You are on page 1of 8

ANG POKPOK KONG INA

PANIMULA

Isa ang Pilipinas sa mga bansang laganap ang paggamit ng ipinagbabawal nagamot o ilegal na droga.
Ang pagkalat nito ay isang malaking dagok sa ating lipunan hindi lamang dahil sa maraming buhay ang
nawawasak at napipinsala kundi gayundin ang kinabukasan ng mga kabataan. Sinasabing matagal ng
nilalabanan ng ating gobyerno ang pagsugpo sa droga na kung saan itinuturing na matinding salot sa
ating lipunan. Galing sa isang kahig isang tuka na pamilya ang babaeng si magda. Hirap na hirap pag
sabayin ang paghahanap buhay at pag aaral upang tustusan ang pangangailangan ng kaniyang
pamilya. Hindi lingid sa kaalam ng lahat na ang kaniyang mga magulang ay walang kwentang
magulang sa lahat. Hindi sila iniintindi ng mga ito at puro sugal at inom at pag do-droga lang ang
ginagawa sa buhay. Isang araw ng martes galing ng trabaho si magda at namumutawi sa muka ang
sobrang pagod.

Magda: nay, nandito na ho ako!

Nanay: aba buti naman at nakauwi kana! Kanina pa kami ng hihintay ng tatay mo sa’yo. Roberto andito
na ang anak mo! (pasigaw na tinawag ni edna ang kaniyang asawang lasinggero bago ito bumalik
papuntang kusina)

Roberto: oh? Andito na pala ang pinaka maganda na’ting anak? Magda anak, sumweldo ka na ba? Akinse
ngayn hindi ba? Ibigay mo saamin ng nanay mo ang pera at may pag gagamitan kami.

Magda: ah eh tay… wala ho kasi akong pera kung meron man ho nakalaan na po iyon para po sana sa
proyekto namin at pambili po ng pagkain dito sa bahay. May sakit din ho kasi si chichay si angge naman
po ay inaatake nanaman ng hika. Hindi po muna sana ako makakapag ab (hindi na natapos ni magda ang
pag sasalita n’ya ng hinablot ng walang hiyang ama nito ang kaniyang wallet at itinapon ang mga laman
nito sa sahig ng kanilang bahay)

Roberto: anong walang pera magda? Ayan at ang dami mong pera. Natututo kanang mag damot ngayon
nagka trabaho ka lang? Ano ba ang pinag mamalaki mo? Yung trabaho mo sa bar? Kung hindi ko lang
alam ay hindi ka naman magka ka pera kung hindi mo binibenta ang laman mo! (paanas na sigaw ni
roberto sa anak. Kinuha nito ang pera at lumabas ng bahay kasama ang asawa na nakabungisngis at
inaamoy ang isang libong pera na galing kay magda)

Nanlulumong dumeretso sa kwarto ng kapatid at mas lalo pang sumama ang loob ng makita ang
kalagayan ng mga ito. Mas pinili ni magda na lumabas ng bahay at doon nakita ang kaniyang kaibigan.

Jelay: oh, bessy! Kumusta? Bakit parang pinagbagsakan ka nanaman ng langit at lupa? Hulaan ko? Sila
mang roberto at aling edna nanaman, no?
Magda: ano panga ba? Kinuha nila yung pera na sinahod ko sa isang buwan na pag tatrabaho sa bar
bbilang weytres.

Jelay: bakit kasi weytres parin ang pinili mo? Sabi ko naman sa’yo mas maganda ang kita kapag nag table
ka ng customer!

Magda: bessy, kahit naman hirap kami sa buhay at pakiramdam nila nanay at tatay na nag bebenta ako
ng laman ayoko paring gawin ‘yon ayokong patunayan sakanila na tama ang hinala nila saakin. Kaya ko pa
naman kumuha ng ibang raket.

Jelay: basta magda kapag kailangang kailangan mo na talaga ‘wag kang mahihiya saakin na mag sabi may
ibibigay ako sayong customer na malaki ang bulsa at malaman pa! (sabi ni jelay sa malanding boses
sabay bungisngis. Napailing nalang si magda sa matamil na dila ng kaibigan)

Humahangos na sumulpot sa kaniyang harap ang kapatid nitong nilalagnat lang kagabi

Chichay: ate! Si angge, nahihirapan nanaman huminga kanina ko pa tintawag si tatay kaso ay ayaw nitong
umalis sa pwesto n’ya kesyo nainom pa raw s’ya.si nanay naman nag bibingo pa malapit na raw s’ya
uminggo wag ko raw s’ya guluhin.

Magda: punyetang buhay talaga to oo! Nakaka pagod na!!! (paanas na sabi ni magda habang ginugulo
ang buhok. Gusto n’yang mag wala sa galit dahil sa sitwasyon n’ya sa buhay)

Angge: (nahihirapang huminga at namumutlang tumingin sa kaniyang nakakatandang kapatid) ate,


paumanhin kung nakadagdag pa ako sa mga isipin mo… (mangiyak ngiyak na sambit nito kay magda)

Magda: ‘wag na ‘wag mong iisipin na pabigat ka, kayo ni chichay. Hindi kayo nakakadagdag sa problema
ko. Sadyang walang kwenta lang talaga ang mga magulang na’tin kaya na’tin ‘to nararanasan. (marahan
nitong niyakap ang kapatid ngunit naramdaman n’yang nahihirapan nanaman itong huminga dahil sa init
ng panaho at hika nito. Agad agad na inabutan ng plastik ni magda ang bunsong kapatid)

Chichay: ate, wala na rin tayong bigas pang saing kagabi pa nung huli kaming kumain bago ka pumasok
sa trabaho. (nakayukong pahayag ni chichay habang hinahaplos ang tyan na para bang sumasakit na ito
dahil ilang oras ng walang laman)

Magda: ito, singkwenta pesos bumili ka muna ng bigas d’yan sa tindahan sa labas at chichirya pang ulam.

Chichay: salamat ate!

Nang makita n’yang nakaalis na ang kaniyang kapatid at nakabalik na sa pagtulog ang bunso nitong
kapatid lumabas s’ya ng bahay para sunduin ang mga magulang nito na walang ibang ginawa kung hindi
mag susugal ay mag iinom naman ng alak. Minsan dn n’yang nabaltaan na ang kaniyang ama ay nag
dodroga ngunit hindi pa n’ya ito nakikita o nahuhuli sa akto kaya naman hindi s’ya naniniwala.

Habang nag lalakad papunta sa lungga ng kanyang mga magulang ay nakakita s’ya ng kumpulan ng tao
kaya naman agad s’yang lumapit ngunit parang gumuho ang kaniyang mundo ng makita kung anong
mayroon doon.
Magda: nay, tay? Anong ginagawa n’yo? (naguguluhang tanong ni magda ng makitang may hawak na foil
ang kanyang mga magulang habang may sinisinghot sa putting pinong parang tawas sa supot ng plastik)

Roberto: nandito pala ang pinaka maganda kong anak (sabi nito habang parang ibang tao at sabog na
sabog ang mukang tumingin kay magda)

Edna: ano nanaman ba ang kailangan mo? Nakaka istorbo ka saamin (sabi nito habang nasinghot pa na
parang wala sa sarili)

Magda: nay! Tay! Ano ba???! Ayan pa ang inuuna nyo habang yung mga anak nyo halos mamatay na sa
gutom at sa sakit tapos kayo lulong sa droga?!

Roberto: aba’t! Huwag na huwag mo kaming sisigawan ng nanay mo! Pokpok ka magda! Wala kang
maipag mamalaki! (sabi nito habang sinasabunutan si magda at inginudngod sa lamesa na may mga
droga)

Magda: bitiwan nyo ako! (nag pupumiglas na sabi nito at itinulak ng malakas ang kaniyang ama at
tumakbo)

Habang nag lalakad si magda pauwi ng bahay at nakayapak lang pinagisipan n’yang mabuti ang malaking
desisyon na kaniyang gagawin. Kinuha n’ya ang telepeno sa bulsa at tinawagan ang taong sa tingin n’ya
ay makaka tulong sakanya.

Jelay: oh, besssssy! Himala at tumawag ka saakin? Anong sa’tin?

Magda: buo na ang desisyon ko. Handa na akong magbenta ng laman at kumapit sa patalim.

Jelay: ha? Bakit may nangyari ba? Pupuntahan kita nasaan ka ba?

Magda: nandito lang sa kanto pauwi saamin (ng makauwi si magda sa kanilang bahay agad n’yang
binalot ang mga gamit at damit n’ya pati ng dalawa n’yang kapatid.

Chichay: ate? San ka pupunta? Mag lalayas ka? Iiwan mo na kami?

Magda: hindi ako aalis, tayo. Tayo ang aalis sa walang kwentang buhay na ito. Kaya ko kayong buhayin.
Gagawin ko ang lahat para lang mabuhayko kayong dalawa.

Angge: pero paano sila nanay at tatay ate? Bakit na’tin sila iiwan dito? (sabat ng bunsong kapatid at
tumulong sa pag lalagay ng damit sa mga bag)

Magda: hindi na na’tin sila kailangan. Masyado silang walang kwenta para makita ang paglaki nyong
dalawa. Tyaka wala din naman silang tinutulong dito sa bahay. Mag tatrabaho ako ng kahit na ano para
lang mabuhay ko kayo.

Nang makaalis ng bahay si magda kasama ang mga kapatid at bag na puno ng damit nila ay agad s’yang
nakipag kita kay jelay upang humingi ng tulong kung saan pwedeng tumuloy ng panandalian.

Jelay: besssy, pasensya kana hindi kayo kasya sa apartment na ‘to kapag nakaipon ka pwede ka naman
kumuha ng mas maganda at malaking apartment.
Magda: ok lang ano ka ba mas maganda nga na maliit lang para mura at mas matututukan ko ang
dalawang ‘to. Salamat talaga ng marami jelay!

Jelay: walang anuman ano kaba sabi nga nila “that’s who are friends for” (sabi nito kahit baluktot ang
english ay tumatawa pa) tama pa ang sinnabi ko? Parang mali? Hahahhaha

Magda: hayaan mo na basta magkaibigan tayo haha

Jelay: osya mag gagabi na mag pahinga na muna kayo. Bukas na kita kakausapin tungkol sa trabaho mo.

Tunay ngang ang pag-ibig ni Magda para sa kanyang mga kapatid ay para ng mga talang sa kalangita’y
nakaukit at walang ibig na huminto sa pagkislap. Kasabay nito ay ang napakalalim at purong pagmamahal
na kahit sino ma’y hindi makakapantay.

Makalipas ang ilang lingo ay halos ilang oras na lang ang itinutulog ng kanilang ate. Isang beses ay umuwi
ito na umiiyak.

Angge: Ate? Bakit ka umiiyak?

Magda: hindi na ako makakapag patuloy sap ag aaral angge!

Angge: bakit po ate? Maynangyari bas a eskwela mo?

Magda: mahabang kwento angge

Angge at Chichay: wala naman kaming pupuntahan ate, pwede mo saamin sabihin ang mga problema
mo. Tayo tayo nalang ang nandito dapat tayo tayo rin ang mag tulungan sa oras ng kagipitan kaya naman
sige na ate mag sabi kana saamin para naman gumaan ang pakiramdam mo.

PAGBABALIK TANAW

Papasok na sa eskwela si Magdalena galing sa kaniyang trabaho ngunit na tataka s’ya kung bakit parang
nag titinginan ang mga tao sakanya kaya naman naka yuko na lang syang nag lakad

Jane: Oh! Andito na pala ang pokpok nating ka eskwela (Sigaw ni jane sa kanilang klase at nasundan iyon
ng sigawan att pangangantyaw)

Parang binuhusan ng malamig na tubig si magda ng margining ang sinabi nito. Paano nito nalaman na
nag tatrabaho s’ya ng gano’n ehh wala naman s’yang pinag sabihan nito.

Magda: a-ano bang sinasabi mo Jane?

Jane: grabe maang maangan. Ang galing mo ipag patuloy mo ‘yan!

Magda: bakit mo ba ginagawa saakin ‘to?

Jane: Bakit kamo? Dahil ang lalaking customer mo gabi gabi ay tatay ko lang naman! Masaya ka ba?
Malaki ba ang perang binibayad n’ya sa’yo? Masaya ka ba na nakapanira ka ng pamilya?!
Magda: wala akong alam sa mga paratang mo! Pagod ako Jane parang awa nyo nap ag pahingahin nyo
naman ako! (sigaw ni Magda at sumabas agad ng klase dahil alam nyang hindi mag tatagal ay kakausapin
na s’ya ng kaniyang mga guro kaya mas minabuti nya na umuwi nalang ng bahay)

Angge: ate patawad kung kinakailangan mong pasukin ang ganong mundo para lang mabuhay kami ni
ate chichay.

Chichay: hayaan mo ate mag tatrabaho din ako para makatulong sa’yo. (puno ng kumpyansa na sabi ng
kapatid na si chichay kay magda)

Magda: hindi na. ako na ang mag tatrabaho, ngayong hindi na ako napasok sa eskwelahan ay mas
makaka kuha pa ako ng ibang raket para makatulong satin.

Hindi lingid sa kalam ni Magda ay may mga taong nais tumulong at nag mamalasakit sa kanya at palihim
na nag hahanap ng paraan upang maibsan ang responsibilidad nito sa daalawang kapatid, hanggang sa
isang araw.

DSWD: Tao po!

Magda: Sino ho sila?

DSWD: Kayo ho ba si Magda?

Magda: Akon nga ho. Ano po ang kailangan nyo? Mejo nag mamadali ho kasi ako.

DSWD: May nakapag bigay alam sa AMING programa na magisa mo lamang tinataguyod ang dalawa
mong kapatid. Tama ba ang impormasyong nakarating saamin?

Magda: Tama po, wala kasing kwenta ang mga magulang nmin. Mas pinili ang bawal na gamut kaysa
asikasuhin kaming mga anak n’ya.

DSWD: Ayon ho ang ipinunta naming dito kung hindi ho kayang tustusan at bigyan ng maayos na
pamumuhay ang mga batang ito ay mapipilitan po ang programa naming na kunin saiyo at
pansamantalang kupkupin ang mga bata na. Ang programa ng Sagip Kalinga at ang paglagay ng mga
batang kalye o bata na hindi kayang buhayin ng mga magulang bilang sakop sa "children-at-risk" na
polisiya ng Juvvenile Delinquent Act of 2006 ay ilan lamang sa mga halimbawa ng pagbibigay ng pansin
sa nararapat na kalagayan at kapakanan ng mga bata sa pagtakda ng batas at polisiya. Ang sagip kalinga
ng nagbibigay daan upang makuha at masagip ang mga btang kalye mula sa karahasan. Kapag sila ay
nadala na sa mg center, angg kanilang mga kalagayan ay sinusuri ng mabuti para sa mg epektibo na
interbensyon. Bunga nito, mas lumalawak pa ang sakop ng nagagawa nilang mga ordinansa para sa
pangngalaga ng kabataan. Ang pagkasakop ng mga batang kalye sa children-at-risk na grupo din ay
nagpapatunay ng pagbibigay halaga sa mga kabataan Dito, mas pinatindi ng gobyerno ang polisiya ukol
sa pangangalaga ng mga kabataa.

Hindi nag laon at mabigat man sa loob ni Magda ang desisyon na ito ay wala s’yang magagawa
sapagkat mayroon din s’yang malaking problema na kinakaharap.

Dahil sa ganitong trabaho ni magda ay hindi nito naiwasan na makaramdam ng iba’t ibang sakit sa
katawan. Hindi nga nag tagal ay nag desisyon din itong mag patingin sa eksperto dahil sa kakaibang
sakit na nararamdaman n’ya.
Doc: Kayo ho ba si Mada Borja?

Magda: Akon ga ho, an oba talaga ang nangyayari sa katawan ko doctor?

Doc: ‘wag ka sanang mabibigla ngunit ng matapos naming eksaminahin ang iyong dugo ay may
natuklasan kami. Mayroon ho kayong HIV ginang Magda. Ang karamihan sa mga impeksiyong HIV ay
nakukuha sa pamamagitan ng hindi ligtas o hindi protektadong pakikipagtalik (hindi paggamit ng
kondom).

KASALUKUYAN

Tatlong dekada na ang nakalipas nang si Ate ay lumisan sa mundong ibabaw. Ako ay lumaki sa
poder ng aking ate na s’yang nagpaka ina saaming magkapatid. Sa murang kaisipan pa lamang ay
nasaksihan ko na ang kahirapan sa buhay. Nasaksihan ko rin kung papano inalintana ni ate ang
paghihirap at labis na sakit ng katawan mula sa buong araw na pagtatrabho, pag lalaba at kung ano
ano pang klase ng raket ni ate. Ito ang kwento ng aking ina. Isang huwarang ina na handang tanggapin
ang anumang hamon ng buhay upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang mga kapatid na
halos na ituring Nyang sariling anak. Ngayon ay tapos na kaming mag aral sa kolehiyo ni Angge at pinag
papatuloy ang pangarap na hindi nagawa ng aming ina.
ANG POKPOK KONG
INA
(ISKRIPT)

MGA TAUHAN:

BLESS BIASONG: “ROBERTO” AMA NI MAGDA NA LULONG SA IBA’T IBANG BISYO GAYA NG DROGRA AT
PAG INOM NG ALAK

JULIANA ABUTIN: “EDNA” INA NG MAG KAKAPATID. SUGALERA AT KALAUNAN AY NALULONG DIN SA
DROGA.

LYCA JANE GUARIN: “JANE” ANG MAG PAPAHIRAP SA SITUWASYON NI MAGDA

JASMINE DELA CRUZ: “MAGDA” PANGANAY NA ANAK NA NAPILITANG KUMAPIT SA PATALIM DAHIL SA
HIRAP NG BUHAY AT SA PAG MAMAHAL SA KANYANG PAMILYA.

YZAVELLE LASAM: ‘’JELAY” MATALIK NA KAIBIGAN NI MAGDA NA NAG TATRABAHO SA BAR

CHRISTINE HIGUERRA: “CHICHAY” PANGALAWA SA MAG KAKAPATID

MARY ANNE ZOLETA: “ANGGE” BUNSO SA MAG KAKAPTID, SAKITIN AT MAHINA ANG RESISTENSYA

AMBBIE MANALILI: DSWD NA TUTULONG KAY MAGDA


JULIANA ABUTIN: DOCTORA

You might also like