You are on page 1of 2

Noriellene P.

Castro

BSA 1A

Maikling Kwento

"Pagsubok"

Sa isang maliit na tahanan nakatira si Dalaga at ang kanyang pamilya, ang kanyang tatay,
nanay, dalawang kapatid na lalaki at dalawang batang babae. Si Dalaga ay nag aaral ngayon sa
kolehiyo. Ang mga magulang nya ay may kaniya kaninyang mga karamdaman kaya't hindi
makapasok sa mga kumpanya. Hindi sila nagpapagamot dahil walang magtatrabaho para
mabuhay sila, "kung magpapagamot ako,magugutom tayo", ang sabi ng kanyang tatay "...saka
mamamayat itong kapatid mo" pabirong dagdag pa nito. Kaya't ganun na lamang ang
pagsusumikap ni Dalaga na makapagtapos ng pag aaral at makatulong agad sa pamilya. Bahay,
Iskwelahan, kapilya. Diyan lamang tumatakbo ang buhay ni Dalaga.

Isang araw, paggising nya sa umaga bigla na lang tumulo ang luha nya sa kanyang narinig. "Kuya
hindi magandang biro yan" ang sabi nito sa kanyang kuya na nag sabing ang isa sa matalik
nyang kaybigan ay pumanaw na. Hindi nya alam kung ano yung gagawin nya noong araw na
iyon. Iyon yung unang pagkakataon na may pumanaw na napakalapit sa kanya. Nagbago ang
lahat pagkatapos noon. Ang dating maingay na Dalaga biglang tumahimik dahil wala na ang
damadaldal sa kanya. Ang dating malambing na anak biglang natakot, natakot na baka
maramdaman nya ulet yung sakit na hangang ngaun ay dama pa nya. Lagi syang naiinis sa
kanyang nanay dahil ginagawa nito ang pinagbawal ng doktor at naiinis din sya sarili nya
sapagkat pakiramdam nya wala syang kwentang kaibagan, wala syang kwentang anak. Gabi
gabi sya umiiyak, palihim na umiiyak. Minsan naisip nyang tumigil na pero sumagi din sa isip nya
na mararamdaman ng magulang nya yung sakit na ayaw na nyang maramdaman, naiisip din nya
na kailangan pa sya ng kanyang pamilya.

Naghanap si Dalaga ng paraan para maibsan yung lungkot, yung takot na nadarama nya.
Lumapit sya sa ama at nanalangin ng nanalangin. Kapag may mga bagay na nangyaring hindi
maganda lagi nyang sinasabi sa sarili nya na "gwaenchanayo" (Korean : okey lng) para
"imotivats" ang sarili nya na lumaban pa. Dahil sa mga nangyari lalo syang nagpursigi sa pag
aaral para makapagpagamot na ang kanyang mga magulang.

May mga nangyayari talaga sa ating buhay na hindi natin kayang kontrolin, mga bagay na
sadyang dumadaan sa buhay ng isang tao pero hindi ito ang dahilan para sumuko at para Kay
Dalaga walang dahilan para sumuko dahil imulat lamang nya ang kanyang mga mata makikita
na nya ang dahilan kung bakit kaylangan nyang mabuhay. Lalo tumibay ang kanyang
pananampalataya na may Diyos na laging nandyan sa tabi nya kahit sa mahirap na sitwasyon.

You might also like