You are on page 1of 1

“HABANG BUHAY MAY PAG-ASA”

Isang babaeng pepe at bingi ang nawawalan na ng pag-asa sa kanyang buhay dahil sa
kanyang kapansanan ayaw nyang lumabas ng bahay at mas lalong ayaw nyang mag-aral kahit na
sa bahay lamang, maraming isinubok ang magulang ng babae upant pumasok na guro ng dalaga.
Dahil nga sa ayaw ng dalaga ang mag-aral marami rin itong ginawa upang ayawan sya mismo ng
mga ito. Alam nyan rin naman kasi na kahit may mga lumalapit sa kanya ay aayawan rin naman
sya ng mga ito sa bandang huli. Tanging ang magulang nya lang ang nakakaintindi sa kanya.
Isang araw isang matandang lalaki ang pumasok upang maging guro ulit ng dalaga amg
matanda ay walang sawa sa pangangaral dito, dinidisiplina sa anumang paraan na alam nya,
tinuruan ng kung ano-ano upang matuto. Hindi natutuwa ang magulang ng babae dahil nakikita
nilang parang nasasaktan na ang kanilang anak kaya naman naisipan ng magulang na tanggalin
ang matanda. Ngunit ang matanda ay nagmatigas na kung hindi didisiplinahin ay hindi ito
matututo. Hindi sumuko ang matanda hanggang sa nakuha nya ang loob ng dalaga at unti-unting
nagkasundo ang dalawa magkasamang kumakain at nagbabasa sa isang silid. Napag-usapan ang
tunglol sa pag-aaral upang magkaroon ito ng kaalaman tungkol sa labas ng kanilang bahay at
maututo, mahirap makumbinsi ang babae ngunit sa sipag ng matanda ay pumayag din ito.
Magkasamang naglalakad ang dalawa sa isang hallway ng paaralan kinakabahan ang
dalaga sa unang pasok sa eskwela ayaw magpa iwan sa kanyang guro, ngunit pinagsabihan na
kailangan nyang magpaiwan upang siyay matuto. Umalis ang matanda nakaramdam ng
pagkahilo hinayaan at umuwi nalang makalipas ang ilang oras hindi parin nawawala ang
kanyang nararamdaman, nagtawag ng taga suri. Nalaman nyang siya ay may sakit kaya
pinayuhan ng doctor na magpahinga. Ngunit naisip nya ang kanyang alaga, hindi ito papayag na
mawala sya sa tabi nito. Pinilit pumunta sa bahay ng dalaga upang sunduin ito, nakangiti itong
sinalubong sya. Sa eskwelahan nagad nyang kinausap ang dalaga na kailangan nitong maging
matatag at matutunan mag-isa maipag tanggol ang sarili sa kahit na sino man, magtapos kahit na
may mga nangmamaliit sa kanya gawing inspirasyon ang mga taong humuhusga s kanyang
kalagayan. Hindi maintindihan ng babae ang sinasabi ng matanda kaya nagtaka ito na para bwng
nagpapaalam ang kanyang guro sa kanya. Ang matanda ay mawawalay muna sa tabi nya ng
matagal dahil sa karamdaman nya, mangiyak ngiyak na tumango ang dalaga sa kanya.
Nagpursege sa pag-aaral at inalala ang sinabi ng matanda. Hanggang sa dumating ang
araw ng kanyang pagtatapos sa pag-aaral tuwang-tuwa, at nagpakita muli ang matanda sa kanya
umuiiyak ang dalaga sa kasiyahan. Umuiiyak ang matanda dahil sa pagtatapos ng kanyang alaga
sa pag-aaral tagumpay ang kagustuhan nyang mangyari para sa dalaga.Nagpapasalamat ang
dalaga sa matanda sa pag tyaga sa kanya nito ang pagtuturo ng magaganda kung hindi dahil sa
matanda hindi aabot sa punto ng pagtatapos sa pag-aaral at hindi matututo sa buhay.

You might also like