali...Ah, ano bang nangyari?”
Napatayo si Geo at nagpalakad-lakad habang hinihimas ang baba niya.
Naguguluhan siya ng hindi niya mawari. Alam niyang may kaniig siya kagabi at hindi
niya masabi iyon sa kaharap. Tanda niya ang matalim na tingin ng asawa. Ngunit sino
ang kaniig niya? Anong nangyari sa asawa niya?
“Paano akong nakalimot gayong juice lang ang ininom ko?” Halos pabulong
lang ang tanong na iyon pero umabot iyon sa matalas na pandinig ni Max.
“May ginawa ka bang hindi maganda, Mr. Arevalo?” Nanunuri ang mga mata
nito at naghahanap din ito ng kasagutan.
“Hindi ko alam, naguguluhan din ako,” sagot ni Geo. “Ang huling natatandaan
ko ay may kausap akong seller ng lupa. Tapos...Wala akong maalala. Grabe din ang
sakit ng ulo ko.”
“Hindi kaya sinadya ni Kat na lumayo na sa’yo? No, that’s impossible! Mahal ka
niya sa kabila ng mga ginawa mo.”
“Alam ko, Max. Nararamdaman ko iyon at nakita ko rin. Masaya kami kahapon.
Hanggang sa...Sana hindi ko siya iniwan kahit sandali.”
Nagdesisyon ang dalawang lalaki na muling maghanap sa paligid ng resort.
Dahil ilang oras lang naman galing Maynila at Batangas kaya mabilis na nakabalik
doon si Geo kasama ang kaibigan ng asawa niya. Bawat mga barangay ay
pinagtanungan nila. Ginalugad maging ang mga hotels, restaurant at iba pang resorts
pero hindi nila makita si Katallea.
Lumipas ang maghapon na wala pa ring makitang bakas ni Katallea. Tumawag na
rin si Geo sa mga itinuring nitong mga magulang ngunit wala roon ang babae. Ang
kaninang kaba na nasa puso ni Geo ay napalitan na ng pagkatuliro. Ang positibo
niyang
isip ay tinatalo na ng matinding pag-aalala.
Hanggang nagdesisyon si Max na i-report sa pulisya ang pangyayari. Dahil
kilala ang pamilya ng mga Arevalo at Trunco kaya agad na inasikaso ng mga pulis ang
paghahanap sa maaring dinaanan ng sasakyan ni Geo. Nakipag-ugnayan na rin ang
nakausap nila sa iba pang sangay nila sa Cavite na tagusan din ng mga galing sa
Batangas.
Muling bumalik ng Maynila si Max ngunit nagpa-iwan si Geo. Mula Batangas ay
ginalugad niya pati ang Laguna. Gabi na at wala siyang kain maghapon ngunit hindi
nakakaramdam ng gutom ang lalaki.
“Where are you? Please tell me where are you,” Sabi ng lalaki habang
binabaybay ang kahabaan ng isang kalsada papasok na ng Maynila.
“I can’t live without you. Kat, I need you here beside me.”
Hanggang sa nakauwi na si Geo mag-alas onse na ng gabi. Nadatnan niyang
gising pa si Yaya Adel at naghihintay sa kaniya.
“Kumusta, anak? Anong balita?
“I can’t find her, Yaya. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin.”
Nalungkot ang matanda sa sinabi ni Geo ngunit hindi siya nagsalita. Naaawa siya
sa alaga niyang maghapong naghahanap at halata sa tindig nito ang matinding pagod
at
pag-aalala.
“Kumain ka na muna, anak.”
“Bababa na lang po ako mamaya. Wala pa po akong ganang kumain.”
“Sige, pero sana ano man ang pinagdadaanan mo ay huwag mo sanang kalimutan
ang sarili mo para kapag bumalik na ang asawa mo ay daratnan ka niya na nasa maayos
na kalagayan.”
Tumango lang si Geo at tumuloy na sa pag-akyat. Pagpasok sa silid niya ay
inilapat ng lalaki ang pagod niyang katawan sa kama. Isinubsob ang ulo sa unan bago
pinakawalan ang mga luhang ayaw niyang makita ng iba.
Lalaki siya, matapang. Ngunit ang asawa niya ang kaniyang kahinaan. Ang
babaeng iyon na ngayon ay hindi niya batid kung nasaan ang tanging taong nagpalaya
sa kan’ya sa lahat ng sakit ng kahapon at ngayong hindi niya ito makita ay unti-
unti
siyang kinakain ng lungkot at pangungulila.
Hinintay ni Yaya Adel na bumaba si Geo para kumain. Nakatulog na siya habang
nakaupo at nakayungyong ang ulo sa harapan ng lamesa ngunit hindi niya naramdaman
sa loob ng magdamag ang pagbaba ng alaga niya.
Mag-alas otso ng umaga ng makita niya si Geo na tumatakbong pababa ng
hagdan. Tinanong niya ito kung kakain ngunit hindi ito nagsalita bagkus ay agad
nang
dumiretso sa garahe at mabilis na sumampa sa sasakyan.
“Kawawa naman siya. Ano kaya kung sabihin ko na sa mga magulang niya ang
nangyayari? Ah, hindi ako pwedeng makialam. Baka makadagdag pa ako sa problema.”
Bubulong-bulong si Yaya Adel habang nakamasid sa paalis na namang sasakyan ng
alaga niya.
Sa istasyon ng pulis sa Cavite muling nagkita sina Max at Geo. Gusto nang
sabihin ni Geo sa mga pulis ang tungkol sa posibleng nangyari noong huling gabing
magkasama sila ni Katallea pero baka mapagkamalan siyang salarin sa pagkawala ng
asawa niya. Hindi siya pwedeng makulong dahil hindi na niya mahahanap pa si
Katallea
kapag nangyari iyon.
“Thank you, Max. Anong balita?” Tanong ni Geo sa nadatnang lalaki. Tumawag
lang ito sa kan’ya at pinapapunta siya sa lugar na iyon ngunit wala siyang alam
kung
ano ang natuklasan nito.
“Nahanap na raw nila ang sasakyan mo?”
“Talaga, pare?! Ang asawa ko, kumusta? Nasaan siya? Anong sabi ni Katallea?”
Natahimik ang buong lugar na iyon sa sunod-sunod na tanong ni Geo. Lahat ng
mga mata ay nakatutok sa kan’ya. Maging si Max ay hindi alam ang sasabihin sa
lalaking dati niyang kaaway ngunit kinalaunan ay nakasundo rin.
“I’m sorry, Geo. Wala na si Katallea.”
“Gago ka ba? Alam kong nawawala ang asawa ko at hinahanap ko siya kaya
huwag mong sabihing wala na s’ya!”
Nanlilisik ang mga mata ni Geo ng mga oras na iyon. Hindi niya matanggap ang
sinabi ni Max. Alam niya ang ibig pakahulugan nito pero hindi gustong tanggapin
iyon
ng puso at isipan niya.
“Geo, patay na si Katallea,” Turan muli ni Max.
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Geo na nagpatumba sa nabiglang
lalaki. Inawat naman sila ng mga pulis sa nasa paligid.
“Malabo iyang sinasabi mo, Max. Huwag mo akong ululin. Noong isang araw
lang ay masaya kaming magkasama. Mahal niya ako kaya hindi niya ako iiwan!”
“Sir, kumalma ka muna,” Sabi ng isang pulis. “Kung gusto n’yo ho ay dadalhin
namin kayo sa mismong accident site.”
Ngumisi si Geo na parang nauulol na aso. Ayaw tanggapin ng puso niya ang
lahat ng narinig kaya pumayag siyang sumama sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.
Pagdating doon ay agad nakita ni Geo ang isang sasakyan na sunog. Hindi inabot
ng apoy ang hulihang bahagi nito kaya agad niyang nakilala ang pagmamay-ari niya.
“No, this can’t be!” Iling ng lalaki sabay suntok ni Geo sa manibela ng kotse
niyang sinasakyan. Ilang minuto bago naisipan ni Geo ang bumaba at lumapit sa mga
pulis at kay Max na tinitingnan na ang nangyari subalit hindi niya maihakbang ang
kaniyang mga paa.
Lumapit si Max sa nakatayong si Geo at tinapik ang balikat nito. Walang imikan
ang dalawang lalaki habang nakatingin lamang sa sasakyan na ginamit ni Katallea sa
pagtakas nito.
“Hindi talaga bubuhayin ang sino mang sakay niya,” Narinig nilang sabi ng
isang meron.
“Nasaan siya?” Mahinang tanong ni Geo Kay Max sa pagitan ng malakas na
tahip ng kaniyang dibdib.
“Nasa morgue na, Geo. Inaayos na nila ang labi ni Katallea.”

KATALLEA CHAPTER 43
Isang malakas na sampal ni Nicole ang dumapo sa pisngi ni Geo. Nagwawala ang
babae na pilit inaalo ni Max. Hilam ng mga luha ang mukha nito at nanlalabo na rin
ang
paningin.
Hindi na nasabi ni Nicole kay Katallea ang relasyon nila ni Max dahil alam
niyang may pinagdadaanan ito sa kamay ni Geo. Inisip din ng dalaga ang kapakanan ng
kaniyang kaibigan kaya tiniis niyang layuan muna pansamantala si Katallea.
“Kahit hindi kami nag-uusap ni Katallea ay alam ko what is happening inside
your house! Masaya ka na ba nakapaghiganti ka na, Geo Arevalo?” Sigaw ng dalaga sa
harapan ng pagmumukha ng nagluluksang lalaki.
“Sinayang mo ang buhay ng kaibigan namin. Sinayang mo ang mga pangarap
niya. Wala kang kwentang tao, wala, Geo!”
Manhid si Geo sa lahat ng naririnig niya. Ilang oras na ang nakalipas simula ng
dumating sila sa bahay nilang mag-asawa kung saan paglalamayan ang sunog na
katawan ni Katallea. Tulala lang siya habang nakatingin sa nakasarang kabaong.
Isa-isang dumating ang mga kamag-anak nila. Si Don Arman ay parang haring
pumasok at sinalubong naman ng mga nakakakilala rito. Gustong sumabog ni Geo
pagkakita sa ama. Gusto niyang suntunkin ang pagmumukha nito dahil sa inaasta ng
lalaki ngunit nanghihina na siya.
Dumating rin ang mga kinilalang magulang ni Katallea. Bakas sa mga mukha nila
ang pagsisisi ngunit parang hindi sila nakikita ni Geo. Lutang ang kaniyang ulo at
halos
wala ring lakas ang buong katawan.
“Sana namatay ka na rin kasama ng kaibigan ko!” Muling sigar ni Nicole. Pilit
itong inilabas ni Max dahil hindi na makontrol ng babae ang sidhi ng damdamin.
Nakatayo lang si Geo sa may bintana. Giniya siya ni Yaya Adel para makaupo sa
tabi ng kabaong ng asawa.
“Magpakatatag ka, anak. Hindi matutuwa si Katallea na makita kang ganiyan.
Alam mo ba noon, inaalala ka niya palagi. Siya ang personal na nagluluto ng pagkain
mo kahit pinagmalupitan mo siya,” Sabi ng matanda.
Walang emosyon na tumingin lang si Geo kay Yaya Adel. Napagod na siyang
umiyak, hindi na kayang maghintay, suko na siyang umasa na maitutuloy pa ang
pag-ibig na minsan ay naranasan niya dahil wala na, wala na ang kaniyang asawa.
“Sayang, maling tao ang nagbayad ng kasalanan mo,” Sabi ni Don Arman kay
Mang Nestor. “Ito naman kasing batang ito, mana kay Hajibi. Mana sa Daddy niya,
tanga!”
“Bayad na ako sa’yo. Wala ka ng utang na sisilingin pa,” Sagot ni Mang Nestor.
Mahina ngunit rinig ni Geo ang lahat ng iyon.
“Duwag ka talaga! Maling tao ang pinagbayad mo sa kasalanan mo! Si Clarise
talaga ang dapat na sisingilin ko pero maswerto kayo, minahal kayo ng anak ni
Hajibi.”
“Anong utang ang dapat pagbayaran? Bakit ang asawa ko? Bakit kami ang
nagdusa sa mga kasalanan n’yo sa nakaraan?” Putol ni Geo sa usapan ng dalawang
lalaki na nasa ‘di kalayuan sa kinauupuan niya.
Sinugod at sinakal ni Geo ang ama dahilan para nasindak ang mga tao sa paligid.
Ang Mommy niya ay hindi magkandaugaga sa pag-awat sa kaniyang mag-ama. Ang
paghihinang kanina pa nararamdaman ni Geo ay napalitan ng galit dahil sa mga
narinig
niya.
Si Mang Nestor ay napaurong. Bakasa sa mukha ni Geo ang matinding
pagkamuhi dahil sa patutsadahan ng dalawang ama ng tahanan. Si Yaya Adel ay
nanginginig na tumulong sa Mommy ng lalaki sa pag-awat sa kanila.
“Tell me! What are your secrets? Anong kasalanan ang dapat pagbayaran? Ano?
Ikaw…” Dinuro ni Geo si Mang Nestor. “Ano ang ginawa mo dahilan para magdusa si
Katallea?”
Parang nababaliw si Geo ng mga oras na iyon. Wala siyang tulog, walang kain
pero pakiramdam niya ay malakas siya at parang sinasaniban ng masamang espiritu.
“Geo, calm down, anak,” Umiiyak na sabi ni Ginang Arevalo.
“Someone mixed drugs in my drinks noong gabi bago nawala si Katallea. I knew
it! Hindi ko man maalala ang nangyari noon pero alam kong may mali! Sino, sino sa
inyo ang may gawa noon? Malakas ang droga na iyon to the point na nawala ako sa
katinuan! Wala akong maalala! Hanggang ngayon para akong inuuga!”
Napakapit si Anastasia sa may pintuan. Kararating lang nito kasabay ang asawa.
“What is happening to you?” Nag-aalang tanong ng asawa nito.
“Nahihilo ako.” Pagkukunwari ni Anastasia at napahawak siya sa kaniyang tiyan.
Kahit nanginginig ang tuhod ay nakita niya ang reaksyon ng mukha ni Clarise na
galing
sa kusina.
“Okay, take it easy. Baka makasama sa anak natin iyan. Maupo ka muna,” Sagot
ng asawa ni Anastasia at iginiya ang babae sa isang bakanteng upuan.
Dahil may mga pulis na naroon sa bahay ng mag-asawa kaya naawat nila si Geo.
Ang lahat ng sinabi ni Geo ay naging hudyat para mag-imbestiga pa lalo ang mga ito.
Ang nagluluksang lalaki ay isa na sa tinitingnan nilang suspect sa pagkamatay ng
asawa nito. Ayon sa mga pulis ay isasama nila si Geo sa iimbistigahan dahil
maaaring
dala ng epekto ng droga kaya napatay niya si Katallea.
Unang gabi ng lamay, tahimik na nakaupo si Geo sa tabi ng kabaong ng kaniyang
asawa. Ang mga nakikiramay ay halos hindi siya makausap kaya ang Mommy niya at
ang biyenan na babae ang nag-aasikaso sa mga ito. Umuwi naman si Don Arman
pagkatapos ng gulo kanina.
Sa may pool area ay naroon sina Clarise at Anastasia. Nagbubulungan ang
dalawa para makatiyak na walang makarinig sa kanila ngunit napapalakas rin ang mga
boses nila paminsan-minsan.
“Hayop ka! Niloko mo ako. Akala ko ba ikaw ang ampon ng mga San Sebastian!”
Mahina pero gigil na sabi ni Anastasia.
“Bakit ako ang may kasalanan? Ikaw itong noong naging guro ka ng Ate ko eh
gigil na gigil ka na sa kan’ya. Iniwan ka lang ng bf mo dahil maganda si Ate
Katallea
kaya gusto mo na siyang patayin.”
“Iyon ay dahil akala ko ay tunay siyang anak ng tatay mo! Nakita ko ang
credentials niya at nandoon naka-plaster ang pangalan ng ama mo!”
“Ano ngayon kung anak siya ng ama ko?”
“Ang ama mo…”
“Bakit hindi mo ituloy, Anastasia, para magkaalaman na tayo?! Kaya ka
natanggal sa pagiging guro mo dahil sa ugali mo.”
“Hindi ako natanggal, nag-resign ako. Pwede ba, pag-usapan natin kung paano
lulusutan ito! Wala na akong choice. I hate you but I need you.”
“Wala akong ginawang kasalanan at ganoon ka rin! Hanggang doon na lang
talaga ang buhay niya!” Hindi man lang kababakasan ng takot ang boses ni Clarise.
“Pero Clarise, tayo ang dahilan ng kamatayan niya. Si Geo, sobrang dami ng
droga ang nailagay natin sa inomin n’ya. Mabuti kinaya ng katawan niya kundi baka
namatay rin ang pinsan ko. Ang plano lang naman natin ay gawin siyang wild sa
kama,”
Nakokonsensyang sabi ni Anastasia.
“Anastasia, hindi ako ang nagda-drive ng sasakyan ng ma-aksidente si Ate kaya
wala akong kasalanan. Ang alalahanin mo ay kapag nalaman ni Geo na tayo ang may
pakana ng paglalagay ng droga sa inumin niya para makalimot siya at maging magaling
sa kama!”
Natutop ni Mrs. San Sebastian ang bibig niya. Hindi siya makapaniwala na
nagawa iyon ni Clarise. Walang pag-aalinlangan na lumpait ito sa nag-uusap at agad
na
sinampal ang anak.
“Clarissa, pinalaki ka naming mabuting tao! Anong ginawa mo?” Pigil ang
hininga nito dahil sa natuklasan niya.
“Bakit Mama, isusumbong mo ba ako para magkaroon ng katarungan ang
kamatayan ng mahal mong alaga? Nakakatawa kayo! Pamilya ni Katallea ang dahilan
kaya naghihirap tayo, kaya namatay ang lolo ko sa kulungan! Alam ko na ang lahat!”
“Nagkakamali ka! Marami kang hindi alam! Bumabawi lang kami sa bata dahil
sa kasalanan namin at…”
“Huwag mo nang bilugin ang ulo ko, Mama!” Binalingan ni Clarise ang
nanonood lang na si Anastasia. “Tayo na!”
Naiwang napaupo sa Bermuda grass ang ginang. Napahagulgol ito at hindi
malaman ang gagawin. Dahil sa kwento ni Yaya Adel kanina ay nabatid niyang kabit ni
Geo si Clarise at hindi niya matanggap na ganoon ang nangyari sa mga anak niya.
Nang mapagod kaiiyak ay pumasok ang ginang sa loob ng bahay. Nakita niya
ang matalim na tingin ni Clarise. Napagawi ang mga mata niya kay Geo na nakasandal
lang ang ulo sa kabaong ng itinuring nilang anak.
Awa para kina Geo at Katallea ang naramdaman ni Mrs. San Sebastian. Habang
pinagmamasdan niya si Geo na tahimik lang at hindi pa kumakain ay gusto na niyang
sabihin dito ang totoo ngunit sa nakita niyang asak ng lalaki ay natatakot siya.
Samantala, maingay ang paligid dahil sa kwentuhan ng mga bisita. Paroon at
parito ang mga tao. Ngunit walang pakialam si Geo, Kahit nanghihina ay ayaw kumain
o matulog ng lalaki. Hindi rin siya mapaalis sa tabi ng kaniyang asawa.
Walang sinuman ang nakababatid ng tunay niyang nararamdaman ng mga oras
na iyon. Tanging siya lamang ang nakakaalam sa tunay niyang pinagdadaanan.
“Katallea, this is not real. Panaginip lang ito mahal ko. Gigising tayo ng sabay.
Ipagluluto kiya, susuyuin pa kita katulad ng dati, mamahalin pa natin ang isa’t
isa,”
Bulong ng puso ni Geo habang nakasandal sa kabaong asawa niya.
“Wake up, Kat. Show me your smile.” Wala sa sariling hinaplos ni Gep ang
nakasarang kabaong. “Bring me with you. Hindi ko kakayanin na wala ka. Ang dami
kong pagkukulang, ang dami kong kasalanan pero huwag mo akong pagbayarin sa
ganitong paraan. Hindi ko kaya, Kat.”
“Geo, magpahinga ka muna, anak.” Tinig ni Mrs. Arevalo ang nagpa-angat sa
kaniya.
Simula kanina ay hindi nito nilapitan ang anak dahil sa takot na baka magwala
ito. Alam niyang binago ng panahon ang dati niyang malambing at mabait na unico
hijo.
Parang nakakita si Geo ng kakampi ng makita niya ang kaniyang Mommy. Mula
sa pagkakasandal ng ulo niya sa kabaong ay yumakap siya sa kaniyang ina na
nakaluhod sa kaniyang harapan. Parang batang umiiyak ang lalaki sa balikat ng
kaniyang ina.
Lahat ng nakasaksi ng tagpong iyon ay halos madurog ang puso maliban kay
Nicole. Nagpipigil ito ng galit dahil sa pakiusap ni Max. Lumabas siya ng bahay ng
mag-asawa habang pumapatak ang mga luha. Sariwa pa sa isipan niya ang masayang
pinagsamahan nila ng mga kaibigan niya.
Pinunas niya ang luha at nanginginig ang mga kamay na kinuha niya ang
telepono upang tawagan si Sandra. Nasa ibang bansa pa rin ang babae at wala itong
alam sa mga nangyayari.
“Bakit ba ayaw mong sagutin? Kailangan ka ngayon ng kaibigan natin! Ikaw
itong tagapagtanggol niya, hindi ba? Kailangan ka niya ngayon.” Napaluhod si nicole
habang patuloy na umiiyak. Sa likuran niya ay nakaalalay ang boyfriend niyang si
Max.
“Sinabihan kita, Max, hindi ba? Bantayan mo ang kaibigan ko dahil ikaw lang
ang nakakalapit sa kaniya. Paanong nangyari ito kay Katallea?”
“Aksidente ang nangyari. Napatawad na ni Katallea ang asawa niya. Mahal nila
ang isa’t isa. Walang may gustong mangyari ito.”
“I don’t believe you. No, Honey! Kung mahal ni Katallea ang lalaking iyan bakit
siya umalis sa resort ng hindi nagpapaalam kay Geo. Drugs? Sabi niya kanina may
posibleng may naglagay noon sa inumin niya. I don’t buy it!”
“Honey, ginawa ko ang lahat ng ipinag-uutos mo. I protected your friend. Huwag
kang magalit sa akin.”
“Nagkulang ka, Max. Oh, I’m sorry.” Patuloy na iyak ni Nicole.
Habang humahagulgol si Nicole ay nakatanaw si Anastasia mula sa malayo.
“So pathetic! Ganiyan silang tatlong magkakaibigan, puro emosyon ang
pinaiiral,” Sabi ni Anastasia sa katabi niya. Halatang masaya nitong pinanood ang
pagwawala ni Nicole at ang patuloy na pagluha ng babae.
“Bakit Anastasia, anong alam mo sa tatlo na hindi ko pa alam?” Halos mapatalon
si Anastasia ng marinig niya ang boses ni Geo, Akala niya kanina ay si Clarise ang
nasa
tabi niya.

KATALLEA CHAPTER 44
Nagkakandabulol si Anastasia sa pagpapaliwanag kay Geo. Matiim kasi ang
tingin ng lalaki sa pinsan niya at pilit nitong inaarok ang nasa isipan ng babae.
Lumapit si Geo kay Anastasia. Napaurong naman ang huli at napasandal sa pader
na nasa likuran niya. Walang pag-aalinlangan sinakal niya ang babae.
“Tell me Anastasia, bakit galit na galit ka sa asawa ko? Anong ginawa mo para
humantong kami sa ganito?”
“G-Geo,” Tinapik tapik ni Anastasia ang braso ng pinsan niya. Kinakapos na siya
ng hininga at natatakot siya para sa baby na nasa sinapupunan niya. Hindi siya
makakilos dahil napakalakas ni Geo.
“Tell me now!” Dumadagundong na parang kulog ang boses ni Geo.
Hindi sinasadya ni Geo na marinig ang sinabi ni Anastasia. Lalabas sana siya
para makalanghap ng hangin dahil parang sasabog na ang dibdib niya sa tindi ng
sakit
na kaniyang nararamdaman nang marinig niya si Anastasia.
Si Nicole na naglulupasay kanina lang ay lumapit na ron kina Geo at Anastasia.
Nahintakutang sinaway niya ang lalaki na nanlilisik ang mga mata.
“Geo, baka mapatay mo siy!” Awat nito sa magpinsan. Gusto ni Nicole balikan
ang mga nanakit sa kaibigan niya pero hindi sa paraang mamamatay agad ang mga ito.
Gusto niyang danasin din nila ang dinanas ni Katallea.
Tinanggal ni Geo ang mga kamay niya sa leeg ni Anastasia at hinaltak niya ang
babae papasok ng bahay kung nasaan nakalagak ang kabaong ni Katallea. Waang
makalapit sa mga ito maliban kay Nicole na nakasunod lang.
Mariing hinawakan ni Geo ang ulo ng pinsan niya at pilit itong isinusubsob sa
kabaong ng kaniyang asawa, Nanginginig naman si Anastasia lalo na ng maisip niyag
baka biglang magbukas ang kabaong at hilahin siya papasok.
“Look! Masaya ka na ba? Gusto mo bang isama kita sa kaniya?” Nag-uusok ang
ilong na tanong ni Geo.
Napasigaw na ang Daddy at Mommy ni Anastasia ngunit walang pakialam si
Geo. Ang asawa ng babae ay hindi na rin nakakilos dahil sa takot nito sa pinsan ng
asawa niya. Lahat ng mga naroon ay napatayo dahil sa tindi ng nerbyos na
nararamdaman.
“Ikaw, Geo, gusto mo bang sumama ka Katallea?” Tanong na parang
nagyeyelong tubig sa North Pole ang napakalma kay Geo. “Kung umarti ka, akala mo
ay wala kang kasalanan. Huwag mong kalilimutan ang mga pinagdaanan ng kaibigan
namin sa kamay mo. Higit pa iyon sa ginawa ng walang kwenta mong pinsan!”
Bakas sa tinig ni Nicole ang pait sa bawat salitang binitawan niya. Siya ang
pinkamahina sa kanilang tatlong magkakaibigan pero noong mga panahong iyon ay
pintapang siya ng kaalamang wala na ang isa sa mga kaibigan niya. Ang pinagsamahan
nila ay siyang nag-udyok sa kan’ya upang ipatikim kay Geo ang sakit na mawalan ng
kaibigan.
Nanlulumong binitawan ni Geo si Anastasia. Napatingin siya kay Nicole na wari
bang nagmamakaawa na patawarin siya ng huli. Si Max ay nakahawak lang sa balikat
ng kasintahan niya. Lahat ay tahimik lamang at nagpapakiramdaman. Walang naglakas
ng loob na basagin ang katahimikan na dulot ng mga pusong pare-parehong
nasasaktan.
Si Anastasia ay nanginginig na inalalayan ng Daddy at Mommy niya. Walang
nakapagsalita isa man sa mga magulang ng babae. Alam nilang salbahe ang anak nila
dahil sila man ay nakakaranas ng bangis nito.
“You’re lucky, Geo Arevalo. Kung nagkataon narito si Sandra, baka mauna ka
pang ilibing kaysa kay Katallea!” Parang kutsilyong tumarak sa puso ni Geo ang mga
katagang sinabi ni Nicole.
“I’m sorry.”
“Tama, paulit-ulit kang humingi ng tawad sa kawalang-hiyaan ginawa mo sa
kaibigan ko. Magdusa ka, Geo.”
Napaupo si Geo sa upuang laan para sa kaniya. Nilapitan naman siya ni Yaya
Adel habang inilalayo na ni Max ang kasintahan.
“Wala ka nang dapat pagsisihan. Maayos kayo ni Katallea na umalis dito. Mahal
ka ng asawa mo kaya hindi niya gugustuhing makita ka ng ganiyan,” Wika ni Yaya
Adel.
Ngunit hindi iyon ang naaalala ni Geo. Isang galit na Katallea ang kaniyang
nakikita sa isipan habang nakikipagtalik siya sa hindi niya makilalang babae.
Hindi mawai ni Geo kung panaginip iyon o totoo. Isa lang ang tiyak niya, may
naglagay ng droga sa inumin niya. Pero sino? Bakit?
Limang araw ang naging burol para kay Katallea. Si Don Arman ay pabalik-balik
lang. Hindi sila nag-uusap ni Geo o maging ni Mang Nestor. Pumupunta lang doon ang
lalaki para kunwaring ipakita sa lahat ang pakikisimpatiya niya sa anak pero ang
totoo
ay wala siyang pakialam. Sa puso ng Don ay may sugat na hindi pa rin nagagamot.
“Tama lang na pare-pareho kayong magdusa dahil lahat kayo ay salarin sa
kamatayan ng amo ko! Sa iyo nagsimula ang lahat Katallea. Ikaw ang dahilan kaya
namatay si Daddy. Kaya hanggang sa libing mo ay hindi ko pa rin ikaw matatanggap na
manugang lalo na at wala kang naging silbi sa negosyo ko!” Bulong ng Don sa sarili
habang nakatayo at nakatanaw sa manugang niya.
Araw ng libing Isang tawag ang natanggap ni Nicole mula kay Sandra. Nasa
sementeryo na sila at maririnig ang lakahaw ng lahat. Hindi halos makapagsalita ang
una dahil sa tindi ng pangungulila niya sa mga kaibigan.
“Calm down, Nicole. She will be fine. Let’s put everything in God’s hands,”
Malumanay na sabi ni Sandra.
“How can you say that? My God, Sandra, libing na niya ngayon!” Inis na sabi ni
NIcole. Patuloy niyang pinupunasan ang mga luha sa kaniyang pisngi,
“Where is Geo? Will you please give him the phone?”
“Nasa unahan siya, Sandra. Para siyang baliw na sising-sisi. Ang galing niyang
magdrama. Ayaw ko siyang tingnan dahil baka makapatay ako ng tao.”
“Give him the phone, please.”
Sumunod si Nicole. Nilapitan niya ang lalaking nakayuko lamang at nakahawak
sa kabaong ng asawa niya.
“It’s Sandra. Sagutin mo! International call iyan, mahal! Baka pagbayarin ka pa
namin diyan!” Sarkastikong sabi ng babae.
Marahang inilipat ni Geo ang telepono sa tainga niya.
“Hello, Sandra,” Basag na tinig ang narinig ni Sandra mula sa kabilang linya.
“It’s payback time, Geo Arevalo. Lahat ng sakit na pinagdaan ng kaibigan namin
sa mga kamay mo ay pagdadaanan mo rin sa ibang paraan!”
Napatulala si Geo sa narinig. Ngumisi siya na parang nasisiraan ng ulo. Hindi
siya nagsalita o sumagot man lang. Marahan niyang ibinalik kay Nicole ang telepono.
Handa siyang tanggapin ang parusang ilalatag sa kaniya. Hiling ni Geo na mas
malupit
iyon, nakamamatay para makasama na niya ang asawa.
Muli si Geo na humawak sa kabaong ng asawa niya, nakayuko, nag-iisip. Kung
ano ma ang nasa puso niya ay siya lamang ang nakakaalam.
Ilang saglit pang nag-usap sina Sandra at Nicole. Bumukas sa mukha ng dalaga
ang matinding galit na kinalaunan ay isang mapait na ngiti. Inilibot niya ang
paningin
sa paligid at sa kaniyang pagsulyap sa isang malaking puno ay napangiti siya.
Nagulat si Nicole ng mag-iyakan na sina Clarise at ang mga magulang nito. Sa
lakas ng palahaw nila ay napapailing na lang ang dalaga. Gusto niyang sabunutan si
Clarise pero dahil buntis ito kaya hindi niya magawa. Nagpupuyos sa galit na
tiningnan
lamang niya ang pamilya San Sebastian.
Si Geo ay hindi man lang umiyak. Walang kahit isang patak ng luha ang
pinakawalan ng lalaki. Nakakuyon lang ang mga kamao nito. Sa tabi niya ay si Yaya
Adel at ang Mommy niya.
Muling sumulyap si Nicole sa kanina pa niya tinitingnan. Wala na doon ang
imahe. Saka lang niya napagtanto na wala na si Katallea.
“We will see each other again, my friend. Rest now.” Iyon lang at saka umalis si
Nicole sa lugar na iyon na kahit magpaalam sa nobyo niyang si Max ay hindi niya
nagawa.
Samantala, nag-uwian na ang lahat. Naiwan na lang si Yaya Adel at si Geo na
nakaupo sa harapan ng puntod ng babaeng pinakamamahal niya. Marahang inabot ng
matanda ang kamay ng alaga niya.
“Kung gusto mong umiyak, sige lang. Pagkatapos mong ilabas ang lahat ng sakit,
bumangon ka anak.”
“May mali, Yaya. Hindi ako iiwan ni Katallea ng gabing iyon kung walang
nangyari. Alam kong lahat ng pinagsaluhan namin sa resort ay totoo.”
“Gawin mong motivation iyan para muli kang makabangon. Kung totoo man
sinasabi mo ay tatagan mo ang loob mo.”
“Pwede bang iwan mo muna ako, Yaya?”
Tumango ang matanda. Tinapik niya sa balikat ang alaga.
“Nasa sasakyan lang ako. Hihintayin kita roon.”
Hindi umimik si Geo. Parang inililipad ng hangin ang lahat ng isip niya. Ganoon
din ang katawan niya. Mabuti at napakain siya ng lugaw ni Yaya Adel pero
kakaunti lang iyon. Wala siyang tulog sa loob ng ilang araw kaya lutang ang ulo
niya.
Tumunghay siya sa mga bulaklak na nakapaligid sa puntod ng asawa niya.
Naalala niya sa tuwing ipinaghahanda niya ng pagkain ang babae. Palagi siyang may
nakahandang bulaklak para sa asawa dahil mahilig talaga ito roon.
Nagsimula ng tumulo ang luha niya. Hanggang sa ang isang patak ay naging iyak
at naging hagulgol. Pinakawalan niya ang isang malakas na sigaw dahil pakiramdam
niya ay kakapusin na siya ng hininga
“Kat, bakit? Bakit ang sakit? Bakit biglaan, mahal ko? Ang dami kong tanong at
hindi ko alam ang mga kasagutan. Tulungan mo ako kasi hindi ko talaga kaya. Mahal
mo ako hindi ba? Maayos na tayo, paanong naging ganito? Bakit mo ako iniwan?”
Nagpatuloy ang pag-iyak ni Geo. Mula sa malayo ay nakatanaw lang si Yaya
Adel na lumuluha rin. Alam niyang mahal ng alaga niya ang asawa nito pero dahil sa
kontratang iyon ay nagbago ang batang napakalambing dati.
Isang tapik sa balikat ang nagpaangat ng ulo ni Geo. Si Max na akala niyang
umuwi na ay naroon pa rin pala.
“Geo, tama na iyan. Umuwi ka na,” Mahinang sabi nito.
“Ang laki kong tanga, pare. Sinayang ko ang mga panahong kasama ko siya.
Sana pala hindi galit, paghihiganti at selos ang pinairal ko. Sana pinuno ko ng
pagmamahal ang bawat araw na iyon.”
“Alam kong huli na ang lahat para itama iyan, Geo. Ngunit sana huwag mong
ulitin ang pagkakamaling iyon sa pangalawang pagkakataon. Mahal ka ni Katallea at
hindi niya gugustuhing makita kang ganyan.”
Inalalayan ni Max ang lalaki para maitayo ito. Noon pa man ay inatasa na siya ng
nobya na bantayan ang kaibigan nito kaya ngayong wala na si Katallea ay handa
siyang
damayan ang asawa nito kahit walang nag-uutos sa kaniya. Nakita niya kasi ang isang
wagas na pag-ibig kahit panandalian lang iyon.
Sa bawat hakbang ni Geo palayo sa asawa ay tuluyan niyang hinayaan ang sarili
na sakupin ng isang malakas na pwersa na hindi niya kayang pigilan. Tanging sigaw
ni
Yaya Adel ang kaniyang huling narinig.

KATALLEA CHAPTER 45
Nagising si Geo sa gitna ng katahimikan ng bahay. Agad niyang naisip na
lumipat sa silid ng kaniyang asawa ngunit pansamantalang umupo muna siya sa kama
dahil nanghihina siya. Gusto niyang katabing matulog si Katallea. Napangiti pa siya
dahil tulog mantika ang babae. Kahit ilang beses na niyang tinatabihan ito ay hindi
namamalayan ni Katallea. Agad din kasi siyang umalis sa tabi nito bago pa man
magising ang babae.
Ngunit natigilan si Geo. Teka, masaya na sila, magkatabi na nga pala silang
natulog nitong nakaraang mga araw. Masaya nilang ninamnam ang tamis na dulot ng
pag-ibig. Ngunit nasaan ang asawa niya?
Wala sa sariling lumabas ng silid niya si Geo. Binaybay niya ang daan pababa.
Tanging tunog ng mga tsinelas niya ang naririnig sa buong bahay. Wala si Yaya Adel
sa
kusina. Sa isip ni Geo ay marahil tulog na tulog na ito sa kaniyang silid.
Dumiretso si Geo sa garage. Kanina pa niya hawak ang susi ng sasakyan at wala
sa loob na pinaandar ito. Kung saan man siya patungo ay hindi batid ng matandang si
Yaya Adel na kanina pa nakatingin sa alaga niya ngunit parang hangin siyang hindi
nakita ni Geo kahit dinaanan lamang siya nito.
Isang tawag ang natanggap ng Mommy ni Geo. Mula iyon kay Yaya Adel na
nag-aalala at halos hindi makapagsalita ng malinaw. Agad na tumayo ang ginang at
kahit naka-pajama lang ito ay mabilis itong nagtungo sa garahe. Nakasunod naman
dito
ang panay salitang si Don Arman.
“He’s no longer a baby boy na kapag kailangan ka ay nagkakandarapa ka sa
pag-alalay! Hayaan mo siya sa buhay niya! Para siyang hindi lalaki kung umasta!”
“If you are not going to find him, please, keep your mouth shut! Lahat ay pikit
mata kong tinanggap, Arman. Ngunit sa panahong ito na kailangan ako ng anak mo,
pwede ba, once ang for all, manahimik ka!”
Tila nabigla si Don Arman sa sinabi ng asawa. Iyon kasi ang kauna-unahang
pagkakataon na tinaasan siya ng boses nito. Namumula ang mukha niya habang
naglalakad papasok sa loob ng bahay habang si Mrs. Arevalo ay mabilis na pinsaibad
ang sasakyan. Panay ang mura ng Don at dumadagundong ang boses nito sa loob ng
bahay dahil hindi niya matanggap na kinalaban siya ni Mrs. Arevalo.
Sa sementeryo natagpuan si Geo ang sarili. Walang takot sa puso niya kahit nasa
gitna siya ng karimlan at kaunting liwanag lamang ang makikita. Marahan niyang
hinaplos ang puntod ng asawa. Kasabay noon ang mga luhang nag-uunahan sa
pagpatak.
“Kat, tell me what happened. Bakit ka biglang umalis sa resort? May ginawa ba
ako sa’yo? F*ck! Wala talaga akong maalala noong gabing iyon!”
Humiga si Geo sa tabi ng puntod ng asawa. Ang mga murang damong
nakapaligid dito ay waring niyayakap ang katawan niyang pagod na pagod na. Ang
malamig na hangin sa paligid ay pinapayapa ang magulo niyang isipan. Ang malamyos
na humi mula sa mga panggabing hayop ay parang inihihili siya.
“Patabi ulit, Kat. Okay lang kahit magising ka na nasa tabi mo ako. Magalit ka,
sipain mo ako, hampasin mo ako ng paulit-ulit. Hindi na ako aalis sa tabi mo bago
ka
magising.”
Dinilig ng mga luhang patuloy na pumapatak ang mga halamang malapit sa
ulohan ni Geo. Inilagay niya ang isang braso sa mata upang hindi niya makita ang
mga
bituin na wari bang sinasabi sa kaniyang naroon na sa malayo ang kaniyang asawa.
Pumikit siya at dinama ang yakap ng asawa noong araw na masaya pa sila.
Halos himatayin si Mrs. Arevalo ng makita ang kalagayan ng anak. Tulog ito sa
tabi ng puntod ng asawa nito. Natutop din ni Yaya Adel ang kaniyang bibig na
nakaawang.
“Geo...Son, wake up.” Mahinang niyugyog ni Mrs. Arevalo ang braso ng anak.
Kumilos si Geo patagilid sa kanan. Humarap ito sa puntod ni Katallea at
marahang ipinatong doon ang kaliwang braso niya.
“Kat, I love you,” Bulong ni Geo. Sa isip niya ay malinaw niyang nakikita na
katabi niya ang babae at nakangiti ito sa kan’ya. Ang mga ngiting iyon na minsan ay
pinilit niyang burahin ay naka-plaster na sa mukha ni Katallea.
Si Mrs. Arevalo at Yaya Adel ay napaluha sa nakikita nila. Ang awa sa mga puso
nila para sa mag-asawa ay lalong sumidhi. Si Geo ay malalim pa rin ang tulog habang
nakayakap sa puntod ng kaniyang asawa.
“Geo, gising,” Sabi ni Yaya Adel.
“Son, wake up,” Muling wika ni Mrs. Arevalo.
Naalimpungatan si Geo dahil sa tinig ng dalawang babae. Agad siyang umupo sa
damuhan. Iginala niya ang paningin sa paligid. Nasa sementeryo pa rin siya.
Napasulyap siya himlayan ng kaniyang asawa.
“Dito lang muna ako, Mommy. Kawawa naman si Katallea. Takot siya sa madilim
na lugar dahil sa ginawa ko sa kan’ya. Iyon ang dahilan kaya ayaw niyang pinapatay
ang ilaw sa gabi. Sinabi niya iyon sa akin kaya ayaw kong iwan siya ngayon dito.”
“Geo, she’s dead. Huwag mong sayangin ang buhay mo sa pangungulila.”
Banayad ang boses ni Mrs. Arevalo. Gusto niyang unti-unting ipaliwanag sa anak ang
katotohanan kahit masakit iyon.
“I know,” Sagot ni Geo. “Akala ko tuloy-tuloy na akong magiging masaya, Mom.
Ang pait naman ng buhay ko. Dahil sa kontratang iyon, puro sakit ang dinanas ko.
Kung
kailan ako nagsimulang maging masaya ay saka naman nawala ang babaeng tanging
dahilan kung bakit ako naging malaya sa kadena ni Daddy.”
“I’m sorry, son. Kahit wala na si Katallea sana tuluyan mo nang palayain ang
sarili mo mula sa kontratang iyon. Don’t mind your Dad. This time tatayo na ako
para sa
iyo,” Sabi ni Mrs. Arevalo.
“Aalamin ko lahat ng totoo. Sobra akong naging masaya nitong mga nakaraang
mga linggo kaya naisang tabi ko ang mga plano ko noon.”
“Tama, Geo. Gawin mong motivation ang paghahanap ng katotohanan para
mapagtagumpayan mo ang pinagdadaanan mo ngayon,” Payo ni Yaya Adel.
“Halika na, umuwi na tayo.”
“No, Mommy. Dito lang muna ako hanggang sa sumikat ang araw. Takot si Kat sa
dilim at ayaw ko siyang iwanan.”
Hindi naging mapilit si Yaya Adel at si Mrs. Arevalo. Namalagi rin sa sementeryo
ang dalawang babae kahit mga nangangatog ang mga tuhod nila sa matinding takot.
Kinabukasan, sumama na rin si Geo sa Mommy at Yaya niya. Naabutan nila sa
labas ng gate ang mga pulis na taga Batangas.
“Anong maitutulong namin sa inyo?” Ani Mrs. Arevalo.
“May ibabalita po sana kami kay Mr. Arevalo.”
“Okay, come in.”
Umupo ang mga pulis sa sala kaharap ng walang kabuhay-buhay na si Geo. Si
Mrs. Arevalo ay umupo rin sa tabi ng anak niya. Habang si Yaya Adel ay naghanda ng
makakain ng kaniyang mga amo.
“Sir, Ma’am, base sa aming imbistigasyon ay juice lang ang ininom ni Sir Geo
noong gabi ng kamatayan ni Ma’am Katallea. Hinanap namin ang nag-serve sa iyo ng
inumin na iyon ngunit inataki raw po siya sa puso at kasalukuyang nakaburol din
ngayon. Ang nakausap mo noong gabing iyon ay hindi nakaramdam ng katulad ng
nangyari sa iyo.”
“Sino-sino ang mga guest ng gabing iyon na naroon sa resort?” Tanong ni Geo.
“Halos lahat po ay natunton na namin at wala silang alam. Inalis na namin kayo
sa listahan ng mga suspect dahil sa nakikita namin sa imbestigasyong isinasagawa
namin ay biktima rin po kayo. By the way, may tatlong guests pa kaming hindi
natunton
hanggang sa ngayon at sa kanila naka-focus ang team. Mali kasi ang contact number
na
ibinigay nila.”
“So, possible bang may nangyari na krimen noong gabing iyon, tama ba?”
Tanong muli ni Geo.
“Wala pa po kaming conclusion, Sir Geo. Tinitingnan pa namin lahat ng
anggulo.”
Pagkatapos ng ilan pang pag-uusap ay umalis na ang mga pulis. Naiwan ang
mag-inang walang kibuan. Nilaro-laro ng mga daliri ni Geo ang bibig niya habang
nag-iisip at pilit na inaalam kung panaginip lang ba o hindi ang nasa utak niya.
Ang
galit na mukha ng asawa niya ay parang multo na patuloy na hinihiwa ang puso niya.
Lumipas ang mga araw na palaging sa sementeryo natutulog si Geo. Mabait ang
caretaker doon na inuupahan ni Mrs. Arevalo para makasama ng anak niya sa gabi.
“Ngayon lang ako nakakita ng lalaking katulad n’yo, Sir Geo,” Saad ni Mang
Rafael. Nakagaanan na ito ng loob ng lalaki.
Ngumiti lang si Geo sa matanda habang hinihimas ang puntod ng asawa.
Nasasabik na siyang muling mayakap at mahagkan ito.
“Mahal na mahal mo talaga siya,” Muling sabi ng matanda.
“Sinasamahan ko lang po siya sa gabi kasi ayaw kong matakot siya.”
“Sana, Sir Geo, dumating ang araw na matutunan mo na siyang kalimutan.
Hanapin mo na Sir ang bagong buhay na hindi siya kasama. Palayain mo na Sir ang
sarili mo sa nakaraan n’yo.”
“Hindi ko magagawa iyan, Mang Rafael. Hanggang kamatayan ko ay gabi-gabi
kong sasamahan ang asawa ko rito. Hindi man sapat iyon para mabayaran ang mga
kasalanan ko sa kanya, sana kahit sa malayo ay matanaw niyang nandito lang ako
naghihintay na muli kaming magkasama.”
Malungkot na tumalikod si Mang Rafael. Lalaki siya pero hindi niya napigilan
ang pagtulo ng luha. Manghihinayang siya sa isang pag-ibig na kay aganag naputol.
“Geo, pwede ba kitang samahan dito?” Tinig ni Max.
“Why are you here?” Tanong ni Geo sa bagong dating.
“Wala ka kasi sa bahay mo. I want to have a drink with you.”
“May problema ba? Dinayo mo ako sa puntod ng asawa ko para makipag-inuman
lang sa akin?”
“It’s about Nicole and me. She’s gone. I mean, she left me kahit nagmamakaawa
ako.”
“Break na kayo?” Nagtatakang tanong ni Geo. Kailan niya lang nalaman na
boyfriend ito ng kaibigan ng asawa niya at wala talaga iyong gusto kay Katallea.
“No, umalis siya papuntang America.”
“Bakit daw?”
“I don’t know. Basta ang sabi niya sa akin, kung mahal ko raw siya ay uunawain
ko ang pag-alis niya. Biglaan lang.”
Binuksan ni Geo ang dalang inumin ni Max. Tinawag niya rin si Mang Rafael
para maka-inoman nila. Nag-aalangan man ang matanda ay naki-umpok na rin sa
dalawang lalaking pareho idinadaan sa alak ang kirot ng mga puso nilang kapwa
sugatan.
Nangangalahati na ang inumin nila at lasing na si Max ng biglang tinapik nito si
Geo sa balikat.
“Pare, tayo na lang kaya ang magmahalan tutal iniwan na tayo ng mga babaeng
minahal natin.” Wala sa sariling sabi ni Max.
Umalingawngaw ang halakhak ni Geo sa katahimikan ng gabi. Noon lang muling
narinig ang tawa niya simula ng mamatay ang kaniyang asawa. Tawang kay lakas
ngunit hindi man lang umabot ang ngiti ang kaniyang mga mata.
KATALLEA CHAPTER 46
PAGKALIPAS NG LIMANG TAON
“Hey, Love, where are you going? Ang payat mo na, hindi ka na gwapo sa
paningin ko. Ang haba rin ng buhok at balbas mo, mukha ka ng ermitanyo,” Tinig ni
Max.
Hinawakan nito sa balikat si Geo ng akmang tatalikod ang lalaki. Kararating lang
nito at mukhang itong masaya.
“Loko ka talaga, Max. Hahanapin ko lang si Mang Rafael. Wala pa kasi rito ang
mga bulaklak na ipinabili ko sa kan’ya.”
“She’s back, Geo!” Masayang sabi ni Max. Ang tinutukoy nito ay ang
kasintahan. “Nairaos din namin ang limang taong long distance relationship. Inunawa
ko na lang si Nicole sa mga dahilan niya kaysa mag-away kami palagi. Ganoon siguro
talaga kapag mahal mo. Kahit hindi ikaw ang kaniyang priority ay maghihintay ka
hanggang maging ikaw naman.”
“Good for you. Magiging busy ka na in the next coming days. Sigurado akong
pagbabawalan ka niyang lumapit sa akin. Naintindihan ko ang galit niya.”
“Drama mo! Sige na, Love, hanapin mo na ang bagong tatay mo.”
Napangiti si Geo. Sa loob ng limang tao na naging karamay niya si Max ay
nalaman niya ang mga ugaling itinatago ng huli. Makulit ito, masayahin at palabiro.
Ang mga ugaling iyon na hindi aakalain na tinataglay ng lalaki dahil palaging
seryoso
ito sa harap ng mga empleyado ay madalas niyang makita lalo na sa mga panahong
nalulungkot siya.
Bago pa man makaalis si Geo ay dumating na si mang Rafael dala ang mga
bulaklak. Namumuo ang mga butil ng pawis nito at namumutla ang lalaki. Hinihingal
din ang matanda na agad kinuha ang larawan ni Katallea na nakapatong sa loob ng
ngayon ay mausoleum na ipinagawa ni Geo para sa asawa.
“Ibaba n’yo po muna ang mga bulaklak bago ni’yo titigan ang asawa ni Geo,”
Utos ni Max. “Baka magselos si Geo, matanggal kayo sa trabaho.”
Nawiwirdohan kasi si Max sa ikinikilos ng katiwala ni Geo. Nanginginig ang
mga kamay nito habang hawak at tinititigan ang picture frame kung saan nakalagay
ang
larawan ni Katallea.
“Nakita ko siya! Nakita ko siya! Buhay siya!” Malakas na turan ni Mang Rafael.
“Ang mga ngiti niya...Siya iyon, alam ko. Sigurado ako!”
Kumunot ang noo ng dalawang lalaki. Si Mang Rafael ay ibinaba na ang larawan.
Humarap ito kina Geo at Max.
“Buhay ang asawa mo, Sir! Nakasalubong ko siya!”
“Imposible iyang sinasabi mo, Manong.” Pagkuwan ay wika ni Max. Hindi kasi
siya makapaniwala sa sinasabi ng lalaki.
“Sir, kita ko siyang lumalakad. Mas maikli lang ang buhok niya kesa dito sa nasa
larawan. Nakita ko siyang nakangiti at bumati pa sa akin.”
“Saan mo siya nakita, Mang Rafael?” Tanong ni Geo.
“Naglalakad siya palabas ng sementeryo.”
“Baka uuwi na si Katallea sa bahay n’yo, Geo. Nagagalit na yata siya kasi palagi
ka na lang nandito.” Idinaan ni Max sa biro ang kabang nararamdaman. Ngunit hindi
na
iyon pinansin ng kaibigan niya. Mabilis na tumakbo si Geo para sundan ang babaeng
sinasabi ni Mang Rafael.
Hingal kabayo si Geo ng makarating siya sa may gate ng sementeryo. Luminga
siya sa kaliwa at kanan ngunit wala roon ang sinasabing babae ng katiwala. Nakita
niya
ang isang itim na van sa kalsada. Akmang lalapitan niya ito para tanongin ang
driver
ngunit mabilis itong sumibad.
“Hindi siguro ako napansin ng driver,” Bulong niya sa sarili.
Nanghihinang bumalik na lang si Geo sa puntod ng asawa niya. Si Mang Rafael
ay naroon pa rin at naglilinis na.
“Nakita mo ba, Sir?” Tanong ng lalaki.
“Wala po. Nagkamali lang yata kayo sa nakita n’yo.”
“Totoo ang sinasabi ko, Sir. Kapag bumalik siya rito, ipakilala kita sa kaniya.
Ngayon ko lang siya nakita rito pero alam ko, siya talaga ang asawa mo.”
“Naku baka puyat lang po kayo o baka naman lasing pa rin po kayo.”
Hindi na umimik ang matanda. Masakit pa kasi ang ulo niya dahil nakainom siya
kagabi. Nakita ni Geo ang mga bote ng alak kaya alam niyang hindi siya paniniwalaan
ng lalaki.
“Marahil nga, Geo. Baka sa katitingin ni Mang Rafael sa larawan ni Katallea ay
hindi na ito nawala sa isipan niya. Matagalan ka pa ba rito?” Tanong ni Max.
Sinadya
nitong ibahin ang usapan dahil nakadarama siya ng takot ng mga oras na iyon.
“Aalis din ako agad, Max. May meeting ako sa isang realty. Gusto silang maging
kasosyo ni Daddy para mas lumaki ang benta ng mga dini-develop naming properties.
Sinunod ko na lang para walang gulo.”
“Mabuti naman at nag-focus ka sa negosyo. Kumusta pala anak n’yo ni Clarise?”
Napailing si Geo. Hindi niya masabi kay Max na wala siyang nararamdaman na
kahit anong lukso ng dugo para sa bata. Ayaw nga niyang makita ito kahit dinadala
ito
ni Clarise sa bahay niya. Alam niyang ginagamit ng babae ang bata para muli siyang
makipagbalikan dito.
“Clyde is fine. Bibo ang bata.”
“Have you done a DNA test? Geo, sorry. Hindi mo kasi kamukha ang bata.
Maging si Clarise ay hindi rin siya kamukha.”
Napaisip si Geo. Tama si Max, malayo talaga ang itsura niya sa batang iyon.
“Thank you, Max. Wala kaming DNA test pang isinasagawa at sa tingin ko
kailangan ko iyon gawin ng palihim.”
Pagkatapos ng ilang palitan pa ng salita ay umalis na si Max. Si Geo naman ay
nagbilin muna ng mga mahahalagang bagay kay Mang Rafael bago lumisan.
Tumuloy si Geo sa kaniyang opisina. Gusto niyang mabasa muna ang tungkol sa
McKay Realty. Marami na siyang magandang naririnig tungkol sa mga ito kaya gusto
niyang makausap ang may-ari nito na walang iba kung hindi si Samantha McKay. Isang
Filipina na nakapangasawa ng Amerikano.
Nang makaupo si Geo ay ipinatawag niya ang bagong manager na pumalit kay
Anastasia. Simula ng mamatay si Katallea ay hindi na kasi naging maayos ang
turingan
nilang magpinsan. Alam niyang maraming lihim ang babae dahilan para lalong lumalala
ang alitan nila. Hindi na sila nag-uusap ng maayos kaya naman para sa kapakanan ng
kumpanya ay tinanggal na niya ito.
“Bakit walang picture dito ng may-ari ng MacKay Realty?”
“Sir, wala kaming makuhang picture niya. Sigurado po ba kayong tayo ang
lalapit sa kanila? Marami pong mga realty ang willing na makipag-negotiate sa
atin.”
“Iba ang hatak nila sa sales. Ang kalaban nating developer ay lumaki ang benta
sa kanila. Gusto kong bigyan sila ng magandang offer para makuha natin sila. Mga
professional at magagaling ang mga ahente nila kaya pinagkakatiwalaan ng maraming
mga clients.”
Napa tango na lang ang manager. Pinagmasdan na lang ito ang boss niya habang
sinusuyod ng lalaki ang kahit kaliit-liitang detalye tungkol sa McKay Realty.
“Isasama kita, Mrs. Vasquez. Please be ready,” ani ni Geo.
“Me? Are you sure, Sir?”
“Yes. May ilang oras ka pa naman para aralin ang mga detalye ng pwede nating
i-offer na commission percentage and bonuses para sa kanila.”
“Okay, Sir.”
Lumabas ang manager sa opisina ni Geo. Nabigla man ito sa narinig ay naghanda
naman ito. Binasa niya ang mga detalye ng nakalagay sa mga papeles na hawak n’ya.
Samantala sa opisina ng McKay Realty ay nakaupo ang isang babae. Mataman
nitong tinitingnan ang mga proyekto ng G. Arevalo Real Estate Developer Company. Sa
tagal niya sa larangan ng negosyo ay alam na niya kung ano ang pasikot-sikot doon.
Alam na niya kung bakit nakipag-set ng meeting si Geo Arevalo.
“Good afternoon, Ma’am. Mr. Arevalo is in the lobby right now. Paakyatin ko na
po ba?”
Tumaas ang kilay ng babae. Gusto niyang makita ang isang Geo Arevalo.
Nasasabik na siyang masilayan ang mukha ng taong dahilan kung bakit siya nasa
Pilipinas muli.
“Okay, paakyatin n’yo na siya rito sa opisina ko.”
Sa elevator naman ay kabado si Geo. Unang beses na tumapak siya sa building
kung nasaan ang McKay Realty. Noong una ay ayaw na niyang makipag-kompetensya
pa sa kalabang developer pero dahil sa walang tigil na pangungulit ng Daddy niya ay
napilitan na siyang pumunta roon.
“Good afternoon, Mr. Arevalo. Ms MacKay is still busy with her online meeting.
Please sit down.”
“It’s okay. Napaaga rin naman kami ng almost 40 minutes kaya willing to wait
kami. Umiwas kasi ako sa traffic.”
Ngumiti ng magalang ang babae. Alam ni Geo na sekretarya ito ni Samantha
McKay. Mga labing-limang minuto pa lang ang lumilipas ng makaramdam si Geo ng
pagkainip. Ayaw niya talagang pinaghihintay siya. Pakiramdam niya ay nasasayang ang
oras niya sa kauupo lamang.
“Sir, ayo lang po ba kayo?” Tanong ng manager na kasama niya. Nakita kasi nito
na hindi mapakali si Geo.
“Pupunta lang ako sandali sa CR. Mabilis lang ako,” Paalam niya.
Tumayo si Geo. Wala ang sekretarya ni Samantha sa lamesa nito kaya
naglakad-lakad na lang siya sa palapag na iyon. Magtatanong na lang siya kung
nasaaan ang banyo kapag may nakita siyang tao.
Habang naglalakad ay nadaanan ni Geo ang isang silid kung nasaan ang ibang
mga empleyado ng McKay Realty ay masiglang nagtatrabaho. Dahil hindi niya naman
talaga kailangang pumunta sa banyo bagkus ay gusto lang niyang magpalipas oras kaya
mula sa labas ng salaming bintana ay inobserbahan niya ang mga taong nasa loob ng
silid na iyon.
Hanggang sa nahagip ng mga mata niya ang isang pamilyar na mukha na limang
taon na niyang hindi nakikita. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Hindi siya
nakakilos o nakapagsalita. Bawat galaw ng babae ay masusi niyang sinusundan. Ang
mga ngiti nito, iyon ang mga ngiting hindi niya makakalimutan kahit kailan.
Hindi man iyon kasing ningning ng mga ngiti noon ng babae ang ngiting
nakikita niya ngayon ngunit tiyak ng puso ni Geo na ang nasa loob ay ang asawa
niya.
Maikli man ang buhok nito at malungkot ang mga mata ngunit hindi siya nagbago sa
loob ng limang taon.
“K-Ka-ta-llea?!” Bulalas niya.
Nangangatog ang tuhod ni Geo ng mga oras na iyon. Nananaginip ba siya? Ang
mga kamay niya ay pinagpapawisan ng malapot. Dahan-dahang siyang lumapit sa may
pintuan habang hindi niya inaalis ang mga matang nakatutok sa babaeng kausap ng
mga tao sa loob.
“She’s alive, but how?” Tanong ni Geo sa sarili. Sigurado siyang ang inilibing
niya ay ang kaniyang asawa dahil sa wedding ring nila na suot ng babae. Suot ni
Katallea iyon noong nawala ito at iyon ang naging matibay na ebidensya na si
Katallea
nga ang sunog na katawan na natagpuan nila. Hanggang sa libingan ay hindi niya iyon
tinanggal sa daliri ng asawa niya.
Bubuksan na sana ni Geo ang pintuan ng biglang sumulpot ang sekretarya ni
Samantha.
“Mr. Arevalo, narito lang pala kayo. Pinapapasok na po kayo sa opisina ni
Ma’am Sam. Our guests are not allowed to enter that room, Sir.”
Napapahiyang lumayo si Geo sa may pintuan. Muli siyang tumingin sa loob.
Wala na roon ang babaeng kanina lang ay walang sawa niyang pinagmamasdan.
“May employee ba kayo ritong Katallea San Sebastian or Katallea Arevalo?
Maikli ang buhok niya, naka-slacks siyang pantalon at naka-polong puti.”
“Wala po kaming ganiyang empleyado, Sir. Si Ma’am Sam lang po ang
naka-polong puti at naka-slacks na pantalon ngayon dito sa opisina,” Sagot ng
kausap
ni Geo.
“Si, Ms. McKay? Nasaan siya?”
“Nasa office n’ya po, Sir.”
“Impossible! May babaeng may ganoon suot sa loob ng room na ito. Malayo ito
sa opisina ni Ms McKay kaya malabong si Ms. McKay iyon. Hindi niya naman kayang
mag transport sa hangin.”
“Baka namamalikmata lang po kayo. Nasa office n’ya po si Ma’am Sam at wala
po riyan. Tayo na po.”
Hindi mapakali si Geo habang nakasunod siya sa sekretarya. Sigurado siya sa
kaniyang nakita. Ang asawa niya iyon. Ang puso niya ay naghuhurumentado ng makita
ito kaya tiyak niya na hindi siya nagkakamali. Tanging si Katallea lang kasi ang
kayang
gawin iyon sa kan’ya.
Nanghihina ang tuhod ni Geo. Kung kanina ay handang-handa na siya sa
meeting, ngayon ay hindi siya mapakali. Nawala siya sa focus. Ang isip niya ay tila
nwala sa pwesto nito at ganoon din ang puso niya.
“Sir, pwede na po kayong pumasok. Naghihintay na po si Ma’am Sam,” Sabi ng
sekretarya.
Wala sa sariling inihakbang ni Geo ang kaniyang mga paa papasok sa silid kung
saan naghihintay ang isang Samantha McKay.

KATALLEA CHAPTER 47
Isang malamyos na tinig ang nagpabalik ng diwa ni Geo. Inilibot niya ang
paningin sa paligid at sa hinuha niya ay nasa hospital siya. Agad siyang bumangon
sa
higaan.
“Mr. Arevalo, how are you?”
Ipiniling ni Geo ang kaniyang ulo. Ang babaeng nasa harapan niya at nagtanong
ay kamukhang-kamukha ni Katallea. Marahil ay ito ang nakita ni Mang Rafael sa
sementeryo. Ngunit iba ang nararamdaman niya. Kahit nakangiti ito ay wala ang
dating
pakiramdam noon sa tuwing nakikita niya ang masayang mukha ni Katallea.
“You look like my wife!” Nanlalaki ang mga matang sabi ni Geo. “But...Ah, what
is going on? Who are you?”
Nakakuyom ang mga kamao ni Geo na parang gusto niyang iuntog ang ulo sa
pader ng hospital. Sa isip niya ay nababaliw na siya kaya nakikita niya ang mukha
ng
kaniyang asawa kung saan-saan.
“Hey, calm down, Sir. Where is your wife? Can I have her number so that I can
tell what is happening to you right now?”
“My wife...You…” Habol ni Geo ang kaniyang hininga. “Mrs. Vasquez, nakikita
mo ba ang nakikita ko? Nababaliw na ba ako o totoong mukha ni Katallea ang nasa
harapan ko?”
Ang manager na kasama ni Geo ay tahimik lang din sa isang gilid. Bakas rin sa
mukha nito ang labis na pagkabigla. Nasa opisina kasi ni Geo ang malaking portrait
ng
asawa nito kaya kilala na niya ang mukha ni Katallea.
“What is your name?” Tanong ni Geo sa babae.
“I’m Samantha McKay.”
“What is your name again?”
“I said, I’m Samantha McKaya. I am the owner of McKay Realty. Nice meeting
you, Sir.” Inilahad ng babae ang kaniyang kamay.
Nagdadalawang-isip na inabot iyon ni Geo. Paglapat ng kanilang mga palad ay
pinakiramdaman niya ang sarili. Hindi niya madama ang init na dati ay dumadaloy sa
buong sistema niya kapag napapadikit siya kay Katallea.
Agad na binawi ni Geo ang mga kamay niya. Hindi niya kayang tagalan ang
hawak ng babae. Parang mababaliw siya sa titig nito.
“Please, huwag mo akong tingnan ng ganyan. Asawa ko lang ang pwedeng
tumingin sa akin ng ginagawa mo.”
Napapahiyang tumingin sa malayo si Sam. Umupo ito sa isang bakanteng upaun
at kinuha ang cellphone. Hinihintay nito ang sasabihin ng doctor kaya hindi pa ito
umaalis.
Malayang inalisa ni Geo ang panlabas na anyo ng babaeng abal sa pagtingin sa
gadget niya. Ang mga mata nito, ang mga labi, ang buong pagkatao nito ay
parehong-pareho kay Katallea.
Sopistikada man itong tingnan at malayo sa kung paano manamit noon si
Katallea ngunit hindi maikakaila na iisang mukha ang meron sila. Ang mga ngiti nito
ay
kapareho ng kay Katallea pero wala iyong dating. Ang mga mata nito ay nagkokontrol
ng isang emosyon na hindi mawari ni Geo. May kakaiba sa mga nagaganap, at hindi
iyon matukoy ni Geo.
“Sam-Samantha, right?” Tanong ni Geo. Gusto kasi niyang matiyak kung tama ba
talaga iyon o niloloko lang siya ni Katallea. Subalit may mali, bakit walang dating
sa
kan’ya ang babae? May nagbago ba?
“Yes, Mr. Arevalo. Kamukha ko ba talaga ang asawa mo?”
“Hindi mo lang siya kamukha, magkapareho kayo ng pananalita, ng tono, ng
hugis ng katawan, height, etc.”
“Mr. Arevalo, baka magselos niyan ang asawa ko.”
Oo nga pala, two years ng kasal si Samantha sa asawa nito ayon sa nakalap
niyang impormasyon. Ngunit hindi mapakali si Geo, walang kakambal si Katallea. Wala
ring kapatid. Alam niya iyon dahil noong namatay ang asawa niya ay napag-usapan ang
ginawang pagnanakaw ni Mang Nestor kay Katallea mula sa mga magulang nito. Patay
na rin ang totoong mga magulang ng babae kaya imposibleng magkaroon pa siya ng
kapatid.
“Have you heard the name Katallea? Are you familiar with it?” Tanong ni Geo sa
babae. “May nakita pa akong isang babaeng kamukha mo kanina sa building ng office
mo, same kayo ng outfit. I know she’s my wife.”
“Really? Employee ko ba ang asawa mo? Pero wala akong natatandaan pangalan
na Katallea na employee sa opisina ko. Hindi ko lang sure sa mga agents namin.
Kamukha ko ba talaga siya? That’s impossible!”
Tinawag ni Samantha ang sekretarya nito. Tinanong nito ang empleyado tungkol
sa pangalang Katallea ngunit nagkakandabulol ang babae sa pagsabing walang
ganoong pangalan sa McKay Realty.
“Thank you sa pagdala sa akin dito. I can manage now,” Sabi ni Geo. Ang totoo
ay gusto niya pang titigan ang mukhang iyon ng kaniyang asawa pero alam ng puso
niya na hindi si Katallea ang babae.
“Okay, hindi ko na hihintayin ang doktor. I’ll go ahead now. By the way,
mag-usap na lang tayo some other time.” May kinuha ang babae mula sa kaniyang
mamahaling bag. “Here, I’m inviting you to our Thanksgiving Party.”
Kinuha ni Geo ang card. Nakalabas na ang babae pero parang nasa kawalan pa
rin siya. Tinawag niya ang manager na kasama niya.
“Tell me, kamukha siya ng asawa ko, hindi ba? Hindi pa naman ako nababaliw
para makita ang mukha ng asawa ko sa ibang tao?”
“No, Sir. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala. Kamukhang-kamukha siya ng
babaeng nasa picture doon sa opisina mo.”
Nang matiyak na nasa tamang pag-iisip pa siya ay napanatag si Geo. Lumabas
siya sa hospital na iyon at dumretso siya sa kakilala niyang investigator.
“Akala ko Sir, wala ka nang plano para alamin ang mga nalaman ko. Ilang bese
kong sinubukan na makausap kayo kaya lang busy palagi kayo.”
Napailing si Geo. Inutusan niya nga pala ang kaharap na alamin ang tungkol sa
totoong nagpakalat ng mga larawan ni Katallea noong college pa lang sila. Dahil sa
pagluluksa niya sa pagkawala ng asawa ay hindi na niya naasikaso iyon. Isinara niya
rin kasi ang sarili sa mga tao sa loob ng limang taon.
Inisa-isa ng kausap na investigator ang lahat ng natuklasan nito. Namumula si
Geo sa labis na galit sa nalaman niya. Hindi siya papayag ngayon na hindi
pagbayarin
ang mga nagkasala sa asawa niya.
“Do me another favor. Investigate Ms. Samantha McKay’s personal life. I want a
result in no less than a week.”
May picture ba karo riyan, Sir?”
Picture? Hindi niya nakunan ng larawan ang babae kaya ang picture ni Katallea
na pinakatago-tago niya ang binigay niya sa kaharap. Kinunan niya ng palihim ang
larawang iyon habang hawak ng asawa niya ang isang puting bulaklak at nakangiti
itong nagpasalamat sa taong nag-deliver noon.
Halos malaglag sa kinauupuan niya ang imbestigador. Sa tagal niyang hinawakan
ang kaso ni Katallea ay hindi na rin nawala sa isip ng lalaki ang magandang mukha
ng
asawa ng boss niya.
“S-Sir, a-asawa n’yo?”
“I don’t know. Alamin mo kung sino siya. Ang nasa larawan ay si Katallea pero
iisang mukha sila. Maikli lang ang buhok niya ngayon.”
Kahit gabi na ay tumuloy pa rin si Geo sa condo ng babaeng kay tagal na niyang
hindi nakikita. Ilang tao na siyang hindi nakapunta roon ngunit kabisado pa rin
niya
ang lugar. Mabilis ang mga hakbang ni Geo habang nakakuyom ang kaniyang kamao.
Marahang katok ang ginawa ng ni Geo habang pilit kinokontrol ang sarili.
Nagulat pa ang babaeng noon ay nanonood ng palabas sa TV ng mapag buksan ang
lalaking hindi na niya kailanman inaasahan makikita pa sa condo niya.
Nang makita nito si Geo ay agad na rumihistro ang isang ngiti sa mga labi nito
ngunit agad iyong napalis dahil sa isang malakas na sampal na pasalubong ng lalaki.
Nanlaki ang mata ng babae. Sa tagal nilang hindi nagkita ni Geo ay hindi niya
inaasahan na iyon ang matatanggap niya sa muling pagkikita nila.
“You lied to me! Pinaikot mo ako, Amara! Ikaw ang pinaka pinagkatiwalaan ko
sa lahat ng mga kaklase natin noon. Paano mo nagawang magkalat ng mga pekeng
larawan ni Katallea?!”
“Katallea! Katallea! Puto ka Katallea! Wala na ang asawa mo, patay na! Ano
pang dahilan para saktan mo ako?”
Hindi napigilan ni Geo ang sarili niya. Hinawakan niya sa leeg ang babae dahilan
para mapanganga ito. Nanlilisik ang mata niya habang walang awang ipinalalasap sa
babae ang lakas ng kaniyang mga kamay.
“Bakit ka nagpakalat ng mga pekeng larawan? Bakit?”
Hindi makasagot ang babae. Mahigpit na hinawakan lang nito ang pulsuhan ni
Geo habang nakanganga. Pasalyang binitawan ni Geo ang babaeng nangangalang
Amara. Napaubo ito dahil sa kakulangan ng hangin.
“Kapag hindi mo sinabi ang dahilan mo kung bakit mo ginawa ang mga
kasinungalingang iyon, papatayin kita dito mismo sa condo mo! I don’t care kung
makulong ako tutal patay na rin si Katallea. Wala na akong dahilan pa para
mabuhay!”
Nahintakutan ang babae. Napasiksik ito sa gilid ng sofa. Nagsimula nang
mag-unahan ang mga luha sa pisngi at nanginginig na niyakap nito ang sarili.
“Geo, I’m sorry. Gusto ko lang naman ay makuha ang atensyon mo. Alam ko kasi
mahal mo siya noon kaya…”
“Damn it! All along inakala kong mabuti kang tao! Paano mo nakuha ang video
ng magkakaibigan habang nagtatawanan sila noong tinitingnan nila ang punit-punit na
wedding gown ni Katallea?! You were not there sa bahay ng mga San Sebastian kaya
paano mo naipasa sa akin iyon? Ang lahat ng pictures ni Katallea with Max, how did
you get it?”
Umiling ang babae. Kahit anong piga ni Geo rito ay hindi ito nagsasalita. Batid
ng lalaki na may pinagtatakpan ito. Hindi na makontrol ni Geo ang galit. Ang lamesa
ay
ibinaliktad na niya. Ang lahat ng nakikita ay sinisira niya. Ang laking pagsisisi
niya na
ang mga taong akala niya ay totoo sa kan’ya ay pinaglaruan lang sila ni Katallea.
Isang mahinang katok sa pinto ang nagpa-angat sa ulo ni Amara. Nakita ni Geo
na lalong natakot ito. Tumigil sa Geo sa pagwawala. Ilang hakbang ang ginawa niya.
Sunod-sunod na iling naman ang ginawa ng babae.
“Don’t open it, please.” Nabuhay ang kuryosidad kay Geo. “Huwag, Geo…”
Biglang binuksan ni Geo ang pintuan para lang mabigla sa kaniyang nakita.
Agad niyang hinaltak papasok ng condo ang bisita ni Amara sabay balibag niya ang
pinto.
“What are you doing here?” Dumadagundong na tanong ni Geo sa nabiglang si
Anastasia. Hindi alam ng babae na nasa condo ni Amara ang pinsan niya.
“Uhm.. Geo, napadaan lang ako,” Nagkakandabulol na paliwanag nito.
“Huwag n’yong bilogin ang ulo ko! Magkasabwat kayo! Mga sinungaling
kayo!” Sigaw ni Geo.
“Geo, anong sinasabi mo?” Maang-maangan ni Anastasia.
Isang malakas na sampal ang ipinadapo ni Geo sa pisngi ni Anastasia. Buong
katawan ng lalaki ay nauuga dahil sa tindi ng galit na nadarama na niya.
“Magsalita kayong dalawa ngayon din dahil sabay-sabay tayong mamamatay rito
kung maglolokohan pa rin tayo!”
“Geo, I’m sorry. Mahal kita at ginamit lang din ako ni Anastasia para gawin ang
mga iyon. Tinulungan niya kasi ang pamilya ko para makaahon muli sa negosyo. Noong
nag-aaral tayo, nalugi kami kaya noong binigyan ako ng offer ni Ms. Montimar ay
tinanggap ko na para sa pamilya ko.”
“Hindi totoo iyan! Kusa niyang ginawa iyon dahil galit siya kay Katallea. Pabida
kasi ang asawa mo kaya sa lugar na siya ang muse noon ng klase n’yo ay naging si
Katallea iyon!” Tanggi ni Anastasia.
“Mahal kita kahit noon pa, Geo. Alam ko ang mga lihim mong tingin kay
Katallea kaya nagseselos ako. Tinulungan lang ako ni Ms. Montimar para makuha ka
kapalit noon ay susundin ko ang mga utos niya.”
“Nagsabwatan kayo sa walang kwentang bagay! Sinira n’yo ang reputasyon ng
isang tao dahil sa sarili n’yong interest!”
Tumaas ang kilay ni Anastasia. “Marami kang hindi alam! Inakala ko kasi noon
na anak siya talaga ni Mang Nestor. Ang walang hiyang lalaking iyon, pinatay niya
ang
lolo natin!”
“Bakit ka nakialam sa away ng matatanda? Magpasalamat ka dahil kahit paano
iginagalang pa kita.” Dinuro ni Geo si Anastasia. ”At ikaw, pwede kitang kasuhan
dahil
sa ginawa mo kay Katallea! Ngunit hindi ko gagawin yon! Gagantihan kita sa ibang
paraan! Pababagsakin kong muli ang negosyo ng pamilya mo!”
Parang ipo-ipong lumabas ng unit na iyon si Geo. Gusto niyang patayin ang
dalawa ngunit may dahilan pa siya para huwag sayangin ang kaniyang buhay. Ang
pagkikita nila ni Samantha ay hudyat para gumawa siya ng mabuti at maningil ng
pautang sa tamang paraan. Hahayaan niyang batas ang magparusa sa mga taong nanakit
sa kanilang mag-asawa.
Naiwan namang nagsusukatan ng tingin sina Amara at Anastasia.

KATALLEA CHAPTER 48
Natagpuan ni Geo ang sarili niya sa puntod ng kaniyang asawa. Si Mang Rafael
na sa mausoleum na rin nakatira ay napaawang ang mga labi. Hindi na kasi doon
natutulog si Geo simula ng pinalagyan niya iyon ng maraming ilaw kaya naman nagulat
ang matanda sa biglang pagdating niya.
Kahit mag hapunan ay hindi nagawa ni Geo. Ang mga natuklasan niya at nakita
ng araw na iyon ay sapat na para hindi siya makaramdam ng gutom. Ang galit sa
kan’yang puso para sa mga taong naging dahilan ng kasawian nilang mag-asawa ay
hindi mawala kahit pilit niyang pinakakalma ang sarili.
Agad siyang tumawag sa isang tauhan para pabagsakin ang pamilya ni Amara.
Wala siyang pakialam kung maghirap ang pamilya ng babae. At dahil may mga isyu ang
kumpanya ng mga ito kaya bukas ay alam niyang magsisimula na ang kalbaryo ng
pamilya ni Amara.
Kaklase nilang mag-asawa si Amara. Malapit din ito noon kay Katallea kahit
hindi maituturing na magkaibigan ang dalawa. Si Anastasia ang dahilan kaya naging
magkaibigan sila ni Amara hanggang sa maging kabit niya ito dahil ipinaramdam ng
babae sa kaniya na may karamay siya. Ngunit ang hindi niya alam ay planado pala ng
pinsan niya ang lahat. Si Katallea ang pinagbayad ni Anastasia sa kasalanan ni Mang
Nestor habang ang tunay nitong anak ay malayang naging parte ng buhay ng babae.
Lahat kasinungalingan, lahat pagkukunwari. Tiyak ni Geo na sa komplikadong
sitwasyon ng mga pamilya nila ay may lihim pa siyang kailangang tuklasin. Ngunit
sino
si Samantha McKay?
Kinabukasan, alas-otso na nang nagising si Geo. May nakahanda ng kape at
pandesal si Mang Rafael. Sa limang taon na patay na si Katallea ay bumagsak ang
katawan niya. Ang pangungulila sa asawa ay naging dahilan para mawalan na siya ng
ganang mabuhay ngunit para sa kaniyang Mommy ay sinikap niya na unti-unting
tanggapin ang lahat.
Masakit ang ulo ni Geo dahil sa gutom kaya nagdesisyon siyang kumain ng
kanin. Naglakad siya palabas ng sementeryo para bumili ng pagkain. Walang problema
kung sa mga tindahan siya sa labas bibili dahil nakasanayan na niyang kumain sa mga
turo-turo sa tabi ng sementeryo.
“My God, tumingin ka nga sa dinadaanan mo!” Singhal ng babaeng nabangga
niya.
Napatulala si Geo. Si Katallea ang nasa harapan niya! Kilala niya ang kaniyang
asawa!
“Kat! Kat, I miss you!” Walang pag-aalinlangan niyakap niya ang babae. Ang
kaniyang puso ay nagwawala sa galak. Halos lumabas ito sa kinalalagyan nito.
Nanginginig ang buong katawan niya dahil sa pagkabigla at pinagpapawisan siya dahil
samagkakaibang emosyon.
“Mr. Arevalo!” Gulat na sabi ng babae. “I’m not your wife. I’m Samantha
McKay.”
Hindi bumitaw si Geo sa babae kahit ipinagtutulakan siya nito. Alam niyang si
Katallea ang nasa harap niya. Kahit ibang pangalan ang sinasabi nito at kahit
malaki na
ang ipinagbago nito ay tiyak niyang ito ang kaniyang asawa.
“Kat, alam kong ikaw iyan. Sa’yo ko lang nadarama ang ganitong pakiramdam.
Ikaw lang ang tanging babae na kayang guluhin ang tahimik kong puso. Your soft
skin...God, I can’t forget the feeling of having you in my arms.”
“You’re crazy, Mr. Arevalo!” Pinipilit ni Samantha na kumawala sa mga bisig ni
Geo.
“I’m not crazy for God’s sake, Katallea! I know it’s you. Ikaw rin ang nakita
kong babae sa opisina ng McKay Realty.”
“Mr. Arevalo, let me go! Nakakatakot kang maging business partner! May sayad
ka!” Isang malakas na tulak ang ginawa ng babae ngunit hindi nagpatinag si Geo.
“Mr. Geo Arevalo, bitawan mo ang asawa ko!” Isang Amerikanong magaling
magsalita ng tagalog ang nagpabalik sa katotohanan kay Geo. Kararating lang nito at
halatang galing sa pag garahe ng sasakyan dahil hawak nito ang susi sa kamay.
“I’m sorry. Nababaliw na nga yata ako.” Dahan-dahang lumayo si Geo kay
Samantha. Tila naman nainis sa ginawa niya ang babae. Kung kahapon ay todo ngiti
ito,
ngayon ay seryoso ang mukha nito.
Ang puso ni Geo ay hindi mapakali kahit kinukumbinse na ito ng utak niya na si
Samantha ang nasa harapan niya. Patuloy ang pagtibok nito. Ang pag-ibig niyang
tanging sa asawa niya lang nadama ay ipinaaalala sa kaniya ng pusong walang tigil
sa
pagtibok.
“Hello, Mr. Arevalo, I’m asking you kung bakit narito ka sa sementeryo?” Pukaw
ni Sam sa tulalang lalaki at nakatitig lang sa kaniya.
“I’m sorry. Dito kasi nakalibing ang asawa ko. Madalas sinasamahan ko siya sa
gabi. Takot kasi siya sa madilim na lugar.”
“Bakit siya takot sa madilim, Sir?” Usisa ni Samantha.
“Because of me. It was my fault.”
Tumaas ang kilay ni Samantha. Hinanap ni Geo ang ngiti ng babae ngunit
ipinagkait iyon sa kaniya ng kaharap. Marahil ay nagalit ito dahil sa ginawa niya.
“Let’s go, hon.” Inalalayan ng kano si Samantha papasok ng sementeryo.
“Sinong dinadalaw n’yo rito?” Tanong ni Geo.
“Our baby,” Maikling tugon ni Sam.
Habang naglalakad palayo ang mag-asawa ay kay bigat ng puso ni Geo. Iba ang
damdamin niya sa Samantha na nakita niya kahapon at sa Samantha ngayon. Hindi siya
mapakali. Maraming bakit at paano sa isipan niya.
Habang naglalakad katabi ng kaniyang asawa ay matigas ang mukha ni
Samantha. Nanghihina ang tuhod niya ngunit hindi ang puso at isip niya.
“Pababagsakin kita, Geo Arevalo. Magbabayad ka sa lahat ng kasalanan mo!”
Sigaw ng utak niya.
“Are you alright?” Tanong ni Mr. McKay.
Tumango si Sam ngunit hindi nagsalita. Pagdating sa puntod na pakay nila ay
may sumalubong sa kanila.
“Bakit ka pa sumunod dito?” Tanong nito.
“Dahil nandito si Mr. Arevalo!”
Katahimikan ang sumunod na nangyari. Kani-kaniya sila ng iniisip at kung ano
man ang mga iyon ay sila lang ang may alam.
Samantala, nakauwi na si Geo. Nadatnan niya ang kaniyang Daddy na
naghihintay sa kan’ya sa sala ng bahay nila ni Katallea.
“Where have you been? Sa puntod na naman ba ng walang kwenta mong
asawa?” Mainit na salubong kay Geo ni Don Arman.
“Kung may walang kwenta rito, kayo iyon! Huwag n’yo akong pagmalakihan
dahil pwede ko kayong ipakulong ano mang oras.”
Tinawag si Geo ng Mommy niya ngunit humalik lang siya sa ina at pagkatapos
ay umakyat na sa kaniyang silid. Gulong-gulo ang isip niya. Bakit biglang sumulpot
si
Samantha McKay? Teka, matagal na siya sa real estate pero hindi niya kilala ang
babae?
Naligo sandali si Geo. May tawag siyang natanggap mula kay Max. May
natuklasan daw ang mga pulis sa Batangas. Hindi makontak ang cellphone niya kaya
kay Max tumawag ang mga ito.
Ilang saglit pa ay bumaba na ulit si Geo. Nanghihina siya dahil kagabi pa siya
walang kain pero dahil importante ang lakad nila ni Max ay sa daan na lang siya
kakain.
Nawalan kasi siya ng ganang mag-almusal kanina ng makita niya si Samantha.
“Pinaglalaruan ba ako ni Samantha? Bakit magkaiba ang damdamin ang
nararamdaman ko sa kaniya? Baliw na ba ako?”
Kumakain si Geo sa isang restaurant sa Batangas ng dumating ang
magkasintahan Max at Nicole. Galit ang babae na kahit makipag-beso-beso sa kanya ay
hindi ginawa. Naiintindihan iyon ni Geo dahil alam niya kung gaano kamahal ng mga
kaibigan niya si Katallea.
“Matagal pa ba tayo rito? I don’t feel comfortable being with him,” Parinig ni
Nicole. Kausap nito ang nobyo niya.
“Sabi ko na naman kasi sa’yong maghintay ka na lang ng balita,” Sagot ni Max.
Hindi nakatiis si Geo. Hindi kasi mawala sa isip niya ang Samantha McKay na
nakita niya sa sementeryo. Iisa lang naman ito at ang Samantha na nakita niya sa
McKay Realty pero bakit iba ang dating sa kaniya ng babae sa sementeryo?
“Max, kilala mo ba si Samantha McKay?” Tanong niya habang paupo ang
magkasintahan sa harapan niya.
“I haven’t heard the name. Why?”
“Kamukha siya ni Katallea.” Nanlaki ang mata ni Max at pabigla nitong
naipatong sa lamesa ang mga kamay.
“Baliw ka na nga. Nakokonsensya ka na ba Arevalo kaya kung kani-kanino mo
na lang nakikita ang kaibigan ko?” Ani ni Nicole. Umismid ang huli na hindi
nakaligtas
sa paningin ni Max.
“I’m sorry, Geo. Hindi ko na dapat pang isinama si Nicole.”
“Bakit, Max, ako ba ang may kasalanan dito?” Mataray na tanong ng babae. “Sa
lahat ng pinagdaanan ng kaibigan ko sa kamay mo, Arevalo, tama lang na mabaliw ka!”
“Hindi ako baliw,” Mahinang sagot ni Geo. Hindi na rin kasi siya sigurado kung
tumakbo pa ba sa tama ang utak niya.
“As far as I can see, you’re insane! Kailangan mo ng doctor. Tama iyan, ikaw
mismo ang magparusa sa sarili mo.”
Tumayo ang babae at nagpaalam kay Max na sa sasakyan na lang siya
maghihintay sa kasintahan. Naiwan ang dalawang lalaki na tila nagpapakiramdaman.
“I’m sorry. Kahit anong kwento ko sa kaniya sa pinagdaanan mo sa loob ng
limang taon eh sarado na ang utak niya,” Sabi ni Max.
“Naiintindihan ko siya, Max.” Iyon lang ang tanging nasabi ni Geo.
“Basta tandaan mo, love, nandito lang ako.”
“Tigilan mo nga ako. Baka marinig ka ni Nicole, magong ako pa ang dahilan ng
hiwalayan ninyo.”
Nagkatawanan ang magkaibigan. Dagil birong iyon, sa isang iglap ay
pansamantalang napawi ang lungkot at pag-aalala sa puso ng isang taong
nangungulila.
Mabilis na tinapos ni Geo ang pagkain. Nakasimangot na si Nicole sa paglabas
ng dalawang lalaki sa restaurant. Sumakay si Max sa sasakyan nila at si Geo naman
sa
dala niyang van. Tumigil sila sa police station kung saan sinalubong sila ng isang
pulis
na may mataas na katungkulan.
“I’m sorry, Sir, kung ipinatawag namin kayo rito. May kailangan kasi kaming
kumpirmahin mula sa inyo,” Sabi ng pulis.
Umupo ng magkakatabi ang tatlo. Si Nicole ay hindi nakatiis kaya tumayo at
nagpalakad-lakad.
“Kilala n’yo po ba ang mga ito? Sila kasi ang mga taong nagbigay ng maling
impormasyon noong gabi na sabi mo Mr. Arevalo ay parang naglagay ng droga sa
ininom mo.”
Halos hindi makagalaw si Geo ng makita niya ang pictures na inilapag ng pulis.
Maging sina Max at Nicole ay nabigla rin sa nakita nila.
“Ibig sabihin narito sila sa Batangas noong nagbakasyon kayong mag-asawa!”
Gulat na gulat na sabi ni Max.
“Narito sila pero ang lumabas sa imbestigasyon namin ay kusang lumabas ng
resort ang asawa mo, Mr. Arevalo. Walang foul play sa pagkamatay niya. Tanging
paglalagay lang ng gamot sa inomin mo ang nakita naming ginawa ng dalawang ito.”
“Iyong tali noon sa silid na inukupa namin…”
“Ginagamit talaga iyon minsan sa kwartong iyon kapag malakas masyado ang
hangin kaya may ganoon doon.” Putol ng pulis sa sasabihin pa sana ni Geo.
“May nangyari noong gabing iyon na hindi ko alam. Hindi aalis ang asawa ko ng
gano’n-gan’on na lang.”
“She’s a battered wife according sa mga sources namin kaya may rason ang
asawa mo, Mr. Arevalo, na iwanan ka.”
Napanganga si Geo habang ang mga kasama niya ay kalmado sa lahat ng
balitang kanilang natatanggap.
Umalis sila sa pulis station nang wala sa sarili niya si Geo. Si Nicole ay hindi
siya
kinausap man lang. Si Max ay panay ang tapik sa balikat niya. Hindi magawang
magbiro ng huli dahil alam nitong masama ang kaniyang timplada.
Sa patong-patong na kasalanan nina Anastasia at Clarise ay hindi alam ni Geo
kung ano ang gagawin. Kung marahil nga walang anak ang mga ito ay baka napatay na
niya ang dalawa. Ngunit hindi niya kaya na agawan ng magulang ang dalawang bata
dahil ayaw niyang maranasan ng mga ito ang pinagdaanan niya.
Batid na ni Geo na may dapat pa siyang malaman dahil hindi kumpleto ang ulat
ng mga pulis. Determinado siyang alamin iyon sa sarili niyang paraan.

KATALLEA CHAPTER 49
Sa loob ng limang taon ay hindi na halos nagkikita sina Anastasia at Clarise.
Matindi ang galit ni Anastasia sa dalaga dahil sa ginawa nitong panloloko sa kaniya
kaya naman hindi inaasahan ng babae na magkakaharap silang muli sa isang
eksklusibong silid ng isang mamahaling hotel.
“What are you doing here?” Mataray na tanong ni Anastasia kay Clarise.
“Geo invited me for a dinner pero pinapunta niya muna ako rito para sa isang
sorpresa. Eh ikaw, bakit ka pakalat-kalat rito? Balita ko hindi na ganoon kayaman
ang
pamilya mo. Nalulugi na raw ang negosyo ng asawa mo.”
“Wala kang pakialam. Kasalanan iyon ng McKay Realty. Sinulot nila ang mga
agents namin at pinalabas na hindi kami nagbibigay ng commission sa mga division
managers ang agents.”
“Pinalabas or kusang lumabas?” Usisa ni Clarise.
“Alam mo, hindi ko nagugustuhan ang tono ng pananalita mo. Alam ko na
ngayon na ikaw lang pala ang humuhuthot sa akin ng pera. Akala mo siguro ay hindi
kita mabubuko,” Galit na sabi ni Anastasia.
Ngumisi si Clarise. Alam na rin kasi ni Anastasia na si Katallea ang tunay na
ampon at hindi talaga si Clarise.
“Tanga ka kasi Anastasia kaya naloko kita!” Parang reyna na naupo si Clarise sa
kama habang panay ang tawa.
“How dare you? Siguro nga ikaw talaga ang nagpapatay kay Joey. You even
texted me to be at the accident area during that time. Paano mo nakuha ang number
ko?”
“Sa phone ni Geo. Hindi ako ang may kasalanan tungkol sa pagkamatay ni Joey.
Bago ka mag bintang bigyan mo ako ng proofs.”
“I have plenty of proof against you, Clarise. Alam ko rin na pinulot mo lang sa
kung saan ang anak mo!”
“Ako rin Anastasia, alam ko rin na hindi anak ng asawa mo ang anak n’yo.
Ipinababa mo ang panty mo sa babaero mong ex-boyfriend sa pag-aakalang mahal ka
pa rin niya. Pareho lang tayo kaya tumahimik ka kasi puputulin ko ang dila mo.”
Napapailing na pinapanood nina Geo, asawa ni Anastasia at ng imbestigador sa
isang screen ang labanan ng matatas na salita sa loob ng kwarto kung saan naroon
ang
dalawang babae.
Ang asawa ni Anastasia ay pinagpapawisan ng malalapot habang nakakuyom
ang mga kamao nito. Buong akala niya ay maayos ang pagsasama nilang mag-asawa
kahit na nagsimula sila ng walang pagmamahal. Sinunod niya lahat ang gusto ni
Anastasia upang mapanatili lang ang maayos na pagsasama. Buong akala niya ay
mabuting maybahay ito.
“Itikom mo ang bibig mo! Wala kang ebidnesya!”
Ngumisi si Clarise. Ang pilyang babae ay hindi magpapatalo. Itinakwil na siya
ng mga magulang niya. Tanging si Geo na lang ang pwede niyang asahan kaya ganoon
na lang ang pagsisikap niyang mailapit ang bata sa kunwari ay ama nito. Hindi si
Anastasia ang wawasak ng mga pinaghirapan niya.
“Ano kayang magiging reaksyon ng pamilya mo, Anastasia, kapag nalaman
nilang ikaw ang nagpapalagay ng drugs sa inumin ni Geo para mabaliw at tumakas ang
Ate-atehan ko?”
“Magkasabwat tayo roon. Huwag mong kalimutan!”
“Ah, hindi! Sa ating dalawa, ikaw ang may yaman at pangalan. Kumbaga, hindi
kita kayang utakan. Walang maniniwala na ikaw ang sumunod sa mga utos ko.”
“Tayo ang nagplano noon! Ikaw ang naglagay ng drugs at hindi ako! Sino ba ang
bumili hindi ba ikaw?”
“Ako ang bumili, pero kanino ba nanggaling ang pera? Sa iyo, Anastasia!”
Pumapalakpak si Clarise habang sinasabi iyon. Nagagalak siya sa pagkataranta
ni Anastasia.
“Tuso ka, Clarise. Hayop ka!”
“Pareho lang tayo, Anastasia. Balita ko ay iniligpit mo na rin si Amara, ang babae
ni Geo na nakatira sa condo. Thank you, ha. Ginawan mo ako ng malaking pabor. Wala
na akong kalaban sa puso ng lalaking mahal ko.”
Hindi naituloy ni Clarise ang pagtawa ng mahagip ng mga mata niya sina Geo at
asawa ni Anastasia na nakatayo sa may pintuan ng silid.
Isang malakas na sampal ang ibinigay ng asawa ni Anastasia sa babae. Si Clarise
naman ay hindi nakahuma at panay lang ang lunok ng laway niya.
“I’m sorry, honey. Pakinggan mo ang mga sasabihin ko,” Pagmamakaawa ni
Anastasia sa kaniyang asawa.
“Lahat ng assets ng kumpanya ay kukunin ko. Iyon ang nakalagay sa kontrata ng
mga pamilya natin. Walang matitira sa’yo o sa mga magulang mo. It’s up to Geo kung
kakasuhan ka sa kawalang-hiyaang ginawa mo sa sarili mong kadugo!” Sigaw ng asawa
ni Anastasia.
Pagkasabi noon ay humakbang na ang lalaki palabas. Lumuluhang sumunod at
naglambitin si Anastasia sa braso ng kaniyang asawa ngunit bingi na ang lalaki.
Naiwan sina Geo at Clarise sa silid na iyon habang nasa labas lang ng pintuan
naghihintay ang imbestigador.
“Katallea was right. Lahi nga kayo ng mga sinungaling. Wala ka ng makukuhang
sustento mula sa akin at lilisanin mo na rin ag condo kung saan ka nakatira ngayon.
Isama mo ang anak na dinukot mo kung saan.”
“Geo, bakit?” Maang-maangan ni Clarise. “Inosente ako. Lahat ng ito'y
kagagawan ng pinsan mo.”
“Huwag mong paikutin ang ulo ko! Hindi na ako ang dating Geo na tanga at
sunod-sunuran sa mga taong nakapaligid sa akin. Bibigyan kita ng isang araw para
umalis sa condo kung hindi ay ipalala;adkad kiya palabas doon.”
“Geo, ano ba ang narinig mo? Inosente ako. Kagagawan ito lahat ni Anastasia.”
“Narinig kong lahat, Clarise. Recorded din lahat! Dapat nga kakasuhan kita pero
dahil minasan kang minahal ni Katallea, alam kong hindi siya matutuwang makita ka
sa
kulungan. Buhay at kalayaan niya ang kaniyang isinakripisyo para sa iyo pero ang
ibinalik mo sa kanya at kirot at pasakit. I should have put you in jail, but I will
not do
that! Magdusa ka sa labas ng kulungan! Sisiguraduhin kong mamumuhay kang parang
patay na!”
Napaupo si Clarise dahil sa tindi ng emosyon. Wala siyang pamilyang mauuwian,
wala siyang maaaring puntahan. Paano siya ngayon?
Thanksgiving party ng McKay Realty.
Diretsong nilagok ni Geo ang alak sa kaniyang baso. Mag-isa lang siya sa lamesa
at walang kausap. Naroon lang siya dahil sa iisang dahilan. Gusto niyang makita si
Samantha McKay.
Noong isang araw lang ay nagpirmahan na sila ng kontrata. Opisyal ng magiging
taga-benta ng mga subdivisions na ipapatayo nila ang kumpanya ng babae. Alam
niyang tataas ang sales nila dahil sa malakas bumenta ang mga ahente ng nasabing
kumpanya. Si Mr. McKay ang ipinadala ng kumpanya dahilan para manlumo si Geo. Si
Sam kasi ang gusto niyang makita noon.
“Hello, Mr. Arevalo. I’m glad you’re here. Welcome!” Bati ng isang
napakagandang babae. Ang mukha nitong kay amo ay binagayan ng gown na supt nito.
Ang mga ngiti sa labi nito ay hindi nawawala kaya naman mas lalo itong naging angat
sa mga kababaihang naroon.
“Hi, Ms. McKay, thank you for inviting me here.”
Inilahad ni Geo ang mga kamay niya upang makipagkamay sa babae. Agad
naman iyong kinuha ni Sam at sa isang iglap ay naglapat ang mga palad nila.
“Call me, Sam. Iyan ang tawag ng karamihan sa akin.”
“Sam? Okay, Sam.”
“So, maiwan muna kiya, ha. I have to greet some other guests. Wala pa kasi ang
asawa ko kaya ako muna ang punong-abala.”
“Yeah, go ahead.”
“Enjoy the party, Sir.”
Kunot-noo si Geo. Kinakapa niya ang puso niya, tahimik iyon at kalmado.
Napailing si Geo at nilagok ang bagong salin na alak.
“Bakit ganito, iba na naman ang pakiramdam ko sa Samantha na nakaharap ko
kanina?” Bulong ng isip niya.
Maingay sa paligid. Malakas na tugtog ang umalingawngaw sa buong club
house. Nagsimula na ang party dahil dumating na rin si Mr. McKay. Pagkatapos
ipakilala si Geo bilang special guest ay nagdesisyon ang lalaki na lumabas muna.
Kahit
kasi may mga kasama na siya sa lamesa ay hindi siya komportable.
“Ang tagal ko na palang hindi uma-attend ng mga ganitong okasyon. Simula ng
mamatay ka, Kat, nawalan na rin ng sigla ang buhay ko. Hindi na ako sanay sa
ingay,”
Bulong ulit ng isip niya habang nakatitig sa basong may lamang alak.
Nagpaalam siya saglit sa mga kausap niya sa lamesa para lumabas at
makalanghap ng hangin. Habang nakatingin kasi siya kay Sam ay parang nakatingin
siya sa asawa niya. Pero hindi niya maramdaman ngayon sa babae ang naramdaman
niya noong nakita niya ito sa sementeryo.
Nakita niyang lumabas si Sam at nawala ito sa clubhouse kung saan ginaganap
ang party. Napangiti si Geo ng mapakla. Mukha yatang mababaliw siya dahil kay
Samantha McKay. Natatakot siyang dumating ang araw na iyon na tuluyan na siyang
mawala sa sariling katinuan kaya sinisikap niyang pakalmahin ang kaniyang isip.
Sa hardin natagpuan ni Geo ang sarili. Nasa kaliwang bahagi ito ng clubhouse.
Maraming puno sa paligid na humaharang sa nagpapaliwanag na ilaw ng buwan.
Nagulat pa siya ng may makitang nakaupo sa ilalim ng isang puno. Nagsimulang
kumabog ang dibdib niya. Hindi mapigilan ni Geo ang humakbang ng mabilis papalapit
sa babae.
“Katallea?” Halos bulong na lang iyon pero agad napatayo ang babae.
“Hey, Mr. Arevalo, why are you here?”
“Kat...Kat, I miss you.” Inilang hakbang ni Geo ang espasyong namamagitan sa
kanila bago niya ikinulong sa mga bisig ang nagulat na babae.
Itinulak ng babae si Geo sabay sampal nito sa hindi natinag na lalaki.
“You’re crazy, Mr. Arevalo! Can’t you recognize me? I am Samantha! Kanina
lang ay maayos tayong nag-uusap!”
“How could it be?” Nahihirapang tanong ni Geo. Ang babaeng kaharap niya
ngayon at kanina ay pareho ng damit. Magkatulad din ng ayos at maging ang itsura
pero bakit mgakaibang damdamin ang nararamdaman niya. Bahagya niyang binitawan
si Sam dahil nagpupuyos ito sa galit.
“Kanina lang ay maayos tayong magkasama sa loob, kahit ngayon ay parang
baliw ka riyan, Mr. Arevalo?” Ulit ng babae.
“I don’t know. Hindi ko talaga alam. I know, it’s you, Kat. Sa loob ng limang taon
ay inakala kong patay ka na pero alam ko ikaw iyan. Sobra akong nagdusa sa mga
panahong iyon. Kung hindi dahil kay Max ay baka wala na rin ako.”
“Mukha kang okay at hindi nagluksa, Sir. Kung hindi mo matanggap ang
kamatayan ng asawa mo, please huwag mo siyang buhayin sa akin.”
Akmang tatalikod na ang babae ngunit hindi nakayanan niyon ng puso ni Geo.
Buong pait niyang tinawag ang pangalan nito kasabay ang hindi napigilang bugso ng
damdamin. Patalikod niyang niyakap ang babae at isinubsob ang kaniyang ulo sa
balikat nito.
“God knows how much I miss you. Kilala kita, Kat. Sa’yo lang tumitibok ng
ganito ang puso ko. Hayaan mo akong magpaliwanag sa mga nangyari noon.” Umiiyak
na sabi ni Geo.
Hindi halos makahinga ang babae. Ang nagsusumamo na tinig ng lalaki sa
likuran niya ay hinhiwa ang kaniyang puso.
“Sir, naiintindihan ko ang pinagdaanan mo ngunit hindi ako ang asawa mo!”
Kasing tigas ng bato ang tono ni Samantha ngunit walang epekto iyon kay Geo.
“Hindi ako papayag na mawala kang muli,” Pagkuwan ay sabi ni Geo.
Pinilit kumawala ni Sam sa mga bisig ng lalaki ngunit dahil sa higpit noon ay
hindi niya magawa.
“Sisigaw ako kapag hindi mo ako binitawan,” Banta niya sa lalaki.
“Walang makakarinig sa’yo. Malakas ang tugtog sa loob at tayong dalawa lang
ang nandito.”
Ngunit nagkamali si Geo. Mula sa kung saan ay sumulpot si Mr, McKay at agad
na hinaltak ang asawa niya sabay pakawala nito ng malakas na suntok sa mukha ni
Geo.

KATALLEA CHAPTER 50
Pagkatapos masuntok si Geo ay kinaladkad siya ni Mr. McKay papunta sa may
parking lot. Dahil ginanap ang party sa clubhouse in isang sikat na subdivision
kaya
naman maraming mga bisita ang nasa labas rin at iniikot ang paningin sa paligid
lalo na
sa napakagandang pool na matatagpuan sa kanang bahagi noon.
Si Sam ay mabilis na pumasok sa loob ng clubhouse at muling lumabas kasama
ang ilang mga kakilala para tulungan si Mr. McKay kung sakaling manlaban si Geo.
Walang imik si Geo habang kaharap si Sam. Nanlilisik ang mata ng babae ngunit
hindi iyon ang dahilan ng kanyang pananahimik. Hindi niya madama sa babaeng
kaharap ngayon ang pagkatuliro kanina. Kalmado ang puso niya kahit napakalapit ni
Sam sa kan’ya.
“Kakambal ka ba ng asawa ko? Alam kong hindi ikaw si Katallea at ikaw ang
asawa ni Mr. McKay! Ilabas mo ang asawa ko!” Sigaw ni Geo ng mapagtanto niyang
ibang tao ang nasa harapan niya. “Hindi ako nababaliw! Kilala ng puso ko ang aking
asawa kahit limang taon kong inakalang patay na siya.”
“Mr. Arevalo, palagay ko ay mali sa iyo. Hindi stable ang utak mo,” Sabi ng
babae.
Ngumisi si Geo. Alam niyang may mali at hindi ang sarili niya ang may
deperensya. Ngunit paano na may kakambal si Katalea? Sino ang inilibing niya?
“No, I will repeat, I am mentally stable! Huwag n’yong palabasing nababaliw
ako! Alam kong may galit ang asawa ko sa akin dahil sa nangyari sa resort. Hindi ko
man maalala iyon, alam kong may nangyari noon na hindi maganda. Is this a part of
revenge? God, huwag n’yong pahirapan ang utak ko.”
“Mr. Arevalo, I think you’re out of your mind. Ayaw kitang bastusin, kindly
leave the party now,” Pagtataboy ni Mr. McKay sa lalaki. Ang lalaking ito na kahit
Amerikano ay magaling managalog dahil sa madalas nitong pagbisita sa bansa ay
malaki kumpara kay Geo.
Itinaas ni Geo ang mga kamay niya. Pinagtitinginan na kasi siya ng ibang mga
bisita kaya bago pa lumala ang sitwasyon ay aalis na lang siya. Subalit alam niyang
may
tinatago ang mag-asawang McKay. Nagkukunwari muna siyang talunan para mapalabas
niya ang totoo.
“I’m sorry sa ginawa kong gulo. Nakainom na ako kaya siguro kung ano-ano na
ang pumapasok sa utak ko. Hindi pa rin kasi ako maka-move on sa pagkamatay ng
asawa ko,” Kunwaring pagsuko ni Geo dahil ayaw niyang mapahiya rin sa mga taong
nakakapansin na sa kanila.
“You’re forgiven. Sana lang ay hindi na maulit ito,” Sabi ni Sam. Mataray pa rin
ito at galit ang mukha.
Ngunit bago pa pumasok sa sasakyan niya si Geo at hindi siya nakatiis na
magtanong muli.
“May amnesia ka ba?” Halos hindi lumabas sa bibig ni Geo ang mga katagang
iyon. “Bakit may double personality ka?”
“Baliw ka na nga pala talaga.” Galit na sigaw ni Samantha. Nakapamewang na ito
at halata na ang pagkairita sa magandang mukha ng babae.
Dahil sa business partners sila at ayaw ni Geo na masira ang relasyon nila ni Mr.
McKay kaya humingi siyang muli ng tawad sa lalaki bago tumalikod at sumakay ng
sasakyan niya. Sa isip niya ay mahihirapan siyang matuklasan ang totoo kung
masisira
siya sa mga ito.
Sa gate ng subdivision ay may naabutan si Geo na isang sasakyan. Nakabukas
ang trunk nito at napansin naman ng guard. Bumaba ang driver ng sasakyan at laking
gulat ni Geo ng makita ang babae.
“Kat?! Paanong nakasakay ka sa sasakyan na iyan? Kanina lang...No, hindi si
Katallea ang iniwan ko kanina sa clubhouse. Bakit may dalawang Samantha?”
Nakita ni Geo ng isara ng babae ng hulihang bahagi ng sasakyan nito. Dahil bago
at tinted ang sasakyan niya kaya hindi siya nakita ng babae. Pansin ni Geo na
walang
kangiti-ngiti si Samantha McKay na nasa harapan niya ngayon kumpara sa Sam na
naiwan sa clubhouse.
Umandar ang sasakyan ng babae. Kahit nanghihina ay pinagana ni Geo ang utak
niya. Susundan niya ang babaeng nasa harapan niya kahit saan ito pumunta.
Ngunit mas lalong lumaki ang pagtataka ni Geo. Pumasok ito sa subdivision na
malapit lang sa tinitirahan niya. Dahil may kakilala siya roon at kilala na siya ng
mga
guwardiya kaya agad siyang nakapasok. Tumigil ang sasakyan ng babae sa tapat ng
isang bahay na sobrang garbo. Mas malaki pa iyon sa bahay niya.
Dahil hindi uso ang gate sa subdivision na iyon kaya agad na bumaba ng
sasakyan niya si Geo nang makita niyang bumaba ng sasakyan niya si Sam. Kasing
bilis
ng kidlat na nilapitan niya ang nabiglang babae.
“Geo!” Sigaw ng nabiglang babae.
“Yes, it’s me, Kat. Kahit dalawa kayong Samantha, alam ng puso ko kung sino ka
sa dalawa. I miss you.”
Ikinulong muli ni Geo sa mga braso niya ang babaeng pilit nagpupumiglas.
Pinagsasampal na siya nito at sinusuntok na rin ang kaniyang dibdib ngunit
natatakot si
Geo na kapag nakawala ito ay hindi na niya muling mahawakan pa ang asawa kaya mas
lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito.
“Mr. Arevalo, igalang mo naman ako. Masyado mo na akong hinaharass!”
“Iginagalang kita, alam mo iyan. Mahal kita, at alam kong alam mo rin na
nagdurusa ako ngayon. Kat, halos mamatay ako sa limang taong inakala kong patay ka
na.”
“Sana namatay ka na nga!”
Nanlamig ang buong katawan ni Geo sa narinig. Hinahanap niya sa mata ng
asawa ang pagmamahal nito sa kaniya ngunit wala iyon. Poot na nagsusumigaw ang
makikita sa mukha nito.
“Tell me what happened noong gabing nasa resort tayo. Wala akong maalala
hanggang ngayon sa naganap noon.”
“Wala akong alam sa sinasabi mo! Leave me alone, please! I am not Katallea. I
don’t know who she is! I am Samantha! Can you hear me?!” Sigaw ng babae.
Dahil sa lakas ng mga boses nila ay napalabas ang katulong. Nabigla ito sa
nasaksihan.
“Ma’am Katallea! Masamang tao po ba siya?”
Halos malaglag ang balikat ni Katallea sa narinig. Hindi pa panahon para
malaman ni Geo na buhay siya pero hindi niya masisisi ang katulong kung biglang
nabanggit nito ang pangalan niya.
Ang unang patikim ni Katallea sa dating asawa ay gawing baliw ito. Guguluhin
ang utak ng lalaki hanggang sa pati sarili nito ay hindi na niya makilala. Gusto
niyang
makitang nagdurusa si Geo katulad ng kung paano siya nagdusa noon. Nais niyang
mawala si Geo sa sarili nitong katinuan katulad ng kung paano muntik na niyang
makalimutan ang sarili niya.
“Okay, fine! Ngayon, alam mo na! Hindi ako patay, Geo. Satisfied? Huwag mo na
akong lalapitan pa dahil burado ka na sa buhay ko. Umalis ka na!”
“Anong nangyari…”
“Wala kang alam? O sadyang nagmamaang-maangan ka lang?”
“Sino ang Samantha McKay na isa?”
“Ako rin siya, Geo!”
“That’s impossible!” Napasabunot si Geo sa buhok niya. “Hindi ko maramdaman
sa kaniya ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita kita.”
“Gusto mong malaman, sige! Kapatid ko si Sam. Pero kahit alam mo na ay
walang magbabago. Kinasusuklaman kita, Geo. Magbabayad ka sa lahat ng sakit na
pinagdaanan ko sa mga kamay mo! Patikim ko pa lang ito at may bago pang parating!
Umalis ka na!”
“Mag-usap tayo.” Sa isang iglap ay nakaluhod na si Geo sa harapan ng asawa
niya. Luhaan ang lalaki habang hawak ang kamay ng asawa niya. “I beg you. Pakinggan
mo ako. Noong gabing iyon...Alam ni Max at Nicole ang totoong nangyari noon. Ang
mga naganap, lahat iyon ay…”
“Bitawan mo ako! Huwag mong gamitin ang mga kaibigan ko!”
“Alam kong nasasakta ka. Kat, pareho lang tayong nagdusa sa loob ng mahabang
panahon. Please, makinig ka.”
Ngunit bingi si Katallea. Parang poste lang itong nakatayo habang nakatingin sa
lumuluhang asawa niya.
“Hindi kayang burahin ng mga luha mo ang sakit na pinagdaanan ko, Geo. Your
tears are not enough to bring back the smiles I used to have! Hindi niyan kayang
ipintang muli ang mga ngiting binura mo sa mga labi ko!”
“Katallea…”
Sa halip na makinig ay inutusan ni Katallea ang katulong na tumawag ng security
guards. Subalit bago dumating ang mga guards ay pumarada ang sasakyan nina
Samantha at ng asawa nito.
“Hanggang dito ba naman sa pamamahay namin, Mr. Arevalo ay nambubulabog
ka!” Bungad ni Sam.
Tumayo si Geo ngunit hinawakan niya si Katallea sa mga kamay nito. Mahigpit
na parang kadena ang mga daliri ng lalaki dahilan para mapangiwi ang asawa niya.
“Geo, nasasaktan ako.”
“I’m sorry, Kat.”
Agad na hinila ni Geo si Katallea papasok sa sasakyan niya. Wala siyang
pakialam kung kidnapping ang gagawin niya. Desperado na ang lalaki at wala na
siyang
ibang maisip na paraan para makausap ang babae.
“Bitawan mo siya!” Sigaw ni Mr. McKay. Hinawakan nito sa likuran si Geo at
ubod lakas na binigyan ng isang malakas na suntok sa panga.
Nahilo si Geo sa lakas ng dating noon sa kaniya ngunit hindi niya binitawan ang
kamay ng asawa. Hindi rin siya lumaban habang panay ang haltak naman ni Katallea sa
kamay niya. Dahil mataas ang suot nitong sandals kaya nawalan ito ng balanse at
sumubsob sa mga halaman.
“Mapanakit ka talaga, Geo Arevalo! You’re so selfish! Look at your wife now!”
Duro ni Samantha.
Bago pa makasagot si Geo ay isa ulit na malakas na suntok ang natanggap niya
mula kay Mr. McKay dahilan para mawalan siya ng malay.
“Geo! My God, napatay mo yata siya!” Sigaw ni Katallea. “Gusto ko siyang
parusahan pero hindi ko gustong mamatay siya.”
Agad na tumawag ng ambulansya si Sam dahil sa takot. Galit na galit ito sa asawa
niya dahil sa ginawa ni Mr. McKay. Mabilis namang dumating ang ambulansya at
naiwan sina Samantha at Katallea na nakatingin lamang sa isa’t isa
Pagkatapos ng mga pangyayari ay umakyat si Katallea at nakatulog sa silid niya.
Hindi siya mapakali sa kaiisip sa lagay ni Geo. Ilang oras na ang nakalilipas
ngunit
wala pa siyang tawag na natatanggap mula sa mga nag-rescue kay Geo. Ang sasakyan
ng lalaki ay nasa harapan pa rin ng bahay nila.
Pilit niyang pinapagalitan ang sarili dahil kahit galit siya sa asawa ay
nangingibabaw pa rin ang pag-aalala niya para rito. Gusto niyang makausap sana si
sam
ngunit pagkatapos ng insidente kanina ay nagkulong din ito sa silid nilang mag-
asawa
habang si Mr. McKay ay umiinom sa min bar ng bahay.
Sa kalaliman ng gabi ay kinuha niya ang telepono. Tinawagan niya sina Max at
Nicole ngunit naalala niyang nagbakasyon nga pala ang magkasintahan.
Muli siyang nag-dial sa telepono at tinawagan si Sandra. Hindi pa makakauwi ng
Pilipinas ang babae dahil sa pansarili nitong dahilan. Agad namang sumagot ang
kaibigan niya.
“Huwag mong sabihin bibigay ka kaagad. Pahirapan mo like the way he did to
you. Masyado kang mabait sa mga taong umapi sa’yo!”
“Puntahan ko na kaya siya sa hospital, baka mamatay siya roon?”
“OMG, Katallea!” Mataray na sagot ni Sandra sa kabilang linya. “Suntok lang
iyon. Malayo iyon sa bituka niya.”
“Pero sa ulo iyon at…”
“Sa dami ng pinagdaanan mo, huwag kang tanga! Babalik din ako riyan at
magtutuos kami ni Geo. Tutulungan kita. Nicole is so weak. Hanggang payo lang ang
isang iyon.”
Natapos ang tawag sa sermon ni Sandra. Tama nga ang kaibigan niya. Sa lahat ng
sakit na pinagdaanan niya, wala pa sa kalahati ang ipaparanas niya kay Geo at sa
pamilya nito.
Sa ospital kung saan dinala si Geo ay tulala lang ang lalaki. Nagtatalo ang puso
at isip niya. Ilang taon lang ang nakalipas ng magluksa siya ngunit ngayon ay buhay
ang asawa niya. Guto niyang maalala ang nangyari noong gabi sa resort pero hindi
talaga niya iyon mahanap sa isip niya.
“Sir, tatawagan lang namin si Ms. Katallea Hajibi. Ipapaalam namin sa kaniya
ang sitwasyon n’yo.”
“No need. Ako na lang ang tatawag sa kaniya.”
Nagpa-CT scan si Geo para matiyak na walang naging epekto sa ulo niya ang
mga suntik ni Mr. McKay. Naisip ni Geo na posibleng magamit niya iyon sa mga
susunod na araw para mabawi ang asawa niya.

KATALLEA CHAPTER 51
Sa limang taon na inakala ni Geo na patay na si Katallea ay namuhay siyang
parang zombie. Sementeryo, bahay at trabaho lang ang destinasyon niya. Nawalan ng
direksyon ang buhay ng lalaki. Maging ang pag-iimbestiga sa kaso noon ni Katallea
ay
naging wala ng halaga sa kan’ya. Ngunit ngayong unti-unting natutuklasan niya ang
lahat ay lumabas ang pangil na itinago niya sa mahabang panahon.
Umuwi si Geo mula sa hospital nang naka-taxi. Umaga na at nawala na rin ang
epekto ng alak na ininom niya sa party ng mga McKay. Nagulat pa si Anastasia ng
makita siya. Maging si Geo ay nagtataka rin na nasa pamamahay niya ang pinsan.
“Where is your car?”
“None of your business. Why are you here?”
“Dito muna ako titira kasama ang anak ko. Dahil sa kagagawan mo kaya
pinalayas ako ng asawa ko.”
“Ang kapal talaga ng pagmumukha mo! Mag-umpisa ka na munang
mangumpisal bago kita patuluyin dito.”
“What do you want to know? Eh, na-set up mo na nga kami ‘di ba?”
“Anong ginagawa n’yo noon kay Katallea doon sa resort?”
Hindi inaasahan ni Anastasia ang biglang pagsugod ni Geo at pagsakal nito sa
kanya. Ang mga kamay nitong nakahawak sa leeg niya ay tila ba naka-lock doon.
Nang makita ni Yaya Adel ang eksena sa sala ay agad niyang dinala ang anak ni
Anastasia sa likod ng bahay.
Pabalibag na tinulak ni Geo sa sofa si Anastasia.
“Sasabihin mo ang lahat sa akin ngayon o mamatay ka sa pamamahay ko? Gusto
kong malaman ang naganap noong gabing nilagyan n’yo ng droga ang inumin ko!”
“I-Ipinakita ko kay Katallea ang video na lihim kong ni-record noong bagong
kasal pa lang kayo.”
“What kind of video is that?”
“Nasira na ang phone ko kaya wala na iyon. Lihim kitang kinunan ng video
noong sinabi mong unti-unti mo siyang paiibigin at papatayin. Bagong kasal pa lang
kayo noon at lasing ka.”
Napamura si Geo ng ubod lakas! Nanlilisik ang mga mata niya sa pinsang
iginalang niya sa loob ng maraming panahon.
“Ano pa ang hindi ko alam?!” Nakakatakot ang boses ni Geo dahilan para lalong
manginig si Anastasia.
Dahil sa takot ay nagsimula ng i-kwento ni Anastasia kay Geo ang ginawa nila ni
Clarise noong gabi sa resort sa Batangas. Simula sa pagtali nila kay Katallea,
hanggang
sa pagniniig nina Geo at Clarise sa harapan ng kawawang babae.
Mas lalong sumiklab ang apoy na kanina pa nagsisimulang tumupok sa pagkatao
ni Geo. Isang malakas na sampal ang ibinigay niya kay Anastasia na yumanig sa buong
katawan ng babae.
“Why Anastasia? Anong dahilan mo para gawin iyon?” Nanginginig na ang tono
ni Geo sa pagkakataong iyon.
“A-Akala ko kasi ay tunay na anak siya ni Mang Nestor. Ang sabi ni Clarise ay
siya ng ampon ng San Sebastian kaya, kaya inakala ko na si Clarise ang anak na
ninakaw ni Mang Nestor sa mga Hajibi, kaya kay Katallea ako naghiganti. I don’t
know
what is the real story behind pero si Mang Nestor ang pumatay sa lolo natin.”
“I don’t care kung killer si Mang Nestor! Ginawa n’yo akong masamang tao sa
harapan ng babaeng mahal ko. Kung kailan nakuha ko na ang puso niya saka n’yo ako
tinarantado!”
Marahas na sinuntok ni Geo si Anastasia na agad naman napayuko. Hindi
naituloy ni Geo ang paglapat ng kamao niya sa mukha ng pinsan. Nanginginig na
lumayo siya rito.
May kinuha si Geo sa bulsa niya. Matalim ang mga matang nakatingin ito kay
Anastasia habang tumitipa sa gadget niya. Gustong tumakbo ni Anastasia palabas ng
bahay ni Geo ngunit hindi niya magawa dahil binabantayan siya ng lalaki.
Ilang saglit pa ay may dumating na mga pulis. Inaresto nila si Anastasia sa salang
pagpatay kay Amara. Nagdesisyon kasi ang pamilya ng babae na ipakulong ang huli.
Kasama na rin ang warrant of arrest para sa kasong isinampa ni Geo sa pinsan niya.
“Geo, tulungan mo ako,” Sigaw ni Anastasia ngunit bingi si Geo. Wala siyang
pakialam kay Anastasia.
“Akala ko ba hindi mo ako kakasuhan! Geo, magpinsan tayo! Akala ko after ng
pag set-up mo sa akin ay hayaan mong asawa ko ang magpaparusa sa akin.”
“Nagkakamali ka, Anastasia! Hinintay ko lang na mailabas mo mismo ang lahat
ng hindi ko pa alam para wala kang lusot sa kaso! Akala mo ba tanga ako, mahina?
Nagkakamali ka. Kung pailalim kang trumabaho ganoon din ako!”
“Hayop ka, Geo! Mas malala ka pa sa asawa mo!”
“Mabubulok ka sa kulungan, Anastasia! Sa loob ng limang taon na nagluksa ako
sa asawa ko ay hindi nangangahulugang ligtas ka na! Pinaghandaan ko lang ang oras
na
ito na wala ka ng kawala pa sa batas. Kilala kita, tuso ka! Kaya sinigurado ko muna
ang
lahat. Video ang ginamit mo para sirain kaming mag-asawa, video ang gagamitin ko
para pabagsakin ka!”
Nangngangawa si Anastasia habang palabas ng bahay ni Geo. Hindi akalain ng
babae na kikilos ang pinsan niya ng pailalim laban sa kaniya. Buong akala niya ay
katulad pa rin ito noon na tatakbo sa kaniya sa tuwing nasasaktan ito.
Nang makaalis ang mga pulis ay napahilamos sa mukha niya si Geo.
Naiintindihan na niya ngayon ang nakita niyang galit noon sa mata ng kaniyang
asawa.
Akala niya ay panaginip lang ang lahat. Hindi niya akalain na ganoon ang nangyari.
Tinawag ni Geo si Yaya Adel. Inutusan niya ang babae na dalhin ang anak ni
Anastasia sa mga lolo at lola niya. Ayaw niyang makita ang bata. Marami siyang
kailangang gawin at hindi kasama roon ang alagaan ang anak ng isang taong sumira sa
buong pagkatao niya.
Mabilis siyang umakyat ng bahay ngunit wala pang ilang minuto ay bumaba
siyang muli. Nahihintakutan naman si Yaya Adel na noon ay naghahanda na para ihatid
ang anak ni Anastasia. Parang hinahabol ng sampung kabayo si Geo at halos paliparin
niya ang sasakyan papunta sa bahay ng mga magulang niya.
Inabutan ni Geo na prenteng nakaupo at nagbabasa ng dyaryo si Don Arman.
Walang ano-anong sinugod niya ang kaniyang ama na ikinabigla ng Don.
“Why, Daddy?” Hirap na tanong ni Gep na napahawak pa sa sofa. “Bakit mo ako
ipinagkasundo sa anak ng taong pumatay kay lolo? Bakit mo ako pinahirapan para sa
anak ng isang kriminal?”
“Pumunta ka ba rito para tanungin ako ng mga walang kwentang tanong? I am
busy, Geo. Leave!”
Dahil sa nakita ni Geo na tila walang pakialam ang Daddy niya sa pinagdaanan
niya kaya lalong umigting ang galit sa puso ng isang anak na nagdurusa sa buong
kabataan niya. Sinugod niyang muli ang ama at mahigpit na hinawakan ang kwelyo
nito.
“Tell him, Arman. It’s time na malaman na ng anak mo ang totoo!” Boses ni Mrs.
Arevalo.
“Anong totoo, Mommy?”
“Arman, I said, tell him the truth!”
Agad na tinabig ni Don Arman ang mga kamay ni Geo at itinulak ang anak.
“Wala akong kasalanan sa pagdurusa mo! Huwag ako ang singilin mo! Kaya kita
pinalaki ng ganyan ay para pagdusahin mo ang mga San Sebastian dahil sa pagpatay ni
Ernesto kay Daddy! Subalit dahil diyan sa lintik na puso, agad-agad kang bumigay
kay
Katallea! Si Clarise dapat ang asawa mo, siya dapat ang magbabayad ng kasalanan ng
pamilya niya pero ang anak ng mga Hajibi ang pinagbayad mo. Now, magdusa ka sa
katangahan mo!”
“I don’t understand…” Nanghihinang sabi ni Geo. “bakit mo pinatay si Joey
dahil sa kunwari ay utos ni Katallea kung alam mong hindi anak ni Mang Nestor ang
nag-utos sa’yo? Iyong tungkol sa sampung mulyon, totoo ba?”
“There is no such thing! Pinaikot ka ni Clarise, tama ba? Tanga ka kasi, Geo.
Hindi ka nagmana sa akin! Wala kaming text o ano man ng asawa mo. Do you think
susundin ko ang isang walang kwentang babae na kahit buo niyang pagkatao ay hindi
niya kilala?”
“Nakita ko ang mga text messages niyo! Damn it!”
Humahalakhak si Don Arman na parang hari. Galit namang pinagahahampas ito
ni Mrs. Arevalo.
“Have you seen my number there? No, right? Simply because gawa-gawa lang
nila iyon ni Anastasia. I know, I was wrong sa paraan ng pagpapalaki ko sa’yo dahil
dinamit kita sa paghihiganti. Nagsisisi ako kaya nilayuan na lang kita noong
pinagbantaan mo akong ipakulong. I’m trying to explain pero hindi ka nakinig!”
Parang nauupos na kandila na napaupo na lang si Geo sa sofa ng bahay ng mga
magulang niya. Ang payat niyang katawan ay parang inaalon ng malambot na upuan.
Sa dami ng mga nalaman niya ng araw na iyon ay para siyang mababaliw.
Nakatunghay naman si Ginang Arevalo sa anak niya habang nakapatong ang ulo
nito sa kamay. Hinimas ng babae ang likod ng anak para iparamdam dito ang kaniya
ring pagsisisi dahil sa pagiging mahina niya.
Samantala, sa kulungan ay may mga naghihintay kay Anastasia bukod sa mga
magulang ni Amara. Nakangisi ang isang babae habang pinapanood ang pagbaba niya
sa police mobile.
Halos malaglag ang panga ni Anastasia ng makita si Katallea at ganoon din si
Samantha.
“Bakit dalawa kayo? Sino ang tunay na Katallea? Sino ang hindi si Katallea?”
Mataray na tanong ni Anastasia.
Isang malakas na sampal ang pasalubong ni Sam sa babaeng namamga na ang
mukha dahil sa ginawa rito ni Geo.
“Para iyang sa ginawa mo sa kapatid ko!”
Bago pa makapagsalita si Anastasia ay isa ulit na sampal at may kasamang
sabunot ang ibinigay ni Katallea. Ang isa ay nasundan pa ng maraming ulit dahilan
para
mamaga lalo ang mukha ng huli. Umiiyak na binugbog din ng babae ng ina ni Amara.
“Nagkaroon ka lang ng kapatid, tumapang ka na!”
“Nagkakamali ka, Anastasia. Dahil sa’yo kaya lalo akong tumapang!
Sisiguradohin ko sa iyong mabubulok ka na rito. May dagdag kaso ka pa nga pala, two
counts of frustrated murder. Iyon ay dahil sa ginawa niyo sa akin ni Clarise.”
“May kaso ka rin. Murderer ka! Labag din sa batas ang pananakit niyong ito sa
akin.” Sigaw ni Anastasia bago pa man ito maipasok ng mga pulis.
Humalakhak si Katallea. Alam niyang hindi siya makakasuhan nina Clarise at
Anastasia dahil nasa kaniya ang alas ngayon.
Isang tip mula sa kakilalang pulis ang nakuha ng magkapatid tungkol sa
pagdakip ng mga ito kay Anastasia. Iyon ang dahilan kaya nasa presento si Katallea
para bigyan ng welcome party ang dating guro niya.
Habang nagkakagulo sa kulungan ay hindi naman mapakali si Clarise. Nasa
isang maliit na apartment na lamang siya nakatira at basta niya na lang iniwan ang
anak-anakan niya sa kumbento kung saan niya ito dating inampon. Alam niyang
nagbalik na si Katallea dahil napanood niya iyon sa TV. Hindi siya papayag na
maipakulong ng babae lalo at wala na siyang kakampi.
“Letse ka, Geo! Ginawa mo talaga ang banta mo!” Sabi ni Clarise habang
nakasilip sa bintana at tinatanaw ang isang lalaking alam niyang padala ni Geo.
Simula noong nalaman ni Geo ang lahat ay namumuhay na si Clarise na parang
patay sa paningin ng lahat. Hindi pa siya kinakasuhan ng lalaki o ni Katallea
ngunit
ginawa siya ni Geo na parang hindi nakikita ng lipunan.
Kahit ang bumili sa mga grocery stores ay nahihirapan siya. Sa bawat oras ay
may nakatingin sa kaniyang mga tauhan ni Geo. Magbabayad na lamang siya ay
palalabasin pa siya ng guwardiya dahil pagbibintangan siya ng kung ano-ano. Grabeng
kahihiyan ang inaabot niya sa tuwing lalabas siya dahil kung hindi siya magnanakaw,
kidnapper, budol-budol ang bintang sa kaniya ng mga tauhan ni Geo para kamuhian
siya ng mga tao.
Sobrang nahihirapan din si Clarise makahanap ng trabaho. Walang gustong
tumanggap sa kaniya kahti tagalinis na lamang. Lahat ng puntahan niyang trabaho ay
pinagtatabuyan siya. Hindi niya inasahan ang lupit ng parusa ng lalaki.
Wala na ring pera si Clarise para magamit sa kaniyang pang araw-araw na
gastusin. Hindi pa man nagsasampa ng kaso si Geo ay alam niyang pwede siyang
makulong sa mga susunod na araw.
Hindi siya papayag na mahuli kaya masusi niyang inaaral ang pwedeng gawing
mga hakbang. Pinag-aaralan din niya kung paano tatakasan ang mga tauhan ni Geo na
nakabantay palagi sa kaniya. Ang pagtira niya sa maliit na apartment na iyon ay
parang
pakunswelo na lang sa kaniya bago siya hatulan kaya hindi siya papayag na doon
matapos ang mga sinimulan niya.
Alam ni Clarise na ang mga magulang sa probinsya ay hindi niya maasahan lalo
at galit ang mga ito. Matagal na siyang walang komunikasyon sa mga ito dahil na rin
sa
mas pinahahalagahan ng mga ito si Katallea kesa sa kaniya.
Nang maisip ni Clarise ang Brgy. Saradama ay kumislap ang kaniyang mga mata.
May ideyang biglang pumasok sa isipan niya. Iyon ang gagamitin niya para muling
bumangon at harapon ang nagbabalik na dating kapatid niya.

KATALLEA CHAPTER 52
Taas-noong pumasok sina Katallea at Sam sa building ng G. Arevalo Real Estate
Developer Company. Walang kangiti-ngiti sa mukha ng magkapatid. Ang mga
empleyado ng kumpanya ay napatunganga na lang sa dalawang magandang babae.
Para silang mga modelo ng isang sikat na brand ng damit. Dahil sanay si
Samantha sa marangyang buhay kaya hindi niya kailangang umarte na sopistikada siya.
Samantalang si Katallea ay nasanay na sa buhay mayaman sa loob ng limang taon kaya
naman madali na sa kaniyang panindigan ang pagiging isang Hajibi.
Sa tindig ni Samantha sa suot niyang 5 inches heels na sandals kapares ng isang
denim high waist pants at puting polo ay talagang napapatingin ang lahat kahit
bahagya
lamang ang make-up nito.
Si Katallea na nakasuot ng beige chiffon blouse kapares ng isang low waist
maong pants at isang simpleng sapatos ay halos hindi na makilala ng mga dating
nakakakilala sa kaniya sa opisinang iyon kung hindi lang dahil sa taglay niyang
mukha.
Ngumingiti naman si Samantha habang seryoso si Katallea at hindi man lang
sumasagot sa mga pagbating naririnig nila.
“Hello, Ma’am. Welcome to our company,” Salubong ng manager ng kumpanya.
Matalim ang tingin ni Katallea sa sekretarya ni Geo na yumuko ng makita sila.
“Hi, long time no see. Nandito ka pa rin pala,” Tila latigo ang mga kataga ni
Katallea dahilan para yumuko pa lalo ang babae. “Five years mo ring niloko ang boss
mo. Are you satisfied now?”
“Ma’am,” Tila nagulat ang babae sa narinig niya.
“Huwag ka nang pumasok ulit. Pack your things immediately. You’re fired. Ang
reason, pinagtaksilan mo ang boss mo.”
Si Geo na palabas sa opisina niya ay halos hindi makagalaw sa kaniyang
kinatatayuan. Hindi niya inaasahan ang pagdating ng mga bisita nila. Sa ganda ng
magkapatid ay walang itulak kabigin sa mga ito. Kung hindi lang dahil sa puso ni
Geo
ay baka nalito na siya dahil magkamukhang-magkamukha ang dalawa. Ngunit hindi
tulad ng mga nakaraang araw, magkaiba na ang suot nila ngayon kaya madaling
makilala kung sino si Samantha at sino si Katallea.
“Mr. Arevalo, hindi mo man lang ba kami patutuluyin sa opisina mo?” Nakataas
ang kilay ni Sam habang nagtatanong.
Bago pa nakasagot si Geo ay humakbang na si Katallea papasok at tinabig niya si
Geo na nakaharang sa may pintuan.
Si Sam ay naiwan sa labas habang kausap ang manager ng kumpanya. Sinadya
niyang magpaiwan para mabigyan ng pagkakataon ang mag-asawa na magkausap. Sa
pag-iimbestiga kasi ng mga tauhan nila ay nalaman ni Samantha ang tungkol sa ginawa
nina Anastasia at Clarise noon kay Geo ngunit hindi niya iyon masabi sa kapatid
dahil
binabalot ito ng matinding galit.
Walang kangiti-ngiti si Katallea sa muli niyang pagpasok sa silid na iyon ngunit
ng makita niya ang malaking portrait sa wall ay biglang lumambot ang mukha niya.
“Hindi ko pinaalis iyan diyan para kahit wala ka na ay palagi pa rin kitang
kasama.” Ang tinutukoy ni Geo ay ang larawan ng asawa.
Nagsalubong ang mga kilay ni Katallea sa sinabi ni Geo. Seryoso itong humarap
sa asawa niya. Inilibot niya ang paningin sa buong opisina ni Geo at walang paalam
itong umupo sa sofa.
“Fire your secretary. Traydor siya.”
“Okay.” Maikling sagot ni Geo. Hindi pa nga pala niya nakaharap ang empleyada
pagkatapos niyang malaman mula kay Anastasia ang ginawa nito. Masyadong magulo
pa ang isip niya at puro inom lang ang ginagawa niya.
“I’m gonna sue Anastasia. Gagawin kitang testigo. Take it or leave it,” Sabi ni
Katallea.
“Do what is best. Nasa likod mo lang ako.”
“May sasabihin ka ba sa akin, Geo.”
“Nothing. Just tell me everything you want me to do and I’ll try my best na
pagbigyan ka.”
“Wow! Just wow! Noong isang gabi lang ay halos kaladkarin mo ako. Ngayon,
para kang walang kabuhay-buhay kausap. Nawala na ba ang epekto ng alak?” Gigil na
sabi ni Katallea. Naiinis si Katallea sa pagiging kalmado ni Geo. Hindi niya maarok
ang
nasa isip ng lalaki.
Sobrang nanlumo rin siya sa kawalan ng interest ni Geo na makipag-usap sa
kaniya. Ang inaasahan niya ay isang Geo na nagmamakaawa o kaya ay pipilitin siya sa
mga gusto nito.
Hindi napansin ni Katallea ang mga luhang pinipigilan ni Geo. Sa isip ng lalaki
ay hindi na siya karapat-dapat para sa babae. Ngayong batid na niya ang naganap
noon
sa resort ay nawalan siya ng lakas ng loob para bawiin pa ang asawa niya.
Marami na siyang nagawang mali at ayaw na ni Geo na patuloy pang saktan ang
babae. Bibitaw na siya kapalit ang kaligayahan ng asawa niya. Masyado na niya itong
nasaktan kaya alam niyang malabo na ang lahat sa kanila.
Si Samantha na kapapasok lang ay nakikiramdam lang sa nag-uusap na dalawang
dating nagmamahalan. Nakita niya ang bigat ng puso ng dalawang taong marami ng
pinagdaanan. Ngunit ayaw niyang makialam dahil batid niyang marami pang dapat
matutunan ang dalawa.
“Wala tayong naka-schedule na meeting today. What brought you here?”
Mahinang tanong ni Geo.
Lalong uminit ang ulo ni Katallea. Bago siya pumunta sa opisina ni Geo ay
nagdadalawang-isip siya kung itutuloy ang plano. Ngayon na tila balewala siya sa
lalaki ay lalong umigting ang kaniyang hangarin na singilin ito.
“Tinatapos na namin ang kontrata sa inyo. Marami kaming natuklasang
anomalya ng company n’yo. Mula sa mga projects n’yo along Cavite ang Laguna
hanggang sa project n’yo sa Rizal at Bulacan. Gumamit kayo ng mga substandard
materials dahilan para gumuho ang ilang bahay doon,” Litanya ni Katallea.
“If that is your decision, I’ll accept it. Pa-iimbestigahan ko ang mga sinasabi
n’yo. Iyong sasakyan ko nga pala sa tapat ng bahay n’yo, ipakukuha ko na lang.”
“Mr. Arevalo, naiintindihan mo ba ang sinasabi sa’yo ni Katallea?” Tanong ni
Samantha. Maging ang babae ay nagtataka na rin sa kawalan ni Geo ng ganang harapin
sila.
Napailing si Geo. Alam niyang naghihiganti si Katallea at kasama roon ang
pabagsakin siya at gawin siyang baliw. Hindi na niya pahihirapan pa ang asawa.
Marami na itong pinagdaanan para dumanas pa ng kabiguan. Kung ang pagbagsak ng
kumpanya nila ang magpapasaya kay Katallea, ibibigay niya na.
Handa siyang maging mahirap kung iyon ang magpapaligaya sa asawa. Bibitaw
na siya kahit masakit, kahit nakakadurog ng pagkatao dahil iyon na lang ang tanging
maihahandog niya sa kaniyang asawa. Kapag naiisip niya ang sakit na dinanas ni
Katallea, nawawalan na siya ng pag-asa, nawawalan na siya ng lakas ng loob para
ipaglaban pa ang pagmamahal niya.
“Kung wala na kayong sasabihin pa, please iwanan n’yo na muna ako.”
Nagtataka si Katallea. Hindi si Geo ang tipo ng taong susuko na lang sa isang
pitik ng mga daliri.
Bakit ganito si Geo? Anong nangyari sa loob ng limang taon, teka, sa loob ng
ilang oras lamang?
“Let’s go, Katallea. Mr. Arevalo is not interested in talking to us.”
“Geo, are you sure na okay lang sa’yo na umatras kami sa kontrata?” Mas lalong
naiirita na si Katallea sa ipinapakita ni Geo.
“Laging nasa likod mo lang ako. If iyon ang final decision ninyo, wala akong
magagawa.”
“Hinahamon mo ba ako, Geo?”
“Look, Katallea, pagod na pagod na ako. Iwan mo na muna ako. Call me anytime
na kailangan mo ng testigo laban kay Clarise at Anastasia.”
Hinila na ni Samantha ang kapatid niya palabas ng opisina ni Geo. Nagpuputok
naman ang loob ng huli. Hindi niya inaasahan na parang talunan na Geo ang haharap
sa
kaniya. Ang iniisip niya ay isang Geo na palaban, masigla at walang inuurungan
katulad noong naglalaro pa ito ng soccer ng mga panahong hindi pa sila
nagpapansinan.
“I hate him! Gusto ko siyang makitang nagmamakaawa. Bakit hindi siya
lumaban? Ipalabas na sa lahat ang mga ebidensya! Dudurugin ko sila isa-isa!”
“Katallea? Are you sure na itutuloy mo ito? Something is wrong with Mr.
Arevalo.”
“Yes, Sam! At babalikan ko pa si Anastasia sa kulungan. Mumultuhin ko siya
hanggang sa tuluyan siyang mawalan ng ganang mabuhay!”
“Ipapaalala ko lang sa’yo, ha. Dahan-dahan ka Katallea sa paghihiganti. Baka
hindi mo na makita ang tama sa mali.”
Dahil sa nakikitang galit ni Katallea kaya may tinawagan si Sam sa telepono.
Alam ni Katallea na isang kakilala iyon sa pahayagan. Walang awa na nadama si
Katallea habang nakatingin sa gusali na pagmamay-ari ng pamilya ng asawa niya.
Katulad ng kung paano walang awa rin siyang ikinadena ni Geo noon sa basement ng
bahay nito.
Siya si Katallea Grace Hajibi ay isang malupit na babae. Maniningil na sa mga
taong nagkautang sa kaniya at nagsisimula na siyang ipalasap ang bangis ng kaniyang
pangalan sa mga taong naging dahilan ng kaniyang mga kasawian.
“We’ll see kung hanggang saan aabot ang tapang at koneksyon ng mga
Arevalo,” Sabi ni Katallea.
“Katallea, tinulungan kita dahil kapatid kita pero huwag kang palalamon sa galit
mo.”
Hindi kumibo si Katallea. Sa halip ay hinilot na lamang niya ang kaniyang
sentido. Hindi kasi mawala roon ang imahe ni Geo kanina.
“Lumaban ka, Geo. Huwag kang duwag ngayon!” Sigaw ng utak ni Katallea.
Sa halip na bumalik sa trabaho nilang magkapatid ay nagpahatid muli si Katallea
sa kulungan ni Anastasia. Gusto niyang sirain lahat ng kumpyansa ng dating guro
niya.
Hanggang sa lumuhod ito sa harapan nita at magmakaawa.
Pumayag si Samantha. May usapan sila ng asawa niya kaya si Katallea lang
mag-isa ang haharap kay Anastasia. Pagdating sa police station ay agad siyang
nakilala
ng pulis na nasa front desk. Pinapasok siya agad sa visiting area dahil oras pa
naman ng
dalaw.
Ngunit humingi si Katallea ng isang private na lugar kung saan niya makakausap
ang dating guro. Pinagbigyan naman siya ng pulis.
Isang babaeng basag ang mukha at maraming sugat ang humarap kay Katallea.
Matapang pa rin ang babae kahit wala ng ningning ang mga mata nito.
“Masaya ka na ba sa nakikita mo? Pinagtulungan niyo ako ni Geo! Nilason mo
ng sobra ang isip ng pinsan ko!”
Nagulat si Katallea. Naitanong niya sa sarili kung anong ginawa ni Geo sa pinsan
nito. Ang alam niya ay magkasabwat ang dalawa sa lahat ng plano laban sa kaniya.
Ngunit hindi nagpahalata ang babae sa dati niyang guro. Ngingisi-ngisi niyang
hinarap si Anastasia na wari bang nasisiyahan siya sa kaniyang nakikita.
“Balita ko ang anak mo ay nasa parents mo na, siguro panahon na Anastasia para
ampunin ko sita at pagbayarin sa kasalanang ginawa mo. Ah, may natira pa palang
maliit na negosyo ang mga magulang mo, what if kunin ko iyon sa bukas na bukas
rin.”
“Huwag mong pakialaman ang anak ko! Papatayin kita kapag ginawa mo iyon!”
“Oh-oh, I’m so afraid.” Umarte si Katallea na tila takot na takot ngunit sa isang
iglap ay naging parang agila ito na dadagitin ang kaniyang nakitang pagkain. “Bago
mo
pa gawin iyan, bang! Uunahan na kita.”
“Huwag ang anak ko,, please. I was wrong. I knew it.”
Nakita ni Katallea ang biglang pag-amo ni Anastasia. Ang nasa harapan niya
ngayon ay isang babaeng talunan at walang magawa.
“Ang bilis mo namang bumait, parang hindi kapani-paniwala.”
“I’m sorry. Please, huwag ang anak ko. Lahat ng kasalanan ko, aaminin ko. Alam
ko hindi ka masamang tao. Naniniwala akong sa kabila ng ginawa namin sa’yo may
kabutihan pa rin sa loob mo. Inosente ang anak ko. Aaminin na ako…”
At nagsimula ng i-kwento ni Anastasia ang tungkol sa pag-frame up niya sa
dating kaklase ni Katallea na si Amara upang ipakalat ang mga pictures at videos na
kaniyang nakalap. Maging ang pag-sira nila ni Clarise sa wedding gown ng babae ay
inamin niya rin.
Sinabi rin niya ang video na napanood ni Katallea noon sa resort ay matagal na.
Kinuha iyon noong bagong kasal pa lamang ang mag-asawa, mga panahong nagtatalo
pa ang puso at isip ni Geo.
Ngunit hindi niya sinabi ang tungkol sa paglagay nila ang droga sa inumin ni
Geo. Naglalaro sa isip ni Anastasia na kung hindi niya maililigtas ang anak ay
hindi
niya rin hahayaang maging masaya ang mag-asawa.
“What about, Joey? Anong ginawa niyo sa kaniya?”
Napahagulgol si Anastasia at muling binalikan ang naganap noong tumakas si
Clarise sa dapat sanay kasal nila ni Geo. Ngumiti si Katallea. Ang hindi alam ni
Anastasia ay kinukunan na siya ng dagdag ebidensya ng mga pulis para masampahan
ng kaso laban sa ginawa nila ni Clarise sa dating kaibigan ni Geo.

KATALLEA CHAPTER 53
Naging national issue ang problema sa kumpanya na pagmamay-ari ng pamilya
ni Geo. Habang pinapanood ni Katallea ang imbestigasyon ng mga nakikisakay sa isyu
na mga pulitiko ay hindi siya makadama ng saya sa kaniyang puso.
Nakikita niya si Geo na tila wala sa sarili habang nagpapaliwanag sa mga
mambabatas. Hindi maalis ang mata ni Katallea sa telebisyon kahit na sinabi niya sa
sariling wala siyang pakialam sa magiging resulta ng usaping iyon.
“Mukhang hindi ka masaya,” Si Samantha.
Napatingin si Katallea sa kambal niya. Ngumiti siya ng mapakla. Nakaupo silang
magkapatid sa sala ng mansyon na naiwan ng mga magulang nila. Doon nila gustong
mamalagi para maalala pa rin ang mga ito kahit na hindi sila lumaking kasama sina
Mr.
and Mrs. Hajibi.
“See, hindi ka nga masaya,” Sabi ulit ni Sam.
“Anong balita sa mga tao natin sa labas?” Pag-iba ni Katallea para tigilan siya ng
kapatid.
“Posible na makulong sina Don Arman at Geo.”
Pansamantalang nawalan ng imik si Katallea. Ang buong akala niya ay matatag
na siya dahil sa mga pinagdaanan niya ngunit parang pinupunit ang puso niya habang
nakikita si Geo na payat, parang hindi inaalagaan ang sarili at higit sa lahat ay
parang
pinagsakluban ng langit at lupa.
Ngunit sa tuwing naaalala niya ang huling gabi niya kasama ang lalaki ay
tinatalo siya ng galit para rito. Noong nakausap niya si Anastasia sa kulungan ay
wala
itong nabanggit tungkol kina Geo at Clarise maging noong gabi sa resort. Wala na
rin
siyang planong magtanong pa dahil kahit limang tao na ang nakalipas, naroon pa rin
ang sakit na dulot ng nasaksihan niya.
Tumawa ng ubod pait si Katallea ng malamang makukulong ang mag-amang
Arevalo dahilan para batohin siya ng unan ni Sam.
“What kind of laugh is that?”
“I was thinking if ang hayop na lalaking iyan at ang demonyitang si Clarise ay
nag sasama na.”
“No. Ang alam ko ay wala na si Clarise sa condo kung saan siya pinatira ni Geo.
According sa report ng mga tao natin, lately lang umalis doon ang babae.”
“Baka naman pinatira na ni Geo sa bahay niya.”
“I don’t know. Wait… Are you jealous?”
“Samantha! Baka kung saan na naman mapunta iyang usapan natin, huh.”
Tumayo si Katallea at iniwan ang tumatawang kakambal niya. Agad siyang
pumasok sa kaniyang silid at nahiga sa kama. Panay ang buntong hininga niya habang
binabalikan sa isip ang nangyari sa Batangas limang taon na ang nakaraan…
Nanginginig ang mga kamay ni Katallea habang ipinapasok ang susi sa susian ng
sasakyan ni Geo. Kailangan niyang makatakas sa lugar na iyon dahil katulad ng sabi
ni
Geo at Clarise, papatayin siya ng mga ito.
“Faster!” Napaigtad si Katallea sa utos na iyon ng isang babae. Kahit may ilaw sa
parking lot ay hindi niya maaninag ang mukha ng mag-ari ng boses dahil natatakpan
ng
malaking sombrero iyon.
Kinuha ng babae ang susi sa mga kamay niya at mabilis na binuksan ang
sasakyan. Itinulak pa nito si Katallea para makapasok agad dahil nag-aalinlangan
ang
huli.
“They will kill you. Move faster!” Sabi ulit ng babae.
Nang makasakay na sila pareho ay agad na pinaandar ng babae ang sasakyan.
Nangangatog ang buong katawan ni Katallea at masakit rin ang hitang tinamaan ng
kahoy pero hindi siya pinanghihinaan ng loob.
“Who are you?” Matapang na tanong niya sa taong bigla na lang sumulpot mula
sa kung saan at noon ay kasama na niya sa loob ng sasakyan.
“I’m your kakambal.” Unti-unting inalis ng babae ang sombrero niya at ganoon
din ang nakatakip sa kaniyang mukha.
Napaawang ang bibig ni Katallea. Ang nasa kaniyang harapan ay
kamukhang-kamukha niya. Walang nabanggit si Geo na may kakambal siya pagkatapos
nitong paimbestigahan ang tunay niyang pamilya kaya parang namamalikmata niyang
tinitigan ang mukha ng babae. Si Mang Nestor ay wala ring alam na may kamag-anak pa
siya dahil patay na raw ang mga iyon.
“How...I mean, how come na bigla kang sumulpot at sasabihing kakambal kita?
Ang alam naming lahat ay wala na akong kamag-anak.”
“Anong how, Katallea? By the way, I am Sam, short for Samantha. I was living in
the USA when suddenly, I met your friend Sandra. Siya ang nagkwento ng tungkol sa
iyo. Since my day one here sa Philippines ay binabantayan na kita. I knew I have
kakambal at matagal na kitang hinahanap. Mabuti at nagtagpo ang landas namin ni
Sandra, Friends na rin kami, for your information.”
“You lived in USA pero bakit ang galing mo magsalita ng Tagalog?” Dudang
tanong ni Katallea.
“Our grandparents taught me. Since I was young, Tagalog has been my language
at home.”
Hindi makapaniwala si Katallea. Daig pa niya ang nananaginip. Ngunit ang
babaeng nasa harap niya ay parang siyang-siya mula sa mata, ilong, bibig, etc. Mas
sosyal nga lang itong tingnan kaysa sa kaniya.
Si Sandra, alam niyang nasa USA ito pero hindi niya batid kung saan mismo
roon. Wala siyang contact sa kaibigan.
Nakita ni Katallea na may tinawagan ang babae. Hindi niya maunawaan ang
putol-putol na usapan pero hindi na siya nag-isip ng gabing iyon. Kahit saan siya
dadalhin ng katabing nagpakilalang kapatid niya ay wala siyang pakialam. Ang
mahalaga sa kaniya ay makalayo kay Geo at sa mga taong patuloy siyang sinasaktan.
Habang binabaybay nila ang Cavite ay biglang tumigil ang sasakyan nila sa
isang madilim na lugar. May isang Montero ang naka-park roon.
“Baba, Katallea,” Wika ni Sam.
Wala sa sariling bumaba si Katallea at sinunod ang lahat ng utos ng babae.
Pinasakay siya nito sa sasakyang naghihintay bago niya nakitang may isang bangkay
na ipinapasok sa sasakyan ni Geo. Muling bumaba si Katallea sa Montero at
kinompronta ang sinasabing kakambal niya.
“Bakit may patay? Sino siya?”
“Binili namin siya sa morgue, Ma’am. Walang naghahanap sa kaniya kaya siya
ang palalabasin nating ikaw,” Sagot ng isang lalaki.
“I don’t understand,” Mahinang sabi ni Katallea.
“Kailangang palabasin nating patay ka na para makaligtas ka kay Anastasia at
Clarise. Papatayin ka nila kaya before mangyari iyon, ilalayo na kita rito.
“Give me your wedding ring!” Utos ni Samantha.
Matagal na tinitigan ni Katallea ang singsing na nagbibigkis sa kanila ni Geo.
Ang bagay na iyon na isa sa pinaka-importanteng bahagi ng kanilang pagsasama
ay wala ng halaga dahil sa kademonyohan ng asawa niya. Punong-puno ng galit na
hinubad niya ang singsing at ibinigay kay Sam.
“Go back inside the car. Aalis tayo agad,” Si Sam ulit.
Sumunod si Katallea. Kahit noon niya lang nakita si Sam ay magaan ang
pakiramdam niya. Ang pagsama sa babae ay paraan din niya para makalayo at tuluyang
mawala muna pansamantala.
Sa sulok ng mga mata ni Katallea ay nakita niya ng ibinangga sa puno ng
lalaking sumalubong sa kanila ang sasakyan ni Geo. Kapagkuwan ay lumabas ito ng
sasakyan at sinilaban iyon.
‘Sing alab ng apoy ng natutupok na sasakyan ang galit sa puso ni Katallea.
Kasama rin noong natupok ang pagmamahal na inukol niya sa nag-iisang Geo Arevalo.
“I’ll be back! Babalikan ko kayo sa tamang panahon. By then, kayo naman. Ang
tatapakan ko,” Mga salitang naglalaro sa isipan ni Katallea habang umuusad ang
sasakyan nila palayo sa lugar na iyon.
Sa America dinala ni Samantha ang kapatid niya. Doon ay nakasama ni Katallea
si Sandra at kalaunan ay sumunod si Nicole. Ang dalawang kaibigan niya at ang
kapatid
ang tumulong sa kaniya para maging matatag pa kaysa dati. Sila ang naging sandigan
niya sa mga panahong gusto na niyang sukuan ang buhay.
Napag-alaman niyang gabi-gabi si Geo sa puntod niya. Iyon kasi madalas ang
laman ng mensahe ni Max sa girlfriend nitong si Nicole. Ngunit walang awa na nadama
si Katallea. Kulang pa para sa kaniya ang sinasabing paghihirap ni Geo kumpara sa
sakit na pinagdaanan niya.
Sa America rin nalaman ni Katallea ang tunay na kwento ng kaniyang pagkatao.
Nalungkot at nagalit siya ng malaman ang sinapit nilang magkapatid. Dahil sa ganid
na
pamilya ni Mang Nestor ay namatay ang mga magulang nila ni Sam. Kapapanganak pa
lang noon ng ina nila ng dinukot siya ng lalaki. Ang alam ng lahat ay nag-iisa lang
si
Katallea ngunit hindi alam ng marami ay may kakambal siyang nasa ICU ng mga
panahong iyon.
Sadyang inilihim ng mga Hajibi ang sitwasyon ni Sam dahil may mga banta na sa
kanilang buhay. Noong mga panahong binisita ng mag-asawa ang anak nila sa ospital
ay saka naman sinalakay ni Mang Nestor ang bahay ng mga Hajibi at kinuha ang
sanggol na si Katallea na nasa stroller lang at pinaiinitan ng nurse na nag-aalaga
rito.
Ganoon na lang ang lungkot ng mag-asawa ng mawala ang isang anak nila
hanggang sa hindi sila tumigil sa kakahanap sa bata. Wala pang isang taon
pagkatapos
mawala ni Katallea ng mamatay ang mga ito dahil sa isang car accident. Papunta noon
ang mag-asawa sa isang impormante na magtuturo sana sa kanila kung nasaan sina
Katallea at Mang Nestor.
Pagkatapos mamatay ng mga magulang nila ay inilipad si Sam ng kanilang Lolo
at Lola papunta sa America para sa kaligtasan ng bata. At dahil sa solong anak ng
mga
magulang at patay na ang mga lolo at lola nila sa Father’s side kaya ang mga Lolo
at
Lola nila sa Mother’s side ang nagpalaki kay Sam.
Hindi itinago ng matatanda ang totoong kwento ng magkapatid kaya habang
lumalaki si Sam ay nabubuhay ang hangaring hanapin ang nawawalang kakambal niya.
Isang taon ng patay ang mga Lolo at Lola nila bago pa nahanap ni Samantha ang
nawawalang kapatid kaya sa larawan na lang sila nakilala ni Katallea.
Ngayong nasa Pilipinas na muli si Katallea ay handa na siyang harapin ang mga
taong naging sanhi ng kaniyang kabiguan.
Dahil nasa kulungan na si Anastasia, isusunod niya si Clarise. Ang sabi ng mga
pulis ay hindi ito mahagilap. Subalit hindi siya papayag na patuloy itong maging
malaya. Pagbabayarin niya ang babae sa lahat ng kasalanan nito.
Naghihintay lang ng pagkakataon si Katallea para dalawin ang mga nakagisnang
mga magulang. Sisingilin din niya ang mga ito sa pagdukot sa kaniya. Lahat ng meron
siya sa Brgy, Saradama ay babawiin niya.
Mahinang katok sa pintuan ang nagpabalik sa isip ni Katallea sa kasalukuyan.
Isinungaw ni Sam ang kaniyang ulo sa pintuan dahil sa hindi niya pagsagot sa mga
tawag nito.
“Nagpaplano ka na naman. Alam mong susuportahan kita sa lahat ng gusto mo,
pero Katallea, gusto kong maging masaya ka.”
“Magiging masaya lang ako, Sam, kapag naipakulong ko na silang lahat.”
Lumapit si Sam sa kama kung saan nakaupo si Katallea at masuyo niyang
niyakap ang kapatid.
“Alam kong labis kang nasaktan noon at ganoon din ako ngunit siguro
pakinggan mo rin ang puso mo.”
Kumalas si Katallea kay Sam. Puso? Napailing si Katallea. Sa isip niya ay
sinasabing, “Dati kong sinunod noon ang puso ko pero nasaktan ako ng labis kaya
malabo iyang gusto mong mangyari, Sam.”

KATALLEA CHAPTER 54
Nagmamadali si Katallea na pumunta sa meeting place nila nina Max at Nicole.
Kababalik lang ng dalawa mula sa bakasyon at kailangan daw siyang makita at
makausap ng mga ito. Hindi niya alam kung ano ang importanteng bagay na kailangan
nilang pag-uusapan pero nahihinuha niyang tungkol iyon sa negosyo.
Sabik na siyang makita muli ang mga kaibigan na ilang linggo rin niyang hindi
nakasama. Dahil kababalik lang din ni Nicole mula sa America kaya alam niyang
sinusulit ng dalawa ang mga oras nila. Si Nicole na iniwan ang lahat sa Pilipinas
para
damayan siya at samahan sa loob ng limang taon niya sa America.
Masasabing mapalad si Katallea na meron siyang Sandra at Nicole sa paligid
niya at ngayon ay nariyan din si Samantha na handang makipagpatayan para sa kaniya.
Ngunit hindi na siya katulad ng dati na puro puso ang pinapairal. Pinatibay na siya
ng
mga pinagdaanan niya.
“Hello, Nicole. I’m stuck dito sa traffic,” Tawag niya sa kaibigan.
“That’s fine. I’m waiting for you here sa bahay. Max is already here kaya bilisan
mo bago pa may maganap na labanan sa a min.”
“My God, Nicole. Paawat ka naman. Tirik na tirik ang araw.”
Narinig ni Katallea ang malakas na tawa ng kaibigan niya bago namatay ang
tawag. Ang totoo ay masaya siya para kay Nicole. Nagagalak na ibinalita kasi nito
na
nag-propose na si Max noong nakaraang bakasyon nila.
Pagdating sa bahay nina Nicole ay masayang sinalubong si Katallea ng Daddy at
Mommy ng kaibigan niya. Magiliw ang mga ito sa kaniya katulad noong nag-aaral pa
lamang sila. Sabik na niyakap at hinalikan siya ng Mommy ng isa sa matalik niyang
kaibigan.
“I’m glad you’re here again. Come in, come in.” Hindi magkandaugaga ang
ginang sa pag-asikaso sa kaniya.
Sa sala ay naabutan ni Katallea na nanonood sina Max at Nicole. Pagkatapos ng
kaunting kumustahan at kainan ay humingi si Nicole ng privacy sa mga magulang niya.
Agad silang pumasok nina Max sa study room ng babae.
Nagtataka si Katallea kung bakit tila seryoso ang mga mukha nina Max at Nicole.
Napangiti pa siya dahil pakiwari niya ay kinakabahan ang mga ito.
“What is the agenda of this meeting?” Hindi nakatiis na tanong ni Katallea ng
nakaupo na sila.
“About Geo…” Maikling sagot ni Nicole.
“I don’t care about him! After ng company nila, dadagdagan ko pa ang kaso
niya. I thought this is a business related concern.”
“Kat, Geo is innocent,” Ani ni Max.
“Namatay lang ako, kampi ka na sa kaniya. Yes, alam kong lahat ng pinagdaanan
niya during those times na magkasama kayo, Max. Pero hindi sapat iyon bilang
kaparusahan ng lahat ng mga ginawa niya sa akin.”
“Iyong nangyari sa resort…” Simula ni Nicole.
“Ayaw kong balikan iyan!” Sigaw ni Katallea. Nanginginig ang buong katawan
niya sa galit. Kahit minsan ay hindi niya sinabi sa sinuman ang nangyari sa
kwartong
iyon. Ang tanging alam ng lahat ay pinagtulungan siyang patayin nina Geo, Clarise
at
Anastasia.
“Katallea, makinig ka!” Ganting sigaw ni Max. Napatayo si Katallea dahil doon.
“Wala akong dapat pakinggan! Kung pinapunta niyo ako rito upang ipagtanggol
si Geo, uuwi na ako! Salamat sa pagkain.”
Ngunit bago pa siya makalabas ng pintuan ay agad na hinaklit ni Nicole ang mga
braso niya. Nakita ni Katallea ang galit sa mata ng kaibigan.
“Geo was under the influence of drugs kaya nagawa niya ang kahalayan na iyon
sa harapan mo! Wala siyang maalala paggising niya hanggang sa natuklasan namin
lately na sina Anastasia at Claarise ang may pakana noon. Geo suffered a lot! A
lot,
Katallea! Hindi lang ikaw ang nagdusa! Maging ang asawa mo ay pinaglaruan din!
Pwede kang pumunta sa police station sa Batangas kung ayaw mong maniwala sa amin.
All the evidence is there.”
Nanghihinang napaupo ulit si Katallea habang hinihingal sa galit si Nicole.
Nakikita niya ang pagtaas-baba ng dibdib ng kaibigan pero hindi iyon ang inaalala
niya.
“Alam kong sinabihan ka namin ni Sandra na pahirapan mo siya per
Katallea...Nakita mo ba si Geo ngayon?” Patuloy ni Nicole.
“Ako ang nakasama niya sa loob ng limang taon. Nakita ko, Kat, kung paano
niya hinarap ang lahat nang wala ka na. Mahal ka niya, Katallea, higit sa buhay
niya,”
Dugtong ni Max.
“Naitawag ko na ito kay Sandra. Hanapin mo sa puso mo ang pagmamahal mo
para sa asawa mo. Huwag mo siyang idamay sa paghihiganti mo dahil biktima rin siya
katulad mo,” Sabi ni Nicole habang hawak ang mga kamay ng kaibigan niya.
Ang luhang kanina pa nagbabadya ay tuluyang nalaglag. Naramdaman na laman
ni Katallea na humahagulgol na siya habang yakap ni Nicole.
“Bakit hindi niya ako kinulit? Bakit hindi niya ako dinaan ulit sa daas para
mabawi niya ako kung totoo ang mga sinasabi niyo?”
“Dahil ayaw na niyang masaktan ka. Nang malaman niya ang nangyari sa resort
naisip niyang sobrang masakit iyon para sa iyo kaya ayaw niya ng dagdagan pa ang
paghihirap mo. Ayaw niyang sa tuwing makikita mo siya ay ipapaalala niya sa’yo ang
sakit ng nasaksihan mo,” Paliwanag ni Max.
Naalala ni Katallea ang itsura ni Geo ng pinuntahan nila ito ni Sam sa opisina
nito maging ang repleksyon nito sa telebisyon.
Wala sa loob na hinaplos niya ang kaniyang puso.
Nagpaalam si Katallea sa magkasintahan ng hindi niya halos alam ang susunod
na gagawin. Ang mga magulang ni Nicole ay nagtataka dahil nakalimutang ni Katallea
ang magsabi sa kanila na aalis na siya. Ngunit ipinaliwanag ni Nicole ang lahat sa
mga
ito.
Nakailang ikot na ang kotse ni Katallea pero hindi niya alam ang destinasyong
pupuntahan niya. Kasabay ng pag-andar ng sasakyan niya ay pagpatak ng mga luhang
malayang naglalandas sa mga pisngi niya.
“I love you,” Parang naririnig ni Katallea ang boses ni Geo habang nagda-drive
siya. Naalala niya noon, madalas siyang magpanggap na tulog kapag pumapasok ang
asawa sa silid niya. Pinakiramdaman niya ang bawat haplos ng lalaki sa kaniyang
buhok at maging ang masuyong halik nito sa kaniyang pisngi o noo. Madalas
ibinubulong ni Geo ang mga katagang “I love you”.
Nagulat si Yaya Adel ng makita si Katallea sa bahay ng mag-asawa. Halos
himatayin ang matanda ng nasilayan nito ang amo niyang babae. Nabalitaan na nito
ang
tungkol kay Samantha ngunit hindi niya narinig minsan man kay Geo ang tungkol kay
Katallea.
Isang mahigpit na yakap ang isinalubong ni Katallea sa matanda. Panay ang agos
ng luha sa mukha ng Yaya ni Geo habang hawak ang mukha ni Katallea.
“Nasaan po si Geo?”
“Nasa opisina niya, anak.” Napatingin si Katallea sa orasan. Oo nga pala,
alas-tres pa lang ng hapon.
Nagpaalam si Katallea kay Yaya Adel na aakyat muna sa ikalawang palapag ng
bahay nila. Ibinilin din niyang huwag tatawagan ni Yaya Adel si Geo.
Una niyang tiningnan ang dating silid. Malinis ito katulad ng dati. Naroon pa rin
ang mga gamit niya. Walang nagbago sa ayos nito.
Sunod na pinuntahan ni Katallea ang silid ni Geo. Kung ang silid niya ay
napakalinis, kabaliktaran naman ang kwarto ng lalaki. Napaka-kalat noon at maraming
bote ng alak ang nagkalat sa paligid. Napahawak si Katallea sa gilid ng kamay at
nanghihinang napaupo roon.
“Geo, I’m sorry. Hindi ko alam na biktima ka rin.” Pinahid ni Katallea ang luhang
nagsimula na namang umaagos sa kaniyang pisngi at parang robot na unti-unti niyang
pinulot ang mga kalat.
Tinawag niya si Yaya Adel para mapabilis ang paglilinis niya. Mula sa kurtina,
bedsheets, hanggang sa cabinet ni Geo ay lakas loob na pinakialaman ni Katallea. Si
Yaya Adel ay panay naman ang sunod sa mga inuutos niya kahit sinasabi nitong ayaw
ni geo na pinakikialaman ang mga gamit nito.
“Noong mga panahong wala ka at inakala naming patay ka na, akala ko
mamamatay na rin si Geo. Mabuti ay hindi siya sinukuan ni Max. Sinamahan niya si
Geo sa paglalasing, pagbabantay sa puntod mo at sa lahat ng bagay. Halos patayin ni
Geo ang sarili sa trabaho at pag-inom ng alak para makatulog siya sa gabi.”
Pinakinggan lahat ni Katallea ang mga sinasabi ni Yaya Adel. Bakas ang
matinding pagsisisi sa mukha niya. Limang taon din ang sinayang niya dahil hinayaan
niyang paikutin siya ng ibang tao. Limang taon ding nagdusa ang lalaking
pinakamamahal niya dahil sa matinding galit sa puso niya.
Nang maalala niya sina Anastasia at Clarise ay may tinawagan si Katallea.
“Hanapin niyo si Clarise sa lalong madaling panahon at ipatikim ko sa kaniya
ang isang bagay na hindi niya akalaing mararanasan niya sa mga kamay ko!”
Pagkatapos ng tawag na iyon ay sunod niyang kinontak si Sam. Hindi ito
makapaniwala ng sinabi niyang nasa bahay siya ni Geo. Matagal na palang alam ng
kapatid niya ang tungkol sa nangyari sa resort pero hindi alam ng kakambal niya
kung
paano siya kakausapin.
Pagkatapos maglinis ay naligo at nagpalit si Katallea ng damit. Dahil hindi siya
tumaba o pumayat kaya naman sakto pa rin sa kanya ang mga lumang damit na naiwan
niya sa bahay na iyon.
Papunta si Katallea sa kusina ng makita niya ang daan patungong basement.
Dahan-dahan ang mag hakbang na tumungo siya roon. Wala na ang kadena, nakabukas
na rin ang bintana at malinis na iyon. Napangiti si Katallea bago muling isinara
ang
pinto ng silid na minsan ay naging kulungan niya.
Sa kusina ay naabutan niya si Yaya Adel na nag-uumpisa ng magluto. Tulad ng
dati ay kumakanta ang babae at tila hinaharana siya. Pagkatapos mailagay ang mga
pagkain sa lamesa ay naiinip na umakyat muli si Katallea sa ikalawang palapag.
Mag-a-alas otso na at wala pa rin si Geo.
Pumasok muli siya sa kwarto ng lalaki at nag-uumpisang buklatin ang mga
nakapatong na libro sa side table ng kama. Hanggang sa hindi niya namalayan ang
antok at nakatulog siya sa higaan ng kaniyang asawa.
Samantala, walang balak umuwi si Geo. Nakakapagod at nakakaubos ng utak ang
ilang oras na hearing kasama ang mga mambabatas. Napakarami nilang pinag-usapan
ng mga abogado ng kumpanya. Gusto na niyang bumitaw dahil alam niyang si Katallea
ang nagsiwalat ng lahat ng anomalya noong Daddy pa niya ang namamahala sa
kumpanya ngunit para sa mga empleyadong nakaasa sa kaniya ay pilit niyang
isinasalba ang pwede pang maisalba.
Nang mapansin ni Geo na kulang ang papeles na ihaharap niya bukas sa
paglilitis ay walang kabuhay-buhay na tumayo siya sa upuan. Nasa bahay niya ang mga
iyon at kailangan niyang makuha. Nakita ni Geo ang repleksyon niya sa salamin ng
mapadaan siya sa main lobby ng building. Walang pakialam na sinipat niya ang sarili
ng makitang ang laki na ng ibinagsak ng kaniyang katawan.
Pagdating ni Geo sa bahay ay tahimik muli ang paligid. Ngunit nagtataka siyang
pumasok dahil kahit ala-una na ng madaling-araw ay bukas pa rin ang mga ilaw.
Nakita
niya si Yaya Adel na nakatulog sa kusina habang nakapatong ang mga braso sa lamesa.
Natakam si Geo sa mga pagkaing nakahain doon. Naalala niya na ganoon palagi ang
ayos ng lamesa noong nasa bahay pa niya si Katallea.
Ng maalala ang asawa ay biglang nawalan ng ganang kumain si Geo. Hindi na
niya ginising si Yaya Adel at marahan na lang siyang tumalikod. Mabigat ang mga
paang umakyat siya sa ikalawang palapag.
Pagdating sa tapat ng silid niya ay napaisip si Geo dahil bukas ang ilaw doon at
bukas din ng kaunti ang pintuan. Dahan-dahan niyang hinawakan ang door knob at
ganoon na lang ang gulat niya sa kaniyang nakita.

KATALLEA CHAPTER 55
Nagising sina Yaya Adel at Katallea dahil sa malakas na sigaw ni Geo.
Napatakbo ang pupungas-pungas na matanda paakyat ng bahay.
Si Katallea na nasa silid na niya dahil lumipat siya roon ng magising ng mag-alas
dose ng madaling araw ay napatakbo rin palabas. Rinig niya agad ang boses ni Geo na
nagpakabog sa kaniyang puso. Gusto niyang yakapin angad itpo ng mga oras na iyon.
“Yaya, sinong may sabi sa iyo na linisin mo ang kwarto ko? Hindi ba’t
kabilin-bilinan kong huwag kang pumasok dito?” Dumadagundong ang boses ni Geo
kahit na kasarapan ng tulog ng mga kapitbahay nila.
“K-Ka-si ano...Geo, sabi…”
“Pack you thing! Lumayas ka na! Labas!”
Si Katallea na nasa may pintuan na ay nag-init ang ulo dahil sa kabastusan ni
Geo sa Yaya nito. Ang pananabik sa lalaki ay napalitan ng inis. Dahil bahaya lang
nakabukas ang pinto kaya hindi kaagad nakita ni Geo na nasa likuran siya ni Yaya
Adel.
Itinulak niya ang pinto para tuluyang makapasok at mataray na hinarap ang asawa.
“Ako ang nag-utos sa kaniya. May problema ka ba, Geo?”
Napanganga si Geo sa kaniyang nakita. Nasa harapan niya si Katallea at
napakataray nito. Malayong-malayo sa dating mabait na babaeng sinaktan niya noon.
“Yaya, matulog ka na at mag-uusap muna kami ng magaling na lalaking ito,”
Bulong ni Katallea sa matanda.
“K-Kat?! B-Ba-kit ka nandito?”
“Bakit bawal ba akong pumunta sa bahay na ito?”
“O-Oo, h-hin-di. A-a-no, pwede naman.”
Hindi alam ni Geo ang gagawin niya. Nagkakandautal siya sa pagsasalita. Sabik
na sabik siyang ikulong ang asawa sa kaniyang mga bisig ngunit natatakot siyang
magalit ito at ipagtulakan siya palayo. Nanatili lang siyang nakatayo habang
nakatitig
sa babaeng dahan-dahang humahakbang palapit sa kaniya.
Pumikit si Geo. Inaasahan na niya ang isang malakas na sampal na tatama sa
kaniyang pisngi. Ngunit ganoon na lang ang pagkagulat niya ng isang masuyong halik
sa labi ang naramdaman niya.
Dahil ng bugso ng damdamin ay agad niyang niyakap ang asawa. Humagulgol
siya sa balikat ni Katallea. Wala siyang pakialam kung maging parang bata siya sa
paningin ng kabiyak.
“If this is a dream, please don’t wake me up,” Sabi ni Geo sa pagitan ng pag-iyak.
“I love you. I love you so much.”
Hindi napigilan ni Katallea ang lumuha kasabay ng kaniyang asawa. Limang
taon, limang taon na nagdusa sila pareho dahil sa mga taong nakapaligid sa kanila.
Limang taon na nasayang lang dahil sa makasariling hangarin ng iba. Ang mga puso
nilang kapwa nasasabik sa isa’t isa ay parang may sariling utak. Dinidektahan nito
ang
mga katawan nilang tuluyan sumabay sa alon ng pananabik at kalungkutan.
Itinaas ni Katallea ang kaniyang mga kamay at hinaplos ang likod ni Geo. Gusto
niyang lumayo bahagya dahil kinakapos siya ng hininga sa sobrang higpit ng
pagkakayakap ni Geo ngunit ayaw siyang bitawan ng lalaki.
“Geo, nahihirapan akong huminga. Please, luwagan mo ang yakap mo kasi baka
bukas ihatid mo ako ulit sa sementeryo.”
Pinakawalan ni Geo si Katallea ngunit ikinulong ng mga palad nito ang mukha
ng asawa.
“Okay lang na sampalin mo ako paulit-ulit pero gusto kong malaman na hindi
ako nananaginip,” Sabi ni Geo.
Isang nananabik na halik sa labi ang iginawad ni Geo sa babaeng luhaang
nakatingin sa kaniya.
“Oh, God, this is real.” Lumuluhang ikinulong muli ni Geo sa mga braso niya ang
asawa.
“Geo, I’m sorry.”
“No, Kat. I was wrong. I hurt you.”
“Pero nabulag ako ng galit,” Humikbing sabi ni Katallea.
“I understand. Kasalanan ko. Hindi kita naproteksyonan. Hindi na mauulit iyon.
Pangako, hindi ko na hahayaang masaktan ka pa ulit.”
Naalala ni Katallea ang kawalan ni Geo ng ganang kausapin siya noong
nagpunta siya sa opisina nito. Bahagya siyang lumayo sa asawa at kunwari ay
nagtatampo.
“Naiintindihan kong nasasaktan ka sa tuwing nakikita mo ako. If you can’t take
it, I’m setting you free. I love you, Kat. I can bear the pain. Don’t worry.”
“So, wala ka talagang balak na bawiin pa ako, na ayusin ang pagsasama natin?”
Galit na tanong ni Katallea.
“Ayaw ko lang na makitang nasasaktan ka.”
“Ibig bang sabihin kapag pinalaya mo ako, hindi na ako masasaktan? What about
you?
“Oh, Kat, you’re tormenting me,” Nahihirapang magpaliwanag si Geo kaya muli
na lamang niyang niyakap ang asawa.
“Geo, are you sure you want to let me go?”
“No. No, Kat.”
Itinulak ni Katallea ang asawa niya at pinaghahampas ito ng mga kamay niya.
“No naman pala, eh bakit mo ako pinagtatabuyan? Sa ayaw at sa gusto mo, dito
lang ako. Parurusahan kita sa paraang gusto ko.”
Tinanggap lahat ni Geo ang hampas ni Katallea. Wala siyang imik habang
nakatitig lang sa asawang nasa harapan niya. Pagkuwan ay binuhat niya ang asawa at
inikot-ikot.
“I love you, Mrs. Arevalo.”
“Ibaba mo ako at maligo ka. My God, Geo, ang baho mo. Bukas na bukas rin
gusto kong magpagupit ka at mag-ahit ka ng balbas mo. kasing dumi ng silid mo ang
katawan mo. Baka maisipan kong maghanap ng ibang soccer player niyan.”
Dahil sa mga sinabi ni Katallea ay napahagalpak si Geo. Nawalan ito ng balanse
hanggang sa matumba sila pareho ni Katallea at bumagsak sa malambot na kama.
“I love you, Geo.”
“I love you too.”
Sinilyuhan nila ng isang matamis na halik ang pananabik nila sa isa’t isa. Ngunit
bago pa man kung saan makarating ang mga kamay ni Geo ay maagap na pinigilan iyon
ni Katallea.
“Maligo ka muna. Kakain tayo. Madaling araw na at gutom na talaga ako. Iinitin
ko lang ang pagkain sa baba.”
“Kat…” Namamaos na tawag ni Geo sa pangalan ng asawa ngunit tatawa-tawa si
Katallea na tumayo sa kama at pilyang nginitian lamang ang asawa.
Nang makita ni Geo ang ngiting iyon ni Katallea ay hindi niya napigilang
habulin ito at muling yakapin sa likuran.
“Don’t leave me, please.” Bakas ang takot sa boses ni Geo na ipinagtaka ni
Katallea.
“Geo, bababa lang ako. Maligo ka na at iinitin ko lang ang mga pagkain.”
Mas lalong hinigpitan ni Geo ang pagkakayakap sa asawa at ipinatong pa ang
baba niya sa balikat ni Katallea. Nanginginig ito na tila ba may kinakatakutan na
hindi
nakikita ng babae.
Pinilit humarap ni Katallea sa asawa at iniyapos ang kaniyang mga braso sa leeg
ni Geo. Hinalikan niya sa labi ang lalaki upang pawiin ang kaba sa puso nito.
“Dito ka lang, please. Huwag kang lalabas ng silid.”
Tumawa si Katallea. Transparent glass ang wall ng shower room ni Geo kaya
kung hindi siya lalabas ay makikita niya ito habang naliligo.
“Sige, maligo ka na at panonoorin kita,” Pilyang sabi ni Katallea. “Gusto ko
iyong mala-adonis na galawan ng shower room para makabawi naman ako sa five years
na nasayang.”
“Hey, takot lang akong baka kapag lumabas ka sa pintuan na iyan ay hindi ka na
bumalik pero hindi ko gustong pagnasaan mo ako.”
“Are you sure?” Pilyang tanong ni Katallea.
“Actually, I like it kaya lang gutom na ako.”
Hinila ni Geo si Katallea sa pababa ng hagdan. Nagagalak na sumunod naman
ang huli kahit hindi siya binibitawan ni Geo.
Sa kusina ay naabutan nila si Yaya Adel na iniinit na ang pagkain. Ipinaghanda
nito ang mga amon bago pumasok sa kaniyang silid. Ang sabi ng matanda ay kumain na
siya at lalabas na lang daw ito kapag tapos ng kumain ang dalawa. Humingi rin muna
ng
tawad si Geo sa Yaya niya.
Pagkatapos kumain ay muling hinawakan ni Geo ang kamay ng asawa.
Mag-alas-tres na ngunit gising na gising pa rin ang kaniyang diwa kahit maghapon
siyang pagod. Ayaw niyang bitawan si Katallea dahil baka sa isang iglap ay bigla na
lang itong maglaho.
Tahimik lang si Katallea na sumusunod sa bawat kumpas ni Geo habang
umaakyat sila at nakahawak ang lalaki sa likuran niya. Alam niya ang pakiramdam ng
asawa. Sa loob ng limang taong inakala nitong patay siya ay malaking truma iyon sa
lalaki na halos sa semnteryo na natutulog ayon kay Max.
Hindi nagreklamo si Katallea ng ipasok siya ni Geo sa silid nito. Nagulat na lang
siya ng pagsara ng pinto ay bigla siyang hinapit ng asawa.
“I’m not dreaming talaga. You’re here!” Bulalas ni Geo.
Naawang hinaplos ni Katalea ang mukha ng asawa ng makaharap siya rito.
“You’re not. Sige na, maligo ka na.” Itinulak ni Katallea papasok ng shower room
ang asawa ngunit bigla siya nitong hinaltak papasok bagi binuksan ni Geo ang
shower.
Napatili si Katallea sa sobrang laming ngunit nagbago ang temperatura ng
katawan niya ng biglang siliin ni Geo ng halik ang kaniyang mga labi.
Ang halik ng lalaki ay naging mapusok hanggang sa namalayan na lang ni
Katallea ang palad nito sa kaniyang dibdib. Napaigtad siya ng ilang saglit pa ay
gumapang ang halik ng asawa mula sa leeg niya pababa roon.
“Geo, please…” Paos na sabi ni Katallea.
“Please what? I miss you. Damn it! I don’t want to wake up!” Damang-dama ni
Katallea ang pait sa bawat katagang iyon. Napapailing na lamang siya habang patuloy
na ginagalugad ni Geo ang kaniyang katawan. Buong akala niya ay siya lang ang
nasaktan at nagdusa ngunit higit pala ang sakit na iniwan niya sa puso ng kaniyang
asawa.
Napasabunot si Katallea sa lalaki. Hindi niya namalayan kung kailan nila ni Geo
nahubad ang damit ng isa’t isa ngunit kahit malamig ang tubig na umaagos ay hindi
nila
pareho mararamdaman iyon. Ang init ng pagmamahal ay buong sabik nilang parehong
gustong tikman.
“Geo, take me to bed,” Sabi ni Katallea. Nanghihina kasi ang kaniyang tuhod at
parang hindi na niya kayang tumayo pa.
“Oh, sorry! Okay, okay.”
Binuhat ni Geo si Katallea at inilapag ito sa kama kahit kapwa tumutulo ang mga
katawan nila. Walang pag-aalinlangan na tinanggap ni Katallea ang kaniyang asawa.
Kasabay ng marahang galaw ng lalaki ay ang ingay na kapwa nagmumula sa mga bibig
nila.
Pagkatapos pagsaluhan ang rurok ng pag-ibig ay kapwa nakangiting tinitigan
nila ang isa’t isa.
“Hindi na ako papayag na mawala kang muli, Katallea. Mahal kita.”
“Magbabayad ka pa sa akin, Mr. Arevalo.”
“Handa akong pagbayaran lahat ng kasalanan ko pero sa gabi dapat katabi kita at
ako naman ang magpaparusa sa’yo. Deal?”
“Deal. Make sure lang na mababalis mo ako para hanap-hanapin kita.”
“Ah, gusto mong…”
Napuno ang silid ni Geo ng tawanan at harutan ng dalawang taong
nagmamahalan na sinusulit ang mga panahong nawala sa kanila.

KATALLEA CHAPTER 56
Napangiti si Katallea ng magising sa dating higaan niya katabi ang nahihimbing
na lalaki. Biglang naalala niya kung paano sila lumipat doon ni Geo kagabi.
Nakatakip
lamang ng kumot ang buong katawan niya dahil basang-basa na ang kaniyang damit.
Ipinipilit ni Geo na suotin niya muna ang damit at brief nito ngunit maluwag iyon
sa kaniya kaya nagdesisyon siyang lumipat na lang sa dating silid na nakatakip ng
kumot dahil kapwa sila lutang kaya hindi nila naisip na kumuha ng damit si Geo para
sa
kaniya.
Hinaplos ni Katallea ang mukha ng katabi at walang pag-aalinlangan na
kinintalan ito ng halik sa labi. Umungol si Geo at mas hinapit ang bewang ng asawa.
“Please, don’t leave me,” Sabi ni Geo sabay subsob ng mukha nito sa balikat
niya.
Matamang pinag-aralan ni Katallea ang katawan ng asawa. Humpak ang pisngi
nito na puro balbas. Ang buhok nitong dati palaging maayos na nasusuklay ay mahaba
pa sa buhok niya. Ang katawan ng lalaki na puro muscle noon ay maliit at halos
walang
laman.
Tumulo ang luha sa mga mata ni Katallea. Ang saya sa kaniyang puso ngayong
katabi na niya si Geo sa pagtulog ay napalitan ng awa para sa lalaki.
“I’m no longer the handsome Geo you loved before. Stop staring at me,” Sabi ni
Geo na gising na pala. Pinunas nito ang mga luha sa mata ng asawa.
Hinampas ni Katallea ng mga kamay niya si Geo. Niyugyog niya rin ito sa
balikat.
“Bakit mo pinabayaan ang sarili mo?”
“My life is useless without you. You’re the air I breathe, you’re my everything.
Kat, you’re my life.”
Niyakap ni Katallea ng ubod higpit ang asawa niya.
“From now on, I’ll stay with you no matter what. Last mo na iyong sa resort, geo
Arevalo. I’m gonna kill you if mauulit pa iyon.”
“I’m sorry. I was intoxicated at that time. I really did not know what happened.
Promise, hindi na ako padidikta sa ibang tao,” Sabi ni Geo.
Buong pagmamahal na ipinaramdam nina Geo at Katallea sa bawat isa ang
pag-ibig na muntik na sanang matapos dahil sa mapanlinlang na mga puso. Kapwa na
sila handang gawin ang lahat para sa kanilang pagsasama.
Isang tawag sa telepono ang nagpa-hiwalay sa mag-asawa. Si Mrs. Vasquez iyon
na manager ng kumpanya. May hearing pa si Geo at kailangan siyang dumalo roon.
Bumangon si Geo at nagpalakad-lakad sa loob ng silid habang kausap ang nasa
kabilang linya.
“F*ck! Kunin na nila lahat para mabayaran ang mga homeowners kung
bumagsak man ang mga kabahayan na iyan pero hindi ako papayag na makulong! Hindi
pa ako ang namamahala ng mga panahong iyon na ipinatayo iyon!”
Nakokonsensyang napatingin si Katallea sa asawa niya. Siya ang gumawa ng
lahat ng gulong iyon para sana paghigantihan si Geo. Pati ang pinuno ng unyon ng
mga
manggagawa sa G. Arevalo Real Estate Developer Company ay sinuhulan niya para
mag-aklas laban sa kaniyang asawa.
Nang maibaba ni Geo ang telepono ay patalikod na niyakap ito ni Katallea.
“I’m sorry. It was my fault.”
Humarap si Geo at hinalikan sa noo ang kaniyang asawa.
“You’ll pay for that, Mrs. Arevalo.”
Agad na binuhat ni Geo si Katallea. Isinampa niya ang nagpupumiglas na babae
sa kaniyang balikat at dinala pababa ng bahay.
“Don’t you dare lock me again in the basement!” Sigaw ni Katallea. Ngunit
parang bingi si Geo na patuloy lang sa paghakbang pababa ng bahay.
“Geo Arevalo, huwag mong ubusin ang pasensya ko! Ibaba mo ako!” Patuloy na
sigaw ni Katallea.
Ibinaba ni Geo si Katallea sa kusina. Nahihiyang napatingin ang babae sa asawa
niya. Ang buong akala niya kasi ay dadalhin siya ni Geo sa basement.
“Ang aga-aga ang ingay ng asawa ko. Mag-serve ka na ng pagkain Yaya at baka
magwala iyan, iwanan pa ako.” Pabirong sabi ni Geo.
“Akala ko kasi…”
“I will never do that again. Sa ibang paraan na lang kita sisingilin sa gulong
ginawa mo sa kumpanya.” Ngumiti ng pilyo ang lalaki dahilan para kagatin ni
Katallea
ang pang-ibabang labi niya. Mabilis din niyang nilagok ang tubig na nasa harapan
niya.
Mabilis na naghanda ng hapagkainan si Yaya Adel. Natatawa siya habang
tinitingnan ang mga amo niya. Pulang-pula ang mukha ni Katallea dahil sa kahihiyan.
Si
Geo naman ay patuloy na tinutukso ang asawa niya.
Pagkatapos kumain ay naupo ang mag-asawa sa may hardin sa likod ng bahay
nila. Si Geo ay tinawagan ang abogado niya upang ipabatid na hindi siya dadalo sa
hearing na ipinatawag ng mga mambabatas. Mas gusto kasi niyang makasama ang
asawa kaysa magpaliwanag ng paulit-ulit.
Si Katallea naman ay tumawag sa mga tauhan nila upang tulungan ng mga ito na
malinis ang pangalan ni Geo at ilantad ang mga engineers na nagsabwatan noon para
pabagsakin si Don Arevalo. Hindi kasi nagustuhan ng mga ito ang pamamalakad ng
Don kaya sinabotahe nila noon ang mga proyekto ng lalaki.
Tumawag muli si Katallea upang makibalita kay Samantha. Naiinis siyang
walang nakuhang impormasyon ang mga inutusan nila tungkol sa kinaroroonan ni
Clarise. Sa lahat ng ginawa ng mga San Sebastian sa pamilya niya ay hindi pa niya
kayang patawarin ang mga ito.
Nanatili ang mag-asawa sa may hardin. Doon ay ikinuwento ni Katallea kay Geo
kung paano sila nagkita at nagkasama ng kakambal niya.
“Sino ang dinadalaw n’yo sa sementeryo?” Tanong ni Geo kahit may hinala na
siya sa isasagot ng asawa.
“Ang mga magulang namin at ang anak nina Samantha. Namatay ang bata
pagkapanganak rito ni Sam.”
Nakahinga ng maluwag si Geo. Buong akala niya ay nabuntis si Katallea at
namatay ang anak nila. Kakamot-kamot siya habang nakatingin sa magandang mukha
ng asawa.
Makalipas ang ilang minuto ay tinawag ni Yaya Adel ang alaga nito. Nagpaalam
sandali si Geo sa asawa niya ngunit sumunod si Katallea. Nagulat pa ang
imbestigador
ng makita nito ang babae.
“Sir, okay na pala kayo,” Nahihiyang sabi ng bagong dating.
“Who is he, Geo?”
“Private investigator na kinuha ko para alamin ang tungkol sa’yo at kay
Samantha.”
Napanganga si Katallea. Napakamot naman ng ulo ang bisita nila. Halatang
nahihiya ito dahil hindi ito halos makangiti kay Katallea.
“I’m sorry, pare. Salamat sa serbisyo mo. Ang laking tulong mo sa akin,” Sabi ni
Geo. “Maayos na ang lahat ngayon at tutal narito na ulit ang asawa ko, pag-uusapan
na
lang namin ang mga hindi pa namin alam sa isa’t isa.”
“Gusto kong marinig kung ano ang natuklasan niya tungkol sa amin ni Sam.
Magiging sa lihim ng bawat pamilya kung meron man,” Sabi ni Katallea.
“Anong lihim?” Naguguluhang tanong ni Geo sa asawa niya.
Naupong magkatabi sa sala ang mag-asawa habang nasa harapan nila ang
kanilang bisita. Nahihiyang nagsimulang mag kwento ang imbestigador kay Geo
habang nakikinig lamang si Katallea. Nagsimula iyon sa hindi sinasadyang pagkikita
nina Sam at Sandra sa America, ang paghahanap ni Sam sa kakambal niya, lahat iyon
ay
maayos na nailahad ng lalaki.
Napahanga si Katallea sa galing ng imbestigador. Hanggang sa dumating na sa
puntong dahilan ng pagkakadukot kay Katallea noong bata pa lamang ito.
Napataas ang puwet ng babae sa kinauupuan niya. Sa loob ng limang taon ay
madalas niyang tanongin si Sam kung bakit sinisisi sila ng mga San Sebastian, kung
bakit sinasabi ni Clarise ay niloko ng pamilya Hajibo ang mga ito kaya nagdusa
sila.
Sinabi ng kakambal niya ang dahilan ngunit nakukulungan siya. Limitado rin kasi ang
alam nito.
“Magkasosyo kasi sa negosyo sina Mr. Miguel San Sebastian , ama ng kinilala
mong Papa, Miss Katallea at ang tunay mong ama na si Mr. Hajibi. Niloko ni Mr. San
Sebastian ang daddy mo. Halos malugi noon ang kumpanya n’yo dahil sa ginawang
pagwaldas ni Mr. San Sebastian sa pera ng kumpanya. Ang dati n’yo pang negosyo
noon ay pagawaaan ng semento.”
“Alam ko na ang lahat ng iyan, Aside from that, may bago ba?” Naiinip na
tanong ni Katallea. “Kung wala na, siguro mas mabuting huwag na nating sayangin ang
oras ng bawat isa.”
“No, please continue. I want to hear everything.” Tutol ni Geo.
“Ganoon na nga po, Sir. Nalaman ni Mr. Hajibi ang panloloko ni Mr. San
Sebastian kaya naman kinasuhan niya ito. Noong una ay gusto lang ni Mr. hajibi na
maibalik ang pera ng kumpanya pero matapang si Mr. San Sebastian kaya umabot sila
sa korte hanggang sa nakulong si Mr. San Sebastian.”
Tumingin ang imbestigador kay Katallea na waring nagtatanong kung itutuloy pa
ba niya ang pag-report kay Geo o hindi na. Napatango na lang si Katallea dahil ayaw
niyang magalit ang kabiyak. Wala kasing alam ang asawa niya sa nakaraan ng dalawang
pamilya.
“Sa kulungan at nagpakamatay si Mr. San Sebastian dahil sa labis na kahihiyan.
Iyon ang nagtulak kay Mang Nestor upang pagbantaan ang dating kaibigan ng pamilya
nila, ang mga Hajibi. Wala siyang ibang nasa isip kundi ang maghiganti sa mga ito
hanggang sa dinukot niya ang isa sa mga kambal. Walang nakakaalam na may isa pa
palang anak ang mga Hajibi dahil prinotektahan ng mag-asawa ang sanggol na noon ay
nasa ICU dahil sa iba’t ibang karamdaman. Ang nadukot ni Mang Nestor ay si Katallea
at ang naiwan at itinakas pa-America ay si Ms. Samantha McKay.”
“Bakit pinatay ni Mang Nestor ang lolo ko?” Tanong ni Geo. “Nalaman mo rin ba
ang sagot sa tanong na iyan?”
“Ang totoo, Sir, dating magkakaibigan sina Mr. Hajibi, Don Arman at Mang
Nestor.”
Nanlaki ang mga mata ni Katallea. Hindi niya alam na ang biyenan niyang lalaki
ay kaibigan ng totoong tatay niya. Walang nabanggit si Sam tungkol doon. Ngunit
bakit
galit din sa kaniya si Don Arman?
Nilaro-laro ni Katallea ang mga daliri niya. Naalala niya noong sinabi ng
kinagisnan niyang ina na nakakalaro niya noon si Geo.
“Alam mo ba ito, Geo?”
“Wala akong alam, Kat. Lahat ng naririnig ko ay bago sa akin. I don’t even
remember my Dad mentioning your real family.”
Naging interesado si Katallea na malaman pa ang ilang mga bagay na hindi sa
kaniya nasabi ni Samantha. Hanggang sa nagpatuloy ang imbestigador sa pagkuwento
ng mga natuklasan niya.
“Noong araw na dinukot ka Ms. Katallea ay nakita ni Mr. George Arevalo ang
lahat. Siya ang lolo ni Sir Geo. Tinawagan ng lolo mo ang iyong Daddy, Sir Geo,
habang
sinusundan nito si Mang Nestor at sinabi niya ang lahat ng nakita niya. Pinilit ng
lolo
mo, Sir, na mabawi si Ms. Katallea ngunit nabigo siya. Napatay ni Mang Nestor ang
lolo
mo.”
Parang bomba ang bawat rebelasyon ng imbestigador. Nagtataka siyang
nakatingin kay Katallea. May taong sa utak niya na hindi niya mabigkas at gusto
niyang
malaman iyon ng hindi na pinag-iisip pa ang asawa niya.
Si Katallea man ay naguguluhan. Halos lahat ay nasabi na ni Samantha sa kaniya
ngunit maliban sa huling ibinunyag ng imbestigador.
Pagkatapos ng mga nalaman nila ay naiwang halos hindi nag-iimikan ang
mag-asawa. Malalim pareho ang mga nasa isipan nila habang si Yaya Adel na kanina pa
nakikinig ay mabilis na nagtungo sa kusina at binasa ng tubig ang mata niyang
lumuluha.
KATALLEA CHAPTER 57
Nakapamewang si Mr. McKay ng madatnan nina Geo at Katallea habang
nagdidilig ng halaman. Masama ang tingin nito kay Geo at ipinaramdam nito sa bisita
na hindi siya katanggap-tanggap sa bahay na iyon.
“Where is Sam?” Tanong ni Katallea sa bayaw niya.
“In the kitchen. She’s waiting for you.”
Hindi nagtanong si Mr. McKay tungkol sa estado ng relasyon nina Geo at
Katallea. Iyon kasi ang ugali ng lalaki, hindi mausisa. Mabait ito ngunit sobra
kung
mag-alaga ng pamilya kaya alam ni Katallea na kapakanan niya ang iniisip ng bayaw
kaya ganoon ang tingin nito kay Geo.
Hinawakan ni Katallea ang kamay ng kaniyang asawa at iginiya ito papasok sa
isang napakalaking bahay. Ang mata ni Geo ay namangha sa nakita niya sa loob niyon.
Maayos kasi ang pagkakagawa ng bahay at makikita ang mga mamahaling bagay doon.
Hindi akalain ni Geo na ganoon kayaman ang pamilya ng napangasawa niya.
Kung bilyonaryo siya dahil sa dami ng properties na meron sila at maging sa dami ng
na-develop nilang mga bahay ay mas mahigit pa ang mga Hajibi. Nakita niya iyon sa
files na hiningi niya sa bagong sekretarya ng kumpanya.
Ang mga dekorasyon sa pader ng bahay ng mga Hajibi ay masasabing milyon
ang halaga ng bawat isa. Ang mga paintings na likha ng mga sikat na pintor ay
napanatili ng pamilya ang angking ganda. Buong ingat iyong nakasabit sa dingding ng
malaking bahay.
Naitanong ni Geo kung bakit naisipan pa ng mga Hajibi na magpatayo ng Real
Estate Realty gayong malaki na ang kinikita nila sa pagpapagawa ng mga kalsada na
kinokontrata nila sa gobyerno, sa malaking kumpanya nila na exporter ng mga pyesa
na
ginagamit sa mga electronics company sa Taiwan, Japan at Korea. Bukod pa roon ay
mas lumaki pa ang pagawaan ng semento ng pamilya na inakala ng marami na
bumagsak na. Iyon pala ang nagpalit lang ng pangalan.
Ngunit sabi ni Katallea ay sinadya ni Samantha na ipinatayo ang realty para
mapalapit ang babae kay Geo. Matagal na kasing gustong makausap ni Samantha ang
kakambal niya ngunit dahil magulo pa ang pagsasama ng mag-asawa noon kaya hindi
nagawa iyon ni Sam hanggang sa nangyari na nga iyong sa resort sa Batangas.
“Okay ka lang ba?” Tanong ni Katallea ng mahalata niyang tila tensyonado si
Geo.
“Oo. Hindi ko naranasan ligawan ka kaya ngayong haharap ako sa kapatid
medyo kabado ako. Kung buhay siguro ang mga magulang mo baka naihi na ako sa
pantalon.”
Napabungisngis si Katallea. Nakita iyon ni Samantha na noon ay palabas na ng
kusina.
“Welcome, Mr. Arevalo.” Seryoso ang mukha nito katulad noong una niyang
makita ito sa opisina ng McKay Realty.
“It’s nice to see you again,” Sabi ni Geo.
Nagkamay ang dalawa bago umupo sa mamahaling upuan. Kabado si Geo sa
sasabihin ni Samantha habang komportable namang naupo si Katallea. Nang makita ni
Geo ang asawa niya na nakataas ang mga paa habang kumukotkot ng junk food ay
napangiti siya.
“Bakit? Ano ang nakakatawa?” Inis na tanong ni Katallea.
“Ang lakas kasi ng kabog ng dibdib ko sa pagharap ko sa kakambal mo pero
ikaw parang college student na walang pakialam.”
“Mabuti naman at kinabahan ka sa akin, Mr. Arevalo.” Sabad ni Sam. “Kumusta
kayo?”
“Sinikap naming magsimula muli. May mga tanong pa kami tungkol sa nakaraan
pero gusto kong mas pagtuunan ang bukas kesa noon. Ayaw ko lang na mag-isip si
Katallea.”
“Mabuti kung ganoon. Natutuwa rin akong nagpagupit ka na.”
Napahawak si Geo sa ulo niya. Agad siyang nagpaputol ng buhok at nag-ahit
dahil kinukulit talaga siya ni Katallea. Balak pa ngang gupitan siya ng babae kung
hindi
siya nagpagupit kaagad.
Nahihiyang tumingin si Geo sa hipag niya. Si Katallea ay umayos ng upo. Ang
mukha nito ay biglang sumeryoso.
“Sam, have you heard the story about the relationship between Arevalo, Hajibi
and San Sebastian?”
“Ang alam ko lang ay tungkol sa Hajibi and San Sebastian. I don’t know about
Arevalo. Wala naman na-kwento sina Lolo at Lola. Bakit anong nalaman niyo?”
Hindi makapaniwala si Samantha sa naging sagot ng mag-asawa. Ang alam niya
ay maraming kilalang tao ang Daddy nila noong nabubuhay pa ito pero kahit minsan ay
hindi nabanggit ang Arevalo.
“I suggest na mas mabuti pa rin na makita niyo ang kontrata ng dalawang
matanda para sa peace of mind niyo pareho.” Tumingin si Samantha sa kapatid niya
pagkasabi noon. “But you should not forget that you are a daughter of Hajibi and
not
San Sebastian. Whatever the contract’s content is, hindi ka apektado.”
Napatango ang mag-asawa. Tama si Samantha, ang kontrata ay sa pagitan lamang
ng Arevalo at San Sebastian. Ngunit hindi pa rin mawala sa isip ni Katallea na
dahil San
Sebastian ang nagpalaki sa kaniya ay kaya maaaring posibleng madamay pa rin siya at
kailangan niyang paghandaan iyon.
Naging maayos ang pagtanggap ni Sam kay Geo pero panag ang paalala nito sa
bayaw niya. Napansin din ni Geo ang mga peklat ni Sam sa balikat. Napatingin doon
ang lalaki ng hindi sinasadya.
“These are the reasons kaya palagi akong naka-polo.” Hinawakan ni Sam ang
peklat. “Mga bakas ito ng turok dahil nagkasakit ako noong bata pa ako.”
“May pagkakaiba rin pala kayo ni Katallea. Ngayon ko lang nakita.”
Tumawa si Samantha. Oo, magkamukha sila ngunit marami silang pagkakaiba ni
Katallea na hindi agad makikita ng iba. Si Samantha ay sopistikada, si Katallea ay
nanatili ang pagiging simple. Matalino si Katallea at hindi ganoon kagaling si
Samantha. Ngunit ang kambal ay parehong madiskarte sa negosyo, bagay na minana
nila mula sa kanilang mga magulang.
“Take care of her,” Seryosong sabi ni Sam kay Geo. “Ayaw kong masaktan muli
ang kapatid ko.”
Nangako si Geo kay Samantha habang ngingiti-ngiti lang ng pilya si Katallea.
Ang makita ang dalawang taong mahal niya na nag-uusap ng maayos ay isang malaking
bagay para sa kaniya.
Nagpaalam ang mag-asawa kay Samantha na doon na ulit titira si Katallea sa
bahay nila. Pumayag naman ang babae dahil malapit lang ang bahay na iyon mula sa
bahay ng mga Hajibi. Si Mr. McKay ay sang-ayon din ngunit masama pa rin ang tingin
nito sa tuwing masusulyapan si Geo.
Ilang araw ng aligaga si Katallea at napapansin iyon ni Geo. Malalim palagi ang
iniisip ng babae kaya minsan ay nagiging magugulatin na ito.
“Anong problema?” Tanong ni Geo kay Katallea ng maabutan niya itong
nakatitig lang sa halaman sa may gate ng bahay nila.
“The contract...Have you seen it, Geo?”
Niyakap ni Geo ang asawa niya para pawiin ang ano mang alalahanin nito.
“Please, forget about it. Will you? Napag-usapan na natin iyan kasama si
Samantha. Akala ko pa naman ay okay na ang lahat,” Lambing niya kay Katallea.
Ngunit hindi nagbago ang emosyon ng asawa niya.
“Okay, we will try na hingiin ang kopya ng kontrata ni Lolo at ni Miguel San
Sebastian kay Daddy. But, please, try to forget the content of it. Wala ng magiging
epekto iyon sa ating dalawa dahil balewala na iyon. The most important thing is
tayo
and the love we have for each other.”
Masuyong hinalikan ni Geo si Katallea sa labi nito. Naawa naman si Katallea kay
Geo dahil halata pa rin ang pagod sa mukha ng lalaki dahil sa problemang ginawa
niya.
Patuloy naman sa paghahanap ng matibay na ebidensya ang mga inuutusan niya para sa
lugar na madiin ang G. Arevalo Real Estate Developer Company ay maituro kung sino
talaga ang totoong salarin sa pagguho ng mga bahay na naipatayo ng kumpanya.
Dahil sa pagiging balisa ni Katallea kaya nagdesisyon si Geo na dalawin ang
mga magulang niya. Gusto niyang sa muling pagsisimula nilang mag-asawa ay maayos
ang lahat. Tanggapin man o hindi ni Don Arman ang asawa niya ay wala na siyang
pakialam. Ang mahalaga kay Geo ay ang saloobin ng Mommy niya.
Kinabukasan, nagagalak na sinalubong ni Mrs. Arevalo ang mag-asawa. Panay
ang halik nito kay Katallea na noon ay nahihiyang humarap sa ginang dahil sa ginawa
niyang problema sa kumpanya ng mga ito.
“Magiging maayos ang lahat. Kung may kasalanan si Arman, pagbabayaran niya
iyon,” Sabi ng ginang.
“I’m sorry, Tita.”
“Tita? Hanggang ngayon ay tita pa rin ang tawag mo sa akin. Call me Mommy.
It’s an order,” Sabi ng mabait na biyenan ni Katallea.
“You are not welcome here!”
Nagulantang si Katallea sa boses ni Don Arman.
“Why Dad? Are you afraid ba na may matuklasan kami about sa contract na
pinirmahan nina Lolo at ni Miguel San Sebastian?”
“It has nothing to do with that! Hindi ko siya matatanggap kahit ilang beses pa
siyang mamatay at mabuhay! Siya ang dahilan ng pagkamatay ng Daddy ko!” Sigaw ni
Don Arman.
“I don’t understand, Arman. Biktima si Katallea katulad ng Daddy mo. Bakit
kailangang pati siya idamay mo ngayon?” Singit ni Mrs. Arevalo.
“Nasayang ang buhay ni Daddy dahil sa kaniya!” Binalingan nito ang
mag-asawa. “Lumayas na kayo, ngayon din! At babe, hindi mo mapapabagsak ang
kumpanyang pinaghirapan ko!”
“Aayusin ko po ang lahat. I’m sorry po,” Sabi ni Katallea.
“Dad, will you please be honest. Ano pa ang laman ng kontrata? Saan mo itinago
ang mga nawawalang pages? Gusto naming magsimula ni Katallea na malinaw ang lahat
kaya gusto kong malaman ang laman noon dahil ayaw kong mawala pang muli ang
asawa ko!”
Ngumisi si Don Arman. Kasing tigas ng bato ang puso niya para pagbigyan ang
anak sa kahilingan nito.
“I’ve waited for so long para maipaghiganti si Daddy but you ruined everything,
Geo. And that is because of that damn heart of yours!”
Nang mabatid na wala talaga silang mapapala kay Don Arman kaya naisipan na
lang nina Geo at Katallea na umuwi na lang. Nagkasundo ang mag-asawa na hindi nila
pareho susundin ang kontrata at sa halip ang mga puso nila ang pakinggan nila.
Sa daan ay parehong tahimik ang mag-asawa. Hanggang sa may natanggap na
mensahe si Geo mula sa mga pulis. Agad naman niyang sinabi iyon sa asawa dahil ayaw
na niyang maglihim kay Katallea. Halos lahat ay sinasabi na niya sa huli dahil
naniniwala si Geo na ang pagiging malihim ay siyang magiging dahilan para
magkaroon sila ng problema.
“May sa daga talaga ang pinsan mo. Ang galing tumakas,” Galit na sabi ni
Katallea.
“Mag-iingat tayo. Hindi ko alam ang tinatakbo ng utak ni Anastasia,” Wika ni
Geo.
“Paano siyang nakatakas? Ano ang sabi ng pulis?”
“Dadalhin daw sana sila sa judge when a car stopped them. May mga lalaki ra na
kumuha kay Anastasia.”
Napatingin si Katallea sa labas ng bintana. Alam niyang may panganib na
naghihintay ngunit hindi na siya ang dating estudyante noon na takot sa kaniyang
guro.

KATALLEA CHAPTER 58
Sa pagtakas ni Anastasia sa kulungan ay isang malaking panganib ang dala niya
para kina Geo at Katallea. Lahat ng tauhan na pwedeng makatulong sa mag-asawa ay
ipinatawag ni Geo. Alam niyang wala na sa maayos na katinuan si Anastasia at nasa
panganib ang asawa niya.
Isang magandang balita naman ang dumating kay Geo. Sa tulong ni Katallea at
ng mga taong inupahan nito at ni Sam ay naipakulong ang mga totoong may sala sa
pagbagsak ng mga bahay na ipinatayo ng kumpanya nina Geo sa ilalim ng pamamahala
ng kaniyang ama. Ang pinuno ng unyon ay nasibak sa pwesto at ang lahat ng trumaydor
sa kumpanya.
Nagbayad ng danyos perwisyo ang kumpanya sa mga naapektuhang residente
ngunit hindi nakulong si Geo at ang ama nito. Labis-labis ang pasasalamat ni Mrs
Arevalo ngunit hindi pa rin makausap ng maayos ang Don. Panay naman ang kumbinsi
sa kaniyang asawa na ayusin ang relasyon sa anak nila.
Dahil sa kahilingan ni Mrs. Arevalo, paminsan-minsan ay dumadalaw na si Don
Arman sa bahay ng mag-asawa ngunit ayaw nitong pinag-uusapang ang tungkol sa
kontrata nina Miguel San Sebastian at ang Lolo ni Geo. Ang payo ni Mrs. Arevalo ay
huwag na iyon intindihin ng mag-asawa na siya namang sinunod nila.
Lumipas ang mga linggo, habang nanonood ng TV ang mag-asawa sa silid nila
ay biglang may sinabi si Katallea na dahilan para kumunot ang noo ng lalaki.
“Mapanganib ang gusto mo, Kat. Hindi ko papayagan ang kagustuhan mo.
Maging si Samantha ay siguradong hindi ka pagbibigyan sa kahilingan mo. Let our men
do the work.”
“Gusto ko rin kasi silang makaharap. Ilang taon na rin ang lumipas. Aaminin
kong nami-miss ko rin ang mga nakagisnan kong magulang. Katulad mo, Geo, I want to
start a new life ng may tahimik na buhay. No grudges and pain from the past.”
“Kat, si Clarise ay nakawala sa mata ng mga tauhan ko. Nagsisisi ako na pinili
kong pahirapan siya sa labas ng kulungan. Kaya huwag na munang matigas ang ulo
mo.”
“Gusto ko kasing makita at makausap sila ng personal. Ang pagpapatawad ang
pinakamahirap gawin pero susubukan ko para sa kapayapaan ng puso ko. Isusunod ko
na lang ang paglimot.”
Niyakap ni Geo ang asawa niya. Sa kabila ng matinding paghihirap na
pinagdaanan nito ay nananaig palagi ang pagmamahal para sa mga taong nakapaligid sa
kanya. Ang buong akala niya ay mananatili itong matigas ngunit ang kabutihan ng
puso
ng asawa ay hindi pa rin kayang takpan ng galit at paghihiganti.
“Kapag hindi ka pumayag, doon ako matutulog sa silid ni Yaya Adel,” Kunwari
ay nagtatampong sabi ni Katallea.
“You will definitely miss me,” Sabi ni Geo. Tumaba na ito kahit kaunti kaya ng
daganan nito si Katallea ay hindi halos makahinga ang huli.
“Geo! Umalis ka nga riyan. Nanonood tayo.”
“Ang boring ng palabas. Mas gusto kong panoorin ka habang nag-eenjoy sa mga
halik ko.”
“Manyak ka! May...Alis nga!” Itinulak ni Katallea ang lalaki ngunit niyapos siya
nito at pumihit ito para siya naman ang mapa-ibabaw.
“May menstruation ako,” Pilyang sabi ni Katallea.
“Ayaw ko ng ganiyang biro.”
Humalakhak si Katallea nang makita niya ang pagkadismaya sa mukha ng lalaki.
Dahil may laman na ulit ito kaya bumalik ang gwapong mukha ni Geo. Ang mukhang
iyon na madalas ay kainisan niya noong college pa lamang sila dahil para sa kaniya
ay
hindi ito marunong makisama ay tinampal niya.
“Pa-kiss na lang.”
“Bawal may problema pa tayo at huwag kang mamihasa ng oras-oras.”
Umalis si Katallea sa ibabaw ni Geo, Panay naman ang buntong hininga ng
lalaki.
“Damn it! Alam mo bang kahit araw noong college pa lang tayo ay
napapanaginipan kong…” Humarap ito kay Katallea at kumindat.
“Walang hiya ka. Ang tagal mo na pala akong pinagnanasaan.” Pinaghahampas
ni Katallea ang asawa niya hanggang sa mapagod siya.
Ang totoo ay wala siyang dalaw. Gusto lang niyang asarin ang lalaki dahil tila
yata hindi ito nagsasawa sa katawan niya. Maging siya ay ganoon din. Madalas niya
itong hinahanap-hanap at gustong makasama.
Iniyakap ni Geo ang kaliwang braso sa bewang ng nakatagilid din niyang asawa.
Magkaharap sila kapwa nakatingin sa mata ng bawat isa.
“I love you. Hindi ako magsasawang sabihin iyan sa’yo ng paulit-ulit. Bago ka
nila saktan ay ako muna.”
“So, payag ka ng umuwi ako sa bayan at dalawin rin ang Brgy. Saradama?”
“Kung iyon ang magpapasaya sa’yo, then go ahead. Sasamahan kita.”
Sa sobrang tuwa ni Katallea ay pinaghahalikan niya si Geo. Isang pilyang ngiti
ang pinakawalan niya sabay dakot sa harapan ng kaniyang asawa.
“Kumalma ka, ha! Simula ngayon, akin ka lang!”
Dahil sa ginawa ni Katallea ay pinamulahan ng mukha si Geo at napaungol ito
dahil sa pagkadismaya. Ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod na mga nangyari.
Ang simpleng hawak ay naging mensahe hanggang sa naglakbay ang kamay ng asawa
niya papasok sa loob ng kaniyang brief.
Napamura si Geo dahil hindi nito mapigilan ang pag-init ng kaniyang katawan sa
bawat haplos na dumadantay sa kaniyang balat. Nagsimula na siyang maghabol ng
hininga dahil sa bilis ng tibok ng kaniyang puso.
“Why are you punishing me this way?” Namamaos at tile hirap na tanong ni Geo
sa asawa niyang nagtanggal ng damit pang-itaas.
“I'm not doing anything. Calm down. Just feel my touch.”
Napaungol muli si Geo sa panunukso ng asawa niya. Hanggang sa namalayan na
lamang niya na iisa na ang mga katawan nila habang siya ang nasa ilalim ang at
asawa
niya ang nasa ibabaw.
“F*ck! I thought…” Hindi naituloy pa ni Geo ang sasabihin. Ninamnam na
lamang niya ang bawat galaw ng kaniyang asawa. Bawat ungol at galaw sa silid nila
ay
isang napakagandang tunong na namumula sa mga puso ng dalawang taong
pinaghiwalay man ng mga taong makasarili ay pinairal pa rin ang pagmamahal sa bawat
isa.
Samantala, si Clarise ay umuwi sa mga magulang niya. Ilang araw na siyang
hindi kumakain dahil pinagkasya na lamang niya ang kaniyang pera. Nilinlang lamang
niya ang mga tauhan ni Geo kaya nagawa niyang tumakas at makaalis sa bulok na
apartment na dati niyang tinitirhan.
Halos atakihin si Mang Nestor ng makita ang anak niya. Aminado siya sa mga
pagkakasala ngunit hindi niya lubos maisip na magiging mas makasalanan pa sa kaniya
ang anak.
“Wala kang kwentang anak! Palibhasa ibinigay sa’yo ni Katallea ang lahat pati
ang buhay niya kaya naging makasarili ka! Pinalaki ka naming mabuting tao,
Clarissa.
Ngunit nagkasungay ka dahil sa pera at yaman ng pamilya!” Litanya ng ina niya.
“Kung kayo ay nakuntento sa hirap, pwes ako hindi! Hindi ang drama niyo ang
inuwi ko rito! Nasaan ang mga titulo ng mga lupa sa Saradama?”
“At anong gagawin mo sa mga titulo?”
“Ano pa, ipagbibili ko ang mga lupa dahil kailangan ko ng pera!”
Napahawak si Mang Nestor sa dibdib niya. Nang mga oras na iyon ay naisip
niyang si Clarise ang parusa ng Diyos sa kaniyang mga kasalanang nagawa.
“Oh, bakit tila gulat na gulat kayo? Alam kong sa inyo ipinangalan ni Ate
Katallea ang lahat ng ari-ariang naipundar niya kaya may karapatan kayong gawin ang
ano mang nais niyo. Akin na ang mga papeles!” Niyugyog ni Clarise ang ama at ina
niya.
Saktong dumating ang kapatid niyang bunsong lalaki. Sinugod nito si Clarise at
hinawakan sa braso. Binalibag nito ang kapatid at tinulungang maitayo ang mga
magulang na napasalampak sa sahig dahil sa ginawa ni Clarise sa mga ito.
“Kung hindi mo kayang igalang ang mag magulang natin, lumayas ka na! Para sa
pamilyang ito, matagal ka ng patay!”
Ngumisi si Clarise. Ang kapatid nilang bunso ay teenager pa lamang. Dahil batak
ito sa mga trabahong bukid kaya kahit bata pa ay malakas ito. Sinanay kasi ni Mang
Nestor ang bunso nitong anak para kung sakaling dumating ang araw na maghirap
silang muli ay kakayanin nitong tumayo sa sariling mga paa.
Nagpapapadyak na umakyat si Clarise sa dating silid ni Katallea. Nabalitaan niya
sa telebisyon ang tungkol sa kapatid niya at maging ang pagbabalikan nito at ni
Geo.
Hindi siya papayag doon.
Mabilis ang mga kilos niya. Alam ni Clarise na anumang oras ay may mga tauhan
sina Geo at Katallea na tutungo roon para hanapin siya. Gusto niyang makuha ang mga
titulo bago pa dumating ang mga ito.
Ikinalat ni Clarise ang mga gamit sa cabinet. Nang hindi makita ang pakay ay
lumipat siya sa silid ng mga magulang. Doon ay hinanap rin niya ang mga titulo.
“Wala na rito ang hinahanap mo.” Napaangat ang ulo ni Clarise at napatingin sa
nagsalita.
“Mama, makukulong ako. Ayaw kong makulong.”
Lumapit si Mrs. San Sebastian sa anak niya at niyakap ito. Payat ito at marungis
ang dating masigla niyang anak.
“Patawarin mo kami, Clarise. Sa amin nagsimula ang problema,” Sabi ng mabait
na ginang.
Habang humahagulgol ang ginang ay ikwenento ni Mrs. San Sebastian kay
Clarise kung paano napunta sa kanila si Katallea. Bakas ang pagsisisi sa mukha ng
babae dahil inilihim nila iyon sa mga anak.
“Ibig sabihin, pamilya natin ang may pagkakamali sa kanila. Mama, hindi ko
matatanggap iyan,” Sabi ni Clarise sa pagitan ng pag-iyak.
“Iyon ang totoo, anak. Buong akala ng tatay mo noon ay niloko ng daddy niya ng
mga Hajibi. Huli na ng malaman niyang ang lolo ang may pagkakamali sa pamilya ng
ate mo. Higit pa roon, napatay ng daddy mo ang lolo ni Geo.”
Parang bomba kay Clarise ang mga sinasabi ng Mama niya. Walang tigil ang
dalaga sa kaiiyak hanggang sa tuluyan itong mawalang ng malay.
“Clarissa, magsaing ka na!” Utos ni Katallea.
Pilyang nilaro ni Clarise ng bulaklak ng damo ang tainga ng ate niya. Naiinis
namang hinabol ito ng walis tingting ang kapatid niya.
Hanggang sa nauwi sa masayang tawanan ng magkapatid ang simpleng kakulitan
ni Clarise.
Isang yugyog sa balikat ng dalaga ang nagpagising kay Clarise. Hanggang sa
kaniyang panaginip ay dala-dala niya ang masayang kabataan niya kasama ang
kaniyang Ate Katallea. Isang bagay iyon na kinamumuhian ng dalaga.
Hilam ng mga luhang humingi ng tawad ang suwail na anak sa mga magulang
niya. Batid niyang marami na siyang ginawang mali at dahil sa nalaman niya kaya
nagkunwari siyang biglang namulat sa katotohanang hindi sila biktima kundi mga
salarin.
“Buhay siya Mama. Sa tindi ng kasalanan natin sa kaniya ay ihanda niyo ang
mga sarili niyo.”
“Alam naming bumalik na siya. Noon pa man ay alam naming buhay siya.
Kinuha niya kasi ang lahat ng ari-arian niya at tanging ang bahay na ito lang ang
itinira
niya sa amin.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Nagpadala siya rito ng mga tauhan para kunin ang mga titulo at mga dokumento
ng mga ari-arian niya.”
“Ibig sabihin ay naghihirap na rin kayo?”
“Matagal na, anak. Matagal na naming nilalasap ang parusa ng ate mo. May sakit
ang Papa mo at hindi namin siya maipagamot. Ang kapatid mong bunso ay hindi na
nag-aaral.”
Dahil sa nalaman ay lalong sumidhi ang galit sa puso ni Clarise. Ang totoo ay
walang pagsisisi sa puso niya. Pagpapanggap lang niya iyon para makumbinsi ang
kaniyang ina na ibigay sa kaniya ang mga papeles.
Ngayong alam niyang wala siyang makukuha sa bahay na iyon ay lalong
nagpupuyos ang kaniyang kalooban. Hindi siya makapaniwala na kayang pahirapan ni
Katallea ang mga magulang nila.

KATALLEA CHAPTER 59
Kinakabahan si Katallea habang naglalakbay sila pauwi sa probinsya kung saan
nakatira ang mga nakagisnan niyang mga magulang. Masuyong ginagap ni geo ang
nanlalamig na kamay ng asawa at hinalikan iyon.
"I'm here. Stay calm," sabi ni Geo sa katabi niya.
“Sana wala roon si Clarise. Hindi siya makita ng mga tauhan namin ni Sam. How
about Anastasia, may balita ka na ba?”
“Ako na ang bahala sa isang iyon. Hinahanap na rin siya ng mga pulis. May mga
tao rin akong nagmamanman sa lugar niyo. So far, hindi nila namamataan doon si
Clarise.”
“Dapat mahuli na sila. Uuwi na ang parents ni Joey. Magpa-file sila case laban
kina Anastasia at Clarise.”
Gulat na napatingin si Geo sa asawa niya. Iginarahe pa nito ang sasakyan sa gilid
ng highway.
“Alam mo kung nasaan sina Tito at Tita? May contact ka sa kanila?"
Tumango si Katallea. Nagsimula siyang i-kwento sa asawa ang mga nalaman.
Pinalabas laman ng pamilya ni Joey na ibinenta na nila ang mga ari-arian dito sa
Pilipinas sa pag-aakalang si Don Arman ang totoong salarin sa nangyari sa anak
nila.
Nagtago sila sa Canada kung saan ay malayo sila sa mga galamay ni Don Arman.
Ngunit kalaunan ay naging malinaw rin ang lahat sa mga pangyayari noong gabi
ng aksidenteng iyon. Habang nasa biyahe na sina Joey at Clarise ay napag-alam ni
Joey
na nakikipag-usap si Clarise kay Anastasia. Nag-away ang magkasintahan hanggang sa
huminto sila sa gilid ng highway kung saan naganap ang aksidente.
Sa loob ng sasakyan ay patuloy ang pagtatalo nina Joey at Clarise hanggang sa
dumating si Anastasia. Bumaba ng sasakyan si Clarise at naiwan naman si Joey. Nang
aktong papaandarin na ni Joey ang sasakyan ay isang malakas na pwersa ang nagtulak
sa sasakyan niya upang mahulog iyon sa bangin na nasa kaliwang bahagi ng sasakyan.
Walang pakialam na umalis sa lugar na iyon sina Anastasia at Clarise hanggang
sa nabalitaan na laman ang aksidenteng sinapit ng goal keeper ng dating sikat na
soccer
team ng isang unibersidad.
“Paano mo nalaman nina Tito at Tita ang mga pangyayaring iyon?” Nagtatakang
tanong ni Geo sa asawa niya.
“You’ll find out soon. Sa ngayon, iyan lang muna ang masasabi ko.”
“Katallea, naglilihim ka sa akin,” Nagtatampong sabi ni Geo bago sinimulang
paandarin muli ang sasakyan.
Inihilig ni Katallea ang ulo niya sa balikat ng asawa. Ayaw niyang makita
nagtatampo ang lalaki.
"I'm sorry. Ayaw kong magalit sa akin ang parents ni Joey. Ayaw pa nilan ipasabi
ang lahat sayo. Magkikita rin kayo soon. "
Naiintindihan ni Geo ang asawa niya. Isa iyon sa ugali ni Katallea na hindi na
niya mababago pa. Kapag nangako ang babae sa taong kausap ay hindi niya iyon
babaliin kahit pa pilitin siya ng ibang tao.
“Kawawa naman ang bestfriend kong iyon. Kasalanan ko rin kung bakit nangyari
iyon sa kaniya. Kung malinaw lang sana ang isip ko noon, hindi na niya kailangang
itakas pa si Clarise."
"Masaya na si Joey. Wala ka ng dapat pang alalahanin. Pag-uwi ng parents niya
malalaman mo rin ang lahat. Sila na ang magsasabi sa’yo ng mga hindi mo pa
nalalaman."
"Nanghihinayang lang ako sa nangyari sa friendship namin. I ruined everything."
Niyakap ni Katallea ang asawa niya habang nagmamaneho ito.
"No, Geo. May mga magagandang bagay kang ginawa na hindi mo lang batid."
“Kat, I’m curious. Anong nangyari sa negosyo mo sa loob ng limang taon? Who
managed it during that time na wala ka?" Pag-iiba ni Geo sa usapan.
“Noong umalis ako sa Pilipinas, magulo ang isip ko noon. Si Sam at ang mga
tauhan niya ang nag-asikaso ng lahat ng iyon.”
”Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? I mean, are you sure na handa ka
ng magpatawad?”
”Yeah, Geo, sana ikaw rin. Try to forgive your Dad. Mahal ka naman noon.
Nabulag lang s’ya sa kagustuhang makapaghiganti.”
Hindi kumibo si Geo. Nanatili lamang ang mga mata nitong nakatutok sa
kalsada.
Nang dumating sina Geo at Katallea sa bahay na ipinagawa ng huli sa bayan nila
ay halos hindi alam ng mag-asawang San Sebastian kung paano haharapin ang mga ito.
Mula naman sa taas ng bahay ay nakita ni Clarise ang pagdating ng grupo ng
dalawa. May mga kasama itong armadong lalaki kaya naman ganoon na lang ang takot
sa puso ng dalaga. Hindi niya alam kung saan magtatago o kung paano tatakas.
Ang galit sa puso ni Clarise ay lalong umigting ng makita kung paano alalayan ni
Geo si Katallea. Hindi siya papayag na hindi makuha mula sa kinilalang ate niya ang
mga titulo at papeles na pwedeng makatulong sa kaniya lalo at wala na siyang
mahuhuthot kay Anastasia. Ang buong akala kasi niya ay nasa kulungan pa rin ang
utak
ng gulong kinsangkutan niya.
Sa baba ng bahay ay masayang yumakap sa mga bagong dating ang itinuturing
na kapatid na bunso ni Katallea. Halos ayaw nitong bumitaw sa ate niya.
Sina Mang Nestor at ang asawa nito ay tahimik lamang. Kahit masakit pa rin ang
puso ni Katallea ay nagmano siya sa mga kinikilalang mga magulang.
“Kung ipapakulong mo ako, anak, dahil sa ginawa ko sa’yo at sa pamilya mo ay
tatanggapin ko,” Mahinang sabi ng matanda.
“Ako man ay handa na ring makulong, anak.” Umiiyak na sabi ng Mama nila.
Tiningnan ni Katallea ang bunsong kapatid. Umiiyak rin ito habang nakatayo sa
isang gilid. Ang awa sa puso ni Katallea ay mababakas sa kaniyang mukha.
“Pa, Ma, hindi ako pumunta rito para parusahan kayo. Alam kong minahal niyo
ako simula noong bata pa ako. Hindi ko po magagawa sa inyo iyan.”
Lalong napahagulhol ang ina ni Katallea habang ang luha naman sa pisngi niya
ay nag-uunahan na rin sa paglandas sa makinis niyan pisngi.
“Anak, patawarin mo kami. Sinikap naming ibalik ka sa mga magulang mo
ngunit patay na sila. Ayaw ka naming ibigay sa mga kamag-anak mong nag-unahan
naman sa pagkamkam ng naiwang negosyo ng mga magulang mo.”
”May mga kamag-anak pa po ako?”
”Mga malalayong kamag-anak na, Katallea. Mga pinsan na lang ng mga
magulang mo, ” Mahinang tugon ni Mang Nestor.
Naalala ni Katallea ang sinabi ni Samantha sa kaniya. May mga malalayo pa nga
raw silang kamag-anak ngunit lumayo si Samantha sa kanila dahil sa mga nangyari
noon. Marahil ang sinasabi ng kapatid niya ay ang pagkamkam ng mga ito sa ibang
naiwan ng mga magulang nila.
”Mabuti na lang pala at naproteksyonan pa nina Lolo at Lola ang ilan sa mga
natirang ari-arian ng mga magulang ko,” Bulong ni Katallea.
Habang nag-iiyakan ang mag-anak ay nanonood lamang si Geo. Hanggang sa tila
may nakita siya sa ikalawang palapag ng bahay.
Kasing bilis ng kidlat na umakyat si Geo ngunit napaurong din siya kaagad at
dahan-dahang humakbang ang kaniyan paa pababa ng hagdan haban nakatutok sa ulo
niya ang baril na hawak ni Clarise.
Parang nakakita ng multo si Katallea ng makita ang eksena sa harapan niya.
Hindi siya makapaniwala na naroon si Clarise. Ilang beses ng pinasubaybayan nila ni
Samantha ang bahay na iyon ngunit palaging sinasabi ng mga tauhan nila na wala roon
ang babae.
”Clarissa! Ibaba mo iyan!” Utos ni Mang Nestor sa anak niya.
Ngumisi si Clarise na parang nababaliw. Itinapat nito ang baril sa puso ni Geo
habang hindi nito inaalis ang mata sa mukha ng lalaki.
”Minahal kita pero ginamit mo lamang ako. Isa kang malaking pagkakamali,
Geo. ”
Napatingin si Geo kay Katallea. Sa isip ng lalaki ay kung iyon man ang araw ng
pagpanaw niya sa mundo, nais niyang mukha ng asawa ang kaniyang huling makikita.
Ngunit hindi siya papaya na masaktan kaya napapikit si Geo bago niya hinawakan ng
mabilis ang baril.
Isang malakas na putok ang narinig habang mabilis na nagtakbuhan ang mga
tauhan ni Geo. Ilang saglit pa ay makikitang duguan si Clarise dahil na nakaupo sa
hagdanan ng bahay nila.
Ang baril na hawak ni Clarise kanina ay nasa kamay na ni Geo at nakatutok na sa
dalaga.
“Bakit kailangang parusahan mo sina Mama ng ganito? Bakit kailangang
maghirap silang muli? Nagkasala sila sa’yo at sa pamilya mo pero minahal ka nila,”
Iyak ng dalaga. May tama ito sa braso at hita.
Mabilis na itinali patalikod ng mga tauhan ni Geo ang kamay ni Clarise.
Naguguluhang napatingin si Katallea sa mga magulang niya. Hindi niya
maintindihan ang sinasabi ni Clarise.
“Ano ang ibig sabihin nito?” Galit na tanong ni Katallea sa nakayukong
mag-asawa.
Lumapit si Mrs. San Sebastian kay Clarise. Ikinulong niya sa mga palad ang
mukha ng anak.
“Hindi totoo ang sinabi ko sa’yo noong isang araw. Hindi kami naghihirap.
Hindi rin huminto sa pag-aaral ang kapatid mo at hindi totoong hindi naipagagamot
ang
Papa mo. Ang titulo ay itinatago na rin namin kahit ang negosyo ay pinatatakbo na
ng
kakambal ng kapatid mo. Sinadya kong magsinungaling sa’yo para matigil ka lang sa
paghahanap noon. Ayaw kong dagdagan mo pa ang kasalanan mo. ”
Napatigalgal si Clarise. Lalo itong nagwala dahil sa narinig.
”Puro kayo pabor kay Ate Katallea! Nakalimutan n’yong anak n’yo ako. Si Ate,
siya na lang palagi ang iniisip niyo!”
”Wala kaming pinapaboran sa inyong dalawa. Inilulugar lang namin ang sarili
namin sa tama dahil sobra na ang kasalanan ko sa nakaraan.” Sabi ni Mang Nestor.
”Hindi namin itinuring na ibang tao si Katallea at hindi ka rin namin binalewala.
Sadyang hindi mo lang nakita ang pagpapahalaga namin sa iyo, Clarise.” Sabi ng Mama
nila.
Walang nasabi si Katallea sa mga napanood at narinig niya. Naramdaman na
lamang niya ang pagyakap sa kanya ni Geo.
”Dalin n’yo siya sa pulis station. Ako na mismo ang magsasampa ng kaso laban
sa kaniya,” Utos ni Geo sa mga tauhan nito.
Pakaladkad na inilabas ng bahay na iyon si Clarise. Sumisigaw ito sa sobrang
galit. Panay naman ang hingi ng paumanhin ng mag-asawang San Sebastian kay
Katallea.
”Alam n’yo po, sobrang sakit ng ginawa niyo sa akin at sa pamilya ko maging sa
pamilya Arevalo. Pa, sa’yo nagsimula ang lahat ng ito.”
”Alam ko, anak. Patawarin n’yo ako. Nabulag ako noon. Katulad ng sabi ko
kanina ay handa kong pagbayaran ang mga kasalanan ko. ”
Tumayo si Mang Nestor at nagsimula nang humakbang.
”Saan ka pupunta?” Tanon ng Mama ni Katallea.
”Panahon na para isuko ko ang sarili ko sa pulisya ng sa ganoon ay matapos na
rin ang pagpapaikot sa akin ni Arman.”
Agad na humulagpos si Katallea sa pagkayakap ni Geo. Mabilis niyang niyakap
patalikod ang kinilalang ama.
”Papa, hindi mo kailangang gawin iyan. Hindi ako magsasampa ng kaso.” Iyak ni
Katallea. ”Kakausapin ko rin ang Daddy ni Geo. Maayos pa natin ang relasyon ng
bawat isa.”
Humarap si Mang Nestor sa anak niya at ang matatag na lalaki ay biglang naging
mahina sa isang iglap. Buong suyo niyang niyakap ang anak na kay tagal din niyang
pinanabikan.
Lumapit ang ina ni Katallea at niyakap ang anak mula sa likuran. Ang bunso
nilang anak ay tahimik lamang na nakatingin sa tatlo.
Pagkatapos ng iyakan at pagpapatawaran ay dumiretso si Geo sa istasyon ng
pulis. Sinampahan nito ng iba’t ibang kaso si Clarise. Hindi na tumutol si Katallea
dahil
nirespeto niya ang desisyon ng kaniyang asawa.
Habang wala si Geo ay sinulit ni Katallea ang mga panahong nawala sa kanila
ang kaniyang kinilalang pamilya. Kahit hirap siyang lumimot ay sinikap niyang
magpatawad para sa maayos na pagsasama nila ni Geo dail para sa lalaking mahal niya
ay gagawin niyang posible ang imposible.

KATALLEA CHAPTER 60
Pagkatapos ng mga nangyari sa probinsya ay umuwi kaagad ang mag-asawa sa
bahay nila sa Maynila. Ibinigay na ni Katallea ang bahay at ang plantasyon sa Brgy.
Saradama sa mga kinilala niyang mga magulang sa kondisyon na hindi iyon magagalaw
ni Clarise.
Si Clarise naman ay inilipat na sa Maynila para doon pagbayaran ang mga
kasalanan niya. Galit pa rin ito sa ate niya ngunit wala ng pakialam si Katallea.
Isang araw ay tumawag ang Mommy ni Geo. Wala noon ang lalaki dahil abala ito
sa paghahanap ng lupa sa Bulacan upang patayuan ng bagong subdivision.
Si Katallea ang nakausap ng ginang. Kahit alanganin ay napa-oo na lang ang
babae sa kahilingan ng kaniyang biyenan ngunit hindi niya alam kung paano sasabihin
iyon kay Geo.
Buong maghapon ay abala si Katallea sa paglilinis ng bahay. Hind muna siya
nakikialam sa negosyo ng mga Hajibi dahil pinagpapahinga siya ni Samantha dahil sa
mga problemang pinagdaanan niya. Ang mga resorts naman ay hindi masyadong
ma-trabaho pamahalaan lalo at may mga mapagkakatiwalaang mga tao na inilagay doon
si Samantha noong nasa America pa siya.
Mag-alas kwatro ng hapon ng may marinig siyang bumusinang sasakyan. Hindi
iyon pinansin ni Katallea dahil alam niyang hindi si Geo ang dumating. Nagpatuloy
lamang siya sa ginagawa.
“Surprise! Kumusta na ang maganda kong kaibigan?”
Halos malaglag ang puso ni Katallea sa lakas ng boses ni Nicole. Kasama nito si
Max at halatang makikitambay ang dalawa sa bahay nila.
“Bakit parang gulat na gulat ka, Mrs. Arevalo?”
“Sino ba naman ang hindi magugulat sa lakas ng boses mo, Nicole?” Nasa pool
area noon si Katallea at nakikipaglaro sa alagang aso ni Geo.
Kinuha ni Yaya Adel ang dalang pagkain ng mga bisita at inayos iyon sa kusina.
Ang mga magkasintahan ay walang tigil sa pang-aalaska sa kaibigan nila. Parang
donya
na naupo si Nicole sa rattan chair na nakaharap sa pool.
“Tigilan n’yo ako sa dilig issue n’yo. Kayo itong walang patawad kait
katanghalian.” Protesta ni Katallea sa dalawa.
“Talaga? Mukha ngang hindi nadiligan ang isang ito, mainit ang ulo,” Tudyo ni
Nicole sa kaibigan.
“Mahiya ka nga kay Max. Ang sagwa mo talaga. Gusto na kitang itakwil bilang
kaibigan ko.”
Nanulis ang nguso ni Nicole ng marinig iyon. Hinampas nito si Max na tawa ng
tawa habang nakaupo sa tabi niya. Hindi kasi mapigilan ni Max ang matuwa dahil sa
naririnig sa dalawang babae.
“Now, I know how girls talk about…”
“Shut up!” Putol ni Katallea sa sasabihin ni Max. “Naku, Max, huwag mong
ituloy ‘yan. Kayong dalawa ni Nicole, mga mahihilig talaga kayo!”
”Oh-oh, wala akong alam diyan. I am still a virgin. No touch, no kiss since
childhood.”
Ang malakas na halakhak ni Katallea ay pumaimbabaw sa paligid. Sa daldal kasi
ni Nicole ay wala iton maitao sa kaniya.
“Mas matindi ang mga lalaki mag-usap ng ganiyan. Ginagawa n’yo pa ngang
pulutan ang mga babae,” Sabi ni Nicole.
Kapwa napatingin ang magkaibigan sa lalaking prenteng nakaupo. Napatayo pa
si Nicole ng hindi inaasahan ni Katallea.
“Teka, bakit masama ang tingin n’yo sa akin? Hindi namin ginawa iyan ni Geo.”
“Really?” Usi ni Nicole sa kasintahan niya. Si Katallea naman ay nanonood sa
dalawa.
Tumikhim si Geo mula sa kung saan na ikinalingon ng tatlo.
“What is the matter here?” Taong ng walang malay na si Geo.
Tumingin ng masama si Katallea sa asawa niya na napataas ng kamay ng makita
ang matalim na titig ng babae. Halatang kabababa lang ni Geo ng sasakyan dahil
hindi
pa ito nakakapagbihis ng pambahay.
“Love, inosente tayo. Kahit kailan hindi naman natin naging topic ang s*x noon
‘di ba? I mean, kapag tumatagay tayo, wala tayong napag-usapang ganoon.” Nagtago si
Max sa likuran ni Geo.
Ang dalawang babae ay nakapamewang pareho at nakataas ang mga kilay na tila
pilit pinaamin ang dalawang lalaki.
“Teka, kararating ko lang. Hindi ako kasali sa usapang iyan. Look, nagugutom
ako, Kat.” Ngunit ng makita niyang masama pa rin ang tingin ni Katallea sa kaniya
ay
biglang kumambyo si Geo. “Ah, ako na lang ang kukuha ng pagkain ko. Magbibihis
muna ako.”
Akmang tatalikod na si Geo at hinila si Max papasok ng bahay ngunit napatigil
siya sa mala-reynang utos ng asawa.
“Stay! Gusto kong malaman kung totoong ginagawa n’yong pulutan ang love
making kapag umiinom kayo,” Sabi ni Katallea.
“Hey, hindi ko ginawa iyan kahit kailan. Ewan ko rito kay Max. Siya naman ang
nagsimula nito.” Tanggi ni Geo.
“Hindi ko rin ginawa iyan. Sila itong nag-uusap kanina tungkol sa dilig.
Nakikisawsaw lang ako sa usapan, then ako na agad ang may kasalanan.”
“Sawsawero ka kasi,” Sisi ni Geo kay Max.
Sa nakitang pagkataranta ng dalawang lalaki ay bumulaghit ng tawa sina
Katallea at Nicole. Napansin kasi ng dalawa na pinagpapawisan ang mga lalaki at
nagkakandabulol na ang dila sa pagpapaliwanag.
“Lika na, kain na tayo.” Hila ni Katallea kay Nicole. Panay pa rin ang tawa ng
dalawang babae habang lumalakad papasok ng bahay.
Kakamot-kamot na naiwan ang dalawang lalaki na nagpupunas ng mga pawis
nila.
“Ang lakas ng trip nila. Para silang mga imbestigador kung makapagtanong.”
Reklamo ni Geo. “Kasalanan mo talaga ito.”
“No, love, sila talaga ang nagsimula ng topic na iyan.”
“Stop calling me love. Baka masilya elektrika pa tayo,” Sabi ni Geo. “Bibigwasan
talaga kita kapag sa labas ako pinatulog ni Katallea.”
Nagkatawanan ang dalawang lalaki na sumunod na rin sa mga babae. Panay ang
tulakan nila kung sino ang mauuna dahil baka tupakin na naman ang magkaibigan.
Pagka-alis ng mga bisita nila ay hindi mapakali si Katallea. Hindi niya alam kung
paano sasabihin kay Geo ang tungkol sa kahilingan ng Mommy nito.
Sa pag-aakalang tungkol pa rin sa nangyari kanina kaya tahimik ang asawa niya,
takot si Geo na magsimula ng usapan. Lumabas siya sandali ng silid upang
magpahangin sa pool area ngunit sumusunod sa kaniya si Katallea.
“Kat, are you mad?”
“About what?”
Hindi alam ni Geo ang isasagot niya kaya lumapit na lang siya sa kaniyang
asawa at niyakap ito.
“Geo, your Mom invited us for a lunch meeting tomorrow. Gusto niyang
magkaayos na talaga kayo ng Daddy mo. Panay kasi ang iwas mo sa kanila kapag
dumadalaw sila rito at hindi naman tayo dumadalaw sa kanila.”
Hindi umimik si Geo, Narinig ni Katallea ang marahas na pagbuntong-hininga ng
lalaki.
“If you’re not yet ready, then I’ll tell Mom to reschedule it.”
“No, Kat. Sige, punta tayo. I will try.”
“Are you sure?”
Ngumiti si Geo at hinalikan ang dulo ng ilong ng asawa niya. Alam niyang
maraming kasalanan ang kaniyang Daddy at hindi na rin sikreto sa kaniya na may
iniindang sakit ang Don. Sa isip ni Geo ay panahon na siguro upang magpatawad na
rin
siya katulad ng ginawa ni Katallea.
Kahit kasi panay ang dalaw ng mga magulang niya sa bahay nila ay hindi siya
humaharap sa kanila. Hanggang kaya niyang umiwas ay iiwas siya.
Kinabukasan, bago umalis ang mag-asawa papunta sa mga magulang ni Geo ay
isang tawag ang natanggap ng lalaki. Tukoy na raw ng mga tauhan niya kung nasaan si
Anastasia. Nasa isang probinsya ito sa North at namamasukan bilang taga-silbi sa
isang
maliit na kainan.
Napamura si Geo. Alam niyang may banta sa buhay ng kaniyang asawa habang
buhay at gumagala si Anastasia kaya ipinag-utos niyang hulihin ang kaniyang pinsan
para muli itong maikulong.
Bago pa maitago ang cellphone ay isa pang tawag ang kaniyang natanggap.
Hindi niya alam kung matutuwa o magagalit sa sinabi ng pulis na kausap niya.
“How can I tell my wife about it?” Tanong ni Geo sa pulis.
“Ano kailangan kong malaman?” Tanong ng nakalapit na palang si Katallea.
Napaupo na lang si Geo sa sofa dahil nag-aalinlangan siya sa kung ano ang
mararamdaman ni Katallea sa balitang natanggap niya.
“Kailangan daw nating pumunta sa kulungan. Ipinatatawag tayo roon.”
“Wala tayong time diyan. Pupunta tayo sa bahay ng parents mo at dadalawin din
natin si Sam.”
“Wala na si Clarise. Nakipagsaksakan daw sa isang preso at kapwa sila namatay.”
Blanko ang mukha na napatingin si Katallea kay Geo. Kinapa niya ang sarili
ngunit maging ang puso niya ay parang tumigil sa pagtibok.
Namumutla si Katallea habang nakatingin lamang sa semento. Ilang saglit pa ay
unti-unti na itong nabubuwal. Mabuti at maagap si Geo kaya naalalayan niya ang
asawa
bago pa ito tuluyang bumagsak sa sahig.
Sa ospital na nagkamalay si Katallea. Agad siyang bumangon ngunit pinigilan
siya ni Geo.
“I need to go there. Kailangan ako nina Papa at Mama.”
Habang tinitingnan ni Geo ang asawa niya ay lalo siyang humanga rito. Ang
kabutihan ng loob ni Katallea ay hindi matatawaran. Kahit masama na ang pakiramdam
nito ay ang kapakanan pa rin ng kinagisnang pamilya ang nasa isipan nito.
Rumaragasang pumasok si Samantha sa silid kung nasaan ang kapatid niya.
Tinawagan agad siya ni Geo ng patungo na ang mga ito sa hospital.
Mababakas sa mukha ni Samantha ang labis na pag-aalala. Nang makita nito ang
kapatid na nakaupo na sa kama ay napahawak ito sa kaniyang dibdib.
“Oh, I can’t breathe. Akala ko kung ano ang nangyari sa’yo.”
“I’m sorry, Sam. I’m okay. You don’t have to worry now.”
Niyakap ni Sam ang kapatid niya. Dahil sa kagustuhan ni Katallea na makapunta
sa kulungan kaya tinulungan itong makatayo ng kakambal niya. Si Mr. McKay at Geo
ay lumapit na rin sa mga asawa nila.
“Are you sure na kaya mo? You should rest for a while. May mga tao na tayong
pumunta doon.”
Tumango si Katallea tanda na malakas na siya. Nabigla lang talaga siya sa
malungkot na balitang natanggap. Hindi siya makapaniwala na sa kamatayan mauuwi
ang galit ni Clarise sa kaniya.
Lumabas si Geo pansamantala para kausapin ang doktor. Nang matiyak na nasa
maayos ng kalagayan si Katallea ay pinayagan na sila nitong lumabas. Si Samantha ay
sumama sa kapatid at bayaw niya habang si Mr. McKay ay bumalik sa opisina para
asikasuhin ang ilang trabaho.
Nang makita ni Katallea ang bangkay ni Clarise ay lungkot ang nadama niya.
Ang galit para sa kapatid ay naglahong parang bula.
“Sayang, sayang ang pagmamahal na inukol natin sa isa’t isa. Kung hindi sana
puro galit at inggit ang nanaig sa puso mo, sana masaya pa rin tayong namumuhay
ngayon.”
Sumama sina Katallea sa pag-uwi ng bangkay ni Clarise sa probinsya nila. Sa
mga panahong nakaburol ang kinilalang kapatid ay nakaalalay si Katallea sa mga
nakagisnang niyang mga magulang at kapatid. Si Samantha ay nasa tabi lamang niya.
Ngunit may napansin si Katallea sa asawa niya. Panay ang layo nito sa
karamihan at kung sino-sino ang tinatawagan. Hindi magawang magtanong ng babae
dahil halos palagi silang napapalibutan ng maraming tao. Ganoon si Geo hanggang sa
araw na mailibing si Clarise.
Nang may pagkakataon na siya para makausap si Geo ay hinarap ni Katallea ang
asawa n’ya. Napag-alaman niyang kaya pala ganoon si Geo ay dahil nakikipag-usap ito
sa mga tauhan ng Daddy nito para mahanap ang nakatunog na si Anastasia. Mala palos
kasi ang babae kaya nawala ulit sa mata ng mga tauhan niya.
Nang maihatid na si Clarise sa huling hantungan ay sinigurado muna ni Katallea
na nasa maayos na lagay ang mga magulang bago siya nagdesisyong bumalik ng
Maynila. Si Samantha naman ibinigay na rin ang kapatawaran sa mga San Sebastian.

KATALLEA CHAPTER 61
Dalawang linggo pagkabalik nila sa Maynila ay nagtataka si Katallea kung bakit
may mga guwardiya sa bahay nila. Kilala niya ang ilan doon na mga tauhan ni Don
Arman. Naguguluhan siya kung ano ang dahilan ng mga armadong lalaki para bantayan
siya dahil walang gustong magsalita sa mga ito kahit anong pilit niya.
Si Geo ay palaging mahigpit ang bilin sa mga tauhan nito na bantayang mabuti si
Katallea. Madalas ay sikretong kausap din niya ang mga ito kahit madaling araw na.
Ang isa pang ipinagtataka ni Katallea ay kung bakit kahit mag-grocery ay
pinagbabawalan na rin siya ni Geo.
Minsan ay niyaya ni Katallea ang asawa niya na kumain sa labas ngunit
tumanggi ang lalaki. Alam niya na hindi rin pumapasok si Geo sa opisina nito dahil
iyon ang sabi ni Mrs. Vasquez ng tinawagan niya ang manager.
Hindi na nakatiis si Katallea kaya naisipan niyang puntahan si Nicole para
magsumbong sa kaibigan ngunit bawal ayon kay Geo. Maging ang pagpunta sa bahay
ng mga magulang nila at ang bisitahin si Samantha ay hindi rin gusto ng lalaki.
Nagsimula ng magduda ang babae sa mga ikinikilos ng kaniyang kabiyak.
Kararating lang ni Geo mula sa kung saan ng pinagmasdan siya ni Katallea.
Ika-siyam na ng gabi at hindi alam ng babae kung saan galing ang asawa dahil hindi
niya iyo na-contact buong maghapon. Halatang may pinagdadaanan ang lalaki dahil sa
itsura nitong halos hindi na nakapanuklay at hindi na nagpapalit ng damit kahit may
pabaon siyang bihisan nito.
“I’m sorry, Kat. Pagod ako at gusto ko ng matulog. Kumain na ako sa labas. Ikaw,
kumain ka na ba?” Tanong ni Geo sabay halik sa asawa niya.
Naningkit ang mata ni Katallea. Maghapon siyang nakakulong sa loob ng bahay
habang napapalibutan ng mga guwardiya at ang asawa niya ay darating para lang
sabihing gusto na nitong matulog dahil pagod ito.
Hindi sumagot si Katallea ngunit sumunod siya sa pag-akyat ng asawa niya sa
ikalawang palapag ng bahay nila.
“Geo, I’m leaving.”
“What? Anong kalokohan iyan, Katallea?”
“Alam kong nagluluksa ka sa pagkamatay ni Clarise. Hindi mo na kailangang
magtago pa sa akin.”
Ang nagbibihis na si Geo ay biglang nakaramdam ng inis. Hindi siya
makapaniwalang iisipin ng kaniyang asawa na nagluluksa siya sa kinilala nitong
kapatid. Buong akala niya ay malaki na ang tiwala nito sa kaniya.
Napahilamos si Geo sa kaniyang mukha. Hindi niya gusto ang itinatakbo ng
usapan nila ni Katallea.
“Katallea, will you please stop? Mali ang iniisip mo. Pagod ako at gusto kong
matulog na.”
“Okay, good night.”
Tumalikod si Katallea para humakbang palabas ng pintuan. Naiiyak siya sa
reaksyon ni Geo. Akala niya ay pipigilan siya nito ngunit pagka-irita ang nahimigan
niya sa tono ng lalaki.
“Where are you going?” Malakas na tanong ni Geo. Galit ito at matalim ang
tingin sa asawa niya.
“I've told you already, I'm leaving. Kung gusto mong magluksa sa pagkamatay ni
Clarise, go ahead. Ayaw ko lang na makulong pa sa bahay na ito.“
“Katallea, bakit mo naisip iyan? Pwede ba, manahimik at sumunod ka na lang
muna. Malaki ang maitutulong noon sa akin.“
“Manahimik? Geo, ilang araw na akong nananahimik!“ Singhal ni Katallea.
“Ginagawa mo akong tanga! Pinabantayan mo ako sa mga tauhan niyo na kahit lumabas
ako ay bawal habang ikaw ay nagluluksa sa pagkamatay ni Clarise. Magluksa ka
hanggang gusto mo. Aalis na ako!“
“Kat, I love you. Alam mo iyon di ba? What makes you think na si Clarise ang
dahilan ng lahat ng ito?“
Lumapit si Geo sa asawa niya at hinawakan ito sa mga balikat. Pagkuwan ay
niyakap niya ito ngunit itinulak siya ng babae. Unti-unti nang pumapatak ang mga
lua
nito.
“Wala kasi akong maisip na dahilan para magkaganiyan ka. Halos hindi kita
makita rito sa bahay. Pinabakuran mo pa ako sa mga tauhan ng Daddy mo. Geo, I don't
know what is happening to you.“
Sinubukan ulit ni Geo na lapitan ang asawa niya at pagkakataong iyon ay hindi
na ito nagpumiglas. Buong pagmamahal na pinunas ng mga daliri niya ang mga luha ni
Katallea at mabini niyang hinalikan ang talukap ng mga mata nito.
“I'm sorry, kung maling impressions ang nabuo sa isip mo. Ayaw ko lang
mag-alala ka kaya hindi ako nagsasalita.“
Napatingin si Katallea sa asawa niya. Pinunas ng likod palad niya ang mga luha
na parang ayaw nang tumigil.
“Anong nangyari? May problema ba?“
“Alam mong pinasubaybayan ko sl Anastasia sa mga tauhan ko ngunit
nakahalata ito. Muntik na sana siyang mahuli pero nakatakas siya. Nalaman ko na
lang
na dinukot niya si Samantha.
Halos himatayin si Katallea sa narinig. Napahawak siya sa kaliwang braso ni Geo
na agad namang ipinulupot ang kanang braso sa bewang niya.
Hindi lubos maisip ni Katallea na nanganganib ang kambal niya ngunit wala
siyang alam.
“Kaya ba bawal akong umuwi sa bahay dahil wala doon si Sam? Ano ang sabi ng
asawa niya? Bakit mo ito itinago sa akin?“
Dahil sa magkakahalong emosyon ay pinagsusuntok ni Katallea si Geo hanggang
sa manghina siya. Si Geo naman ay pilit na niyayakap ang asawang nagwawala. Dama
niya ang sakit ng mga kamao ni Katallea ngunit tanging pagyakap sa babae ang
iginanti
niya. Hindi baleng siya ang masaktan huwag lang si Katallea. Ganoon niya kamahal
ang
kaniyang asawa.
“Kat, listen to me. I will protect you no matter what. Hindi ka lalabas ng bahay o
ano pa man. Ang alam ni Anastasia ay ikaw ang bihag niya.”
Nanlaki ang mata ni Katallea dahil sa narinig. Noon niya lang napagtanto na siya
ang dahilan kaya dinukot ni Anastasia si Samantha.
“Geo, nasa panganib ang buhay ng kakambal ko tapos ang gusto mo ay
nakakulong lang ako rito at maghihintay. Hindi ko kaya iyon lalo at inakala ni
Anastasia na ako ang bihag niya! Tiyak akong pahihirapan niya si Sam.”
“Kat, may mga pulis ng nagtatrabaho sa kaso ni Sam. We are all doing our best
para mailigtas siya. Just stay calm, please. I’m begging you, hayaan mo kaming
gumawa
ng paraan na hindi ka masasaktan. Hindi ko kakayaning mawala ka.”
“What if may mangyari sa kakambal ko lalao at akala ni Anastasia na ako ang
hawak niya?”
“Trust us. Maraming tumutulong para sa kaligtasan ni Sam. We are all doing our
best. I want you to be safe. Stay here and wait.”
Nang gabing iyon ay hindi halos makatulog si Katallea. Ilang araw na niyang
tinatawagan si Sam para magsumbong sa pagkulong sa kaniya ni Geo ngunit hindi
sinasagot ng huli ang mga tawag nito. Hindi niya alam na may nangyari na palang
masama rito.
“Matulog ka na.” Iniangat nito ang ulo ni Katallea at ipinatong iyon sa braso
niya bago niya ipinatong ang isang braso sa bewang ng asawa. “Everything will be
okay. Trust me, Kat.”
Nakokonsensyang hinaplos ni Katallea ang mukha ni Geo. Halatang pagod ang
lalaki. Naawa siya rito habang tinitingnan ang mukha nito.
“Pinagmamasdan mo na naman ang gwapo kong mukha. Ang hilig mong
pagnasaan ako,” Lambing ni Geo.
“Thank you.”
“Hmmm, matulog ka na. Huwag mo nang tangkaing layasan ako, ha.”
Napatango si Katallea. Nang mga oras na iyon ay wala siyang ibang dasal kung
hindi ang sana makaligtas ang kakambal niya.
Samantala, sa lugar kung saan itinago ni Anastasia ang inaakala niyang si
Katallea ay panay ang lakad niya. Iniisip niya ang pinag-usapan nila ni Geo at alam
niyang ibibigay ng kaniyang pinsan ang lahat ng gugustuhin niya. Ganoon kamahal ng
lalaki ang asawa nito.
Lihim na pinagmamasdan ni Samantha ang hindi mapakaling kidnapper niya.
Alam ni Sam na nasa isang kubo sila sa gitna ng palayan. Hindi niya alam ang lugar
na
iyon pero ng dinala siya roon ni Anastasia ay nakita niya ang paligid. Hindi siya
piniringan ng babae dahil katwiran nito ay mamamatay na rin naman daw doon ang
bihag niya.
“Narinig mo ba ang malinaw ang usapan namin ng asawa mo kanina, Katallea?
Ang tanga ng pinsan ko, di ba? Hindi ko alam kung ano ang pinakain mo sa kaniya
para
mabaliw siya sa’yo ng ganoon.”
Walang imik si Samantha habang nakatingin lang sa galit na babae. Nasa labas
siya ng grocery store ng lapitan siya noon ni Anastasia. Dahil sa baril na
nakatutok sa
tagiliran niya kaya hindi niya nagawang sumigaw ng dinukot siya ng babae. Mahigit
isang linggo na rin siyang hawak nito. Tinatandaan niya kasi kung ilang beses ng
sumikat at lumubog ang araw kaya nabibilang niya ang mga araw.
“Alam mo ba, college pa lang kayo ni Geo ay pilit ko ng iminumulat ang mata ng
pinsan kong iyon na hindi ka karapat-dapat sa kanya pero matigas ang ulo niya.
Sinira
mo lahat ng plano ni Tito!”
“Anong kinalaman ni Don Arman dito?”
“Don Arman, Don Arman, ang gago kong tiyuhin. Akala ko ay siya ang susi para
makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Lolo pero lumambot rin dahil sa’yo!”
“Wala akong alam sa sinasabi mo,” Mahinang sabi ni Samantha.
“Lately, kinumkumbinse ko ang Don Arman mo sa mga plano ko pero
tumatanggi ang matandang iyon. Palibhasa may mga sakit na at malapit ng mamatay
kaya nagpapakabait na rin. Rayuma lang naman ang nararamdaman niya. Kung siya
lumambot, ako hindi. Ipaghihiganti ko pa rin ang kamatayan ni Lolo.”
Kinuha ni Anastasia ang baril at itinutok iyon kay Samantha.
“Gusto kitang patayin ngayon din kaya lang kailangan ko pa ang pera ni Geo,”
Sabi ni Anastasia.
Nang mapagod ito kalalakad ay naupo ito sa tabi ni Samantha.
“Bakit hindi mo subukang magbago?” Tanong ni Sam.
“It’s too late,” Sagot ni Anastasia. “Marami na akong ginawang mali para sa Lolo
ko. Magbago man ako, sa kulungan pa rin ang bagsak ko. Papatayin na lang kita kesa
makulong ako.”
Ilang oras pa ay nakatulog si Anastasia sa tabi ni Samantha. Ang baril na kanina
ay nilalaro nito ay naabot ni Sam. Ang kutsilyong nasa bulsa ng pantalon nito ay
nahuloy sa sahig malapit sa bihag niya.
Dahan-dahang inabot ni Sam ang kutsilyo gamit ang nakataling mga kamay niya.
Mabuti at sa harapan siya tinalian ng kamay ni Anastasia. Kinagat niya ang kutsilyo
at
pilti na pinutol ang manipis na sirang damit na nagbigkis sa pulusuhan niya.
Nagtagumpay siya pagkalipas ng ilang minuto.
Sa kabila ng magkahalong pawis at dugo kasabay ng parang tinatambol na
dibdib niya ay nagawa ni Samantha na putulin din ang tali sa mga paa niya. Buong
pag-iingat na lumabas siya sa kubo dala ang baril at kutsilyo.
Kahit walang sapin sa paa ay sinikap ni Samantha na makalayo sa kubong iyon.
Ang mga paa niya ay hinihiwa ng matatalas na puno ng palay na kaa-ani pa lamang.
Ang pintig ng kaniyang puso ay halos naririnig na niya.
Sa karimlan ng gabi ay nauulinigan ni Samantha ang malakas na sigaw ni
Anastasia. Tinatawag nito ang pangalan ng kakambal niya. Naramdaman ni Sam na
nahulog siya sa isang malalim na kanal. Alam ni Sam na patubig iyon ng palayan.
Kahit
nilalamig ay pinilit niyang tumayo mula sa pagkakasubsob sa kanal kaya nakatawid
siya sa kabilang pampang.
Nang makapasok si Sam sa talahiban ay may bigla na lang humaltak sa kaniya.
Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi man lang siya nakasigaw bago pa natakpan ng
sinuman ang bibig niya. Pinilit lumaban ni Samantha gamit ang kutsilyong dala niya
ngunit kahit nasugatan niya ang salarin ay malakas ito at naagaw sa kaniya ang
baril at
patalim na hawak niya.

KATALLEA CHAPTER 62
Malakas na sigaw ni Anastasia ang nangingibabaw sa parang na iyon kung saan
dinala niya ang inaakala niyang si Katallea.
“Katallea! Hay*p ka! Hindi ka makakatakas sa akin!”
Nagpaikot-ikot si Anastasia sa kubo. Tumatakbo siya kung saan-saan. Walang
pakialam ang babae kahit ilang beses siyang nadapa sa mga pilapil. Ang mahalaga sa
kan’ya ay muling mahuli si Katallea.
Ngunit bago pa man makalayo si Anastasia sa kubo ay agad siyang hinawakan
ng hindi niya kilalang mga kalalakihan. Ang mga ilaw mula sa flashlight ng mga ito
ay
binigyan siya ng sapat na liwanag upang makilala ang mga nakapaligid sa kaniya.
Bukod sa mga pulis ay nakilala ni Anastasia ang mga tauhan ni Geo at Don
Arman. Walang nagawa ang babae kung hindi sumama na lang sa mga humuli sa kan’ya
habang minumura ang mga ito.
Kinabukasan, nagmamadaling nagbihis si Geo. Hindi na niya ginising si Katallea
na himbing na himbing pa dahil madaling araw na ito nakatulog. Alas-sais pa lang ng
umaga ngunit kailangan niyang pumunta sa istasyon ng pulisya dahil sa natanggap na
balita.
Inabutan ni Geo si Anastasia na hindi halos nagsasalita at panay lang ang iyak.
Nasa ikalawang palapag ito ng gusali dahil doon ginagawa ang pagsisiyasat sa
kaniya.
Naroon na rin si Mr. McKay para samaphan ang babae ng kasong kidnapping.
“Dinagdagan mo lang lalo ang kasalanan mo!” Sabi ni Geo sa pinsan niya.
“Masyado kang nagpadaig sa walang kwentang galit diyan sa puso mo.Mabuti na lang
at nanaig ang pagmamahal sa akin. Kung nagkataon pala, katulad mo rin ako.”
“Hindi ako papayag na makulong dito, Geo. Tatakas ako kapag may
pagkakataon.”
“Wala ng tutulong sa iyo. Lahat ng tumulong sa’yong makatakas noon ay nahuli
na rin.”
“It’s your fault. Ako ang kamag-anak mo pero si Katallea ang mas
pinapahalagahan mo. Bakit nandito ang lalaking iyan?” Inginuso ni Anastasia si Mr.
McKay.
“Nagsasampa siya ng kaso laban sa’yo. Si Samantha kasi ang dinukot mo at hindi
ang asawa ko.”
Napanganga si Anastasia. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Geo. Buong
akala niya ay si Katallea ang naging bihag niya. Hindi niya napagtanto na ibang tao
pala ang nakasama niya ng ilang araw.
Dahil sa nalaman ang nanlumo si Anastasia. Bago pa man makaalis sina Geo at
Mr. McKay ay pinilit niyang tumakas. Mula sa ikalawang palapag ng gusali ng police
station ay tumalon siya. Napasigaw na lamang ang mga taong nakakita sa ginawa niya.
Bahagyang natulala si Geo at maging ang mga nakakita. Ang mga pulis ay
mabilis namang kumilos at tumawag ng ambulansya. Si Mr. McKay ay nabigla rin at
napatakbo pababa kung saan bumagsak si Anastasia.
Agad isinugod sa hospital si Anastasia. Namimilipit ito sa sobrang sakit habang
panay ang iyak. Agad na tinawagan ni Geo ang mga magulang ng babae. Pagdating nila
sa hospital ay naroon na ang mga ito.
Naiiling na iniwan ni Geo si Anastasia. May magbabantay na rito at kailangan
niyang makabalik ng bahay dahil baka kung ano na naman ang gawin o isipin ni
Katallea kapag nagising itong wala siya.
Habang papasok ng sasakyan ay tinanaw muna ni Geo ang loob ng hospital.
Kahit matindi ang galit niya sa kaniyang pinsan ay naawa siya rito. Batid niyang
may
posibilidad na malumpo ito dahil tumama ang likod ng babae sa railings ng hagdanan.
Habang nasa biyahe ay panay ang tawag ni Geo sa bahay nila. Si Yaya Adel ang
sumagot at sinabing umalis raw si Katallea. Sa sobrang pagmamadali daw nito ay
hindi
na nagawang magpaalam sa kaniya.
Labis ang kabog ng dibdib ni Geo. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan pauwi
ng bahay nila. Hindi kasi niya matawagan ang asawa.
Pagdating sa bahay ay nabulabog ang mga tauhan nila. Masayang nag-almusal
ang mga ito ng dumating si Geo na nagpupuyos sa galit.
“Where is my wife? Masaya pa kayong kumakain diyan gayong nawawala ang
asawa ko!”
“Nawawala po si Ma’am Katallea?” Hindi makapaniwalang tanong ng tauhan ng
Daddy niya.
Isang malakas na suntok ang binigay ni Geo sa lalaki dahilan para mapahawak
rito ang mga kasama nito.
“Hanapin n’yo ang asawa ko ngayon din!”
“Sir, wala po ba siya sa Heroso Hospital? Sandali, tatawagan ko si John.
Magkasama po kasi sila,” Sabi ng pinakamatagal ng tauhan ng Daddy ni Geo.
Ilang sandali pa ay nakumpirma nila na magkasama nga sina John at Katallea.
Nasa Heroso Hospital ang mga ito para dalawin si Samantha na noon ay nailipat na
doon mula sa probinsyang pinagdalhan nito ni Anastasia.
“I’m sorry. Ituloy niyo na ang almusal niyo,” Sabi ni Geo.
Nang tumalikod siya ay naiwang iiling-iling ang mga lalaki. Si Yaya Adel na
napasugod sa kusina mula sa likod bahay ay napaantada na lang.
Sa Heroso Hospital ay naabutan ni Geo si Katallea na masayang
nakikipagkwentuhan kay Samantha. Nang makita siya ng asawa ay agad siyang
inirapan nito. Galit si Katallea sa kaniya at nahuhulaan na niya ang dahilan.
Malamang
sinabi na rito ni John ang naganap sa bahay nila.
“May problema ba?” Tanong ni Samantha na nakahalata sa pagkainis ni Katallea
ng makita nito ang asawa niya.
Hindi sumagot si Katallea ngunit bakas ang pagkainis sa magandang mukha ng
babae. Napaupo sa kama si Samantha.
“Come here, Geo? What is the problem?”
Napakamot ng ulo niya si Geo dahil hindi niya masabi kay Samantha ang dahilan
ng asawa niya. Hindi rin kasi siya sigurado tungkol doon. Tumabi na lang siya kay
Katallea sa upuan ngunit unusog ito ng kunti. Halatang ayaw mapadikit sa kaniya.
Natatawang kinabig ni Geo ang asawa niya. Dahil sa mga nangyari sa loob ng
ilang taon ay grabe ang phobia niya sa tuwing mawawala si Katallea sa paningin niya
ng hindi niya alam kung nasaan ito. Takot siyang mawala muli ang babae.
“I’m sorry. It’s my fault,” Sabi ni Geo kina Samantha at Katallea.
“What have you done?” Tanong ni Mr. McKay na nasa may pintuan ng
pribadong silid na iyon.
“Marami. I don’t know kung saan doon nagagalit ang asawa ko.”
“Hindi mo alam?!” Sabad ni Katallea.
“Ibulong mo na lang sa akin, please,” Mahinang sabi ni Geo na inilapit pa ang
mukha niya sa punong-tainga ni Katallea.
Kahit nasa harapan ang kakambal niya ay nakaramdam si Katallea ng pag-iba ng
timpla ng katawan niya. Ang simpleng bagay na ginawa ni Geo ay dinala siya sa
malawak na imahinasyon ng isipan.
“Ano, wala bang magsasalita ng problema n’yo?” Naiinis na si Samantha sa
pananahimik ng dalawa.
“Palagi siyang umaalis ng bahay nang hindi nagpaalam,” Sumbong ni Katallea.
“Ngayon lang ako umalis ng hindi niya alam, sinuntok agad ang mga tauhan niya.”
“Umaalis kayo ng bahay ng hindi nagpaalam sa isa’t isa? My God, hindi pa ba
kayo natuto sa mga pinagdaanan n’yo? Dapat palagi kayong nag-uusap. A good
relationship’s foundation is communication. Ayusin n’yo iyan,” Litanya ni Sam.
Nahihiyang napa tango na lang sina Geo at Katallea sa kapatid ng huli. Daig pa
kasi ni Samantha ang isang ina na nagsimula ng magsermon sa kanilang dalawa. Lahat
ng sinabi nito ay buong pusong tinanggap ng dalawa.
Si Mr. McKay ay lumapit kay Geo. Tinapik nito ang balikat ng bayaw niya.
Malaki ang pasasalamat nito kay Geo dahil noong gabing tumakas si Samantha ay
nakaposte na at nagmamasid ang mga tauhan nilang mag-ama. Nabigyan na rin nila ng
impormasyon ang mga pulis kaya naroon na rin ang mga ito at sila ang nakakuha kay
Sam ng makatawid ito sa kanal na daanan ng patubig sa palayan.
Pagkalabas ni Samantha ng hospital ay naging abala na ulit si Geo sa negosyo.
Muling nagkaroon ng kontrata ang McKay Realty at ang G. Arevalo Real Estate
Developer Company. Si Katallea naman ay tumutulong kay Sam na pagpapatakbo ng
iba pang negosyo na naiwan ng kanilang mga magulang.
Tuluyan ng pinabalik ni Geo ang mga tauhan ng Daddy niya sa bahay ni Don
Arman. Hindi kasi komportable si Katallea na maraming bruskong lalaki ang nasa
bahay nila.
Dumating na rin ang mga magulang ni Joey at nagsampa sila ng kasing frustrated
murder laban kay Anastasia. Hindi makapaniwala si Geo na iyon ang isasampa ng mga
magulang ng bestfriend niya. Ang inaasahan kasi niya ay murder ang kasong isasampa
nila. Doon lang napagtanto ni Geo na buhay pa at itinatago ng mag-asawa ang anak
nila
sa pag-aakalang si Don Arman ang kalaban nila.
Nagkausap na rin ang dalawang pamilyang dating magkasosyo. Humingi ng
tawad ang mga magulang ni Geo sa takot na idinulot ni Don Arman sa mga magulang ni
Joey. Agad namang napatawad ng mga ito ang Don lalo at napatunayan nilang wala
naman talaga itong kinalaman bagkus ay si Anastasia at Clarise ang may pakana ng
lahat ng nangyari kay Joey.
Halos lahat ay maayos na. Nasasabik din si Geo na makitang muli ang bestfriend
niya na sabi ng mga magulang nito ay darating sa susunod na buwan. Marami silang
dapat pag-usapan at ihingi rin ng tawad sa isa’t isa.
Sina Max at Nicole naman ay naghahanda na rin para sa nalalapit nilang kasal.
Masyado ng abala ang dalawa kaya madalas na sila ni Katallea na lang ang dumadalaw
sa mga ito.
“Have you told him?” Tanong ni Nicole.
“Not yet. Hindi ko alam kung paano niyang tatanggapin ang lahat. Dapat pala
sinabi ko na noong una pa lang,” Sagot ni Katallea.
“Hindi ba sabi mo ay pinagalitan ka na ni Sam. Bakit ayaw mo pang magsalita?”
“Natatakot ako.”
“My God, Katallea! He should have known that before pa.”
“Sinabi mo na ba kay Max?”
“No, not yet. I also didn’t know how to tell him. You better speak up.”
Nasa kusina noon ang magkaibigan sa bahay ni Max. Maingat na nag-uusap ang
dalawa habang nag-iinuman naman ang magkaibigan sa sala ng lalaki.
Nainip sina Geo at Max dahil sa tagal lumabas nina Katallea at Nicole kaya
naman sinundan nila ang mga ito sa kusina. Narinig ng dalawang lalaki na nagtatalo
ang magkaibigan ngunit hindi nila maulinigan ang dahilan noon dahil napakahina ng
mga boses ng mga ito.
“Nag-aaway ba kayo?” Tanong ni Max.
Dahil sa sobrang gulat ng dalawa ay nasabuyan ni Katallea ng juice na pitsel ang
mukha ng asawa. Nanginginig ang mga kamay na pinunasan niya ito ng paper towel.
“May problema ba?” Bulong ni Geo kay Katallea habang abala ito kapupunas sa
mukha niya.
Umiling si Katallea ngunit kita n’ya ang mapanuring mata ng asawa.
“May ginawa o sinabi na naman ba ang Daddy para magkagan’yan ka?” Tanong
ni Geo sa asawa niya.
Sunod-sunod na iling lamang ang isinagot ni Katallea.

KATALLEA CHAPTER 63
Alam ni Geo na may itinatago si Katallea sa kaniya. Namutla kasi ito ng ginulat
nila ni Max sa bahay ng lalaki. Habang pauwi sila patapik-tapik siya sa manibela.
Nakikita kasi niyang tahimik ang asawa.
“Geo, I want to tell you something.”
“What is it? Iyan ba ang pinag-uusapan niyo ni Nicole kanina? Alam kong may
inililihim ka.”
“Uhm, ayusin mo na ang problema sa Daddy mo.”
“We’re fine.”
“Alam ko naman iyon pero mas maganda kung mapapatawad mo na siya. May
sakit na siya at matanda na rin.”
“Alam mo, Kat, sa dami ng sikretong nalaman natin, feeling ko I am adopted.
Kaya huwag mo na akong pilitin, please. Baka nga iyon ang itinatago n’yo ni
Nicole,”
Mapaklang sabi ni Geo. “Wala kasing matinong ama ang gagawin ng ginawa ni Daddy
sa akin unless hindi talaga nila kadugo ang bata.”
Hindi nakapagsalita kaagad si Katallea. Lalo siyang natatakot sa mga posibleng
mangyari dahil sa tinuarn ni Geo.
“Geo, what if…”
“What if ampon ako? I don’t know. I’m not yet ready na malaman iyan.”
Matagal na hindi umimik si Geo pagkatapos ng usapan nilang mag-asawa.
Diretso lang ang tingin niya sa kalsada. Naisip n’yang maayos naman sila ng Daddy
niya. Nag-uusap sila kung kailangan, ngunit hindi nga lang siya nagpapakita ng ano
mang emosyon kapag kaharap niya ito.
Noong kailangan niya ng mga tauhan para mahanap si Anastasia ay binigyan
siya ni Don Arman ng mga ito. Malaki rin ang naging papel nila sa pagkakaligtas kay
Samantha.
Nang nakiusap ang Mommy niya para sa isang salo-salo ay pumunta naman siya.
Ang totoo ay napilitan lamang pala siya noon dahil sa ayaw at sa gusto niya ay
pupunta
si Katallea. Sinubukan niya katulad ng sabi niya pero hindi pa niya kaya. Ang mga
bakas ng kadena ay hindi lang sa balat niya lumatay kundi maging sa puso niya.
“Geo! Mababangga tayo!”
Halos naalog ang buong katawan ni Geo ng makitang muntik na silang sumalpok
sa isang oil tanker truck. Mabuti at mabilis niyang nakabig ang manibela pakaliwa.
Nang makita niyang namumutla ang asawa ay agad niyang niyakap ito ng ubod
higpit. Ramdam ni Geo ang pangangatal ng katawan ni Katallea.
“I’m sorry. Hindi ko sinasadya.”
“Ayos ka lang ba?” Tanong ni Katallea sabay hawak sa mukha niya.
“Don’t worry about me. Ikaw, ayos ka lang ba?”
Tumango si Katallea sabay layo ng kaunti sa asawa niya. Kinuha niya ang
tumbler at iniabot iyon kay Geo. Masuyong hinalikan ni Katallea si Geo sa labi
nito.
“Calm down, Geo. I’m sorry kung ibinulalas ko ito. Hindi kasi ako komportable
sa tuwing nagkikita kayo, tayo.”
“It’s okay, mas mabuti na iyan kesa itinatago mo sa akin. Isusumbong kita kay
Samantha.”
Hinampas ni Katallea si Geo. Tiyak kasi niyang sesermunan siya ng kakambal
kapag nagsumbong si Geo rito.
Nang matiyak ng mag-asawa na kapwa wala naman silang tinamong pinsala ay
nagdesisyon silang dumiretso na ng uwi. Huminga muna ng malalim si Geo bago niya
muling pinaandar ang sasakyan.
Sa bahay ay may inabot si Yaya Adel kay Katallea. Isang imbitasyon iyon upang
maging panauhing pandangal siya sa gaganaping selebrasyon ng mga kababaihang
mag-aaral sa dating paaralang pinasukan nila ni Geo ng kolehiyo.
Nagdadalawang-isip si Katallea kung dadalo sa programa ngunit dahil sa
pangungulit ni Geo ay napapayag siya ng huli.
Dahil padilim na kaya pagkatapos magbihis ay tumuloy si Geo sa mini bar ng
bahay nila. Gusto niyang uminom kahit kaunti para kumalma ang katawan niya. Ang
nangyari sa daan ay ipinaalala sa kaniya ang takot na baka mawalang muli si
Katallea.
Nakakailang lagok na si Geo ng matapang na alak ng may marinig siyang katok.
Alam niyang si Katallea iyon kaya napatayo siya upang pagbuksan ang asawa ngunit
bago pa siya makalapit sa pintuan ay pumasok na ito.
“Why are you drinking, Geo?”
“Gusto ko lang kumalma, baka hindi kasi ako makatulog.”
Nakita ni Geo na umiikot ang paningin ni Katallea sa buong silid na
natatanglawan lamang ng isang single base ceiling light. Ang malamyos na tugtugin
ay
pumapaimbabaw sa buong silid. Naalala ni Geo ang ginawa niya dati kay Katallea sa
silid na iyon kaya bigla niyang nilagok ang laman ng basong hawak niya.
“Geo, do you love me?”
“What kind of question is that? Of course, I do.” Sagot ni Geo.
Pinipigilan niya ang sarili na yakapin ang asawa kahit para na siyang sinisilaban
lalo at alam niyang nakasuot lamang ng manipis na nighties si Katallea sa loob ng
robang nakabalot sa katawan nito.
Tumabi sa kaniya si Katallea. Ang alak na isinalin ni Geo para sa sarili ay bigla
na lang ininom ng babae.
“Hey, hindi ka sanay uminom niyan.” Agaw ni Geo sa baso ng balak pa ni
Katallea na inumin ulit ang bagong salin niyang alak.
“I just want to have fun with you. Ang dami mo kasing iniisip. Baka sakaling
kapag nalasing na tayo, maging peaceful ka.”
Naramdaman ni Geo ang hininga ni Katallea sa mukha niya. Dahil yakap na ng
isang braso niya ang bewang ng asawa kaya magkadikit sila. Napalunok si geo ng
tumama ang tingin niya sa labi ng asawa pababa sa leeg at dibdib nito.
“Shit! You’re making me crazy. Alam mo bang sobra ang takot ko nang muntik
ka ulit mawala sa akin kanina.”
Tumawa si Katallea. Hindi siya makapaniwala na kahit ilang beses ng may
nangyari sa kanila ng asawa ay ganoon pa rin ang epekto niya rito.
“Would you like me to dance?”
“Don’t do that,” Inis na sabi ni Geo, Pinigilan nito ang asawa nang tatanggalin na
nito ang tali ng roba.
“Why, Mr. Arevalo? Are you nervous?”
Napalunok muli si Geo. Para siyang nababaliw sa ginagawang panunukso sa
kaniya ni Katallea. Ang epekto ng alak ay lalo pang nagpapainit sa katawan niya.
“Give me that.” Pilit kinuha ni Geo ang baso ng alak sa kamay ni Katallea. Dahil
hindi rin iyon binitawan ng kaniyang asawa kaya natapon ang laman noon sa katawan
nito.
“Damn it,” Bulong ni Geo.
Hindi niya napigilan ang sarili at agad na siniil sa labi ang asawa.
“Geo, huwag dito,” Tutol ni Katallea.
Ngunit tila uhaw ang lalaki. Sa simpleng hawak ni Katallea sa dibdib niya ay
para siyang nababaliw. Walang pahintulot na tinanggal niya ang tali ng roba ng
kabiyak
at naglandas ang mga kamay n’ya mula sa hito nito pataas.
Daig pa ni Geo ang nasa isang tournament cup. Hinahabol niya ang hininga
habang patuloy na naglalandas ang kaniyang mga labi sa leeg ng asawa pababa sa
pakay niya.
Ang kaniyang sofa na inuupuan nila ay naging isang munting kama para sa
kanilang mag-asawa. Ang takot na nasa puso ni geo ay biglang naglahong parang bula.
“Geo,” Tawag ni Katallea sa pangalan ng lalaki. Sinundan iyon ng ungol na
nagpapahiwatig na nagugustuhan nito ang paglalaro ni Geo sa pinaka-sensitibong
parte
ng katawan nito.
Hinubad ni geo ang suot niya habang nakatitig sa mata ng asawa niya.
“I want you now, dito mismo,” Sabi ni Geo sabay halik sa labi ni Katallea.
Ang bawat daing at galaw ng mag-asawa ay sumasabay sa malamyos na
musikang naririnig sa kwartong iyon. Ang bawat pagtama ng kanilang katawan ay
nagdudulot ng milyon-milyong boltahe na lalong nagpapainit sa kanila hanggang sa
parehong naramdaman ng mag-asawa ang rurok ng kanilang ginagawa.
“Sabi ko sa’yo huwag rito.” Isinusuot nang muli ni Katallea ang robang
tinanggal ni Geo.
“I can’t resist your charm. You’re so alluring.”
Napangiti si Katallea. Siya rin naman ay ganoon din ang nararamdaman.
Mapadikit lang siya kay Geo ay para siyang sinisilaban.
“I want us to have our baby soon,” Sabi ni Geo habang isinusuot ang mga damit.
Parang napako si Katallea sa kinauupuan niya. Hindi niya maarok ang damdamin
ng mga oras na iyon. Wala sa sariling napasabunot siya sa sarili.
“If you’re not yet ready, I’m willing to wait,” Wika ulit ni Geo. Nakita niya
kasing parang hindi pa handa ang asawa niya.
Biglang lumabas ng bar si Katallea. Hindi na nito hinintay pa si Geo. Ngunit
bago ito lumabas ay may sinabi ito.
“Kung gusto mong magka-anak tayo, makipag-ayos ka muna sa Daddy mo. You
can never be a good father unless you become a good son.”
Matagal na namalagi sa bar si Geo. Parang hampas ng mga alon sa dalampasigan
na paulit-ulit niyang naririnig ang sinabi ni Katallea. Hindi na siya umiinom
ngunit
nakatitig pa rin siya sa walang laman na baso sa harapan niya.
Pagkalipas ng ilang saglit ay tumayo si Geo. Buo na ang desisyn niya na sundin
ang asawa.
Pagkalipas ng ilang araw ay masayang bumabyahe ang mag-asawa papunta sa
mansyon ng mga Arevalo. Kasama nila si Yaya Adel na noon ay masayang
nakikipag-usap kay Katallea. Anibersaryo nina Don Arman at ang asawa nito. Nauna na
roon sina Sam at Nicole.
Pagdating ng mag-asawa ay marami ng bisita. Sinalubong sila ng Mommy ni
Geo. Tuwang-tuwa ito na pagkalipas ng maraming taon ay dumalong muli ang anak nila
sa okasyong iyon.
Ang mga magulang ni Joey na kasosyo na ulit ng Arevalo ay naroon din. Nakita
ni Geo na masaya ang mga ito habang kausap ang Daddy niya.
Nang mapansin ni Don Arman ang anak ay nagpaalam ito sa mga bisita.
Mala-hari pa rin ito maglakad ngunit hindi na kasing tapang dati ang mukha nito.
“I’m glad you’re here.” Tinapik nito ang balikat ni Geo. “I’m sorry son, for all
the heartache I have caused you. Please forgive me.”
Walang namutawi sa bibig ni Geo. Niyakap niya lamang ang kaniyang ama. Ang
yakap na iyon ay tanda ng kaniyang pagtanggap sa hinihinging kapatawaran ng Don.
Tama ang asawa niya sa sinabi nito kaya bubuksan niyang muli ang kaniyang puso.
Masayang pinanood nina Mrs. Arevalo, Yaya Adel at Katallea ang masayang
tagpo iyon. Ang Mommy ni Geo ay panay ang punas ng luha sa kaniyang pisngi habang
si Katallea ay nakaalalay lamang rito.
Nang maghiwalay ang mag-ama ay bumati si Don Arman kay Katallea. Mahigpit
na hinawakan ni Geo ang kamay ng asawa para ipadama rito na nasa tabi lang siya
nito.
“I’m sorry, hija, if I made you suffer. I was so focused on my revenge. I forgot
that you’re the most aggrieved here.”
Napatango lang si Katallea sa lalaking dating kinakatakutan niya. Ang taong ito
na akala niya ay makasalanan dahil sa lakas at kapangyarihan ay siya rin palang
mahina
na dinaig lang ng hangarin niyang makipaghiganti. Isa ring biktima ng kahapon ng
taong ganid sa pera at kapangyarihan.
Nang mapatingin si Don Arman kay Yaya Adel ay bigla niyang ibinuka ang mga
braso. Kasabay noon ay ang ang muling pagtanggap sa matandang kay tagal inukol ang
buhay niya para sa alaga nito.
Lahat ay puno ng luha ng kaligayahan ang mga mata habang nasasaksihan ang
masayang eksenang iyon sa pagitan ng mga Arevalo. Hanggang sa binigkas ni Don
Arman ang ilang kataga na yumanig sa buong pagkatao ni Geo.

“Dear GeoKat Readers,


Abangan ang nalalabing dalawang kabanata ng The Last Smile of Katallea. Please join
also my personal
F*cebo*k group Magic Heart’s Stories.

KATALLEA CHAPTER 64
“Welcome home, Mommy!” Tatlong salitang binitawan ni Don Arman ukol kay
Yaya Adel.
Biglang hindi narinig ni Geo ang malakas na tugtog. Ang mga tao sa paligid niya
ay tila tumitigil sa pagkilos. Nanghihina na napaupo na lamang siya sa isang upuan
sa
tulong ni Katallea.
Hindi pa nakababawi si Geo sa naging reaksyon niya nang may tumawag kay
Don Arman kaya iniwan sila saglit ng matandang Arevalo.
“Lola kita, Yaya?” Halos hindi mabigkas ni Geo ang mga salitang iyon. Si
Katallea na pinapanood ang asawa niyang pabalik-balik na noon ng lakad habang
nakahawak sa baba nito ay napapangiti na lang.
Ang gwapo pa rin ni Geo sa suot nitong black tuxedo kahit nag-iisip ito ng
malalim. Ang buhok ng lalaki na inayos mabuti ng suklay ay bahagyang tumabing ang
ilang hibla sa noo nito.
“I’m sorry kung inilihim ko ito. Maaga akong nagkaroon ng anak sa edad na
kinse,” Sabi ni Yaya Adel sa alaga niya. “Kung nagsalita kasi ako ay ilalayo ka sa
akin
ng Daddy mo.”
Hindi nakapag-usap ng maayos ang pamilya Arevalo dahil biglang tinawag ang
mag-asawang Don Arman para simulan na ang party. Gusto sana ni Geo na linawin ang
lahat. Nais niyang malaman paano niya naging lola ang kaniyang yaya. Sa tagal ng
panahong inalagaan siya nito ay hindi niya iyon nahimigan man lang.
‘Yaya, I mean, Lola, hindi ba ako ampon?”
“Hindi, Geo. Bakit mo naisip iyan?”
Napailing na lang si Geo. Isa iyon sa mga sumagi sa isip niyang maaring lihim ng
pamilya. Nanahimik si Geo at pinanood na lamang ang maraming taong masayang
nagkukwentuhan at nagkukumustahan.
Ang masayang okasyon na iyon ay tila napakahaba para kay Geo. Gustong-gusto
niyang hilahin sa loob ng bahay ang kaniyang ama’t ina upang linawin ang lahat
ngunit
napakaraming bisita ang kausap ng mga ito. Ang kanilang malawak na hardin ay
punong-puno ng mga taong nagsasayawan, nag-iinuman at nag-uusap usap tungkol sa
negosyo o iba pa.
Lumapit sina Max at Nicole sa lamesa nina Katallea. Ilang minutong usapan oa
bago niyaya ni Max si Nicole na sumayaw. Si Yaya Adel ay lumapit din sa mga dating
kakilala na masaya nang makita siya sa okasyong iyon. Si Geo ay tinawag naman ng
mga magulang nito.
Mag-isang naiwan si Katallea sa lamesa dahil kahit niyayaya siya ni Geo na
humarap sa mga tao ay mas pinili niya ang maupo na lang. Nakita niya na abala rin
ang
mag-asawang McKay kaya hindi niya muna nilapitang ang kaniyang kapatid.
Nagugutom na siya kaya naisipan niyang kumain.
Nakakailang subo pa lamang siya ng may nagsalita sa tabi niya. Hindi kilala ni
Katallea ang lalaki ngunit mukha namang mabait iyon. Nagpakilala ang lalaki bilang
isa
sa mga ana ng mga bisita ng pamilya Arevalo. Palabiro ang lalaki na noon ay
hinayaan
ni Katallea na umupo sa harapan niya.
Hindi maiwasan ni Katallea ang mapangiti sa mga hirit ng kausap. Isang
simpleng usapan lamang iyon ng dalawang taong bagong magkakilala ngunit hindi
nagustuhan ni Geo ang natatanaw niya mula sa kaniyang kinatatayuan.
Alam niya na angat ang ganda ta ka-sexyhan ni Katallea sa suot nitong halter
neck, grey gown na dinesenyo ng isang sikat na fashion designer ng bansa. ANg open
back na gown na ito ay lalong pinalutang ang alindog ng asawa niya.
Panay ang tango ni Geo habang kausap ang madaldal na asawa ng isang
mambabatas. Wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito dahil ang isip niya ay
nasa
dalawang taong masayang nag-uusap sa hindi kalayuan.
Nang hindi nakatiis si Geo ay agad niyang pinutol ang sasabihin pa sana ng
kausap at agad tumalikod. Wala na siyang pakialam kung masabihan man siyang bastos.
Tumikhim si Geo ng malakas sabay halik sa asawa niya. Hinaplos niya ang
nakalabas na likod ni Katallea bilang senyales na hindi siya natutuwa sa nakikita
niya.
“Thank you for accompanying my wife while I’m busy.” Idiniin pa niya ang
salitang ‘wife’ upang magbigay ng babala sa dalawa.
Agad na kinuha ni Katallea ang baso sa harapan at mabilis na uminom ng tubig.
Mabilis siyang tumayo at walang sabi-sabing ipinulupot ang mga braso sa leeg ng
asawa sabay halik sa mapupulang labi nito.
“Hey Sir, I would like you to meet my husband, Geo Arevalo.”
Agad na nagpakilala ang lalaki at inilahad ang mga palad niya. Tinanggap ni Geo
ang pakikipagkamay nito. Dahil sa ginawa ni Katallea ay nawala ang lahat ng selos
na
nararamdaman niya.
Nang makalayo ang lalaki ay agad na kinurot ni Katallea ang tagiliran ni Geo.
“I hate possessive men, but I love you,” Bulong ni Katallea kay Geo. Nakaupo na
sila at nakasandal siya sa balikat ng asawa.
“Would you like to dance?”
“No, Geo. I want to sit here with you, alone.”
Nang matapos ang party ay hindi agad umuwi ang mag-asawa pati na rin si Yaya
Adel. Kailangan pa nilang mag-usap usap kaya naman hinintay nilang makaalis ang
mga bisita.
Ang mag-asawang McKay, Nicole at Max ay nagpaalam na sa kanila.
Sa sala ay naiinip na nakaupo si Geo habang hinihintay ang Daddy at Mommy
niya. Si Yaya Adel ay nakaupo na rin sa harapan ng mag-asawa.
“Anong gusto mong malaman, Geo?” Tanong ng Don ng makaupo na ito sa tabi
ni Yaya Adel. Sa likuran niya ay naroon si Mrs. Arevalo.
“Everything, Dad.”
“Okay. I’m sorry. Alam kong malaki ang problemang binigay ko sa inyong lahat.
I knew my actions were wrong, I hope you'll forgive me. Naliwanagan na ako.”
Hinawakan ni Yaya Adel ang kamay ni Don Arman.
“Hindi mo kasalanan, anak. Naging mahina rin kasi ako.”
“Akala ko kasi Mommy ay magdurusa si Ernesto sa pagpatay niya kay Daddy
kung parurusahan natin mismo ang anak niya. I’ve never thought na puso ang
paiiralin
nitong si Geo.”
Nagtatakang napatingin si Geo sa ama at Yaya niya na lola niya pala.
“Bago ba namatay sa kulungan ang Daddy ni Mang Nestor at napatay si Lolo ay
buo na ang kontrata sa pagitan nila o gawa-gawa mo lang Dad ang kasunduang iyon sa
paghihiganti mo?”
Hindi sumagot agad si Don Arman. Si Mrs. Arevalo naman ay hinimas ang
balikat ng asawa.
“Ang totoo, walang kontrata simula pa lang. Hindi totoong ang lolo mo ang
nakipagkasundo para maikasal ka kay Clarise noon. Ang usapan ay pagitan lang ni
Ernesto at Arman. Gawa-gawa lang nila ang kontrata,” Sabi ni Yaya Adel. “Mahigpit
ko
iyong tinutulan lalo noong pinalalaki ka ni Arman sa maling paraan kaya nagkasira
kami ng Daddy mo. Nanahimik ako ng matagal kasi ayaw kong tuluyang mapalayo
sa’yo. apo.”
“Kaya pala wala kayong maipalabas na lumang dokumento ng kontrata kasi wala
talagang kontrata ang mga lolo namin. Pinaikot n’yo kaming lahat!” Galit na sabi ni
Geo. Nakalimutan niyang kanina lang ay pinatawad na niya ang ama.
“Geo, calm down,” Bulong ni Katallea sa asawa. Hinawakan niya ang
nanginginig na kamay nito.
“Pinagdusa mo ako dahil lang sa wala! Dad, you’re crazy. Alam ba ito nina tito at
tita? How about Anastasia?”
“Wala silang alam,” Sabi ni Yaya Adel.
“That’s impossible! Imposibleng hindi ka nila kilala! Stop lying!” Sigaw ni Geo
kay Yaya Adel.
“Geo, pareho kayo ni Anastasia na walang alam. Hindi niya rin alam na lola niya
ang yaya mo. Kami lang na matatanda ang nakakaalam. About the contract, it’s
between
me and Ernesto lang. Lately lang nalaman nina Tito at Tita mo na hindi totoo iyon.”
Napatayo si Geo. Marahas niyang hinila si Katallea.
“Everything was a lie! Pinahirapan nila tayo dahil sa kasinungalingan! Let’s go
home!”
Sumunod si Katallea sa asawa niya ngunit pagdating sa garahe ay agad niyang
niyakap ang nanginginig na lalaki.
“I’m sorry. Hindi na kita pipiliting patawarin sila. Natatakot lang akong
magkaroon tayo ng anak na hindi ka pa buo, Geo.”
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Geo. Bumalik sa isipan niya ang sinabi
ni Katallea. Paano nga ba siya magiging mabuting ama kung hindi siya kailanman
naging mabuting anak? Pero naging masamang anak nga ba siya?
Matagal na nanahimik si Geo habang yakap siya ni Katallea. Panay ang
buntong-hininga niya. Bumitaw si Geo sa asawa at muli siyang pumasok sa bahay nila.
Hinarap niya ang kaniyang ama.
“I hope kaya rin kitang mahalin katulad ng pagmamahal mo kay Lolo. Just give
me some time, Dad.”
Niyakap ni Don Arman ang anak niya. Walang ibang salitang namagitan sa
kanila ngunit alam ng mga saksi na simula na iyon upang muling magdugtong ang mga
pusong kay tagal pinaglayo ng paghihiganti.
Masaya si Katallea sa nasaksihan niya. Ang ginawa ni Geo ay isang hakbang
upang tuluyang maging maayos na sila.
Nagpasyang magpaiwan si Yaya Adel sa bahay ng mga Arevalo. Gusto ra kasi
nitong makasama muna ang anak na kay tagal na naging malayo ang loob sa kaniya.
Ipinatawag rin nito ang mga magulang ni Anastasia dahil hindi dumalo ang mga ito sa
pagtitipon.
Nang mapag-usapan ang sinapit ni Anastasia ay napailing na lang si Katallea.
Baldado na raw ito at naka-house arrest na lang. Hindi na pwedeng gumala anumang
oras niya gustuhin dahil bukod sa hindi ito makalakad ay may bantay palaging pulis
sa
bahay nila.
Pagdating sa bahay nila ay agad na hinawakan ni Geo ang kamay ng asawa niya.
“I will do everything to make you happy. Thank you for enlightening me during
my dark times. I love you, Kat.”
“Handa ka na ngang maging ama. Ibang-iba ka na sa Geo na kaklase ko noon.”
Madaling araw na pero hindi napigilan ni Katallea ang mapatili ng bigla siyang
binuhat ni Geo.
“Yes, I’m ready to be a father. Gagawa na tayo.”
Panay ang hampas ni Katallea sa likod ni Geo ngunit balewala iyon sa lalaking
isinampay siya sa balikat.
Sa silid nila ibinaba ni Geo si Katallea. Agad niya itong dinaganan, kasabay ng
paghawak ng isang palad niya sa mga kamay ni Katallea sa uluhan ng babae.
“Ayaw kong nakikita kang may kausap na lalaki lalo na kung ganitong labas na
halos ito.” Pinasadahan ng daliri ni Geo ang slit ng gown sa pagitan ng dibdib ng
kabiyak.
“Geo, stop.”
“Why? I’m planning to start making children. I just want to turn you on.”
Itinulak ni Katallea ang asawa niya. Kinilig siya sa ginagawa ng lalaki ngunit
may usapan pa sila ng mga kaibigan niya.
“Geo, umuwi tayo rito para magbihis. Darating na si Sandra at kailangang nasa
airport na tayo bago pa lumapag ang eroplano.”
Umungol si Geo tanda ng pagkainis.
“Mabilis lang, Kat?”
“Gaano kabilis?”
“Sapat lang para makagawa tayo ng baby.”
Natampal ni Katallea ang asawa niya pero bumigay rin naman siya sa kaulitan ng
lalaki. Alam niyang mababawasan na ang mga oras niya kapag dumating na ang
kaibigan niya dala ang matagal na niyang inihandang regalo para kay Geo.
“Dear GeoKat Readers,
Sa pagtatapos ng kwento nina Geo at Katalle nawa’y bauinin n’yo ang mga aral na
natutunan n’yo mula rito.
Sana ay suportahan n’yo po ang sunod na librong akong isusulat na pinamagatang Buy
My Heart.
Magsisimula ang daily update ng kwento nina Jia, Joshua, Drey at Amanda sa August
1. Para sa iba pang update
tungkol sa mga libro lo para sa inyo, please join my personal FB group Magic
Heart’s Stories.
Special thanks to Jonaveth Taclindo for allowing me to use her picture as the cover
photo of the Last Smile of
Katallea.
At sa inyong lahat, maraming salamat po sa inyong support at pagmamahal. Hanggang
sa muli.. I love you,
GeoKat readers.
Love lots,
Magic Heart

KATALLEA CHAPTER 65
Nagtataka si Geo kung bakit sobrang nasasabik si Katallea na makitang muli si
Sandra. Ilang buwan pa lang naman ng makauwi ang asawa mula sa Amerika. Halos
araw-araw ay madalas rin ang pag-uusap ng mga ito sa telepono.
Sabagay maging siya ay nananabik rin na makitang muli si Joey. Ang matalik
niyang kaibigan ay hindi pala patay at kasama ni Sandra sa ibang bansa. Napag-
alaman
niya mula kay Katallea na ikinasal na rin ang mga ito sa Amerika.
Pagdating sa airport ay naroon na rin sina Nicole at Max. Ngunit nagulat si Geo
na naroon din sina Mr. McKay at Samantha.
“Reunion ba ito?” Tanong ni Geo sa mga inabutan nila.
“Yes, love, this is a happy reunion,” Pilyong wika ni Max.
Inakbayan siya ng kaibigan at may ibinulong ito.
“Love, seloso ako, ha. Balita ko darating na ang bestfriend mo. Huwag mo akong
kalilimutan.”
Napahagalpak ng tawa si Geo. Kahit kailan kasi ay hindi nawawala kay Max ang
pagiging mapagbiro nito na siya lamang at ang mga malalapit dito ang nakakaalam.
“Tumigil kayo, ha. Baka mamaya ay kami ni Katallea ang maselos niyan,” Sabi ni
Nicole dahilan para magtawanan ang grupo.
Ngunit hindi man lang ngumiti si Katallea. Tumingin lang ito kay Geo habang
nilalaro nito ang cellphone sa mga kamay.
Bumitaw si Geo kay Max at nilapitantan ang asawa. Sinalat niya ang noo nito
ngunit hindi naman mainit si Katallea.
“Masama ba ang pakiramdam mo?“ Tanong ni Geo.
Ngunit bago pa sumagot si Katallea ay biglang nagsalita si Samantha na lumapag
na raw ang eroplanong sinasakyan nina Joey at Sandra. Biglang napatayo si Katallea
at
ipinunas ang kamay sa pantalong suot niya. Lumayo ito kay Geo at lumapit kay
Nicole.
“Relax.“ Narinig ni Geo na sabi ni Nicole kay Katallea. Hinawakan nito ang
kamay ng kaibigan.
“Yeah, calm down. They will be here soon,“ Segunda ni Samantha.
Napatingin si Katallea kay Geo na noon ay nakamasid lang. Hindi mapakali si
Katallea at alam ni Geo na hindi maganda ang pakiramdam nito.
“They're here!“ Sigaw ni Mr. McKay makalipas ang halos isang oras na
paghihintay nila.
Nakita ni Geo na naglakad si Sandra kasabay ni Joey. Ngunit hindi sa dalawa
napako ang paningin niya. Nakatuon ang paningin niya sa isang batang masayang
tumatakbo. Dinidektahan siya ng kaniyang puso na salubungin ang mga bagong dating
ngunit hindi niya naihakbang ang mga paa. Napako na siya sa kinatatayuan niya.
“Mommy!“ Sigaw ng isang batang lalaki na yumakap sa nasasabik na si Katallea.
Hindi halos makahinga si Geo. Ang batang yakap ng kaniyang asawa ay xerox
copy ng mukha niya. Marami siyang larawan noong maliit pa siya at alam niyang
walang pinagkaiba ang mukha niya noong mahigit apat na taong gulang pa lamang siya.
“Hello, Mommy Sam, Ninang Nicole! I miss you both. Ninang Sandra and
Ninong Joey told me to be nice because I'll see my Daddy later. Is it true?“
Napatingin ang lahat kay Geo na noon ay nakatayo lamang sa hindi kalayuan.
Hindi ito gumagalaw habang nakatingin lang sa mga nagaganap.
“Geo,“ Mainang tawag ni Katallea. “Meet our son, Dave.“
Noon lamang nagawang ihakbang ni Geo ang kaniyang mga paa. Wala siyang
pakialam kung pagtinginan siya ng mga tao. Ang mga luha ay hindi niya napigilan
kasabay ng pagkarga sa kaniyang anak.
“I'm your Daddy.“
“My Daddy is here,“ Masayang sabi ng bata habang ipinupulupot nito na ang
mga braso sa leeg ng ama. Humilig din ito sa balikat ni Geo.
Bahagyang tumingala at ibinuka ni Geo ang bibig niya para makalanghap ng
kaunting hangin. Hindi niya inaasahan ang sorpresang dala ng matalik niyang
kaibigan
sa muling pagbabalik nito.
Inabot ni Geo ang isang braso niya kay Katallea at niyakap ito ng buong higpit.
Panay ang halik niya sa noo ng asawa at sa pisngi ng anak habang patuloy siyang
lumuluha.
“I didn't expect it! May anak pala ako. Oh, God, I have all the reasons now to be
the best person I can.“
Ang magkakaibigan ay umiiyak na rin hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa
labis na kaligayahan.
“Daddy, Ninon Joey misses you a lot.“
Napatingin si Geo sa kaibigan niyang inakala rin niyang wala na. Bahagyang
lumayo si Katallea sa asawa at si Joey naman ang lumapit kay Geo.
“I'm sorry, pre. Hindi ko naman talaga mahal si Clarise. Ginawa ko iyon para
maging masaya kayo ni Katallea. Kaya lang ng malaman ni Clarise iyon ay nagwala na
siya hanggang sa nalaman kong may ibang plano rin pala siya.“
“Thank you. You saved me!“ Sabi ni Geo sa kaibigan niya.
“You're welcome, pre. Mabuti na lang at iyong lugar kung saan nahulog ang
sasakyan ko ay palayan. Noong gabi ng aksidente ay may tao sa kalapit na kubo noon.
Agad nila akong nailabas sa sasakyan at nadala sa pinakamalapit na hospital. Sa
tulong
ng mga kaibigan ni Daddy, naitago ako at dinala sa ibang bansa. Ngayon, humanda ka
sa akin. Batak na batak pa ako sa training. Laro tayo ulit ng soccer.“
“I am happy to see you again, Joey, pero tagal ko ng hindi nakakapag-practice.“
“Love, nandito ako, ha. Nagbabantay lang ako. Seloso ito, remember.“
Nagkatawanan ang lahat dahil sa hirit ni Max na agad namang siniko ni Nicole.
“Panira ka ng moment,“ Sabi ng babae.
“Minahal mo ako dahil diyan,“ Sagot ni Max sa kasintahan bago ito niyakap.
Pagkatapos kumain ay naghiwa-hiwalay na ang grupo. Dadalaw raw sa anak nila
sa sementeryo ang mag-asawang sina Mr. and Mrs. McKay. Si Sandra at Joey ay
magpapahinga habang sina Max at Nicole ay may kakausaping mga tao para sa kasal
nila.
“Geo, mag-focus ka sa pagda-drive. Kasama natin ang anak mo,“ Paalala ni
Katallea sa asawa niya dahil panay ang tingin nito sa anak nilang naglalaro sa
kandungan niya.
Kinuha ni Geo ang kamay ng asawa at masuyong inilagay iyon sa tapat ng puso
niya.
“I love you so much, but you have a lot to explain.“
“I'm sorry. Gusto ko kasing maayos na ang lahat bago mo malaman ang tungkol
kay Dave. Kasi I know naman na hindi ka papayag na hindi siya iuwi agad dito.
Itinago
ko rin ang lahat for his security. Masyado pang magulo noon at ayaw ko siyang
masaktan.“
Naintindihan ni Geo si Katallea. Maging siya ay ganoon din ang gagawin kung
siya ang nasa lugar ng asawa niya. Ang kapakanan ng kaniyang mag-ina ang tanging
prayoridad niya.
“Sa dami ng pinagdaanan natin, simula ngayon ay mas dapat nating pakinggan
ang isa't isa kaysa ibang tao. No secrets na, ha,“ Sabi ni Geo.
“From now on, I won't hide anything from you, Geo. Kaya humanda kang
makinig sa mga hinaing ko,“ biro ni Katallea.
“Kapag may problema tayo, pag-uusapan natin. Tama si Sam, kailangang maayos
ang communications natin sa isa't isa.“
“Yeah, iyon ang naging kulang sa atin. And thanks, Geo, palagi mo akong niyaya
sa church.“
“Kailangan natin iyon to make us stronger. Ayaw ko nang maging mahina lalo at
nasa tabi ko na kayo pareho. Bago ako makinig sa ibang tao, sa asawa at anak ko
muna.“
Nang malaman nina Don Arman at Mrs. Arevalo ang tungkol sa apo nila ay
napasugod ang mga ito sa bahay ng mag-asawa. Halos hindi bitawan ng mga ito si Dave
na panay ang kwento sa mga lolo at lola niya tungkol sa buhay niya sa America.
Katulad ni Samantha ay sinanay rin ito ni Katallea na magsalita ng Tagalog dahil
gusto
niyang maging makabansa ito kahit sa America ipinanganak.
Mabilis lumipas ang mga linggo. Dumating ang araw na magsasalita si Katallea
sa isang grupo ng mga kababaihang estudyante sa dating paaralan nila. Inorganisa
iyon
ng mga dating kaklase nila para bigyan ng lakas ang mga babaeng estudyante kung
paano haharapin ang bukas bilang mga babae.
Pagpasok ng sasakyan nila ni Geo sa unibersidad ay bumalik sa isip ni Katallea
ang mga naganap doon. Tiningnan niya si Geo na noon ay nakamasid din pala sa
kaniya.
“I'm nervous. I shouldn't be here,“ Sabi ni Katallea sa katabi niya.
Ngunit hinawakan lamang ni Geo ang mga kamay ng asawa nito. Nasa bahay ng
mga Arevalo si Dave kaya ang mag-asawa lang ang magkasama. Mahal na mahal ng
Don ang apo niya kaya halos lahat ng gusto nito ay ibinibigay niya. Mabuti at
nakikinig
na ang Don kapag pinipigilan siya ni Mrs. Arevalo na sundin palagi ang gusto ng
apo.
Ayaw rin kasi nilang lumaking spoiled ang bata.
“You deserve to be here. Sa kabila ng mga pinagdaanan mo rito ay sana maalala
mo how I stared at you during our college days. Hindi mo lang alam na stalker mo
ako
noon. You were the reason kaya ginagalingan ko noong maglaro ng soccer.“
“Talaga?“
“Kahit itanong mo pa kay Joey. Hindi mo ba nahalata na palagi kaming panalo
noon basta nandiyan ka? Lucky charm ang tawag sa'yo ni Joey.“
Napangiti si Katallea. Naalala niya na madalas nga siyang tawaging lucky charm
ni Joey noong nasa America pa sila.
Dahil sa mga sinasabi ni Geo ay nawala ang kaba sa puso ni Katallea. Nakangiti
silang pumasok sa social hall kung saan gaganapin ang programa.
Sinalubong ang mag-asawa ng mga dating kaklase nila kasama na rin sina Sandra
at Nicole.
“Go, girl, kaya mo iyan,“ Sabi ni Nicole ng sinabi niya na kinabahan siya kanina.
Todo bakod naman si Geo lalo na ng lumapit kay Katallea ang mga lalaking
dating kaklase nila na panay palipad hangin noon sa asawa niya.
“Nice to meet you again, Katallea,“ Wika ni Ivan. “Hindi ka na mukhang
taga-bundok ngayon.“
Umasim ang mukha ni Geo ng marinig iyon. Itinaas naman ni Ivan ang mga palad
niya tanda na hindi niya gusto ng gulo.
“Huwag mong sabihing crush mo pa rin si Katallea hanggang ngayon, Ivan.
Hindi na lang ako ang sasapak sa'yo,“ Sabi ni Sandra.
“Relax. Hindi na kayo nasanay sa akin. Na-miss ko lang biruin si Katallea.
Sayang lang dahil hindi natin siya nakasabay umakyat noon sa stage. Grabe din kasi
ang mga pinagdaanan niya,“ Sabi ni Ivan.
“Yeah, I agree. That's why we chose her to be our speaker for today's event
because she is the most deserving.“ Sabi naman ng presidente ng klase nila noon.
Ilang sandaling kumustahan pa bago nagsimula ang programa. Tahimik lang si
Geo habang tinitingnan ang asawa niyang may napakagandang ngiti sa entablado. Nang
ipakikilala ito ng mga organizer sa mga estudyante ay nakadama si Geo ng labis na
pagmamalaki para sa nag-iisang babaeng minahal niya.
Sumulyap si Katallea sa gawi ng kaniyang asawa. Nakita niya ang mga tingin
nito sa kaniya na punong-puno ng pagmamahal. Mas lalong umaliwalas ang mukha niya
dahil doon. Nang tawagin na siya para sa inihanda niyang pahayag ay buong tapang
siyang tumayo sa harap ng mga kabataang babae.
“Life is like a roller coaster ride. Sometimes nasa ibaba ka, later on nasa gitna
or
possible nasa taas ka. It's a cycle where you have no power to control it. All you
have to
do is to enjoy and learn. It brings out a lot of emotions. Nandoon iyong matatakot
ka,
magagalit, masasaktan, magiging masaya at mai-inlove.“ Simula ni Katallea. Sinundan
iyon ng mga salitang buong puso niyang hinabi para iparating sa mga estudyante.
Ang lahat ay nakatutok sa bawat sasabihin niya. Maging si Geo at ang mga
dating kaklase ay ninanamnam ang mga katagang hindi nagmula sa isip kun'di sa puso
ng isang taong dumanas ng maraming kabiguan.
“Babae tayo, matapang, matatag. Whatever you've been through, stand and fight.
Harapin mo ang bukas ng masaya at punong-puno ng pag-asa. Yes, sometimes we are
vulnerable, yet we are so precious in the eyes of God. Babae ka, dakila ka!“
Buong pagmamalaking tumayo si Geo upang bigyan ng isang pumpon ng
bulaklak ang asawa niya. Nang matapos ang pagtitipon na iyon ay napagkasunduan ng
magkakaklase na tumambay muna sa may soccer field ng paaralan. Pagkalipas ng halos
isang oras ang iba ay umuwi na ngunit sina Geo at Katallea ay nagpaiwan pa. Sina
Sandra at Nicole ay umalis na rin dahil may kaniya-kaniyang lakad ang mga ito.
Nakaupo ang mag-asawa sa ilalim ng isang puno kung saan madalas noong
pwestuhan ni Katallea haban pinanood niya sina Geo at ang team nito sa tuwing may
training sila. Nakapatong ang mga braso ni Geo sa balikat ng asawa n'ya habang
tinatanaw nila ang malawak na damuhan.
“Nasaktan man ako sa mga huling araw ko sa school na ito ay marami namang
magagandang alaala ang naipon ko rito,“ Sabi ni Katallea.
“Bubuo tayo ng mas marami pang alaala sa paaralang ito.“
“That's impossible. Graduate na tayo.“
“It's still possible dahil ikaw na ang bagong may-ari nito. I love you, Kat.“
“What? How? Geo, anong kalokohan ang sinasabi mo?“ Napaharap si Katallea sa
asawa niya dahil sa matinding gulat.
“Nalugi ang may-ari nito because of corruption. Kaya noong nalaman ko, binili
ko. I want to erase all the bad memories na ginawa ko sa'yo sa lugar na ito at
palitan
iyon ng masayang alaala. This time, wala ng taong pwersahan kang paalisin dito
because this is all yours now.“
Naluha si Katallea sa nalaman niya. Hindi niya akalaing ang paaralang minsa ay
halos durugin ang buo niyang pagkatao ay magiging pagmamay-ari niya. Humarap si
Katallea sa asawa niya at ikinulong niya sa mga palad ang mukha ni Geo.
“I love you so much,“ sabi ni Katallea.
“I love you too. Wala akong hindi kayang gawin mapasaya lamang kita.“
“Ngayon alam ko na kung bakit ikaw ang pinili ng puso ko. Marami ka mang
pagkakamali sa nakaraan subalit hinigitan iyon ng iyong dakilang pagmamahal.“
Kasabay ng mga katagang iyon ang isang matamis na ngiti. Mga ngiting tanging
si Katallea lamang ang nagtataglay at iyon ay nakaukit na sa puso ng isang Geo
Arevalo.

WAKAS

You might also like